Fragments of the Universe

By abdiel_25

1.9K 168 61

Stand-alone Story | She met her variant, and apparently he's a he. *** A novel. After losing their parents at... More

Disclaimer
Prologue : The last chapter rewind
Episode 1 : She who lost twice
Episode 2 : The Nine-tailed and the Counterpart
Episode 3 : Put two and two together
Episode 4 : Know something backwards and forwards
Episode 5 : Life is not given, it is earned
Episode 6 : Unforeseen turn of events
Episode 8 : The clock is ticking doom
Episode 9 : The pattern of the universe
Episode 10 : The wanderer took a week off
Episode 11 : Down on one's luck
Episode 12 : The lonely and great god of time
Episode 13 : Golden rule of the universe
Episode 14 : Arrival of the god of war's son
Episode 15 : You tell the Luna
Episode 16 : Metaphor of a monarch butterfly
Epilogue : He who found her twice
Author's note

Episode 7 : The Prince and the Fox who crossed the multiverse

65 7 1
By abdiel_25

Episode 7 : The Prince and the Fox who crossed the multiverse

David






"Anong tinitingin-tingin mo sa'kin?" masungit na sabi no'ng maliit na bata habang nakatitig sa akin. Nanlalaki ang mga mata niya at akala niya matatakot ako kung aasta siya na mas matangkad sa akin.

"Wala lang," sabi ko bago umupo sa sahig habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro hindi kalayuan mula sa amin.

"Bakit ka ba nandito? Bakit ayaw mong puntahan ang mga kaibigan mo?" tanong nito sa akin bago umupo rin sa tabi ko. Nang lingunin ko siya, nakita ko na may kunot ang noo niya. Halata rin sa mukha niya na malapit na siyang umiyak pero pinipilit niyang magtapang-tapangan.

"Ayoko silang kalaro e, madaya sila makipaglaro," saad ko bago ako muling tumingin sa mga kagaya naming bata na naghahabulan sa damuhan.

"Madaya sila?" tanong niya sa akin.

Tumangi ako. "Oo. Hindi rin sila marunong maglaro ng tama kaya ayoko sila kalaro. Hindi naman masaya kalaro 'yang mga bata na 'yan e," sabi ko bago ako tumayo. "Gusto mo ba tayo na lang maglaro? Tingin ko naman mas magaling ka maglaro kaysa sa kanila," ani ko pa bago ko ibuka ang palad ko at iabot ito sa kaniya.

Sandali niya 'yong pinagmasdan.

"Gusto mong makipaglaro sa akin?" tanong niya na para bang namamangha na inaabot ko sa kaniya ang kamay ko.

Tumango ako bago ngumiti. "Oo naman. Gusto mo maging magkaibigan pa tayo e," saad ko.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya tinulungan ko siyang tumayo. "Deal," aniya bago ngumiti.

Sabay naman kaming natawa bago kami naglaro sa playground. Kaming dalawa lang. Hindi namin inisip ang ibang mga bata na naglalaro sa lugar na 'yon. Basta sa mundo namin, kaming dalawa lang ang magkalaro.

"Linn! Linn!" Ilang beses kong tawag sa pangalan niya habang ika-ika kaming naglalakad. Hindi ko alam kung saan kami papunta, o kung saan kami pupunta. Ang nasa isip ko lang, kailangan kong mapagamot si Linn sa lalong madaling panahon.

"Bossing..." aniya sa mahina at pababang tono.

"Linn, huwag kang matutulog. Ang bigat mo," sabi ko; pilit na pinapa-angat ang nakapanlulumong sitwasyon namin.

Naka-akbay siya sa akin kaya pasan-pasan ko ang bigat niya habang naglalakd kami. May mga taong nakakakita sa amin pero ni isa sa kanila ay walang tumulong. Para bang normal lang sa kanila na makakita ng dalawang tao na nag-aalalayan, may dugo sa uluhan, at halos mawalan na ng malay habang naglalakad sa gilid ng kalsada.

