Fragments of the Universe

By abdiel_25

1.9K 168 61

Stand-alone Story | She met her variant, and apparently he's a he. *** A novel. After losing their parents at... More

Disclaimer
Prologue : The last chapter rewind
Episode 1 : She who lost twice
Episode 2 : The Nine-tailed and the Counterpart
Episode 3 : Put two and two together
Episode 4 : Know something backwards and forwards
Episode 6 : Unforeseen turn of events
Episode 7 : The Prince and the Fox who crossed the multiverse
Episode 8 : The clock is ticking doom
Episode 9 : The pattern of the universe
Episode 10 : The wanderer took a week off
Episode 11 : Down on one's luck
Episode 12 : The lonely and great god of time
Episode 13 : Golden rule of the universe
Episode 14 : Arrival of the god of war's son
Episode 15 : You tell the Luna
Episode 16 : Metaphor of a monarch butterfly
Epilogue : He who found her twice
Author's note

Episode 5 : Life is not given, it is earned

53 10 2
By abdiel_25

Episode 5 : Life is not given, it is earned

Astra






Nasabi ko na ba na mahilig ako sa history? Mahilig din akong manood kaya kung anu-anong pumapasok sa isip ko lalo na kapag bago matulog. Hindi ko na mabilang kung ilang illusion ang nagawa ko sa isip ko kakanood ko ng series, documentaries, at kung anu-ano pa na makakakuha ng atensyon ko.

15 years old yata ako no'ng ma-discover ko ang Thai series dahil summer noon at puro thriller ang pinag-uusapan sa school namin. Sakto naman na puro thriller ang films ng thai kaya sinubukan ko. Later on from movies, nakapanood na rin ako ng series, hanggang sa hindi ako nakuntento kaya napadpad naman ako sa Korean drama. 

While others find it boring to watch historical fiction dramas, mas na-eenjoy ko naman panoorin ang mga 'yon dahil sa mystery at thriller na dala nito. Bonus na lang kung may kasamang rom-com, pero mostly, mas nag-fofocus ako sa puzzle parts. 

Kung usapang historical fiction naman in terms of books, bihira ako magbasa. Depende na lang kung maganda talaga ang story line o ang plot.

Isa sa mga dahilan kung bakit parang star struck ako ngayon ay dahil nga sa fact na mahilig akong manood ng historical fictions na kdrama, at isa sa mga pinakapaborito kong character ay ang crown prince. 

The story that evolves about a crown prince battling with the evilness of government officials is a must watch. The satisfaction once he unveils the corrupt officials, ibang level.

Pero sinong mag-aakala na for once in my boring life, makakaharap ako ng isang crown prince. Hindi nga lang galing sa Joseon or sa past, pero sa modern world. At dito pa mismo sa parallel universe ko siya nakita. 

Take note, ako siya.

"What took you so long?" bungad na tanong sa akin ni David. "Ang tagal mo naman," sabi niya pa bago tumayo nang maayos mula sa pagkakasandal niya sa sasakyan niya.

I feel so special and nervous at the same time. Kung siya ang crown prince ng bansang 'to, ibig sabihin halos kasing taas na rin niya ang hari. Hindi p'wedeng mapunta ako sa bad side niya, kailangan kong magpakabait sa kaniya.

Pero ako siya. Hindi naman siguro niya ako sasaktan hindi ba? May side effect ba kapag namatay 'yung ibang version mo sa parallel universe?

"Hindi ko naman alam kung anong oras niyo ako susunduin e," sabi ko.

Kung tutuusin, saglit lang naman ako nasa loob ng public library. Halos dalawang oras lang yata akong nagbabasa at pasilip-silip kay Riki.

"Nasaan pala si gumiho?" tanong ko habang lumilingon-lingon sa paligid namin. Sumilip din ako sa loob ng sasakyan pero wala siya ro'n.

