Chapter 5

807 23 7
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties Series #2) – Chapter 5


"Naayos ko na ang gamit mo, 'nak..." naka-ngiting sabi ni mama nang i-abot sa'kin ang isang malaking sako bag na polka dots na nag-lalaman ng mga damit ko.


"Aalis ka na ba talaga bukas, ate?" hila-hila ni Nathan ang dulo ng t-shirt ko.


"Parang no'ng isang araw lang gusto mong pakasalan ko si Prince Austin mo. Ba't ngayon malungkot ka?" nag-biro ako para mabawasan ang kalungkutan sa paligid.


"Hindi ko naman akalain na aalis ka, na iiwan mo kami..." Umiiyak na siya. 


"Akala ko ba hindi ka iyakin?" Niyakap ko siya at tumawa. "Tsaka, kapag kinakasal, humihiwalay na sa puder ng magulang. Kailangan may hiwalay na kaming tutuluyan. Kaya dapat lang na umalis muna ako sa bahay natin, dadalaw naman ako."


Mahina niyang hinampas ang balikat ko. "Babalik ka ba agad, ate?"


"Babalik ako agad," pag-sisinungaling ko. Ayaw ko aminin kay Nathan na ilang taon pa bago ako makabalik dahil sa Arelle ko na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Mura pa ang edad ng kapatid ko, hindi niya maiintindihan na kailangan kong umalis nang matagal para sa aming kapakanan na rin. Sina mama at papa lang ang may alam na mag-tatagal ako roon. "At tsaka, ano ka ba, papasok pa lang ako ng school, bukas pa ako aalis. May oras pa tayo para mag-bonding."


"Nood tayo Jurassic Park," biglang lumawak ang ngiti niya. Pinisil ko ang pisnge niya at tumango habang pina-pat ang ulo niya.


"Huwag ka kaya muna pumasok ngayong araw, anak?" suhestiyon ni papa. "Para naman... may oras kami kasama ka."


"Mag-papaalam rin po kasi ako sa mga professors at friends ko. Uuwi po ako agad, pangako," I uttered. Tanghali na lang ako uuwi at magpapa-excuse sa last subject ko para naman makasama ko pa sila.


Sa huli ay hinayaan na lang rin ako nila mama at papa. Ramdam ko na hiya sila sa akin. Siguro nahihiya na naman sila na ako na naman ang gumawa ng paraan para maiahon kami. Pero dapat lang naman talaga, 'di ba? Hindi naman sila dapat mahiya, bukal sa kalooban kong gawin ito para sa kanila.


Sa totoo lang, natatakot akong iwan sila. Natatakot ako na walang tutulong mag-alaga sa kapatid ko, at gano'n rin para kina mama at papa. Buti na lang talaga at may usapan kami ng reyna na mag-papadala sila ng mga tauhan nila na mag-babantay sa pamilya ko at sa tahanan namin. May supply rin sila ng pagkain every week. Wala ako sa piling nila pero at least, mapapanatag ako.


"Anak. Si Rivier, nasa labas. Hinihintay ka, siya na raw ang mag-hahatid sa'yo," tawag sa'kin ni mama. Nasamid naman ako sa iniinom kong tubig. Tumayo na ako at kinuha ang backpack at nag-paalam sa kanila.


"Bakit ka narito?" 'Yun na agad ang nasabi ng bibig ko pagka-kita ko kay Ver. Naka-suot siya ng black na polo at puting lab coat, med student kasi siya. Malungkot ang mga mata niya kaya med'yo na-guilty ako sa tanong ko.


"Ah, ihahatid lang sana kita." Nag-pilit siya ng ngiti. Tinuro pa niya ang sasakyan niya na Sedan.

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora