A Levelheaded Lass

By littlemissselle

1M 30.2K 7.7K

Black Series III: I'm Gianina Ramirez. I am guilty. Does sorry can never be enough? More

A Levelheaded Lass
ALL - One
ALL - Two
ALL - Three
ALL - Four
ALL - Five
ALL - Six
ALL - Seven
ALL - Eight
ALL - Nine
ALL - Ten
ALL - Eleven
ALL - Twelve
ALL - Thirteen
ALL - Fourteen
ALL - Fifteen
ALL - Sixteen
ALL - Seventeen
ALL - Eighteen
ALL - Nineteen
ALL - Twenty
ALL - Twenty One
ALL - Twenty Two
ALL - Twenty Three
ALL - Twenty Four
ALL - Twenty Five
ALL - Twenty Six
ALL - Twenty Eight
ALL - Twenty Nine
ALL - Thirty
ALL - Thirty One
ALL - Thirty Two
ALL - Thirty three
ALL - Thirty Four
ALL - Thirty Five
ALL - Thirty Six
ALL - Thirty Seven
ALL - Thirty Eight
ALL - Thirty Nine
ALL - Forty
ALL - Forty One
ALL - Forty Two
ALL - Forty Three
ALL - Forty Four
ALL - Forty Five
ALL - Forty Six
ALL - Forty Seven
ALL - Forty Eight
ALL - Forty Nine
ALL - Fifty
Epilogue
Black Note
Special Chapter - Zoe
Special Chapter - Tanya
Special Chapter - Gavin
Special Chapter - Leximir
Special Chapter - Deign

ALL - Twenty Seven

20.4K 653 184
By littlemissselle

Napilit ko si Kuya na gamitin ko ang Chevy ko, hindi pa kasi niya ako pinapayagan na mag-drive mag-isa kasi minsan lang ako um-attend sa driving class. Na-inggit kasi ako kay Phillip, he got his Range Rover na, at lagi ng umaalis to hang-out with his friends. Feeling cool kasi.

Uwian ngayon at siyempre isasabay ko si Zoe at Tanya kahit hindi sila kumbinsido sa driving skills ko.

"Gia, kay Phillip na lang kaya ako sumabay?" tanong ni Zoe pagkasakay niya sa likod.

"Kung papasakayin ka," Tanya laughed kaya minura lang siya ng kaibigan naming obsess sa kakambal ko.

Bago ko naman i-start ang makina ay nakita kong kumatok nanaman sa bintana ang driver namin. Kinuntsaba ko lang kasi siya na 'wag sasabihin kanila Kuya na ako ang magmamaneho eh.

Binaba ko ang bintana. "Manong, bakit?"

"Ma'am, natatakot talaga ako baka malaman nila Sir." Napakamot siya sa ulo niya.

"Malalaman lang nila kung magsusumbong ka, kaya sshh ka lang."

Hindi ko na siya inantay pang umangal ulit kaya pinaandar ko na ang sasakyan. Sinabihan ko naman siyang magkita na lang kami sa may kainan sa labas ng gate ng subdivision namin eh.

Marunong-runong naman ako dahil sa mga turo ni Kuya kaya tamad na tamad ako pumasok sa driving class noon.

Pagkalabas na pagkalabas ng school gate ay doon nanaman nag react si Zoe.

"Gia, seryoso, baka 'di ka marunong tumingin sa traffic lights. Red 'pag stop ah, green 'pag go, tapos-..."

"Iniinsulto mo ba 'ko? Pababain kaya kita sa gitna ng kalsada?"

Lumapit siya sa kinauupuan ko. "Mas gugustuhin ko pa 'yon. Wala 'kong tiwala sa pagmamaneho mo friend eh!"

Wala akong ibang nagawa kundi ang ihinto ang sasakyan at pababain siya. Just kidding. Minura ko lang siya.

"Libre pamasahe din 'to Zoe, 'wag ka na mag-inarte." Thank God, Tanya still believes in me, sort of.

