South Boys #2: Heartbreaker

By JFstories

13.3M 748K 524K

He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrer... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
The Final Chapter
Epilogue
message-bonus chapter-announcement
BONUS CHAPTER
SOUTH
Serial Charmer

Chapter 60

190K 9K 4.2K
By JFstories

HNY!  This chapter was supposed to be the UD last Sat hehe.


-----



"DAHAN-DAHAN."


Inalalayan ko si Jordan na maibaba sa kotse si Kulitis. Dahil tulog na ito pagdating namin sa compound ng mga del Valle ay kinarga na lang niya ang bata.


Ako ang nagbukas ng gate ng compound. Ako rin ang nagbitbit sa mga pinamiling laruan ni Jordan para sa bata. Hindi pa kami nakakalapit sa bahay nina Isaiah ay lumabas na si Tita Anya. Nang makita kami ay sumalubong agad ang ginang.


"Pakipasok na lang sa loob, 'To."


Sumunod naman si Jordan sa utos sa kanya. Sa sofa ng sala niya inilapag ang tulog na tulog pa rin na si Kulitis.


Binuksan ni Tita Anya ang wall fan at itinutok sa apo na nakabulagta sa sofa. Ang stand fan naman ang itinutok niya sa amin ni Jordan. "Salamat sa pag-asikaso sa apo ko."


Ngumiti ako sa ginang. "Walang anuman po."


"O talaga? E di pwedeng umulit?"


Ang ngiti ko ay nauwi sa pagngiwi.


"Sino pala itong kasama mong lalaki?" Tiningnan ni Tita Anya si Jordan mula ulo hanggang paa. "Guwapo, ah."


Ikinuha niya ng ginang ng tubig si Jordan at muli akong hinarap.


"Akala ko naman e makikipagbalikan ka sa anak ko, meron ka na palang boyfriend. Pero mukhang mas ayos 'to, mukhang mas matino kay Isaiah. Kung wala namang sabit e wag mo ng pakawalan 'yan."


Nang kumilos si Kulitis sa sofa ay pinakpak ko ang bata sa pwet para hindi maudlot ang pagtulog.


Hindi pa rin naman tinigilan ni Tita Anya si Jordan. "Binata ka pa ba, 'To?"


"Opo," magalang na sagot naman ng lalaki.


"E seryoso ka ba rito kay Carlyn? Saka anong trabaho mo? Malaki ba sahod mo? Malakas kumain itong girlfriend mo."


"Tita, alis na siguro kami. Baka abutan kami ng traffic sa Malabon," sabi ko para matigil na siya sa mga sinasabi.


"Walang traffic sa Malabon, sa Tejero lang meron." Sinimangutan ako ni Tita Anya. "Saka kinakaliskisan ko itong boyfriend mo."


"He's not boyfriend."


Hindi pinansin ni Tita Anya ang sinabi ko. Nakangisi siyang nang harapin ulit si Jordan. "Ayang si Carlyn, parang anak ko na 'yan. Nawawalang anak ko nga siguro 'yan."


Ang dami pang sinabi ni Tita Anya bago kami pinakawalan ni Jordan. Pinilit din kaming doon maghapunan pero mabuti at tinawagan na ako ni Nanette. Ginawa ko iyong dahilan para makaalis na kami. Hindi na kami inihatid ng ginang sa gate ng compound nila dahil walang maiiwan sa natutulog na apo.


Napagod din siguro ako kakahabol kay Kulitis sa maghapon kaya noong bumabyahe na ay nakaidlip ako sa upuan ng kotse ni Jordan.


Naalimpungatan na lang ako sa sobrang tahimik at payapa ng pakiramdam. Hindi ko na nararamdaman ang malumanay na pagtakbo ng sasakyan at wala na rin iyong mga headlights sa kalsada na panaka-nakang sumisilaw sa akin.


