Elation From Sudden Royalty (...

four4ce द्वारा

35K 1K 117

UNIVERSITY ROYALTIES #2 Isabella Alvarez, a Bachelor of Science in Psychology student from Cosmopolitan Unive... अधिक

I. READ
II. ABOUT
III. CHARACTERS
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Elation From Sudden Royalty
Epilogue
Author's Note

Chapter 21

682 24 8
four4ce द्वारा

Elation From Sudden Royalty (University Royalties Series #2) - Chapter 21

"Hindi ka kasi nag-iingat," binendahan ko ang sugat ni Austin sa kamay dulot ng bubog kagabi. Hind na dumudugo iyon ngunit nasagi iyon nang mag-bukas siya ng pintuan kanina kaya parang humapdi muli, kita ko kasi sa mukha niya na dinadamdam ang sakit nang patago. 


Ito kasing mga lalaking ito, takot makita na nasasaktan sila. Akala yata nila lahat ng makita silang umiiyak o nasasaktan ay huhusgahan sila, gayong hindi naman. May karapatan lahat ng nararamdaman, ayan ang laging sinasabi sa'min ni Chandra.


"Saan ka matutulog? Makakapag-maneho ka pa ba pauwi sa sugat na ganiyan ka-lala? Mahapdi ba mas'yado? Baka mapahamak lang kayo ni Ally," tuloy-tuloy kong pag-sasalita. Sobrang laki rin kasi ng sugat na iyon, sakop halos ang gilid ng palad niya kaya naawa tuloy ako. "Dito kaya muna kayo tumuloy ngayong gabi?" suhestiyon ko.


"If you insist, alright," mabilis na sagot niya. Hindi manlang siya nag-isip na baka hindi magustuhan dito ni Ally dahil walang aircon.


"Mag-iingat ka, baka lagnatin ka dahil sa laki ng sugat mong iyan. Baka mang-hina ka bigla, sabihan mo ako," pinag-sabihan ko siya.


"Hindi ako mahina, Isabella," seryosong sagot niya sa'kin. Tumango na lang ako. Sige, bahala siya.


Nakauwi na si Rivier at hindi manlang siya nag-paalam sa'kin. Okay lang rin naman para makapag-focus ako sa pamilya ko.


"I want My Little Pony! Dinosaurs are ugly!" Napatayo kami ni Austin sa garahe nang marinig na parang may alitan si Allyson at Nathaniel.


"What's wrong, Ally?" si Austin ang nanguna. Tulog na kasi si mama't papa, sabi niya bukas na lang kami mag-bonding tutal tanghali pa ang alis namin dito sa Pilipinas, kaming mga bata muna ang mag-bonding ngayong gabi.


"This boy! He keeps on insisting that we watch dinosaurs!" naka-turo si Ally kay Nathan ngayon habang hawak sa isang kamay ang kaniyang teddy bear.


"Don't you like dinosaurs, baby?" lumuhod ako sa harapan ni Ally. "Have you tried it? You haven't tried it, you should try first before you say that you don't want it." Naka-simangot ngayon si Ally pero halata namang nakikinig siya sa'kin.


"How about this?" panimula ni Austin. "Let's watch Jurassic Park first, then let's watch My Little Pony." suhestiyon niya sa mga bata. Agad na nag-agree si Nathan, ang kapatid ko. Nag-apir pa sila ni Austin. Masaya ako dahil nag-kakasundo sila.


"Fine," pag-suko naman ni Ally. Naupo na kami sa coach at in-on ko na ang TV. Napagigitnaan kami ni Austin ni Nathan at Ally. Ayaw yata nilang mag-tabi kahit anong pilit. Si Nathan, katabi ko. Samantalang si Ally ay katabi ni Austin.


"Ate, nagugutom ako." Napatingin ako kay Nathaniel dahil kaka-kain lang din namin ng hapunan. Gutom na ulit siya. 


"Me too, kuya." Pati si Allyson na hindi kumain ng hapunan ay nag-salita.


"What do you kids want?" tanong ni Austin habang napindot ulit sa phone niya. Mukhang mag-oorder ulit ito.


"Fried chicken."


"Pasta."


Sabay sumagot sina Nathan at Ally. 


"Mas masarap ang chicken." depensa ni Nathan.


"Pasta's yummier. Gusto ko pesto and carbonara!" Masama na naman ang titigan nina Ally at Nathan ngayon.


"Okay. Calm down, kids. I'll order both, I'll also order pizza and ice cream." Nag-liwanag ang mga mata ng mga bata kaya masaya na sila ulit nanood. Kami ni Austin ay nag-bubulungan ngayon dahil parang masiyado na siyang maraming nagagastos para sa amin.


