Fragments of the Universe

By abdiel_25

1.9K 168 61

Stand-alone Story | She met her variant, and apparently he's a he. *** A novel. After losing their parents at... More

Disclaimer
Prologue : The last chapter rewind
Episode 1 : She who lost twice
Episode 2 : The Nine-tailed and the Counterpart
Episode 3 : Put two and two together
Episode 4 : Know something backwards and forwards
Episode 5 : Life is not given, it is earned
Episode 6 : Unforeseen turn of events
Episode 7 : The Prince and the Fox who crossed the multiverse
Episode 8 : The clock is ticking doom
Episode 9 : The pattern of the universe
Episode 10 : The wanderer took a week off
Episode 11 : Down on one's luck
Episode 12 : The lonely and great god of time
Episode 13 : Golden rule of the universe
Episode 14 : Arrival of the god of war's son
Episode 15 : You tell the Luna
Episode 16 : Metaphor of a monarch butterfly
Author's note

Epilogue : He who found her twice

83 5 3
By abdiel_25

EPILOGUE : He who found her twice






"Oh, ngiti ah. 1...2...3!"

"Congratulations beh!" sabi ni Elle sa kaklase namin bago ito hampasin sa pwet. "Sinong mag-aakala na makakatapos ka? Eh pabuhat ka lang sa research," natatawa niyang sabi kaya sinamaan siya ng tingin nito.

"Kingina mo talaga, Aranda!" sabi ng kaklase namin bago siya pabirong sabunat kaya nagtawanan kami. "Kaysa naman sa'yo na puro lalaki inatupag buong college."

"Boring ng college life kung wala kang naka-fling ano ba," sagot ni Elle.

"Edi paano nakatapos 'tong si Astra kung buong college niya ang dull," sabi ni Cecil kaya napatingin sila sa aking dalawa bago sila sabay na natawa. "Biro lang gaga! Alam mo naman si Astra, study first. Ang taga-help sa atin tuwing may research!" aniya bago tumalon sa akin para yumakap.

Sandali akong nailang dahil sa pagyakap niya. Buti na lang ay mabilis din siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

"Eh bakit ba kasi hanggang ngayon wala ka pang pinapakilala sa amin? Kahit crush wala kang naikwento. Tapos na college life, diretso trabaho ka na ba agad 'te?" sabi ni Cecil. Hanggang ngayon nagtataka ako kung babae ba talaga siya o nagpapanggap lang na babae dahil sa paraan ng pagsasalita niya.

"Baka naman may hinihintay at reserved na ang puso kaya hanggang ngayon wala pang bebe," sabat ni Elle bago niya hatakin si Cecil.

"Ano nang plano niyo ngayon?" tanong ni Cecil sa amin. "Baka kasi mag-prepare na ako for licensure exam," sabi niya.

"Job hunting agad mga 'te," sabi ni Elle. "Need ko pera para makapunta na ako sa South Korea at makapangasawa ng koryano," dagdag pa niya kaya napahagikgik silang pareho ni Cecil bago sabay na mapatingin sa akin.

"Baka mag-travel muna kami bago ako mag-prepare for licensure. Then maghahanap ng part-time job while studying for licensure," sagot ko.

"So hindi ka talaga maghahanap ng jowa?" tanong ni Cecil pero napansin ko na siniko siya ni Elle kaya natawa na lamang ito. "Sabagay, a man is not necessary for a lady's life."

Naka-ilang picture pa kami bago dumating ang mga magulang namin. Sabay-sabay kasi silang nagpunta sa CR matapos ang sobrang habang graduation event.

"Astra, anak. Where do you want to go? Kain ba muna tayo or let's go shopping first?" tanong sa akin ni mama. Kasama niya si Elmond at ang girlfriend nito na si Farrah. They've been together for 4 years now. Naka-akbay naman kay mama si papa.

Napangiti ako bago ako sumagot, "mukhang gutom na si Elmond. Let's eat first po."

"Ako, gutom?" tanong ni Elmond kaya natawa si Farrah sa tabi niya.

"Tara na. Ako 'yung gutom," sabi ni papa bago sila tumawa ni mama at mauna sa paglalakad.

"Congratulations, Astra!" Mula sa likuran ko ay may bumati. Si Tito Erwin, papa ni Elle.

Ngumiti ako. "Thank you po, tito!" sabi ko. "Mauna na po kami," agad ko ring paalam bago siya tumango at ngumiti pabalik.

Bago ako tuluyang makalayo, nakita ko pa si Elle at tito Erwin na kinukuhanan ng litrato ni Cecil.