"Para lang akong sumakay para sa tamang daan patungong maagang kamatayan. Aba naman, 'di pa nga ako nililigawan at nagugustuhan ni Phillip tapos mamamatay na ako!" Ang OA talaga neto kahit kailan eh, sarap sakalin.

Hininto ko ang sasakyan nang mag-red light at hinarap si Zoe. "Talagang mauna kang mamamatay bago ka magustuhan ng kambal ko." Ang lakas naman ng tawa ni Tanya, sarap talaga pag tripan ni Zoe, lalo na pag napagtutulungan.

Sinapok niya ako ng mahina. "Sama mo, ulul."

"I'm just an honest friend. Ayaw mo ba no'n, hindi kita pinapaasa?"

"Nah, truth hurts lang talaga." Sabi naman ni Tanya.

"Sige, kunwari na lang natutuwa ako sa inyong dalawa." She faked a laugh.

Bago ko sila hinatid sa mga bahay-bahay nila ay nag-drive thru muna kami kasi gutom si Zoe.

At matapos nila ako maging driver, papunta na ako sa meeting place namin ni Manong nang biglang tumigil ang sasakyan na nasa harap ko. Buti na lang naka-seatbelt ako pero hanep talaga eh sa gitna talaga ng daan, hihinto? Paano na 'tong Chevy ko?

Agad akong bumaba para tignan ang sasakyan ko. At parang gusto ko na lang umiyak at mag-tantrums sa gitna ng daan dahil sa nakita ko. Hindi naman sira pero may gasgas.

"Lagot ako nito kay Kuya," I murmured.

Narinig kong may sumarang pinto kaya agad akong napatingin doon at tumayo ng maayos. "Give me a valid reason na pwede kong sabihin sa kapatid ko dahil sa gasgas nito."

"Miss, sorry na, hindi ko sinasadya."

Naningkit ang mata ko sa inis. "Tingin mo mapapalagpas niya 'yan dahil sa sinabi mong 'yan?"

"Eh ano ba, do you want me to personally talk to your brother. Okay lang naman sa'kin eh. Kasalanan ko naman."

"No, no, no. You don't know my brother." Hindi na ako mapakali, lakad ako nang lakad. "Kasalanan mo 'to eh. Papagalitan ako no'n."

Hinawakan niya ako sa balikat. "Hey, hey. Calm down."

"How can I calm down kung ginasgasan mo kotse ko!"

"Okay, medyo nagmamadali rin kasi ako, can I just give you my calling card?" Pinagpapapalo ko siya sa braso. "Aray! Huy! Bakit?"

"Anong mapapala ko sa calling card mo!"

"Edi number ko!" At wala akong ibang nagawa kundi ang murahin siya dahil sa pagiging pilosopo niya.

Patuloy kami sa pagtatalo hanggang sa may lumapit sa aming enforcer at pulis at tinanong kung anong nangyari. Ito namang ungas na 'to, talagang pinu-push ang pagmamadali niya pero dahil ako ang kawawa rito, ako ang kinakampihan nila.

Sinusubukan kong tawagan si Gavin pero hindi siya sumasagot, may shoot nga pala kasi siya ngayon. Hindi talaga eh...hindi pwedeng si Kuya ang tawagan ko. Si Phillip na lang kaya? Damn, madaldal 'yon eh...pero siya na kasi 'yung susunod na taong maaasahan ko.

Ilang minuto makalipas kong matawagan ang kakambal ko ay dumating na siya na naka-jersey pa at pawis na pawis.

Siya ang nakipag-usap sa police officer at sa lalaking epal na 'yon. At ang nakakainis pa, magkakilala silang dalawa.

Hinintay naming makarating si Manong sa lugar ng pinangyarihan para siya na ang nagmaneho ng Chevy ko at doon ako sasakay sa kotse ni Phillip.

"'Yan napapala mo sa katigasan ng ulo mo," panimula niya sa kaniyang sermon. "Sinabihan ka ni Kuya na hindi mo pa pwede i-drive 'yon 'di ba? Ang kulit mo eh."

"Kaya ko naman kasi eh tsaka 'di ko naman kasalanan."

