Fragments of the Universe

By abdiel_25

1.9K 168 61

Stand-alone Story | She met her variant, and apparently he's a he. *** A novel. After losing their parents at... More

Disclaimer
Prologue : The last chapter rewind
Episode 1 : She who lost twice
Episode 2 : The Nine-tailed and the Counterpart
Episode 3 : Put two and two together
Episode 4 : Know something backwards and forwards
Episode 5 : Life is not given, it is earned
Episode 6 : Unforeseen turn of events
Episode 7 : The Prince and the Fox who crossed the multiverse
Episode 8 : The clock is ticking doom
Episode 9 : The pattern of the universe
Episode 10 : The wanderer took a week off
Episode 11 : Down on one's luck
Episode 12 : The lonely and great god of time
Episode 13 : Golden rule of the universe
Episode 14 : Arrival of the god of war's son
Episode 16 : Metaphor of a monarch butterfly
Epilogue : He who found her twice
Author's note

Episode 15 : You tell the Luna

45 6 0
By abdiel_25

Episode 15 : You tell the Luna

Astra









Ito na yata ang pinakamahabang araw sa buong buhay ko.

Simula nang umalis si David at gumiho, hindi na namin alam kung anong nangyari sa kanila. Nasira yata ang linya ng kuryente at internet kaya kung may nangyayari man ngayon sa paligid namin, wala kaming alam.

Halos tatlong oras pa lang makalipas nang umalis sila David at gumiho sa studio. Hanggang ngayon naglilinis pa rin kami pero kaunti na lang naman dahil naayos na namin ang mga nagulong gamit kanina.

Ayun nga lang sobrang damit kalat dahil may mga  bubog at iba pang gamit na nasira, kaya kailangan na ring itapon dahil hindi naman na mapapakinabangan.

Gusto ko sanang sumunod kila David at gumiho. Pero hindi ko naman alam kung saan sila hahanapin. Isa pa, mag-aalala lang din ako sa mga magulang ko at kay Elle kung sakaling umalis man ako pagkatapos ay magkaro'n ng after shock.

Nang magising ako, halos patanghali na rin pala. Kaya nang matapos kaming maglinis, inaya na ako nila mama na kumaih. Kasabay namin si Elle na tila tulala simula nang maka-alis sila gumiho. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya, kaya nang matapos kaming kumain, sinundan ko siya sa kung saan siya papunta.

Huminto siya sa may hardin na ngayon ko lang nakita sa studio. Marahil sinabi sa kaniya ni gumiho ang daan dahil hindi madaling mapuntahan ito kung hindi mo lang din alam ang pasikot-sikot sa studio.

Naramdaman yata niya ako sa likuran niya kaya lumingon siya. Halata sa mukha niya na hindi niya inaasahang makita ako, pero wala naman na siyang nagawa nang umupo ako sa isang bench na katabi ng maliit na fountain na nasa gitna ng garden. Kung maaga ko sanang nadiskubre ang parte na ito ng studio, baka dito ako tumambay kagabi at hindi ako sumama kay David sa may balkonahe.

"Bakit ka nandito?" walang ganang tanong ni Elle bago siya umupo sa tabi ko.

"Bawal ba?" tinaas ko ang pareho kong kilay bago ako tumingin sa kaniya.

"Sinabi ko ba," aniya kaya kumunot ang noo ko.

"May dalaw ka ba?" tanong ko sa kaniya pero imbis na sumagot, lumingon lang siya sa kaliwa niya, umaktong iniiwasan ako. Nilaro niya 'yung bulaklak na pinakamalapit sa kaniya. "Elle, may problema ba?" tanong ko pero hindi ulit siya sumagot, kaya hinayaan ko na lang muna siya.

Ganiyan naman lagi siya kapag may problema. Hindi niya muna sasabihin sa akin, Gusto kasi niya siya mismo ang maghahanap ng solusyon sa problema niya. ALthough binibigyan ko naman siya ng advices kapag nararamdaman ko kung anong problema, madalang na sundin niya ako. Madalas pa rin niyang sinusunod ang kung anong gusto niya.

And that's fine. It's her life, not mine. I'm just here to guide and support her. 'Yun din naman ang sabi niya sa akin noon. Hindi ko p'wedeng pilitin ang mga tao na gawin ang gusto kong gawin nila. In the end, it's still up to them kung anong desisyon nila.

