South Boys #2: Heartbreaker

By JFstories

13.5M 753K 526K

He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrer... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
The Final Chapter
Epilogue
message-bonus chapter-announcement
BONUS CHAPTER
SOUTH
Serial Charmer

Chapter 58

190K 9.4K 3.6K
By JFstories

"WHAT?"


Nakakunot ang noo ko nang sitahin si Jordan. Nakasunod siya sa akin hanggang sa pinto.


Imbes na sagutin ako ay nanguna pa siya sa akin sa sa paglabas. Wala siyang pakialam kahit bahagyang magulo ang buhok niya at gusot ang suot niyang polo.


Binuksan niya ang gate at nag-abang siya sa labas. "Color and plate number?" tanong niya nang nasa labas na rin ako.


Sinabi ko ang kulay at plate number ng Toyota Vios na paparating. Habang nasa labas kami ay panay ang tingin niya sa suot kong formal plain black jumpsuit na hanggang sakong ang haba.


"What?" naiiritang sita ko ulit sa kanya.


Tumaas ang sulok ng kanyang bibig. "Your outfit looks good on you."


Umismid ako. Mahaba ang jumpsuit na may lapel at malapad na sinturon. Pa-pants ang yari kaya hindi kita ang pinagagagawa niya sa mga hita ko kagabi.


Nang dumating na ang Grab car ay nanguna siyang lumapit doon para i-double check kung tama ang plate. Ipinagbukas niya rin ako ng pinto sa backseat.


Pasakay na ako nang pigilan niya ako sa braso. Nagtatakang napatingala ako sa kanya para lang magulat nang bigla niya akong halikan nang mabilis sa labi.


"Mag-ingat ka."


Natulala ako kay Jordan at sandaling natigilan.


"Sige na. I will wait for you later," nakangiting pagtataboy niya sa akin dahil kanina pa nakabukas ang pinto ng Grab car.


Ang mga labi niya ay may nahawaan ng bakas ng red lipstick na ginamit ko. Alam niya iyon pero wala siyang pakialam.


Sa malapit na tindahan sa amin ay nakapwesto ang mga kapitbahay. Naroon din yata ang dati naming schoolmate na si Barbie, at malamang nakita nila ang ginawa niya.


"Your dick would be tucked in tonight."


Napaungol siya.


Nakasimangot na pumasok na ako sa loob ng kotse. Nag-iinit ang pisngi na sinikap kong wag ng lumingon hanggang sa makalayo ang sinasakyan ko. Malapit na ako sa Tanza nang mag-text si Charles. Nasa magiging café ko na siya. On the way na rin ang kapatid niya at ang asawa nito.


Pagkarating ko ay sinalubong niya ako ng halik sa pisngi. "Did you sleep well last night?"


"Hmn?" Lutang na tiningala ko siya.


"I've texted you. Hindi mo yata nabasa dahil nakatulog ka nang maaga."


Pumasok na kami sa loob ng magiging café ko. May tatlong upuan at isang mesa roon. Naupo ako habang nag-ch-check ng phone. May mga text messages nga si Charles. Meron din si mommy.


Mommy:
Your birthday is near, darling. Nagkausap na kami ng ninong mo at gusto niya rin talaga na magkaroon ng party para sa 'yo. You can invite as many as you want.


Nagtipa ako ng reply.


Me:
Thank you. I appreciate it, My. Kaya lang hindi kakayanin ng oras ko na magpa-party.


Sandali lang ay nagri-ring na ang phone ko. Nagpaalam ako kay Charles na lalabas muna dahil malamang na ina-nag ako ni mommy.


Hindi nga ako nagkamali dahil lahat na yata ng sermon at pagpapaawa kay mommy ay narinig ko sa pag-uusap namin. Emosyonal siya dahil kapapanganak lang.


Gustong-gusto niya na magpa-party sa birthday ko. Kung ayaw ko raw ng en grande ay papayag na siya sa simple basta matuloy lang ang party.