"Kasalanan mo. Kasi hindi 'yon magagasgasan kung hindi ikaw 'yung nagmaneho."

"Hindi ko kasalanan kasi nagmamadali 'yung isang 'yon kanina! Atsaka bakit ba kayo magkakilala?"

Sinamaan niya muna ako ng tingin bago sumagot. "Team Captain siya ng kalaban namin next week."

I just nodded. Buong biyahe namin pauwi ay sinermunan niya lang ako. Tss.

When we got home naghanda na ako sa isang malawakang sermon mula sa Kuya ko. Gusto ko lang naman ma-experience na i-maneho 'yung sasakyan ko eh.

"Gianina!" Pagkarinig ko pa lang sa malakas na pagtawag sa akin ni Kuya ay nataranta ako sa pagbaba sa hagdanan at naabutan ko siyang naka pamaywang. "Anong kalokohan nanaman ang ginawa mo?"

"Eh Kuya...gusto ko lang naman i-try. Akin naman 'yon eh."

"Ah gano'n, sa'yo naman kasi? Eh kung natuluyan ka, 'yan pa rin isasagot mo sa'kin?"

Ang OA naman nito. "Kuya hindi naman ako napano ah, safe pa rin naman ako nakauwi."

"Eh paano nga kung hindi?" he shouted.

Narinig ko pa ang pagbukas ng mga pinto mula sa itaas. Narinig ko ang pagtawag ni Ace sa tatay niya dahil nga galit na galit si Kuya ngayon.

"Ang daya naman kasi eh. Si Phillip pwede na niya gamitin kotse niya tapos ako hindi!"

Nanlaki ang mata ni Kuya sa galit. "Aba, Gianina. Kailan ka pa natutong sumagot? At kailan pa naging ganiyan 'yang pag-iisip mo? Ikaw na nga 'tong inaalala tapos ganiyan ka pa sumagot."

Biglang bumigat 'yung loob ko at hindi ko na napigilan ang umiyak. "Sana si Papa na lang 'yung nandito! Ikaw, lagi ka na lang nagagalit sa'kin!"

"Mas gusto mo kay Papa? Edi sige, pumunta ka do'n! Do'n ka na, palibhasa kasi masiyado kang spoiled kay Papa eh."

"Casimir," pagtawag ni Ate Alex sa asawa niya. "'Wag mo na sigawan 'yung bata."

"Hindi. Hindi magtatanda 'yan hangga't hindi napapagalitan eh."

Naramdaman ko na lang na may humahaplos sa likod ko at narinig ko ang boses ng kakambal ko. "Kuya, 'wag mo na pagalitan si Gia. Ako talaga 'yung may kasalanan."

Agad akong napalingon sa kaniya. "What?" I murmured.

"I provoked her to drive her car. Hindi naman niya gagawin 'yon kung hindi dahil sa'kin eh."

Padabog na dinampot ni Kuya ang mga gamit niya at sinamaan kaming dalawa ng tingin. "Bahala kayo sa buhay niyo. Hindi kayo marunong makinig." At nagmadali siya sa pag-akyat at rinig na rinig namin ang malakas na kalabog na pagsara ng pinto ng kwarto nila.

"Pasensiya na kayo sa Kuya niyo ha. Stressed lang siya." Ate Alex smiled calmly at us then followed her husband.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak pero iniwan din ako ni Phillip para umakyat na sa kwarto niya kaya naman hinabol ko siya bago pa niya ako masaraduhan ng pinto.

"Bakit mo ginawa 'yon? Bakit ka nag sinungaling kay Kuya? Bakit mo 'ko pinagtakpan?"

"Do'n ka na nga sa kwarto mo."

Pinunasan ko ang mga luha ko at inakap siya. "Thank you."

Mahina niyang tinapik ang balikat ko pero agad niya rin akong ipinagtulakan palabas ng kwarto niya.

Lumipas ang mga araw na hindi kami nagpapansinan ni Kuya. Ngayon, may game sila Phillip, nawiwili na ako manood ng mga laban nila. Nakakatuwa lang din kasi mag-cheer para sa isa sa mga pride ng school namin.