"Si Linn? May binili. Isa pa 'yon. Ang tagal din. Nadaganan ba ng matcha 'yon?" ani David bago muling sumandal sa sasakyan niyang nakaparada sa harap mismo ng entrada ng library. Napatingin siya sa librong hawak ko. "I see. You have fun learning interesting stuffs too," mahina niyang saad pero narinig ko pa rin kahit papaano. Umiwas na siya nang tingin nang tumingin ako pabalik sa kaniya.

Umiling na lang ako.

Parang tanghali pa lang at hindi ko na agad alam kung anong gusto kong gawin. "May iba pa ba kayong pupuntahan na p'wede akong sumama?" tanong ko. Kahit pala nasa ibang universe na ako, hindi ko pa rin alam kung papaano uubusin ang oras na meron ako.

"Balak ni Linn na bumisita sa family niya. I don't think you can come with us. Itanong mo sa kaniya," sagot ni David without even looking at me.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganito ang attitude niya. For sure kagaya siya ng mga napapanood ko sa historical fictions. Kulang 'to sa aruga. Ipupusta ko lahat ng natitirang memorya ko. Sure ako, kulang sa alaga ang isang 'to.

Bigla tuloy akong napa-isip. Bakit ngayon ko na lang ulit 'to naalala?

Kung siya nga ang version ko rito sa mundo na 'to, ibig sabihin ba nandito rin ang mga magulang ko? Kung tama ang pagkaka-alala ko, 'yung mga kasama ni David sa malaking frame na nakita ko noon sa isang bahay na katulad ng sa amin, kamukha mismo ng mga magulang ko bago sila pumanaw.

"Ah... David," nagdadalawang isip na tawag ko sa kaniya. 

Hindi ko talaga alam kung paano siya tatawagin nang malaman kong siya ang crown prince sa lugar na 'to. Baka mamaya may nakamasid sa amin tapos marinig na ganito ang tawag at pakikisalamuha ko sa kaniya. Baka dito pa ako sa mundo na 'to ilibing.

Lumingon naman siya sa akin.

"Nasaan pala ang parents mo?" tanong ko.

"Nasa ibang bansa. Why?" tanong niya bago niya ilayo ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung ayaw niya sa itsura ko, o ayaw niyang ipakita sa akin ang mukha niya. Kahit naman hindi namin makita ang mukha ng isa't isa, kapag tumingin kami sa salamin, para na rin kaming nagharap.

"Wala lang, natanong ko lang," sabi ko bago ako mapatingin sa cover ng librong hawak ko.

Kapag naintindihan ko na ba ang konsepto ng parallel universe, maiintindihan ko rin ba kung paano gumagana ang tadhana? Kung parehas silang may kinalaman sa magkaibang mundo, baka may dahilan din kung baklit hindi namin mahulaan kung anong mga susunod na bagay ang mangyayari sa buhay namin. I mean, baka lang naman parehas ng pattern ang parallel universe at fate.

Or what if, baka mali lang ang mga tao sa interpretations nila sa destiny? Baka tulad ng konsepto ng parallel universe,  may formula rin para ma-discover ang tadhana mo?

Maybe things are bound to be complicated para mahirapan lalo ang mga tao na mabuhay. Baka may limit lang talaga ang capacity ng utak ng mga tao. Kahit gaano ka pa katalino, kung naka-set na ang limit ng utak mo bago ka pa ipanganak, wala ring silbi 'yon. Mapapansin mo na lang na paulit-ulit ka lang sa solution, pero wala kang answer na makukuha.

If fate brought me here, then what does it mean? Kung may parallel universe, then it means that fate is bigger than what we thought. The fact that it brought me to another universe to meet my other self, I can't help but to be amazed.

"Ang tagal mo," seryosong sabi ni David kaya naalis sa isipan ko lahat ng mga tanong sa utak ko. 

Napatingin ako sa kinausap niya. Nakita ko na papalapit sa kinatatayuan namin si gumiho. May hawak siyang ice cream sa magkabilang kamay niya. Para siyang bata na naglalakad palapit sa amin.

