Secret lovers

By Markshin

1.4M 22.5K 2.1K

Zia Hernandez knows how to handle her perfect life. She's an A-list. A good daughter, A very good student, A... More

Secret lover
Chapter 1: Partner in crime
Chapter 2: Sweet morning
Chapter 3: The beginning
Chapter 4: A few inches away from you
Chapter 5: Let's get study
Kindly read!!!!!
Chapter 6: Let's dance
Chapter 7: CLOSE
Chapter 8: You are not good for me
Chapter 9: Let's forget each other
Chapter 10: I HATE HIM
Chapter 11: So close
Chapter 12: Alam nya ba
Chapter 13: Zia VS Trixie
Chapter 14: She knows
Chapter 15: Big news
Chapter 16: Breaking the rules
Chapter 17: Tao sila hindi bagay.
Chapter 18: Separate ways
Chapter 19: I don't care about her
Chapter 20: We can't be
Chapter 21: The engagement
Chapter 22: Everything's gonna be alright
Chapter 23: Official Lovers (Ikalawang yugto)
Chapter 24: Living together
Chapter 25: Dalawa tayo
Chapter 26: Two weeks relationship
Chapter 27: Tampuhan
Chapter 28: Masaya kana?
Chapter 29: Wag mo akong iwan
Chapter 30 : Pagod na.
Chapter 31: Updated.
Chapter 31: Isip at puso
Chapter 32: Si Imelda
Chpater 33: Alipin at master
Chapter 34: The compromise
Chapter 35: Daddy
Chapter 36: Thank you
Chapter 37: Seloso
Chapter 38: My Yuan
Chapter 39: Separated Lovers (Ikatlong Yugto)
Chapter 40: Moving on
Chapter 41: I love you so
Chapter 42: Zia
Chapter 43: It's just a dream
Chapter 44: Mahabang panaginip
Chapter 45: Para kaming hangin sa isa't isa
Chapter 47: My weakness
Chapter 48 : Marry your daughter
Chapter 50: Last goodbye
Epilogue

Chapter 46: Because he loves me so much

17.3K 371 46
By Markshin

 Zia

“Galit pa rin sya sa akin.” Nag katinginan si Meg at Lara. Sunday ngayon at pare-pareho kaming walang ginagawa. Kanina habang nasa service kami sa church ay nag kayayaan na mag sleep over at movie marathon kaya kami ngayon nandito. Kumuha ako ng popcorn sa bowl na hawak ni Lara saka muling nag buntong hininga.

“Z, bakit ba sya nagalit sa’yo?” Tanong ni Meg

“Oo nga saka buong linggo ka nyang hindi pinansin sa school” Wika ni Lara saka kumain ng popcorn. “Ganun ba talaga kaseryoso ang galit nya sa’yo?”

Tinakpan ko ang mukha ng kamay at umungol. “Yun na nga eh, hindi ko alam kung bakit galit s’ya sa akin, basta pag balik namin galing kela Yohan I mean Alfred pala hindi na nya ako kinakausap at pinapansin. Nahihirapan na ako.”

Sa loob ng isang linggo ay hindi kami nag papansinan ni Yuan o mas tamang sabihin na hindi nya ako pinapansin. Kapag nag kikita kami or nag kakasalubong sa daan ay para akong hangin na dinadaanan nya lang, sa classroom naman ay kakausapin nya lang ako kapag tungkol sa lecture or group partner ang gagawin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil nahihirapan na ako, miss na miss ko na sya pero galit sya sa akin at hindi ko alam kung bakit.

“Z, sa tingin ko, may malalim na rason kung bakit sya galit, baka naman galit sya kasi nag boyfriend ka ng iba habang wala sya.”  Tinggal ko ang kamay sa mukha at napatingin kay Meg. May point ang sinabi nya.

“Anong gagawin ko ngayon para mawala ang galit nya?” Tanong ko pa na parang wala na talaga akong pag-asa.

Tumawa si Lara. “Ayos huh, ikaw pa talaga ang susuyo sa kanya.”

“Well, I understand Yuan,” Singit ni Meg. “Ikaw ba naman ang kalimutan nag taong mahal mo at ipag palit sa iba, hindi kaba magagalit?”

Niyakap ko ang unan sa kandungan ko at pumikit. Mukha ni Yuan ang nakita ko kaya nag mulat ako at humarap sa dalawang kaibigan ko. “Girls, Tulungan nyo akong manligaw.”

“Huh?!” Dueto nila.

Binaba ni Lara ang kawak na bowl at sinampal ako ng mahina sa pisngi. “Z, nasasapian ka ba?”