Nanalo ulit kami at siyempre tuwang-tuwa ang lahat. Mula sa court ay nagawa pang kumaway ni Deign sa akin na parang bata.

Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ko at si Phillip iyon, tumawag lang siya para pababain ako. Siyempre mas ikinatuwa pa iyon ni Zoe kaysa sa akin.

"Tara na, bilis, pabagal-bagal ka naman eh." Sabay tulak ng kaibigan ko sa akin.

"'Lang 'yang 'yan. Basta pagdating kay Phillip, bilis mo eh 'no," sabi naman ni Tanya sa kaniya.

"Aba siyempre, mahirap na 'yung mabagal, baka maunahan pa ng iba."

Napa-iling na lang ako at lumapit sa kakambal ko.

"Oh bakit?" bungad ko. Nakita ko pa sa likod niya si Deign kasama ang coach nila at kinakausap ng media pero todo ngiti at kaway pa ang loko sa akin. Natawa na lang ako bigla.

"Oh 'ta mo, siraulo, tumatawa mag-isa." Sinamaan ko ng tingin si Phillip at inulit na lang ang tanong ko.

"Congrats Phil!" masiglang bati ni Zoe sa kaniya.

"Salamat." Nginitian siya ng kapatid ko at todo paypay siya sa sarili niya na tila hihimtayin pa. Naka-ilang batok at hampas si Tanya kaniya para kumalma. "Eh may papakilala ako sa'yo," he said looking at me.

"What? Who?"

May tinawag siya sa likod ko at may pamilyar na lalaki ang bumungad sa akin pagka lingon ko. "Theo ito na!"

Nakangiting lumapit sa amin ang Theo na iyon kaya agad ko siyang sinipa sa binti. "Aray naman! Sa tuwing magkikita na lang ba tayo, mananakit ka."

"Dahil sa'yo, magkagalit kami ng Kuya ko!"

"Kasalanan ko bang hindi ka sumunod sa kaniya?" He said teasingly.

Narinig ko pa ang pagbulong ni Zoe kay Tanya sa likod. "Ano, Theo o Deign? Kay Deign ka na."

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Muli kong hinarap si Theo. "O ano naman bang kailangan mo?"

"Bakit 'di mo 'ko tinext?"

"At bakit kita ite-text?"

"Eh kasi ho sasagutin ko 'yung gasgas sa kotse mo."

My eyes widen because of excitement. "Talaga? Promise?" He nodded and raised his right hand. "Yay!" At nakipag-apir ako sa kaniya.

"Maka-yay naman 'to akala mo naman magkakabati kayo ni Kuya dahil do'n." Bakit ba ang sabatero ng isang 'to? Pero dahil pinagtakpan niya ako kay Kuya, sige pagbibigyan ko siya ngayon.

"'Di pa rin kayo bati ng Kuya mo? Kausapin mo na kasi." Ilang beses na akong pinagsabihan ni Tanya tungkol diyan pero hindi ko kasi magawang kausapin si Kuya, madalas ko siyang hindi maabutan at kung magkasalubong man kami sa bahay, naka-kunot na agad ang noo niya at diretso ang tingin sa daan.

Nag-uusap pa kaming apat nang biglang sumingit itong si Deign. "Hep hep, bakit nakikipag usap ka sa kalaban?" sabay turo pa niya kay Theo na tumatawa dahil sa asta niya.

Natawa na lang ako tinulak siya palayo. "Do'n ka nga, isip bata!"

"Ikaw, nasasanay kang pinagtutulakan ako palayo sa'yo ha!" Nagulat na lang ako nang hilahin niyang bigla ang braso ko at inilapit ang bibig niya sa tainga ko. "Kahit gaano kalayo mo pa 'ko itulak, hihilahin naman kita palapit sa'kin."

Ramdam kong nag-init ang pisngi ko kaya nilakasan ko ang pagtulak sa kaniya. "Che! Nag-uusap pa kami ni Theo, do'n ka na, baho mo!" At nagmadali akong bumalik sa mga kausap ko.

