Bachelor Wifey (Rewritten)

By JuanCaloyAC

1.7M 38.8K 8.5K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 2 of Bachelor Series Read at your own risk. A dying wish. P... More

Welcome Hindots!
Suarez Second Gen Timeline
#BWPrologue
#BWChapter1
#BWChapter2
#BWChapter3
#BWChapter4
#BWChapter6
#BWChapter7
#BWChapter8
#BWChapter9
#BWChapter10
#BWChapter11
#BWChapter12
#BWChapter13
#BWChapter14
#BWChapter15
#BWChapter16
#BWChapter17
#BWChapter18
#BWChapter19
#BWChapter20
#BWChapter21
#BWChapter22
#BWChapter23
#BWChapter24
#BWChapter25
#BWChapter26
#BWChapter27
#BWChapter28
#BWChapter29
#BWChapter30
#BWEpilogue
#BWBonusChapter
This is Me. Thank you, next!

#BWChapter5

47.6K 1.1K 230
By JuanCaloyAC

"Matagal ka pa?"

Patuloy na pangungulit ni Ginoong Elias sa gitna ng pagdadasal ko. Bakit hindi na lang kasi niya ako sabayan sa pagdadasal? Nang mabawasan naman ang mga kasalanan niya. Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagdadasal. 

"Sometimes, I wonder..." Wika ni Ginoong Elias. "That Rold may not hear my prayers since he does not understand Tagalog. Like, wala pa namang Tagalog noong panahon niya, 'di ba?"

Unti-unti akong napadilat at binigyan siya ng isang boombastic side eye, criminal offensive side eye. "Kung ayaw mong magdasal, manahimik ka na lang d'yan. Hindi iyong kung anu-ano pa ang sinasabi mo."

Napatakip naman siya sa bibig niya. "Forgive me, Sister Lucia, for I have sinned."

Napailing na lang ako at muling bumalik sa pagdadasal. Kahit wala na ako sa kumbento ay ginagawa ko pa rin ang mga nakasanayan kong oras ng pagdadasal kaya naglagay ako ng maliit na altar sa kwarto ko.

"In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit..." Pagtatapos ko sa aking dasal.

Nang matapos akong magdasal ay napatingin ako kay Ginoong Elias na naka-indian seat sa kama ko habang nakatingin sa akin. Naka-pout pa siya dahil isang oras din akong nagdasal. Pero, nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin ako sa boxer shorts niya.

"Bakit 'di ka nagbi-brief??" 

Tinignan lang ni Ginoong Elias ang ari niya na tila wala lang sa kanya. "Masakit sa itlog mag-brief..."

Agad akong napatakip sa aking mga mata. Hindi ko akalain na makakakita ako ng ari ng lalaki. Mahabaging D'yos, ilayo niyo po ako sa lalakeng ito. "Alam mong kasama mo ako sa kwarto, bakit hindi ka mag-underwear?"

"Ang arte mo naman." Patuloy niya. "Parang titi lang naman, pero parang mamamatay ka na d'yan. E, buhay nga ang nililikha nito."

Jusko po! Ilang oras pa lang kaming nagkakasama pero parang mamamatay na ako. Hindi ko kinakaya ang lalake na ito na puno ng kabastusan. Mas gugustuhin ko pa iyong lagi niya akong sinusungitan kesa sa ganitong puro siya kahalayan.

"Come on, wifey..." Sambit niya pa habang rinig ko ang pagtapik niya sa kama. "Let's sleep together na. Hubby is waiting for you na..."

"Ginoong Elias, parang awa mo na, mag-shorts ka na." Pagsusumamo ko habang takip pa rin ng kamay ko ang mukha ko. 

Rinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya at ang pag-alis niya sa kama ko. Umaatras ako mula sa pagkaka-upo ko sa sahig pero napigilan niya ako nang hawakan niya ako sa mga binti ko. 

"H'wag po..." Pagsusumamo ko. Nangako siya kanina na hindi niya ako gagalawin!

