Suarez Empire Series 1: My He...

By Warranj

2.6M 99.1K 15.3K

She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will thei... More

Disclaimer
My Heaven in Hell
Characters
Prologue
MHIH 1
MHIH 2
MHIH 3
MHIH 4
MHIH 5
MHIH 6
MHIH 7
MHIH 8
MHIH 9
MHIH 10
MHIH 11
MHIH 12
MHIH 13
MHIH 14
MHIH 15
MHIH 16
MHIH 17
MHIH 18
MHIH 19
MHIH 20
MHIH 21
MHIH 22
MHIH 23
MHIH 24
MHIH 25
MHIH 26
MHIH 27
MHIH 28
MHIH 29
MHIH 30
MHIH 31
MHIH 32
MHIH 33
MHIH 34
MHIH 35
MHIH 36
MHIH 37
MHIH 38
MHIH 39
MHIH 40
MHIH 41
MHIH 42
MHIH 43
MHIH 44
MHIH 46
MHIH 47
MHIH 48
MHIH 49
MHIH 50
MHIH 51
MHIH 52
MHIH 53
MHIH 54
MHIH 55
MHIH 56
MHIH 57
MHIH 58
MHIH 59
MHIH 60
MHIH 61
MHIH 62
MHIH 63
MHIH 64
MHIH 65
Epilogue Access
SOON 👀
My Heaven In Hell (book version)

MHIH 45

28.3K 1K 92
By Warranj

Chapter 45

Wala ni isa ang nakagawa ng ingay matapos marinig ang paraan ng pagtawag ng tauhan ni Jaime kay Hannah. With uncontrollable breathing, I tried to roam my eyes around and looked at everyone.

Salubong ang kilay ng lahat. Lalo na sina Papa Steve. Hellios was staring at Hanna with crinkled forehead as if he doesn’t understand why that man is calling Hannah as ‘Miss Hannah’ as if they knew each other. Maging ako ay ‘yon rin ang katanungan sa isip.

“What is there connection?” Mama Empress asked through a soft whisper that only me could hear. “Ano’ng kinalaman ni Hannah kay Jaime?”

Naglakad si Papa Steve palapit kay Hannah. Mrs. Deborah was glaring at Papa Steve as if she doesn’t want him to go near her grand daughter. Habang si Hellios at Gabriel ay nananatiling nakatayo sa gilid ni Hannah, alerto sa kung ano man ang puweden mangyari.

“Do you know this man, Hannah?” Papa Steve asked with full authority.

Sa lalim ng boses niya, kahit na sino ay makakaramdam ng takot para sa kaniya. No doubt Hellios got his dark aura from him.

“Of course not! She doesn’t know him! Bakit naman niya makilala-”

“With all due respect, Tita Deborah, my husband is asking your grand daughter. Wala naman po sigurong masama kung hahayaan n’yo siyang sumagot.” putol ni Mama Empress sa kaniya.

Natahimik siya at tiningnan si Hannah na nakayuko at tila malalim ang iniisip.

“I’ll ask you again, hija. Do you happen to know this man? If yes, how so?” muling tanong ni Papa Steve.

Tumungo ang tauhan ni Jaime, tila tuluyan nang nawala ang tapang. Kung kanina ay kaya niyang tingnan sa mga mata ang lahat, ngayon ay halos makuba na siya huwag lang tingnan si Hannah nang diretso.

“What’s your connection with Jaime Dimitri?” It’s Hellios who threw that question out.

Mariing pumikit si Hannah bago huminga nang malalim.

“Jai-”

“Hannah!” tawag ni Mrs. Deborah sa kaniya, tila pinipigilan siya.

Hannah looked at her with confusion. “Lola, I don’t understand why we are dragged here. Pero mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit narito ang tauhan ni Papa at nasa ganitong sitwasyon pa!”

Sandali… P-Papa? Ama niya si Jaime?

“Are you telling us that Jaime, who was the mastermind of my mother in law’s death… is your father?” mariing tanong ni Papa Steve.

Hinarap siya ni Hannah at tuwid na tiningnan sa mga mata. Kunot ang noo niya, salubong ang kilay at tila nabigla pa sa narinig mula kay Papa Steve.

