Chapter 27

574 15 5
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2) - Chapter 27


'Kung iniisip mong kumatok, huwag mo nang gawin ang nasa isip mo. Aurian is currently streaming BLACKPINK.


P.S. Pero kung si Ate Isabella ka, pasok ka na lang kaagad. Hindi na kailangan kumatok. Kahit buhay ko pa, p'wede mo pasukin :)'


Napa-nganga na lang ako sa naka-sulat na note sa may pintuan ng kwarto ni Aurian. Rinig din mula sa labas ng kwarto na ang pinapakinggan niya ay Lovesick Girls.


Katulad ng naka-sulat na note sa papel, pumasok na ako kaagad sa kwarto at bumungad sa'kin si Aurian na naka-higa sa kama niya at parang uod na inasinan dahil sumasayaw siya habang naka-higa. "Aurian, p'wede ka bang makausap?" 


"Ate?!" gulat na tanong niya at napa-ayos ng upo sa kama niya. "Ano'ng kailangan mo?"


Naupo ako sa tabi ni Aurian at sumandal sa balikat niya. Para ko na rin kasi siyang younger brother kaya komportable ako. Sandali siyang hindi naka-galaw dahil sa pagka-bigla. "Parang... nahulog na ako nang tuluyan sa kuya mo."


"Ah. Talaga, ate?" nag-iba ang tono ng boses niya. "Sinong kuya? Si kuya Ares... o kuya Austin?"


Ngumiti lang ako nang tipid sa kaniya at hindi sumagot.


"Ah, in love ka na kay favorite son," bumuga siya ng hangin. He briefly realized it without me even explaining it. "Bakit mo naman sinasabi sa'kin? Mag-asawa naman kayo, edi okay naman pala, in love kayo sa isa't-isa. Congrats."


"Thank you?" I replied.


"Bakit sinabi mo pa sa'kin, ate? Alam mo namang crush kita, e!" Aurian pouted. 


Natawa ako sa kaniya at ginulo ko pa ang buhok niya. "Crush lang naman iyan, makaka-hanap ka ng mamahalin mo. Hindi ako iyon."


"Sana gumawa rin ng kanta ang BLACKPINK na Lovesick Boys naman ang title," biro niya. "Parang kailangan ko ata iyon."


"Sinabi ko 'to sa'yo kasi natatakot ako na... na baka may mangyaring masama," I opened up. What Ares said to me has always been haunting me. Na baka may mangyaring masama... kapag ang nararamdaman ang pinairal.


"Ano namang mangyayari na masama, ate? You're overthinking." Aurian lied down again on his bed, getting comfortable. Nakatingin lang siya sa kisame.


"May sinabi kasi sa'kin si Ares-"


"Gusto ka ni kuya Ares," agad na putol ni Aurian. "Kung tatlong prinsipe nga napaibig mo, sino pa bang hindi mo mapapaibig? Wala kang dapat ipag-alala."


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------




Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now