Nang magmulat ako ng mga mata ay madilim ang paligid. Nasa kotse pa rin ako ni Jordan pero hindi na kami umaandar. Patay ang lahat ng ilaw at nakahinto kami sa kung saan.


Naka-inclined ang kinauupuan ko kaya kinailangan ko pang alisin ang seatbealt sa aking katawan para makatayo ako. Sumilip ako sa katabi kong bintana at nakita ko na nasa tapat na kami ng gate. Nakauwi na kami pero bakit hindi niya ako ginising?


Nilingon ko siya sa driver's seat kung saan siya nakaupo. Naroon siya at nakasandal sa sandalan ng upuan. Hindi ko masabi kung nakapikit siya dahil madilim nga.


"Hey, Jordan," tawag ko sa kanya.


Wala akong nakuhang sagot kaya umusod ako palapit. Pilit kong sinisipat kung nakapikit ba siya dahil baka nga natutulog siya.


Pero bakit naman niya dito naisipang matulog sa sasakyan? Nakauwi naman na kami kaya kung inaantok siya ay pwede naman siyang sa loob matulog. Pwede siya sa sofa o kaya sa kwarto ko tutal makapal naman na ngayon ang mukha niya.


Inalis ko ang suot niyang salamin sa mata at saka hinawakan ang kanyang pisngi. Marahan ko siyang iniharap sa akin. "Jordan, tara na sa loo—"


Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil nang maiharap ko siya sa akin ay agad siyang tumungo at hinalikan ang aking nabiglang mga labi. Nanlaki sa dilim ang mga mata ko.


It was a tender kiss. So tender that it momentarily swept away my sanity. His hand gently held my nape to support and stop me in case I'd try to pull away.


Jordan kisses deepened, and when I was about to kiss him him back, he ended the kiss by resting his forehead against mine.


"I hate you," humihingal at bitin na sambit ko.


"I know."


We were both panting for air while our foreheads were still pushed together. Ang mainit at mabangong hininga niya ay tumatama sa mukha ko at ganoon din ako sa kanya.


Marahan ko siyang itinulak sa matigas niyang balikat para lumayo sa kanya. Pinakawalan niya ako pero sumunod naman siya sa akin. Ang mukha niya ay kanyang isinubsob sa aking leeg.


Hinayaan ko lang siya hanggang sa siya na ang magsawa at umayos sa pagkakaupo. Panay ang lingon niya sa akin kahit nakapatay pa rin naman ang ilaw.


Niyaya ko na siyang bumaba na at pumasok na sa loob ng bahay dahil baka makita kami ni Nanette at magtaka pa iyon kung bakit hindi pa rin kami lumalabas ng kotse.


Nauna na ako sa loob dahil ipinark niya pa ang kotse sa garahe. Mabilis lang naman siya dahil sandali lang ay pumapasok na rin siya sa pinto ng sala.


"Ate, naghain na ako ng hapunan. Kakain na kayo?" Natigilan si Nanette nang mapatingin siya kay Jordan.


When I looked at Jordan I then knew why. The evidence of our kiss was still on his lips. Napapikit na lang ako sa embarrassment.


Nang mauna nang pumasok sa kusina si Nanette ay humakbang ako palapit kay Jordan at hinila ang kwelyo niya. Walang angal na yumuko naman siya sa akin.


Pinunasan ko ang gilid ng kanyang mga labi gamit ang aking mga daliri. Nakatingin lang siya habang ginagawa ko iyon.


Dahil makapit ang lipstick ay namula lang iyon lalo sa kanyang balat. Dinukot ko ang maliit na sachet ng wipes sa aking dalang bag. Iyon din iyong wipes na ginamit ko kay Kulitis kanina.


Nang akma ko nang ididikit sa mga labi ni Jordan ang wipes ay natigilan ako dahil nakangiti siya. Tinaasan ko siya ng kilay.


