Elation From Sudden Royalty (...

By four4ce

35K 1K 117

UNIVERSITY ROYALTIES #2 Isabella Alvarez, a Bachelor of Science in Psychology student from Cosmopolitan Unive... More

I. READ
II. ABOUT
III. CHARACTERS
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Elation From Sudden Royalty
Epilogue
Author's Note

Chapter 17

665 24 2
By four4ce

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2) - Chapter 17


"Kumusta ka naman diyan, anak?" Boses ni mama ang bumungad sa'kin nang tumawag ako sa kanila. Hindi ko na kasi matiis. Mahal ang load para tumawag ng number na nasa ibang bansa kaya hindi ko talaga kinokonsidera tumawag sa kanila, pero ngayon, kailangan ko na talaga sila... kailangan ko sila, kahit marinig manlang ang boses nila, para magkaroon ako ng inspirasyon na tumuloy pa rito kahit mahirap.


"Okay lang ho ako, 'Nay. Masaya... masaya dito. Hindi rin naman nila ako pinipilit gumawa ng mga bagay na 'di ko gusto," sabi ko at na-kagat ang ibabang labi ko. "Kayo nga po ang pinag-aalala ko. Kumusta na po kayo?"


"Eh, ito... stressed at nag-aalala sa kalagayan mo riyan. Ito na namang papa mo nag-iinom pa rin. Nag-bibisyo pa rin. Akala ko pa naman mag-babago na," I sensed my mom's disappointment. She tried to hide her distress through sounding like she's angry, pero kilala ko naman na si mama. Alam ko na palagi niyang gustong intindihin si papa pero nakaka-pagod nga naman kaya nauubusan rin siya ng pasensiya.


Sa totoo lang, kahit ako na-didisappoint. I'm disappointed because before I left the Philippines, I asked my father to stop his vices. Palagi akong umaasa na mag-babago siya, e... pero sa tuwing umaasa kami, na-didismaya lang rin sa huli.


"Nag-aaway pa po ba kayo, 'ma? Sana iwasan niyo na po mag-away, mag-isa na lang kasi si Nathan diyan, baka naririnig kayo ng bata. Iniisip ko rin ho kayo ni tatay, isa't-isa na lang ang mayroon kayo, kaya mahirap naman kung kayo rin ho ang hindi magkaka-sundo."


"Oo naman, 'nak. Hangga't kaya ko, iniintindi ko. Natatakot nga lang ako dahil baka dumating ang araw na hindi ko na siya kayang intindihin pa." Nakaramdam ako ng lungkot sa sagot ni mama. Kahit sino naman talaga... napapagod. Tao tayo, e.

"Si Nathan? Nag-aaral po ba ng maayos?" pag-iiba ko ng usapan.

"Ay, ang batang iyon..." Napatigil sa pag-sasalita si mama at napabuga ng hangin. "Miss na miss ka na niya, 'nak. Palagi siyang tulala."


Tumulo naman ang luha ko dahil doon. Para tuloy gusto kong bumalik sa Pilipinas para sa kanila. Akala ko okay na kami, e... Bayad naman na ang mga utang namin at patuloy rin ang pag-bibigay ng groceries sa bahay namin kada linggo, pero mukhang hindi nga talaga natatapos ang pag-subok.


"Sorry, 'ma." Pinigilan ko ang luha ko. "Sorry."


"Bakit ka naman nag-sosorry?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya.


"Sorry kung wala ako riyan..." Kahit anong pag-pipigil ko ng luha, halata pa rin sa boses ko na paiyak na ako. My voice was breaking, no matter how much I wanted to control it, I couldn't.


"Kami nga dapat ang mag-sorry sa iyo... hindi ba't kami rin ang dahilan kung bakit ka nandiyan? Ikaw na nga ang nag-sakripisyo, ikaw pa ang humihingi ng paumanhin." My mother comforted me. "Hayaan mo, balang araw, mag-kakasama ulit tayo. Mabubuo ulit ang pamilya natin."


Hindi ko namalayang napatay ko ang tawag dahil naiiyak na ako. I was frustrated. I was stressed. It was like my efforts of going here was put into waste.


