Chapter 61
“Kanina ay dumaan sa restaurant kasama ang ama niya. Masaya naman ang bata, walang kamalay malay sa sitwasyon n’yo.”
I computed the total amount on the pink calculator. Nang makita ang total na kailangan isukli ay binuksan ko ang kaha para kumuha ng pera.
“Mabuti po kung gano’n, Mama. Balitaan n’yo po ako kung kumusta ang bata,” sabi ko at nag angat ng tingin sa customer na babae. “Here’s your change, Ma’am. Thank you and please come again.”
She smiled. “Will surely do.”
“Basta ikaw ay lumuwas dito sa Manila, Elizabeth. Anniversary ng steak house at kailangan na nandito ka. Hinahanap ka rin ng mga empleyado dito. You have been a huge part of our business. Lalo na nung mga panahon na ikaw ang laging tumatao dito dahil abala kami noon sa maling gawain.”
Pagkatalikod niya ay kinuha ko ang cell phone mula sa pagkakaipit sa tainga at naupo sa silya habang ang mga mata ay pasulyap sulyap mga customer.
Medyo full packed ngayon ang shop dahil na rin summer na at maraming dayo sa San Vicente. Kahapon pa ay halos maubusan na ako ng paninda. Napuyat ako kinagabihan at inabot na ng madaling araw dahil gumawa ulit ako ng mga bagong produkto.
“Sige, Mama. Gagawan ko po ng paraan ‘yan-”
“Huwag mong gawaan ng paraan, Chloe. I want you to be here. If you’re worried that you might see Hellios here, don’t worry I didn’t invite him even though it’s so rude of me.”
Huminga ako nang malalim at tumungo sa mga paa ko. It has been months since Hellios and I had our closure. Simula nang hapon na mag usap kami sa rest house niya dito at sinabing pagod na siya habulin ako ay hindi na rin siya nagpakita.
Sumunod siya sa usapan. Hihiramin niya si Embry ng ilang linggo at ibabalik rin sa akin pagkatapos. Hindi siya ang mismong sumusundo kung hindi ang isa sa mga tauhan niya.
Noong una ay ayaw ko pa ipagkatiwala si Embry kung kanino pero nang sabihin na naghihintay naman si Hellios sa malapit ay naging ayos na rin sa akin. He just doesn’t really want to come closer and make me see him. Ayos na rin ‘yon para sa akin. That’s the best way for us to accept the reality that we are not meant for each other.
Pero gusto ko itanong sa sarili ko kung may nangyari ba sa mga nakalipas na buwan na hindi ko siya nakita. Nabawasan man lang ba ang pagmamahal ko sa kaniya?
Siyempre, hindi. Kung sa tatlong taon nga ay hindi ko siya nagawang kalimutan, iyon pa kayang buwan lang. Maybe I’m just really doing this to at least lessen the pain of our downfall.
“Miss, how much is this medallion?”
Napukaw ang atensyon ko mula sa isang babaeng customer na hawak ang ilang items ko.
“I have to end the call, Mama. Ang dami pong customer dito sa shop. I’ll call you again tomorrow.”
Hindi ko na siya nahintay pang sumagot at pinatay na ang tawag. I stood up and walked towards the customer.
“That’s eight hundred pesos, Ma’am...” I answered. “We still have another medallions here. You might want to check them.”
Inabala ko ang sarili sa buong maghapon. Kapag ganitong maraming customer ay gabi na ako nagsasara dahil mag isa lang rin naman ako sa bahay. Kung nandito si Embry ay hapon palang at siguradong sarado na ako. I have to cook for our dinner but since she’s not here, baka tinapay na lang ang kainin ko.
Minsan ay gusto ko siyang kumustahin pero hindi ko alam kung paano. I don’t want to call Hellios and ask him to let our daughter talk to me over the phone. Kung may cell phone lang sana ang bata ay walang problema. But then she’s too young to have that kind of gadget.
“Miss, is this stones real?”
Inaayos ko ang ilang items na nagulo kanina nang marinig ang tanong na ‘yon.
“What stones, Ma’am?” I aske and turned around to look at the customer.
Umawang ang bibig ko nang mamukhaan ang babaeng naroon at nakatingin sa akin.
“Hi!” she smiled.
“Doc Angelique?!” bulalas ko. “Is that you?”