“Wait… What did you say? My father had something to do with Lola Carmina’s death?” She shook her head. “No. That’s impossible. My father can’t do that!” She looked at Mrs. Deborah with rounded eyes. “Tell them, lola. Walang kinalaman si Daddy sa pagkamatay ni Lola Carmina, hindi ba?”

Nag-iwas ako ng tingin nang makita ang sunod-sunod na pagtulo ng luha mula sa mga mata niya. Kung pagbabasehan ang reaksyon niya ngayon, iisipin ko na wala siyang alam sa nangyayari. She looks clueless. Para bang wala siyang kamalay-malay sa mga kasalanang ginawa ng ama niya.

Pero puwede rin na nagkukunwari lang siyang walang alam.

Hindi dapat gano’n, Chloe. Hindi mo alam ang totoo. Walang nakakaalam ng totoo kung hindi sila lang. Don’t judge her right away just because you don’t like her.

Mrs. Deborah didn’t say anything. Nakayuko lang siya ngunit pansin pa rin ang pagiging matalim ng mga mata. Hinarap ni Hannah sina Papa Steve saka tiningnan ang mga nasa paligid.

“Ang sabi n’yo ay cardiac arrest ang ikinamatay ni Lola Carmina. Paanong si Daddy ang pinag-iisipan n’yong pumatay sa kaniya gayong malinaw na aksidente ang nangyari?!” sumisigaw na tanong ni Hannah.

“Tone down your voice, Hannah-”

“No! You answer me first because I deserve an explanation! Bakit ang Daddy ko ang pinagbibintangan n’yo?” putol niya kay Gabriel.

“We have Chloe’s parents here. Sila ang unang inutusan ng Daddy mo na patayin ang ina ng asawa ko. Nang hindi sundin ay gumawa siya ng paraan para makulong sila. And now we have one of your father’s men here. Kung sasabihin mo sa akin na walang alam ang ama mo sa lahat ng nangyayari sa pamilya ko, sasabihin ko rin sa’yo na narinig namin mula mismo sa kaniya ang pangungumusta tungkol sa mga Suarez,” paliwanag ni Papa Steve. “If he doesn’t know anything about it, why asked about our family?”

Walang naisagot si Hannah. Mas lalong naging masagana ang luha mula sa mga mata niya at halos pumailanlang ang matutunog na hikbi sa tahimik na kabahayan.

“Spare her from this. She doesn’t know anything. Wala siyang alam sa ginawa ng ama niya.”

Sabay-sabay kaming tumingin kay Mrs. Deborah na nasa kawalan ang atensyon habang pinagmumukha pa rin istrikta ang sarili.

“Jaime is my son. I know his illegal doings but can’t do anything to stop him. Siguro, kung mayroon dapat sisihin sa pagkamatay ni Carmina, ako ‘yon…”

Napatuwid ng upo ang lahat sa mga inilalthala ni Mrs. Deborah. Maging ako ay nakaramdam ng kaba sa dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

“This is all because of you, Samael. His wrath is all about you. Nabanggit ni Hannah sa Daddy niya na nagkakagusto siya sa isang lalaki kaya lang ay hindi na puwede dahil may iba nang karelasyon.”

Tumindig ang mga balahibo sa batok ko. Malakas ang pakiramdam ko na alam ko na ang patutunguhan ng mga litanya ni Misis Deborah at lihim akong nananalangin na sana ay wala na lang ako dito kasama nila. Sana ay nagpaiwan na lang ako sa penthouse. Sana ay sinunod ko na lang ang gusto ni Hellios na manatali ako sa kwarto niya. Kaysa ang masaksihan pa lahat ng ito.

“Being the only daughter, her father asked her to still get that man despite being in a relationship. That’s you, Samael. My grand daughter likes you…”

Tumungo ako, pigil ang bawat paghinga. I felt Mama Empress hold my hand as if she’s trying to calm me down.

Tama ako ng hinala kung gano’n. May gusto nga si Hannah kay Hellios dahil ang lola niya na mismo ang naglantad ng katotohanan. All my bad feelings about her was justifiable because I knew something isn’t right.

