Fragments of the Universe

By abdiel_25

1.9K 168 61

Stand-alone Story | She met her variant, and apparently he's a he. *** A novel. After losing their parents at... More

Disclaimer
Prologue : The last chapter rewind
Episode 2 : The Nine-tailed and the Counterpart
Episode 3 : Put two and two together
Episode 4 : Know something backwards and forwards
Episode 5 : Life is not given, it is earned
Episode 6 : Unforeseen turn of events
Episode 7 : The Prince and the Fox who crossed the multiverse
Episode 8 : The clock is ticking doom
Episode 9 : The pattern of the universe
Episode 10 : The wanderer took a week off
Episode 11 : Down on one's luck
Episode 12 : The lonely and great god of time
Episode 13 : Golden rule of the universe
Episode 14 : Arrival of the god of war's son
Episode 15 : You tell the Luna
Episode 16 : Metaphor of a monarch butterfly
Epilogue : He who found her twice
Author's note

Episode 1 : She who lost twice

148 12 7
By abdiel_25


Episode 1 : She who lost twice

Astra






No'ng bata pa ako madalas na kinukwento sa akin ng mga magulang namin kung ilang beses nila akong dinala sa albularyo dahil daw sa mga naging sakit ko dati. Paulit-ulit nilang sinasabi sa akin na mahina ang resistensya ko, pero ilang beses nila akong dinala sa albularyo para alamin kung may lamang-lupa ba akong naka-away o kung may kapre ba na nagka-interes sa akin.

Natawa ako no'ng sinabi sa akin ni papa na ilang beses nakipag-away si mama sa mga albularyo nang sabihin nila na may diwata raw na nagkagusto sa akin at hindi ako hahayaang gumaling kung hindi nila ako isusuko.

In the end pinagamot nila ako sa ospital dahil ayaw maniwala ni mama sa sinabi ng albularyo. Nakakatawa lang isipin na in the first place wala namang tiwala sila mama sa mga albularyo pero doon pa rin nila ako dinala. Ang excuse nila, malayo pa raw kasi sa bahay namin ang mismong ospital at mahal ang pamasahe papunta sa sentro ng bayan kung nasaan ang pagamutan kaya wala silang nagawa kundi ipatingin muna ako sa albularyo.

Naaalala ko pa na si papa ang pinagalitan ni mama noong nilagnat ako. Ang sabi ni mama baka raw nausog niya ako kaya nilawayan ako ni papa noon. Pero noong hindi pa rin gumaling, dinala ako sa albularyo. At dahil nga naka-away ni mama ang lahat ng albularyo sa amin, hindi na kami tinanggap ng mga albularyo kaya napilitan kaming magpunta sa bayan.

Bata pa noon si Elrond, samantalang anim na taong gulang ako nang una kaming makapasok sa ospital.

Naalala ko pa noon na ilang linggo akong nanatili sa ospital dahil sa lagnat ko. Ang sabi ng mga doctor baka raw may nakain akong masama kaya kinailangan nila akong pasadahan ng ilang tests hanggang sa tuluyan akong gumaling.

Sa tagal ng pamamalagi ko sa ospital, ilang beses na akong nakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng mga magulang ko o ng mga nurse. Hindi ako natatakot noon dahil akala ko espesyal ako. Mayroong time na nakipaglaro ako sa isang batang lalaki kaya naligaw ako sa ibang ward. Galit na galit si papa no'n sa mga nurse dahil hindi raw ako napansin na umalis ng kwarto ko.

Si mama naman tinanong kung bakit at paano ako napunta sa ibang ward.

"Kalaro ko po si Dorry," sagot ko noon.

Tinanong nila ako kung sino si Dorry, pero ang pagkaka-alala ko noon, nasa likuran ko lang siya. Hindi alam nila mama at papa na may iba pa akong nakalaro na mga hindi tao sa ospital. Matapos ang ilang araw, tuluyan na akong na-discharge at hindi ko na tuluyan pang nakita 'yung mga nakilala kong hindi tao sa ospital.

