South Boys #2: Heartbreaker

Oleh JFstories

13.4M 748K 524K

He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrer... Lebih Banyak

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
The Final Chapter
Epilogue
message-bonus chapter-announcement
BONUS CHAPTER
SOUTH
Serial Charmer

Chapter 47

170K 10.5K 6.5K
Oleh JFstories

SUMILIP AKO SA BINTANA NG KWARTO.


Mula sa pwesto ng aking kwarto ay matatanaw ang gate sa ibaba. Sa tulong ng liwanag mula sa lamppost ay nakita ko na lumabas ang kulay puti na kotse ni Jordan at pumarada iyon sa labas ng madilim na kalsada.


Bumaba siya ng kotse para isara ulit ang gate. Nagulat ako nang tumingala siya sa gawi ng aking kwarto. Isinara ko agad ang kurtina at lumayo ako sa bintana.


Bumalik na ako sa paghiga sa kama. Kakatwa na kahit kagigising ko pa lang ay naging mabilis sa akin ang makatulog ulit. Parang ang mga puyat ko sa nakalipas na mga taon ay ngayon ko lang naramdaman lahat.


Alas nueve na ako nagising kinabukasan. Matapos kong ilagay sa closet ang ilan kong mga gamit ay naligo ako. Isang light blue na backless at high waist slit boho floral maxi dress ang aking isinuot. May sariling foam ito kaya hindi na ako nag-abalang mag-bra.


Ang medyo basa ko pang buhok ay hinayaan ko na nakalugay lang.


Pumili ako ng isusuot sa mga wide bangles na nasa lalagyanan ko ng accessories. Iyong simple at plain white ang aking pinili. Tinungo ko na ang pinto pagkatapos.


Saktong 10:00 am na ako nakababa sa sala. Naroon sina Ninong Luis at Mommy. Magkatabi sila sa sofa habang may tinitingnang magazine na tungkol sa mga interior ng bahay. Galing iyon sa firm nina Jordan. Sunod na ipapa-renovate ang bahay nila sa Alabang kaya siguro nagtitingin-tingin sila ng mga design.


Ayon sa pagkakarinig ko ay malaki ang bahay na iyon. Nasa 350SQM. Itong bahay namin dito sa Navarro ay umabot lang naman sa 150SQM sa kadahilahang binili ni Ninong Luis ang lupa na nasa likuran namin.


Napansin agad ako ni Mommy. "Darling, kagigising mo lang?"


"Kani-kanina pa, My. Nagligpit pa kasi ako ng mga gamit ko." Napangiti ako nang makitang nasa carpet ng sahig si Levi. Nakadapa ang mag-a-anim na taong gulang na bata habang nagkukulay sa coloring book.


"Hello, pretty!" bati ni Levi sa akin nang mag-angat siya ng mukha mula sa ginagawa.


"Hello to you too, handsome."


Bumalik ulit sa pagkukulay ng coloring book niya si Levi. Si Mommy naman ay iniwan muna saglit si Ninong Luis sa sofa.


"Are you hungry? Hindi ka bumaba kagabing 7:00 pm para mag-dinner. Hindi na rin kita pinuntahan sa kwarto mo para gisingin dahil tulog na tulog ka raw."


'Raw'? Bakit sino ba ang pumunta sa kwarto ko around that time kung hindi si Mommy?


Napatingin ako kay Levi na nakadapa pa rin sa carpet ng sahig at abalang nagkukulay sa coloring book. Siguro siya ang pumasok sa aking kwarto kagabi at nagsabi kay Mommy na mahimbing ang tulog ko.


Hindi ko na binanggit na nagising pa ako nang midnight.


"Nagluto ako ng afritadang manok para sa tanghalian natin. Ibinili ka rin ng Ninong Luis mo ng cake. Gusto mo na bang kumain?"


"Levi, stop that!" saway ni Ninong Luis na nagpalingon sa amin ni Mommy.


Pati ang sahig ay kinukulayan na rin ng crayons ni Levi. Imbes na makinig sa pananaway ni Ninong Luis ay lalo lang nagpakitang gilas. Pati ang bagong sofa ay muntik na ring kulayan ng crayons.


Nang akma lalapitan ni Ninong Luis si Levi ay tumayo agad ang batang lalaki at nanakbo sa pinto.


Bumukas ang pinto at pumasok mula roon si Jordan. Jeans and plain white longsleeves polo ang suot niya na bukas ang dalawang butones sa gawing dibdib.


