To Yohann (BxB) - Edited

By LadyLangLang

1.4K 191 109

Love confession is the most romantic way a person can show his/her affection towards the person he/she likes... More

Prologue
Chapter 1: Yohann's Role
Chapter 2: Flower Crown
Chapter 3: Messenger Went Wrong
Chapter 4: Chased by Who?
Chapter 5: To Yohann, For Yohanne
Chapter 6: Battle of Bottles
Chapter 7: Thought, thought and thoughts
Chapter 8: Mixed Emotions
Chapter 9: The Poem's POV
Chapter 10: Messed Encounter
Chapter 11: Sudden Courage
Chapter 12: Glimpse of His Secret
Chapter 13: Afraid of the Realizations
Chapter 14: Date
Chapter 15: His Explanations
Chapter 16: The Four of Them
Chapter 17: Ticket to the Play
Chapter 18: The End of the Play is the Start of Confusion
Chapter 19: Confrontation
Chapter 20: Flowers and Kiss
Chapter 21: When Envy turns to Jealousy
Chapter 22: Calls
Chapter 23: The Gift
Chapter 24: Birthday for Him, Debut for Her
Chapter 25: Secret Revealed
Chapter 26: Sudden Confession
Chapter 27: Date and Conversation
Chapter 28: Decisions
Chapter 29: Letting Go?
Chapter 30: Important Matters
Chapter 31: What happened?
Chapter 32: Graduation Celebration
Chapter 33: Actual Confession
Chapter 34: Finally

EPILOGUE

43 2 0
By LadyLangLang

EPILOGUE

Isang mahigpit na yakap ang sinalubong ni Zacheous sa mga magulang niya nang matapos ang graduation party ng mga STEM students. Pagkababa palang niya mula sa stage para sa graduation picture, dali-dali na siyang bumaba para salubungin ang mga 'to.

"Congrats Zach." Nakangiting bati ng papa ni Zacheous.

"Thank you Pa." Sabi ni Zacheous.

"Nak, sabi mo pupunta si Yohann. Bakit hindi ko siya nakita?" Tanong ni Emily kay Zacheous nang kumalas siya sa yakap ng anak.

"Sinong Yohann?" Kunot-noong tanong ng papa niya. Nagkatinginan naman sina Zacheous at ang mama niya. Sa mama lang niya kinuwento ang mga nangyari sa buhay niya dahil hindi naman siya tumatawag sa papa niya para sabihin ang mga nangyari sa kaniya, lalo na't nasa ibang bansa ito nagtatrabaho at ayaw niyang makaistorbo. Kaya wala ring alam ang papa niya sa buhay pag-ibig niya.

"Ahh Pa, si Yohann po ba?" Kinakabahang tanong ni Zacheous sa papa niya. Tumango naman ang Papa Raphael niya at hinintay ang magiging sagot niya. Agad namang nagpalinga-linga si Zacheous at nagbabakasakaling makita niya si Yohann. Nakita niya itong naglalakad at may dalang paper bag. Kasabay nitong naglalakad sina Ryle na nakasuot din ng toga at si Xian din habang nag-uusap silang tatlo. Tatawagin niya sana si Yohann pero si Ryle ang unang nakakita sa kaniya. Kinausap nito si Yohann at tinuro ang direksyon ni Zacheous.

Bigla namang kinabahan si Yohann nang makita niya si Zacheous na kasama ang mga magulang nito. Hindi naman niya kasi magawang lapitan ang Tita Emily niya dahil nakaupo ito sa parents/guardians' chairs at mas lalong hindi niya ito magawang lapitan dahil kasama nito ang papa ni Zacheous at hindi pa siya kilala nito.

"Huwag kang mag-alala, mabait si Tito Raphael." Sabi ni Xian dahil nahalata niya ang kinakabahang reaksyon ni Yohann.

"It's not the only reason why I'm nervous." Mahinang sabi ni Yohann at pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso niya.

"Ano pa ba?"

"Hindi pa alam ni Tita Emily ang tungkol sa amin ni Zacheous."