Simula no'n dinala ko na hanggang sa pagtanda ang mga imaheng naaalala ko sa isip ko. Nakakapagtaka na kahit may sakit ako sa memorya, naaalala ko pa rin ang mga pangyayari na 'yon.

Siguro dahil sa yugto na 'yon ng buhay ko, buhay pa ang mga magulang namin. Kung may hindi man ako dapat makalimutan, 'yon ay ang itsura ng mga magulang ko, ang mga ala-ala na iniwan nila sa amin.

Muli kong inuntog ang ulo ko sa lamesa ng canteen nang maalala ko ang nangyari kagabi.

Ilang beses ko pang inuntog ang ulo ko hanggang sa ilagay ni Elle ang kamay niya sa lamesa, dahilan para hindi mauntog ang noo ko.

"Hoy, balak mo ba biyakin 'yang ulo mo? Sabihin mo lang sa akin, may nakita akong pala sa liko ng school, ako na gagawa. Nagpapakahirap ka pa," aniya.

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya kaya nagkatitigan kami.

"Oh, anong nangyari sa'yo? Bakit maga 'yang mga mata mo?" tanong niya sa akin kaya binaba agad niya ang binabasa niyang libro. "May nang-bully na naman ba sa'yo? nanaginip ka ba ng masama kagabi?"

"Sana nga masamang panaginip lang 'yon," wala sa sarili kong sagot bago ko muling iuntog ng ilang beses ang noo ko sa lamesa. Gaya ng ginawa ni Elle kanina, sinapo ulit niya ang noo ko.

Hinarap niya ang mukha ko sa kaniya kaya nagkatitigan na naman ulit kami.

"Sabihin mo nga, may pinanood ka na naman bang bagong kdrama? Hindi ka na naman ba maka-move on? Si Lee Jung Sook na naman ba 'yan?" sunud-sunod niyang tanong sa akin. Hinawi ko 'yung kamay niya na nasa noo ko.

"Elle, nawala ko 'yung kwintas ni mama," diretso kong saad kaya nanlaki ang mata niya.

"Ha? Saan mo nabitawan---ay hindi, tinanggal mo ba? Naaalala mo ba kung saan mo huling nilapag? Hanapin natin tara!" aniya bago mabilis na tumayo. Nilagay na agad niya sa bag niya 'yung libro niya. Alam niya kung gaano ko iniingatan 'yung kwintas na bigay sa akin ni mama. Ang kaisa-isang ala-ala ko sa mga magulang ko.

"Hindi ko alam kung nakalimutan ko lang ba kung saan ko tinabi, o baka dahil totoo 'yung nangyari sa akin kagabi at hindi ako nananaginip," mahina kong saad pero narinig pa rin 'yon ni Elle.

Muli siyang umupo sa tabi ko.

"Nangyari kagabi? May nangyari sa'yo kagabi?" curious niyang tanong.

Ilang beses akong pumikit at huminga nang malalim bago tumayo. "Hayaan mo na nga. Baka nanaginip lang nga ako kagabi at nakalimutan ko lang kung saan ko tinabi 'yung kwintas ko," sabi ko bago nagsimulang maglakad palabas ng canteen. Nakasunod naman sa akin si Elle.

"Na-hold up ka ba kagabi?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Hold up?"

Tumango siya. "Oo? Hindi mo naman hinuhubad 'yung kwintas mo kaya imposibleng na-misplace mo lang. Makakalimutin ka lang pero hindi ka naman tanga," aniya kaya napabuga na lang ako ng hangin.

"Hindi ko alam," walang gana kong saad. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako dahil nawawala 'yung kwintas ni mama, o matatawa dahil hindi ko alam kung saan hahanapin 'yung kwintas.

Nanatili akong tahimik hanggang sa makapunta na kami ni Elle sa building ko. Dahil sa lalim ng iniisip ko, hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa building ng strand ko.

"Astra, ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin. "For sure mahahanap natin 'yang kwintas mo. Tutulungan kitang maghanap sa kwintas mo. Pagtapos ng last subject, diretso tayo sa inyo tapos hanapin natin. Baka nalapag mo lang sa kung saan. Huwag kang mag-isip masyado," sabi iya.