Nandito ulit siya? Ah, right. He was the architect.


"Ninowng Jordan!" tili ni Levi sabay kapit sa kamay ng dumating na lalaki.


Hinimas ni Jordan ang ulo ng kapatid ko. "What's up, little man?"


"Ninowng Jordan, give me yowr phone, pleash! I will call Hyde becosh I want to play with him!"


Hyde?


"Levi!" saway ni Mommy. Lalo namang nag-tantrums si Levi.


Si Ninong Luis ay kinarga agad si Levi at kunwari'y ginawang si Superman. Inilipad-lipad pataas sa kisame. Nang mawala ang sumpong ng anak ay saka lang ibinaba.


Naiiling na lang si Mommy habang nakatingin. "'Yang kapatid mo, habang papalaki ay lalong nagiging maldito. Ito namang ama, kunsintidor."


Ngumiti si Ninong Luis sa akin. "Selos lang 'yang mommy mo kasi mas love ako ni Superman. Right, Superman?" Kiniliti niya sa tiyan si Levi.


Napahagikhik naman ang kapatid ko. "Yesh, I love daddy more than mommy!!!"


Inirapan ni Mommy si Ninong Luis bago ako hinarap. "Darling, ano gusto mo na bang kumain?"


Maaga pa para sa tanghalian. Wala pa rin naman akong gana dahil sa nalipasan ako ng gutom kagabi kaya hihintayin ko na lang na mag 11:00 am.


"My, uuna na ako sa kusina," paalam ko.


Sa kusina ako tumambay. May dalawang manggagawa roon na kumukuha ng mga plato at ibang utensils. Nang makita nila ako ay bumati sila sa akin.


"Kakain na po kayo?" magalang na tanong ko sa kanila.


"Opo, Ma'am. Sa rooftop kami kakain. Inorderan kami ng maraming pagkain ni Architect."


Tinanguan ko ang dalawang lalaki. Nang wala na sila ay naghanda na ako ng mga plato sa mesa. Apat na plato ang inilabas ko. Isa sa akin, isa kay Mommy, isa kay Ninong Luis, at isa kay Levi. Nilagyan ko rin ng mga baso at kubyertos.


Dahil wala pa sina Mommy ay naupo muna ako sa upuan. Habang naghihintay ay nag-cellphone muna ako. Kumonek ako sa wifi at nag-download ng mga social media apps.


Bukod sa coffee shop ay plano ko rin na magbenta ng mga cosmetics since isa iyon sa mga bagay na gusto ko. Syempre kakailangan ko ang social media para makakuha ng dagdag na ideas at makapag-promote ng business.


About time na rin para bumalik ako sa social media. Dahil matagal nang accounts ko noon ay wala na ang mga ito. Gumawa na lang ako ng bago. Inuna ko ang pagsa-sign up sa Facebook.


Ang ginamit kong profile photo ay ang half body bikini selfie ko sa harapan ng salamin. May bulaklak pa ako sa buhok dahil nasa isang resort ako nito sa Bali, Indonesia. That was my first vacation this year.


Sandali lang ay may apat na friend requests na agad ako. Mga hindi ko kakilala kaya hindi ko in-accept.


Nakita ko agad ang FB ni Mommy: Clara Mercado-Fernandez. Ang profile photo ay ang baby photo ni Levi. Sa cover photo naman ay prenup nila ni Ninong Luis.


In-add ko si Mommy pati si Ninong Luis. Lumabas ang isang ilang suggested accounts pagkatapos. Natuon ang atensyon ko sa isang account na ang profile photo ay black and white na seryosong kuha ng character na si Monkey D Luffy.


Jordan Moises Herrera.


Nilampasan ko ang account.


Naghanap din ako ng iba pang i-a-add. Inuna kong hanapin si Sussie. Malamang magugulat siya. Nakita ko naman agad ang profile niya. Naka-private at walang cover photo kaya ang profile photo lang ang nakita ko.


Kuha ng college graduation niya ang nasa photo. Napangiti ako nang makita ang medal na nakasabit sa leeg niya. Pagka-add ko ay naghintay ako ng ilang minuto pero hindi pa rin niya ina-accept. Mukhang hindi siya active ngayon.


Sumunod kong hinanap ay ang mga dati kong tropa. Nagtipa ako sa search bar: Asher James Prudente.