"Nahhh. I doubt, pakiramdam ko ay alam na ni Tita Emily." Sabi naman ni Ryle. Napahigpit ang hawak ni Yohann sa dala niyang paper bag nang hawakan ni Xian ang mga balikat niya mula sa likod at mahina siyang tinulak para maglakad. Saka lang sila tumigil nang dumating sila sa pwesto nina Zacheous.

"Yohann, nandito ka na pala." Sabi ni Emily nang makita niya ang tatlo. Nagmano naman silang tatlo kay Emily at nagmano naman sina Ryle at Xian kay Raphael habang si Yohann ay nag-aalalangang gawin 'yun. Pasimple niyang tiningnan si Zacheous at nginitian lang siya nito.

Naglaho ang ngiti ni Raphael nang makita ang hindi pamilyar na mukha ng binatang huling nagmano sa kaniya. Pagkatapos magmano ni Yohann ay agad na hinawakan ni Zacheous ang braso ni Yohann at hinala ito sa tabi niya. Ngumiti lang naman sina Xian at Ryle habang nanlaki ang mga mata ng mga magulang ni Zacheous nang ibaba niya ang kamay niya mula sa braso ni Yohann hanggang sa hawakan niya nang mahigpit ang kamay nito. Gulat namang napatingin si Yohann kay Zacheous pero wala sa kaniya ang atensyon nito, kundi sa mga magulang nito kaya nilipat din ni Yohann ang tingin niya sa mga magulang ni Zacheous.

"Pa, siya po si Yohann." Pakilala ni Zacheous kay Yohann sa papa niya.

"Hi Yohann." Bati ni Raphael sa katabi ng anak niya. Ngumiti naman si Yohann at binati rin ang papa ni Zacheous.

"Hello po." Sabi ni Yohann. Kasunod na hinarap ni Zacheous ang mama niya.

"Ma, si Yohann po." Sabi ni Zacheous. Tinakpan naman ni Ryle at Xian ang mga bibig nila dahil natawa sila sa sinabi ng kaibigan at sinamaan sila ng tingin ni Zacheous. Kumunot naman ang noo ni Yohann sa sinabi ni Zacheous. Hindi naman kailangan ni Zacheous na ipakilala siya sa mama nito dahil kilala na naman siya nito.

"Ahh oo, si Yohann. Kilala ko na naman siya." Nagtatakang sabi ni Emily.

"Boyfriend ko po siya." Mabilis na sabi ni Zacheous. Nakagat ni Yohann ang ibabang labi niya at yumuko dahil bigla siyang nahiya. Nagkatinginan sina Ryle at Xian at sabay na nilingon ang mga magulang ni Zacheous. Napansin din nila na narinig ng mga taong malapit sa kanila ang sinabi ni Zacheous.

"Ohh, boyfriend? Akala ko hindi ka pa nakapagconfess sa kaniya?" Gulat na tanong ni Emily. Ang alam lang niya ay hiwalay na sina Zacheous at Yohanne dahil sinabi ng anak niya na mahal nito si Yohann, pero hindi niya alam na may relasyon na pala ang dalawa.

"Kagabi pa kami naging opisyal Ma." Sabi naman ni Zacheous.

"Gano'n ba? Congrats sa inyong dalawa." Nakangiting sabi ni Emily at niyakap ang dalawa at niyakap din siya pabalik ng mga 'to. Pagkatapos nilang putulin ang yakap, sabay silang tatlo na napatingin sa papa ni Zacheous na tahimik lang na nakatitig kay Yohann. Hindi naman nagpatinag si Yohann at tumingin din sa papa ni Zacheous at hinintay ang magiging reaksyon nito.

"Pa..." Nag-aalangang tawag ni Zacheous sa papa niya. Lahat sila ay kinakabahan at parang naputol ang paghinga nila. Biglang nagcross-arms ang papa ni Zacheous. Kumunot ang noo ito at umiling kaya parang nawala ang mood nila.

"Naku naman Zacheous, magkakaboyfriend ka na nga lang, pumili ka pa ng mas gwapo sa 'yo." Seryosong sabi ni Raphael na sinabayan pa niya ng pag-iling na parang disappoint sa pinili ng anak.

