Elation From Sudden Royalty (...

By four4ce

35.5K 1K 117

UNIVERSITY ROYALTIES #2 Isabella Alvarez, a Bachelor of Science in Psychology student from Cosmopolitan Unive... More

I. READ
II. ABOUT
III. CHARACTERS
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Elation From Sudden Royalty
Epilogue
Author's Note

Chapter 8

713 23 0
By four4ce

Elation From Sudden Royalty (University Royalties Series #2) – Chapter 8


"Saan kayo nanggaling?" bungad sa'min ni Austin nang makabalik kami ni Aurian sa loob ng palasyo.

"Nag-pahangin lang."

"None of your business."

Nagka-sabay kami ng sagot ni Aurian at magkaiba pa ang sagot namin!

Nakatingin sa'min si Austin nang walang kaemosyon-emosyon sa mukha kaya nakaramdam ako ng awkwardness.

"Our grandmother is here, and she's finding the both of you," sabi ni Austin bago kami talikuran.

Humarap sa'kin si Aurian at parang may gustong sabihin pero 'di niya masabi.

"Ano 'yun?" sabi ko para hindi na siya mag-dalawang isip pa.

"I'm serious with what I've said," he retorted.

"Alam ko..." parang bulong na lang na sabi ko.

"That's good," sabi niya at nag-lakad na papunta sa kung nasaan ang lola nila kaya sumunod na rin ako.

Sa totoo lang, hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Napaka-aga naman sabihin ni Aurian na siya ang magpapakasal sa'kin kung ayaw ng mga kapatid niya. Gusto ba niya ako? Ang bata pa niya! High school pa lang siya, ako college na!

Sinabi niya rin na nagustuhan ako ni Ares noong nakita pa lang niya ang picture ko.

Unang araw ko pa lang dito pero gulong-gulo na ako agad sa mga nangyayari.


"The Royal Fiancé!" Magiliw na sabi ng isang matandang babae nang makita ako. She's sitting on a vintage couch, holding a cup of tea. She looks sophisticated, nahalata ko agad iyon dahil sa mga alahas na suot niya. May wrinkles siya, but I could sense that she aged gracefully because of her warm smile. Ito ata ang lola nila.

Lumuhod ako sa harap nila at nag-beso ako sa matandang babae at nabigla ako nang yakapin ako nito. "I can't believe that I'm going to have a granddaughter-in-law in two weeks," sabi niya.

"I can't believe that I'm also going to have a daughter-in-law soon, Your Highness," singit ng nanay ni Austin. Andito pala sa tabi ng lola nila ang reyna Tamara.

"It's an honor," sabi ko. Hindi ko alam bakit ko 'yun sinabi pero kasi ingles sila nang ingles at wala na akong maisip na reply sa kanila!

"What a gorgeous lady," komento ng lola nila muli.

"I agree," sabi naman ng mahal na hari. Kabadong-kabado ang sistema ko dahil nandito pala silang lahat.

"Thank you, Your Highness."

Uminom ng tsaa mula sa tasa niya ang lola. "How about moving the wedding to next week?" suhestiyon niya.

HA?! Next next week pa dapat ang kasal, hindi pa naman nila na-iaanunsyo sa publiko pero bakit naman nila gustong mapa-aga?

Tinignan ko ang reaksyon ni Austin na nasa likuran ko pero wala pa rin siyang kaemosyon-emosyon. Hindi manlang siya nag-mamaktol, kaya nanahimik na lang ako at nag-kunwaring kalmado kahit sasabog na talaga ako.


"What do you think, Prince Austin?" King Alexander asked, looking at Austin.

"Whatever you say, Your Highness," sagot ni Austin. Hindi manlang ngumiti kahit kaunti.


"Okay then, let's move the wedding to next week." Nanlaki ang mga mata ko nang makapag-desisyon agad ang hari.

"Ayaw mo ba, Isabella?" tinignan ako ng reyna. Nahiya tuloy ako.

"Do you object?" tanong naman ng lola nila. "Ayaw mo?"

"Ha? Gusto po." Lalong nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong double meaning ang sinabi ko. "I mean, I'll go with any of your order, Your Majesty. I will always obey."

Natawa sila dahil sa akin. Gusto ko na lang magpa-lamon sa lupa. Ayaw ko kayang makasal sa matapobreng iyon! Tapos ngayon lalo pa nilang ipapa-aga ang kasal, ayaw ko na talaga!

"Okay. We'll announce the wedding publicly tomorrow. It will be next week," sabi ng hari.


Buti na lang talaga at hinayaan na kaming umalis dahil may pag-uusapan pa raw ang lola, hari, at reyna.

Dumeretso ako sa kwarto ko agad nang mapagtantong mag-gagabi na.

Parang ayaw ko nang mag-hapunan, wala akong gana. Kahit gaano ka-rami ang pagkain dito sa palasyo, wala pa ring tatalo sa lutong bahay nila mama't-papa. Kahit onti lang ulam namin o 'di kaya minsan wala pa kaming ulam, ang mahalaga, masaya kami.