“Sa kagustuhan ko rin na mapasaya ang kaisa-isang apo, sinubukan ko sabihin kay Carmina na gumawa ng paraan para magkalapit ang dalawa tutal ay malapit na magkaibigan naman kami. But she rejected my favor. She said that she liked Chloe for Samael and that she wouldn’t do anything to break them apart. I’m sorry, Chloe, but that’s the truth.”

“How dare you asked my mother that!” sigaw ni Mama Empress.

“I’m sorry. Sinabi ko kay Jaime ang tungkol sa pagtanggi ni Carmina. He got mad-”

“Oo, gusto ko si Hellios! Hindi ko na itatanggi ‘yon pero noon pa ‘yon bago siya maikasal kay Chloe! I have already moved on and I’m fine now. What I don’t understand is the death of Lola Carmina! Ano’ng kinalaman ko at ng pagkakagusto ko noon kay Hellios sa insidente na ito?!” sigaw ni Hannah, hindi makatingin ng diretso sa akin.

I tried to look at my husband. He was leaning his hands against the chair, his jaw was clenching hard. Nakakuyom rin ang mga kamao, ang ugat ay halos bumakat na sa maputing balat.

“Nagalit ang Daddy mo sa ginawang pagtanggi ni Carmina. Iyon ang nakikita kong dahilan para ipapatay niya ito-”

“That’s bullshit! How could you waste my grandmother’s life just because of this girl’s feeling?!” sigaw ni Hellios, ang litid sa leeg ay halos lumabas na.

“I tried to stop him but he’s too persistent to kill her-”

“Well you didn’t try hard enough!” sigaw ulit ni Hellios kay Mrs. Deborah.

“Marahil ay pursigido rin talaga siyang patayin ang isa sa mga mahal mo sa buhay, Samael, dahil sa ginawa mong pamamahiya sa kaniya sa harapan ni Chloe.” saad ni Gabriel na ngayon lang naglabas ng opinyon magmula pa kanina.

“Sandali. Ano’ng kinalaman ni Chloe kay Daddy?” tanong ulit ni Hannah.

Hilaw na natawa si Hellios habang naiiling, puno ng sarkasmo at tila ba nakakatakot kahit na ang biruin siya.

“We were indebted to your father before. Si Chloe ang gusto niyang kapalit pero dahil sa binayaran siya ni Hellios ng malaking halaga ay naudlot ito.” Si Papa na ang sumagot ngayon.

Binalingan ako ni Hannah, masama ang tingin sa akin, nagtatagis ang bagang.

“Did you seduce my father? How come he would like you-”

“Bago mo ako pagbintangan na inakit ang ama mo, bakit hindi muna siya ang tanungin mo kung bakit ako ang ginusto niyang maging kabayaran sa naging utang namin sa kaniya?” putol ko sa pangbabastos niya sa akin.

Mas lalong tumalim ang mga titig niya sa akin. Kung maliit lang siguro ang distansya na mayroon kami, nasisiguro ko na nagawa niya na akong saktan.

“Where is Jaime right now, Mrs. Deborah?” Mama Empress asked. Kung kanina ay tita pa ang tawag niya dito, ngayon ay hindi ko na maramdaman ang paggalang.

“I d-don’t know. Ang sabi niya sa akin ay sa ibang bansa-”

“Nasisiguro kong narito lang siya sa Pinas. Ikaw ang makakaalam niyan, Hannah.”

Halata ang pagkakatuliro sa ekpresyon ng mukha niya habang titig na titig kay Hellios nang sabihin ‘yon. She swallowed hard, it’s obvious from the movement of her throat.

Everyone was already looking at her. Lahat ay naghihintay sa gagawin niya. Sa huli, wala na rin siyang nagawa kung hindi ang kuhanin ang cell phone mula sa bulsa ng pantalon na suot niya. Mula sa direksyon ko ay nakikita ko ang panginginig ng mga kamay niya.

