Fast Break

By Sweetmagnolia

3.4M 59.5K 4.9K

Jerome Hernandez is currently the hottest NBA player. He became an overnight sensation because of his hypnoti... More

FAST BREAK
NEW YORK CITY
MASAMANG PANAGINIP
ANG KAPITBAHAY
AUTOGRAPH
ANG COFFEE SHOP
BASKETBALL
TICKET
SHADOW LADY
LIHIM SA PAGKATAO
THE PROPOSAL
KATOTOHANAN AT PAGKUKUNWARI
LARO NG PUSO
PATINTERO
DI BALE NANG MASAKTAN
KATOK NG PAG-IBIG
KUNIN MO MAN ANG LAHAT
SULYAP SA KAHAPON
TURUAN MO AKONG MAGMAHAL
SA KANYA KA NA NGA BA?
BAGONG PANIMULA
HILAW NA PAGLIMOT
SINUNGALING KONG PUSO
DI LANG IKAW ANG NAHIHIRAPAN
KISLAP NG KAMERA
PAHIRAM NG SANDALI
PAIT NG PAGBAWI
SA NGALAN NG PANGALAN
AKIN NA LANG ANG MUNDO KO
TAMIS AT HAPDI NG PASASALAMAT
HIGIT SA LAHAT AY IKAW (FINAL)
EPILOGUE

ANO KA NGA BA SA PUSO KO?

106K 1.6K 161
By Sweetmagnolia




Masama ang tingin ni Jerome sa kausap. Malayo ang tinatakbo ng kanyang utak mula sa pinag-uusapang paksa. Hindi nakikinig sa mga paliwanag ni Mr. Tan tungkol sa plano ng mga gusali ng itatayong foundation. Nakatitig lamang siya kay Clark habang ang huli naman ay seryosong nakikinig sa paliwanag ng agent.

"Matanong ko lang Mr. Montecastro. Bakit gusto nyong maging sponsor ng foundation ko?"

Sabay na napalingon sa basktebolista ang seryosong nag-uusap na sina Clark at Mr. Tan sa biglaan nitong pagtatanong.

Nagdalawang-isip muna si Clark kung sasagutin niya ang wala sa paksang tanong ni Jerome. "Dahil gusto ko ring makatulong sa mga batang nangangailangan ng tulong."

Bagama't wala na siyang rason para manatiling maging sponsor ng foundation dahil wala na ang atensyon nya kay Jessica ngunit nagdesisyon pa rin syang ituloy ito. Para sa kanya, maganda ang mga plano ni Jerome kaya hindi masamang suportahan ito.

"Ano pa, Mr. Montecastro?"

Napaisip ulit si Clark. "Ahh.. dahil maganda ang mga plano at layunin mo para sa foundation."

"Yun lang ba, Mr. Montecastro? Wala na bang iba?" walang tigil na pagtatanong ni Jerome na noon ay unti-unti nang nagiging sarkastiko ang tono.

"Bakit meron pa bang maaring ibang dahilan sa sponsorship ng Bluestar, Mr. Hernandez?"

"Halimbawa hindi ba dahil sa isang tao?"

Napaisip ulit si Clark hanggang sa unti-unti niyang mapagtanto kung sino ang tinutukoy ng basketbolista. Marahil ay nabanggit dito ni Jessica ang naging usapan nila tungkol kay Sandra. "Walang dahilan para gawin ko syang rason dito Mr. Hernandez. Unang-una ay wala ka namang malapit na kaugnayan sa kanya."

Napangisi si Jerome. "Ahhh kaya pala kay Jessica ka lumapit. Bakit Mr. Montecastro wala ka bang tiwala sa sarili mong kakayahan?"

"Meron...pero mas gusto ko lang makasigurado. Ganito ako kapag may isang bagay na pinakamimithi. Nakahanda akong gawin ang lahat para lamang makuha ito."

"Hindi ba pambabastos sa pagkatao ni Sandra yang ginagawa mo?"

Binigyan ni Clark ng matapang na tingin si Jerome. Unti-unti na siyang nagtataka sa linya ng pagtatanong at tono ng pananalita ng basketbolista.

"Wala akong makitang mali sa ginagawa ko. Pambabastos ba ang bigyan ng importansya ang mga taong malalapit sa babaeng gusto ko."

"Binibigyan mo ng importansya pero may kapalit! Hindi isang paninda si Sandra para gawin mong kondisyon kay Jessica! Pag nalaman ito ni Sandra sa tingin mo ba hindi sya masasaktan o maiinsulto man lang?!" mataas na tonong wika ni Jerome.