"Hindi ko alam kung anong gusto mong flavor, pero tikman mo na rin 'to. Masarap 'yan," sabi ni gumiho sa akin habang tumataas-taas ang magkabilang kilay niya. Nakangiti niyang inabot sa akin 'yung isang ice cream. Kulay green ito kaya nagdalawang isip ako kung magugustuhan ko ba ang lasa.

Nakatitig sa akin si gumiho na tila inaabanagan ang reaksiyon ko, kaya wala na akong nagawa kung hindi tikman 'yung ice cream.

Nilasahan kong mabuti 'yuung ice cream nang dilaan ko ito.

"Anong flavor 'to?" tanong ko bago muling dumila.

"Matcha," sagot ni gumiho. "Ang sarap 'no?"

Napatango na lang ako sabay ngiti sa kaniya. Gaano ba ka-boring ang buhay ko? Kanina tuwang-tuwa ako sa lasa ng kape, ngayon naman para akong bata na kumakain ng ice cream dahil sa sarap ng flavor. Bakit ngayon ko lang nalaman na may mga ganito pala?

Pumasok na kami sa loob ng sasakyan dahil kanina pa nasa looob ng sasakyan si David. Isa pa 'tong lalaki na 'to. Akala mo bored na bored din sa buhay niya.

Hindi ko naman siya masisisi. Bored ang counterpart niya kaya normal lang na ganiyan din siya ka-bored sa buhay niya.

Nang makapasok kami sa passenger's seat, may bigla akong napansin. 

Bakit siya pala ang nagmamaneho?

Hindi ko alam kung dahil ba ngayon ko lang nalaman na crown prince siya, pero bakit siya ang nagmamaneho kung master ang tawag ni gumiho sa kaniya? Ang weird ha.

Nagsimula na umandar 'yung sasakyan habang kumakain pa rin kami ni gumiho sa likod. "Bakit hindi mo biilhan ng ice cream si David?" biglang tanong ko. Napatingin ako kay gumiho pero para siyang bata na naka-focus sa paglkain ng ice cream.

"Hindi siya mahilig sa mga matatamis," aniya kaya tumango na lang ako.

Nakita kong diretso sa daan ang tingin ni David.

Napapa-isip tuloy ako kung bakit parang walang nakakakilala sa kaniya. O baka dahil wala pa namang nakakakita sa kaniya? Baka wala pang nakakapansin sa kaniya? Pero bakit hindi siya kilala no'ng mga nasa coffee shop kanina? Ibang-iba siya sa mga napanood kong crown prince. O baka iba lang talaga ang konsepto ng crown prince sa mundo na 'to?

Napa-iling na lang ako bago ibalik ang focus ko sa pagkain ng ice cream.

Baka lowkey crown prince lang siya. Kung may gano'n man.

***

Napa-urong ulit ako.

Hindi ko alam kung pang-ilang urong ko na 'to dahil may kaba sa dibdib ko, at the same time baka kasi matamaan ako ng mga buntot nila.

Ang laki ni gumiho, pero may mas malaki pa pala sa kaniya, at hindi siya nag-iisa.

Nasa isang gubat kami kung nasaan ang pamilya ni gumiho. Pinayagan niya akong sumama dahil kasama naman daw namin si David.

Ngayon confirm na confirm na talaga na hindi man sila nag-eexist sa mundo namin, at least nag-eexist pa rin sila kahit dito sa mundo na 'to. Kaya pala hindi mapatunayan ng mga scientist ang existence ng mga ganitong nilalang, kasi wala namang ganitong species sa mundo namin. What if meron 'di ba? Edi baka nagkagulo na sila gaya ng brain cells ko ngayon.

Hindi ko alam kung paano i-pprocess, pero somehow satisfied ako kasi napatunayan ko na meron akong na-discover na hindi pa na-didiscover ng kahit sino. Siguro theorized pa lang nila, pero at least ako, proven ko na. Sa sarili ko nga lang.

Nagulat ako nang biglang may tumama sa akin na kung ano. No'ng una akala ko may bolang tumama sa hita ko. Pero nang tingnan ko 'yung parte kung saan ako natamaan, bigla akong napangiti.