Sandali lang ay nakita ko na agad ang account ni Asher. Ang cover photo ng lalaki ay ang malawak na karagatan. Sa profile photo naman ay seryoso siya habang naka-side view. Parang matinong tao. Nakasuot siya rito ng puting uniforme na pang seaman, at mukhang wala siya ngayon sa Pilipinas.


Pangalawa kong hinanap si Miko Pangilinan. Mukhang nag-asawa na ang loko. Ang profile photo niya ay isang cute na batang lalaki. Mga dalawang taong gulang siguro ang edad at kamukhang-kamukha niya. Mukha ring emotero paglaki.


Nang tingnan ko ang info sa account ni Miko ay married na nga siya. Ang ikinagulat ko ay kung sino ang kanyang napangasawa. Si Zandra na kinakapatid ni Arkanghel. Tsk, kapag kinakarma ka nga naman talaga.


May mga tagged photos sa wall ni Miko. Puro halos si Zandra ang nagpo-post. Mukhang okay naman ang pagsasama nila. Mukha ring nag-matured na sila pareho. Marami silang sweet photos. Marami ring family travel photos na kasama ang baby nila.


Si Nelly na dapat ay sunod kong i-a-add ay nauna nang mag-add sa akin. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang timbre ng babae. Nakita niya agad na may Facebook na ako. 


Nakakatuwa dahil matino na ang pangalan ni Nelly sa Facebook ngayon. Hindi ko nga lang gaanong mabistahan ang itsura niya dahil gumamit siya ng dog filter sa kanyang profile photo.


In-accept ko agad ang kanyang friend request. Nag-scroll agad ako sa wall niya dahil na-miss ko rin naman siya kahit buong high school yata ay pinasakit niya ang ulo ko.


Marami siyang posts na selfie. Iyon nga lang ay hindi ko na halos makita ang kanyang mukha. Parang malapit nang mabura ang mukha niya dahil sa filter o dahil sa liwanag ng araw. Hindi ko alam kung alin sa dalawa.


Sa wall niya rin ko nakita na na tatlo na pala ang anak niya. Parang two years old ang pangalawa niya at ang bunso ay one years old and edad. Napansin ko rin na iba na ang kinakasama niya ngayon. Mukhang natuluyan na silang maghiwalay ng dati niyang ka-live in na papa ng inaanak kong si Saialyn.


Nauna na akong mag-pm sa kanya.


Me: Nelly, balita?!


Mabilis naman akong nakatanggap ng reply sa kanya.


Nelly: Carlyn, ikaw ba talaga yan? Bakit bigla kang nawala? Mag-aanim na taon na! Bakit ngayon ka lang?!!!! *10 pcs crying emoticons*


Napangiti ako. Hindi pa rin siya nagbabago. Nag-chat kami saglit. Nagkumustahan. Bago na pala talaga ang kinakasama niya. Masaya naman siya sa buhay kaya ayos lang. Tanggap din ng bago niya ang kanyang panganay na anak sa unang partner.


Dahil maliliit pa ang mga anak ay pinaaalagaan niya ang mga ito sa nanay ng bago niyang kinakasama. Swerte siya dahil mabait at matiyaga ang kanyang biyenan. Mahal na mahal siya at ang mga anak niya.


Ngayon ay nagta-trabaho si Nelly sa isa sa mga pabrika sa loob ng Epza habang nag-o-online selling tuwing off niya. Nakakuha na rin siya ng rent to own house sa isang subdivision dito rin sa General Trias, Cavite. Magkakapisan sila ngayon bahay na iyon.


Nelly: Si Isaiah di mo ba kukumustahin?


Me: Add ko pa lang sana. Anyare na pala roon? Me balita ka kung buhay pa?


Nelly: Oo alive and kicking pa si Engineer!


Wow, naging engineer pa iyong tukmol na iyon? Ang huling balita ko kasi ay nabuntis ni Isaiah si Vivi after graduation. Di ko sure kung binuhay pa ba siya ng daddy ni Vivi o baka ipina-salvage na siya.


Nelly: Kakagraduate lang ni Isaiah. Naghahanda siya para sa board exam. Kumustahin mo naman. Alam mo bang sobrang kawawa iyon. Iniwan siya ng lahat.


Naalala ko ang tungkol sa pinsan ni Isaiah na si Arkanghel. Mula nang malamang ampon lang si Arkanghel ay umalis na ang lalaki sa kanila. Tapos mukhang iniwan din siya ni Vivi. Malamang na nadurog si Isaiah sa mga panahong iyon. Anyway, same.