Ang magagawa ko lang ay maghintay at makinig sa kung ano mang gusto niyang sabihin sa akin.

Kung ayaw niyang sabihin, ayos lang.

She'll be fine without my help. I know it. She's Elle after all.

Huminga ako nang malalim bago pinagmasdan ang kalangitan. Hindi masyadong nakakasilaw ang araw. Nakakapagtaka nga na tanghali pa lang pero tila hapon na.

Uulan siguro?

"Ano na kayang nangyayari kila David ngayon?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa langit. Dinama ko 'yung biglang paghangin. Hindi man kasing lamig ng hangin sa balkonahe kagabi, sapat naman 'yon para pagaangin ang pakiramdam ko.

Hindi ko alam kung bakit tila nag-aalala ako, gayong crown prince naman si David at tungkulin talaga niya ang umaksyon kapag may nangyaring sakuna o kung ano pa mang peligro na p'wedeng ikapahamak ng mga taong nasasakupan niya.

Siguro nasanay na lang ako sa presensya niya at hindi ako mapakali kapag wala siya sa paningin ko.

"Astra..."

Sa wakas ay nagsalita na rin siya.

"What if dito na lang ako?" tanong niya kaya napalingon ako sa kaniya.

"Dito? What do you mean dito ka na lang? Gusto mo mapag-isa?" tanong ko kaya agad akong tumayo. "Kung ano man 'yang problema mo, alam kong kaya mo 'yan mag-isa. Kung kailan mo ng resbak, nando'n lang ako sa salas okay?" ani ko bago akmang maglalakad na sana palayo pero muli siyang nagsalita.

"Nahulog yata ako," sabi niya dahilan para mag-loading ang utak ko.

Nilingon ko sya. "Nahulog? Saan?"

May sugat ba siyang natamo nang mahulog siya kaya parang ang tahimik niya kanina pa?

"Hindi ako sigurado. Hindi ko alam kung tama ba 'tong nararamdaman ko. Pero ang weird lang kasi," sabi niya dahilan para mas lalo akong maguluhan.

Dahan-dahan akong lumapit at muling umupo sa tabi niya.

"So ang problema ay nahulog ka at hindi mo sure kung nahulog ka talaga?" nagtataka kong tanong. Para sa akin, walang sense 'yung mga sinasabi niya pero hinayaan ko muna siyang ipaliwanag ang buong detalye bago ako mag-comment.

"Oo. Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang mahulog, pero alam ko sa sarili ko na hindi pangkaraniwan 'tong nararamdaman ko. Ang sabi ko Lord bigyan mo ako ng koryano, bakit mo naman ako bibigyan ng aso," sabi niya bago saglit n tumingin sa langit. Pagkatapos ay nilagay niya ang dalawang palad niya sa mukha niya bago umaktong umiiyak.

"Ha?" Akala ko maiintindihan ko siya kung sasabihin niya ang iba pang detalye ng problema niya, pero parang dalawa kaming namomroblema ngayon dahil wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. "Nahulog ka at---"

"Mahal ko na yata si Linn."

Now that made my mind more confused.






***






David






"Go back to them," saad ko kay Linn na nasa kanan ko at handang-handa na makipaglaban sa bagong bugso ng mga lamang-lupa na papalapit sa amin ngayon.

"Go back to them?" tanong niya sa akin nang hindi lumilingon.

"Hindi natin alam kung hanggang kailan magtatagal ang labanan na 'to. We don't know if this war is just in this area, o baka nasa ibang lugar pa sila maliban dito," sabi ko bago ko mabilis na itarak ang espada ko sa isang bungisngis na mabilis tumakbo palapit sa akin. sinundan naman ito ng mabilis na pagkalmot ni Linn sa nag-iisang mata nito, dahilan upang tuluyan itong bumagsak sa sahig.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Linn.

"Go back and protect Astra. It's a royal order," sabi ko bago mabilis na tumakbo papunta sa kumpol ng mga lamang lupa. Hindi ko alam kung gaano karami sila, o kung nauubos ba sila dahil kanina pa kami nakikipaglaban sa iba't ibang elemento, pero tila dumadami lang sila.

I don't know if it's possible na magkaro'n pa ng ganito karaming lamang lupa at elemento sa mundo na 'to. Buong akala namin, halos lahat ng lahi nila ay tumira na sa kabilang mundo, o namatay dahil sa unang gyera sa pagitan ng mga tao at mga diyos.

