Elation From Sudden Royalty (...

By four4ce

35K 1K 117

UNIVERSITY ROYALTIES #2 Isabella Alvarez, a Bachelor of Science in Psychology student from Cosmopolitan Unive... More

I. READ
II. ABOUT
III. CHARACTERS
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Elation From Sudden Royalty
Epilogue
Author's Note

Chapter 10

709 25 1
By four4ce

Elation From Sudden Royalty (University Royalties Series #2) – Chapter 10


"Our parents are fighting."


Tatakpan pa sana ni Austin ang bibig ng kapatid niya pero naunahan na siya kaya napa-singhap na lang siya, nag-tanong kasi ako kung bakit sila dito matutulog. Nasabi na ni Allyson ang gusto sana ni Austin na itago sa'kin.


"Oh, paano 'to? May comforter sa cabinet ko, doon na lang ako sa sahig, kayong dalawa sa kama," sabi ko. Nakaka-hiya naman kung silang dalawa ang sa sahig eh, royal family iyan. Baka maipakulong ako nang wala sa oras.


"No," agad na pag-tanggi ni Austin.


Pinag-taasan ko siya ng kilay. "Saan mo gusto matulog? Sa bubong?"


"You two sleep on the bed," mahinahon na sabi niya. "I'll sleep on the floor. Where's the comforter?"


Pumunta ako sa cabinet ko at kinuha ang isang malaking comforter. Hindi akin 'to, kasama lang talaga sa kwarto na dinatnan ko dito. Binigay ko 'yun kay Austin. "Sigurado ka?" tanong ko.


Tumango naman siya nang hindi ako tinitignan dahil nag-lalatag siya sa sahig ng comforter.


"Alam mo namang galit sa'kin kapatid mo, kahit sa sahig na lang ako. Please," bumulong ako sa kaniya.


"Look, both of you are girls. I can't just let you lie down here," turo niya sa sahig. Sumuko na lang ako, alam ko namang siya talaga ang masusunod sa'ming dalawa.


Walang emosyon akong tinignan ng kapatid niyang si Allyson. "How old are you?" I asked her. Hinanda ko na ang sarili ko na barahin ng bata. May galit 'to sa'kin, e.


"What do you care?" pambabarang sagot ng bata. Sabi ko na nga ba, e. Sana nanahimik na lang ako.


"Don't be rude, Ally. Answer her properly," agad siyang pinag-sabihan ni Austin kaya napa-irap ang bata sa akin. Hindi 'yun napansin ni Austin dahil nag-aayos pa rin siya ng comforter niya.


"6 years old," maiksing sagot niya.


Tumango na lang ako dahil baka kapag nag-salita pa'ko, lalo lang akong mabara. Tinulungan ko na lang si Austin at binigyan siya ng unan na galing sa cabinet.


May binulong si Austin sa bata bago siya humiga sa comforter niya, tinignan pa ako ng bata kaya na-weirdo-han ako. Humiga na lang rin ako sa kama ko kung saan naka-tayo ngayon si Allyson.


Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong hampasin ni Allyson ng unan sa mukha. "Aray."


"What's that for, Ally?" Inagaw ni Austin ang unan mula kay Allyson. "Stop being a brat."


Tumayo ako sa kama ko at hinampas naman si Austin ng unan sa may dibdib. Gusto yatang maglaro nito ni Allyson... kaya ibibigay ko sa kaniya.


Tinignan ako ng masama ni Austin dahil sa pagka-hampas ko sa kaniya, napa-lakas yata.


Napaiwas ako nang ako naman hampasin ni Austin para gumanti. Natawa ako dahil 'di ako tinamaan. Nag-tatakbo tuloy ako nang habulin ako ni Austin at Ally.


Hindi namin namalayan na nag-hahampasan na kami ng unan sa isa't-isa at humahagikhik na si Allyson. Kahit si Austin ay may maliit na ngiti sa kaniyang labi. Nag-liliparan na ang pillow stuffings sa kwarto ko pero okay lang, mukhang magiliw na si Allyson at nasiyahan.


Hindi kalaunan, naka-tulog si Allyson kaya kinumutan siya ni Austin at hinalikan sa noo. "Sleep tight, princess."


When?


I mean, when? Sana all may kuya.


Napatingin naman sa'kin si Austin na naka-luhod sa comforter niya kaya natikom ko ang bibig ko at napa-ayos ng upo sa kama ko.


 "Thank you," sabi niya. "Thank you for distracting my sister. Our parents had a fight, and I didn't want her to hear it that's why I went here. We usually go here at the guest room when our parents are fighting."


"Ah..." Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Walang anuman."


Dahil sa pagod, naka-tulog na rin ako sa kama ko at nagkaroon ng katahimikan sa kwarto.


THE NEXT DAY, nagising ako na may kumot na naka-balot sa'kin kahit 'di naman ako nag-kumot kagabi.


Napagtanto ko rin na wala na sa tabi ko si Allyson. Wala na rin si Austin, na-ligpit na niya pati ang comforter niya. Pag-tingin ko sa phone ko, 7 am pa lang naman. Ang aga nilang umalis. Siguro dahil ayaw nilang mahuli na dito sila natulog sa kwarto ko.