"Pa naman." Bumalik ang ngiti sa mga labi ni Zacheous nang marinig ang sabi ng papa niya. Nakahinga naman ng maluwag sina Ryle at Xian at nakipag-highfive sa isa't isa. Ngumiti rin si Emily at kumapit sa braso ng asawa. Habang si Yohann naman ay natuwa sa sinabi ng papa ni Zacheous kaya hindi niya mapigilang ngumiti at hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Zacheous.

"Bakit 'nak? Totoo naman ang sinabi ko, mas gwapo pa ang boyfriend mo kaysa sa 'yo. Mukha ring mabait, ikaw lang ang hindi. Naku Yohann, 'pag sinaktan ka ng anak ko, sabihin mo lang sa amin ng Tita Emily mo huh?"

"Mabait naman po siya minsan Tito." Sabi ni Yohann. Kahit papano ay ipagtatanggol din naman niya si Zacheous. Sinasabayan lang niya ang sinasabi ng papa ni Zacheous dahil sa tuwang nararamdaman niya. Hindi niya akalain na tatanggapin siya ng papa ni Zacheous. Akala niya ay ijujudge siya nito dahil lalaki rin ang karelasyon ng anak niya. Siguro ay natrauma lang siya sa nangyari sa kanilang dalawa ni Xian dati kaya 'yun ang unang naisip niya. Mali pala siya, hindi lahat ng mga magulang, may masamang mindset tungkol sa relasyon na kagaya ng kung anong meron sa kanilang dalawa ni Zacheous.

"Oh siya, mag picture muna tayo." Sabi ni Emily at kinuha ang camera sa bag niya.

"Sige po Tita, ako po magpipicture sa inyo. Family picture po muna."

"Sige Xian, salamat." Inabot ni Emily kay Xian ang camera at pumwesto siya sa tabi ng anak. Binawi naman ni Yohann ang kamay niya pero mabilis na umiling si Zacheous.

"Mamaya na." Bulong ni Yohann kay Zacheous. Tumango rin si Zacheous saka binitawan ang kamay ni Yohann. Naglakad si Yohann papunta sa tabi ni Xian at pinanood na kunan ng litrato sina Zacheous. Sunod ay picture nina Zacheous, Ryle at Xian na si Yohann ang nagpicture. Binigyan din ng solo picture si Zacheous. Ang pinakahihintay ni Zacheous ay picture nilang dalawa ni Yohann. Pagkatapos nilang tatlong magkakaibigan, mabilis niyang kinuha ang camera sa kamay ni Yohann at binigay kay Xian.

"Gaganti lang ako sa ginawa mo kahapon." Nang-aasar na sabi ni Zacheous kay Xian. Umiling naman si Xian sa sinabi ni Zacheous.

"Napakachildish mo." Natatawang sabi ni Xian at pumwesto sa harap nina Zacheous at Yohann. Nakangiting inakbayan ni Zacheous si Yohann habang nakatingin sa camera.

"1, 2,... Next." Tinanggal ni Zacheous ang suot niyang graduation cap at sinuot sa ulo ni Yohann. Ngumiti silang dalawa sa harap ng camera.

"1,2,... Okay, last na. Baka langgamin na kayong dalawa eh." Nilingon ni Zacheous si Yohann at nilipat sa kabilang side ang tassel ng graduation cap. Ngumiti siya at hinalikan ang pisngi ni Yohann kasabay ng flash ng camera.

"Nice, nang-iinggit nga." Natatawang sabi ni Xian. Nakabawi lang si Yohann sa gulat dahil sa sinabi ni Xian. Pumalakpak naman nang tatlong beses si Ryle dahil sa ginawa ng kaibigan habang nakangiti naman ang mga magulang ni Zacheous. Proud na proud naman na ngumiti si Zacheous sa ginawa niya.

"Ma, Pa, alis lang kami saglit ni Yohann." Mabilis na sabi ni Zacheous at hinawakan ang kamay ni Yohann.

"Wait, saan tayo pupunta?" Tanong ni Yohann kay Zacheous.

"Basta." Hinila ni Zacheous ang kamay ni Yohann at tumakbo palabas ng gym. Hinawakan ni Yohann ang suot ng graduation cap dahil hindi man lang niya ito natanggal. Hinayaan niya si Zacheous na hilahin siya.