Mabilis akong umilag nang may maghagis ng sibat sa kinaroroonan ko. Tumalon ako nang may magtangkang kalmutin ako sa hita ng matatalim niyang mga kuko.

Some of these creatures weren't written in books! Tila nabuhay ang mga pre-historic at mythological creatures na nakakalaban namin ngayon. And that's oddly insane dahil hindi namin alam kung sino at ano ang mga kinakalaban namin. Dahil ba 'to kay Kalaon? O may iba pang dahilan kung bakit sila naghahasik ng kasamaan sa mundong malapit na mamatay?

Ilang minuto akong dumepensa, ilang beses akong umaras dahil sa dami ng mga kalaban na sabay-sabay akong sinusugod.

Pero nang makahanap ako ng tyempo, mabilis akong tumalon at iwinasiwas ang espada ko. hindi nila inaasahan ang bigla kong pag-opensa kaya natamaan ang dalawa sa kanila, kritikal ang lagay kaya dagling bumagsak sa lupa.

May tatlo pang nakatayo, kaya mabilis akong sumugod at sabay-sabay silang kinalaban gamit ang natutunan kong mga galaw at technique simula pagkabata sa martial arts class at swordsmanship---mga klaseng para lamang sa mga may matataas na ranggo sa bansa, kabilang na ang royal family.

I slighty bend to dodge the kick of one, before finally releasing my attack. Mabilis kong winasiwas sa tiyan nila ang espada ko, dahilan para saglit silang mapaurong. May galos man, sabay-sabay naman silang sumugod sa akin para ituloy ang laban. Hindi sila natinag nang itutok ko sa kanila ang punto ng espada ko, kaya wala akong pag-aalinlangan nang mabilis akong tumakbo palapit sa kanilang tatlo at isa-isa silang pinatumba gamit ang mabibilis kong bwelo at atake.

I've never been into any war before. Kahit pa isa ako sa pinakamagaling na estudyante sa martial arts noon.

Akala ko nga ay wala lang tiwala sa akin si tito kaya hindi niya ako pinapasama sa royal army sa tuwing may mga terorista sa border ng bansa na pumapasok sa teritoryo namin.

Ngayon alam ko na kung bakit ayaw niya akong ipadala sa mga laban noon.

It's too exhausting.

However, I can't deny the fact that it's also satisfying. Using the things that I've learned from sleepless nights in real life fights, it feels surreal and good.

Napagitla ako nang may tikbalang na mabilis nakalapit sa akin. Agad ako nitong sinipa at sa lakas ng pwersa ay agad akong tumilapon.

Pagbagsak ko sa sahig, agad akong napadaing sa sakit.

Tila may matalim na bagay sa likuran ko, at tila nag-aalab sa init ang katawan ko. Marahil may sugat akong natamo kaya ganito na lang ang reaksyon ng katawan ko pagbagsak ko sa lupa.

Napa-angat ang tingin ko nang mabilis na harangin ni tito 'yung tikbalang na sumipa sa akin. Akma sana akong aatakihin muli nito pero dahil sa mabilis na pagharang ni tito, agad itong napatigil. Lumingon ito sa akin, pero hinarangan ni tito ang espasyo para hindi ako nito makita.

Sinubukan kong bumangon agad.

Nang tuluyan na akong makatayo, tumabi ako kay tito habang hawak nang mahigpit ang espada ko.

"How much is your bet?" nakangisi niyang tanong sa akin, as if what we're in right now is just a game to him.

Hindi ako sumagot. Bagkus, nagsimula akong sumugod. Dahil napuruhan ako, nahirapan akong gumalaw. Pero nang unti-unting umayos ang pakiramdam ko, nakuha ko agad ang kahinaan ng tikbalang.

When I'm about to end the life of tikbalang, bigla namang sumulpot sa likuran nito si tito, at siya mismo ang nakapatay dito.

Nakangiti sa akin si tito nang tuluyang bumagsak sa sahig ang tikbalang.

Pilit na lang akong ngumiti bago ako bumalik sa pakikipaglaban sa iba't ibang elemento. Hanggang sa may biglang malakas na pagsabog na narinig sa buong lugar.

Hindi namin alam kung saan 'yon nanggaling, o kung anong dahilan ng malakas na pagsabog na 'yon.

All we know for sure is, it's something worse.