"'Wag mong sabihing magrereklamo ka rin dahil pamunas ito sa—"


Lalo siyang ngumiti to the point na parang ayaw ko nang tingnan ang mukha niya dahil nagiging weird na naman ang aking pakiramdam.


"Mauna ka na sa kusina. Magbibihis lang ako," sabi ko at itinulak na siya palayo. Walang lingon-likod na iniwan ko na siya at umakyat na ako sa hagdan.


Nag-shower muna ako bago bumaba. Ipinagsandok ako ni Jordan ng kanina pero inagaw ko sa kanya ang sandok dahil kaya ko namang sandukan ang aking sarili. Ipinagsalin na lang niya ako ng tubig sa baso.


Tahimik lang kaming kumain ng hapunan. Tahimik lang si Nanette habang patay malisya ang mga tingin sa kung paano ako pasimpleng asikasuhin ni Jordan sa hapag at kung paano ko naman lantarang hindi binibigyan ng pansin ang ginagawa ng lalaki.


Nauna na akong umakyat sa itaas nang makatapos kumain. Uminom ako ng gamot at nag-check ng mga messages ni Charlotte. Pahiga na ako nang pumasok si Jordan sa pinto.


Hindi ko talaga ini-lock dahil papasok siya. Naka-pants na lang siya at wala nang pang-itaas. Basa ang buhok na mukhang naligo siya sa banyo sa ibaba bago pumunta rito.


"May lakad ka ba bukas?" tanong niya sa akin. Ang kulay tansong mga mata ay nakatuon sa hawak kong phone.


"Yes. Ikaw?"


"Pupunta ako sa firm sa Manila. Babalik ako sa gabi."


"Okay." Tinapik ko ang kama. "Come here."


Sumampa naman siya at lumapit sa akin. Humiga siya sa kandungan ko at pumikit. Isa iyong pagkakataon para malaya ko siyang mapagmasdan.


"Thanks for today," mahinang sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya. "But you didn't have to go that far."


Umubos siya ng oras, lakas, at pera sa buong maghapon. Hindi niya kailangang gawin iyon.


Dumilat siya at napalunok ako sa intensidad ng malamlam na mga tingin niya. The way he looked at me was the same to how he used to look at me in the past. Tinakpan ko ng aking palad ang mga mata niya.


"Don't overdo it, Jordan," mahina pero mariing sabi ko.


Hindi ako tanga para hindi mapansin ang mga ginagawa niya. He was being kind, gentle, and caring towards me.  


Kahit hindi totoo ang mga ipinapakita niya, hindi ko iyon kailangan. Kung totoo naman ay mas lalong hindi ko matatanggap, dahil hindi ako karapat-dapat. He was just wasting his time and energy for nothing.


"Tandaan mo, hindi ka nagkamali para hindi matuto."


Inalis ko ang kamay na nakatakip sa paningin niya.


Nang bumangon siya ay umalis ako sa kama. "Now, if you're not here for sex then I think that you should just leave."


Marahas na napahagod siya sa kanyang buhok at napabuga ng paghinga.


"Leave," utos ko.


"No." Umalis na rin siya sa kama at humakbang papunta sa akin.


"Sex lang, Jordan."


Iyon lang ang gusto ko, iyon lang kaya ko.


Nilinaw ko na ito at lilinawin ko ulit kung sakaling magkakaroon ng sisihan sa huli, pero hindi na sana umabot sa ganoon.


"Inaantok na ako. Umalis ka na, Jordan."


"Ayoko." He grabbed my wrist and to my surprise he placed my hand on his crotch.


I frowned as I looked up at him. "You... Why are you hard already?"


Sa dim na ilaw na galing sa lampshade ay hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng pisngi niya.


"The word 'sex' turns you on?" Napangiti ako. Humigpit ang pagkakahawak ko sa matigas at nagwawalang bagay na nasa pagitan ng mga hita niya. Mariing nakagat niya ang ibabang labi.