***

Umuwi muna kami para makapagpalit ako ng damit. Pagkatapos ay dumiretso kami sa paboritong restaurant ni Elmond.

Kasama namin si Farrah. Hindi ko alam kung bakit pero nanatili lang akong nakatingin kay Elmond at Farrah sa loob ng ilang minuto.

"Baka naman may hinihintay at reserved na ang puso kaya hanggang ngayon wala pang bebe."

It's been five years already. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang bilis ng oras. Parang kailan lang no'ng may mga bagay akong maalala na parang hindi ko memorya, pero sigurado ako na nangyari mismo sa buhay ko. Akala ko no'ng una, it's just a deja vu, but it turns out, it's more than that.

Nagsimula 'yon five years ago, bago ang family outing namin sa Baguio. Nang maramdaman ko na tila may mali sa paligid ko, at sa sarili ko mismo. Simula no'n, nagkaro'n ng mga dagdag na memorya sa isip ko, pero lahat 'yon hindi ko alam kung kailan nangyari, at kung paano.

Hindi ko rin maipaliwanag, pero may mga pangyayari na lang na bigla kong naaalala na hindi ko pa naman nararanasan noon. One of the reasons why I pushed psychology, ay para malaman kung ano ba 'tong mga pumapasok sa isip ko.

But it remains a mystery to me until now.

Including a blurred face of a man.

"Astra, kain na baka lumamig ang pagkain," sabi ni mama kaya napabalik ako sa katinuan. Nagsimula na akong kumain habang nakikipag-usap kila mama at papa. Tinatanong nila ako kung saan ko raw gustong pumunta ngayong araw to celebrate my graduation.

Gusto ko talaga sanang manatili sa bahay, matulog o kaya manood ng series, pero ayoko namang sirain 'yung cinecelebrate namin ngayong araw. Finally, after more than 20 years, naka-graduate na rin ako—that's what our parents want for us kaya ayokong sirain 'yung momentum at happiness nila.

"Can we leave the country earlier? I want to travel to Seoul earlier so we can spend more time there," sabi ko kaya nagkatinginan sila mama at papa bago sila ngumiti sa akin.

"Okay then. We'll leave by tonight. Holiday break na rin naman ni Elmond kaya for sure wala siyang gagawin for almost a month. Can we invite Farrah to come with us?" tanong ni papa kaya ngumiti ako bago tumango.

'That would be better po," sagot ko bago kami nagpatuloy sa pagkain.

After naming kumain sa labas. Saglit kaming nag-shopping kaya napadpad ulit ako sa isang bookstore sa loob ng mall. Bookstores are heaven, that's for sure. No matter how sad or mad I am, kapag pumasok ako sa loob ng isang bookstore, tumataas at gumagaan agad ang pakiramdam ko.

Tumingin-tingin ako sa mga libro bago ako mapahinto sa tapat ng science fiction novels.

"So it conspired," basa ko sa title. Hinanap ko kung nasaan 'yung pangalan ng author pero hindi nakalagay sa front and back cover ng libro. Ngayon lang ako nakakita ng libro na hindi nilagay ang pangalan ng may-akda.

Bubuksan ko sana 'yung libro para tingnan ang contents, pero agad na may humawak sa braso ko kaya napatingin ako rito.

"Ikaw po si Astra Del Rosario right?" sabik na saad ng babae na nakahawak sa pupulsuhan ko.

Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa pupulsuhan ko. Napansin niya na nakatingin ako ro'n hawaka awkward siyang ngumiti bago niya dahan-dahang alisin ang pagkakahawak niya sa akin.

"Ah...yes," I answered before I genuinely smiled at her. She looks like a high school student.

"OMG! I thought it's not you pero now that you confirmed it, can I get a signed copy of your book?" excited na sabi nito bago niya ilagay sa harapan niya 'yung backpack bag niya. Binuksan niya 'yung zipper no'n at tila may hinahanap na kung ano. "I'm your fan and I didn't expect na dito kita makikita! I'm so lucky today!" aniya bago siya may kinuha mula sa bag niya.

It's a book.

Inabot niya sa akin 'yon kaya kinuha ko ito mula sa kaniya.

"Hindi mo po tinatanong ang mga tanong namin sa internet, kaya if you don't mind, p'wede po ba akong magtanong ng ilang question? Promise ko po hindi ko ipagkakalat sa kahit sino!" sabi niya bago siya tumayo nang maayos at ilagay sa dibdib niya ang kanang kamay niya; umaaktong nangangako kaya napangiti ako.