Ngumiti na lamang ako ng pilit at tumango. "Okay," tangi kong saad bago ako dumiretso sa classroom ko.

Magkaiba kami ng kinuhang strand ni Elle. STEM kasi siya at HUMSS ako. Although matagal na kaming magkaibigan, marami pa rin talagang magkaiba sa aming dalawa. Kung hindi lang siguro mahina ang memorya ko, baka nag-STEM din ako. Kaso sa dami ng formula na kailangang aralin sa strand na 'yon, mas mabuti pang mamatay na lang ako sa paggawa ng essays sa strand na 'to.

Pagka-upo ko sa upuan ko, napatingin agad ako sa labas ng bintana.

"Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa bahay namin?"

"Anong iyo? Sa mama ko 'to!"

Nangyari ba talaga 'yon?

Kung nangyari man talaga 'yon, may chance pa bang maibalik sa akin 'yung kwintas? Kung may chance man, saan ko naman hahanapin 'yung lalaki na 'yon?

Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Parang ngayon na lang ulit ako nagkaro'n ng ganitong problema.

***

"Astra sure ka ba?" nag-aalalang tanong ni Elle sa akin habang nag-aayos ako ng gamit ko. Nandito siya sa building namin. Kakatapos lang pareho ng last class namin pero nandito na agad siya para sabay kaming umuwi at para tulungan niya akong maghanap sa kwintas ni mama.

"Mmm," tangi kong sagot kasabay ng isang tipid na tango bago ko isukbit sa balikat ko ang bag ko. "May kailangan pa kasi akong puntahan kaya mauna ka na umuwi," sabi ko.

"Sigurado ka talaga na hindi mo na hahanapin 'yung kwintas ng mama mo?" tanong niya sa akin kaya dumiretso ako ng tingin sa kaniya.

"Hindi ko naman sinabi na hindi ko na hahanapin. Ang sabi ko lang huwag mo na akong tulungan sa paghahanap. Baka maalala ko rin naman kung saan ko 'yon nilagay kapag nasa bahay na ako" sinungaling. Kapag nakalimutan ko na ang isang bagay, hindi ko na maaalala 'yon kung walang magsasabi sa akin tungkol do'n.

"Hindi ka na talaga sasabay sa akin pauwi?"

Umiling ako.

"Saan ka ba kasi pupunta?" tanong niya sa akin habang naglalakad na kami sa corridor.

"Kahit saan."

"Kahit saan?" pataas ang tono niya na tila hindi makapaniwala sa sagot ko. "Astra, paano kung maligaw ka ulit? What if makalimutan mo ulit 'yung daan pauwi? Astra---"

Napahinto ako sa paglalakad. "Mas lalo mo lang akong binigyan ng dahilan na umalis mag-isa," sabi ko bago mabilis na tumakbo palayo. Narinig kong tinawag pa niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon.

Pinigil ko ang pagbagsak ng luha ko.

Nang makalabas ako ng gate ng paaralan, agad akong nagpunta sa terminal ng bus. Ilang minuto lang nakasakay na agad ako. Umupo ako sa tabi ng bintana para habang tumatakbo ang isip ko, marami akong nakikita. Baka mabaliw lang ako kung hindi ko lilibangin kahit papano ang sarili ko.

Ilang minuto ang lumipas, nakababa na rin ako sa bus. Pagbaba ko naglakad ako ng ilang metro, hanggang sa tuluyan na akong makapasok sa loob ng sementeryo kung saan nakalibing ang mga magulang namin.

Kaunti lang ang tao. Dumadami lang naman talaga ang mga tao rito tuwing undas.

Sa bukana ng sementeryo may nagbebenta ng kandila at bulaklak kaya bumili na rin ako. Ayoko namang bumisita ng biglaan tapos walang dala na kahit anopara kila mama.  Bumili na rin ako ng posporo panindi ng kandila.

Nasa bandang dulo ng sementeryo ang pwesto kung saan nakalibing ang mga magulang ko kaya kinailangan ko pang maglakad ng ilang minuto bago tuluyang makarating sa nitso nila. Medyo maputik ang daan kahit hindi naman umulan ngayong araw. Siguro ganito na talaga kagulo at kadumi sa lugar na 'to. Gustuhin ko mang ilipat ang mga magulang ko sa private na sementeryo, wala naman kaming budget para ro'n.