Hindi siya makatingin sa akin at ang paghinga niya ay palalim nang palalim. Itinulak ko siya sa kama hanggang sa makaupo siya. Ang paa ko ay ipinatong ko sa kandungan niya, doon mismo sa parte niyang dahilan ng paghihirap niya.


"Look at me," utos ko sa kanya.


Nang hindi siya sumunod ay idiniin ko ang paa ko sa kinapapatungan nito. Napadaing siya at napakapit sa sapin ng kama.


"I said, look at me."


Marahan siyang nag-angat ng paningin. Ang mga mata niya na kanina'y malamlam ay ngayo'y nagliliyab.


"We only both want this so let's not complicate things, alright?"


Nagtagis muna ang mga ngipin niya bago siya mabagal na tumango.


"Say it. I wanna hear it."


"Yes," maaligasgas ang boses na sabi niya.


"Good." Hinawakan ko ang laylayan ng aking suot na pantulog saka paitaas na hinubad iyon hanggang sa ang pang-ibabang panloob na lang ang matira sa aking katawan.


Nang kumalong ako sa kanya at patibuwal siyang nahiga sa kama kaya sa nauwi ako sa ibabaw niya. Naglapat ang mga sabik naming labi kasunod nang pagpapalit niya sa pwesto naming dalawa.


Dumagan sa akin si Jordan habang mainit at malalim ang pagpapalitan namin ng halik. Matamis, may pait, may galit na hindi ko alam kung kanino sa amin nanggagaling. Gayunpaman ay walang kasing init ang aming magkadikit na mga katawan.


Ang isang beses sa buong magdamag ay madali na lang na naging dalawa, hanggang sa hindi na namin namalayan na naging tatlo na.


Sa huli ay hindi na niyang magawang umalis sa ibabaw ko dahil sa pagod. Nakasubsob siya sa dibdib ko. Hinayaan ko siya at tiniis na lang kung gaano siya kabigat.


Nakapagtataka lang na kahit sa hindi komportableng sitwasyon ay naging maganda at payapa ang aking naging pagtulog. Hindi ko na maalala kung anong oras ko na ba bumangon si Jordan para mahiga na sa aking tabi.


Pagmulat ng mga mata ko kinabukasan ay wala na si Jordan. Maaga nga pala siyang lumuwas papuntang Manila. May trabaho siya. Bumangon na rin ako para lang bumagsak ulit pahiga sa kama.


"Oh, aw!" Napahawak ako sa aking biglang kumirot na bewang. Parang nagkabali-bali ang buto ko hanggang likuran.


Napamura ako nang tumayo ay manginig naman ang aking mga binti. Nanatili muna ako ng ilang minuto sa gilid ng kama. Nang makapagpahinga ay bumuwelo ako patayo. Masakit ang bawat paghakbang pero kailangan kong tiisin.


8:00 pm na at kailangan ko nang mag-ready. May lakad ako ngayon. Pupunta ako sa munisipyo para kumuha ng business permit at pagkatapos ay tutuloy ako sa café.


Hindi na ako nag-almusal sa bahay dahil alas nueve na. Ayaw ko na lalo pang tanghaliin. Lumabas ako sa pinto habang hinahanap sa screen ng phone ang Grab app.


Paglabas ko ng gate ay nagulat ako nang makita si Charles na nakasandal sa naka-park niyang kotse. Naka-all white siya from his longsleeves polo, white pants, and white shoes. Malinis na malinis at parang napakabango niyang tingnan. Para siyang model ng sabong panlaba na pang-alis ng mantsa.


Nag-all white na rin si Jordan at iba naman ang tingin ko sa lalaking iyon. Maihahalintulad ko siya sa anghel na nasa loob ang kulo dahil kahit anong amo ng mukha niya, alam ko kung gaano siya kabarumbado sa kama.


Napaismid ako nang maglakad ay nagkirutan na naman ang aking buto sa likod. Bwiset!