She giggled and it’s as if the place suddenly lit with the kind of smile she gave me.
“It’s me, Chloe.”
Lumapit ako sa kaniya. She opened her arms and we hugged each other.
“It’s been awhile. How are you and the baby?”
Ngumiti ako saka kumalas mula sa pagkakayakap namin. Tiningnan ko siyang muli at hindi mapigilan mapahanga kung gaano siya kaganda.
Ang huling kita ko sa kaniya ay noong sanggol pa si Embry. She got long hair that time. Ngayon ay hanggang balikat na lang at medyo alon-alon ang dulo. Matangkad rin siya at kung hindi lang siya doktor ay iisipin ko na puwede siyang modelo. But what made me really admire about her was the way she smiles. Kapag ngumingiti siya, maging ang mga mata niya ay ngumingiti rin.
For me... she’s the epitome of angelic beauty. Kung sinasabi ng iba na maamo ang mukha ko, sasabihin kong wala akong panama sa ganda na mayroon si Angelique.
Her name suits her. She looks like an angel.
“I’m good. And Embry is already three years old. Ikaw, Doc? Napapasyal ka ata dito sa Palawan?”
“Please stop calling me Doc anymore. I’m fine with Angelique. But anyway,” she sighed. “I was in El Nido when I saw on the internet about this shop. Saw your picture too. Noong una ay inakala kong hindi ikaw. But when I read the article about this beautiful shop,” she roamed her eyes around and then looked at me. “I knew that it was really you.”
Ngumiti ako. “Are you with someone?”
“No. I’m alone. I just arrived from States the other day. Nagpahinga lang ako at bumiyahe na kaagad dito. You know, Palawan is such a nice paradise. It’s my first time here. Nakakaalis ng lungkot ang ganda ng paligid.”
Hindi ko magawang sumagot nang sabihin niya ang huling pangungusap. Malungkot ba siya? Gusto ko sabihin na oo. Lalo na at pansin iyon sa mga mata niya. Angelique’s eyes were expressive. Kapag masaya at malungkot ay kaagad na nahahalata sa kaniya.
Matagal kaming nagkuwentuhan ng gabing iyon. I invited her to the house and ate dinner together. I offered my place for her but she declined it.
Ang sabi niya ay sa malapit na rest house lang siya mananatili at puwede kaming mamasyal bukas. I can have a day off tomorrow. Tutal ay literal na napagod rin ako sa mga nakaraang araw dahil sa dami ng naging customer.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. I cooked for breakfast and eat all by myself. Palagi kong naaalala si Embry pero alam kong hindi naman siya pababayaan ni Hellios.
Kakatapos ko lang maglinis at maligo. Plano kong lumabas na rin para puntahan na si Angelique. We exchanged numbers last night and already got a message from her telling that she’s ready for an all day swimming at the beach.
I heard knocks on the door. I was drying my hair through my mini towel when I glanced at it.
“Sino ‘yon? Baka si Angelique na. Ang akala ko ay ako na ang pupunta sa kaniya.”
Itinigil ko ang pagtutuyo ng buhok at isinampay ang towel sa likod ng sofa. I sashayed towards the door and held the doorknob to open it. Nakahanda na ang ngiti sa labi ko para kay Angelique nang ibang tao ang mabungaran na nakatayo sa mismong harapan ko.
Umawang ang mga labi ko. “G-Gabriel?”
Mariin siyang nakatitig sa akin. He lowered his head and his shoulders heaved up.
Bakit siya narito?
“Chloe! Let’s go?”
Lumagpas ang tingin ko sa balikat ni Gabriel nang marinig ang boses na ‘yon. I saw Angelique waving her hand with a smile on her lips. Gabriel turned around to look at her direction. Dumapo ang mga mata ni Angelique sa kaniya. Her smile suddenly faded as if she had seen a ghost.
I tried to look at Gabriel. Emotions were swimming in his eyes while looking at her. Naalala kong may nakaraan silang dalawa pero matagal na panahon na ang lumipas.
Kung matagal na... bakit tila sariwa pa para sa kanila?
“Gabriel?” tawag ko dahilan para ibalik niya sa akin ang atensyon niya. “Why are you here?”
Binalikan niya ng tingin si Angelique. Sandali lang ‘yon at pumihit na paharap sa akin.
“I need you to come with me. Someone wants to talk to you...” he breathed with frustrations. “To us.”