"Sandali lang Mr. Hernandez...." natatawang wika ni Clark. "Pakilinaw mo nga sa akin kung para saan yang ikinakabahala mo. Dahil ba ito sa girlfriend mo na binigyan ko ng ganitong kondisyon upang tulungan ako sa kaibigan nya o dahil ito sa kaibigan ng girlfriend mo na syang kondisyon ko? Alin sa dalawa Mr. Hernandez?"

Biglang natigilan si Jerome sa tanong ng nakangising kausap.

"Naiintindihan ko kung dahil ito sa girlfriend mo... Pero kung nagkakaganito ka dahil kay Sandra, hindi ba parang may mali Mr. Hernandez? Hindi ba mukhang sobra-sobra naman yata ang pag-aalala mo sa kaibigan ng girlfriend mo? Ayokong isipin, Mr. Hernandez, na may dapat akong ikabahala sayo."

Tumayo si Clark at inayos ang neck tie. "Now if you'll excuse me, Mr. Tan next time na lang ulit tayo mag-meeting at mukhang magulo ang isip ng alaga mo ngayon."

Nakanganga at walang naisagot si Mr. Tan. Nakatulalang tiningnan na lamang niya ang papalabas sa pintong presidente ng Bluestar. Kanina pa sya nagtataka kung ano ang mainit na pinag-uusapan ng dalawang lalaki kaharap.

"Anong ibig sabihin nito Jerome? Bakit nakikipagtalo ka kay Mr. Montecastro? Nawawala ka na ba sa sarili mo? Alam mo bang pag nagback-out ang Bluestar ay hindi matutuloy ang opening ng foundation mo?"

"Hindi ko kailangan ang sponsor na hindi malinis ang intensyon sa pagtulong sa foundation," matigas na sagot ng binata.

"Ano? Anong masamang intensyon ang pinagsasabi mo? Wala akong makitang masama sa pagtulong na ginagawa ng Bluestar. Jerome, nakakalimutan mo na bang isa ito sa pinapangarap mo. Abot-kamay mo na kaya't wag mo nang bibitawan pa. At nakikipagtalo ka ba kay Mr. Montecastro dahil sa babae? Dahil ba kay Jessica?...Hindi eh may narinig akong ibang pangalan.... S-Sandra? Jerome anong nangyayari sa yo. Lihim ka bang nagtataksil kay Jessica?"

Napalingon bigla si Jerome sa agent. Napaisip siya sa huling binitawang tanong ni Mr. Tan. Taksil? Kilala ng agent ang pagkatao niya, kaya't papaano nito nagawang gamitin ang ganitong uri ng salita sa kanya?

Pagdating sa parking, napasuntok si Jerome sa manibela ng kanyang kotse. Nagagalit sya kay Clark Montecastro at ganun din sa kanyang sarili. Batid niyang nasosobrahan na ang pagmamalasakit na binibigay niya kay Sandra ngunit hindi niya ito maalis sa sarili. Gusto niya mang sundin ang kagustuhan ng kapitbahay na huwag panghimasukan ang kanya-kanyang buhay pero pakiramdam niya ay obligasyon niya ring protektahan ang babae. Nagmamalasakit siya dito dahil importante ito sa taong mahal niya. Pag nasaktan si Sandra, masasaktan din si Jessica. Pag nahirapan si Sandra, mahihirapan din si Jessica. Hindi ito pagtataksil gaya ng tinuran ni Mr. Tan.

Sa kabila nang pagtatanggol sa sarili sa kanyang isipan. Kusang nagbalik-tanaw sa kanya ang mga sandaling natitigilan siya kapag nakikita ang nakangiting mukha ni Sandra. Ang sayang naramdaman kapag nakakalaro ito sa gym. Ang sandaling biniro niya ito na kunway hahalikan. Ang naging pag-uusap nila sa rooftop. Ang minsang aksidenteng napayakap siya ng babae.

Napahawak siya sa dibdib. May kakaibang bilis ang tibok nito. Kumurap siya't paulit-ulit na umiling. Ika nga ng girlfriend espesyal si Sandra. Ito lang ang ibig sabihin ng lahat ng ito. Si Jessica lang ang mahal niya. Kinuha niya ang telepono para tawagan ang girlfriend.

"Hello Jessica...."

"Napatawag ka? Tapos na ba ang meeting mo?" masiglang tanong ng babae.

"O-Oo. Ikaw busy ka ba? Pwede ba tayong mag-date?"

"Date? Akala ko ba may training ka pa."

"Aabsent muna ako."

"Bakit bigla-bigla naman yata ang pagyaya mo?"

"Wala naman....namiss lang kita..."