"Hi ma, hi pa," bati ko. Pinunasan ko gamit ang palad ko ang parehong lapida nila. Tinanggal ko na rin 'yung bulaklak na halatang matagal na nandito dahil nangingitim na ito. "Kumusta naman kayo diyan? Sana ayos lang kayo kasi kami ni Elmond ayos lang. Gano'n pa rin si Elmond, gala pa rin. For sure sa mga oras na 'to nando'n na naman 'yon sa girlfriend niya," natatawa kong saad. Sinindihan ko na ang kandila at nilagyan sila ng tig-isang kandila sa tapat ng nitso nila pareho. Pagkatapos naglapag din ako ng tig-isang piraso ng white rose sa harap nila.

"Bakit ba nandito kasi sa taas ang nitso niyo mama? Hindi tuloy ako maka-upo. Nakakangalay pero ayos lang. Marami akong baon na k'wento ngayon," ani ko. "Si Tita Tessa? Ayon single pa rin. Last week tinanong ko siya kung kailan siya magpapakasal. Hinagis ba naman sa akin 'yung plastic na baso? Buti na lang hindi ako natamaan. Sabi niya wala raw siyang oras para sa romansa. Hay nako ma, pa, nagrarason lang 'yon si tita. Hindi pa rin siguro nakaka-move on sa ex niya 'yon."

"Wala namang masyadong bago na nangyayari sa buhay ko ngayon, ma, pa. Mahilig pa rin naman akong makinig sa music, mahilig pa rin naman akong manood ng kung anu-anong palabas at interesting na videos. Mahilig pa rin akong kumain, maglinis ng bahay, mag-aral. Kahit anong bagay basta mauubos ang oras ko sa isang araw," nakangiti kong saad.

Nanatili akong tahimik habang marahan na pinupunasan ang lapida nila.

"Ma, pa, bakit hindi niyo na lang ako sinama?"

Biglang kumulog nang bigla kong itanong ang mga katagang 'yon. Mukhang nagalit mula sa langit ang mg magulang ko, pero wala akong pakialam. Ilang taon ko na kinikimkim ang mga salitang 'yon, at ngayon lang ako nagkaro'n ng lakas na sabihin 'yon sa harapan nila.

"Ma, nawala ko 'yung kaisa-isang bagay na nagpapa-alala sa akin na isang beses man lang sa buhay namin ay nagkaro'n kami ng nanay at tatay," saad ko habang may mapait na ngiti sa mga labi ko. Hindi ko alam kung paano umiyak. Simula nang mawala sila, tila nakalimutan ko na kung paano indain ang bawat sugat na natatamo ko---kahit pa sugat mula sa pagkawala nila.

Unti-unting pumatak ang ulan, hanggang sa tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. Ano naman kung mabasa ako ng ulan, hindi ko naman ikamamatay. Kung ikamatay ko man, edi ayos. Nandito na rin lang naman ako sa sementeryo, diretso na agad sa nitso.

Kumulog ulit nang malakas, may kasama pa itong kidlat kaya nagulat ako kahit papaano.

Siguro naririnig ng mga magulang ko ang iniisip ko ngayon kaya kapwa sila galit.

"Ma, one dot nga kung dapat ko pang hanapin 'yung kwintas mo?" sabi ko dahilan para matawa ako mag-isa. Wala namang mga tao sa kinalulugaran ko kaya ayos lang na tumawa ako rito mag-isa. Walang mag-iisip na nababaliw na ako o maluwag na ang turnilyo.

Nag-stay pa ako ng mga ilang minuto sa puntod ng mga magulang ko bago ako maglakad papunta sa bus terminal. Habang naglalakad, napansin ko na marami pa ring tao sa labas ng sementeryo. Siguro dahil palengke ang nasa highway papunta sa sementeryo kaya maraming tao.

