Chapter 28

655 22 0
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2) - Chapter 27


"Kung papapiliin ka, si kuya Ares, si kuya Austin, o ako?"


Naka-ngisi ngayon si Aurian habang nag-lalakad kami. Nag-iikot kami ngayon sa palasyo dahil bagot na bagot na ako sa kaka-aral. Paulit-ulit na lang ang nakikita ko, gusto ko naman ng bago.


"Si Ally," playing safe na sagot ko.


"Ang dugas naman!" reklamo niya at napa-padyak. "Choose only from the three brothers."


"Stop making her choose Aurian, baka masaktan ka lang." Napatingin ako kay Austin na naka-akbay na sa akin ngayon. Napagigitnaan na nila ako.


"Hey, wait for me!" sigaw ni Allyson na nasa likuran namin, nag-papalipad ng kite niya sa kalangitan. Araw-araw talaga dress ang suot niya, iba-iba ang disenyo pero halatang pare-parehas mahal! Lalaking fashionista siguro ang batang ito.


"Why am I even here?" reklamo ni Ares. Hiwalay siyang nag-lalakad sa'min habang naka-pikit dahil sa init ng araw at naka-kibit balikat, napa-tawa na lang ako.


Sila naman itong mga sumama sa akin kahit hindi ko niyayaya. Saktong lahat kami ay walang magawa ngayong hapon. Hindi ko namalayang napalapit na ang puso ko sa kanilang mag-kakapatid. Si Ares at Austin na suplado, si Aurian na makulit at maingay, at si Allyson na nag-papangiti sa'ming lahat.


Nadaanan namin ang isang malaking lawa, mabango ang simoy ng hangin doon kaya napili kong ilatag ang brown kong scarf doon at umupo para panoorin ang kapayapaan ng lawa.


"Arellian River, the gem of Arelle," matamis na sambit ni Aurian na naka-tayo habang katabi ang dalawa niyang kuya. "The river of peace."


Napangiti ako dahil sa tagline ng lawa, katulad ng pangalan nito, ramdam ko rin ang kapayapaan na binibigay nito sa akin ngayon.


"Kuya Ares, kuha tayo pagkain! Picnic!" pag-aaya ni Aurian at hinatak ang kuya niya na naka-simangot pero wala ring nagawa kundi magpa-hatak sa kapatid niya. Naiwan kami ni Austin kaya naupo siya sa tabi ko. 


Si Allyson ay nag-tatatakbo pa rin dahil malakas ang hangin, nililipad ang saranggola niya.


"I want to live this simple life with you," bulong ni Austin. Sumandal siya sa balikat ko kaya napangiti ako. Habang pinag-mamasdan ang view, parang unti-unti kong na-mimiss magkaroon ng tahimik at simple na buhay. Ngayon kasi, pakiramdam ko hinuhusgahan ang mga kilos at desisyon ko sa buhay. Kada bukas ko ng social media, puro chismisan at pag-hihimasok sa buhay ng iba ang nakikita ko.


Wala rin akong privacy dahil tinitignan ako ng mga tao kapag lumalabas.


Siguro maging si Austin ay pagod na sa buhay na kailangan niyang abutin lahat ng expectations ng tao sa kaniya. Siguro pagod na siya sa buhay na tila lahat ay pinagmamasdan ang bawat galaw niya, hinihintay siyang magka-mali para mapuna.

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now