"Sure sige magdate tayo. Wag mong ikakansel yan ha at aayusin ko na ang mga appointments!" excited na wika ng dalaga.

"Jessica..." napapabuntong hiningang wika ni Jerome.

"Yes?"

"I love you."

"I love you too."

"B-Bye."

"Bye!"

Ibinaba ni Jerome ang telepono at huminga nang malalim. Simula ngayon ibubuhos nya na ang buong atensyon sa girlfriend. Ito ang tama.  Siguro ay panahon na upang pag-aralan niyang iwasan si Sandra bago pa man magkaroon ng ibang kahulugan ang pagiging malapit niya dito.
                                                                                ------

Nakanganga at halos kulang na lang ay tumulo ang laway ni Vicky sa kakatitig kay Clark. Pinagmamasdan niya ang lalaki habang umiinom ng kape at seryosong nagbabasa ng diyaryo.

"Para syang hindi totoong tao. Mukha syang buhay na istatwa ni Adonis. Napakagwapo niyang lalaki."

"Huwag nga kayong maingay baka marinig ka nung tao," bulong ni Sandra habang nagliligpit sa counter.

"Kaibigan mo lang ba talaga yan?"

Tumango si Sandra.

"Hindi ka ba nililigawan? Bakit napapadalas yata ang pagdalaw niyan sayo dito?"

"Ganyan lang talaga yan kahit dati pa, madalas ginagawang tambayan ang pinagtatrabahuan ko."

"Baka naman may gusto sayo yan? Kung saka-sakaling ligawan ka nya, sagutin mo kaagad ha. Bagay na bagay kayo nyan."

Tiningnan ni Vicky si Sandra mula ulo hanggang paa. " Mag-ayos ka lang ng konti. Mag-ayos ka ng buhok, maglagay ka ng makeup, magdamit ka ng mga pang sosyal, matuto kang kumilos ng medyo mahinhin, dalas-dalasan mo ang pagngiti at magpaputi ka pa ng balat."

"Bakit di nyo na lang sabihin na magparetoke at magpalit ako katauhan."

"Pwera biro, kung sakaling may gusto nga sayo yan sagutin mo kaagad ha? Aba sa edad mong yan dapat may boyfriend ka na. Hindi ka ba naiinggit sa ibang mga babae dyan na nakakailang boyfriend na sa ganyang edad?"

Hindi sumagot si Sandra ngunit pasimple niyang tiningnan si Clark at di sinasadyang napatingin din ito sa kanya. Nagkasalubong ang kanilang mga mata. Nahihiyang nginitian niya ito sabay paling ng ulo sa ibang direksiyon.

Hinintay siya ni Clark hanggang uwian. Niyaya siya nito na kumain sa labas.

"O-Okay lang pero huwag sa mga mamahaling restaurant ha. Tingnan mo naman ang ayos ko ngayon," tugon niya na bigla na lamang naconcious sa sarili.

"Sure, ikaw ang pumili kung saan tayo kakain...Teka gusto mo bang magtren tayo ngayon?"

Nagulat si Sandra sa suhestiyon ng binata. "Sasakay ka ng tren? Tingnan mo nga yang hitsura mo." Tiningnan niya ang disenteng ayos ng kasama. Nakabihis ng mamahaling kasuotan mula ulo hanggang paa.

"Bakit anong masama sa hitsura ko. Tara magsubway tayo ngayon." Nakangiting kinuha ng lalaki ang kamay niya at masigla silang naglakad papuntang istasyon ng tren.

Habang nasa tren ay napapangiti siya sa isipan habang pinagmamasdan ang walang reklamong kasamang nakatayo sa siksikang tren. Ang pananamit lang nito ang nagbago pero ito pa rin ang dating Clark na nakilala nya. Ang lalaking may katigasan ang ulo na walang pagdadalawang-isip na ginagawa ang anumang magustuhan.

Dinala ni Sandra ang kasama sa isang mexican restaurant. Sa pagkakatanda niya, isa ito sa mga paboritong klase ng pagkain ng lalaki.

"Kumusta naman ang relasyon mo kay Jerome Hernandez?" tanong ni Clark habang kumakain.

Natigilan sa pagsubo si Sandra. "Relasyon? Anong ibig mong sabihin?"

"Yung samahan nyo? Okay lang ba ang closeness nyo ng boyfriend ng kaibigan mo?"

Ngumiti ang babae. "Ah yun ba? Okay naman, hindi naman kami gaanong close pero nag-uusap din kami. Madalas kasi kaming nagkakasalubong dahil katabing unit ko lang ang tinitirhan nya. Minsan nakakasabay ko rin siya sa gym."