Sa susunod ako na lang ang kikilos para hindi ganitong daig ko pa ang may rayuma kinabukasan.


Nang makita ako ni Charles ay ngumiti siya. "Good morning."


"Good morning din," sagot ko kahit nagtataka. Wala naman kasi kaming usapan na magpapasundo ako sa kanya.


Hangga't maaari nga ay ayaw ko na siyang abalahin. Natulungan niya na ako sa paghahanap ng pwesto sa café at nakapag-refer na rin siya sa akin ng interior decorator. Sobra-sobra na ang tulong niya sa akin. 


"I'm free until Friday." Ipinagbukas niya ako ng pinto ng kotse.


"Mabuti na lang hindi pa ako nakakapag-book sa Grab." Hindi ko na rin naman kasi siya matatanggihan dahil nandito na siya. Sasabihin ko na lang na sa susunod ay wag na ulit siyang pupunta.


Pagpasok sa loob ng kotse ay inabutan niya ako ng cup of iced coffee. Tinanggap ko naman dahil kailangan ko rin talaga ng pampagising. Ililibre ko na lang siguro siya ng lunch mamaya para makabawi.


Sinamahan ako ni Charles sa munisipyo dahil wala naman daw siyang gagawin. Hindi naman siya nainip kahit medyo tumagal ako sa loob. Paglabas namin ay quarter to 11:00am na. Sa Jollibee na lang kami kumain.


Si Charles ang umorder ng pagkain namin pero inabutan ko siya ng isang libo kahit ayaw niyang tanggapin. Nilagay ko sa back pocket ng suot niyang jeans. Kakamot-kamot ng ulo na pumunta na siya counter.


Habang naghihintay sa kanya ay nakapangalumbaba ako sa mesa. Walang masyadong nagbago sa lugar na ito. Ang huling kain ko rito ay noong senior high school.


Ipinilig ko ang aking ulo bago pa mapunta sa kung saan ang utak ko.


Pagbalik ni Charles ay tahimik kong kinain ang inorder niya. Hindi naman niya nagalaw ang kanya at parang naubos lang ang oras niya sa pasimpleng pagmamasid sa akin.


Pagkasipsip sa soda ay nagtaas ako ng paningin sa kanya. "Nakakabusog naman ba?"


Nabigla naman siya. "W-what?"


"Watawat."


Namula agad ang kanyang pisngi. Yumuko siya at pasimpleng nagpunas ng tissue sa labi kahit wala namang dapat punasan doon.


Tumikhim siya. "Uh, since you're opening a café..." simula siya ng topic. "Are you also planning to stay in the country for good?"


"Ewan," sagot ko habang nakatingin sa kanya at sumisipsip sa straw.


Hindi naman malaman ni Charles kung saan ibabato ang paningin. "Uh, a-anong ewan? Pwede bang ewan? P-paano ang café mo kung sakaling aalis ka?"


"Ewan," sagot ko ulit. Ano bang mali sa sagot na iyon?


Wala akong balak umalis ng bansa dahil magbubukas pa lang ang café ko. May mga goals din ako na gustong maabot pero hindi ko pa rin masasabi na hindi ako aalis.


Syempre pwedeng dalawin ko si Ate Jade sa Singapore o kaya ay maisipan kong mamasyal saglit dahil stressed na ako sa pagne-negosyo. Mga ganoong senaryo. Saka pag umalis ba ako ay maglalaho na parang bula iyong café ko? Hindi naman siguro.


"Carlyn." Tumikhim muli si Charles. "Uh, what do you think can make you stay—"


Natawa ako. "Interview ba ito?"


Muli namang napakamot sa ulo si Charles. Lalaking-lalaki siya, ang guwapo-guwapo, at ang tangkad na tao pero para siyang bata ngayon kung mamula at kumilos sa harapan ko.


