his innocence

By hehflynn

137K 5.5K 1.1K

I saw how his lips tremble upon my touch. I never touch a man like this but I'm no innocent. This is also my... More

Teaser
Notes
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter

Chapter 18

3.2K 164 15
By hehflynn

Chapter 18

Tahimik sa loob ng sasakyan. Pareho kaming nasa back seat ni Gaddiel pero halos dumikit na siya sa kabilang dulo. Sobrang laki ng space sa gitna naming dalawa.

Panay ang baling sa amin ni Kuya Kito sa rear mirror. Sinabi ko kanina na susunduin namin sa school ang kasama kong mag-aaral sa bahay pero ang inaasahan niya yatang kasama ko ay sina Jorge. Naninibago siguro siya dahil ni minsan ay hindi niya ako nakitang nagkaroon ng lalaking kaibigan o kasama.

Kung babanggitin man ito ni Kiya Kito kina Mom at Dad ay sasabihin kong boyfriend ko si Gaddiel. We'll meet them after exam anyway.

Isa pa walang mag-iisip na masama si Gaddiel. Sa aming dalawa mukhang ako pa nga ang pwedeng gumawa ng masama sa aming dalawa.

Muli kong binalingan si Gaddiel na mahigpit na yakap ang mga libro niya habang nakayuko. Hindi na naman kita ang mga mata niya pero kitang-kita ko kung gaano kadiin ang pagkakakagat niya sa ibabang labi niya.

He's wearing a white Polo shirt, gray pants and a pair of white Nike shoes. He looks so plain but I'm starting to like his style actually. His style looks so pleasing in my sight.

Hindi ko na muna siya kinulit habang nasa loob kami ng sasakyan. Nakarating kami sa subdivision hanggang sa ipinasok na ni Kuya Kito ang sasakyan sa gate ng bahay namin.

Agad akong lumabas nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng stone stairs. Nakita ko naman si Gaddiel na parang batang nahihiya na bumaba na rin saka dahan-dahang lumapit sakin. May bag sa likod niya at may yakap paring mga libro. Nakaangat ang tingin niya sa bahay namin habang hawak ng daliri niya ang gilid ng eye glasses niya.

"Come in," wika ko bago siya iginiya papasok. Nakita ko nahihiyang nag-bow pa siya kay Kuya Kito na tumango lang sa amin.

Nag-aalinlangan pa rin ang ekspresyon ni Gaddiel kahit noong nasa sala na kami.

"Lia, is it really okay--"

"I already told you, it's alright, Gaddiel." Magaan ko pang hinampas ang balikat niya para mas hindi siya ma-awkward. Nahihiya niyang inilibot ang tingin sa buong sala namin. Napailing na lamang ako bago iginiya si Gaddiel sa staircase.

I already gave instructions to our helpers earlier about our snacks kaya dumiretso na kami sa library na tabi lamang ng kwarto ko. Iba iyon sa main library kung saan ang study nina Dad.

"This is my own library. My collection of books," ani ko kay Gaddiel na manghang-mangha pagpasok namin.

Then I suddenly remembered his book. The one I borrowed from him to get his attention. Hindi ko pa pala iyon naibabalik sa kanya. Maybe later, pag-uwi niya.

"Y-you read a lot," komento ni Gaddiel habang nakatingin sa mga shelves na puno ng libro.

"Hmm," I shrugged. "Pero bilang lang ang educational books dito. I'm more on thriller, fantasy, dark books and manga. And lately romance,"

Panay ang tango ni Gaddiel habang nagsasalita ako. Napangiti ako sa pagkaaliw niya. He's really a nerd who loves books, huh.

"I know you'll bring our school books kaya hindi ko na kinuha 'yong sakin sa locker kahapon." ani ko bago humakbang papuntang sofa kung saan ako madalas humilata tuwing nagbabasa ako ng libro.

Napatingin sakin si Gaddiel. Tinapik ko naman ang espasyo sa gilid ko para makaupo na rin siya.

