Prologue

2.2K 41 7
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2) - Prologue


"Anak, ayos lang bang tulungan mo ako rito?" Napatingin ako kay mama na nag-luluto sa kusina habang nag-aaral ako dito sa may maliit na lamesa dito sa dining. May towel na nakasukbit sa balikat niya at pawisan na. Mukhang pagod dahil nag-laba at nag-sampay rin siya, pero nagawa pa rin niyang ngitian ako.


"Oo naman, 'Ma! Ako na po riyan. Mag-pahinga na po kayo." Tumayo ako at lumapit sa kan'ya. Kinuha ko ang bimpo niya at pinunasan ang pawis niya. "Huwag po kayong mahihiyang humingi ng tulong, 'Ma. Nandito lang po ako para sa in'yo. Sinabi ko naman po sa in'yong magpahinga po kayo."


"Salamat, anak. Ang swerte ko talaga sa'yo." pag-lalambing niya. "'Yong ama mo, nag-susugal na naman... Hay nako, wala na lang siyang ibang ginawa. Sana tinulungan na lang niya tayo." I gave her an apologetic smile. Hindi ko naman kasalanan, but I feel like I was someone to blame too. Gusto ko silang tulungan... Ayaw kong mahirap lang kami. Gusto ko gumawa ng paraan, pero nag-aaral pa lang ako. Ang mag-aral ng mabuti, 'yon lang ang mai-aambag ko.


"Ayos lang ba sa'yong mapagod? First day mo pa naman sa college bukas... kailangan mo ng lakas, Isabella." nag-aalangang sabi ni mama. They thought of getting me into a University in Manila. Iginapang nilang makapasok ako doon, dahil sabi nila... Mas may future raw ako doon. Sikat at pinag-mamalaking paaralan. Umutang pa sila kina tita para lang tulungan akong makapasok. Mayayaman lang ang may kaya, pero may scholarship akong nakuha kaya nabawasan ang babayarin. Ayaw ko sanang pumayag dahil may mahal pa ring miscellaneous fees, pero sabi nila na gusto raw talaga nilang doon ako. Buti na lang doon rin nag-aaral ang kaibigan kong si Venice.


Makapagtapos lang ako, babawi ako kay Mama. Babawi ako sa kanila. May pangarap ako. Pangarap sa sarili ko, at para sa pamilya ko. 'Di ko hahayaang may makasagabal doon.


Inalalayan ko papunta sa sofa si mama para mag-pahinga muna saglit at ako ang nag-tuloy ng niluluto niya.


"Ate! Uuwi na daw ang prinsipe!" Biglang sumulpot ang naka-babata kong kapatid sa tabi ko habang nag-luluto ako. Muntik ko pang mabitawan ang hawak ko.


"Sinong prinsipe?"


"Si Prince Austin! Galing sa Arelle!" Excited na sabi niya. Nag-tatatalon pa. "'Di ba sabi ni papa may koneksyon siya sa kanila? Sobrang g'wapo niya! Kaso hindi ko alam kung totoo ba 'to... baka fake news lang. Antagal na rin niyang 'di umuuwi sa Pilipinas, eh. May inasikaso raw po sa Arelle, ate. Kasi 'di ba, siya na 'yong crown prince at kasunod na luluklok sa posisyon ng hari."


"Prinsipe? Saan mo naman narinig ang pangalan na 'yan? Kaka-nood mo 'yan ng Disney Princess, Nathan," pag-sasalita ko sa lalaki kong kapatid. 'Di naman sa KJ pero interesado rin pala siya sa mga gan'yan, pero may prinsipe ba?! Mahilig akong manood ng gan'yan noong bata ako. Pero kung totoo 'man ang mga prinsipe, 'di naman pogi mga 'yan. Nakita ko sa Google dati, na matatanda't kulubot na ang balat ng mga prinsipe mula sa ibang bansa, 'Di naman ako matutulungan ng mga 'yan na maiahon ang pamilya ko sa hirap. Sasayangin ko lang ang oras ko maka-alam pa ng ibang impormasyon tungkol sa kanila. 


"KJ mo, ate! Ito oh, ayaw mo tignan 'yong news article. Sila may-ari ng halos lahat ng kompanya sa Pilipinas! Mga malls na pinupuntahan natin, mga kainan, mga clothing line, tsaka mga sikat na brands!--" Papakita pa sana niya ang phone niya pero pinatikim ko na lang sa kan'ya ang luto ko para manahimik na siya. "Wow! Ang sarap! P'wede ka na, ate!"

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now