'Sure. Anong name mo?" tanong ko sa kaniya. Inabot niya sa akin ang isang ballpen kaya binuksan ko sa front page 'yung libro.

It's my book. It was published last year. I'm not a writer, to be concise, I'm a blogger. Nagsusulat ako ng travel blogs and experiences and it includes the strange thoughts in my mind. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong sumikat dahil sa mga tila daydream na nararanasan ko. Hanggang sa ayun nga, nakapag-publish na rin ako ng libro dahil sa demand ng mga reader ko na gawin kong story 'yung mga experiences ko.

"Cassandra. My name's Cassandra po," sabi niya. Bakas ang excitement at tuwa sa boses niya kaya hindi na rin mawala sa labi ko ang ngiti.

I signed her book and wrote a 'Thank you, Cassandra. Love, Astra <3' sa front page before finally returning the book to her.

"So what's your question?" nakangiti kong tanong sa kaniya nang makita kong malawak ang ngiti niya nang ibalik ko sa kaniya ang libro niya.

Umangat ang tingin niya.

"Bakit po walang pangalan 'yung lalaking bida sa libro?" tanong niya sa akin. "May tawag sa kaniya si Star, pero never po nabanggit ang pangalan ng lalaki."

Star is the heroine of my novel.

"I think it'll remain a mystery," saad ko. Hindi dahil sa wala akong maisip na magandang pangalan ng lalaki, pero hindi ko rin kasi talaga alam kung anong pangalan ng lalaking pinaghanguan ko sa lalaking sinulat ko. So I thought, having him nameless would be a good idea. After all, mystery keeps everyone curious. Just like this girl in front of me.

"Then can we expect a sequel po? Ang bitin po kasi ng libro na 'to, although maganda naman po ang ending. I just want to know what happened next sa story ni Star and Sol," sabi ni Cassandra habang yakap-yakap 'yung libro.

Mas lalo tuloy akong napangiti to know that someone appreciates my craft. Hindi ko talaga hobby ang magulat ng nobela dahil mas gusto ko ang magbasa, pero dahil sa demand ng readers ko, I tried to write. Ilang gabi rin akong hindi pinatulog ng libro na 'yan, kaya nakakataba ng puso na malamang maraming may gusto sa ginawa ko.

"We'll see. I'm not sure either. Siguro kapag nagkita ulit si Star and Sol? Baka magkaro'n ng sequel. Pero hindi ko sigurado. What if hindi na ulit sila magkita dahil tuluyan na nilang nakalimutan ang isa't isa?" tanong ko dahilan para mapanguso si Cassandra.

"Ang sad naman po kung gano'n ang mangyayari. Then I'll stick to the ending of Fragments of the Universe na lang po," sabi niya bago ngumiti. "Pero if ever na magkakaro'n po ng sequel, ano pong magiging title?"

Saglit akong natahimik. I actually thought about it before, pero hindi ko lang talaga kung kakayanin ko pang gumawa ng sequel. Para kasi sa akin, mas magandang matapos na ang kwento nila sa hiwalayn, so both of my characters can grow on their own. Hindi rin naman romance novel ang ginawa ko in the first place, kaya wala akong pakialam kung hindi sila nagkatuluyan in the end.

"Particle of your world," tangi kong sabi bago ako ngumiti.

Nagpaalam na rin si Cassandra matapos niyang makapagpa-picture kasama ako. Sinabi niya na gusto pa sana niya akong tanungin ng maraming tanong, pero kailangan na niyang umalis dahil may pupuntahan pa siyang school event.

As I waved a goodbye to her, napa-isip ako.

Should my characters' story really end that way?

***

It's already 7pm and we just had our dinner.

Hinihintay na lamang namin si Elmond at Farrah dahil nag-impake rin si Farrah ng mga gamit. Fortunately, Farrah's parents allowed her to come. But for sure, it took a lot of confrontations on Elmond's part.

Nakahanda na ang lahat ng gamit at maleta namin. Ready na rin kami gumayak kaya nasa labas na kami at naka-abang para hintayin sila Elmond.

Malamig ang simoy ng hangin, at napakakalma ng ambiance sa labas ng bahay. Nakasandal ako sa gate ng bahay namin habang nag-ccheck ng social media accounts ko. May ilang pictures na naka-tag sa akin galing sa mga mambabasa ko na bumili ng copy ng libro ko. I liked some of the posts and I thanked them before I opened my messages.