Hinampas ko sya sa braso. “Seryoso ako, mukha ba akong nag jo-joke?”

Si Meg naman ang tumawa ngayon. “Sige, tutulungan ka namin.”

“Meg! Talagang kinukunsinte mo pa ang kahibangan nito isang ‘to!” Turo sa akin ni Lara. Sumimangot ako sa kanya at inalis ang kamay nya sa tapat ng mukha. Tumabi ako Meg at yumakap sa kanya.

“Laraaaa umiral na naman ang taas ng pride mo, saka may kasalanan sya kay Yuan kaya dapat talaga syang gumawa ng paraan para mag kaayos sila.” Balik ni Meg

“Oo nga pero grabe naman na man liligaw sya, yung totoo?”

“Hindi ka pa kasi naiinlove kaya mo nasasabi yan eh.”

“At ikaw nainlove na?”

“Hindi pa, kaya nga dapat tulungan natin si Z kasi kapag tayo naman ang na inlove siguradong tutulungan nya tayo,” Bumaling si Meg sa akin. “Diba Z?”

Tumango ako ng sunod-sunod. “Thanks Meg!” Ngumiti lang sya sa akin habang nakasimangot naman si Lara at hindi pabor sa gusto kong mangyari. “So anong gagawin natin?” Tanong ko.

“What on earth is happening here!”

Napatingin kami ng bumukas ang pinto ng condo ni Meg. Nanlaki ang mga mata namin at tumayo para yakapin ang bagong dating. “Mimi!”

“Wazzup Niggas.” Sinabunutan ni Lara si Mimi. “Aray naman! hayop ka, napaka bigat talaga ng kamay mo!” Biglang nawala ang pose ni Mimi, natawa naman kami ni Meg.

“Where have you been?” Tanong ni Lara. “Four months kang hindi nag paramdam, gaga ka! Tapos itong si Z naman nasasapian na ata ng liberated mong pag uugali at nag babalak na ligawan si Yuan!”

“Ay talaga? Anyare ba?” Tanong ni Mimi sa akin.

Muli kaming bumalik sa carpeted na sahig sa sala ni Meg saka ko sinabi lahat sa kanya habang nakikinig naman si Meg at Lara. Tumango-tango pa sya na parang may mabigat na iniisip.

“So what can you say?” Tanong ko.

“Hmmm, nagugutom ako penge food!”

Napangiti si Meg at nahampas naman ni Lara ng unan si Mimi na nag takip ng mukha. ” Pwede ba! Pabayaan nyo muna akong kumain at saka ako mag iisip ng plano sa tukmol na Yuan na yun dahil may kasalanan din sa akin yun gagong yun!”

“Wow, lutong mo mang mura ngayon, apat na buwan ka lang nawala, isa ka nang malupit na trash talker.” Asat ni Meg.

“Pwede ba! Hindi ako trash no, isa akong super star!”

“So ano ngang gagawin kong panliligaw kay Yuan?”

Tumingin sila sa akin. “Seduce him.” Simpleng sagot ni Mimi. Nabulunan si Lara at tumawa naman ng malakas si Meg.

“Huh? Paano? Ni ayaw nya nga akong tingnan eh kaya paano ko gagawin yun?” Reklamo ko sa kanya. “Saka hindi kami nag kakaroon ng private moments ngayon dahil nga ayaw nya akong makita.” Madaling akitin si Yuan, pakitaan ko lang yun ng legs dati tumutulo na ang laway nun na parang aso at sumusunod na sa lahat ng gusto ko pero, iba na ngayon dahil galit sya sa akin.

Kumuha ng popcorn si Mimi at kumain saka sumandal kay Meg. “Akong bahala, madali lang yan problema mo. Walang challenge. Jusko day!”

“Anong plano mo?” Tanong ni Meg.

Pinalapit kami ni Mimi saka kami nag form ng bilog.

Nag lalakad ako sa corridor ng building namin habang hawak ko ang isang box ng cookies na ginawa ko, nag patulong ako kay Mama kung paano mag bake para ibigay kay Yuan, naalala ko kasi na mahilig sya sa sweets kaya kapag binigyan ko sya nito, baka sakali pansinin  na nya ako.

“Good morning Zia!”

“Good morning din.”

Panay ang bati sa akin ng mga school mates ko na nakakasalubong ko. Pag pasok ko ng classroom ay nakita ko si Yuan at mga kaibigan nya na nag tatawanan sa likod. Saglit akong tumingin sa kanya at ng makita nya ako ay nawala ang ngiti sa mga labi nya, bahagya din naging seryoso ang aura nya.