"Money's not a problem. You don't need to worry, wife." Bumilis ang tibok ng puso ko dahil nitong mga nakaraang araw, parang ang sweet-sweet sa'kin ni Austin. Parang totoo.


"Ang landi," sabat ni Nathan. Napatingin tuloy kami sa kaniya. "Ang landi po no'ng nasa pelikula. Ayun, oh. 'Yung mga dinosaur," palusot pa ni Nathan. Nahila ko tuloy nang kaunti ang tenga niya.


Ilang minuto ang lumipas, nasa kalagitnaan na kami ng pelikula nang dumating ang delivery boy. Marami-rami iyon kaya sumama rin ako kay Austin sa may gate. Hindi ko namalayan na pati ang mga bata ay sumunod din dulot sa excitement.


Matapos mag-bayad ni Austin, nag-salita ang delivery boy bago sumakay sa motor niya. "Ganda naman po ng pamilya niyo. Kay ganda at g'wapo ng mga anak, mana sa magulang." Tututol pa sana ako pero humarurot na ang motor ni kuya para umalis.


Mukha ba akong nanay?!


"Oh, tara na inay," pang-aasar ni Nathan at tsaka nag-mamadaling pumasok ng bahay para 'di ko na siya magantihan. 


"Let's go, mommy and daddy!" humagikhik si Ally habang hawak-hawak ang kamay naming dalawa ni Austin.


Pagka-pasok, masaya kaming kumain at nanood. Hindi rin ako maka-titig kay Austin kahit kinakausap niya ako dahil sa hiya ko.


"Saan tayo ngayon?" tanong nina mama't-papa kinaumagahan. Kinukusot-kusot ko pa ang mga mata ko dahil sa antok. Tulog pa sina Nathan at Ally, kami pa lang ni Austin ang gising.


"Gusto niyo po bang manood ng sine?" tanong ko. "Bonding po tayo. Huwag na kayo kumain, sa labas na tayo kumain."


Tumango-tango naman sina mama. "Austin anak, sumama ka na sa amin," pag-anyaya ni mama. Napa-nganga ako dahil kami lang sanang tatlo. Pero ayos rin naman.


"Isama na rin natin ang mga bata. Teka lang, gigisingin ko sila," excited na sabi ni mama. Nasa kwarto ko natulog si Nathan at Ally, naka-tulog sila kagabi sa sofa pero binuhat sila ni Austin papunta sa kama. Kami naman ni Austin sa kwarto ni Nathan natulog, hindi kami nag-tabi.


Sasakyan ni Austin ang ginamit namin, ito rin ang gamit namin pag-punta sa bahay namin kahapon. Latest car na Mercedez Benz na puti iyon. Mayroon ring single digit na plate number.


Ang saya-saya ng mga bata dahil sa excitement kumain at manood ng sine. Si Austin ang nag-mamaneho at ako ang katabi niya na naka-upo sa front seat. Sina mama't-papa, Nathan, at Ally naman ang nasa passenger seat. May naka-convoy pa sa'min na royal guards kahit saan kami mag-punta para bantayan kami mula sa malayo, it was the royal family's order.


Pagkatapos namin kumain sa Shakey's, dumeretso na agad kami sa sine. Comedy-Romance ang pinanood namin, magka-tabi si mama't-papa, magka-tabi si Nathan at Ally, at mag-katabi kami ni Austin. 


Habang pinapanood silang tumatawa, sa totoo lang, masayang-masaya ang puso ko. Kahit si Austin ay nakikita kong naka-ngiti. Hindi labas ang ngipin niya ngumiti pero masaya ako dahil nitong mga nakaraang araw, napapa-dalas ang pag-ngiti niya. Unti-unti ring nagkaka-sundo si Ally at Nathaniel.


"Bakit naman ganoon? Pinakasalan ng lalaki 'yung babae kahit may iba siyang mahal," reklamo ni mama. Napa-yuko naman ako habang nag-lalakad.


Habang nag-lalakad papunta sa parking lot, nag-suot si Austin ng cap. Kahit ako ay pinasuot niya dahil alam na niya ang mangyayari. Kahit nga kanina ay marami nang nag-pipicture sa'min sa peripheral view ko.


Nakita ko pa si mama na may ibinubulong kay Austin at nakikinig naman ng maayos si Austin. Wala akong idea kung ano ang sinabi ni mama.


Bago kami umalis ng bahay, nagkaroon muna kami ng moment. Umiyak na naman si Nathan at niyakap ako bago umalis, nakipag-apir rin siya kay Austin. "Huwag mo sasaktan si ate, kuya," paalala pa niya. "Nag-kukunwari lang siyang malakas... pero mahina iyan kaya sana huwag mo siyang paiyakin."