Hindi ko alam kung saan kami napadpad, pero nakakasiguro ako na malayo ito mula sa palasyo.

Bigla akong napatitig sa mga sasakyan na dumadaan. Naisipan kong tumawag na lang ng taxi, pero nagulat ako ng mapansin ko na may gulong ang mga ito.

Matagal ng wala ang mga ganitong version ng sasakyan. Gaano kalayo ang lugar na napuntahan namin ni Linn at bakit may sasakyan na de gulong dito.

Saglit kong tinanggal sa isipan ko 'yung gulong ng mga dumadaan na sasakyan. Pumara ako ng taxi at may agad namang huminto sa harapan namin.

"Sa pinakamalapit na ospital," mabilis kong saad nang maisakay ko si Linn at makasakay ako.

Napatingin sa rear view mirror 'yung driver bago niya mabilis na paandarin 'yung sasakyan. Napansin siguro niya na injured si Linn kaya nagmadali siya sa pagmamaneho.

Hinawakan ko 'yung part sa ulo ni Linn na dumudugo. Although it's a clown call for me to run in a hospital dahil vulpes si Linn, a first aid will help.

Ilang minuto lang huminto na agad 'yung driver ng sasakyan.

Mabilis kong binuksan 'yung pintuan ng sasakyan hanggang sa mailabas ko si Linn. Naka-ilang hakbang na kami papalayo sa taxi nang bigla niya kaming tawagin.

"Teka hindi pa kayo nagbabayad!" sigaw nito sa amin. Bumaba siya sa sasakyan at sinundan kami kaya magkaharap na kami ngayon.

Inabot ko sa kaniya 'yung pera na nasa bulsa ko pagkatapos ay nasimula na ulit akong maglakad habang akay-akay si Linn. Hindi ko alam kung may malay pa siya, pero nararamdaman ko na pahina na nang pahina ang paghinga niya kaya kailanagan ko na lalong magmadali.

Nakaramdam ako na may humawak sa kaliwang balikat ko kaya napahinto na naman ako sa paglalakad. Nilingon ko kung sino 'yung humawak sa balikat ko.

"Ano 'to? Play money? Niloloko mo ba ako?" galit na sabi no'ng driver ng taxi na sinakyan namin. Binalik niya sa loob ng bulsa ko 'yung pera, pagkatapos ay tumingin nang maigi sa pin na nasa kwelyo ng blazer na suot ko. 'Yung pin na katibayan ng social status ko.

Kahit masyadong maraming nangyayari, at kahit mabilis ang pacing ng mga nangyayari sa paligid ko, nakakasiguro ako na wala ako sa lugar namin. The fact that this place is using wheels, and doesn't recognize the money and my pin, I can say that we're in the other world.

Hindi ko alam kung nagkaro'n ba bigla ng lunar eclipse or what. Pero nakakasiguro ako na nasa kabilang universe kami ni Linn.

"Ibigay mo na lang sa akin 'yan, tutal mukhang totoo 'yan," aniya bago tinuro ang pin ko.

Akma niya sanang kukunin 'yon pero mabilis akong umiwas. MAs lalong kumunot ang noo niya kaya sinubukan ulit niyang kuhain ang pin mula sa kwelyo ko, pero this time, gamit ang kaliwang kamay ko, hinatak ko ang kamay niya at pinihit ito pakaliwa, dahilan para mapa-aray siya at maagaw namin ang atensyon ng mga tao sa harap ng ospital.

"I don't know who you are, or what you are, but you ate too much of my time," saad ko bago siya panlisikan ng mga mata.

"David? David!" Mula sa malayo, biglang may babaeng tumakbo papalapit sa pwesto namin. Agad niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay ng driver kaya mabilis na hinimas ng driver ang pupulsuhan niya kung saan ko siya napuruhan.