From: Elle

Hoi! Hindi mo naman sinabi sa akin na maglalayas kayo agad today! Anw, ingat sa byahe! Mag-uwi ka ng koryano para sa akin ha! 'Yun ang pinaka-dabest na pasalubong xoxo.

I replied '-_-' to her kaya nag-send lang siya ng tumatawang emoji.

Maya-maya pa, dumating na rin sila Elmond at Farrah. Sakay sila ng kotse ni papa. Nilagay nila 'yon sa garahe dahil mag-tataxi na lang kami papunta sa airport. Pagbaba nila sa sasakyan, agad kaming pumara ng dalawang taxi dahil hindi kami kasya sa isang sasakyan.

Magkasama si Elmond at Farrah sa kabilang taxi. Nasa unahan namin ang taxi na sinasakyan nila.

Kami naman nila mama at papa ang magkakasama sa isang taxi. Nasa passenger's seat kami ni mama, si papa naman ang katabi ng driver sa harapan.

Lahat ng luggage namin ay nasa compartment kaya hindi kami nasikipan sa loob ng taxi.

Habang bumabyahe, nag-uusap sila mama at papa. Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi nila kaya I assumed na baka tungkol 'yon sa trabaho nila.

If I'm not mistaken, nagbabalak na silang magbukas ng restaurant next year. Siguro sisimulan na nilang asikasuhin ang pagpapagawa ng restaurant at ang mga papeles nito after naming umuwi galing sa South Korea.

Matagal-tagal din ang byahe. Halos 30 minutes na naming binabagtas ang kalsada papunta sa Manila airport nang bigla kaming huminto dahil sa red signal ng stop light.

Right at that moment, biglang umulan. Mula sa kaunting patak ng ulan, unti-unting dumami at lumaki ang mga patak nito hanggang sa kumulog at kidlat.

Nagulat pa ako sa ilaw na pumalibot sa lugar kung nasaan kami.

Pero ang mas kinabahala ko ay ang biglang pagbugso ng mga memorya sa utak ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga ito. Parang mga CD na gasgas at hindi maayos ang pagkaka-play sa utak ko, pero naiintindihan ko pa rin ang takbo nito. Medyo sumasakit ang ulo ko dahil sa iba't ibang pangyayari na tila sabay-sabay pumapasok sa isip ko.

"Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa bahay namin?"

"Ikaw 'yung babae kagabi."

"He's not a gumiho. Vulpes ang tawag sa lahi nila. They look like a gumiho dahil sa nine tails nila, pero they're more special than that. Tsaka may pangalan si Linn, so don't call him like that."

"If you won't leave me, we'll both be dead by tonight."

"If it's what you want for your fates. Then be it your fate. As long as I'm alive, fate lies within you. Your memories will be removed, your worlds will be hidden to each other, your fate will never cross with each other as long as I exist."

Biglang umandar ang sinasakyan naming taxi. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero may malakas na pwersa mula sa kanan namin dahilan para tumalsik papunta sa kabilang lane ng kalsada ang taxi na sinasakyan namin.

Before I even notice, my mom hugged me—more like covered me para hindi ako matamaan ng mga bubog galing sa salamin ng sasakyan.

Napatingin agad ako kay mama at papa. They are both unconcious kaya nag-panic ako. Although I feel dizzy, it's nothing compared to the status of my parents.

"Ma! Pa! Wake up!" sabi ko habang marahan kong tinatapik sa pisngi si mama. I also gently touched my father's face na ngayon ay may umaagos na dugo papunta sa leeg. Napa-iyak na lamang ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

The door was locked and I don't know how I can go out to ask for help.

Narinig ko na may tumatakbo papalapit sa amin. I heard someone's voice. He's screaming so I thought it's Elmond kaya agad akong lumapit sa may salamin.

The car is tilted so I find it hard to move. Kinakabahan pa ako kaya hindi ko rin alam kung paano ako gagalaw nang hindi naaapektuhan ang mga kasama ko sa loob ng sasakyan. The driver's condition is more critical kaya naiiyak lalo ako. I am become more eager to go out dahil na-susuffocate na rin ako dala ng kaba at panic.

I graduated psychology today, but I can't calm myself because of the sudden turn of events. Ang bilis masyado ng mga pangyayari at hindi ko ma-handle.

"Astra? Astra!"

Things are rushed and chaotic. Bago ko pa malaman kung sino 'yung tumakbo palapit sa amin, nawalan na ako ng malay.

All I know for sure is, there's a faceless angel who saved our lives.