Habang tumatakbo sila ay naging pamilyar sa kaniya ang tinatakbuhan nila. Papunta sila sa STEM department. Ngumiti si Yohann at mukhang alam na kung saan sila pupunta. Tama nga ang hula niya ng tumakbo sila papunta sa rooftop ng STEM department.

Magkahawak kamay silang dalawa na umakyat ng hagdan papunta sa rooftop. Binuksan ni Zacheous ang pinto ng rooftop at sinara rin agad nang makarating sila. Tumigil silang dalawa sa gitna ng rooftop at tumingin sa isa't isa. Ngumiti si Yohann at inayos ang buhok ni Zacheous na nililipad ng hangin.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Yohann habang sinusuklay ang buhok ni Zacheous gamit ang mga daliri niya.

"Wala naman masyado. Gusto ko lang balikan ang araw na una tayong nagkakilala." Sagot ni Zacheous. Tinanggal niya ang graduation cap niya na suot ni Yohann at nilapag sa sahig. Kinuha niya ang panyo niya at pinunasan ang pawis sa noo ni Yohann.

"'Yung araw na una kang humingi ng pabor sa akin para kay Yohanne?" Tanong ni Yohann. Sumimangot naman si Zacheous at binaba ang kamay niya.

"'Yung araw na ikaw ang nakarinig ng confession ko." Si Yohann naman ang sumingot at tinigil ang pag-aayos sa buhok ni Zacheous.

"You should know I annoyed I was that time." Sabi ni Yohann.

"Nakatayo ka du'n sa railings habang sinasabi ang mga corny mong lines." Tinuro ni Yohann ang railings ng rooftop. Ngumiti naman si Zacheous at hinapit ang beywang ni Yohann. Magkadikit ang pisngi nila habang nakatingin sa railings.

"Sinong mag-aakalang ang taong hindi dapat nakarinig sa confession ko, siya pala ang makakatuluyan ko?" Tanong ni Zacheous at niyakap nang mahigpit si Yohann.

"At sinong mag-aakalang ang taong nagpapatulong sa akin na manligaw sa iba, siya pala ang makakatuluyan ko?" Tanong din ni Yohann at tiningnan si Zacheous. Nang magtama ang mga mata nila, nginitian nila ang isa't isa.

"Fate just did its part." Mahinang sabi ni Zacheous at dinikit ang noo niya sa noo ni Yohann. Dinampian niya ng halik ang tungki ng ilong nito. Niyakap ni Zacheous si Yohann at nilagay ang baba niya sa balikat nito.

"Nag-usap na kayo ni Yohanne?" Tanong ni Zacheous at naramdaman niyang tumango si Yohann.

"Hmmm. Pagdating niya kagabi, dumiretso siya sa kwarto ko para makipag-usap sa akin. Humingi na kami ng tawad sa isa't isa. Pinaliwanag niya sa akin ang mga nangyari at naintindihan ko naman siya. After all, I can't bring myself to be angry with her for a long time." Sagot ni Zacheous.

"I'm glad to hear that. Hindi ko kayang pati kayo ay mag-away dahil sa akin."

"Hmmm. We need to move on." Sabi ni Yohann. Kahit papano ay naging masaya naman siya. Sa ginawang 'yun nina Yohanne at Zacheous, napagtanto niyang sobrang mahalaga talaga sa kaniya ang dalawa. Kung hindi pa nagpaliwanag ang dalawa, pareho silang mawawala sa kaniya.

"Nga pala, 'yung graduation gift ko para sa 'yo." Pag-iiba ni Yohann sa usapan. Kinuha niya ang paper bag na kanina pa nakasabit sa wrist niya at inabot kay Zacheous.

Nakangiti namang tinanggap ni Zacheous ang paper bag at binuksan. Kinuha niya ang maliit na box at binuksan 'yun. Mas lumawak ang ngiti niya nang makita ang laman ng box. Isa 'yung bracelet na may kaparehong pendant ng kwintas na suot ni Yohann.