"Come on, I just wanna know. What if ma-in love ka? Aalis ka pa ba?"


Ikiniling ako ang aking ulo kasabay ng pagkabura ng aking ngiti. "Love? That is only for fools."


Si Charles naman ang napatitig sa akin sa pagkakataong ito.


"I'm sorry, hindi ko pala dapat nilalahat. May mga tao na pwedeng magtagumpay sa ganyang aspeto, hindi nga lang siguro kasali ang mga katulad ko." Nangalumbaba ako ulit sa mesa habang nilalaro ang straw ng soda.


Tumiim ang mga labi niya.


"I just don't think that I'm cut out for love." Nagkibit ako ng balikat. "Makakasakit lang ako ng ibang tao kaya 'wag na."


Matagal bago siya muling seryosong nagsalita. "Paano kung makakita ka ng taong hindi huhusgahan kung hanggang saan ka lang? And what if that someone is actually experiencing the same pain, the same trauma that's why he can fully understand you?"


"Charles..."


"If that someone can be contented in anything that you can give and if that someone can understand even your deepest pain, will you let him stay beside you or will you push him away?"


Napalunok ako.


"You don't have to answer it now." Ngumiti si Charles at tumayo na. "Tara na. Baka naghihintay na sina Charlotte sa café."


Nang tumalikod si Charles ay sumunod na ako sa kanya. Hindi ako kumikibo sa buong byahe namin. Pagkarating sa café ay nandoon na nga si Charlotte. Kausap ng babae ang mga manggagawa. Patapos na nag pag-aayos sa lugar. Dumating na rin ang mga mesa't upuan na inorder niya.


Ibineso ako ni Charlotte. Nang mapatingin kay Charles ay naging alanganin ang ngiti ng babae. "Kuya, birthday ni Tita sa Sunday. Invited ba kami nina Nanay?"


Umiling si Charles. "Hindi yata siya maghahanda."


Tumango na lang si Charlotte at hindi na nagtangka na kausapin pa ang kapatid.


Palakad-lakad ako habang nagtitingin-tingin sa paligid. Magaling talaga si Charlotte. Malinis at mabilis din magtrabaho ang mga tao niya. Wala akong maireklamo dahil para sa akin ay nasunod talaga ang lahat ng gusto kong mangyari sa café.


Pinanood ko ang paglalagay ng mga disenyo sa kisame. Habang nakatingala ay napatingin sa akin ang isang manggagawa sa itaas. Sa pagkailang siguro ay dumulas sa kamay nito ang hawak na lalagyanan ng tools.


Nahugot ko ang aking paghinga nang biglang may humaltak sa bewang ko. Ang mga tools na dapat na babagsak sa akin ay sa sahig dumiretso.


"Tangina," mahina at mariing mura ng lalaking nakahawak sa akin.


Pagtingala ko ay ang guwapong mukha ni Charles ang aking nakita. Nagtatagis ang mga ngipin niya habang ang palaging maamong mga mata ay ngayo'y tila kayang pumatay dahil sa talim.


"Ano ba? Hindi ba kayo nag-iingat?" sita niya sa mga manggagawa.


"Sori, sir," hingi ng paumanhin ng manggagawa na nasa may kisame. "Ma'am, sori po."


Tinanguan ko ito maging ang ibang manggagawa na nakatulala sa amin.


"Charlotte, please naman pag-ingatin mo ang mga tao mo. Delikado iyong kanina, muntik nang mabagsakan si Carlyn."


Nataranta naman si Charlotte. "Sorry, kuya."


Hinawakan ko si Charles sa kamay. "Charles, I'm fine. Hindi naman ako nabagsakan dahil nahila mo naman agad ako."


"But still!"


Hinila ko na siya palabas ng café. "Kumalma ka, natakot iyong mga tao sa 'yo sa loob."


Napahilamos siya sa kanyang mukha. "Bakit ka kasi nandoon? Alam mong may ginagawa sa kisame? Paano kung nabagsakan ka?"