***

Astra


Marahan kong hinahagod ang likod ni Elle dahil kanina pa siya iyak nang iyak.

Akala ko kanina nagbibiro lang siya pero ngayon umiiyak na talaga siya.

Kinwento niya sa akin ang buong detalye. Kung paano niya nasabing tila nahulog na raw siya kay gumiho, at kung bakit niya naiisip na may nararamdaman siya para rito.

Hindi ko masabi na mababaw ang dahilan niya dahil ano bang alam ko sa pag-ibig. Ang alam ko lang, kung ano mang sinabi niya sa akin, totoo 'yon at hindi siya nagsisinungaling.

"Pa'no kung i-reject niya ako?" For the nth time, she said.

Gano'n kalaki ang problema niya. Hindi pa nga niya sigurado kung may gusto talaga siya o may nararamdaman talaga siya kay gumiho. May hinala lang siya sa 'strange feeling' na sinasabi niya, pero pinoproblema na agad niya 'yung rejection na p'wede niyang makuha kapag umamin siya.

Nabuntong hininga na lang ako dahil wala akong masabi.

Hanggang sa bigla na lang akong may narinig na tila naglalakad palapit sa amin. Mabilis 'yon kaya agad kong tiningnan ang bukana ng daan papunta sa hardin.

"Nandito lang pala kayo," sabi nang bagong dating.

Napatayo naman ako bago ako tumayo sa harap mismo ni Elle.

"O—oh, gumiho," ani ko pero napa-irap na lamang siya. Ayaw niya talagang tinatawag ko siyang gumiho. Ang weird naman kasi kung vulpes ang itawag ko sa kaniya.

Naramdaman kong umangat ang tingin ni Elle mula sa likuran ko nang marinig niya kung sinong kausap ko.

Mabuti na lamang ay mabilis ko siyang natakpan habang umiiyak siya. Kung hindi, baka umiyak siya lalo dahil sa kahihiyan.

"Come with me," aniya kaya napakunot ang noo ko.

"Saan?" tanong ko.

"Just follow me," sabi niya bago nagsimulang maglakad palayo.

Nang maka-alis na siya sa harapan namin, tsaka ako lumingon kay Elle. Napunasan na niya ang mga luha niya pero medyo namamaga pa ang mga ito kaya halata na kakatapos lang niyang umiyak.

Pilit siyang ngumiti sa akin.

"Thanks," mahina niyang saad bago siya tumayo at sumunod kay gumiho.

I want to talk to her nang mas matagal, pero nakalayo na siya sa akin kaya wala na akong nagawa.

Maglalakad na rin sana ako palayo pero agad akong napahinto nang may marinig akong malakas na pagsabog. Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yon. Parang may sumabog na poste ng kuryente sa sobrang lakas ng ingay na dumagundong sa buong lugar.

Agad akong nag-alala sa mga magulang ko, kay Elle at gumiho na nasa loob na ng studio kahit pa sigurado ako na galing sa labas ang pagsabog.

Nang mabilis akong humakbang, saglit akong nahilo kaya napahawak ako sa ulo ko.

Sobrang mild lang ng pagkahilo na 'yon, kaya agad kong inangat ang paningin ko para agad na bumalik sa paglalakad.

Pero wala na ako sa hardin ng studio ni David.

Wala na ako sa studio.

Hindi ko alam kung nasaan na ako. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito.

Wala akong makitang hangganan.

Tila abot ko ang mga tala na nasa paligid ko. Napapalibutan ako ng mga bituin. Pinaghalong kulay purple na matingkad, at itim ang paligid. May kaunti ring kahel, pula, at dilaw na tila mula sa araw na palubog. HAlo-halo ang mga kulay pero hindi ko rin makita kung saan nanggagaling ang mga ito.

Sobrang lawak ng lugar. Parang nasa loob ako ng isang museum na may hologram ng mga bituin at scenery ng langit, ang kaibahan nga lang ay tila walang dulo ang lugar na kung nasaan ako. Hindi ko tuloy alam kung saan ang exit nito dahil kailangan kong makapunta agad sa mga magulang at kaibigan ko.

Sinubukan kong maglakad para libutin ang lugar. Pero sa tuwing pakiramdam ko ay nakakalapit na ako, tsaka ko naman na-rerealize na tila mas lumalayo sa akin 'yung dulo ng lugar. Hanggang sa mapagod na lang din ako sa paglalakad at huminto.