"Okay ka lang ba?" tanong ko bago ako umupo para maging magkasing tangkad kaming dalawa.

Hawak-hawak ng isang maliit na gumiho ang ulo niya na para bang nauntog. Siguro tumama siya sa hita ko kaya hawak niya ang ulo niya.

Napatingin siya sa akin. Nanlaki ang mga mata niya habang tinitingnan ako. "Sino ka po? Girlfriend ka ba ng kuya ko?" tanong nito sa akin kaya napangiti lalo ako. Hindi dahil sa tanong niya, kundi dahil sa tono ng pananalita niya. Sobrang cute!

Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na kurutin ang pisngi niya. Marahan lang 'yon at saglit dahil baka bigla niya akong kagatin. Kahit nagiging tao sila, fox pa rin sila. Malay ko kung may mood swings din sila.

"Wala pa akong boyfriend. Sinong may kailangan ng boyfriend?" sabi ko bago mahinhing tumawa.

"Ano pong pangalan mo?" tanong niya sa akin. Ginaya niya ako at umupo rin siya kaya mas lalo na akong nakatingin sa ibaba.

"Astra. Ikaw?" tanong ko bago marahang hawakan ang buhok niya. Kulay puti ito kaya nakakamangha. Tingin ko ito talaga ang natural na kulay ng buhok niya. Ngayon ko lang din napansin na kulay light blue ang mga mata niya. Ang sarap titigan nang matagal.

"Snow po," sabi niya kaya napangiti ulit ako.

"Dahil ba kulay snow ang buhok mo kaya Snow ang pangalan mo?" kunwari ay curious kong tanong.

"Hindi ko po alam. Baka po?" aniya. Hindi siya umaalis sa harapan ko kahit hinahawakan ko ang buhok niya. Tingin ko gusto niya na hinahawakan ko ang buhok niya kaya hanggang ngayon ay nananatili siyang naka-upo sa harapan ko. "Bakit po Astra ang pangalan mo?" bigla niyang tanong kaya sandali akong napahinto sa pagsusuklay sa buhok niya gamit ang mga daliri ko.

"Ang ibig sabihin ng Astra ay star. Bituin. Siguro alam ng mama ko na magiging mahilig ako sa pagtingin sa mga star kaya gano'n ang pinangalan niya sa akin," paliwanag ko. Tumango naman siya bago siya tumayo.

"Sige po ate Star, alis na po ako. Maglalaro muna kami ng iba ko pang kalaro," aniya bago tumakbo. Naging isa siyang fox na may tatlong buntot. Puting-puti ang balahibo nito at dahil maliit, sobrang cute pagmasdan nito habang tumatakbo papalayo.

Kung hindi lang more than one ang buntot nila, siguro inisip ko na lahat sila puro werewolf.

"Snow is Linn's younger sister," sabi ni David na nasa tabi ko habang tinitingnan din ang pamilya ni Linn. Lahat sila ngayon ay nag-transform na bilang tao. Lahat sila nakangiti at nag-uusap-usap. Siguro matagal na silang hindi nagkikita-kita at ngayon na lang ulit sila nagkaro'n ng panahon para makapagkwentuhan.

"Masungit ba talaga si gumiho?" bigla kong tanong kaya napatingin si David sa akin. Naalala ko na naman kasi 'yung sinabi niya sa akin kagabi. Hindi ko ma-gets kung paano ako magiging obstacle kay David, eh kung crown prince siya sa mundo na 'to, kahit anong pader p'wede niya iutos na gibain.

"Masungit?"

"Wala," sabi ko na lang.

"Nga pala, don't call him like that," sambit niya.

"Anong like that?" Napa-isip ako saglit. "Gumiho?"

"He's not a gumiho. Vulpes ang tawag sa lahi nila. They look like a gumiho dahil sa nine tails nila, pero they're more special than that. Tsaka may pangalan si Linn, so don't call him like that," sabi niya kaya naningkit ang mga mata ko.

"Nagseselos ka ba na may call name ako kay gumiho?" tanong ko sa kaniya kaya agad na nangunot ang noo niya.