"Sino ka naman?! Gusto ko lang naman makuha ang bayad nitong dalawa na 'to sa taxi!" inis na inis na sabi ng driver habang namimilipit sa sakit.

"Ah..." Mabilis na binuksan ng babae 'yung bag na dala niya. Hindi ko siya mamukhaan dahil nasa harapan namin siya ni Linn, nasa gitna namin ng driver. "Ito ho, keep the change. Pasensya na ho kayo kung hindi agad nila kayo naabutan ng bayad. Bago ho kas sila rito kaya hindi nila alam kung magkano ang dapat nilang bayaran," palusot ng babae nang may iabot siya sa driver.

"Pasalamat kayo may nagbayad para sa inyo. Kung hindi, baka dinala ko na kayo sa presinto," madiing saad ng driver bago siya nakalayo at sumakay sa sasakyan niya.

Nang tuluyang maka-alis 'yung driver, tsaka lang lumingon 'yung babae sa amin. Kasabay no'n, may isa pang babae na tumakbo palapit sa amin.

"Anog nangyari?" nagtatakang tanong ng bagong dating na babae.

"Astra," saad ko nang makita ko ang mukha no'ng babae na nakipag-usap sa driver.

"David. Paano kayo napunta rito?" tanong niya bago dumapo ang tingin niya sa akbay-akbay ko. Nanlaki ang mga mata niya. "Gumiho!?"

Agad niyang nilagay sa balikat niya ang kabilang kamay ni Linn. Tinulungan niya akong alalayan si Linn hanggang sa tulungan na kami ng mga nurse na nasa bungad ng ospital na maipasok si Linn.

Nilapatan agad nila ng first aid si Linn. Chineck ang mata, pulso, ang sugat nito sa ulo habang nasa stretcher.

"Hanggang dito na lang po muna kayo, kami na pong bahala sa pasyente. May kailangan pa po kayong fill-upan na form," sabi ng isang nurse bago niya isarado 'yung glass door kung saan nila pinasok si Linn.

Tumango lang ako bago napahinga nang malalim.

Nanatili akong tahimik hanggang sa magsalita 'yung babaeng kasama ni Astra.

"Kilala mo ba 'to?" tanong niya kay Astra. NAgkatinginan kami ni Astra bago siya tumingin sa bbaeng kasama niya.

"David, si Elle, kaibigan ko," pakilala niya. Tumango naman ako kaya tumango lang din sa akin 'yung babae. "Elle, si David. Siya 'yung kinukwento ko sa'yo kanina lang," sabi ni Astra dahilan para manlaki ang mga mata ng kaibigan niya, na agad namang napalitan ng kunot sa noo.

"Siya 'yung sinasabi mo na galing sa parallel universe? You mean, ikaw siya? At siya ikaw? Akala ko nagbibiro ka lang kanina. Baka may mali sa check up ng doctor mo sa'yo. Baka kailangan ka pa i-ultrasound beh---" sunud-sunod na saad ni Elle kaya bigla na lang tinakpan ni Astra 'yung bibig niya.

"Ang OA mo. Tsaka anong ultrasound? Mukha ba akong buntis?" sabi ni Astra bago niya tanggalin ang kamay niya sa bibig ng kaibigan.

Nakita kong tinitigan ako ni Elle nang maigi. Medyo nailang ako dahil wala pang kahit sino ang tumingin sa akin ng diretso sa mga mata lalo na kung suot ko ang pin ko. Sa buong buhay ko, either part ng royal family, si Linn, at si Astra pa lang ang nakatingin ng diretso sa akin katulad g ginagawa ngayon ni Elle.

"In fairness, kamukha mo nga siya," sabi ni Elle bago niya ilayo ang tingin sa akin. Binalik niya kay Astra ang titig niya. Pinagkumpara niya ang mukha naming dalawa. "Hindi ba sabi ng mga scientist may hanggang siyam tayong kamukha sa buong mundo? Baka siya 'yung isa sa mga 'yon," aniya.