Paghinto ko, napansin ko na parang bumalik lang din ako sa kung saan ko unang natagpuan ang sarili ko.

Nilibot ko ang paningin ko pero wala talaga akong ibang makita.

Sigurado naman akong hindi ako nananagnip ngayon. Impoible namang nakatulog ako sa hardin.

Bigla ulit nagkaro'n ng malakas na pagsabog. This time, nakita ko mismo sa harapan ko 'yung liwanag na dahilan ng pagsabog. Napalayo ako mula ro'n dahil hindi ko alam kung anong meron do'n, o kung ano 'yon.

Tila lumulutang sa hangin na bola ng liwanag.

"Astra..." ani ng bolang liwanag na lumulutang sa harapan ko. Hindi ko ma-determine kung boses ba 'yon ng babae, o boses ng lalaki. Parehong malalim at matinis.

Hindi ko talaga alam kung ito 'yung nagsalita, o baka nagkamali lang ako ng dinig.

"Astra..." muling sabi nito kaya napalayo ulit ako nang kaunti.

"S-Sino ka?" tanong ko rito bago ako lumingon sa paligid ko. Baka mamaya ay hindi ako nag-iisa. Prank ba 'to?

"Ganiyan ba talaga kapag may dementia?" tanong niya kaya kumunot ang noo ko.

"Paano mo nalaman na may dementia ako?" tanong ko sa kaniya pero inikutan niya ako, dahilan para mag-panic ang bawat organ sa katawan ko. Kada lalapit siya ay lumalayo ako para maiwasang masilaw sa liwanag na nagmumula rito.

"Ako si Bangun-bangun, ang diyos ng oras at kapalaran," sabi niya nang huminto siya.

"Bangun-bangun?" tanong ko bago ako napa-isip kung saan ko siya narinig, hanggang sa maalala ko 'yung libro na nag-eexist sa mundo na 'to at sa mundo namin. Pagkatapos ay naalala ko 'yung matandang babae, batang lalaki, at lalaking staff ng coffee shop na nakita ko sa mundo namin noon. "Paanong---" 

"Hindi ako naparito upang magpaliwanag. Nandito ako para mag-alok ng kasunduan," sabi niya sa akin bago unti-unting lumiwanag nang husto ang buong lugar. Pagkatapos ay may isang nilalang na na nakatayo sa harapan ko. Nawala ' yung bolang ilaw.

Hindi ko alam kung babae ba o siya o lalaki. Sobrang gwapo niya, pero at the same time ang ganda niya. Nakasuot siya ng puti at mahabang damit na abot hanggang sa paanan niya. May suot din siyang tila korona na gawa sa mga bulaklak. May kakaibang marka sa mukha niya na tila mga letrang hindi ko mabasa. Maputi rin siya at makinis ang balat.

Naakit ng mga mata niya ang paningin ko dahil kakulay ito ng dagat. MAtingkad ang pagka-asul na tila nakikita ko mismo ang mundo sa mga mata niya.

"Ka-kasunduan?" wala sa sarili kong tanong sa kaniya habang pinagmamasdan siyang mabuti.

"Alam kong alam mo na ako ang may dahilan kung bakit ka napunta rito, at kung bakit naging ganito ang takbo ng buhay mo," aniya kaya saglit akong napahinto sa pagtitig sa kaniya.

"Alam ko?" taka kong tanong sa kaniya.

Pagkatapos ay bigla akong nagtaka. Nasaan nga ba ulit ako? Bakit ako nandito? Saan ulit ako galing?

"Kaunting oras na lamang ang itatagal ng natitira mong memorya bago ka tuluyang mawalan ng alaala. Kailangan ko na i-alok sa'yo ang kasunduang dala ko," sabi niya kaya napatitig lang ako sa kaniya.

Sino ulit siya? Alam ko kilala ko siya at parang nasa dulo na ng dila ko ang pangalan niya. Anong problema sa akin at bakit hindi ko maalala ang pangalan niya?

"Astra. Noong una ay gusto ko lang malaman kung anong maaaring mangyari kung pagkikitain ko kayo ng katapat mo. Kaya binago ko ang tadhana mo. You see, I'm a primordial god and I tend to do things to keep me thrilled," sabi niya pero wala pa ring nag-pprocess sa utak ko. Ano bang sinasabi niya? At bakit sa akin niya sinasabi ang mga 'yon? "But this thrill, will destroy both of your worlds. Kaya nandito ako para sa isang kasunduan."