"Magkatabing unit lang kayo?" gulat na sambit ng binata.

"Oo. Ang ibig kong sabihin ang unit ni Jessica ay katabi lang ng unit ni Jerome, o di ba parang itinadhana talaga sila sa isa't isa kasi binili yun ni Jessica nang hindi alam na dun din pala nakatira si Jerome. Bakit may problema ba? Bigla-bigla naman yatang napasok sa usapan natin ang boyfriend ng kaibigan ko."

"Wala naman."

Tumahimik bigla si Clark at nag-isip nang malalim habang pinapanood ang kasamang maganang kumakain. Kapitbahay nito si Jerome? Meron nga ba siyang dapat ipag-alala sa sikat na basketball player.
                                                                                 -----

Alas diyes ng gabi, naglalakad ang labing walong taong gulang na si Sandra pauwi galing sa pinagtatrabahuang restaurant. Pagdaan nya sa madilim na lugar ay may lumapit sa kanyang apat na kalalakihan. May humintong van at pilit syang isinakay dito ng mga lalaki.

Ibinaba sya sa isang masukal na lugar. Sinampal sya ng isang lalaki. Hinila ang buhok at kinaladkad siya patungong damuhan.

"Ba-bakit nyo ginagawa to? Anong kailangan nyo sa akin?" takot na takot na wika nya.

"Layuan mo si Clark Montecastro!" sigaw ng lalaki at muli siyang sinampal nito.

"Bakit kailangan ko siyang layuan? May ginawa ba akong masama?"

Itinulak sya ng isa pang lalaki. Napahiga siya sa damuhan.

"Umalis ka sa lugar na ito. Kung hindi ay may masamang mangyayari sayo!" bumunot ng baril ang lalaki at itinutok ito sa kanya.

Nanginig ang buong katawan niya sa takot habang nakatitig sa nakaumang na baril.

"Anong gagawin nyo sa akin? Hindi ko maintindhihan, bakit kailangan kong umalis?

"Kailangan mong layuan si Clark dahil kung hindi, parehong may masamang mangyayari sa inyo!"

"B-bakit? A-anong gagawin nyo kay Clark?"

"Alam mo na kung anong mangyayari sa kanya." Ikinasa ng lalaki ang kanyang baril.

"Huwag nyo syang sasaktan...susundin ko ang gusto nyo. Wag nyo lang saktan ang kaibigan ko," pagmamakaawang wika niya.

Hindi maaring mangyari ito. Hindi sya papayag na may masaktan na namang tao dahil sa kanya!

"Pare tutal nandito na rin lang naman tayo...bakit di pa natin tikman ang babaeng yan," nakangising wika ng isang lalaki.

Narinig niya ang binabalak ng lalaki. Nanlaki ang mga mata nya sa takot at sinimulan nyang tumakbo.

Hahabulin sana ng lalaki ang dalaga subalit pinigil ito ng isang kasamahan. "Pare kabilin-bilinan sa atin na takutin lang yan."

Walang tigil sa pagtakbo si Sandra. Tumutulo ang kanyang luha sa takot. Natatakot sya para sa sarili. Natatakot sya para kay Clark. Hindi pwedeng may masamang mangyari sa kaibigan nya! Hindi pwede! Hindi pwede!
                                                                         -------
Masiglang lumabas ng bahay si Sandra. Magdamag syang nagsulat subalit halos buong araw naman siyang nakatulog kung kaya't kahit day-off ay ganado siyang dumalaw sa coffee ship. Napatingin sya sa oras, alas-sais ng hapon. Tamang-tama ang punta nya, ilang oras na lang ay magsasara na ang shop at pwede nya ng yayain si Vicky maghapunan. Nakangiti siyang naglakad papuntang elevator. Naabutan nya doon si Jerome na naghihintay din. Nakabihis ito ng pormal.

Nginitian niya ang kapitbahay ngunit hindi sya nito pinansin. Nagbukas ang pinto ng elevator at sabay silang tahimik na sumakay. Nagtaka siya sa kilos nito. Hindi man lang sya binabati at ni tingnan sya ay hindi man lang nito ginawa. Napailing na lamang siya. Ang pagkakatanda nya na sinabi dito ay bawasan lang ang pakikialam, hindi nya sinabing walang kibuan.

Pagkasakay na pagkasakay ni Jerome sa kotse ay agad itong huminga ng malalim. Ilang araw na rin nyang iniiwasan ang kapitbahay. Kapag nakikita nyang naglalaro ang babae sa gym ay kusa syang bumabalik sa unit nya. Kapag palabas naman sya ng bahay ngunit narinig nyang nagbukas din ang pinto ng kabilang unit ay hinihintay nya muna itong makalayo bago tuluyang lumabas. Iniiwasan nya na rin itong isipin at higit sa lahat ay iniiwasan nya itong kausapin.