Nang makarating ako sa terminal ng bus, wala naman masyadong pila pero dahil wala pa ang bus na sasakyan ko, may mga pasahero na na naghihintay tulad ko.

Umupo ako sa isang bench para ipahinga kahit saglit ang binti ko. Binuksan ko 'yung cellphone ko at in-on ang data. Sinearch ko ang location ko, pagkatapos inalam kung tama ba ang bus terminal at bus na sasakyan ko pauwi sa amin. Alam kong tanda ko pa ang dapat sakyan ko pauwi, pero baka maligaw ulit ako kaya maigi na ang manigurado.

Ayokong maulit ang nangyari noon. Nakalimutan ko na ang nangyari dati pero dahil sa sinabi ni Elle kanina, naalala ko na naman ang mga tingin nila sa akin no'ng makita nila ako no'ng araw na maligaw ako. Naiinis ako sa tuwing maaalala ko 'yung tingin nila sa akin.  I don't want to feel like I'm a burden even if I'm already a burden.

Nagbukas ako ng social media accounts ko para panandaliang mapunta sa iba ang utak ko. Habang nagtitingin-tingin, napadaan sa timeline ko 'yung isang headline kaya napabasa ako ng buong article.

November 19th Lunar Eclipse.

Habang nagbabasa ng article, biglang may nagsalita sa tabi ko kaya napalingon ako sa kaniya.

"Nagbukas ulit ang daan," sabi niya.

Akala ko hindi ako ang kausap niya kaya bumalik ako sa pagbabasa. Nagkaro'n pala ng eclipse kagabi, hindi ko man lang nakita kung kailan nasa bubong pa naman ako.

"Hija, paano ka nakabalik matapos mong pumasok sa pintuan?"

Muli akong napalingon sa katabi kong matandang babae. Ngayon alam ko na ako ang kausap niya dahil dilat na dilat ang mata niya habang nakatingin sa akin. Aaminin ko na nakakatakot ang titig niya, pero imbis na ipahalatang kinikilabutan ako, nginitian ko siya.

"Isang beses kada taon, nagbubukas ang pintuan patungo sa kabilang dimensyon. Nakapasok ka na ro'n, at kakaiba ang katulad mo," sabi niya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya napatanong na rin ako. "Ano pong sinasabi mong pintuan?"

"Ang pintuan papunta sa kabila," sabi niya.

Tumango na lamang ako at muling nag-scroll sa social media ko. Hindi ko inintindi ang sinasabi ng matanda. Mukha namang hindi siya nakapila sa bus terminal, parang naki-upo lang siya sa bench para mamahinga kaya inabuti kong hintayin na lamang siyang maka-alis. Hindi ako kumportable na katabi siya, at hindi ko alam kung bakit.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pagtayo niya.

Tuluyan na sana akong makakahinga nang malalim pero bigla pa siyang nagsalita bago tuluyang maglakad palayo.

"Naiintindihan ko na. May bagay kang iniwan sa kabila kaya ka nakabalik sa mundong ito. Ibig sabihin, hindi iyon ang huling beses mo na makakatawid. Hija, hanapin mo ang kwintas mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pero nang iangat ko ang paningin ko, wala na siya sa paligid. Hindi ko alam kung paano siya nawala agad sa lugar kaya mas lalo akong kinilabutan.

Paano niya nalaman 'yung tungkol sa kwintas? Anong sinasabi niya tungkol sa pintuan?

Biglang dumating 'yung bus na sasakyan ko kaya saglit na nawala sa isip ko 'yung matandang babae. Sinuot ko na lang 'yung earphones ko at nagpatugtog buong byahe. Gayunpaman hindi agad nawala sa isip ko 'yung mga sinabi ng matandang babae.

"Hija, paano ka nakabalik matapos mong pumasok sa pintuan?"

I shook my head before closing my eyes.

Totoo man o hindi ang mga sinabi niya, ano namang mababago sa buhay ko. Hindi naman maibabalik ng mga salita niya ang kwintas na nawala ko.

***

"Nakauwi na ako," sabi ko.

"My goodness ka Astra! Buti naman at naisipan mo akong i-update sa ganap ng buhay mo," sabi ni Elle sa kabilang linya.