"Anong kasunduan?" kunot noo kong tanong. Wala akong maintindihan sa mga sinabi niya pero curious pa rin ako sa patutunguhan ng usapan namin.

"Sa mga oras na 'to, nakikipaglaban ang buong sandatahang lakas ng palasyo, kasama si David. Ilang oras mula ngayon, mauubos na ang oras ng mundo nila gaya ng itinakda," aniya kaya tila naliwanagan ako. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang ang memorya na 'to, pero tila naintindihan ko na ang mga sinasabi niya.

"Si David?" taka kong tanong.

"Astra, ang mundo nila David ay ginawa ko lamang upang alamin kung anong mangyayari sa kwento niyo. Pero nakisali ang mga diyos sa kwento na 'to kaya hindi na ito normal na kwento. Kailangan mong pag-isipan ang sasabihin ko," sabi niya. "Tatanggalin ko ang sakit mo, pero hindi mo na maaalala lahat ng nangyari sa'yo sa mundo na ito. Makakalimutan mo ang lahat ng tungkol sa mundo na nag-eexist bukod pa sa mundo niyo."

"Ba-bakit?" nag-aalala kong tanong. Marami akong gustong sabihin, pero parang nakalimutan ko kung paano magsalita dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sasabihin. Gusto kong magtanong, pero naubusan ako ng mga salita.

"Kailangan kong ibalik sa tama ang lahat dahil mapapagalitan ako ng Bathala. Ibabalik ko ang lahat sa dapat nitong kalagyan. Kaya pagkatapos kong tanggalin ang sakit at memorya mo sa mundo na ito, mawawala na rin ang mundong ito, kasama ang mga nilalang na nandito, at mga nilalang na mula sa mundo na 'to pero nakatawid sa mundo niyo," aniya dahilan para saglit akong mapa-isip.

"Ibig sabihin mawawala rin si David?" tanong ko. Hindi ko alam kung bakit walang malinaw na memorya sa isip ko, pero ang pangalan at mukha niya ay nasa utak ko pa rin.

Tumango siya. "Isa lang sa inyong dalawa ang dapat na mabuhay at magpatuloy sa kwento. Kailangan mong magdesisyon agad, Astra. Hindi ko kayang patagalin ang pagpapahinto sa oras ng magkabilang mundo. Ilang minuto na lang, mawawasak na ang mundo nila David. Kailangan mo ng magpasya."

"Kung pumayag ako sa kasunduan, mamamatay pa rin si David dahil mawawawala ang mundo nila," ani ko.

"Hindi siya mawawala, dahil ikaw siya," sabi niya pero umiling ako.

"Si David ay si David, at ako ay ako," sabi ko. "Paano kung hindi ako pumayag sa alok mo? Anong mangyayari?" tanong ko.

"Parehong mundo niyo ang mawawasak. Kapag nanalo ang mga diyos at elemento sa gyera na nangyayari ngayon sa mundo nila David, isusunod nila ang mundo niyo. Hindi nila gustong pigilan ang pagkawasak ng mundo, gusto nilang maging pinakamataas sa lahat ng mga mundo," paliwanag niya.

"Bakit kailangan mo pa ang desisyon ko? Hindi ba't ikaw ang may kagagawan ng lahat? Bakit hindi mo na lang ibalik sa dati ang lahat, nang hindi tinatanggal ang mundo nila David?" tanong ko. Naramdaman ko na medyo naluluha na ako, at wala akong malinaw na rason kung bakit. Tila nakakalimutan ko ang lahat ng nasa isip ko, kaya natatakot ako na pati ang natitirang pangalan at mukha sa isip ko ay mawala na rin.

"Astra, kapalaran mo ang nakasalalay kaya mas mabuti kung ikaw ang magdedesisyon tungkol dito. Kung ano man ang pasya mo ay tatanggapin ko. Pero isipin mo na lang ang mga magulang mo at tao sa mundo mo kung pati ang mundo niyo ay masira dahil sa mga diyos sa mundo nila David," aniya. "Kailangan ko ang desisyon mo para isulat muli ang tadhana mo."

Sandali akong natahimik,

Hindi ko alam kung saan siya galing, kung sino siya at bakit niya ako kausap tungkol sa isang kasunduan. Ang alam ko lang, kilala ko si David at kailangan kong magpasya para sa kaniya.