May kumatok na royal maid sa kwarto ko upang yayain ako kumain ng hapunan pero sabi ko busog na ako at may kailangan pang aralin.

Mag-aaral na sana ako ng ilan sa history ng Arelle pero ang ending, humiga na lang ako sa queen-sized bed ko at naka-tulala sa kisame.

Naisipan kong mag-text sa pamilya ko.

To: Alvarez Family GC 💜
Kumain na po ba kayo?

To: Alvarez Family GC 💜
Miss ko na kayo sobra.

Tumitig ako muli sa kisame habang nag-hihintay ng reply. Malambot ang kama na hinihigaan ko pero wala pa ring tatalo na humiga sa sahig o sa kama na hindi kalambutan pero ang mahalaga, katabi at kasama ko ang aking totoong pamilya.

From: Nathaniel Alvarez to Alvarez Family GC 💜
kumain na kami, ate

From: Mama to Alvarez Family GC 💜
Miss k n rin namin. Ok ka lng ba diyan nak? 🥲
Muzta naman?

Nag-dalawang isip muna ako sa isasagot ko bago mag-tipa ng i-rereply ko.


To: Alvarez Family GC 💜
Mabait naman po sila sa'kin, pinaramdam nila na belong ako. Okay naman po.

Nakagat ko ang ibabang labi ko bago mag-tipa ulit.


To: Alvarez Family GC 💜
Masarap po mga pagkain dito pero mas masarap pa rin ang luto niyo, mama at papa.

Sa pag-hihintay ko ng reply nila, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

THE NEXT DAY, nagising ako at parang kulang na kulang ang tulog ko. I think I'm homesick. Nag-alarm ako ng maaga kagabi para magising ako ng maaga ngayon dahil nahihiya akong late bumangon sa lugar na hindi naman ako komportable.

"Bakit ka nandito?" Nagulat ako nang makita si Ares na nag-hihintay sa may labas ng pintuan ng kwarto ko.

"Ako ang mag-tuturo sa'yo, 'di ba?"


I realized what he said in the limousine noong papunta kami sa airport kahapon, sabi niya na siya na ang mag-tuturo sa'kin ng history ng Arelle. Parang nailang ako bigla nang maalala ang mga sinabi sa'kin ni Aurian tungkol kay Ares at Austin.


"What are you saying? Ako ang mag-tuturo sa kaniya." Bigla na namang sumulpot si Austin na nasa likuran na ni Ares ngayon. Naka-suot si Austin ng puting sweater. "Grand mother said I'll be in charge of teaching her so that we'll get to know each other. It's a royal order."

Salubong ang kilay ni Ares pero hindi siya sumagot. Umatras siya, umirap nang patago, at nag-lakad paalis. Makapangyarihan naman pala talaga ang "royal order" nilang iyan, parang kapag sabihin mo iyan sa mataas ang pride, mapapa-atras pa rin siya kahit sumunod.


 Kahit nga yata sabihin mo ng "Kill yourself. It's a royal order.", susundin pa rin nila.


"Shall we?" Austin asked.

"Saan tayo pupunta?"

"The castle's library," maikling sagot niya.

"Okay," I tried to answer coldly too. "Pero, mag-bibihis muna ako, sandali." Tumango siya kaya sinara ko na muli ang pintuan ng kwarto ko at nag-hanap ng maaaring suotin.

Kahapon, bago matulog, nilagay ko ang mga damit ko sa walk-in closet na nasa kwarto ko. Onti lang ang mga damit ko kaya hindi ako nahirapan ilipat ang mga iyon mula sa sako bag papunta sa closet. Humanga ako dahil may mga hanger pang kulay silver at gold doon sa walk-in closet, may salamin din doon para makapag-bihis at makapag-fit ng mga damit.

Litong-lito ako sa isusuot ko kaya med'yo natagalan ako pumili ng isusuot. Napailing na lang ako at dumampot ng kulay puti rin na sweater na regalo sa'kin noon ni mama at isang gray skirt. Gusto ko mag-dress kasi parang 'yun ang bagay na suotin palagi sa palasyo kaso wala naman ako gaanong dress, skirt na lang muna.


Pagka-labas ko ng kwarto ko, napa-uwang ang labi ko nang mapagtantong parang terno ang suot namin ni Austin. Naka-puti nga rin pala siyang sweater na may maliit na tatak na "A" sa may right side tapos naka-gray pa siyang sweat pants. Kahit siya ay napatingin sa suot ko.


Kung minamalas nga naman.


"Saan ba 'yung library? Tara na!" pag-yaya ko para ma-divert ang atensyon niya.


"What a way to have couple clothes," mahinang bulong niya bago nag-lakad.


"Assuming. Wala na kasi akong masuot!" 


Sinundan ko siya sa may malaking staircase. Anlaki pa pala ng second floor nila, ang daming pasikot-sikot. Umakyat ulit kami ng hagdan na maliit bago kami madala sa isang bridge. Namangha ako dahil kitang-kita mula sa bridge na ito ang view ng Arelle. Nauna na pumasok sa library si Austin, pero ako ay nakatulala pa rin. I was in awe of so many magnificent sights in Arelle.