"Alam kong mahirap paniwalaan, pero paano mo ma-eexplain 'yung nawala ako ng halos buong araw at hindi niyo ako makita kahit saan? Tapos bigla na lang ulit akong nag-exist na parang charan! I'm back!" sabi ni Astra sa kaibigan niya with hand gestures. "Look, Elle, pinaliwanag ko na sa'yo kung saan ako nanggaling, kung saan ako napunta, at kung anong nangyari sa akin. Sabi rin ng doktor maayos naman ang lagay ko. Hindi ba 'yun naman ang gusto mong malaman kaya tayo pumunta rito?"

Tinitigan akong muli no'ng kaibigan ni Astra na para bang sinusuri ako.

"So galing ka talaga sa parallel universe?" tanong niya sa akin kaya napatingin din si Astra sa akin.

Nagdadalawang-isip naman akong tumango.

"Paano ako maniniwala?" Nakataas ang dalawang kilay niya.

Tumingin ako sa glass door kung saan pinasok ng mga nurse si Linn.

"3 seconds," tangi kong saad kaya napakunot ang noo ni Astra at ng kaibigan niya.

"Anong 3 seconds?" naguguluhang tanong nito.

Nanatili akong tahimik hanggang sa biglang may ingay na nagmula sa loob ng kwarto kung saan pinasok si Linn. Sa loob ng tatlong segundo, katabi ko na si Linn na parang walang nangyari sa kaniya.

"Bossing? Bakit naman hinayaan mong hubaran nila ako sa loob?" sabi ni Linn habang nakayakap siya sa sarili niya para hindi ma-expose ang katawan niya. Napatingin din siya kay Astra at sa kaibigan nito na parehong nanlaki at nagtataka ang mga mata. "Oh, si Astra bossing! Paano napunta 'yan dito?"

Maya-maya pa biglang naglabasan ang mga nurse para sundan si Linn.

"Mamaya ko na ipapaliwanag ang ibang detalye. Sa ngayon, tingin ko naman sapat na ang pagtataka sa mga mukha niyo para patunayan na hindi kami galing sa mundo na 'to. Bye!" sabi ko bago ko hatakin si Linn palabas ng ospital.

Naramdaman ko rin na sumunod sa amin 'yung magkaibigan kaya apat kaming tumatakbo palayo sa mga nurse. Hanggang sa tuluyan kaming makalayo at hingal na hingal na napahinto sa tapat ng isang restaurant.

Tumayo ako nang maayos bago nagsimulang humakbang papasok sa loob.

Gutom na ako dahil hindi man lang ako nakasubo kahit isang kutsra ng pagkain mula sa royal dinner kanina.

"Hoy, saan ka pupunta?"

Napahinto ako dahil sa biglang pagtawag sa akin.

"Hoy?" inis kong tanong pabalik kay Astra.

"Wala ka sa inyo kaya hindi mo ako mapapapatay dahil tinawag kitang 'hoy'," sabi niya kaya saglit na napa-awang ang bibig ko.

"Oh 'di ba bossing. Sabi ko sa'yo imposibleng hindi niya alam na crown prince ka e," ani Linn habang nakayakap pa rin sa sarili niya.

Hinubad ko 'yung blazer ko at agad na hinagis sa kaniya. Agad naman siyang ngumiti sa akin at sinuot 'yon.

"Gutom na ako, gusto ko na kumain," sabi ko kay Astra.

"Oh, eh bakit ka papasok diyan sa restaurant eh wala nga kayong pambayad sa taxi kanina? Anong ipambabayad mo? Currency ng bansa niyo?" sabi ni Astra kaya napalunok na lang ako ng laway.

Napatingin sa aming dalawa ni Linn si Astra.