Tumawa naman siya nang mahina. "Gago. I will not harm you in any way naman, Lucia. Dayo lang ako rito sa lugar niyo kaya if I do anything nasty to you, you can shout for help. Besides, I have respect naman sa'yo at sa nanay mong may sakit." Napabuntong-hininga pa siya. "Ang hirap naman ng sitwasyon ko na may virgin mary akong kasama sa kwarto. Normal sa lalake ang boxer shorts lang ang underwear, Lucia."

"Pero, nasa kwarto kita, Ginoong Elias. Kaya dapat magsuot ka pa ng shorts para matakpan 'yang ano mo..." Sagot ko naman sa kanya.

"Fine. Ganito kasi 'yon, Lucia. Kayong mga babae ay naghuhubad ng bra bago matulog para makahinga naman 'yong dede n'yo, 'di ba? Kaya ko naman mag-brip pero masakit talaga dahil malaki...'yong itlog ko. And wala akong dalang shorts. Remember na galing ako sa work at dumiretso rito sa inyo." Pagpapaliwanag pa niya. 

Umiling-iling ako dahil ang bastos pa rin ng mga naririnig ko sa kanya! Mahabaging D'yos, ilayo niyo po ako sa makasalanang lalakeng ito. Pinagsisihan ko na po ang nagawa kong pagkaka-mali dahil sa lintik na pekeng marriage na naisip kong panlusot kay nanay. Alam kong karma ko na ito. Naputol naman ako sa iniisip ko nang muli siyang magsalita.

"Magiging bastos lang 'to kung iisipin mong bastos. Please remember na wala tayong damit nang isilang tayo sa mundo. At ang mga sinaunang tao, ng gawin sila ng D'yos, ay wala ring damit noon. Kung paano mo siya itatanim sa utak mo, magiging bastos talaga. Kahit ikaw pa ang maghubad sa harap ko, hindi kita gagalawin dahil wala naman tayong pinag-usapan na magtatalik tayo, Lucia." Pagtatapos niya.

Bakit ba lagi na lang siyang may sagot! Ako dapat ang magaling sa linyahan dahil ako ang mahilig magbigay ng payo sa mga kaibigan kong si Luna at Sanaya. Pero, pagdating sa lalake na ito, ako lagi ang natatameme.

Unti-unti ko namang tinanggal ang kamay ko sa mukha ko. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Ginoong Elias na nakaluhod sa harapan ko at nakatapat ang mukha niya sa mukha ko. Ngayon ko lang napansin na wala na sa ayos ang buhok niya. Tuyo na ito mula sa pagligo kanina. Bagsak na kulot na buhok na siya.

"Pwede po bang mag-behave ka na?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Ngumisi naman siya. "Malaki ba?"

Tinulak ko siya kaya natumba siya sa sahig. "Bastos ka talaga."

Tumayo na ako at nahiga sa kama ko. Tumawa naman si Ginoong Elias at sumunod sa kama ko pero linagyan ko ng unan sa gitna namin para malayo ako sa kanya. Ang liit na nga lang ng kama ko ay makikitabi pa siya. At sa tangkad niya, hindi ko alam kung paano siya magkakasya. Bahala siya d'yan.

"Arte." Sambit pa niya. "Baka bukas magising akong nakayakap ka sa akin."

"Hinding-hindi po 'yan mangyayari." Sagot ko naman sa kanya.

"Tsk." Pinatunog naman niya ang dila niya. "Sarap ko pa naman yakapin. Huggable kaya ako. Subukan mo dali—"

"Tumigil ka na parang awa mo na." Pagmamakaawa ko sabay takip ko ng unan sa mukha ko.

Tumawa ulit siya sabay alis ng unan sa mukha ko. "Matutulog ka na? Aga pa. Kwentuhan muna tayo."

Tinignan ko naman siya nang masama dahil pagod na ako sa kakulitan niya. "Ano na naman ba?! Maaga talaga ako natutulog. Gan'on po kami sa kumbento Ginoong Elias." Pagtataray ko na sa kanya.

Matagal niya lang ako tinitigan bago nagsalita. "Sa totoo lang, maganda ka Lucia. Never ka pa talagang nagka-boyfriend? O, kahit ma-inlove man lang?" 

