Make You Mine

By CheekyBlues

4.1K 289 50

Skypiea Monasterio, mula sa mayamang pamilya. Ngunit mas nais nitong mamuhay nang pinaghihirapan ang lahat ng... More

Prologue
MYM-1
MYM-2
MYM-3
MYM-4
MYM-5
MYM-6
MYM-7
MYM-8
MYM-9
MYM-10
MYM-11
MYM-13
MYM-14
MYM-15
MYM-16
MYM-17
MYM-18
Not An Update
MYM-19
MYM-20

MYM-12

156 12 2
By CheekyBlues

Sky
 

 
For the past few months sobrang naging busy ako. Sa tuwing may bakanteng oras o araw ako at may sinasabi si Jeoff na nangangailangan ng model ay pumupunta ako. Nagsimula na rin akong mag-practice ng runway walk. Ang dami ko ng pinanood na mga fashion shows.
 

Last year ko na sa school. Dahil gusto kung mag-enjoy ay sumama ako sa cheering squad. Ilang araw na kaming nagpa-practice. Masakit na ang katawan ko dahil isa ako sa mga flyers. Last na sumali ako ay first year pa ako. And this is the second time. Nag-audition ako para dito. I don’t want them to think that I’m using my position as the daughter’s owner of this school.
 

Sabi ni Mommy ay dalhin ko na yung kotse kapag nagpa-practice kami. Gabi na kasi akong nakakauwi ng condo. Ayaw ko naman na bigyan ako ng driver. Masyadong abala kung ganun. Kaya ko naman.
 

May mga patch na sa legs at braso ko dahil nananakit at nagkapasa na sa tuwing namamali ng salo or kaya’y nauumpog ako sa mga kasama ko.
 

“See you tomorrow, guys!” sabi ng mentor namin. It’s pack up time.
 

“Are you okay?” Bien asked. Isa siya sa mga sumasalo sa akin.
 

“I’m fine. Gutom nga lang. I’ll go ahead. Bukas ulit.” I bid my goodbye and go to the parking lot. Gusto ko ng kumain. Pawis ako kaya sa condo na lang ako kakain.

 
Mabilis lang akong nakarating sa condo. Gusto ko na lang na mag-teleport papunta sa unit ko. Nakayuko akong pumasok ng elevator. Nakatakip sa mata ko ang sombrero. Pumunta ako sa gilid na part. Feeling ko kasi ay maamoy na ng kasabay ko ang pawis ko. Nakashort at t-shirt lang ako. Kita pa ang patches sa legs at binti ko. Gusto ko na talagang kumain.
 

“Langit,” pagtawag sa akin ng katabi ko. Hindi ko na kailangan na lumingon. Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng langit.
 

“Bakit?”
 

“Okay ka lang?”
 

“Gutom ako. Kaya wag mo akong aasarin at baka kainin kita dyan.” At ang baliw bigla na lang tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin.
 

“Bakit may mga patches ka?”
 

“Cheerdance.”
 

“Nice, okay pa mga buto mo?” Hinampas ko nga ng bag.
 

“Mukha bang na-dislocate mga buto ko?” Sa ilang buwan ko dito sa condo ay mas naging close kami ni Dylan. Pero madalas akong mapikon dahil sa pang-aasar niya. Katulad na lang ngayon.
 

“Ito naman, pikon agad.”
 

“Gutom ako. Kaya tigil tigilan mo ako.”
 

Pagbukas ng elevator ay nauna akong lumabas. Pero dahil magkatabi lang ang unit namin ni Dylan at mas lamang na mahaba ang legs niya kaya naabutan niya pa din ako.
 

“Amoy pawis ako. Keep a distance.”
 

“Normal naman ‘yon. Tao ka kaya.” Minsan talaga ang sarap i-stapler ng bibig nitong si Dylan.
 

“Dylan Antonio!”
 