From: Trevor Austin Arellano

Come outside. Aral tayo. Tagal.


Napatingin ako nang makita ko ang chat ni Austin sa Messenger nang buksan ko ang phone ko. Wala siyang profile picture. Nang i-stalk ko, wala ring posts o kahit anong impormasyon. Parang dummy account lang ata 'to, iisipin ng iba na hindi totoong si Prince Austin ang may-ari ng account kaya hindi nila pag-aaksayahan ng panahon. Alam ko kasi umiiwas ang royal family na gumawa ng public social media accounts. 


Nag-bihis ako agad-agad at lumabas ng kwarto ko. Ando'n si Austin, nag-hihintay.


"Kumain ka na?" he asked. Ibang-iba talaga ang morning look niya, ang g'wapo pa rin.


"Hindi pa." Kakagising ko pa nga lang, paano ako kakain?


"I asked Manang to bring our food to the library. Tara," pag-yaya niya at nag-lakad na habang nasa bulsa ang mga kamay niya. Sumunod naman ako.


Pagka-pasok namin sa library, umupo ako ulit sa dati kong pwesto. Si Austin may kinuha.


Imbis na mga libro, whiteboard na may gulong ang hila-hila ni Austin palapit sa'kin.


Anong trip niya?


"Okay... sabi mo hindi ka mahilig mag-basa. I prepared a lesson plan for you which includes Arelle's full history and laws. The only thing you need to do now is listen."


"Ge, Sir Arellano," biro ko.


"Do you know that there's a North and South Arelle? In which are we included?" Hindi pa nga nag-lelesson, nag-tanong na agad.


"South?"


Tumango siya. Nag-saya naman ang diwa ko dahil tama ang hula ko.


"North Arelle experienced massive protests which led to a war, in result, refugees and survivors went to Philippines and to the South of Arelle," he lectured. Talaga? Ngayon ko lang nalaman iyon. Hindi naman kasi ako mahilig problemahin ang mga hindi naman makaka-tulong sa buhay ko, pero si Nathan, ang kapatid ko, sa tingin ko alam niya 'to.


"North Arelle is led by a different royal family. The king and queen died, and their only daughter who's the Crown Princess is nowhere to be found. Some say she's dead," dagdag pa niya.


"Arelle has a form of government which is a Monarchy country. Do you know that?"


"Oo naman," sagot ko. "Magaling kaya ako sa AP dati." Dati. Dati lang.


After a glimpse of Arelle's history, laws naman ng Arelle ang ni-lecture kasunod ni Austin. Nag-sulat pa siya sa whiteboard gamit ang marker na hawak niya, sinulat niya ang mga pinaka-importanteng laws ng Arelle na hindi ko raw dapat makalimutan.


Same-sex marriage is legal.

Divorce is legal.


Ang saya naman pala dito sa Arelle, almost perfect country. Buti pa sa bansang ito, may pakialam ang gobyerno. Malinis ang track records ng mga namumuno. When kaya, Pilipinas?


Sa Pilipinas kasi, kahit maayos ang kalsada, sisirain ulit para ayusin para masabi lang na may ginagawa. Ang mga pangako pa nga ng pulitiko, bente pesos na bigas o kaya mag-papagawa sila ng tulay! Kahit nga walang ilog, gusto nila palagyan ng tulay! Kulang na lang pati ilog ay ipangako nilang gagawin nila sa mga mamamayan.


Dumating ang pagkain namin for breakfast na dala ng isang royal maid gamit uli ang isang cart kaya nasiyahan na naman ang mga mata ko dahil sa nakikitang mga pagkain.


Nag-break muna kami ni Austin bago siya mag-lecture ulit kaya na-enjoy ko ang kinakain ko.


Na-ilang ako nang kaunti dahil habang kumakain, pinag-mamasdan ako ni Austin.


"May problema?"


"Your lips," sabi niya at tinuro ang labi ko. Ha? 


Hindi ko siya pinansin at nagpa-tuloy sa pag-kain. Napa-tingin ako kay Austin nang tumayo siya at lumapit sa'kin. Wala rin siyang paalam na hinawakan ang labi ko gamit ang hinlalaki niya kaya akala ko ay hahalikan niya ako!


Napa-pikit tuloy ako. Nang walang maramdaman, namulat ko ulit ang mga mata ko.


'Yun pala, pinunasan niya lang ang labi ko.


Salubong ang mga kilay ni Austin nang tignan ko siya. Nang mag-salita siya, kulang na lang ay maka-sakal ako sa inis. "I didn't know you're not only good at AP," he chuckled. "You're also good at assuming."


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Arelle is not a real country, just a work of fiction.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 133K 59
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
194K 8.6K 37
Everyone thought they are just colleagues. Nothing more, nothing less. Because who would have thought that the famous Park Sunghoon from the group En...
938K 22.7K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
2.2K 126 10
❝ Long Ago, Lived Monsters, Humans, Mages, and Dragons. All living in peace. Until humanity decided that Monsters, and dragons weren't meant to thriv...