Umiling naman ako.

"Don't you want to give it a shot? I have nothing against you being a nun, but you know, before you fully enter the convent, you can at least do things that you won't be able to do once you're there. So that you may decide for yourself if you actually like them or not."

Nakatingin lang ako sa mukha niya kanina sa buong litanya niya. Dati, wala namang effect sa akin ang mga lalaki. Pero ngayon, unang beses kong may ma-appreciate na lalaki dahil sa itsura niya. Ngayon lang naman din kasi ako nakasalamuha ng ganito katagal sa lalaki. Ang gwapo niya kasi talaga.

Isa lang ang masasabi ko. Kamukha niya si Archangel. Ang cute ng wavy niyang buhok.

Umiwas na ako ng tingin at tinignan na lang ang kisame ng kwarto ko. "Ayokong subukan. Gugulo lang 'yan sa mga isipin ko. Parang food tasting lang 'yan, pa'no kung parehong masarap, ano na ang basehan mo sa pagpili? Kaya ako, kung 'yung una kong natikman ay masarap, doon na ako. Kasi hindi naman siya ang unang pipiliin mo kung wala kang naramdaman na something kaya pinili mo siya."

Tumango naman siya at umayos na rin ng higa sa tabi ko. "You are absolutely right in what you said—the choices can be overwhelming. It's like taking an exam where every correct answer is a guess. You don't know which option to pick; you can never be too sure that you've made the right choice. It's more frustrating than confusing. That's why I hate those multiple-choice questions. If common sense has been enforced and it's true or false, then I can make a better decision."

In-english lang niya ang sinabi ko. Pero buti naman at na-gets niya ang sinabi ko. Ang hirap talaga kapag maraming choices. Ang importante, ikaw lang ang nag-iisang choice. Eme!

"So, how about you?" Pagpapatuloy pa niya. "You don't have any questions for me? I know more about you than you do about me."

Gusto ko sanang sagutin na na-search ko na siya. Doon pa lang, ang dami ko ng nalaman sa kanya. Dapat ko pa ba siyang kilalanin kung aayusin naman namin ang pagpapa-walang bisa ng kasal namin?

Binalot muna kaming dalawa ng katahimikan. Pareho kaming nakatingin sa kisame habang kuliglig lang ang naririnig sa pagitan naming dalawa. Huminga muna ako nang malalim bago siya tanungin.

"Galit ka pa rin ba sa akin dahil sa nagawa ko?"

Kita ko naman sa peripheral vision ko na umiling siya. "Everything happens for a reason, and Lucia, you came at the perfect time, and I'm sure that it's no coincidence."

Napatingin naman ako sa kanya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Na the universe has a way of bringing people together in the most mysterious and beautiful of ways." Sagot pa niya sabay tingin din sa akin. "Dumating ako sa'yo kasi kailangan mo ng lalake na magpapanggap na asawa mo, dumating ka sa akin kasi..." Pagputol niya sa sinasabi niya.

Nagsalubong naman ang dalawa kong kilay. "Kasi?"

"Kasi you have shown me that there is so much more to life than what I was used to." Sagot niya na makahulugan.

Tumango-tango naman ako kahit hindi ko maunawaan kung ano ang tinutumbok niya. "So, naging mabuti o masama ba ang pagdating ko sa'yo?"

Nagkibit-balikat naman siya. "Naging maganda. Grabe, kamukhang-kamukha mo talaga si Mommy Mary."

Inirapan ko naman siya. "Bolero."

"I'm serious, 'no." Sagot naman niya. "Pwedeng ako naman ang magtanong?"

"Nagtatanong ka na po." Basag ko sa kanya.

Tumawa naman siya ng mahina. "Pinkish ba ang utong mo?"

Napairap ako sabay tagilid patalikod sa kanya. Ang bastos talaga! Ang hirap na may demonyo kang katabi! "Matulog na tayo!"

Muli naman siyang tumawa.   "Good night, wifey." Sambit pa niya.