Sa nakaraang birthdays ko sa unang dalawang taon ko sa Singapore ay pinipilit niya rin ako na magpa-party. Kung doon o kung uuwi ako rito sa Pilipinas. Napagod na lang siya sa pangatlong taon dahil palagi akong tumatanggi. Palagi rin akong wala kapag pinupuntahan nila ako sa condo.


Pagbalik ko ay naghihintay sa akin si Charles sa sliding door. "Ayos ka lang?"


Tumango ako at nagsikap ngumiti. Hinawakan niya ako sa balikat at inalalayan pumasok sa loob.


"Nasaan na sila?" tanong ko at pasimpleng hinawi ang hawak niya sa akin. Napakamot naman siya ng ulo dahil tanga lang ang hindi makakahalata.


Namumula ang pisngi niya nang ipaghila ako ng upuan. "Uh, dumating na. Nagpa-park na lang."


Mula sa pinto ay pumasok ang isang maliit na babae. Naka-white blouse, skinny jeans, heels, maiksi ang buhok, maputi, at maliit ang cute na mukha. Nakilala ko siya. Si Charlotte, ang schoolmate namin noon at kapatid na bunso ni Charles. Siya iyong nakasabunutan ko noon sa labas ng school.


Ang dating matapang na mukha ni Charlotte ay wala na ngayon. Kahit cute ang mukha ay mababakas na roon ang maturity.


"Hi. I am Carlyn," pakilala ko. Ako na ang naunang mag-approach dahil halata ang pagkailang ng babae.


"Hi. I'm Charlotte. Ito naman ang husband ko, si Vinz." Pakilala niya sa lalaking kasama. Naka-polo na kulay pula ang lalaki. Mukha mabait ang asawa niya. Good for her.


"Hi, Vinz." Tumayo ako at nakipagkamay sa kanilang mag-asawa.


"Kuya, kumusta?" nakangiting bati ni Charlotte kay Charles. "Mag-stay ka ba?"


"Ah, no." Napatingin si Charles sa akin. "Aalis muna ako. Kukuha ako ng passport sa Dasma. Babalik na lang ako mamaya."


Nangingiti si Charlotte nang makaalis na ang nakatatandang kapatid.


Nagsimula na kaming mag-usap ni Charlotte tungkol sa design ng café. Ipinakita niya sa akin ang portfolio nilang mag-asawa. Kahit nakita ko na sa Facebook page nila ang mga samples ng kanilang gawa ay tiningnan ko pa rin pati ang mga photos sa dala nilang clearbook.


Nakakahanga si Charlotte dahil hindi man siya nakatapos ng kurso na BS in Interior Design ay nagagamit niya pa rin ang napag-aralan.


Naituloy niya ang hilig at marami naman ang nagtiwala sa kanya dahil magaling at masipag siya. Marami na siyang naging kliyente. Nakatulong din sa kanya na makilala ang asawa na nasa line of work. They were a good tandem who complemented each other.


Nakikita ko rin na malaki ang papel ng napangasawa ni Charlotte para sa pagsisikap niya.


Maraming magaganda pero tipid na suggestions si Charlotte para sa café ko. Nang magkasundo sa design at presyo ay pumirma na ako ng kontrata sa kanila. Nag-bank transfer na rin ako ng down.


"Salamat sa tiwala, Carlyn." Kanina ay napaka-professional ng pakikipagusap niya sa akin ni Charlotte, ngayon ay bumalik ang nahihiya niyang ngiti sa mga labi.


Sandaling nagpaalam na lalabas ang asawa niya dahil may tumawag dito para sa prenup shoot. Naiwan kami ni Charlotte sa loob.


"Pasensiya ka na pala sa nangyari noong senior high tayo."


"Wala na iyon. Mga immature pa naman tayo lahat noon."


"Okay lang ba kung itanong ko kung nanliligaw sa 'yo ang kuya ko?"


Mahina akong natawa. "Natanong mo na."


Natawa rin si Charlotte. "Sorry."


"No. Nagsasayang lang siya ng oras," nakangiting sabi ko.


Lumabi siya. "Hindi na iyon nagka-GF after senior high."