“Present po,” taas kamay niya pang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin. Pero nakaharang sa mukha ko yung box ng pagkain. Kinuha nito ang kamay ko at pinahawak ang box nung pagkain. “Bayad yan sa pamimikon ko. Eat well, Langit.” Sabi nito at saka pumasok na sa kanyang unit.
 

Pumasok na lang din ako sa loob ng unit ko. Dahil sobrang nagugutom na ako. Binuksan ko yung pagkain na binigay ni Dylan. It’s a Japanese food. Masyadong marami para sa isang tao. Kumuha ako ng food container. Bibigyan ko na lang ang baliw na ‘yon. But after I get the food container, I received a text message from him. Saying that I don’t need to give him food. Kumain na raw kasi siya.
 

Kumain na lang ako. Sobrang gutom na talaga ako. Naubos ko nga yung pagkaing binigay ni Dylan. Buti na lang pala at hindi ko na siya binigyan. I thanked him through text. Masyado akong nawili sa pagkain at nakalimutan kung magpasalamat kanina.
 

After I take a bathed. I received a call from Mom, saying that I need to go home by Sunday. Birthday ni Daddy yun. Kaya kailangan namin umuwi. We don’t want him to celebrate his birthday without us.
 
 

Kakatapos ko lang magluto ng breakfast ko. Tumayo ako upang tingnan kung sino yung nagdo-doorbell. Nakangiting nakaharap sa monitor si Dylan. Ano na naman kayang kailangan ng isang ‘to. Ang aga-aga at nambubulabog.
 

“Good morning, Langit.” Nakangiting bungad niya.

 
“Morning, ano na naman kailangan mo, Antonio?”
 

“Bakit pakiramdam ko sinusumpa mo ang pangalan ko?”
 

“I am not a witch.”
 

“Wala akong sinabi.”
 

“Iwan ko sa’yo. May kailangan ka ba?”
 

“Mayroon.”
 

“Ano yun? Bilisan mo at kakain ako.”
 

“Pahinging ulam.” Hindi lang baliw yan. Walang hiya pa. Iniabot nito sa akin ang plato niya.
 

“Matuto ka ng magluto. Basic lang ang breakfast. Hindi ako food supplier dito.” Dahil dakilang walang hiya yan si Dylan. Walang pakialam yan sa negative comments ko.
 

“Mas masarap yung luto mo kesa sa fast food.” Inirapan ko lang siya. At nagpunta sa kusina upang bigyan siya ng ulam.
 

Nakabukas lang yung pinto. At nag-aantay lang siya sa labas. Kahit naman walang hiya ang baliw na yan. Ay hindi yan papasok ng unit ko ng hindi ko sinasabi. Binigyan ko na rin siya ng kanin.
 

“Ibalik mo yan plato ko.” Nakangiti niyang kinuha yung platong hawak ko at nagpasalamat.
 

Kumain na ako at baka ma-late ako sa klase ko. After ng intrams ay magsisimula na kami sa thesis namin. Nakakatulong sa akin yung pagiging busy. Nagiging occupied ang isipan ko. Kailangan ko pang maghanap ng regalo para kay Dad.
 

Alam mo kung ano yung nakakainis? Yung maayos naman ang gising mo. Tapos makakasalubong mo lang ang taong dahilan ng pagkasira ng pamilya niyo. It’ too early to see Precious. What is she doing here? Hindi naging maganda ang huli naming pagkikita. Nag-aya ng dinner last week si Mommy. Hindi naman dapat siya kasama. But to our surprise, mas nauna pa siyang nakarating sa resto. We had a little argument that time. She keep insisting the things that I don’t want to do. Ang dami niyang gustong gawin ko. Who is she to decide the things that I need to do.
 