"You like it?" Kinakabahang tanong ni Yohann. Madalian lang kasi niyang binili ang bracelet na 'yun.

"Of course. Pareha tayo ng pendant. Ang ganda." Nakangiti namang sagot ni Zacheous.

"Kailan mo 'to binili?" Tanong niya.

"Dumiretso ako sa shop kanina bago pumunta rito sa school. Hindi ko naman alam na may bracelet version pala ang kwintas na binigay mo kaya 'yun na rin binili ko para magkaparehas tayo." Sagot ni Yohann. Kinuha niya ang bracelet at kinabit sa wrist ni Zacheous. Pagkatapos niyang ikabit 'yun ay binigyan niya ng isang mabilis na halik sa labi si Zacheous at niyakap.

"Congratulations ulit."

"Thank you."

Nanatili silang magkayakap sa isa't isa habang dinadama ang malamig na hangin. Mahigpit ang yakap nila na parang ayaw pakawalan ang isa't isa.

"Yohann."

"Hmm?"

"May ipaparinig ako sa 'yo."

"Ano 'yun?"

"Tula." Natawa naman si Yohann sa sinabi ni Zacheous at hinampas ang likod nito.

"Bakit ka tumatawa?"

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo?"

"Oo naman."

"Ikaw ang sumulat?"

"Siyempre naman."

"Maybe you forgot but you asked me to write a poem for Yohanne."

"Hindi ko 'yun nakalimutan pero hindi na 'yun importante. Pinaghirapan ko ang tulang ginawa ko ngayon."

"Bakit ka nagsulat ng tula?"

"Dahil sa 'yo ako kaya ko 'to naisulat. Sinabi ko sa sarili ko na bibigkasin ko ang tulang 'to kapag naging tayo na at nagkabati na tayo pero kapag hindi, bahala na hanggang sa makalimutan ko ang mga linya. Pinag-isipan ko 'to nang ilang araw."

"Hmm. Okay, let me hear it." Sabi ni Yohann at kumalas sa yakap. Magkaharap silang dalawa habang hawak ni Zacheous ang kamay ni Yohann. Huminga siya nang malalim para simulan ang tula niya habang si Yohann ay kalmado lang na naghihintay.

"Ikaw ang taong nakarinig ng pagtatapat ko

Ikaw ang nakarinig sa mga katagang hindi naman para sa 'yo

Pagkainis at pagkahiya ang pinaramdam mo sa akin

Kaya sinabi ko sa sarili gusto kitang inisin.

Kasalanan ko kung bakit nagulo ang tahimik mong mundo

Tiniis mo ang aking pang-iinis at mga panggugulo

Pinagtripan kita at paulit-ulit na kinukulit

Hanggang sa mainis ka na sa aking mga pamimilit

Hindi inaasahan na ako'y biglang mapalapit sa 'yo

Ikaw lang ang malalapitan ko para tumulong sa panliligaw ko

Naging kaakibat kita sa lahat ng aking lakad

Ang iyong kamay ay palaging sa akin nakalahad

Nagpapatulong ako sa 'yo kung may bibilhin ako

Hindi ko man lang naisip kung anong mararamdaman ko

Lahat ng mga ginawa at binili ko ay napupunta sa iba

Wala man lang akong naibigay sa 'yo kahit ni isa.

Mapupunta sa 'yo dahil para talaga sa 'yo

Ayokong isipin mo na mapupunta sa iba ang pinaghirapan ko

Sa tagal nating magkasama ang dami kong napagtanto

Marami akong gustong ibigay sa 'yo pati na ang puso ko

Hindi mo man inasahan na umamin ako sa 'yo

Inisip mong para sa iba pa rin ang mga sinabi ko

Hindi ako nagpatinag at sinabi pa rin ang aking nararamdaman

Sa isang iglap nahulog na ako sa 'yo nang tuluyan

Nang umamin kang gusto mo rin ako

Gustong tumalon palabas ng aking puso

Pero alam nating dalawa na hindi 'yun madali

Lalo na't mayroon akong mga pagsisi

At ngayon na magkaharap tayong dalawa

Nalagpasan natin ang pagsubok na ating nakasalamuha

Gusto kong maging masaya tayo sa isa't isa

Hanggang sa huli ay manatiling magkasama

Pinapangako kong ibibigay sa 'yo ang lahat

Pinapangako kong mananatili akong matapat

Sabay nating haharapin ang bukas na may pagmamahal

Nais kong magsama pa tayo nang matagal

Kaya ngayong hawak natin ang puso ng isa't isa

Gusto kong makarinig ng sagot na sa akin ay magpapasaya

Ang tanong ko sa 'yo sana ay pakinggan."