Me: Ge, pag may time ako pupuntahan ko siya sa kanila. Doon pa rin kaya sila nakatira?


Nelly: Oo. Pinaayos iyong bahay nila sa PK2. Pero alam ko na nasa Manila siya ngayon.


Nagtipa ako ng sagot kay Nelly.


Me: Sige, bahala na basta ha-huntingin ko na lang siya. Sisingilin ko siya sa mga atraso niya sa akin.


Nelly: Doon magtatrabaho si Isaiah sa kompanya nina Arkanghel habang nagre-review siya. Alam mo ba ang latest chika? Mayaman pala tunay na mga magulang ni Arkanghel!


Napaka-updated pa rin talaga ni Nelly. Breaktime niya sa work kaya dami niyang time na magkwento.


Nangingiti ako habang nagti-tipa. Matagal-tagal na nang huli akong magkaroon ng messenger at makipag-chat. Nakakamiss lang sa pakiramdam.


Nabura lang ang aking pagkakangiti nang maramdaman kong may nakamasid sa akin. Tumingin ako sa pinto ng kusina. Kumunot ang aking noo nang makitang nakatayo roon si Jordan.


Kailan pa siya roon?


Ilang sandali na naghinang ang mga mata namin. Ako na ang naunang nagbaba ng tingin.


Bumalik ako sa pagse-cellphone na para bang walang ibang tao sa paligid. Kahit nakakalunod ang presensiya niya ay sinikap ko na wag siyang tapunan ng kahit katiting na pansin.


Mahigit sampung minuto siguro ang lumipas bago dumating sina Mommy. Nakaakbay sa kanya si Ninong Luis habang ang kapatid kong si Levi ay nangunguna sa kanila ng pagpasok sa kusina.


Nang mabistahan ni Mommy na apat lang ang plato na inihanda ko sa dining table ay binalingan niya ako. "Darling, Jordan will join us for lunch."


"Hindi ko alam," kaswal na sagot ko.


Si Mommy ang kumuha ng isa pang plato at sa mesa. Nilagyan niya rin ng kutsara at tinidor. "Jordan, dito ka na," tawag niya sa lalaki. Ang pwesto ay sa katabi ni Ninong Luis na katapat ng kinauupuan ko.


Nang dumulog na sila sa hapag ay may mga pinag-uusapan pa rin sila. Tungkol karamihan sa ire-renovate na bahay sa Alabang. Ang firm din nina Jordan sa Manila ang kukunin. Nagustuhan ni Ninong Luis ang trabaho ng tito ni Jordan na may ari ng firm. Saka siguro, nagustuhan din ni Ninong Luis ang pagiging hands on ni Jordan. Na nasobrahan na nga yata. 


Wala akong imik sa kinauupuan dahil wala naman akong kinalaman sa pinaguusapan nila. Ina-assist ko na lang sa pagkain ang katabi kong si Levi.


Habang nakikinig ako kung paano talakayin ni Jordan ang renovation project ay bahagyang tumitikwas ang isang kilay ko. Magaling siyang magpaliwanag at malinis siyang magsalita.


Kasisimula niya lang sa propesyon pero kung magsalita siya ay parang kabisado niya na ang lahat. Sabagay, bukod sa matalino at masipag ay nariyan ang Spanish architect niyang paternal grandfather. Malamang na hinasa siya sa firm nito sa Madrid.


"Ah!" nganga ni Levi sa akin. Hindi ko na pala siya nasusubuan dahil sa pagkakahulog ko sa pag-iisip.


"Let him eat by himself, darling. Marunong na 'yan," sabi ni Mommy sa akin.


"It's okay, My." Sinubuan ko naman ulit ang bata ng kanin at ulam. "Namiss ko itong poging ito e."


"Ah again, pretty!" Muling ngumanga matapos lantarang i-ignore ang sinabi ni Mommy.


Pigil ang ngisi ko dahil alam na alam kong nag-iinarte lang si Levi. Ayos lang naman sa akin dahil namiss ko ring pagsilbihan at alagaan ang kapatid ko.


Hindi na ako nakakain nang maayos dahil si Levi ang mas pinakain ko. Si Mommy ay naiiling na lang habang nakamasid sa amin.


"Hayaan mo na, naglalambing lang iyong bata sa ate niya," pang-aalo ni Ninong Luis kay Mommy.