"Isabella," pag-tawag niya sa'kin kaya napatingin ako. "Let's go."


Sumunod na ako sa kaniya na pumasok sa isang wooden na pintuan na malaki. Pagpasok, isang sobrang laking library ang bumungad. May second floor pa ang library at parang lahat na yata ng klase ng libro ay andito.


"Magugustuhan ni Chandra ang lugar na ito." Mahilig pa naman siya sa mga libro.


Napa-iling ako dahil nasabi ko pala ang nasa isip ko nang malakas kaya narinig ni Austin.


"Yeah, she surely will," sabat ni Austin.


Hindi ko alam ang dapat maramdaman sa sagot niya. Umiwas na lang ako ng tingin at dinistract ang sarili ko sa pag-sipat ng mga libro na nadadaanan ko.


"Anong mga libro ang kailangan natin?" tanong ko.


"I'll get them for you, mag-libot o umupo ka na lang."


Umupo ako do'n sa table na may apat na upuan at hinintay siya. Humanga ako sa library pero ayaw ko naman maging mapagkunwari at mag-libot pa, hindi naman ako mahilig sa libro, mas mahilig ako manood. Ayaw ko rin kahiligan ang mga gusto ng babaeng gusto ni Austin.


Pag-balik ni Austin matapos ang ilang minuto, may dala na siyang patong-patong na mga libro. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano, ang dami naman ng aaralin ko!


"Read and study these." Nilapag ni Austin ang sandamakmak na libro sa harapan ko. Gusto ko mag-dabog.


"Hindi kasi ako mahilig sa libro..." mahinang sabi ko.



Nanlaki ang mga mata ko nang biglang mag-lakad papalapit sa'kin si Austin at lumuhod sa may harapan ko, tumitig pa siya sa mga mata ko. "Hindi rin naman sila mahilig sa'yo."


Saktong magkalapit ang mga mukha namin, biglang may nag-bukas ng malaking pintuan ng library. Akala ko kung sino, royal maid pala. May dala-dalang cart na may mga breakfast foods.


"The Queen ordered to bring you food here so that you won't be disturbed, Your Majesty," sabi niya at nag-bow bago iniwan ang cart doon sa may gilid namin.


"Ang sarap naman niyan." Kinuha ko agad ang nakita kong pancake na parang bata. Meron pa silang chocolate syrup!


"You're like a kid," he chuckled. Naka-upo na ulit siya sa upuan niya ngayon. Hindi ko pinansin dahil 'di naman kami close. Ano siya, gold? "Continue studying," dagdag niya pa kaya napasimangot ako.


"The people of Arelle hates wasting time. That's why we're used to multi-tasking," pag-papaliwanag niya. Para manahimik na siya, nag-basa na lang rin ako kahit nakain pa'ko. Kung ako may binabasa, siya rin meron.


Tambak-tambak na ang mga nabasa kong libro pero parang walang napasok sa utak ko. Hindi talaga ako mahilig sa mga libro.


"Libro ba talaga kailangan aralin? Bawal bang mag-lesson ka na lang sa'kin na parang teacher?" tanong ko. Hindi lang kasi history ng Arelle ang pinapabasa niya sa'kin, kahit ang mga batas at panukala dito sa Arelle ay pinapa-memorize niya rin sa'kin.


"You want that?" he was waiting for an answer when he bit his lip and spoke again. "Alright."


Nang malapit nang mag-lunch, napag-desisyunan naming tapusin na ang pag-aaral, mamaya naman daw. Buong araw talaga ang gagawin naming mga pag-aaral at pag-sasanay dahil halos isang linggo na lang, kasal na.


"Sa kwarto ko na lang aaralin 'yung iba." Ngumiti ako.


"Alright." Tumango-tango siya. "Get them in my room later." Tinutukoy niya ang mga libro.


"Eh, 'di ba bawal akong pumasok doon?" takang sabi ko.


"I'm sorry, Isabella..." naka-yuko siya at umiiwas ng tingin. "I'm sorry for hurting you with my words, I didn't mean it. Tell me how I can make it up to you.


"Chandra... Chandra is actually my first love," pag-kukuwento niya. "I wanted her to be my last, but..." Tumingin siya sa'kin.

Kailangan pa ba talaga niyang sabihin sa'kin iyon nang harap-harapan?


————————————————————————————————————————————————————————————————————————

Continue Reading

You'll Also Like

5.2K 183 7
There's a mystery afoot in New York City, and Spider-Woman must go toe-to-toe with a mysterious vigilante, who goes by the name of Red Hood. Subseque...
1.4M 33.8K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
46.9K 1.4K 16
You met Lin at "Hamilton" auditions, and since then, you've had a huge crush at him. Then, you're introduced to your best friend's new boyfriend... a...
60.1K 2.5K 19
If there was one person (Y/n) (L/n) hated, it was Peter Parker. His very existence was annoying to her, and the mutual feeling of hatred was returned...