"Naging busy siguro sa pag-aaral. Mahirap iyong course niya. Dinugo raw siya."


"Sinabi mo pa. Pero nakaka-amaze, naka-graduate si kuya. In fairness, okay naman pala siya pag magsikap."


Magaling naman sa math si Charles. Hindi rin naman siya masasabing patapon noong high school kami, kumbaga sakto lang siya. Siya iyong klase ng estudyanteng walang pakialam.


"Na-pressure siya sa college e. Paaral kasi kami lahat ng tita namin, e kaso kami ng ate namin mga maagang nabuntis. Nahinto kami. Naiwan si Kuya Charles na nag-aaral. Naiwan sa kanya ang pressure."


Nabanggit nga ni Charles iyon sa akin. Nawalan siya ng choice kundi magsikap. Nag-matured na rin at nakapag-isip-isip.


"Alam mo, wala na talaga akong balita riyan kay Kuya Charles e." Nangalumbaba si Charlotte sa mesa. "Mula noong doon na siya tumira sa tita naming matapobre ay hindi na siya nagpakita at nagparamdam sa aming pamilya niya."


Napamaang ako. "You mean ngayon na lang ulit kayo nagkita?"


"Yup." Tumango siya. "As in. Pati sa social media ay pinagtataguan niya kami. Deactivated lahat ng accounts niya for the past three years. Hindi namin alam ang mga nangyayari sa kanya."


Kumiling ang ulo ko.


"Akala talaga namin ay nilimot niya na kami. Kaya nga nagulat ako nang bigla 'yang kumontak para sabihing kailangan mo raw ng interior decorator sa café mo."


"Wait. Kahit ba sa parents niyo hindi nagpapakita si Charles?"


"Oo. Maski isang text message man lang kina Nanay at Tatay sa loob ng tatlong taon, hindi talaga siya nakaalala."


Napakalapit lang kung tutuusin ng Dasmariñas sa Buenavista. Lalo namang malapit sa Buenavista ang Governor's Dr. kung saan nakatayo ang Lyceum of the Philippines University Cavite kung saan nag-aral si Charles.


"Naisip lang namin na baka pinagbawalan si Kuya Charles ng tita namin. Nagalit kasi iyon dahil nabuntis ako saka si Ate. Syempre nga naman, nasayang ang pagpapaaral niya sa amin kaya siguro hinigpitan niya si Kuya dahil iyon na lang ang natira sa kanya."


Sandaling huminto sa pagku-kwento si Charlotte.


"Pasensiya ka na, Carlyn. Nadaldal ko pa sa 'yo ang tungkol dito. E kasi, matindi talaga iyong tita namin na iyon. Tumutulong pero matapobre saka grabe magdesisyon sa mga buhay namin porket siya ang nakakaangat. Kaya nga nagpabuntis na ako dahil gusto ko nang makawala sa pangit na sistema." Umismid ang babae.


Wala naman akong maikomento.


Nang bumalik si Vinz na asawa ni Charlotte ay niyaya ko sila na kumain muna dahil hindi na namin namalayan ang oras na lampas na pala ang lunchtime.Sumakay ako sa dala nilang Mirage. Sa backseat ako at ang mag-asawa ay sa harapan. Sa Shang Garden Chinese Cuisine kami sa Tanza Oasis Hotel and Resort pumunta.


Around two pm nang mag-text si Charles na susunod sa amin. Sinabi ko sa kanya kung nasaan kami.


Nang dumating si Charles ay katatapos lang naming kumain. Nagpapaalam na sina Charlotte.


"Confident ako na magiging maganda ang kalalabasan ng whydesign ng café dahil sa 'yo."


"Thank you." Tiningnan ni Charlotte ang binatang bagong dating. "Kuya, alis na kami."


"Ingat," tipid na sabi niya lang sa nakababatang kapatid. Nakipagkamay siya kanyang bayaw.


Lumabas na rin kami ni Charles ng resto. Naglakad kami patungo sa kinapaparadahan ng kotse niya.