Nang tingnan ko siya ay natigilan ako dahil may nangingilid na luha sa gilid ng kanyang mga mata. 


"What am I going to do if you got hurt?" pumiyok na ang boses niya.


"I'm fine." Hinaplos ko siya sa braso para pakalmahin siya.


"Agh!" Napatalikod siya sa akin.


"Where are you going?"


"Sa kotse muna ako," mahina ang boses niya na may bahagyang pagaralgal. Ang kamay niya ay nakahawak sa kanyang noo habang naglalakad siya palayo.


Naiiling na akmang babalik ako sa café nang makitang nakatayo roon si Charlotte. "Charlotte, sorry."


"No. Ako ang dapat mag-sorry. Muntik ka nang mapahamak. Ayos ka lang ba talaga?" Lumapit siya sa akin habang ang mga mata ay nakasunod sa kuya niya na papalayo sa amin.


"Yes, ayos lang ako. Balik na tayo sa loob."


Malungkot na tumingin siya sa akin. "Hindi mo ba susundan si Kuya Charles?"


"Hindi." Nauna na ako na pumasok pabalik sa loob ng café.


Sa loob ay humingi ulit ng paumanhin sa akin ang mga manggagawa. Pinalubag ko ang loob nila dahil nag-aalala sila na baka galit si Charles. Sandali na lang akong nag-stay at nagpaalam na rin.


Pinuntahan ko si Charles sa parking. Kinatok ko ang salamin ng kotse sa may driver's seat. Bumukas ang salamin at nakita ko siya sa loob na nakasandal sa sandalang ng upuan. Hindi siya nakatingin sa akin.


"Pabukas ng pinto sa kabila," utos ko sa kanya.


May pinindot siya at narinig ko ang pagkaalis ng lock sa pinto ng passenger's seat. Umikot naman ako at sumakay agad. Nagsuot ako ng seatbelt saka siya nilingon.


"Galit ka ba?"


Hindi siya sumagot. Nagsuot na rin siya ng seatbelt. Hinuli ko ang kamay niya at hinila siya paharap. Saka ko nakita na namumula ang mga mata niya.


"Nag-drugs ka?"


Sumimangot siya. "Hindi ba pwedeng natulog lang kaya namula ang mata?"


"Natulog o umiyak?"


Lalo siyang napasimangot. Natawa naman ako.


"Meanie," bulong niya na narinig ko.


"Ngayon mo lang nalaman?" sabi ko na natatawa pa rin.


Ngumiti na siya bagamat naiiling. "Matagal na."


Humalukipkip ako. "Alam mo naman pala. Marami diyang mababait, iyong papasang santa, maghanap-hanap ka lang."


"Nah." Sinulyapan niya ako mula sa rearview mirror. "Even if you do meanest thing in the world, I'll still choose you."


"Kahit pumatay ako ng tao hindi mo ako isusumbong sa pulis?"


"Isusumbong. Hindi kita kukunsintihin, pero sasamahan kita sa kulungan."


Napatitig ako sa kanya. "What the fuck, Charles?"


Malamlam ang mga titig niya nang magtama ang aming mga mata. "Carlyn, I'm sorry but I like you."


"I told you to not say it, Charles!" asik ko sa kanya.


Yumuko siya. "I can't help it. I just really like you..."


Marahas na napabuga ako ng hangin. "You'll stop soon, trust me."


Ngumiti siya at umiling. "I don't think so."


"Bahala ka sa buhay mo basta sinabihan na kita." Nagkibit ako ng balikat. "Wala kang mapapala sa akin maliban sa friendship siguro? Hindi pa nga sure kahit iyon."


Ini-start niya na ang engine ng kotse. "It's fine. Whatever it is, just let me stay by your side."