"Bye na. At least alam mo na nakauwi ako. Sinasaniban ka pa naman kapag hindi mo alam kung anong nangyari sa akin."

"Ikaw lang ang makakapagpalayas sa demonyong sasanib sa akin. Thank you for updating me. Nakahinga na ako nang maluwag." Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. "Saan ka pala nagpunta?"

"Sige, see you rin bukas!" mabilis kong sagot bago ko patayin ang tawag.

Katapos ko lang maligo. Pagdating ko sa bahay tulo-tulo sa sala ang basa kong damit kaya pinagalitan ako ni tita Tessa.

May kumatok sa pintuan ko kaya agd ko 'yong binuksan. Bumungad naman sa akin ang mukha ng kapatid ko, si Elmond.

Napatingin tuloy ako sa orasan ko na nasa study table ko bago ko ibalik ang tingin ko sa kaniya. "Himala, ang aga mo yatang umuwi?" sabi ko.

"As if I wanted to. Saan ka galing?" tanong niya.

"Ha? Sa school."

"Liar. Elle called me and told me to find you. I guess you changed your number 'cause I can't call you," aniya. "Kaka-text lang niya sa akin na nasa bahay ka na raw dahil tinawagan mo siya.  Sakto naman na kakauwi ko lang."

Tumango-tango ako. Sinadya ko talagang palitan ang number ko para hindi ako matawagan ng kahit sino. If in case emergency man, mas gusto kong ako ang tumawag sa kanila. "Ah, gano'n ba?" tangi kong sagot.

"Ate, saan ka ba nagpunta? Can't you even tell us where you'll go? Pinag-aalala mo kami," sabi niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang manahimik.

"Lalabas lang ako saglit," sabi ko para takasan ang awkward silence sa pagitan naming dalawa.

"Saan? May bibilhin ka? Ako na lang bibili. May nakalimutan ka ba sa school? Bukas mo na lang balikan, may classes naman tomorrow. Just stay here in the house and---"

"And get suffocated?" bigla kong saad. "Elmond, you know how much I hate being suffocated."

"Then let's go together. I know it may sound OA but I don't want to lose you too," sabi ni Elmond kaya pabiro ko siyang sinuntok sa tiyan.

"OA nga," natatawa kong saad bago kaming dalawa lumabas.

Actually gusto ko lang talaga lumabas para magpahangin. Kakatapos lang kasi ng ulan at gabi na rin kaya malamig-lamig ang simoy ng hangin.

"Kumusta school?" tanong ko habang naglalakad-lakad kami.

"Still the same."

"Ang love life?"

"Still the same."

"Ang mental health?"

"Still the same."

"Ang boring naman ng buhay mo," sabi ko.

"Coming from you, huh?" saad niya kaya mahina akong natawa.

"Gusto ko ng ice cream."

"Bili ka."

"Libre mo?"

"Sure, basta hindi min chocolate." Tiningnan ko siya nang masama kaya natawa siya. "Okay, okay. Let's go get some toothpaste."

"Elmond!" sigaw ko kaya kumaripas siya ng takbo.

Hinabol ko siya.

Pero sa loob ng isang segundo, parang may malakas na hangin na sumalubong sa akin. Hindi malamig, hindi mainit o ano---basta parang may kung anong enerhiya na humatak sa akin kaya sa muling paghakbang ko, namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa hindi pamilyar na lugar. Gabi pa rin, pero mas maliwanag. Ang daming LED TV at ubod ng liwanag na ilaw sa bawat paligid.

Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Elmond, pero hindi ko na siya makita. Nagsimula na ulit akong humakbang habang pinagmamasdan ang paligid ko.

Guess who's lost again.





End of Episode 1.

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 173K 54
White Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang...
15.5K 2.9K 185
Sometimes When I'm Lonely I Pretend I'm A Carrot is a little book about carrots, loneliness, religion, political stance, love, and affirmations.
172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
295K 14.3K 60
Highest Achievement Rank #5 in Horror (2014) The only way to survive is kill someone before you get killed. Face challenges, death, tortures, one sto...