Nakita na nila Mommy sa isang magazine yung shoot sa clothing line ni Ms. Alexsha. She’s so proud of me. That’s the purpose of the dinner. But Precious ruined it. Bakit hindi na lang raw ako naghanap ng ibang part time. Insulto raw kina Mommy na nagtrabaho ako sa isang clothing line. Knowing that I came from a rich family. That’s when I decided to shut her mouth. But Dad got mad at me. He told me that I need to respect Precious. Because she’s older than me. Hindi ako ang nauna. Tapos kasalanan ko pa pala. I walked out that night. Dad never raised his voice at us, when we are in public. But that night. It feels so heavy. Nasigawan ako. Dahil lang sa ipinagtanggol ko ang sarili ko.  
 

Naglakad na lang ako sa ibang direksyon. Kahit na malayo pa ‘to sa building namin. Ayaw ko lang na makausap si Precious. I walk as fast as I could. But Precious called my name. Argh! Panira talaga ng umaga. Huminto ako dahil ayaw ko na makakuha ng atensyon ng ibang estyudante dito. I patiently waited for her. Kahit na gusto ko na lang na umalis na. Iba ang tabil ng dila nitong si Precious. Hindi alam ng ibang tao na anak siya ni Dad. At ayaw kung pangunahan ‘yon. If Dad wants to introduce her in the public. It’s his choice.
 

“What do you need?”
 

“Ganyan ka ba sa nakakatanda sa’yo?”
 

“Do I need to bow my head? What is it? May klase ako. Pakibilisan kung ano man yan pakay mo.” I lower my voice. The students may hear our conversations.
 

“Birthday ni Papa sa Sunday. I want him to introduce me as his daughter.” What a hypocrite.
 

“Okay.” I don’t want to prolong this conversations. Wala naman sense. Ayaw ko na maubos ang pasensya ko sa kanya. “Do whatever you want, Precious. You don’t need to tell me your plans. I’ll go ahead. I still have a class to attend.” I didn’t wait her to utter any words. Wala akong oras makinig sa kung ano pang sasabihin niya. She just ruined my day.
 

Tahimik lang akong naupo sa likod. Nagtanong pa si Erma kung may problema ba. I just said that I’m tired because of cheering squad. May sariling problema din dinadala si Erma. Ayaw ko ng dagdagan pa. Isa sa mga natutunan ko ay hindi ko pwedeng gawing habang buhay na human diary ko si Erma. May kanya-kanya kaming kinakaharap na problema.
 

Masyado akong lutang. Napagalitan pa ako during class recit. And it’s okay. At least the prof is still fair. Ayaw ko na gawin akong special sa school na ‘to. Palagi ko yung sinasabi sa lahat ng prof at instructor ko. They can get mad at me if I’ve done something wrong during their class.
 

“Okay ka lang ba?” May bahid ng pag-aalala sa boses ni Erma. Alam kasi niyan na hindi ako nagpapabaya sa acads. At first time yung kanina na hindi ako nakasagot.
 

“Pagod lang. Don’t worry.”
 

“Sigurado ba yan?”
 

“Of course. Nakalimutan ko lang mag-aral kagabi. Late na kasi akong nakauwi. Nakatulog din ako agad. Bawi lang ako later.” Hindi kasi titigil yan si Erma hangga’t hindi ko ginagalingan na magpanggap.
 

“Ang busy mo masyado lately.”
 

“Parang ikaw hindi. Much better, at least I’m growing, right?”
 

Erma smiled and patted my head. “Ang laki na nga ng pinagbago mo. Masyado ka ng independent.”
 

“And it’s good, right?”
 

“Oo naman. Nag-gogrow ka in a right way. Walang masama doon.”
 

“Thank you, Erma.” I’m always thankful for Erma’s life.  Dahil isa siya sa mga totoong tao na nakilala ko.
 

Matapos ng klase ko ay dumaan ako sa condo ni Kuya. Magpapasama ako sa pagbili ng regalo para kay Dad. Para sigurado akong hindi kami pareho. Dad and I are still not okay, after that incident happened. I still gonna buy a gift because he’s still my father.
 