***

"Ate! Ate!"

Nagising ako na si Elmond ang katabi. Bakas sa mukha niya na sobra siyang nag-aalala. Agad niya akong niyakap nang makita niya na nakamulat na ang mga mata ko. Nasa tabi niya si Farah na hinawakan naman ang kamay ko. Pareho silang alalang-alala.

Saglit akong napa-isip sa kung nasaan ako hanggang sa may makita akong mg nurse at doctor. Tsaka ko lang naintindihan ang mga nangyayari kaya agad akong napa-upo mula sa pagkakahiga. Inalalayan naman agad ako ni Elmond.

"Nasaan sila mama at papa?" agad kong tanong kay Elmond at Farrah.

"Ate..." Naiyak si Elmond. Marahil hindi niya alam kung anong sasabihin sa akin kaya agad akong tumayo mula sa higaan. "Ate, hindi pa magaling ang mga sugat mo," sabi niya sa akin bago niya ako hatakin pabalik sa higaan.

"Kailangan ko silang makita. Alis!" saad ko bago ko hawiin ang braso niya.

For some reason, pakiramdam ko ay mawawala ulit sila sa buhay ko. May memorya na paulit-ulit nag-pplay sa utak ko, at hindi mawala sa mga oras na 'to.

'Yung araw na mawala ang mga magulang namin ni Elmond.

Natatandaan ko na ngayon.

Hindi ako nag-ddaydream. Kaya hindi ko maipaliwanag ang mga memoryang pumapasok sa isip ko. Kung bakit may mga ala-ala na hindi ko naman matandaan pero pakiramdam ko ay nangyari talaga sa akin—natatandaan ko na lahat. Hindi ko alam kung bakit at anong nangyari, pero mukhang binalik ni Bangun-bangun ang mga ala-ala ko.

Tumayo pa rin ako at nagsimulang maglakad. Hinanap ko sa bawat kurtina ang mga magulang ko. Tiningnan ko rin ang bawat pintuan ng mga kwarto para hanapin sila.

Nakasunod lang si Elmond at Farrah sa akin para alalayan ako.

Hanggang sa makarating kami sa emergency room.

May isang lalaking naka-upo ro'n at tila may hinhintay.

Hindi ko agad ito namukhaan dahil napatingin ako sa likuran ko nang may tumawag sa pangalan ko.

"Astra!" sigaw nito bago tumakbo palapit sa akin para yakapin ako.

"E-Elle," tangi kong saad habang patuloy siya sa pag-iyak.

Sa gawi kung saan galing si Elle, may lalaking nakatayo at may bitbit na kape mula sa coffee machine. Agad ko siyang namukhaan dahil sa hulma ng mukha niya at sa ayos ng pananamit niya, pero mukhang hindi niya ako nakilala dahil nanatili siyang nakatitig sa akin na parang walang emosyon.

"Gumiho," wala sa sarili kong sabi bago ako mapalingon pabalik sa lalaking naka-upo sa bench sa harap ng ER.

Nakatayo na siya ngayon at nakatingin sa akin. Mukhang nakuha namin ang atensyon niya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Halo-halo ang emosyon ko ngayon.

"David..."

Bago pa siya makapagsalita, biglang may lumabas na doktor sa loob ng emergency room kaya napahiwalay mula sa pagkakayakap si Elle sa akin. Lahat kami ay napatingin sa doktor.

"Sinong guardian ni mister and misis Del Rosario?" tanong ng doktor sa amin kaya agad kaming lumapit ni Elmond sa unahan. "I assume they're your parents. Both of them are now stable. Mabuti at nadala niyo agad sila rito sa ospital. Kailangan lang nila mag-stay for a couple of weeks for some tests. But I assure you, they're both fine."

Napa-iyak na lamang kami ni Elmond dahil nabunutan kami ng tinik.

Napa-angat naman ang tingin ko kay David.

"Thank you," I mouthed.

***

"Kumusta?" he asked while we're walking outside. Although hindi pa ako pinapayagan ng nurse na maglakad, hindi ko sila pinansin at sumama ako kay David papunta sa rooftop ng ospital.

"As you can see," sabi ko kaya mahina siyang natawa.

Malakas ang hangin sa rooftop, Malamig din kaya napayakap ako sa sarili ko habang nakatingin sa view.

Meron akong bandage sa may noo kaya medyo naiirita ako. Pero wala naman akong choice dahil kailangan ko 'yon para gumaling agad ang sugat ko. I'm lucky dahil hindi ako napuruhan sa aksidente. Maswerte pa rin kung maituturing na stable na ang lagay ng mga magulang namin. Kung mawala ulit sila sa buhay namin, hindi ko na alam kung paano pa magpapatuloy.