Lumingon sa gawi ko si Hellios. Nagtama ang mga mata namin. Ako ang naunang nagbawi ng tingin. Mas doble ang sakit na dumadaloy sa mga mata niya at sa mga oras na ‘to, nasisiguro ko na sinisisi niya ang sarili niya ngayong nalaman na nang lahat ang dahilan kung bakit ipinapatay si Lola Carmina.

Love can be really evil. Hindi man ginusto ni Hannah ang mamatay si Lola Carmina dahil sa kaniya, siya pa rin ang naging ugat para magawa ‘yon ni Jaime. Sa sobrang pagmamahal niya sa anak niya, ni ang kumitil ng buhay ay naging madali na lang para sa kaniya.

“Miss Hannah, huwag mong t-tawagan…”

Napahinto si Hannah sa ginagawang pagtitipa sa cell phone niya matapos iyon sabihin ng tauhan ni Jaime. Tiningnan niya ito, tila nag-iisip. Sa huli, tumungo siya at ibinalik ang atensyon sa cell phone.

Silence lingered in the whole living room for the next few minutes. Hannah started calling Jaime. She put it on loud speaker and when Jaime answered the call, tears formed in her eyes.

“Hannah, anak? Napatawag ka?”

My face automatically grimaced upon hearing Jaime’s voice speaking that way. Masiyadong malambig, napakalayo sa paraan ng pakikipagusap niya sa akin no’ng mga panahon na gusto niya akong angkinin.

I guess everything is all for a show when he’s facing his daughter. Pinagmumukha niyang mabait ang sarili sa harap ng anak kahit na ang totoo ay masahol pa sa nasa ibaba ang ugali niya.

“Hi, D-Daddy. How are you?” Hannah’s voice was soft and unsure.

“I’m good, hija. Is there a problem? If this is about that guy Hell, I suggest you move on from him-”

“No, Dad. This isn’t about him. Gusto lang po kita kumustahin. I heard from lola that you’re not abroad. Nandito ka lang sa Pinas, Dad?”

“Ah, yes. I just got from States. Now I’m in Guimaras. I love the freshly picked mangoes here!” He laughed.

Napatingin si Hannah sa lahat. Nagtagal ang tingin niya kay Hellios bago siya unang nagbawi na tila ba natatakot sa dilim ng mga mata nito.

“I s-see, Dad. Hanggang kailan ka po diyan?”

“A week, I guess? I’m not sure. Wait. Why are you already up this early? May activity ba sa simbahan?”

Hannah had to cover her mouth for tears once again streamed down her cheeks. Huminga siya nang malalim at pinilit kalmahin ang sarili.

Ayaw kong aminin pero nakakaramdam ako ng awa para sa kaniya bilang isang anak na walang kamalay-malay sa kasamaan ng sariling ama. For some reason, I can’t help but to compare my experience with her.

Nagawa rin akong saktan ng mga magulang ko pero sa huli ay naunawaan ang dahilan kung bakit nila nagawa ‘yon. Samantalang siya ay lantaran na ang ginagawang mali ng sariling ama ngunit walang magawa.

Pero sa mga sandaling ito, walang kaalam-alam si Jaime na ang sarili niyang anak ang magkakanulo sa kaniya.

“Yes, I have. Napatawag lang ako kasi namiss po kita. Take care, Dad. Always remember that I l-love you...” Her voice cracked. “I love you no matter what h-happens.”

As soon as those words were said, Hannah ended the call and walked out of the house. Sinubukan siyang tawagin ni Mrs. Deborah pero nagdire-diretso lang ito.

Mrs. Deborah sighed and looked at everyone. Kung mayroon man siyang kasalanan, iyon ay ang kunsintihan ang apo at anak niya sa mali. Oo at hindi niya gustong mamatay si Lola Carmina pero siya ang nagtulak kay Jaime para gawin ito.

“Please spare Hannah from this. Wala siyang alam. Wala siyang kasalanan. Kung mayroon man siyang mali dito, iyon ay ang nagkagusto siya kay Samael-”

“You have the guts to show your face on my mother’s burial after of what you did? Shame on you!” sigaw ni Mama Empress sa kaniya.

Hinawakan ko ang kamay niya at sinubukan siyang pakalmahin. Simula nang makilala ko siya ay ngayon ko lang siya nakitang ganito katindi ang galit.