Pinauna niya na akong pumunta sa kotse niya. Siya ang nagbukas ng pinto sa passenger seat para sa akin.


Sa loob ng kotse ay may maliit na clear plastic envelope sa dashboard. Naroon ang kakukuha niya lang na passport ID.


"Pangit ko riyan," nahihiyang sabi niya sabay kuha sa plastic envelope para ilayo sa akin.


Inagaw ko naman iyon sa kanya kaya wala siyang nagawa kung hindi bumitiw. "Patingin lang."


Napaungol siya at naihilamos ang palad sa kanyang mukha.


Hindi ko pinansin ang pagtutol niya. Pinakialaman ko ang ID. Seryoso siya sa photo at halatang naiinip. Pero guwapo naman siya.


Ngumisi ako. "Totropahin."


Nakangiwi ang mapulang mga labi ni Charles nang ibalik ko sa ibabaw ng dashboard ang maliit na clear plastic envelope.


Ini-start niya na ang kotse. Ihahatid niya na ako pauwi ng Navarro kahit itinext ko na siya kanina na wag niya na akong balikan dahil pwede naman akong mag-Grab pauwi.


"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.


Ngumiti siya habang ang mga mata ay nakatutok sa daan. "Na-fall na ako."


Hinampas ko siya sa braso. "'Di ako nakikipagbiruan sa 'yo."


"'Di rin naman ako nakikipagbiruan."


Umismid ako. 3:00 pm na kasi. Naisip ko lang naman na baka hindi pa siya kumakain. Kung hindi pa ay pwede ko siyang samahan sa resto para makakain muna siya.


"Busog na ako," sabi niya pagkuwan na hindi naaalis ang ngiti.


Habang bumabyahe ay tumawag na naman sa akin si mommy. Sa pangalawang ring ay sinagot ko na.


[ Darling, I'll respect your wishes. But please, celebrate your birthday with us. ]


"My, inaasikaso ko iyong café ko. Mas magiging busy ako sa mga susunod na araw dahil minamadali ko na ito."


[ Then kami ang uuwi riyan para makasama ka namin. ]


"I am not sure kung nasa bahay ako that day, My."


Ayaw ko rin siyang magbyahe dahil nagpapagaling pa siya. May inaalagaan pa siyang sanggol. Dagdag pa na nag-aaral si Levi.


"I promise to visit you before the opening of my café," pagpapalubag ko sa loob niya.


Hindi na nangulit pa si mommy dahil alam niyang hindi na talaga niya ako mapipilit. Ibinalik ko na sa bag ang aking phone.


"You don't have plans on your birthday," narinig kong sabi ni Charles kaya lumingon ako sa kanya.


"Alam mo ang birthday ko?"


Sumulyap siya sa akin at ngumiti. "Pwede bang hindi? Patay na patay ako sa 'yo noong high school tayo. Pati nga favorite color mo alam ko."


"Ano?"


"Pink."


Napabungisngis ako. "Black na ngayon."


"Why?"


"What why?" Kumiling ang ulo ko. "Black is an elegant, classy, and prestigious color."


"But it's a symbol of grief."


Nagkibit-balikat ako dahil totoo naman iyon. But black also represents power, authority, and strength. Without the color black, no color has any depth.


Hindi na nagsalita pa si Charles. Seryoso siya habang nagmamaneho. Nagtingin-tingin na rin ako sa labas ng bintana para mawala ang pagkainip sa traffic sa Tejero.


Nagpatugtog siya sa stereo. Ako ang pumili ng channel. Huminto ako sa kanta ni Jennifer Lopez and Ja Rule na 'I'm Real'.



What's my motherfuckin'name? R-U-L-E !
♫ ♬


Sinabayan ko ang bandang chorus habang ipinipitik ang mga daliri. "I met so many men, it's like they're all the same. My appetite for lovin' is now my hunger pain."


Nilakasan ko pa ng kaunti para mas umingay ang beat ng tugtog.


"And when I'm feeling sexy, who's gonna come for me? ... 'Tired of bein' alone... Yeah, yeah..."