"Do'n tayo sa amin kumain. 'Di hamak na mas masarap naman ang luto ng tita ko kaysa sa restaurant na 'yan," aniya bago siya magsimulang maglakad. Sumunod sa kaniya ang kaibigan niyang si Elle kaya naiwan kaming dalawa ni Linn sa likod habang sumusunod sa kanila.

"Bossing, anong sinasabi niya na wala tayo sa atin?" tanong ni Linn bago siya napatingin sa kalsada. "Oh bossing! May gulong 'yung sasakyan!"

***




Astra




"Saan ka galing, anong nangyari sa'yo, bakit ngayon ka lang bumalik?" sunud-sunod na tanong sa akin ni Elle nang maka-upo kami sa sofa sa may sala nila. Sakto naman na kakabalik lang ng papa niya galing sa may kusina. May dala itong tray na may juice at tinapay.

"Iwan ko na muna kayo rito. Manonood lang ako sa loob ng k'warto ko. Mukhang kailangan niyo ng masinsinang girls' talk," ani ni tito Erwin bago makabuluhang tumingin sa aming magkaibigan.

"Tumpak, 'Pa. May kailangan akong gisahin ngayon," sabi ni Elle habang matalim akong tinititigan.

Nang maka-alis ang papa niya, agad ko siyang inunahang magsalita. "Naniniwala ka ba sa parallel universe?" tanong ko.

"Ayan ka na naman sa ganiyang mga tanong mo e. Gusto mo na naming ibahin ang topic," sabi niya bago niya ikuyom ang kamao niya at ipakita sa akin. "Saan ka galing bruha ka?"

"Hindi ba tinanong ko sa'yo dati kung naniniwala ka sa past lives? At ang sabi mo oo dahil naniniwala ka sa déjà vu?" sabi ko. Automatic na kumunot ang noo niya. Mukhang hindi niya nasusundan ang sinasabi ko. "Ang ibig kong sabihin, parang alam ko na kung bakit may nangyayaring déjà vu sa buhay natin," saad ko.

"O tapos? Anong connect ng mga pinagsasabi mo sa tanong ko? Saan ka nga nagpunta? Bakit halos isang buong araw kang wala? Saan ka natulog? Saan nagpalipas ng gabi? What, when, who, where, why? Kumpletuhin mo ang sagot mo," mabilis niyang saad kaya halos wala akong naintindihan sa mga sinabi niya.

Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang mga kamay ko.

"I found a parallel universe. Last night. I saw my other self in that parallel universe. And I don't know why," sabi ko bago ako tumingin sa kaniya. "Is that good enough?"

"Make it sound real. Huwag mo kong ginagawang payaso. Saan ka galing? Isang ulit ko pa ng tanong na 'yan, tatawagan ko ang tita mo para ako mismo magsabi na dumiretso ka rito at hindi sa bahay niyo," sabi niya bago akmang kukuhain ang cellphone sa bulsa niya kaya nagmadali akong sumagot.

"Alam kong hindi tunog kapani-paniwala pero napunta nga ako sa ibang mundo kagabi. Hindi ko alam kung paano, pero walang gulong ang mga sasakyan do'n. May tren na lumilipad, may gumiho, may librarian na nuno sa punso. Elle maniwala ka sa akin, kung may tao man ako na hindi ko kayang sabihan ng kasinungalingan, ikaw 'yon."

Napatitig sa akin si Elle.

"Umalis ka ba kagabi para mag-drugs? Nag-aadik ka ba beh?" tanong niya sa akin bago hipuin ang noo at leeg ko. "Hindi ka naman nilalagnat. Mukhang okay ka naman," sabi pa niya.

"Elle---"

"Gutom," aniya pagkatapos niyang pumalatik. Inabot niya agad sa akin 'yung tinapay at baso na may lamang juice. "Kumain ka Astra Jane Del Rosario, eat well!"

Napapikit na lang ako bago ilapag 'yung tinapay at juice.