Pagkarating sa tapat ng bahay namin ay bumaba na ako ng walang paalam. Pagpasok ko sa gate ay nangunot ang aking noo nang makitang nandoon na ulit akong kulay puti na Porsche ni Jordan.


Ang sabi niya gabi pa siya babalik?


Tumuloy ako sa loob. Madilim ang buong sala. Wala si Nanette kahit sa kusina. May note sa ref nang uminom ako ng tubig. Umalis pala ang babae dahil may bibilhin daw sa mall.


Umakyat na ako sa second floor dahil nahihinuha ko na kung nasaan si Jordan. Hindi nga ako nagkamali dahil pagpasok ko ay nakahiga sa aking kama ang lalaki.


Malamlam ang liwanag sa paligid. Nakasarado ang kurtina sa bintana, nakapatay ang ilaw, at tanging lampshade lang sa gilid ng kama ang nakabukas.


Tiningnan  ko muli ang lalaking nakahiga sa kama, Nakapatong ang isang kamay sa kanyang noo. Iba na ang suot na jeans at shirt. Nakapaa lang siya at walang suot na medyas. Ang specs niya ay nakapatong sa ibabaw ng bedside table na kasama ng kanyang relong pambisig, leather wallet, at car key.


Naghubad ako ng lahat ng suot at walang itinira na kahit ano bago sumampa sa kama. Sumiksik ako sa gilid niya matapos yumakap sa kanyang bewang. Nakatingin ako sa kanyang mukha.


"Why are you early today?" bulong ko dahil alam ko namang gising siya.


He removed his hand on his forehead. His brown eyes were so vivid even in the dimmed lights when I looked at them. "Would you believe me if I'll tell you that I missed you?"


I ran my fingers through his dark and soft hair. "I'll pretend that I didn't hear that."


"This is okay, Carlyn. I can accept everything." Hinuli niya ang pulso ko at dinala sa kanyang mga labi para masuyong halikan ang aking kamay hanggang sa bawat isang daliri.


Ang mga halik niya ay tumuloy at nanatili sa parte ng aking pulso na may bakas ng pilat.


The pain written in his deep brown eyes was so evident when he looked at me again. "Do anything but please, don't treat me like a stranger."


"No." Ngumiti ako at binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Our kind of relationship doesn't give you the right to order me like that."


Bumangon ako at sumakay sa ibabaw niya. Nakahubad na ako at siya na lang ang kulang. Kinalas ko ang belt at ang butones ng suot niyang jeans hanggang sa maramdaman ko na sa aking ilalim ang gusto kong pakawalan.


"Again, I am reminding you. Sex lang, Jordan. Sex lang."


Napapikit siya at mahinang napamura nang ako na mismo ang magpasok ng kanya. Nakatitig ako sa naghahalong sarap at sakit ng kanyang ekspresyon.


"This is only I can give you... And this is only what I need from you..." anas ko at saka marahang gumalaw.


"Ahhh, damn." Hinawakan niya ako sa magkabilang bewang at sinalubong ang bawat pagkilos ko.


"We will do it as many times as we want, as many times as we can, and after that, we will let each other go."


Napaungol ako kasabay ng aking pag-abot ko sa sukdulan. Humihingal na bumagsak ako sa ibabaw niya.


"Why?" sambit niya na kinakapos sa paghinga.


"Why?" Mapait akong ngumiti habang nakadapa sa ibabaw niya. "Because, Jordan... I must protect you from myself."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

46.3M 1.2M 62
Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Montenegro, the mafia prince who fears ghos...
1.1K 148 37
I HEART YOU BY:@c_sweetlady Sina Daint at Chariee ay nagkakilala dahil sa kanilang mga magulang na pinilit silang pag-lapitin. H...
6.6K 116 28
Collection of my artworksđź’•
3.7M 52.3K 17
Lindsey is a very liberal girl. She has this rule wherein her FBs will only last for 6 Months. Why 6 Months? And what are FBs? Read to find out. ;)