Naninimbang ang tingin ni Gaddiel sakin habang lumalapit siya. Alerto rin ang ekspresyon niya at tila kinakabahan na may gagawin ako bigla sa kanya. He's very conscious again.

Lihim akong napangisi.

Dahan-dahan ang ginawa niyang pagbaba ng bag niya sa may carpet na sahig bago niya inilalapag sa ibabaw ng coffee table ang mga librong yakap niya kanina pa.

Tuluyan nang nawala ang atensiyon ni Gaddiel sa mga librong nakapalibot sa amin. Ngayon ay para na naman siyang pusang kinakabahan.

Inayos niya ang eye glasses niya bago siya umupo sa sofa. Halos dumikit siya sa dulo. Mahaba ang sofa kaya halos isang metro ang layo namin sa isa't-isa.

Nahuli niya ang pagngisi ko kaya mas lalong tumutok sa akin ang nagbabantay niyang mga mata. Hindi ko mapigilang mapatawa sa aming dalawa.

"Alright, alright!" Itinaas ko pa ang dalawa kong palad sa ere na parang sumusuko. "I won't do anything to my boyfriend." I chuckled. "You're so nervous!" dugtong ko pa.

Agad na kumalat ang kulay sa buong mukha ni Gaddiel. Kulang nalang rin ay lumubog na siya sofa sa pagkakayuko niya.

I really want to kiss him now. Pero kaya ko rin namang maghintay. Alam kong pag-aaral lang ang ipinunta ni Gaddiel dito. I wouldn't want to disappoint him or something. Besides, I told myself that I won't make advances towards him until the exam is over.

I just want to tease him. His reactions never fails to make my day.

Naiiling pa ako nang may kumatok sa pintuan at pumasok ang dalawa naming katulong na may dalang pagkain. Napatayo nang mabilis siya Gaddiel. Namumula parin ang mukha niya sa kahihiyan pero nagawa niya pa ring pansinin ang pumasok sa kuwarto.

"Thank you," he even said to our helpers. Napatingin pa sakin ang dalawang katulong saka babalik kay Gaddiel tapos at titingin na naman sa akin. Na para bang hindi sila makapaniwala na may dinala akong 'Gaddiel' sa bahay.

Gaddiel means lakaki at mala-anghel sa kabaitan. Sina Thelma palang kasi ang nadadala ko dito sa bahay. And knowing the three, they're absolutely not angelic. Salungat kay Gaddiel na bukod sa lakaki ay parang hindi pa makakabasag ng pinggan.

Well, meet my boy, people.

"M-magpasabi nalang kayo, Ms. Kye kung may gusto pa kayong iutos."

"Okay," usal ko. Yumuko sila.

Napalingon ako kay Gaddiel na nanatili paring nakatayo. Binalingan ko rin ang dalawang katutulong na akmang aalis na.

"Thanks," I said then I bit my lower lips. Natigil saglit ang dalawang babae bago mabilis na tumango sa akin. I even saw them smiled a bit before they leave us in the room.

Okay.

"S-so, Lia... shall we start?"

"Okay,"

×××

Hindi gaanong sumakit ang ulo ko sa exam. Maayos kaming nakapag-review ni Gaddiel noong Sabado.

Halos tatlong araw na kaming hindi nag-uusap sa personal ni Gaddiel. Noong Lingo, Lunes, at kahapon na Martes. Iba kasi ang designated room niyaa saka salungat rin ang schedule namin. Isa pa ay ayoko ko siyang guluhin, pareho lang kaming madi-distract pag gano'n.

Nag-uusap parin naman kami lagi sa text pero  iba pa rin pag magkasama.

And now, finally, it's Wednesday!

Pakiramdam ko mas lumiwanag ang classroom nang pumasok ako at nakita ko si Gaddiel na nakatingin na agad sa akin at tila naghihintay talaga.

Hindi ko mapigilan ang pagngiti nang malapad lalo na nang makita ko ang pagtayo ni Gaddiel at ang nahihiya niyang ngiti sa akin.