Nag-kunwari akong hindi ko narinig ang paalala ni Nathan kay Austin. Kinausap ko na lang sina mama't-papa at nag-paalala ulit sa kanila na mag-ingat sila. Kay papa naman, kahit hindi ako gaanong umaasa na susundin niya, pinaalahanan ko pa rin siya na huwag nang mag-bisyo.


Dumaan kami sa penthouse nina Austin para kunin ang gamit, dumaan rin kami sa University saglit na saglit dahil gusto kong makita ang mga kaibigan ko. Naiwan sa sasakyan si Ally dahil malapit lang sa parking ng sasakyan kung saan ko hiniling si Venice at Chandra na mag-kita. Sumama sa'kin si Austin... siguro dahil gusto niya makita si Chandra.


"Isabella!" Niyakap ako ng mahigpit ni Venice. Hindi ko namalayan na umiiyak siya. "Nakaka-inis ka. Akala ko hindi mo na kami babalikan. Nakita ko sa balita na narito kayo, akala ko 'di mo na kami dadalawin. Mag-tatampo na sana ako."


"How are you, Bella?" Niyakap ako kasunod ni Chandra. "Sinasaktan ka ba nito?" Dumako ang tingin niya kay Austin. May kung anong kumirot sa puso ko.


"Hindi... s'yempre hindi." Ngumiti ako. Napatingin ako kay Austin dahil nag-paalam siya sa'kin at bumalik na sa sasakyan. Hindi manlang siya nakipag-kamustahan kay Chandra, hindi rin niya pinuntahan ang friends niya sa University kaya naguluhan ako sa kaniya.


Pagkatapos ko makipag-kamustahan saglit sa mga kaibigan ko, bumalik na rin ako sa sasakyan para maka-deretso na kami agad sa airport. Buti na lang at may nag-hihintay na royal guards doon at may nag-maneho pabalik ng sasakyan ni Austin pabalik sa penthouse nila. Umuwi kami agad ng Arelle dahil inaapoy ng lagnat si Austin at hindi pa nag-hihilom fully 'yung sugat niya. Nagka-pasa pa nga iyon dahil pinilit niya mag-maneho Sabi ko na nga ba, mang-hihina siya dahil sa sugat niya at sa dugong nawala sa kaniya. Ako ang nag-alaga sa kaniya.


Narito kami ngayon sa kwarto ni Austin na kwarto ko na rin. Naka-higa siya at naka-upo ako sa tabi niya. May hawak-hawak akong maliit na bowl na may laman na mainit na tubig at isang towel kung saan ginagamit kong pang-hugas ng katawan ni Austin.


"Mag-hubad ka nga," sabi ko sa kaniya nang hindi nag-iisip kaya salubong ang kilay niya ngayon.


"What..." Napa-ayos siya ng higa. "Are you sure you want to do it now?" tanong niya na parang kakaiba ang dating sa akin.


"Oo naman. Ngayon ka may lagnat, kailan pa ba natin gagawin?" tanong ko pabalik habang nag-pipiga ng tuwalya.


Dahil sa tingin ni Austin sa'kin ngayon, parang naintindihan ko na kung bakit siya nagkaka-ganiyan at kung ano ang pagkaka-intindi niya sa sinabi ko. "Ang dumi ng isip mo! Lilinisan lang kita."


He sighed in relief. Tinulungan ko siyang tanggalin ang pang-itaas niya. Sinusubukan ko pang umiwas ng tingin dahil baka tawagin pa niya akong mapangahas.


Habang pinupunasan ko ang katawan niya, parang may umbok akong nahawakan kaya nanlaki ang mga mata ko at napa-iwas.


Marami iyon, parang mga tinapay. Abs niya ata ito.


Iwas ako nang iwas ng tingin kaya kabadong-kabado ako.


"You should try looking, baka iba na ang makapa mo," pang-aasar ni Austin. He was having fun with this, naka-smirk pa siya!


Napatingin ako sa kaniya dahil hawak niya na ngayon ang kamay ko at animo'y kinokontrol ang kamay ko sa pag-pupunas. Hanggang ngayon nasa abs niya pa rin kami, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang nag-iinit na ang pisnge ko.


"Austin, bilisan mo na..." bulong ko dahil siya rin naman ang kumukontrol sa kamay ko, ayaw niya pa ngang bitawan.


"Why can't you look at me?" tanong niya sa'kin kaya nahiya ako. Hindi ako naka-sagot. "I'm your husband. I think you tend to forget, Mrs. Arellano."


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

242K 7.2K 30
Small town. Marry your high school sweetheart. Settle down. Find a job or stay at the one you have. Same old same old. That is until a group of biker...
12.7K 199 30
Just some Kane Chronicles Headcanons !!These are NOT mine!! Characters belong to Rick Riordan. Cover by ME!
2.8M 180K 87
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
40.6M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...