Habang pinapakain ko si Levi ay nararamdaman ko ang mga tingin sa akin na mula sa lalaking kaharap ko sa mesa. Hinayaan ko lang iyon at inignora.


Nang makatapos kumain ay tinulungan ko si Mommy sa pagliligpit. Si Ninong Luis ay naka-receive ng importanteng tawag kaya kinakailangang umalis. Si Levi naman ay nakabuntot sa daddy niya at ngayon pa naisipang mangulit. Sinundan naman sila ni Mommy sa labas.


Naiwan kaming dalawa ni Jordan sa kusina. Tahimik na itinuloy kong mag-isa ang pagliligpit.


Ang inaasahan ko ay pupunta na si Jordan sa sala kaya nagulat ako nang tumulong siya. Kinuha niya ang mga ginamit naming baso at isinunod sa akin sa lababo.


"I can do this myself," flat at mababa ang tonong sabi ko.


Huminto naman siya at hindi na tumulong pa. Pero hindi siya umalis.


Hanggang sa paghuhugas ko ng mga plato ay nasa likod ko pa rin siya. Nakasandal siya sa mesa at hindi ko gustong iimahe ang kung ano mang reaksyon ang meron siya sa mga sandaling ito.


Nararamdaman ko ang umaapaw niyang presensiya kaya hindi ako makakilos nang matino. Binilisan ko ang pagsasabon at pagbabanlaw sa mga pinagkainan. Sinikap kong makatapos agad para makabalik na ako sa aking kwarto.


Nang matapos sa paghuhugas ay inisa-isa kong punasan ang mga plato ng malinis na basahan. Hindi ako nagtatakangka na lumingon sa aking likuran.


Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas ng mga hinugasan nang umabante si Jordan. Napatiim-bagang ako ng walang pasabi niyang kinuha ang mga napunasan ko na. Siya ang nagsalansang ng mga iyon sa cabinet.


Nakasunod ako ng tingin sa kanya habang kumikilos siya. Humigpit ang pagkakakapit ko sa aking hawak na pamunas.


Nang tumingin sa akin si Jordan ay nagbaba ako ng mga mata. Binitiwan ko ang pamunas. Naririto pa ang mga pinunasang baso kung gusto niyang isalangsang ang mga iyon sa lalagyanan. Bahala na siya.


Walang imik na nilampasan ko siya. Iniwan ko na siyang mag-isa sa kusina. Kung balak niya pang magtagal doon ay nasa kanya na iyon.


Nag-check ako ng phone pagkaakyat ko sa kwarto. In-accept na ako ni Sussie sa Facebook. Wala siyang message o anupaman. Ako ang unang nag-hi sa kanya sa chat.


Me: Hi, BFF. Galit ka ba? *sad emoticon*


Ilang beses na nag-appear ang 'typing message' pero walang message na dumating mula sa kanya. Hindi ko napigilan ang aking pagngiti. Kilalang-kilala ko si Sussie at sa tingin ko ay hindi pa rin siya nagbabago.


Pinatay ko na ang wifi. Naligo ako at nagbihis. Pupuntahan ko si Sussie sa kanila. Hindi kami magiging okay kung maghihintayan lang kami sa chat. Namimiss ko na rin siya at gusto ko siyang makita.


Kalalabas lang ng magkahawak kamay na sina Mommy at Ninong Luis pagkababa ko sa hagdan.


"May lakad ka?" tanong ni Mommy sa akin nang makitang bihis na bihis ako.


Isang nude bodycon dress ang suot ko at sa paahan ay nude ring high heeled ankle strap sandals. Wala akong make up at basta nakataas sa pagkaka-bun ang aking buhok. Ang tanging bitbit ko ay isang color black quilted Chanel caviar leather shoulder bag. Sa accessories naman ay isang kulay itim na wide bangle sa aking kaliwang pulso.


"Yes, My." Iginala ko ang aking paningin sa paligid. "Where's handsome Levi?"


"Naglalaro ng PS4 sa kwarto niya." Si Ninong Luis ang sumagot. "Do you need a driver? Nandiyan si Kuya Nato sa labas," tukoy niya sa driver.


Umiling ako. "No. Thanks. Malapit lang naman ang pupuntahan ko, so nagbook na lang ako ng Grab, Ninong."


"Alright. Take care."