Tumigil si Zacheous sa pagbigkas ng huling linya ng tula. Hinigpitan niya ang hawak sa mga kamay ni Yohann at nakangiting tiningnan ang mga mata nito.

"Anong gusto mong itanong?" Tanong ni Yohann. Huminga nang malalim si Zacheous at buong pusong binigkas ang huling linya ng tula.

"Pwedi ka ba kitang makasama hanggang sa walang hanggan?" Nakangiting tanong ni Zacheous kay Yohann.

"You know what, I didn't expect this side of yours." Sabi ni Yohann at naramdaman nalang niyang may tumulong luha sa mga mata niya. Nadala siya sa mga sinabi ni Zacheous kaya hindi niya mapigilang umiyak. Kung dati ay pinagawa lang siya ni Zacheous ng tula para sa iba, ngayon ay siya na mismo ang inalayan ng tula kaya walang mapaglagyan ng tuwa ang puso niya.

"Huwag ka ngang umiyak. Pakiramdam ko tuloy ay hindi mo nagustuhan ang tula ko."

"It's not like that. I'm just happy and overwhelmed. I just love you so much." Binitawan ni Zacheous ang mga kamay ni Yohann at pinunasan ang mga luha nito.

"I love you too." Sabi ni Zacheous at patuloy na pinupunasan ang mga luha ni Yohann. Nang tumigil si Yohann sa pag-iyak, hinawakan niya ang kamay ni Zacheous at binaba.

"Anong title ng tulang 'yun?"

"To Yohann." Nakangiting sagot ni Zacheous.

"Bakit?" Kunot-noong tanong ni Yohann. Pakiramdam niya ay hindi bagay ang pamagat na 'yun sa tula.

"I wanna change the past. If in the past, I made and bought things and gave it to you, I always thought that it will always be 'To Yohann, For Yohanne'. Lahat ng mga ginawa ko ay binigay sa 'yo pero napupunta lang sa kakambal mo. Ngayon ay pinapangako kong lahat ng gagawin at bibilhin ko, ibibigay ko sa 'yo dahil para lang talaga sa 'yo. To Yohann, and the name after the 'for' is still yours."

Isang mahigpit na yakap ang binigay ni Yohann kay Zacheous dahil sa sinabi nito. Muntik ng matumba si Zacheous pero mabuti nalang at nakahakbang pa siya paatras. Pinulupot din niya ang mga braso niya sa beywang ni Yohann at niyakap ito pabalik.

"What did I do to deserve someone like you?"

"No Yohann, we deserve each other."

"Mahal kita at oo."

"Mahal din kita, at oo? Anong 'oo'?" Tanong ni Zacheous at kumalas sa yakap.

"Oo ang sagot ko sa huling linya ng tula mo." Nakangiting tugon ni Yohann. Hinawakan niya ang mga pisngi ni Zacheous habang ang mga kamay ni Zacheous ay nakahawak sa isa't isa na nasa likod ni Yohann. Ngumiti si Zacheous at unti-unting nilapit ang mukha niya kay Yohann at nakangiting sinalubong ni Yohann ang mga labi ni Zacheous.

Hinalikan nila ang ang isa't isa sabay ang pangakong magsasama hanggang sa walang hanggan.

END

---
LadyLangLang

Continue Reading

You'll Also Like

541K 20.5K 54
ALL THIS LOVE IS SUFFOCATING! Charli D'amelio / Social Media Completed. Cringe...it was 2020...
985K 87.6K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
TICKET By venom

Fanfiction

13.4K 213 18
George wants to visit Florida, But he wonders if Dream and Sapnap will be fine with him visiting. And what will happen if Dream and George start get...