“I’m sorry, Empress. Hindi ko ginusto ang ginawa ng anak ko sa Mommy mo. Kaibigan ko si Carmina-”

“Walang kaibigan ang Mommy ko na ganiyan ang pag-uugali! Get out of this house! We will make sure that you’re gonna pay for this. Kayo ng demonyo mong anak!”

Tumungo si Mrs. Deborah at bumuntonghininga. “I understand. Pero huwag n’yong galawin ang apo ko. Inosente siya.”

Natahimik ang lahat hanggang si Gabriel ang bumasag ng katahimikan.

“I found out that Lola’s nurse was the one who did the job. She made Lola drink an illegal medicine that caused her cardiac arrest.”

“Nasaan ang nurse?” tanong ni Papa Steve sa tauhan ni Jaime na nananatiling tahimik.

“Pinauwi ko na sa kanila kapalit ng malaking halaga. Ibibigay ko ang address, huwag kayong mag-alala.”

Bumaling si Hellios sa akin at naglakad palapit. Hindi ko inaalis ang tingin sa kaniya hanggang sa maupo siya harapan ko at hawakan ang aking kamay. He looked weary and stressed from all of these.

“You need to rest. Iaakyat na kita sa kwarto.” namamaos ang boses na sabi niya.

Tumango ako, hindi na sumagot pa. We excuse ourselves to the elders and silently climbed the stairs. Nang makarating sa kwarto niya ay parehas kaming tahimik at walang gustong magsalita.

I have this feeling that I already know what’s running inside his head.

Nauna akong pumasok sa kwarto na matagal niya nang hindi nauuwian simula nang manirahan ako noon sa penthouse niya. Nagtungo ako sa bintana kung saan bukas ang kurtina. Tanaw ang maliwanag na buwan at ang mga puno sa ilalim ng madilim na langit. The view outside looks calm and peaceful. Kabaliktaran ng nangyayari sa loob ng bahay na ito.

Lumingon ako sa likod at nakita si Hellios na nakaupo sa dulo ng kama. Nakayuko siya, ang mga siko ay nakatuon sa ibabaw ng hita niya habang nakatakip ang mga palad sa mukha.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko sa nakikitang ayos niya. Isinarado ko ang kurtina bago naglakad palapit sa kaniya.

Nang makalapit ay niyakap ko siya habang nakatayo sa harapan niya at marahang hinaplos ang likod.

“Never blame yourself.”

He remained silent. Inakala kong wala talaga siyang balak na magsalita nang marinig ko ang pigil na hagulgol niya. Pumikit ako nang mariin at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kaniya.

“She was killed because of me-”

“It’s not your fault. Hindi mo kasalanan na nagkagusto sa’yo si Hannah. Hindi mo kasalanan na tinanggihan ni Lola Carmina ang pabor ni Mrs. Deborah na paghiwalayin tayo para kayo ni Hannah ang magkalapit. Hellios...” huminga ako nang malalim. “Lahat ay nakatakdang mangyari. Please don’t blame yourself. Huwag mong isisi sa’yo ang pagkakamaling hindi mo ginawa. Learn to accept the reality because if you won’t, you can never have a peaceful life.”

Inalis niya ang pagkakatakip ng mga palad sa mukha at ipinulupot ang mga kamay sa bewang ko. Isinubsob niya ang mukha sa tapat ng tiyan ko at doon ay tahimik na umiyak.

One of the few moments that he let me see him this weak and fragile.

Marahan kong hinaplos ang buhok niya, sinusubukan siyang pakalmahin sa gano’ng paraan.

“Ssh. It’s okay. Everything will be fine.” I whispered and sang a song that usually help me calm down in times of difficult trial like this. “We will get through this. I am with you...” I uttered and hug him even more. “Always.”

Continue Reading

You'll Also Like

24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
2K 64 28
[Completed] RAW VERSION "Every moment of our life is just a chapter of our story. Our epilogue will always be the scene of us dying." Was he ever eve...
3.2K 131 34
Our souls recognized each other before our lips met. We fell in love in a place between heaven and earth before the stars began burning...and when yo...