Elation From Sudden Royalty (...

By four4ce

35K 1K 117

UNIVERSITY ROYALTIES #2 Isabella Alvarez, a Bachelor of Science in Psychology student from Cosmopolitan Unive... More

I. READ
II. ABOUT
III. CHARACTERS
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Elation From Sudden Royalty
Epilogue
Author's Note

Chapter 18

649 23 2
By four4ce

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2) - Chapter 18


"Go on a date," ngiting sabi ng lola nila. "Go to a restaurant, go to an amusement park, go to an adventure, go to a beach for an overnight, just like what an ordinary couple would do. Anywhere you both like, even if it's out of the country. Kahit mag-tagal kayo, it's okay."


Kung kailan kaka-tapos lang akong ipitan ni Austin, doon pa pumasok ang Royal Grand Mother. Magka-lapit pa naman kami ni Austin nang pumasok siya kaya ngisi-ngisi siya ngayon, mukhang iba ang iniisip!


"I don't think that's essential, Your Highness," sagot ni Austin nang mapansing kahit ako ay hindi maipinta ang mukha.


"It is essential," asik ng lola nila. "It's a royal order." 


Nginitian kami ng lola bago umalis ng silid ni Austin.


Napa-iwas kami agad ng tingin ni Austin nang sabihin iyon ng lola nila. 'Royal order' card pa lang nila, taob na agad talaga ang diskusyon.


"Oh, paano 'yan, saan tayo pupunta?" tanong ko kay Austin. Bahala siya mag-isip, problema niya na iyan.


"To the Philippines," agad na sagot niya at tumayo mula sa kama. Pumunta siya sa may walk-in closet niya.


"Ha?! Seryoso ba? Agad-agad?!"


"Ayaw mo ba?" tanong niya.


"Gusto!" Ang bright-bright talaga nito ni Austin. Oo nga naman. Sabi ng lola niya, kahit saan kami pumunta, kung saan gusto namin. Ito na ang chance para pumunta sa Pilipinas! Buti at naisip niya iyon. "Ilang araw tayo roon?"


"Ilan ba ang gusto mo?" tanong niya. "We can't stay there for 3 days or more. We still have a lot to do."


"Edi, 2 days!" I cheerfully said.


"Hmm." Nag-isip siya. "2 days, and one night. Let's leave the Philippines the day after tomorrow."


Tumango ako at agad-agad dumeretso sa guest room. Nag-handa ako ng gamit ko sa bagong travel bag na binigay sa'kin ni Austin. Black na Adidas travel bag.


Habang nag-aayos ng gamit ko, hindi na mabilang ang mga gusto kong gawin kasama ang pamilya ko. There were tons of plans, yet only 2 days and one night to spare. It was enough, though. Even only a second or a minute with the people you love will most likely feel like a lifetime. Kahit nga makita mo lang saglit, masayang-masaya ka na.


"Ate?" May kumatok sa pinto ng guest room kaya napatingin ako. Nang mag-bukas iyon, si Allyson pala. "Can I come with you and kuya?" tanong niya. Sa mga mata niya parang gustong-gusto niya talaga.


"Did you ask permission from your brother?" Lumapit ako sa kaniya at nag-squat sa harapan niya para magka-pantay kami.


"Yes I did, but he told me to ask you and not him..." she was playing with her little fingers while waiting for my response. Napangiti naman ako dahil mabait siya sa'kin ngayon. Alam kong may gusto siya mula sa akin at tsaka nautusan ni Austin kaya mabait, pero alam ko namang mabait na tunay ang batang ito.


"We'll ask your parents' permission. If you were to ask me, I'm okay with it." Nginitian ko siya at pinat ang ulo niya. Hinayaan naman niya ako. Nahawa ako sa maliit na ngiti na nasa labi niya.


"Alright, ate!" Agad-agad siyang tumakbo sa hallways, hindi ko alam kung saan pupunta.


"Be careful, you might trip!" paalala ko sa kaniya, humarap siya sa'kin saglit at nag-thumbs up tapos tumuloy sa pag-lalakad. Bumalik naman ako sa loob ng silid para mag-ayos muli ng gamit na dadalhin.


"I'm not allowing Allyson to come with you," sabi ng lola nila. Nasa may malaking pintuan na kami ng palasyo nila Austin at Ally nang makasalubong namin ang hari't-reyna, pati na ang lola nila upang mag-paalam.


"But why not?" Nag-pout ang bata.


"Where they're going at is not for kids, Ally," pangangaral ng hari.