Tumunog ang kanyang telepono. Tumatawag si Jessica. "Hello, Jessica ready ka na ba? Papunta na ako dyan."

Susunduin nya ang girlfriend. Kasama nya ito sa dadaluhang awards night ng ESPN. Dadaanan niya ito sa shop ng stylist nito. Pagdating doon ay namangha sya sa hitsura ng kasintahan. Napakaganda nito sa suot nitong kulay pulang tube gown na punung-puno ng makikinang na mga bato. Bagay na bagay ang damit sa maputi at makinis nitong balat. Nakataas ang mahabang buhok. Lutang na lutang sa magandang mukha ang napakagandang hugis ng pulang-pulang mga labi na halatang ibinagay sa suot nitong gown. Nakalabas din ang magandang hubog ng balikat na may suot na  necklace na may mga maliliit na dyamante.

Hindi siya nakapagsalita sa nag-uumapaw na paghanga sa kagandahan ng girlfriend. Papaano nya magagawang pagtaksilan ang ganitong uri ng girlfriend? Nahihibang na nga siguro sya kapag nangyari yun.

Nakangiting lumapit si Jessica kay Jerome. Umikot siya sa harap ng nobyo. "Ano sa tingin mo?" tanong niya sa binata.

"Wala akong masabi. Ako na yata ang may pinakamagandang girlfriend sa mga oras na ito," kibit balikat na sagot ng lalaki.

Tuwang-tuwa si Jessica sa narinig. Sadyang pinaghandaan niya ng mabuti ang gabing iyon. Gusto nya na pagdating sa red carpet ay lalong ipagmalaki siya ng  boyfriend.

Dumating sina Jerome at Jessica sa venue. Hindi pa man sila nakakalabas ng sasakyan ay pinagkakaguluhan na sila ng mga photographers. Kaliwa't kanan ang mga tumatawag na tagahanga habang hawak-kamay silang naglalakad patungong red carpet. Nagkikislapan ang mga kamera at walang tigil sa hiyawan ang mga tao. Sa red carpet ay mahigpit na hinawakan ni Jerome ang beywang ng girlfriend. Kinabig ito papalapit sa kanya habang parehong walang sawa sa pagngiti sa mga camera.

Tatlong awards ang natanggap ni Jerome sa gabing iyon. Most Improved Player, Best NBA Player at Best Male Athlete. Masayang umakyat sa entablado ang sikat na player at sa bawat speech nya ay hindi nakakalimutang banggitin ang pangalan ni Jessica.

"Unang-una gusto ko pong pasalamatan ang diyos sa lahat ng mga biyayang ibinigay nya sa akin. Sa aking mga magulang na walang sawang sumusuporta sa akin, sa mga coaches, sa mga tagahanga. Kayo po ang nagiging inspirasyon ko kung kaya't lalo ko pang pinagbubutihan ang paglalaro ko. At siyempre sa aking pinakamamahal na girlfriend na nagbibigay sa akin ng araw-araw na sigla at inspirasyon, para sayo to Jessica...."

Hindi mawala-wala ang mga ngiti ni Jessica habang pinapanood sa entablado si Jerome. Mangilid-ngilid ang kanyang luha. Umaapaw ang kanyang kaligayahan. Hindi sya lubos makapaniwala na ang dating hinahangaan at pinapanood lang na basketbolista ay kasalukuyang iniaalay ang mga parangal nito sa kanya.

Samantala sa mga sandaling iyon naman ay payapang naglalakad pauwi sa tabing kalsada si Sandra. Katatapos lang ng masayang hapunan nila ni Vicky. Nakapamulsa siya sa jacket habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin. Napahinto siya nang may tumigil na isang magarang sasakyan sa harap niya. Bumaba dito ang isang lalaki at lumapit ito sa kanya.

"Kayo ho ba si Ms. Sandra Mariano?"

"O-Oo, ako nga. Bakit?" taka niya.

"Pwede daw ba kayong makausap sandali ni Mr. Robert Montecastro, ama ni Clark Montecastro?"

Hindi agad siya nakasagot. Bakit gusto syang makausap ng ama ni Clark? Papaano siya nakilala? Paano nalaman ang kinaroroonan niya? Nagdududang tiningnan niya ang kausap. Dapat niya ba itong pagkatiwalaan? Iminuwestra nito ang kamay sa kotse para alukin siya ng sakay.

"Pupuntahan ko na lang siya," pag-iingat niya. "Pasensiya na hindi ako basta-basta sumasama sa hindi kakilala."