Nagpaalam na ako at lumabas ng bahay. Sandali lang kasi ay nariyan na ang Grab car na ibinook ko. Sa garahe ay dalawang kotse ang naroroon. Isa ay iyong ginamit na pangsundo sa akin sa airport at iyong isa na nasa dulo ay pagmamay-ari marahil ni Jordan.


Binati ako ng mga manggagawa na nakatambay sa harapan ng bahay. Pahinga nila dahil katatapos lang ng tanghalian. Nginitian ko sila saka lumabas na ako ng gate.


Nariyan na ang binook ko na Grab kaya nakaalis na ako agad. Nagpahatid ako sa bahay nina Sussie. Pagkarating ay excited ako na bumababa ng kotse.


Dahil mababa lang ang gate nina Sussie ay nakita ko agad siya na nagwawalis sa harapan ng bahay nila. Muntik ko na siyang hindi makilala dahil ang payat niya na. Hindi sobrang payat pero talagang nabawasan siya kaysa noon.


Hindi ko muna siya tinawag. Pinagmasdan ko lang muna ang kanyang bawat galaw. Pino at ang hinhin pa rin ng bawat kilos niya. Ang maamo niyang mukha na noon ay kababakasan ng kainosentehan ay ngayo'y bahagya nang nagmatured. Lalo siyang gumanda.


Nang matapos siyang magwalis ay nagpakawala siya ng buntong-hininga. Nang maramdamang may nakatingin sa kanya ay saka lang gumala ang paningin niya sa paligid. Nang mapatingin siya sa akin ay napanganga siya.


"Hi, BFF!" Kinawayan ko siya.


Ang mga labi niyang nakaawang sa pagkagulat ay tumikom at bahagyang humikbi. Wala siyang masabi habang nakatingin pa rin sa akin.


Inabot ko ang tarangkahan ng gate nila saka ako pumasok sa loob. Napahikbi rin ako habang nakatingin sa kanya. "Sussie, galit ka ba?"


Lalo siyang napahikbi at saka bumunghalit ng iyak. Para siyang bumalik sa pagkabata na biglang nagmaktol at sumugod sa akin ng yakap. "I hate you!" sigaw niya na mahigpit ang pagkakayakap sa akin.


Napaiyak na rin ako sa kanyang balikat. Hinahagod ko ang likod niya habang umiiyak kaming pareho.


"Ang sabi mo, magkikita tayo bago ka aalis! Bakit mo ako binigla?! At bakit hindi ka man lang nagparamdam?! Nang nawala ako noon, ilang taon lang, pero ikaw, ang tagal! Ang daya mo!"


"Sorry na." Sumisinghot na lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Ginantihan lang naman kita para alam mo kung ano ang pakiramdam ng ghinost."


Basang-basa ng luha ang mga mata niya nang humiwalay sa akin. "Mas matagal iyong sa 'yo, e!"


Ngumisi ako kahit luhaan. "Sorry na nga talaga."


Matalim ang mga tingin niya sa akin bagaman luhaan siya.


"Bati na tayo, please?" paglalambing ko sa kanya.


Sa sobrang pagkahulog namin sa pag-iiyakan ay hindi namin napansin ang paghinto ng kulay pulang sasakyan sa tapat nina Sussie. Mula roon ay bumaba ang isang matangkad na lalaki. Dire-diretso ito sa gate.


"Hey, what's happening here?" isang baritonong boses ang aming narinig.


Paglingon ko ay ang una kong nakita ang pagkislap ng mga hikaw sa magkabilang tainga ng lalaking dumating. Napakaguwapo ng mukha niya sa maangas at malokong paraan. Habang nakatitig sa kanya ay unti-unti ko siyang namukhaan.


It was Hugo Emmanuel Fucking Aguilar!


"Itlog!" masayang bulalas ko.


Kahit hindi clean cut at kahit tadtad ng hikaw ang magkabilang tainga ay malinis siyang tingnan. Yayamanin siya sa suot na black button-down longsleeves polo and jeans.


Napatingin siya sa akin. "Whoa! You're back?!"


"Hindi pa. Imagination mo lang ako."


Pumasok na siya sa bakuran nina Sussie. Ang tangkad niya na lalo ngayon, grabe. Kaya rin hindi ko siya agad nakilala dahil nagmatured ang kanyang itsura. At mas gumanda ang tindig ng kanyang pangangatawan. He could pass as a model.


Sinulyapan ko ang sportscar niya sa labas. "Oy, astig. Saan mo na-carnap 'yan?"