Alam ko naman na naka-tulong ang pag-papakasal ko kay Austin sa pinansiyal naming mga problema, I'm just frustated that there's a deeper problem that I couldn't fix because I was far away from my family.


"Isabella—" Napatingin ako sa pintuan ng kwarto nang makitang andoon si Austin. Pumunta kasi muna ako sa guest room ngayong umaga para mag-moment mag-isa, ang palusot ko kay Austin na aayusin ko lang gamit ko rito kahit hindi naman talaga iyon ang gagawin ko. Gusto ko lang talaga tawagan sina mama.


Pagka-gising ko kasi kaninang umaga, tulog pa si Austin. Ni hindi nga siya tumabi sa akin. Doon siya sa may couch ng kwarto niya natulog. Nilagyan ko na lang siya ng blanket bago umalis.


Hindi maipinta ang itsura ni Austin ngayon habang naka-titig sa'kin. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko dahil sa taranta.


"Why are you crying?" tanong niya.


"Ah, napuwing lang ako..." pag-papalusot ko.


He didn't seem convinced but he opened another topic, since he noticed I wasn't comfortable with talking about it. "Kumain ka na?"


"Hindi pa..." agad kasi akong dumeretso dito sa guest room pagkagising na pagkagising ko.


"Let's eat," pag-anyaya niya. 


"Austin..." pag-tawag ko sa kaniya kaya napa-tingin siya. "Kailan kaya ako makaka-uwi sa Pilipinas?"


He massaged the bridge of his nose, looking uncertain. "Do you want to go there?"


"Oo..."


"Maybe next year? You're a crown princess of this country... you have a lot to learn and a lot to do." he guessed. "You'll home school here in the palace. You're still a CUA student, but you'll have a homeschooling program. Along side with that, you'll also study briefly about being a leading lady of a country and also continue with studying Arelle's laws and history. You'll have a professional teacher for that."


Parang na-dismaya ako sa dami ng plano nila dito para sa'kin.


"Are you okay?" tanong niya. "I can bring you to the Philippines if you want."


"Talaga?" Nag-liwanag ang mga mata ko.


"Yeah..." Umiwas siya ng tingin at nilagay ang mga kamay sa bulsahan. "I'll bring you there secretly, I'll go with you."


Parang nawalan naman ako ng pag-asa bigla. Paanong secretly, paano siya makaka-punta sa mga lugar na gusto niya secretly, eh prinsipe siya! Halos lahat nga ng galaw niya ay ibinabalita.


"You seem hopeless," he chuckled. "Don't you believe in me?"


"Hindi naman sa gano'n. Pero, paano mo'ko madadala sa Pilipinas nang patago, eh kada galaw mo nga binabalita dahil prinsipe ka."


"I think you forgot that you're now a Crown Princess, sooner or later, you'll ascend to the throne of the Queen. You're not any different from me." Napa-nganga ako sa sinabi niya. Oo nga pala!


"Eh, basta, promise mo 'yan ah." Tinaas ko ang hinliliit ko. "Na idadala mo'ko sa pamilya ko ulit."


"Sorry, I don't make promises." Tumalikod siya para umalis kaya napatayo ako para sundan siya.


"Eh, bakit naman?!" pag-tatanong ko sa kaniya sa gitna ng hallway.


"Promises only lead to expectations which eventually lead to disappointments," sagot naman niya kahit nag-lalakad pa rin. Nag-lakad-takbo pa ako para masabayan ang pag-lalakad niya.


"So, hindi mo tutuparin?" Dismayadong tanong ko.


"Stop pouting, woman." Tinignan niya ako at nanlaki mga mata ko nang pitikin niya ang noo ko.


"Aray!"


"Just because I didn't promise you, doesn't mean I won't fulfill it," sinserong sabi niya habang naka-tingin sa'kin. "I just want to do it in a modern way. No expectations, just pure actions."


Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Wow, ah."


"Kaka-tingin mo, baka ma-inlove ka na niyan," banat niya habang naka-ngisi. Nag-patuloy siya sa pag-lalakad papunta sa dining table at naiwan akong naka-tunganga. Anong ma-inlove?! Kapal, ha! 


Inlove na nga, e!