Inabot sa kanya ng lalaki ang isang address. At nang oras din yun pinuntahan niya ito. Sa isa itong marangyang cafeteria na matatagpuan sa looby ng isang hotel.

"Bakit nyo po ako gustong makausap?" maamong tanong niya sa matandang lalaki habang magkaharap sila sa isang bilog na mesa at nagkakape.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Ms. Mariano...." wika ng kaharap na mga nasa edad sisenta na. May katabaan ito matapang at istrikto ang mukha. "Layuan mo ang anak kong si Clark! Ayoko ng nauugnay sya sa mga mababang uri ng babaeng katulad mo!"

Nasindak siya sa walang prenong pagbibitiw ng masakit na pananalita ng kaharap.

"Huwag mong sirain ang kinabukasan ng anak ko. Hindi ka nababagay sa kanya!"

"B-Bakit ho? May masama po ba kung maging kaibigan ako ng anak nyo?" Sa kabila ng nagdurugong dibdib pinilit niya pa ring maging magalang.

"Kaibigan? Hah, kilala ko ang mga katulad mo! Nagpapanggap ka lang para mapalapit sa anak ko. Mga klase ng babae na naghahanap ng mapapangasawang mayaman para maiahon ang sarili sa pagiging miserable! Huwag mong samantalahin ang kabaitang pinapakita sayo ni Clark!"

Iniwasan niyang magpaapekto sa mga pang-iinsultong naririnig ."Wala ho akong balak na magkaroon ng anumang uri ng relasyon sa anak nyo maliban sa pagiging kaibigan."

"Ang tigas din naman talaga ng ulo mo ano! Pinalayo na nga kita dati sa anak ko ngunit ngayon ay nagpapakita ka na naman. Sinisira mo na naman ang konsentrasyon ni Clark sa trabaho! Nagbago na ang anak ko simula nang mawala ka sa buhay nya! Bakit ngayon muli ka na namang nagpapakita?"

Napaisip siya tungkol sa narinig. At nang biglang may naalala ay nanlaki ang mga mata niya. Kagagawan ba nito ang nangyaring pagbabanta sa buhay nya at ni Clark! Unti-unting syang nakakaramdam ng galit. Nagsimulang manginig ng kanyang mga laman at palihim nyang itinikom ang mga kamao.

"Hi-hindi ho ako nagpakita. Nakita ho ako ng anak nyo..."

"Pwes, lumayo ka ulit. Layuan mo ulit ang anak ko!"

Lumunok siya. At matigas na nagbitiw ng mga salita nang may naginginig na mga kamay. "Hindi na ho ako bata para takutin nyo ulit. Kung gusto nyong ilayo sa akin si Clark ay pwede nyo hong pagsabihan ang anak nyo. Pero hindi ho ako aalis sa lugar na ito."

"Hah! Matigas din talaga ang pagmumukha mo! Huwag mong idamay ang anak ko sa kamalasan mo sa buhay! Bakit plano mo rin bang sirain at saktan si Clark?"

Unti-unting nanlaki ang mga mata niya sa tinuran ng matanda. Bigla siyang kinabahan. "Anong ibig nyong sabihin?"

"Alam ko ang pagkatao mo Ms. Mariano. Hindi mo ba naisip na sa mga mapeperang tulad ko ay napakadaling magpabungkal ng baho ng isang tao?"

Pinanghinaan siya ng tuhod. Gusto niyang takpan ang mga teng?

"HINDI BA IKAW ANG DAHILAN NG PAGKAMATAY NG IYONG MGA MAGULANG?! HINDI BA MUNTIK NA RING MAMATAY DAHIL SAYO ANG DATING KASINTAHAN NG MATALIK MONG KAIBIGAN?! DI BA ANG LALAKING IYON AY NANANATILING BALDADO HANGGANG NGAYON?! HINDI BA IKAW ANG ISANG URI NG TAO NA WALANG KARAPATANG MABUHAY NG NORMAL?! HINDI BA IKAW ANG KLASE NG TAONG PAMINSAN-MINSAN AY NAWAWALA SA SARILING KATINUAN?!"

Para siyang hihimatayin. Para siyang mauupos sa tahasang pagpapaalala ng matanda sa kanyang nakaraan. Ngunit pinili niyang huwag magpakita ng takot! Hindi sya magpapatalo!

"Anong masasabi mo Ms. Mariano? Sasaktan mo rin ba ang anak ko katulad ng pananakit mo sa kanila? Idadamay mo rin ba ang anak ko sa miserableng buhay mo?!"