Galit na naman sya…nag paganda pa naman ako ng bongga para naman kahit paano ay maakit sya pero parang walang epekto dahil hindi nya ako tinitingnan.

“Good morning Zia!” Bati ni Rico.

Ngumiti ako. “Good morning Rico.”

“Ganda mo naman ngayon, fresh na fresh.”  Nakita ko ang masamang tingin ni Yuan sa kaibigan nya. Napangiti ako dahil may epekto parin naman pala ang pang aasar ni Rico sa kanya.

Nilagay ko ang konting buhok ko sa gilid ng tenga ko. “Thanks, buti kapa napansin mo.”

“Hey! I notice it.” Singiti ni Mico.

“Ako din napansin ko,:” Dagdag ni Atom.

Napatingin kami kay Yuan ng hampasin nya ng malakas ang desk ng upuan nya. Hindi sya nag salita at kinuha nalang ang cellphone nya sa bulsa at kinalikot yun. Huminga ako ng malalim, ibinaba ko saglit ang bag ko sa chair ko bago lumapit sa kanila. Tumigil si Yuan pag kalikot ng touch screen phone at tumingala sa akin.

“For you.” Inilahad ko sa kanya ang hawak kong box ng cookies. “You love sweets right?”

“I’m not hungry.” Tipid nyang sagot saka muling ibinalik ang atensyon sa phone na hawak. Nakatingin lang ang tatlong itlog sa amin.napakagat labi naman ako. Buti nalang at wala pang masyadong tao sa classroom dahil halos maiyak na ako sa trato ni Yuan sa akin. Ang sungit-sungit nya talaga sa akin.

“Kahit tikman mo lang?”

Muli syang tumingin ng masama sa akin. “Hindi ka ba nakakaintindi na hindi AKO GUTOM?” Umiling sya. “Itapon mo nalang sa basurahan yan dahil alam kong hindi yan masarap dahil hindi ka naman marunong mag luto.” Umiwas ako ng tingin para hindi nila makita ang luha na tumulo sa mata ko.

“Yuan!”

“Bakit Rico? Ipag tatanggol mo na naman?” Tumayo si Yuan at hinaklat sa kwelyo si Rico. Napuno ng tensyo ang paligid. “May gusto kaba sa kanya? Ano! Naging kayo din ba habang wala ako?” Sigaw ni Yuan.

Pinahid ko ang luha sa mata ko. Dati ay wala akong pakialam sa iisipin ng ibang tao kapag may nag sasabi kung may relasyon kami ni Rico pero masakit pala kapag sa bibig ni Yuan mismo ng galing, para akong sinasaksak sa puso.

“Hey! That’s enough!” Awat ni Mico saka gumitna para alisin ang kamay ni Yuan sa kwelyo ni Rico.

Umiling lang si Rico saka tumingin sa mapulang mata ko. Nagulat pa ako ng lumapit sya sa akin saka pinunasan ang luha sa mata ko bago muling hinarap si Yuan. “Anong gagawin mo kung sabihin kong naging kami nga?” Hamon ni Rico.

“Rico!” Saway ni Atom. Umiling lang si Mico. Bigla akong napatingin kay Rico sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit nya yun sinabi pero mas lalo lang makakagulo ang ginawa nya.

Inilang hakbang ni Yuan si Rico saka sinuntok sa mukha. Napatili ako at nabitawan ang hawak ko para awatin sila. Tinadyakan ni Rico sa tyan si Yuan at tumayo para gumanti ng suntok.

“Ginalit pa kasi.” Wika ni Atom. “Tama na nga yan!”

Inawat ni Atom at Mico ang dalawang nag susuntukan. Hinawakan nila sa mag kabilang braso si Yuan dahil ito ang mas nag wawala, lumapit naman ako kay Rico at pinigilan sya sa dibdib.  “Rico tama. Please.”

“Gago kasi yan eh.”

“Hayaan mo na.” Pag harap ko ay kitang-kita ko ang galit sa mukha nya habang nakatingin sa amin ni Rico. Inalis nya ang kamay ni Atom at Mico saka umalis ng classroom.

Pinulot ni Atom ang box ng cookies na dala ko. “Oh, hindi pa naman to madumi.”

“Sa inyo nalang, mukhang ayaw naman ni Yuan.”

“Pag pasensyahan mo nalang si Yuan huh.  Nag selos lang yun.” Wika ni Mico. “Eto kasi si Rico.”