Naiiling naman si Charles habang nagmamaneho siya. Mayamaya ay napapangiti na at paminsa'y napapasipol.


Ilang kanta bago pa kami nakalampas sa traffic sa Tejero. Pagkarating namin sa Malabon ay mabilis na ang biyahe. Hindi na ako sumasabay sa kanta. Nakasandal na lang ako sa sandalan ng driver's seat.


"What happened to you in SG, Carlyn?"


Tamad na nilingon ko siya. "Nothing interesting."


Sumandal din siya sa upuan saka bahagyang sumulyap sa akin. Wala siyang sinabi na kahit ano.


Alam ko na naghahanap lang si Charles ng tyempo para usisain ako. Imposibleng hindi niya alam na sa tagal ko sa Singapore ay wala ako kahit isang social media.


"I know this may sounds funny to you, but when you left, pakiramdam ko ghinost mo ako kahit hindi naman."


Napakagat-labi ako at itinapon muli ang paningin sa labas ng bintana.


"I was aware that I have no rights over you. I already accepted that fact. But I just couldn't stop myself... Palagi ko na lang nakikita iyong sarili ko na hinahanap ka."


Kalmado ang boses ni Charles pero malalasahan ang pait.


"Hindi naman ako umaasa. Gusto ko lang malaman kung kumusta ka. Kung ayos ka lang ba. Ang sakit lang na pati iyong simpleng bagay na iyon, hindi ko makuha."


"Akala ko hindi na ako babalik, Charles," maiksing paliwanag ko.


Iyon lang naman kasi talaga ang dahilan.


Hindi ko inakalang makakaisip pa rin akong bumalik dahil sanay naman na ako sa takbo ng buhay sa Singapore. Kapag nabo-bored naman, nag-iibang bansa ako.


"But why? Your family is here. You also have friends here."


"Yeah." Tumango ako. "And they have their own lives."


Naramdaman ko ang paglingon niya. "Carlyn..."


"Seriously, why do I need social media accounts? May phone naman, nakakausap ko roon sina mommy."


I didn't need a social media account while I was in Singapore. It was enough that I can still talk to my family through long distance phone call.


Para naman sa mga kaibigan ko, alam ko naman na naghanap din sila sa akin. Aware ako na napag-alala ko rin sila nang bigla akong mawala. I had no excuses. They were free to hate me or to even curse at me.


Pero sa umpisa lang lahat iyon. Hindi naman kasi pwedeng iikot na lang ang mundo nila sa paghahanap lang sa akin. Ang mga tao ay kapag patuloy na hindi nakikita ang hinahanap, sinasawaan at napapagod din sa huli.


Syempre lahat ng tao ay may sariling buhay na inaasikaso. May sariling problema at pagsubok na hinaharap. Natural na pangyayari ang panandaliang pagkagalit, pagkalungkot, at pangungulila. The ending was always the same, they will all move on.


"To tell you honestly, I thought I'm gonna die there." Nginitian ko si Charles na ngayon ay nakatingin sa akin. Nakahinto kami sa gilid ng kalsada na papunta sa Navarro.


Kumunot ang noo niya.


"That's possible, di ba? Pwedeng mamatay ako roon, so para saan pang malaman niyo?"


Sumimangot siya. "The joke isn't funny."


Lalo akong napangiti. "It is not a joke."


Umiling siya at ini-start na ulit ang engine. Hindi na siya nagsalita pa. Seryoso siya o mas tamang sabihin na nakasimangot.


Salubong ang makakapal at itim na itim na mga kilay ni Charles habang ang mga labi niya ay magkalapat. Bahagyang umiigting ang kanyang panga habang nakatutok ang madilim na paningin sa kalsada.

Nang nasa tapat na ng bahay namin ay muli ko siyang nilingon. "Galit ka ba?"


Bumuntong-hininga siya bago ako tiningnan. "Why are you so cruel?"


Lalo lang akong napangiti. "So you hate me now?"


Nang ngumiti na si Charles ay ako naman ang sumeryoso. Kahit nakangiti siya ay alam ko na hindi iyon bukal sa loob niya.