"Wala ho akong balak idamay ang anak nyo. Ilayo nyo sya sa akin kung yan ang gusto nyo pero hindi ako aalis sa lugar na ito... ngayon kung wala na ho kayong sasabihin pwede na ho ba akong umalis?" pagmamatigas na wika niya.

"Hindi pa ako tapos... alam kung maaring hindi ka na madala sa simpleng pagbabanta. Pero siguro naman ay hindi mo isasakripisyo ang iyong matalik na kaibigan dahil sa pagmamatigas mo?"

Natigilan siya at agad na napaangat ng mukha. Unti-unti na naman siyang nakaramdam ng takot sa susunod na sasabihin ng matanda. "A-Anong ibig nyong sabihin?"

Ngumisi ang matandang Montecastro. "Baka hindi mo alam na kayang-kaya kong sirain ang magandang pangalan ng kaibigan mong si Jessica Lopez. Gusto mo rin bang ungkatin ko ang baho niya at sirain ang tagumpay na tinatamasa nya ngayon? Ms. Mariano hahayaan mo bang hanggang sa dulo ay masasaktan ang kaibigan mo nang dahil sayo?"

Bigla siyang natakot. Tuluyan nang nanlambot ang kanyang nagmamatigas na kalooban. Nagmamakaawang lumuhod siya harap ng matanda. "H-Huwag nyo hong gawin sa kaibigan ko yan. Saktan nyo na ako kung gusto nyo akong saktan. Huwag nyo lang hong idamay si Jessica. Nakikiusap ako sa inyo," mangiyak-ngiyak na pakiusap niya.

Hindi man lamang naantig ang matandang Montecastro. Sa halip ay tumayo ito at naglakad papalabas ng pinto. Iniwan ang nakaluhod, natutulala, namumutla at nagmamakaawang babae.

                                                                  ------

Masayang nag-aabang ng elevator si Jerome. Napakaganda ng araw niya. Napapangiti siya sa tuwing naiisip ang mga parangal na natanggap niya. Hindi rin masukat ang tuwa sa dibdib niya dahil kitang-kita niya sa mga mata ni Jessica kung gaano siya nito ipinagmalaki at kung gaano niya rin ito napasaya. Hanggang sa mga oras na iyon ay naglalaro pa rin sa kanyang isipan ang napakagandang mukha ng girlfriend. Buong tapang niyang masasabing si Jessica ang pinakamagandang babaeng dumalo sa awards night.

Naputol ang kanyang masayang pag-iisip nang biglang tumabi sa kanya si Sandra. Agad niyang iniwas ang mga mata dito. Namagitan sa kanila ang isang malalim na katahimikan. Subalit kahit hindi niya ito tinitingnan ay pinapakiramdaman niya pa rin ito. Wala syang naririnig mula sa katabi. Hindi rin sya nito binati. Nagbukas ang pinto ng elevator at nauna syang pumasok. At noon ay hindi sinasadyang napatingin sya kay Sandra na nanatiling nakatayo lamang sa harap ng elevator. Diretso ang tingin nito, mukhang tulala at medyo namumutla.Hinintay niya pa ito ng ilang sandali bago ito sumakay nang tila wala sa sarili.

Sa loob ng elevator ay nanatiling tahimik ito at diretso ang mga tingin. Hindi kumikibo. Parang walang pakialam sa paligid nya. Pagdating ng 30th floor ay nagbukas ang pinto. Hinintay niyang maunang lumabas ang babae ngunit hindi ito kumikilos hanggang sa muli silang pagsaraduhan ng elevator.

Bumalik ulit sila sa ground floor at muling pinindot niya ang ika-30 palapag. Humakbang naman ang tulala pa ring kapitbahay at pinindot nito ang rooftop. Unti-unti siyang nakaramdam na may kakaibang nangyayari dito. Narating ulit nila ang 30th floor at muli, hindi na naman lumabas ang babae. Hindi rin siya lumabas at sinabayan niya ito sa rooftop.

Naunang bumaba ang wala sa sariling babae. Sinundan niya pa rin ito ngunit nanatili lamang siyang nakatayo sa may kalayuan at sinundan na lamang ng tingin ang tulalang naglalakad na kapitbahay papunta sa isang mahabang upuan. Ilang minuto itong nakatitig sa kawalan. Tahimik at walang reaksiyon ang mukha.

Tinanaw niya ito ng ilang minuto at nang maobserbahang tahimik lang itong nakaupo habang tila nag-iisip nang malalim, napagpasyahan niyang iwan na ito. Subalit hindi pa man siya nakakalayo ay nakarinig siya ng mahinang pag-iyak. Napatingin ulit siya sa kapitbahay. Yumuyugyog ang mga balikat nito at unti-unting lumalakas ang naririnig niyang iyak.