"Selos?"

Natawa na lang ako sa facial expression niya. Hindi ko alam kung bakit masyadong apektado sa mga sinasabi ko 'tong lalaki na 'to. Siguro dahil ako siya? Kagaya ko ba siya na matagal mag-dwell on things? Impulsive, overthinker, master in anxiety, degree holder sa pagiging negative thinker?

Bigla kong naramdaman na humawak siya sa pupulsuhan ko. Late na nang bawiin ko ang braso ko dahil bigla na siyang tumakbo habang hinahatak ako.

Tila walang nakapansin na umalis kami dahil wala man lang tumawag sa amin para itanong kung saan kami pupunta. O kung may nakakita man, siguro hinayaan na lang nila kami.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni David, pero hinayaan ko na lang din ang sarili ko na magpahatak sa kaniya.

Maya-maya pa, bigla kaming napahinto sa harap ng isang falls.

Hindi ko alam kung paano i-eexplain. Pero sobrang ganda ng lugar na 'to.

Matataas ang mga puno kaya parang secluded ang lugar. May mga tumatama lang na rays ng araw kaya may liwanag na nag-rereflect mula sa tubig papunta sa iba't ibang bahagi ng lugar. 'Yung tunog din ng pagbagsak ng tubig mula sa falls, parang nakakawala ng pagod.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko kay David habang pinagmamasdan kong maigi ang lugar. May mga nagliliparan na alitaptap kaya mas lalong gumanda ang falls.

"To give Linn and his family some space," aniya kaya napatingin ako sa kaniya.

"At kailangan tumakbo para magbigay ng space?" tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot. Nilabas niya ang cellphone niya mula sa bulsa niya bago nag-picture.

Lumapit ako sa kaniya at tiningnan kung paano siya kumuha ng litrato. In fairness ha, p'wede na mag-photojournalist ang isang 'to. Magaling umangulo.

"I'm fond of falls, and any body of water," sabi niya kaya kumunot ang noo ko. "I used to be a swimmer when I was a kid, but I stopped," dagdag pa niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Bakit mo sinasabi sa akin?" tanong ko.

Lumingon siya sa akin. "You asked me last night right? Kung anong ginagawa ng counterpart mo sa ibang universe," sagot niya kaya sandali akong nag-loading hanggang sa maalala ko 'yung tanong ko sa kaniya kagabi.

"Noon ko pa gustong malaman kung ano kayang ginagawa ng isa pang ako kung talagang merong parallel universe. Ngayong kaharap ko na mismo ang ako sa mundo na 'to, I'm hoping to know the answer."

Napatango na lang ako hanggang sa bigla siyang maglakad. Sumunod ako sa kaniya. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya, pero paano kung bigla siyang tumakbo palayo at iwan ako rito? Gubat pa naman 'to, saan ako pupunta kapag naligaw ako?

"How about you? What do you do in the other side of the universe?" tanong niya sa akin bago siya yumuko. Tinanggal niya 'yung sapatos at medyas niya bago siya umupo. Nakababa 'yung parehong paa niya sa tubig habang marahang ginagalaw ang mga ito.

"Inuubos ang oras," maikli kong sagot bago ako umupo sa tabi niya. Hindi ko na tinangal ang tsinelas ko. Tiningnan ko na lang ang sarili kong repleksyon sa tubig. "Naniniwala ka ba ng lahat ng bagay may dahilan? Kung bakit kaharap natin ang isa't isa ngayon? O kung bakit ngayon lang natin nakita ang isa't isa?"

Nanatili siyang tahimik. Gusto ko sanang ulitin ang tanong dahil akala ko wala na siyang balak na sumagot sa sinabi ko. Pero bigla siyang nagsalita.