"Alam mo, kung hindi mo rin lang papakinggan ang mga sinasabi ko, at kung hindi ka rin lang naman maniniwala sa mga sinasabi ko, ano pang sense ng pagpunta ko rito? Mas mabuti pa na umuwi na lang ako sa amin, magkulong sa kwarto, at hintayin na makalimutan ko lahat ng mga sinabi ko ngayon," sabi ko bago tumayo. Naglakad ako nang diretso palabas hanggang sa makalabas na rin ako sa gate nila.

"Teka Astra! Sandali!" May humawak sa braso ko kaya napahinto ako. "Magpunta tayo sa ospital. Gusto kong malaman kung okay ka lang ba talaga. Kung sabihin ng doktor na ayos ka lang, papakinggan at maniniwala na ako sa lahat ng sinasabi mo. Hmm?" aniya.

Gusto ko pa sanang umangal pero pumara na siya ng tricycle kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumama na lang din sa kaniya.

"So ano nga ulit 'yung sinasabi mo? Napunta ka sa parallel universe, tapos nakita mo ang other self mo? Then may lumilipad na tren, tapos walang gulong ang mga sasakyan?" sambit ni Elle kaya tumango ako. "Hindi kaya nabaldog ang ulo mo sa kung saan tapos nanaginip ka lang?" tanong niya sa akin bago hawakan ang ulo ko na para bang may hinahanap na bukol o sugat.

Hinawi ko 'yung kamay niya.

"Akala ko rin no'ng una nananaginip lang ako o nag-hahallucinate. Pero hindi. Naka-usap ko pa 'yung other self ko sa mundo na 'yon. David ang pangalan niya. May alaga siyang gumiho—"

"Gumiho? As in 'yung mythical creature na fox tapos may siyam na buntot?" tanong sa akin ni Elle kaya tumango ako.

"Actually hindi raw siya gumiho pero gumiho ang gusto kong itawag sa kaniya," sabi ko. "Then sa mundo na 'yon, crown prince ang counterpart ko. Nagpunta ako sa library nila tapos nalaman ko na mas maganda ang Pilipinas do'n. Ibang-iba sa bansa na 'to. Sosyal na sosyal," dagdag ko pa.

Sa buong byahe naming papunta sa ospital, nanatili lang siyang nakikinig sa akin kahit pa alam kong medyo nag-aalala na siya sa kalagayan ko. Sino ba naman kasing maniniwala sa mga pinagsasabi ko 'di ba?

Pero kung may isa mang tao na dapat maniwala sa mga lumalabas sa bibig ko, si Elle dapat 'yon.

Nang makababa kami sa tricycle, nasa tapat na kami ng ospital. Dumiretso agad kami ni Elle sa doktor ko.

Ang sabi ng doktor normal naman ang lagay ko. Walang mali, o walang kahit anong kailangan ayusin sa akin bukod sa memorya kong nabubulok na.

Ilang beses tinanong ni Elle sa doktor kung sigurado ba siya, pero ilang beses in-explain ng doktor kay Elle na maayos ako at walang dapat ipag-alala sa kondisyon ko.

Habang palabas kami ng ospital, nanatili siyang tahimik. Hindi siguro niya alam kung mababahala ba siya dahil maayos lang ako pero kung anu-anong pinagsasasabi ko, o dahil hindi lang niya matanggap ang mga sinasabi ko.

Bigla akong napatigil nang may makita ako sa tapat ng ospital na parang nag-aaway. Naagaw nila ang atensyon namin dahil sa ginawang pagpilipit ng lalaki sa kamay ng kaaway niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan ko 'yung lalaki.

"David? David!"

Gano'n ang nangyari, kaya ngayon, sa napakapambihirang pagkakataon, kasama namin sa hapag-kainan si Linn at David.

"Kain lang kayo," nakangiting sabi ni tita Tessa kay Linn at David.

Napatingin ako kay Elle at Elmond. Pareho silang nakatingin kay David at Linn na kumakain.