"How come you're here?' tanong ko sa kaniya kaya napalingon siya sa akin.

"What do you mean?"

"I agreed to a deal," sabi ko. Hindi ko sinabi sa kaniya ang buong detalye. Ngayon ko lang na-realize na parang ang selfish na tinanggap ko ang alok sa akin ni Bangun-bangun noon.

"I know," sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Hindi na siya nakatingin sa akin. Nakamasid lang siya sa langit.

Nanatili kaming tahimik habang dinadama ang malamig na hangin. Hanggang sa muli siyang magsalita.

"Bangun-bangun died after you agreed with the deal," sabi ni David bago siya tumingin sa akin. "Bangun-bangun was killed by Kalaon, the god of destruction who led a war before you left our world."

"P-paano?" Ang dami kong gustong itanong pero 'yun na lamang ang nasabi ko.

Suminghap siya ng hangin bago tuluyang humarap sa akin.

"Hindi ko alam kung paano, pero nagpaalam siya sa akin bago niya kalabanin si Kalaon. After their fight, hindi na siya muling nagpakita sa akin. The deities told us that he and Kalaon died during their fight," paliwanag ni David. "Before he went to attack Kalaon, sinabi niya sa akin ang tungkol sa kasunduan niyo. Pero binigyan niya ako ng chance na mamili ng mundo. Hinayaan niya akong makatawid sa mundo na 'to pero hindi na ulit ako makakabalik kung pupunta ako rito."

"Ibig sabihin—"

"I've been here for four years now, Astra. Pagkatapos kong ibalik sa ayos ang kaharian namin, I immediately crossed the multiverse," aniya kaya napatakip na lamang ako ng bibig.

Hindi ko alam kung anong dapat na maging reaksyon ko sa sinabi niya.

"I've been watching you from afar, Astra. Sinabi sa akin ni Bangun-bangun na binura niya ang mga ala-ala mo, pero sa sandaling mawala siya ay unti-unti rin itong babalik. Kaya binilin niya sa akin na kung sakali mang tatawid ako sa mundo na 'to, hindi mo na dapat ako makita dahil pareho lang tayong mahihirapan."

Now that makes sense. Kung bakit may mga memoryang bumabalik sa isipan ko.

"But I can't help it. Lalo na nang makita ko kung paano bumangga 'yung kotse sa taxi na sinasakyan niyo. I told myself that after your flight, hindi na ulit kita susundan," sabi ni David. "I'm sorry for appearing again in your life. Linn can't remember you dahil kay Bangun-bangun. Everything's back to its proper places, but Bangun-bangun preserved our memories."

I don't know how to react.

Maybe because I feel a lot of emotions right now, or maybe because I've been containing this feeling for a long time now.

But I kissed him.

Right before he uttered another word, I kissed him.

Passionately.

As if I waited for him for too long—which is what I really did.

He kissed me back.

It might sound weird if people around us will discover that we're the same person—but who cares? No matter what happens, David will be David, and I will always be me.

Marahil maraming hindi naniniwala sa panahon ngayon na totoo ang time travel. O ang kabilang buhay, mga lamang-lupa, mga kaluluwang hindi matahimik, reincarnation, o aliens.

Pero paano kung sa pitong bilyong populasyon ng Earth, isa sa kanila hindi talaga galing sa mga ninuno natin, o hindi pangkaraniwan? Paano kung sa bawat araw, sa bawat pagco-commute natin, o sa bawat fast food chain na kakainan natin, may nakakasalamuha na tayong hindi talaga dapat nandito sa mundo natin?

Napa-isip tuloy ako lalo nang maigi.

Paano kung balang-araw, matagpuan mo 'yung taong para sa'yo, pero nalaman mong hindi siya mula sa mundo na katulad ng sa'yo? What if galing kayo sa magkaibang mundo? Literal na magkaibang mundo.

Dahil 'yun mismo ang kwento namin ni David.





END OF FRAGMENTS OF THE UNIVERSE.

Continue Reading

You'll Also Like

21.2M 787K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
1.9M 135K 85
Aswang, kapre, engkanto, diwata, at mga anito, ang akala ni Arki ay kathang isip lang ang lahat ng mga kinwento sa kanya noon ni Lola Bangs. Wala si...
530K 28.5K 78
(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterio...
80.1K 2.7K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...