"Engineer na 'yan ," sabat ni Sussie na di naman halatang proud na proud. "Alam mo bang nagpamisa si Mrs. Aguilar nang maka-graduate 'yang si Hugo."


"O?" eksaheradang sambit ko. "Baka mag alay pa ng buhay si Mrs. Aguilar para sa board exam nito ni itlog."


Nakangising mahinang tinuktukan ni Hugo ang ulo ko.


Tinabig ko naman agad ang kamay niya. "Is that how you treat a lady?"


"Aw, shucks! Nangibang bansa lang, englisher na!"


"Syempre no, sosyal na ako ngayon. Magkano ka ba? Bilhin kita 5 gives."


Ngumisi si Hugo. "Sorry to disappoint you, madam. Hindi for sale ang puri ko."


Napahagikhik si Sussie na napapagitnaan namin. Masaya naman ako sa loob-loob ko dahil alam ko na hindi na siya nagtatampo. Pasasaan ba't magiging okay na ulit kami.


Nagyaya na si Sussie sa loob ng bahay nila. Nauna na siya sa loob. Inakbayan naman ako ni Hugo habang papunta kami sa pinto.


"Mabuti andito ka na. Alam mo bang lungkot na lungkot itong BFF mo nang mga time na wala ka? Sa sobrang lungkot niya ay naawa tuloy ako kaya pinatulan ko na siya."


"Asa ka!" sigaw ni Sussie mula sa loob ng bahay.


Tiningala ko si Hugo. "Ano? Wala ka pala e. Hina mo pa rin, puro ka lang papansin."


Sinamaan niya ako ng tingin. Hanggang ngayon ay pikon pa rin siya pagdating kay Sussie. Tinawanan ko lang siya.


Wala pa ring nagbabago sa loob ng bahay nina Sussie. Ganoon pa rin ang kulay ng pintura bagamat halatang bagong retouch ito. Malinis, maaliwalas pa rin na katulad nang huling punta ko rito.


Nasa kusina ang tatay niya. Nang makita ako ay kinumusta agad ako. Noon pa man ay tuwang-tuwa na sa akin ang tatay ni Sussie dahil madaldal at masayahin daw ako.


Hindi nagtagal si Hugo dahil dumaan lang daw talaga siya. Paluwas pala ng Manila ang lalaki. He was getting ready for the board exam. May kalalagyan na siya dahil may sariling construction company ang daddy ng lalaki. Bago siya umalis ay niyabangan niya muna ako.


Pagkaalis ni Hugo ay naiwan kami ni Sussie sa sala. Inusisa niya ako kung bakit ang tagal kong nawala. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pagkamatay ni Daddy. Sinabi ko rin sa kanya na magulo ang utak ko noon kaya kailangan kong lumayo.


Naiintindihan niya ako pero umiiyak pa rin siya. Pilit ko siyang pinapatahan pero gusto niya na magkwento pa ako. Hindi naman na ako nagkwento dahil alam ko na pareho lang naman kaming may pinagdaanan sa nakaraang mga taon. 


Pinagdabugan niya ako kaya sinuyo-suyo ko siya. Inuto-uto ko na rin na ang sexy niya na ngayon. Madali ko namang napaalis ang bad mood niya. Mababaw lang kasi talaga siya at likas na pasensiyosa. 


Sa huli ay si Sussie naman ang inusisa ko tungkol sa mga kaganapan sa buhay niya. Nakatapos siya ng Bachelor in Secondary Education Major in Social Studies. Pasado na rin siya sa LET. Nauna siyang magtrabaho bilang isang call center agent dito rin sa Cavite. Kaka-resign niya lang doon ngayon kung kailan malapit na sana siyang ma-promote.


Magtuturo na sana si Sussie sa high school nang makaisip siya na makipagsapalaran sa Manila. Gusto niya raw bumalik sa BPO industry para mas mahasa ang iba't ibang skills niya. Gusto rin niyang lumayo para maranasang mag-isa at maging independent.


5:00pm na ako nakabalik sa Navarro dahil ang tagal naming nagkumustahan ni Sussie. 


Namiss ko ang pakiramdam nang naglalakad pagbaba mula sa jeep kaya hindi na ako nag-Grab pauwi. Saka gusto ko ring mag-isip-isip dahil ang daming nangyari buhat nang umalis ako.