Naka-on ang TV habang gumagawa ako ng homework kasi inaabangan ko ang guesting ni Gavin sa isang talk show. He even called me thrice to remind me na panoorin siya tonight, ang kulit talaga ng isang 'yon. Medyo inaantok na ako sa ginagawa kong paper pero kailangan ko ng tapusin 'to kasi bukas na deadline nito.

Nag-iisip ako ng puwede pang idagdag sa output ko nang tumunog ang phone ko, inakala ko ngang si Gavin nanaman iyon pero A-hole ang nabasa ko.

"Hey," I answered.

"What's up? You done with your paper?"

"Nah. Patapos na sana pero istorbo ka."

He chuckled. "Gwapo kong istorbo 'no?" I can imagine his teasing smile right now.

"I have no time for your kahambugan moment so can I end this call now?"

"Ang conyo mo naman pero ang cute mo rin mag-goodbye ano?"

Hindi na siya natapos sa pang-aasar sa akin. Ewan ko ba, pwedeng-pwede ko naman siyang babaan pero pinipili ko pang sigawan at mainis sa kaniya. Habang nag-uusap kami ay narinig ko ang pagbanggit sa pangalan ni Gavin kaya agad akong napalingon sa TV.

Nakita ko siyang masayang-masaya at ang mga fans niya ay nagsitilian.

I sighed in awe. "Gavin."

"Psh. Hoy si Deign kausap mo hindi 'yung kumag na 'yon."

"'Wag ka ngang maingay diyan, pinapanood ko siya."

"'Wag ka na ro'n, madami kang kaagaw. Sa akin, wala." Natawa na lang ako sa kaniya at kinuwestiyon pa niya ang pagtawa ko dahil seryoso raw siya.

Pero natigil ako sa pagtawa nang marinig ko ang pagsagot ni Gavin. "Yes, I have a very special friend."

Nagloko pa ang host na siya raw ito at 'wag sana mainggit ang fans sa kaniya. Hiningian niya si Gavin ng short message para sa "very special friend" na sinasabi niya.

"Sana matapos ka na sa requirements mo para date na ulit tayo." Natawa ang audience at pati na rin ang host sa sinabi niyang iyon.

Gavin, alam mong hindi pwede, pinagsabihan ka na ni Quinta eh. Why are you so persistent about it?

Naka-ilang sigaw si Deign sa kabilang linya dahil hindi ko na siya nasagot. Nagpaalam na lang din ako sa kaniya at nag sinungaling na matutulog na kahit hindi pa naman.

Agad kong tinawagan si Gavin para kausapin sa mga pinagsasasabi niya sa TV. Ang kulit talaga ng isang 'yon! Minsan masunurin, minsan hindi.

"Gavin," I called in a warning tone.

"Yes, babe?" Happiness was very evident with his voice.

"Anong kalokohan nanaman ang sinabi mo sa talk show? Ang kulit mo naman eh. You're giving hints about us."

He chuckled. "Babe, I just realized that they should know about us. Ayaw ko na nung nagmumukhang fan kita, you're my girlfriend."

"And Quinta is your manager you should follow that big fat guy."

Buong gabi ay ikinuwento niya lang sa akin kung paano daw siya pinagalitan ng manager niya right after the show pero napa-kalma niya ito by saying na pwedeng isipin ng mga tao ay si Macey 'yung special friend na sinasabi niya. Nakakagaan sa loob na kausap ko ang boyfriend ko. Pinapasaya kasi niya ako.

Gabi-gabi tumatawag siya sa akin para makabawi kasi nga hindi niya nasagot ang tawag ko nung muntik na akong maaksidente. Nagpapadala siya ng one long-stemmed rose with chocolates na pinaghahatian pa namin ni Ace. I'm lucky to have him; to have someone I can rely on. Lagi niya akong kino-comfort 'pag naiisip ko na hindi pa rin kami nagkakabati ni Kuya.

