Chapter 29

669 22 2
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2) - Chapter 28


"Austin, bilhan mo ako ng mangga."


Napatingin sa'kin si Austin habang nag-aaral siya. Kanina ko pa kasi siya kinukulit na bilhan ako. Hindi ko alam pero bigla akong nag-crave nitong mga nakaraang araw.


"You asked me to buy you mangoes for the 5th time this week. Are you pregnant?" tanong niya sa'kin na walang kaemosyon-emosyon sa mukha. Hindi ko nga alam kung excited ba siya o ano.


"Hindi kaya!" agad na dipensa ko. Sa totoo lang, ang moody ko, gusto kong kumain nang kumain, at higit sa lahat... hindi pa ako dinadatnan.


Tumayo si Austin sa kinauupuan niya at lumapit sa'kin. He started planting kisses on my neck, I couldn't help but bite my lip. "I love you," bulong niya.


"Kung love mo'ko, bakit 'di mo'ko binibilhan ng mangga?" biglang naging galit ang tono ko. Kahit ako, 'di ko maintindihan ang sarili ko sa sobrang moody.


"I actually already texted someone to buy them for you," nanatiling mahinahon ang boses niya kaya napa-pikit na lang ako sa inis ko sa sarili ko. 


"Hello, madam." Bumukas ang malaking pintuan ng library at niluwa noon si Aurian na nag-lalakad na papalapit sa'kin, holding a bag of mangoes. "Baka may kailangan ka pa, madam?"


"Is the OB Gyne here?" Austin asked. Parang nilamon ako ng kaba.


"The obstetrician is here, papasukin ko na ba?" sumagot si Aurian habang nilalapag ang mga mangga sa lamesa.


Being a royalty for me... it was pressure. I had three princes crushing on me, my family is now free from debt, but I realized that happiness is hard to find. Growing up, you'll wonder where you'll find happiness, kung sa isang lugar ba, kung sa career, kung sa pag-abot ba ng pangarap mo, sa pag-yaman ba at pagiging lunod sa pera, o sa isang tao.


"Austin, mangga lang ang hinihingi ko. Bakit nagpa-punta ka ng OB Gyne?" agad na tanong ko.


"I need to know... if you're carrying our child." Ngumiti siya, hindi labas ang ngipin. "You don't need to worry, love."


Masiyado siyang kalmado, hindi niya yata nahahalata na natataranta na ako sa kinauupuan ko. I know! Matagal ko nang alam na buntis ako. I asked Aurian to buy me a pregnancy kit the other day. Positive!


Hindi ko na alam ang gagawin ko.


Nang mag-bukas ang malaking pintuan ng library, napa-lunok ako kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang pumasok. Mas okay na sigurong mag-mula na sa'kin, kaysa itago ko pa kay Austin.


Mahina kong tinapik ang balikat ni Austin para mapatingin siya sa'kin. "Austin... buntis ako."


Hindi maipinta ang mukha niya ngayon, he looked like he was making my words sink in. Hindi ko alam kung masaya ba siya, kung galit, kung gusto ba niya, o hindi.


He hugged me tight. "I love you."


Kahit si Aurian, alam kong narinig niya ang sinabi ko kaya napa-atras siya. Muntik pa nga niyang mabagsak ang bag na hawak niya. "Ate Isabella... dugo. May dugo!"


Dahan-dahan akong napatingin sa kung saan naka-turo si Aurian. There was blood running down my legs. Unti-unti akong nahilo.


Pero bago pa 'man ako mawalan ng malay, nakita ko pa na kasama ng OB Gyne na nasa pintuan ang reyna. Her words were enough for me to close my eyes because of pain. 


"This woman cannot bear a child. Get her out of this palace." Natigilan ako sa sinabing iyon ng reyna. It was this moment she's been waiting for... the right timing and the perfect reason to kick me out of this palace wherein she never welcomed me. "Get her out. Now."


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