Akala ko talaga hindi na ako babalik. Matagal ko nang isinarado ang mundo ko sa kanila, kaya akala ko ay hindi ko na sila lahat makikita. Nakakatuwa talaga mang-trip ang tadhana.


Naiiling na pumasok na ako sa eskinita na patawid sa street namin. Paglabas doon ay natanaw ko agad sina Aling Cecil, Aling Agnes at ang bago nilang recruit. Nakatambay sila ngayon sa tapat nina Aling Cecil na isang bahay lang ang pagitan mula sa amin.


May interesanteng paksa na pinaguusapan ang mga ginang. Nang makita ako ay automatic na nabaling sa akin ang kanilang mga atensyon.


"Si Carlyn, si Carlyn," bulong agad ni Aling Agnes na dinig na dinig naman.


"Carlyn, gumanda ka lalo," bati at puri ni Aling Cecil habang nakatingin sa akin. "Dito ka na ba ulit titira?"


"Carlyn, kumusta ka na?" tanong naman ni Aling Agnes. "Lorna, 'yan si Carlyn. 'Yan ang panganay na anak ni Clara," pag-i-inform niya sa bago nilang recruit.


"Ah, 'yan ba?" sabi naman ng ginang na Lorna ang pangalan. "Kaganda rin, ano? 'Ne, me asawa ka na? Single pa ang anak ko. Pulis iyon. Nasa Camp Crame nakadestino."


Si Aling Agnes ay lumapit pa sa akin. "Carlyn, inanprend mo ba ako sa sa pesbuk? Di na kita makita sa prendlist ko, ah?"


Magalang na ngumiti ako sa kanya. "Kagagawa ko lang po ulit ng FB account."


"Ay, oo nakita ko nga. In-add na kita kanina. Naka-bra ka lang sa propayl mo, di ba?"


Ngiti lang ang isinagot ko at iniwan sa kanilang tatlo. Pumasok na ako sa gate namin. Sa garahe ay napansin ko na wala na ang kotse na minamaneho ni Kuya Nato.


Ang natira dito ay ang kotse na nasa dulo. Iyong kulay puti na Porsche. Inalis ko ang paningin ko roon.


Mula sa likod ng bahay ay lumitaw ang nasa mid 50s na lalaki. Isa sa mga gumagawa sa 3rd floor at rooftop ng bahay namin. "Good afternoon, Ma'am."


"Good afternoon. Umalis ba si Ninong Luis? Wala ang sasakyan e."


Binanggit sa akin ng manggagawa na umalis pala sina Mommy. Kasama nila si Levi. Magpapa-check up daw si Mommy sa OB. Ang driver nila ay si Kuya Nato. Naisip ko na tama lang na hindi mag-drive si Ninong Luis para may tagasaway sa hyper kong kapatid.


"Si Architect po nasa loob, Ma'am," pahabol ng manggagawa.


Nandito pa rin?


Pumasok ako sa loob ng sala. Kalalabas lang ni Jordan mula sa pinto ng kusina. Hindi na siya nakapolo na katulad nang kanina. Isang puting t-shirt ang suot niya ngayon. Nagbihis siya. Wala rin siyang suot na clear glasses.


Humagod ang paningin ni Jordan sa suot kong maiksing at hapit na bodycon dress. Hindi nakaligtas sa akin ang pagdidilim ng kanyang mukha.


"Your mom was trying to call you but you were uncontacted," malamig na sabi niya.


Hindi ko siya pinansin. Tumuloy ako sa hagdan papunta sa second floor ng kabahayan. Nasa gitna na ako ng hagdan nang magsalita ulit siya.


"You don't know how to speak now?"


Tamad na tiningnan ko siya. Itinaas ko ang isang kamay ko. I showed Jordan my middle finger. I hope that answered his question.


JF

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

3.7M 52.3K 17
Lindsey is a very liberal girl. She has this rule wherein her FBs will only last for 6 Months. Why 6 Months? And what are FBs? Read to find out. ;)
1.2K 133 24
Copyright @by:c_sweetlady All Right Reserved First Printing 2021 Edited by: Assisted by: Layout by: Disclaimer: This is work of fiction ,Names,chara...
21.2K 798 9
WARNING R-18: SENSITIVE THEMES AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK Sawang-sawa na sa buhay si Janica, at naisipan na niyang gumawa ng goodbye letter sa Eart...
46.3M 1.2M 62
Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Montenegro, the mafia prince who fears ghos...