"Good morning, Gaddiel." sambit ko.

"Good morning, Lia..." he greeted me back with his usual deep soft voice.

"Uh," Nakasulyap ako sa kanya habang nilalapag ko sa upuan ko ang bag ko. Nakasapo siya batok niya at parang may gustong sabihin pero nag-aalangan.

"Yes?"

"N-nothing," bawi niya rin. But he looks flustered about his thought.

Did he missed me? 'Yon ba ang sasabihin niya sana? Damn, I wish 'yon nga. Dahil ako, namiss ko talaga siya. Yeah, it sounds ridiculous but I do.

Bahagya akong tumawa bago siya nilapitan. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya para paupuin siya pabalik sa upuan niya.

Hindi niya inaasahan ang ginawa kong pagtulak kaya bigla siyang napahawak sa braso ko dahilan kung bakit ako napasama sa kanya.

And my chest... my chest press right in his face!

"Shit," napamura ako bago dali-daling lumayo kay Gaddiel. I panic a bit. I feel as if his face was still in my chest. Kumalat ang init sa buong mukha ko. Damn. Napalinga pa ako sa mga kaklase namin kung may nakakita sa nangyari. Siguro ay mayroon but that's the least of my concerns right now.

"Sorry--"

Natigilan ako nang makitang nakayuko si Gaddiel sa at parang hindi gumagalaw. Bagsak ang balikat niya at hindi ko makita ang mukha niya.

Agad akong lumuhod para silipin ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang namumutla siya at halos pumikit na ang mga mata niya.

Sinapo ko ang pisngi niya at inangat. Mabilis ko ring inalis ang eye glasses niya at hinawi pataas ang buhok niya. Sobrang putla niya at para ng lantang gulay. And he looks as if he's gonna faint any second now.

"Gaddiel," I said as I shake his shoulders. "Hey,"

Fuck. Should I call 911 now? At anong namang sasabihin ko? Sumubsob siya sa dibdib ko kaya nagkaganito? Damn.

Ilang beses ko pa siya niyugyog bago ko siya nakitang nagkakulay at nagmulat ng mga mata. He blink many times.

Alam kong sobrang inosente ni Gaddiel sa mga makamundong bagay pero aabot pala sa sa ganito ang kainosentehan niya. Na mahihimatay talaga siya!

I remembered the first day... his very first day at school. Iyong akala ko mahihimatay siya sa kaba habang nasa harap ng klase. Hindi ko inaasahan na magiging totoo 'yon.

"Are you alright?" Pinasandal ko siya sa upuan at pinanasan ang butil ng pawis sa gilid noo at gilid ng pisngi niya. "I'm so--"

"L-lia, sorry. It's my fault." Unti-unti kumalat ang kulay sa buong mukha niya. Even on his neck and ears. He looks so flustered now that ever.

"What? Gaddiel, aksidente 'yon. A-and it's not a big deal." I explained because it's really not. Aksidente iyon at hindi ko naman ramdam na nabastos ako o ano. It's really not.

Well, it's really kind of embarrassing... but that's all.

Hindi makatingin nang diretso sakin si Gaddiel at para rin siyang naiiyak na hindi ko mawari. Sumubsob siya sa armchair niya para itago ang mukha sa akin.

"I'm sorry, Lia. I'm really sorry." he mumbled like a kid. "I'm sorry,"

Oh God, sumubsob palang nga siya sa dibdib kong may damit halos mahimatay na siya ano pa kaya kung mag second base na kami o third base?

Damn Gaddiel, ayoko namang hanggang first base lang tayo.

At mukha ring hindi pa ako makakahalik ngayong araw hanggang sa makalawa.

Ang malas-malas ko naman!

×××

Yey! 2k reads, thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

368K 24.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
26K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
4.9K 233 6
WARNING: Not suitable for young readers "There are no perfect men in this world, only perfect intentions." -Pen Densham Quote source: https://www.azq...