"Kumusta ang tulog?" Nag-simula na kami kumain pero 'yun agad ang tanong ng hari sa'min ni Austin. Sa mga ngisi nila, parang hindi naman tulog ang kinakamusta nila. 


"Masarap," agad na sagot ni Austin. Napa-nganga na lang ako sa sagot niya. "Masarap 'tong bacon. I missed this," dugtong pa niya.


Maka-I missed this, eh halos araw-araw ito ang almusal. Mga palusot talaga niya.


"'Yung bacon ba talaga ang masarap?" tanong ni Aurian kaya siniko ko siya at sinipa sa ilalim ng lamesa. Hindi na maipinta ang mukha niya ngayon dahil sa sakit. Deserve.


Pagkatapos mag-breakfast, pumunta naman ako sa kwarto ni Austin at umupo sa gilid ng kama niya. 'Di ko alam ang ginagawa ko rito. Siguro ay hinihintay ko siya. Tsaka, 'di ko rin kasi alam kung ano ang task na gagawin ko ngayong araw dahil bagong kasal kami. Inaasahan ko nga na rest day ko dahil 'di ba, kaka-kasal lang kahapon tapos may gagawin pa rin?!


"What happened to that?" turo ni Austin sa daliri kong may paso.


"Ah... hindi ko nga rin alam, e." Napakamot ako sa ulo ko gamit ang isa kong kamay. Sa sobrang paso ng daliri ko, nagkaroon pa ng marka. Sobrang hapdi talaga. Sa totoo lang, dahil ito sa katangahan ko. Sa sobrang lutang ko habang nakain kaninang breakfast, hindi ako gumamit ng tong para sa hotdog na kinukuha ko at ginamit ko ang kamay ko kaya napaso ako nang bonggang-bongga. Sobrang init pa pala no'n.


"P'wede favor?"


"What is it?" tanong niya.


"Patali sana ng... buhok ko." Hiya akong ngumiti habang hawak-hawak ang scrunchie sa isa ko pang kamay. Hindi ko kayang mag-tali dahil sa paso sa daliri ko, lalong hahapdi.


Tumango-tango siya. "Alright."



Lumapit siya sa'kin at umupo rin sa kama, sa tabihan ko. Wala namang malisya ang pag-tatali niya ng buhok ko pero bumilis ang tibok ng puso ko nang mahawakan na niya ang buhok ko.


"Am I doing this right?" tanong pa niya.


"Oo..." sagot ko dahil ang sarap ng pag-susuklay niya ng buhok ko gamit ang mga daliri niya. Nakaka-relax talaga kapag iba ang nag-tatali ng buhok mo. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdam no'n.


"I knew it," pag-mamayabang niya nang kaunti. "I always do this for my sister."


"Ah, kaya pala."


Ako lang ba o ang sweet ma-inlove sa isang kuya? Wala lang, kasi alam nila kung paano mag-alaga at minsan kasi naiisip ko na 'di ka kayang saktan ng isang lalaking may kapatid na babae dahil ayaw niyang maranasan rin ng kapatid niya ang maloko.


Nang matapos niyang itali ang buhok ko ng simpleng ponytail, pinaharap niya ako sa kaniya.


"See? I did it cleanly." May maliit na ngiti sa labi ni Austin habang hawak niya ang chin ko upang i-check kung may magulo ba sa pag-iipit niya.


"Oo na, ikaw na," tumawa ako. Kahit siya ay tumawa rin nang marahan.


Parang sa sandaling iyon, hindi ko matanggal ang mga mata ko sa pag-titig sa kaniya. Nang ibaba ko ang tingin ko, nakita kong suot niya pa rin ang singsing. Akala ko kasi tinatanggal niya dahil nahihiya siyang ipakita na ikinasal siya... sa babaeng 'di niya mahal.


"May dumi ba?" tanong niya, napansin niya yata na antagal kong naka-titig.


"Wala naman... Sinusuot mo pa rin pala iyan."


Tinignan niya ang singsing na nasa ring finger niya. "Of course. Why would I remove it?"


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

12.7K 199 30
Just some Kane Chronicles Headcanons !!These are NOT mine!! Characters belong to Rick Riordan. Cover by ME!
1.1M 27.2K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
1.6M 93.7K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
3.4M 142K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...