I already know the passcode. Kaya hindi na ako kumatok. Alam niya naman na pupunta ako. Buti na lang at bakante siya. Kung dati ay ayaw ko na kasama si Kuya in public. After being away from home. Si Kuya na lang ang pwede kung hatakin anytime. His fans knows that I’m his sister. Kung iba ang iisipin nila kasalanan na ng mapanghusga nilang isip.
 

“Why you didn’t knock?” he asked while wearing his shirt.
 

“What for?”
 

“To know that you’re coming.”
 

“I’ve already texted you. May iba ka pa bang inaantay na bisita?”
 

“Wala.”
 

“Ayun naman pala. Tara na Kuya. May practice pa ako ng cheer dance mamaya.”
 

 “Bakit sumama ka pa sa cheering squad? Paano kung mabalian ka.”

 
“It’s my last year, Kuya. Gusto kung mag-enjoy. After this, magsisimula na ako sa thesis ko. I’ll be busy for sure.”
 

“Just be careful. I’ll watch your practice later.”
 

“Para saan naman, Kuya?” Do I look like a kid? Para bantayan.
 

“To make sure that you’re in safe hand.”
 

“Okay.” Hindi na ako makikipagtalo. Baka hindi na kami makabili.
 

Nakailang mall na kami ng napuntahan. Pareho kasi kami ni Kuya na hindi makapili ng ireregalo. Hopefully that it would be the last. Medyo nakakapagod na mag-ikot ng mag-ikot.
 

Sariling pera ko yung ipangbibili ko. I’ve earned enough from my part time. Nag-decide ako na belt na lang yung iregalo ko. Yung paboritong brand ni Daddy. Then si Kuya naman ay relo.
 

Sa school na kami dumiretso dahil baka ma-late na ako. Strict pa naman ang mentor. Ayaw ko na mapagalitan. Strict din ako sa time. Kaya gaya niya ay ayaw ko na may nala-late. Unless may valid reason.
 

Nauna akong bumaba ng sasakyan. Kailangan ko pa na dumaan sa locker ko upang makapagbihis. Lakad takbo na yung ginawa ko para mabilis na makarating sa locker ko. Buti na lang at may mga kasabay pa akong nagbihis. Hindi pa ako late. Nakisabay na ako sa mga kasamahan ko. Sa basketball court ng business building kami nagpa-practice.
 

Pagdating namin ay nakita kung nakaupo sa bench si Kuya. Kaya naman pala kinikilig yung mga kasama ko. Nandito si Aian Timothy. Pinag-warm up muna kami bago nagsimulang mag-practice. When Kuya says that he want to make sure that I’m safe. Literal talaga, bigla na lang siyang sisigaw na hawakan akong mabuti. Dahil ayaw niya pa raw na magkaroon ng imbalido na kapatid. Kaya yung mga sumasalo sa akin ay todo hawak. Mas natakot ata sila sa Kuya ko kumpara sa mentor.
 

Sa halip na hindi nila alam na magkapatid kami. Ngayon alam na na buong squad mates. I don’t want people pestering me about my brother. Pihikan yan. Madaming magaganda sa showbiz pero wala siyang nagustuhan.
 

Hindi ganun katagal ang practice. I don’t know if it’s about Kuya. Mag-eexpect na talaga ako na baka bukas pagsasabihan na ako ng mentor ko na huwag na isama si Kuya. Feeling ko na-pressure yung mentor dahil sa kanya.
 

“Huwag ka ng sumama sa susunod, Kuya.”
 

“Why?”

 
“Hindi makapag-focus yung iba. Pati mentor namin nape-pressure sa’yo.”
 

“Not my fault.”
 

“Okay naman na, diba? Goods naman yung mga sumasalo sa akin.”
 

“Muntik ka mabitawan nung isa.”
 

“Panay kasi ang sigaw mo. Kinabahan yung tao. Sa final day kana manood.” Sino ba naman kasing hindi kakabahan kung maya’t-maya yung sigaw ni Kuya. Ayusin daw ang hawak sa akin. Aawayin na ako ng mga squad mates ko nito.
 