Pero bigla kong naalala akong boses niya.

Alam niya noon pa man na may paraan para maisara ang pintuan sa pagitan ng dalawang mundo.

Sa ngayon, ang multiverse at si David na lamang ang naaalala ko. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa akin, kung bakit mabilis nawawala ang mga ala-ala ko.

"Astra, kapag lalo ka pang nagtagal dito, maging pangalan at pagkatao mo ay makakalimutan mo. Mabilis ang oras sa lugar na 'to. Kailangan mo na magdesisyon," sabi niya sa akin kaya napa-angat na lamang ang tingin ko.

"Kapag tinanggap ko ang kasunduan, babalik ang mga ala-ala ko at mabubura naman ang mga memorya ko tungkol sa mundo ni David?" tanong ko bago siya tumango. "Pero kapalit no'n ay mawawala na rin ang mundo nila David?" Muli siyang tumango.

Napasinghap ako ng hangin.

"Hindi ba p'wedeng isara mo na lamang ang pintuan sa magkabilang mundo para hindi makapunta sa mundo namin ang mga diyos na tinutukoy mo? Hindi ba p'wedeng hayaan mo na lang ang mundo nila David at tanggalin na lang ang mga ala-ala ko mula sa lugar na 'yon?" tanong ko sa kaniya kaya saglit siyang natahimik.

"Kung gano'n, pumapayag ka na tanggalin ko ang mga ala-ala mo?"

Tumango ako. "Basta panatilihin mong nakasara ang daan papunta sa magkabilang mundo," saad ko.

"Hindi ko alam kung kakayanin kong panatilihin sa mundo nila David ang mga diyos at elemento, pero kung pananatilihin kong nakasara lamang ang pinto papunta sa mundo niyo, parang sira na rin ang mundo nila dahil sa mga diyos at elementong hindi titigil hangga't hindi nila nawawasak ang mundo nila David," aniya kaya napakuyom na lamang ang kamao ko.

"Hindi ko alam kung bakit siya na lang ang huling pangalan at tao sa isip ko. Pero kung sino man siya sa buhay ko, alam kong importante siya at wala akong pakialam kung mabuhay man siya o hindi sa kamay ng mga diyos na sinasabi mo. Ang importante lang sa akin ay maisarado mo ang daan papunta sa mundo namin," madiin kong saad bago ako tuluyang maluha. "Dahil alam kong 'yun ang gusto niya..."

Hindi ko alam kung bakit ako ganito.

Hindi ko na rin maalala kung paano ko nakilala ang David na nasa utak ko.

Unti-unti ko na ring nakakalimutan ang itsura at boses niya.

"Astra—"

"Take it, or leave it," madiin kong sabi.

"Pero magagalit sa akin ang superior ko kung hindi ko ibabalik sa dati ang lahat."

"Tell the alpha, or tell the luna, or whatever he is. Tell him that it's your fault, not ours. You played our fate, and now you don't want to take the consequences? You tied our lives, and now you're untying it, isn't it enough as our punishment? We crossed the parallel world paralleling ours, and you made us do it."

Natahimik siya.

Nanatili akong umiiyak sa harapan niya. Bago siya maging bolang liwanag.

"If it's what you want for your fates. Then be it your fate. As long as I'm alive, fate lies within you. Your memories will be removed, your worlds will be hidden to each other, your fate will never cross with each other as long as I exist."

Sabi niya bago ako masilaw sa maliwanag na ilaw na pinakawalan niya.

Napapikit ako.

Sa sandaling minulat ko ang mga mata ko, nagsimulang bumalik sa simula ang tadhana ko.

Ang tadhana namin.





End of Episode 15.

Continue Reading

You'll Also Like

60.5K 3.3K 34
Anong klaseng citizen ka? Taong gusto ng pagbabago pero ayaw magbago o taong ayaw nmagbago para sa pagbabago? Araw-araw ka bang nag-eemote? Hobby mo...
23K 1K 37
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
50.5K 2.4K 50
"hi ex girl ko :*" 『yoona ft. jungkook an online lovestory dyosas in your area #3』 ©LLEULCKS for the cover highest rank; #23 in short story
3.8K 200 43
The aspiration to become a filmmaker began for Isaiah Lavidar when his parents took him on a film-set tour for his eighth birthday. The moment he saw...