Tumango lang ako. Ako naman ay unti-unti nang binabalot ng antok hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan na lang ako nang makadama ng init at makarinig ng mahinang paghilik. Unti-unti kong dinilat ang mata ko at tumambad sa akin ang dibdib ni Ginoong Elias.

Nanlaki ang mata ko dahil sa posisyon ng pagtulog namin! Nakaunan ako sa braso niya habang yakap niya ako. Well, yakap ko rin siya. Para kaming mag-asawa sa posisyon namin! Bakit 'di ko man lang naramdaman na yumakap siya sa akin! Sinubukan ko agad makawala sa yakap niya pero humigpit lang lalo ang yakap sa akin ni Ginoong Elias.

"Ginoong Elias..." Halos pabulong kong tawag sa kanya dahil sinusubukan ko pa rin makawala sa kanya.

"Hmmm..." Ungol lang niya na himbing pa rin na natutulog.

Sinubukan ko ulit kumawala pero nakatanday din ang mga binti niya sa akin. Masyado siyang malaki para sa akin kaya hindi ko siya kayang labanan. Pero, mas nanlaki pa ang mga mata ko nang may madama ako na matigas na bagay na tumutusok sa hita ko. Inalis ko ang kumot para tignan kung ano 'yon at nakita ang kanyang ari! Jusko po!

Ang big bird niya medyo nakatayo! "Ginoong Elias, 'yong ano, ahmmm, 'yong ari mo..."

"Hmmm..." Ungol lang ulit niya. "That's morning wood, and that's normal for guys. Gusto lang niyang mag-hello sa'yo..." Pagbibiro niya habang nakapikit.

Hinampas ko na siya sa dibdib niya. "Ginoong Elias, umayos ka po, please."

Ngumisi naman siya sabay dilat. "N'ong yinakap mo ako kagabi at linapat ang dede mo sa dibdib ko ay hindi ako nagreklamo, ha..."

Sinungaling 'to! "Hindi ko ginawa 'yon!" 

Tinaasan naman niya ako ng kilay habang nakangisi pa rin. "Tumayo ako kagabi para umihi pero pagbalik ko ay yinakap mo ako agad. Sino ba naman ako para tumanggi sa isang heavenly hug mo?"

Nagsalubong ang mga kilay ko sa kwento niya. Feeling ko ay namula ang pisngi ko. "Tulog ako n'on. Hindi ko alam ang ginagawa ko."

"Okay. Sabi mo, e. Pero it's my honor na unang lalaki na mayakap mo." Asar pa niya sabay kindat sa akin.

Tinulak ko na siya kaya kumalas na siya sa pagyakap sa akin. Naupo na ako sa kama para ayusin ang buhok ko. Naupo rin si Ginoong Elias at inayos ang ari niya sa boxer short niya! Jusko po! Napaka-casual naman niyang gawin sa tabi ko!

"Hirap talaga kapag may malaking burat." Sambit pa niya.

Mahabaging D'yos. Kunin niyo na po ang lalaking 'to ngayon din!

Kumalma ka, Lucia. Ilang saglit na lang ay mapapalayas ko na 'tong bastos na lalaking 'to. Kailangan ko lang i-check kung nakaalis na si ate. Iniwan ko na siya sa kama at naglakad na papunta sa may pinto. Pagbukas ko ng pinto ay tumigil ang mundo ko.

Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. "N-nay?"

Napakurap lang si nanay habang nakatingin sa may likuran ko. Mahabaging D'yos, nakatingin si nanay kay...

...Ginoong Elias.

—MidnightEscolta 😉

Continue Reading

You'll Also Like

5.6M 99K 33
LOVE AT FIRST NIGHT ONE NIGHT SERIES I DARREN JAVES ZAMORA JAMISOLA He met the mysterious woman in a bar. He's willing to pay triple her price just t...
901K 16.2K 40
I'm Hillary Rayne Olivar. Maganda. Sexy. Mayaman. Matalino pero nagpakatanga sa iisang lalaki na paulit-ulit lang akong niloloko. Naranasan mo na ban...
838K 19.3K 61
PROFESSION SERIES 1 ENGR. PAUL MENDIOLA