"Hindi ako naniniwala. Tayo lang ang gumagawa ng dahilan kung bakit nangyayari sa buhay natin ang mga nangyayari sa paligid natin. Hindi mo naman p'wedeng sabihin na may dahilan kung pangit ang buhay mo. Pangit ang buhay mo kasi 'yun ang para sa'yo. Kaya kung gusto mo ng magandang buhay, it's your duty to do that," aniya kaya napatingin ako sa kaniya. "Life may be unfair but it's not given, it's like love that has to be earned."

Napa-isip tuloy ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit sapul na sapul ako sa sinabi niya.

Palagi kong iniisip na may dahilan kung bakit maagang nawala ang mga magulang namin. Na may dahilan kaya may sakit ako. Palagi kong iniisip na kaya malas ako sa buhay, ay baka dahil swerte ako no'ng past life ko.

I'm always taking the consideration na ayos nang mabuhay akong malungkot basta masaya si Elmond. Palagi koang naiisip na baka ang dahilan kung bakit unti-unti kong nakakalimutan ang mga ala-ala ko, ay para tuluyan nang mapahinga ang isip ko.

Pero what if, kaya nawawala ang mga ala-ala ko, ay para ipaalam sa akin na panahon na para gumawa ako ng mga bagong memory?

Life is not given, it is earned.

"Ang matured mo naman masyado magsalita. Random thought lang 'yon," sabi ko. Nang iangat ako ang tingin ko kay David, nakita ko na nakatapat sa akin ang likod ng cellphone niya. Kasabay no'n ay ang tunog ng camera kaya daglian kong kinuha mula sa kaniya ang cellphone niya.

"Hey, give me back my phone!" sabi niya pero mabilis akong tumakbo.

"Sino nagsabi sa'yo na picturan ako?" saad ko habang hinahanap ang gallery ng cellphone niya kaya nakatingin ako sa screen at hindi sa daan.

Nabagsak ko 'yung cellphone na hawak ko nang bigla akong mabangga sa kung ano man. Napa-aray ako sa isip ko dahil bigla akong nawalan ng balanse at nahilo.

"Ayos ka lang ba miss?"

"A-ayos lang, sorry hindi ako nakatingin sa daan," sabi ko bago pulutin agad sa sahig 'yung cellphone.

"No, it's fine. Nagmamadali kasi ako kaya hindi rin ako nakatingin sa daan. Sure ka ayos ka lang?" tanong niya kaya tumango lang ako habang pinupunasan maigi 'yung screen ng cellphone. Yari ako nito kay David kung sakaling nabasag. Buti na lang walang kahit gasgas.

Napa-angat agad ang tingin ko nang bigla akong may mapansin.

May dalawang bagay ako na ikinagulat nang iangat ko ang tingin ko.

Una, wala na ako sa mundo ni David. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon, pero bigla na lang akong napunta sa lugar kung saan ko huling nakita si Elmond. Marami pa ring tao, at umaga na, hindi tulad no'ng nawala ako dahil gabi no'n.

Pangalawa, 'yung lalaking nakabungguan ko.

Ngayon naniniwala na talaga ako sa salitang deja vu. Kung hindi 'to deja vu, hindi ko na alam kung ano ito. 

"Riki," mahina kong sabi. Mukha namang hindi niya narinig 'yung sinabi ko dahil wala siyang reaksyon.

"If you're really fine, pardon me but I need to go now. Sorry ulit!" he said as he ran away from me. May hawak siyang libro at binabasa 'yon habang tumatakbo palayo. Para siyang estudyante na kagaya ko. Marahil may exam siya o quiz kaya siya nagmamadali habang nagbabasa.

It's him. I'm sure it's him.

Si Riki 'yon, pero mukhang siya ang version ni Riki sa universe na 'to.

Teka, paano ulit ako nakabalik dito?





End of Episode 5.

Continue Reading

You'll Also Like

530K 28.5K 78
(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterio...
295K 14.3K 60
Highest Achievement Rank #5 in Horror (2014) The only way to survive is kill someone before you get killed. Face challenges, death, tortures, one sto...
21.2M 787K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
Churchless Town By Gward

Mystery / Thriller

45K 2.4K 41
A dead woman in a mysterious town... An article soon to be unfolded. #Wattys2019 winner