"Don't mind me," mahinang sabi niya. "Medyo naging sensitive ako. But rest assured, I am not expecting anything from you."


"For now?" seryosong tanong ko.


Nabura ang malamlam na ngiti niya. "Well, you're not exactly wrong."


Bumaba na ako ng kotse ni Charles. Ni hindi ako nagpaalam. Gusto ko na palaging malinaw sa kanya kung saan lang siya nakatayo. 


He was too innocent for his own good.


A willing prey but I didn't want to hurt him.


Nakapasok na ako sa gate nang mag-drive na siya paalis. 


Nakapasok na ako sa gate nang mag-drive si Charles paalis.


Si Nanette ang nagbukas sa akin pagpunta ko sa pinto. Siya lang ang tao sa sala pero alam ko na nandito pa rin si Jordan. Nasa garahe ang kotse ng lalaki.


Naalala ko ang paghalik niya sa akin kanina bago ako umalis. Ano ba ang tumatakbo sa isip ng lalaking iyon?


Umakyat na ako sa itaas. Pagdating ko sa second floor ay sakto na pababa si Jordan galing sa 3rd floor. Iba na ang suot niya. Tiningala ko siya.


Ang mga mata ko ay parang namiss siya na ayaw siyang tantanan ng tingin. Para akong nakakita ng pagkain. Pagod ako pero nawala ang pagod ko.


Honestly, marami akong naiisip na gawin sa kanya.


But nah...


Mukhang kararating lang din niya at nauna lang ako ng kaunti. Umuwi siguro muna siya sa kanila at nagbihis.


He was wearing a black button-down longsleeves polo now and a pair of white pants. May suot siyang specs sa mata. Naka-medyas at tsinelas ni Ninong Luis na pambahay ang nasa paahan. He looked so good and smelled so wonderful.


Yumuko siya at walang pasabi na hinalikan ako sa pisngi. "Hi. Kauuwi mo lang?"


"Why do you look so ugly?"


Ngumiti lang siya. Ngiti na nagpabilis ng tibok ng puso ko.


Napaatras ako at iniwan siya. Pumasok ako sa kwarto pero balewala rin dahil sinundan niya ako.


Kinuha niya sa akin ang bag ko at ipinatong niya sa mesita. Siya rin ang naghubad sa suot kong sandals at inilagay niya sa rack ng mga sapatos.


"Lumabas ka, magbibihis ako." 


Hindi siya tuminag. Tinulungan niya akong kalasin ang mga butones ng suot kong jumpsuit. Nang mahubad sa akin ang damit ay humagod ang mainit niyang paningin sa mga bakas na iniwan niya kagabi sa aking balat.


"Jordan, this is my last warning."


Hindi pa rin siya tuminag. Sumunod niyang inalis ang hikaw ko, ang kwintas, at ang panghuli ay ang wide bangle na suot ko sa kaliwang pulso.


Nakatitig ako sa mukha niya na kitang-kita dahil maliwanag ang paligid. Alas tres pa lang at mataas pa ang sikat ng araw mula sa nakabukas na bintana. Pinagmasdan ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon matapos niyang mabitiwan sa sahig ang wide bangle.


"Don't say anything..." Itinakip ko sa kanyang bibig ang palad ko. 


Yumakap ako sa kanya at isiniksik ko ang aking mukha sa mabango niyang leeg. Nang maramdaman ko ang mahigpit na pagyakap niya sa akin at panginginig ng kanyang katawan ay napangiti ako.


He wanted this and unfortunately, I was bored so I was giving it to him. 


Now, let see how long he will last. 


JF

Continue Reading

You'll Also Like

24.6K 1.7K 70
THE WATTPAD FILIPINO BLOCK PARTY IS BACK! Sana all bumabalik! Sana all binabalikan! Dahil narito na muli ang ating taunang Wattpad Filipino Block Pa...
1.5M 34.1K 34
Doctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Paulit ulit, parang on-loop na kanta, mula...
4.1M 243K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...