Hindi na siya sumagot. Nag-drive thru kami ng dinner namin at saka niya ako hinatid sa condo. Maglalakad na lang raw siya dahil sa kabilang building lang naman ang unit niya. Kotse ko kasi ang dala namin. Kaya sa condo ko kami dumiretso.
 

Feeling ko talaga may sensor yung pinto ni Dylan. Na sa tuwing dumadaan ako ay sakto naman pagbukas niya ng pinto.
 

“Manghihingi ka na naman ba ng dinner?” Agad na tanong ko. Ganyan naman kasi siya lagi. Kundi dinner, breakfast ang hihingiin.
 

“Bakit mo alam?” Nakatawang tanong niya.
 

“Mukha kang patay gutom, e.”
 

“Ang gwapo ko naman patay gutom.”
 

“Tss, yabang! Good for one lang ‘tong dinner ko.”
 

“Ang damot naman, hindi bagay, Langit.” Natawa na lang ako sa paraan ng pagkasabi nito. Binigyan niya ako ng isang paper bag na may laman na mga pagkain.
 

“Anong mayroon? Na-reject ka ba kaya pina-take out mo mga pagkain?” Seryosong tanong ko. At ang baliw, tawang tawa. Nakahawak pa sa tiyan.
 

“Itong mukhang ‘to irereject?”
 

“Ay! Ang kapal din talaga.”
 

“It’s my Mom’s birthday. Nag-take out ako ng handa para madalhan ka. Share your blessings, para plus ten ako sa langit.” Dami talagang alam.
 

“Sigurado ba yan? Baka nahihiya ka lang umamin na na-reject ka.” Pagbibiro ko.
 

“Do I need to call my Mom?”
 

“No need, by the way. Thank you.” Pagkatapos nun ay pumasok na ako sa unit ko.
 

Ang sasarap nung mga pagkain na binigay ni Dylan. Sobrang nabusog ako.
 

 
**
 

It feels like I’m on a fast forward movie. Ang bilis ng araw. Ngayon ang birthday ni Dad. I’m on my way right now. Sinadya ko talaga na magpahuli. Ngayong birthday lang ni Dad na hindi ako kasali sa pagpe-prepare. Gaya ko ay ayaw niya rin na magarbo. Ang alam ko family lang ang invited. I’m not quite sure. Maaaring may iba pa.
 

Sa likod ako dumaan. Sa kwarto ko muna ako pupunta. Bago makarating sa kwarto ko ay madadaanan muna ang office ni Mommy. I can hear voices. Boses yun ni Mommy at Precious. Lumapit ako sa pinto at idinikit ang mga tainga ko. To make sure that I’m right.
 

“What are you talking about?” Mom asked, and it seems like she’s angry. Anong pinag-uusapan nila at bakit galit si Mommy?
 

“Tinatanong ko po kung sigurado kayong anak niyo si Skypiea? Surrogacy, hindi ba surrogate baby siya? Paano po kayo nakakasiguro na sa inyo ang eggcell?” I literally froze from what I heard. Did I just heard it right? Ano bang sinasabi ni Precious. Nakatayo lang ako sa labas ng pinto. Nag-aantay sa susunod na mga salita na lalabas sa bibig niya. Pati na rin kay Mommy.
 

“Anong sabi mo? Where did you get that nonsense things!? Skypiea is my own child! I gave birth to her! Who give you the rights to question that!?”
 

“Gising po ba kayo ng iluwal niyo siya? Hindi ba kaya nakilala ni Papa si Mama ay dahil siya ang dapat na magdadala ng bata. Gaano po kayo kasigurado na anak niyo si Skypiea?”
 

Gulong gulo na ako sa mga naririnig ko. My tears are already falling.
 

“Ang nanay mo ba ang nagsabi ng mga kasinungalingan na yan? Skypiea is my daughter. Kung saan mo man napulot yan kasinungalingan mo. Pakiharap siya sa akin.” Hearing from my voice of my Mom. Halata na galit na siya.
 