It was a Sunday night when Deign fetched me in a café because his grandma invited me to have dinner with them. Uuwi na raw kasi siya sa Ilocos at iiwan na si Deign do'n kaya gusto niyang ihabilin ang magaling niyang apo sa akin. Hindi na rin ako nakatanggi kasi mismong si Lola ang kumausap sa akin. Nakapag sinungaling nanaman ako kay Gavin at sinabing kanila Tanya ang punta ko kahit na hindi naman.

Kaya ayon, umakyat nanaman kami ng bundok-pataas kasi 'yung kanila Deign eh kaya feeling ko nasa bundok kami 'pag pumupunta sa kanila. Kaming tatlo lang naman ang kumain na magkakasama at puro lang kami kwentuhan at tawanan.

"Alam mo hija, masaya akong nakilala ka ng apo ko."

Napatingin ako sa lola niya at ngumiti. "Bakit naman po?"

"Kasi napapasaya mo siya."

"Lola naman oh, baka lumaki ulo niyan. Tama na." Sinipa ko naman sa paa itong isang 'to. If I know, kinausap niya lola niya kaya ganiyan mga sinasabi sa'kin.

Nang matapos kami kumain ay nagpaalam na rin si Lola kasi aalis na siya. Marami siyang sinabi sa akin na paminsan-minsan daw ay dalawin ko sa bahay si Deign dahil baka mabaliw 'pag magisa, 'pag may sakit daw eh kung maaari alagaan, at kung ano-ano pa. Baby sitter ata tingin sa akin ni Lola eh.

Hinatid na siya ng driver nila at kasama naman niya ang nag-aalaga sa kaniya. Mag-stay na raw muna ako saglit sabi ng Lola niya para raw hindi masiyadong malungkot ang apo niya.

Pinasyal lang ako ni Deign sa buong bahay nila. Hanggang sa dumating kami sa kwarto niya. Patalon siyang nahiga sa kama niya.

"So, nakapag-aral ka na ba para sa quiz tomorrow?" He asked.

I nodded. "Yes and I'll make sure na mas mataas makukuha ko sa'yo." I crossed my arms with full of confidence.

"Oh really?" he answered mockingly. "Sige tignan natin kung makopya mo lahat ng sagot ko bukas."

I gasped. "Ang kapal mo! I never cheated!"

"If you say so..." I glared at him. "Hey, you like over looking 'di ba? Come!" Tumayo siya at tinulak ako palapit sa terrace.

Hinawi niya ang kurtina at binuksan ang bintana. Agad na bumungad sa amin ang malamig at preskong hangin. Matagal bago ako nakapag salita dahil sa ganda ng tanawin na nakikita ko.

"You're one lucky bastard to see this everyday." I said not looking at him because I focused on the view. It warms my heart to see city lights from up here.

"Well, you can come here anytime you want."

I pouted. "I might be interested to go here because of this and not because of you."

Umarte siya na parang nasasaktan. "Ouch naman Gia. Tagos eh."

Tumawa ako at mahinang sinampal ang mukha niya pero hinawakan niya ang kamay para ipang-haplos.

Pumikit siya. "Damn, I can give anything just to feel your touch." Malambing niyang sabi.

"Deign," I stared at him. "This is wrong and you know it."

"Mali na kung mali."

I wasn't able to make a move when his face went near me and kissed me. It felt new. It felt like we never did it before. I wrapped my arms around his neck and let his soft lips brushed mine.

I never thought something wrong could feel this good.

***

Hi guys :) Sana basahin niyo pa rin kahit ang tagal ng update, hehe, pasensiya na po talaga.

PLUG: Kailan mo makikita by @queen_nylanher

I Exist by clrrsl

Stay (One shot) by clrrsl

Enjoy! ♥ Thank you! God bless!

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 25.6K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
103K 4.8K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
145K 1.6K 37
"Kung pananagutan molang ako dahil nabuntis moku wag munang ituloy, Dahil pareho lang tayong masasaktan, Ikukulong mo yung sarili mo sakin dahil nabu...
5.9K 454 19
Can love really be found? Or it just comes right at you unknowingly?