Sinubukan ni Sandra na huwag maiyak. Ang balak niya ay magpalipas lamang ng lungkot at aliwin ang mga mata sa kislap ng iba't ibang kulay na kanyang natatanaw. Baka sakaling pag muli niyang makita ang magandang tanawin ng lungsod ay makakalimutan niya lahat ng mga nangyari. Mabura sa isip niya ang mga sinabi ng ama ng kaibigan. Subalit habang idinuduyan siya ng katahimikan, ang mga luha niya na mismo ang kusang kumawala. Isa-isa itong pumapayak hanggang sa unti-unting nabuhay ang sinisikil na mga damdamin. Nagiba ng buong-buo lahat ng tapang na inipon niya. Kumawala ang nag-uumapaw na galit sa kanyang dibdib.

Tumayo siya at galit na tumingala sa kalangitan. "Bakit nyo ginagawa sa akin ito! Bakit nyo ako pinaparusahan ng ganito?! Sana pinatay nyo na rin ako kasama ng mga magulang ko! Ano bang naging kasalanan ko sa inyo?Hindi naman ako masamang tao pero bakit lahat na lang ng pagdurusa binibigay nyo sa akin!Bakiitttt!!!?"

Wala na siya sa kanyang sarili. Nilalamon na naman siya ng lungkot at galit.

"Hindi ba ako pwedeng mabuhay ng normal?... Hindi ko naman hinihinging maging masaya! Ang hinihingi ko lang ay makawala ako sa mga pagdurusa ko! Bakit hindi mo maibigay?! Bakit paulit-ulit mong binabalik ang sakit?!!! Kung papatayin mo rin lang naman ako sa lungkot, bakit hindi mo pa ako kunin ngayon? Patayin mo na lang ako!!!"

Hindi malaman ni Jerome kung ano ang gagawin sa mga narinig. Natataranta sya sa mga binibitawang salita ng babae. Natakot siya nang bigla itong humakbang. Patakbong lumapit siya at niyakap ang naghihisteryang babae.

"Tama na Sandra! Tama na! Bakit ka ba nagkakaganyan?"

Kumawala ang humahagulhol na babae sa pagkakayakap niya. Tiningnan siya nito nang matatalim na animoy di siya nakikilala.

"Layuan nyo ako! Lumayo kayong lahat sa akin! Hindi kayo dapat lumalapit sa katulad ko!"

Sapilitang niyakap niya ulit ng mahigpit ang babae. "Ano bang pinagsasabi mo? Bakit ka naman namin lalayuan?"

Hindi na muling kumawala pa ang dalaga sa kanyang pagkakayakap. Sinusuntok na lang siya nito sa dibdib habang umiiyak. "Alam nyo bang pag nasasaktan kayo ay mas higit pa ang sakit na nararamdaman ko. Dinadagdagan nyo lang ang pagdurusa ko. Kaya layuan nyo na lang ako...layuan nyo ako...layuan nyo ako...." paulit-ulit na sambit nito na noon ay unti-unti nang nanghihina dahil sa sobrang pag-iyak.

Nanatiling nakayakap siya sa babae hanggang sa tumigil ito sa pag-iyak. Sumandal ito sa kanyang dibdib habang panaka-naka pa ring humihikbi. Iniupo niya ito at natutulala pa ring humilig ito sa kanyang balikat.

Hinayaan niya ang babae sa ganoong pwesto hanggang sa nakatulog ito. Inihiga nya  ito sa mahabang upuan at ipinatong ang ulo sa kanyang mga hita. Tinitigan nya ang  payapa ngunit pagod nitong mukha at marahang hinaplos sa buhok. Bakit ito nagkakaganito? Ano ang pinagdadaanan ng babaeng ito?

Unti-unti siyang inusig ng konsensiya. Buong araw silang masaya ni Jessica samantalang wala silang kamalay-malay na nagdurusa pala si Sandra. Tiningnan ulit nya ang mukha ng dalaga. Hindi nya masukat ang awang nararamdaman para sa babae. Bakit parang napakabigat ng dinadala nitong pagdurusa? Bakit tila unti-unti nyang nakikita kay Sandra  ang kalungkutang nababasa  nya mula sa mga libro ni Jessica?

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 51.5K 44
Good side and bad side.
1.3M 51.5K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
2.4M 68.8K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...
55.2K 4.1K 61
The BackUp Plan by Lena0209 ------ Dalawang taon pagkatapos ng kanilang divorce, hinahanapan na si Cas ng magiging tagapagmana niya, at wala siyang i...