“I understand and it’s my fault. Sinabi nya na hindi sya gutom kaya hindi ko nalang dapat pinilit.”

“Zia, wag kang mag pakababa ng ganito.” Hinarap ako ni Rico sa kanya.” Kung ayaw nya sa’yo. Leave him, saka wala kang kasalanan, nag move on ka lang dahil akala mo hindi na sya babalik.”

“Yun na nga eh, hindi ko sya hinintay kaya galit sya sa akin.”

Nag katinginan si Atom at Mico. Hawak ni Rico ang balikat ko. Tuluyan na akong umiyak sa harap nila dahil hindi ko na talaga kaya ang sakit na nararamdam ko. Hirap na hirap na ako pero ayokong sumuko. Ayokong maramdaman ulit ni Yuan na sa pangalang pag kakataon ay iiwan ko sya at hindi ipag lalaban dahil kung nag hintay pa ako ng konting panahon, edi sana, nahintay ko sya hanggang sa makabalik sya.

“Kunin na namin yung cookies huh.” Wika ni Atom.

“Wag ka nang umiyak, hindi namin kaya na may babaeng umiyak sa harap namin.” Dagdag ni Mico.

Pinunasan ng panyo ni Rico ang mata ko. “Tahan na, lalambot din yun, mahal ka nun kaya wag kang susuko.”

Tumango lang ako “Thanks guys.”

Nawala ng bahagya ang sama ng loob dahil sa comfort na binigay nila. Pag tapos ng eksena ay nag paalam ako para pumunta ng banyo at ayusin ang sarili ko pero bahagya akong natigilan ng makita ko si Trixie sa harap ng salamin, medyo na gulat din sya pero pinag patuloy pa rin ang pag lagay ng powder sa mukha. Tahimik akong pumasok sa cubicle. Akala ko pag palabas ko ay wala na sya doon pero nag kamali ako. Taas noo akong pumunta sa harap ng salamin at binuksan ang make-up kit ko.

“What goes around comes around.” Kanta nya. Hindi ko pinansin ang parinig nya. Wala akong mapapala kung papatulan ko sya. Kinalabit nya ako sa balikat kaya tumingin ako sa kanya.

“Anong feeling ng pinag sawaan ni Yuan?”

Nanginig ang mga kamay ko at gusto syang sampalin pero pinigil ko. Inirapan ko s’ya “Hindi ako pinag sawaan ni Yuan, dahil kahit kailan naman hindi sya nag sawa sa akin.”

“Kaya pala ikaw naman ang nag hahabol sa kanya.” Nag cross arms sya. “Ang cheap mo.”

Nag pantig ang tenga ko sa sinabi nya. “Kung cheap ako, anong tawag mo sa sarili mo? Basura?” Ngumiti ako ng mapanlait. “Aaminin ko, hinahabol ko sya ngayon kasi may kasalanan ako pero kahit gawin ko yun, worth it naman, dahil sa huli sa akin pa rin sya babagsak, you know why?”

Lumapit ako sa kanya at bumulong sa tenga nya. “Because he loves me so much.”

“Bitch! Sana hindi kana balikan ni Yuan!” Sigaw nya pag katapos akong itulak ng bahagya sa balikat. Umiling nalang ako ng padabog nyang sinara ang pinto ng girls bathroom.

“Mag hahamon ka tapos ikaw din pala ang mag wa-walk out.” Bulong ko habang nag aayos ng sarili sa salamin. Nag susuklay ako ng matigilan ako. Kung dati ko sasabihin ang mga sinabi ko kay Trixie sigurado akong totoo yun, pero ngayon hindi ko na alam kung totoo pa rin ba yun. Hindi ko alam kung mahal pa rin ako ni Yuan or ako nalang talaga ang nag iisip na mahal nya pa ako. 

--------------

Thanks sa lahat ng comments last UD, lalo yun mahahaba, sarap basahin. XDD

Please be an active reader, your comments motivates me to update faster as I could.

Continue Reading

You'll Also Like

4.5K 83 10
Oportunista-ganito ang tingin kay Raquel ng kapatid ng kanyang fiancΓ©. Upang maiwasan ang taong nagnanais na sirain ang magiging kasal niya, umuwi si...
3.2M 67.5K 42
READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Nyda loved Luke for years.Bata palang ito ay Si Luke na ang gusto nito. Si Luke ay kaibiga...
243K 5.1K 30
Book Two Nina Cortez has been in love with Marco Dela Rosa all her life pero that's her greatest secret that even her Trinity sisters don't know. How...
1.3M 54.6K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...