Ha? Pilipinas lang naman kami pupunta, anong not for kids?


"Ipagtanggol mo, isama na natin siya," bumulong ako kay Austin nang mahina. Siya agad ang naisipan kong mag-kumbinsi sa kanila dahil sa totoo lang, halatang si Austin nga talaga ang favorite. Parang lahat ng gusto niya sinusunod ng hari at reyna, pati ang lola basta't ipaglalaban niya ito. Ang tangi lang namang request ni Austin na hindi nasunod ay ang pigilan ang pagpapakasal niya sa'kin.


"We'll bring her with us. She can't stay here at the palace every single day, she might be bored. She needs to make new friends and see new sceneries too." Nang mag-salita si Austin, nag-liwanag ang mukha ni Ally. Parang alam na alam niyang kapag kuya niya ang dumepensa sa kaniya, masusunod na ang gusto niya.


The king let out a heavy sigh. "Alright, princess." Pinisil niya ang cheeks ni Allyson.


"Take care of her. Bring royal bodyguards everywhere you go so that we can be assured that Allyson is safe, you know that it's hard to let go of our only daughter in the family for even just an hour, right? We can't even bring her to sight seeing even if it was within Arelle. Paano pa kaya kung halos dalawang araw? Remember that I'm only making her come with you so that you can take care of her together, para naman ma-inspire kayo... you know, to make a kid on your own," ngumisi ang hari matapos niyang magpa-alala sa'min. 


Kinabahan ako dahil sa mismong harapan pa ng bata niya sinabi iyon! Dumbfounded tuloy ang mukha ni Ally sa'min.


Nang maka-sakay kami ng itim na limousine papunta sa airport. Napatingin ako kay Allyson nang tapikin niya ako. Naka-suot siya ng white floral dress na may pink ribbon sa may bewang. Ang haba talaga ng pilik-mata ni Ally, iyon ang pinaka-gusto kong feature niya. Nasa gitna kasi namin siya ni Austin. 


Si Austin ay naka-sandal ang ulo sa kamay niya, mukhang naka-idlip. May panyo rin siyang naka-takip sa mukha.


"Ate?" pag-tawag ni Ally.


"Yes?" sagot ko. Oh, pak. Yes pa nga.


"Do you make babies in the kitchen?" tanong niya kaya parang natuyo ang lalamunan ko. Paano ko naman sasagutin ito?!

"You're too young to know," playing safe na sagot ko habang naka-ngiti. Pahamak si King Alexander, ako tuloy ang napag-diskitahan na tanungin ng bata.


"If you make a baby with kuya, will I be an auntie?" tanong niya ulit, parang excited pa ang tono ng boses. Jusko...


"Yes," hiya akong ngumiti. Bunsoy, hindi kami gagawa ng bata ng kuya mo. Huwag ka na umasa!


"Make a baby with kuya," masiglang sabi niya. Parang gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko. Nang mapansin niyang parang hindi ako komportable, nag-salita siya muli. "My mom taught me that babies are made out of love. It's like magic! Don't you want it, ate?"


Natagalan ako maka-sagot kaya nanlaki ang mga mata ko nang si Austin ang sumagot para sa'kin.


"Quiet down, princess. I'm sleeping." Mulat na ang mata ni Austin at hawak na niya ang panyo sa mga kamay niya. 


"Can you make a baby with ate Isabella, kuya?" Dumako naman ang pag-tatanong ni Allyson sa kuya niya. Nang tignan ko ang ekspresyon ni Austin, wala namang nag-bago. Mukha ngang hindi manlang siya nabigla sa tanong ng kapatid niya.


Ay, buti na lang hindi na ako ang tinatanong nito. Umiwas na lang ako ng tingin at dinistract ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-tingin sa bintana dahil ayaw ko na rin marinig pa ang pinag-uusapan nila.


"If your ate wants and allows it... then we will have one soon," sagot ni Austin sa kapatid niya kaya napatingin ako sa kaniya, only to see that Austin was also staring at me intently... na para bang may gusto siyang iparating sa'kin.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

429 103 24
Confession #0: These are the words we were afraid to say out loud. This is a compilation of confessions from the depths of unspoken scars from strang...
12.7K 199 30
Just some Kane Chronicles Headcanons !!These are NOT mine!! Characters belong to Rick Riordan. Cover by ME!
15.9K 278 54
hello! this is my first book so thank you for reading :D This book was purely made because I couldn't find any silverbrush books, so don't take it se...
40.6M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...