Siniko ko silang pareho dahil nasa gitna nila ako, habang nasa tapat naman naming tatlo si David, Linn, at tita Tessa na magkakatabi.

Ramdam ko na nahihiya si David lalo na't nakatingin sa kaniya ang kapatid at kaibigan ko.

"Sure ka ba ate na hindi mo boyfriend ang isa sa kanila?" biglang tanong ni Elmond kaya sabay na napatigil sa pagkain si David at Linn. Sabay silang napatingin sa akin, pagkatapos ay kay Elle.

"B-boyfriend?" nauutal na tanong ko.

"Kung isa man sa kanila ay boyfriend mo, p'wede bang sa akin na lang 'yung isa?" sabi ni Elle kaya biglang nabilaukan si Linn.

Agad naman siyang inabutan ng tubig ni tita Tessa.

"Ano ba kayong dalawa!" inis na sabi ko kay Elle at Elmond.

Nakapalumbaba si Elle sa harap ni Linn, samantalang matalim naman ang tingin ni Elmond kay David na parang hindi natitinag dahil hindi siya pinapansin nito.

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero parang naiipit ako sa gitna ng impyerno.

***

"So ano ulit? Galing kayo sa parallel universe? Tapos paano kayo napadpad dito?" curious na tanong ni Elle kay David at Linn. Nasa lamesa pa rin sila.

Kakatapos lang naming kumain. Naghuhugas kami ni tita Tessa ng mga pinagkainan, habang ini-interogate naman ni Elle at Elmond 'yung dalawa.

"Hindi rin namin alam. The fact that crossing multiverse happened even without the lunar eclipse made me wonder what's the pattern I missed," sagot ni David.

Hindi ako nakatingin sa kanila dahil naghuhugas ako ng pinggan. Si tita Tessa naman ang nagpupunas kaya nakaharap siya at nakikinig sa pag-uusap nilang apat.

"Saan mo ulit nakilala 'tong dalawang 'to?" tanong ni tita Tessa sa akin habang inaabot ang pinggan na nabanlawan ko na.

"Maniniwala ka ba sa akin tita kapag sinabi kong taga-ibang universe sila?" walang gana kong saad.

"Bakit hindi? Kung taga-ibang universe sila, ngayon naiintindihan ko na kung bakit sila ganiyan ka-gwapo," sabi ni tita na tila ba parang wala siya sa sarili niya kaya napa-iling na lang ako.

"Paanong gumaling bigla 'tong kaibigan mo, eh kitang-kita pa namin kanina ni Astra na ang daming dugo at sugat sa katawan niya?" tanong ni Elle. Na-iimagine ko na dinuduro-duro niya si Linn.

"I see," rinig kong saad ni David.

"Ha? Anong I see? Anong nakita mo?" tanong ni Elle.

"Now I understand why your friend freaked out when she saw my guardian."

Bigla akong napalingon sa kanilang apat. Doon ko lang nalaman na nakatitig sa akin si David.

Hindi ko alam kung kanina pa siya nakatingin sa akin o coincidence lang na sabay nagkasalubong ang mga tingin namin.

But the fact that his gaze made me feel strange, I subconsciously revoked my stares.





End of Episode 7.

Continue Reading

You'll Also Like

991K 18.8K 110
Anong gagawin mo kung bumalik ang taong sinaktan ka? Na akala mo tapos na pero meron pa pala? Yung sya, sya parin pala -₣allenÅngel
6.9K 603 26
"Nico, she's been dead for over a decade! Mahihirapan tayong i-identify ang biktima." "Well, we have no choice, Nova," the greatest detective in East...
42.6K 4.5K 69
"Kailangan natin siyang pigilan bago pa ubusin ng virus ang populasyon ng Eastwood!" This time around, Detective Nico Yukishito and Detective Brianno...
2.2M 109K 61
Avery Devon, an elf, is supposedly the Empress of Elfania but Severus Montfort managed to conquer her Empire and other Elven Kingdoms. Upang makataka...