“Hindi po sinungaling ang nanay ko. Kung may sinungaling man dito. Kayo ho ‘yon.” Nagpantig ang tainga ko dahil sa narinig ko. Itinulak ko ang pinto at diretsong pumunta sa harap ni Precious. I slapped her hard. Nanginginig ako sa galit.
 

“How dare you to treat my mother like that! Kung hindi man ako totoong anak. Wala ka pa rin karapatan na pagsalitaan ang nanay ko na parang ikaw yung nagluwal sa kanya! I’m trying to accept the situation. I’m trying to understand that it’s not your fault. But why you have to do this?!” I saw blood from the side of her lips. But I don’t care. My blood is boiling right now. When she was trying to slap me. I held her hands and slap her again. That’s when she’s started to shout and cry.

 
“Hindi ka totoong anak, Skypiea! Tandaan mo yan. Yan Nanay mo pareho kayong wala kundi lang siya umeksena. Malandi yan nanay mo!” Sigaw niya habang umiiyak. Hinawakan ako ni Mommy. But I already grab her hair. Ano bang pinagsasabi niya! Saan nanggaling yung kwento.
 

“Ang nanay mo ang malandi. Kaya ka nga nabuo! Dahil kahit alam niyang pamilyado si Daddy ay pinatulan niya pa rin! Stop accusing my mother!”
 

Nagsisigaw na si Mommy pati na rin si Precious. Hawak ko pa rin ang buhok niya. How dare her to insult my mother.
 

I suddenly froze when someone grab me and I felt a pang in my cheeks. Dad….my Dad…slapped me.
 

Napasigaw si Mommy dahil sa ginawa ni Dad. It’s too late, I already taste the blood in my mouth.
 

“Wow! As in wow! Thank y-ou D-ad.” Umiiyak kung sabi. Nanlalabo na yung mga mata ko. But I still have a courage to run away. I ran as fast as I could. And drove my car.
 

Hindi ko alam kung paano ako nakarating ng condo ko na gulong gulo ang isip. From everything that I’ve heard. For what my Dad did to me…. Why my Dad slapped me?
 

Naglalakad ako sa hallway ng tawagin ako ni Dylan. Nilampasan ko lang siya. Wala akong oras para makipagbiruan ngayon.
 

“Not now, please.” Pakiusap ko ng hawakan niya ang kamay ko.
 

“What happened? Bakit may dugo sa labi mo? Are you okay?” Hindi ko alam. But when he asked if I’m okay ay kusang tumulo ang mga luha ko. Nakasandal ang mukha ko sa dibdib niya at patuloy ako sa pag-iyak. I cried a lot. It pained me so much. Pakiramdam ko tinutusok ng mga bubog ang puso ko. Si Daddy ang unang taong sumampal sa akin. Without even asking why. Of all people bakit si Daddy yung kailangan manakit sa akin ng ganito?
 

“C-an you bring me to a place that far away from here? Please? I want to runaway right now. Nasasaktan ako ng sobra ngayon. Dalhin mo naman ako sa lugar na malayo dito. Kahit ilang araw lang. Pl-ease.” I begged him. I never beg to someone. But tonight is an exemption. Paulit-ulit na nag-rereplay sa utak ko ang mga narinig ko. Lalo na nung sinampal ako ni Daddy.
 

Nang hawakan ni Dylan ang kamay ko at ipasakay sa sasakyan niya ay wala na akong lakas na magtanong pa kung saan kami pupunta. Gusto ko lang na makalayo. Kahit ilang araw lang. Sa tuwing naaalala ko kung paano ako pagbuhatan ng kamay ni Daddy ay kusang bumabagsak ang mga luha ko. I turned off my phone and sleep. Pinakiusapan ko rin si Dylan na huwag sabihin na kasama ako. I had enough for tonight. Pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Continue Reading

You'll Also Like

46.3K 1.4K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine
183K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
115K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
19K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...