To Yohann (BxB) - Edited

By LadyLangLang

1.5K 191 109

Love confession is the most romantic way a person can show his/her affection towards the person he/she likes... More

Prologue
Chapter 1: Yohann's Role
Chapter 2: Flower Crown
Chapter 3: Messenger Went Wrong
Chapter 4: Chased by Who?
Chapter 5: To Yohann, For Yohanne
Chapter 6: Battle of Bottles
Chapter 7: Thought, thought and thoughts
Chapter 8: Mixed Emotions
Chapter 9: The Poem's POV
Chapter 10: Messed Encounter
Chapter 11: Sudden Courage
Chapter 12: Glimpse of His Secret
Chapter 13: Afraid of the Realizations
Chapter 14: Date
Chapter 15: His Explanations
Chapter 16: The Four of Them
Chapter 17: Ticket to the Play
Chapter 18: The End of the Play is the Start of Confusion
Chapter 19: Confrontation
Chapter 20: Flowers and Kiss
Chapter 21: When Envy turns to Jealousy
Chapter 22: Calls
Chapter 23: The Gift
Chapter 24: Birthday for Him, Debut for Her
Chapter 25: Secret Revealed
Chapter 26: Sudden Confession
Chapter 27: Date and Conversation
Chapter 28: Decisions
Chapter 29: Letting Go?
Chapter 30: Important Matters
Chapter 31: What happened?
Chapter 32: Graduation Celebration
Chapter 33: Actual Confession
EPILOGUE

Chapter 34: Finally

29 2 0
By LadyLangLang

Chapter 34: Finally

Sari-saring reaksyon ang pinakita ng mga bisita sa party sa nasaksihan nila. Narinig nila lahat ng mga pinag-usapan nina Zacheous at Yohann. Karamihan sa kanila ay hindi inasahan ang confession na nangyari sa pagitan ng dalawa. Ang iba naman ay naninibago dahil unang beses nilang makakita ng lalaki na nagtapat ng pag-ibig sa kapwa lalaki. Sa kabila ng pagkagulat ay ang paghanga nila sa tapang ni Zacheous na hindi inisip ang kung ano mang mga negatibong reaksyon ng iba. Lahat sila ay inabangan ang huling mangyayari at kinakabahan sa maaaring desisyon ni Yohann.

Maski si Markus ay hindi inasahan ang mga sinabi ni Zacheous. Napahinga siya sa binata dahil tinupad nito ang usapan nila na hindi sasabihin kay Yohann ang pinag-usapan nila hangga't hindi nito sinasabi kay Yohanne ang lahat. Nagulat din siya sa sinabi ni Zacheous na may napagkasunduan pala sila ni Yohanne, kaya pala iba ang mga nangyayari sa mga nagdaang araw. Pero sa nasaksihan niya ng gabing 'yun, nakita niya kung gaano kaseryoso si Zacheous kay Yohann at hinihiling niyang maging maganda ang kalalabasan.

Nanatili namang tahimik na nakatingin si Xian kina Zacheous at Yohann. Pinaghalong selos at inggit ang nararamdaman niya. Aminado naman siyang may nararamdaman pa rin siya kay Yohann at alam din niya na hindi na 'yun masusuklian kailanman. Nainggit din siya kay Zacheous dahil sa tapang nito na iparinig sa mga bisita sa party ang nararamdaman niya kay Yohann. Hindi kagaya niya na matapang lang kapag sila lang dalawa ni Yohann pero hindi man lang niya kinuwento sa ibang mga tao ang relasyon nilang dalawa at siya pa ang unang tumalikod sa pangako. Naging duwag pa siya lalo na nang malaman ng mama niya. Hindi kagaya ng nasaksihan niyang ginawa ni Zacheous na sa harap ng ama ni Yohann at mga taong hindi pa niya kilala, nagtapat siya kay Yohann. Mahal niya si Yohann at tanggap niyang hanggang magkaibigan nalang silang dalawa. May closure na silang dalawa at hiling niyang maging masaya ito.

Lahat ng mga bisita ay nagulat sa ginawang pagbitaw ni Yohann sa kamay ni Zacheous. Inasahan nilang tatanggapin nito ang sorry ni Zacheous at manatiling hahawakan ang kamay nito. Nagkatinginan naman sina Yohanne at ang mga kaibigan niya. Gano'n din sina Brix at Liam. Sinubukan nilang kunin ang atensyon ni Xian pero nakatingin pa rin ito kina Yohann at Zacheous. Maski ang eksenang 'yun ay nasaksihan ni Ryle kahit pa medyo malayo siya sa pwesto ng dalawa.

"Y-Yohann..." Alangang banggit ni Zacheous sa pangalan ni Zacheous. Napakuyom siya sa kamay niya nang bitawan ni Yohann ang kamay niya.

Ibig bang sabihin, wala na talaga? Hindi niya ako pinapatawad? Tanong ni Zacheous sa sarili niya. Iniisip niya na hindi sapat ang ginawa niya at sobrang galit talaga si Yohann sa kaniya. Pilit niyang nginitian si Yohann saka binaba ang kamay niya.

"Tanggap ko na Yohann, sorry sa lahat ng mga ginawa ko - - -."

"Annoying." Agad na ngumisi si Yohann at hinawakan ang dalawang pisngi ni Zacheous. Pinikit niya ang mga mata niya at hinalikan si Zacheous sa harap ng lahat ng nandu'n. Kumakabog naman ang puso ni Zacheous at nanatiling nanlaki ang mga mata niya nang halikan siya ni Yohann. Nang maramdaman niyang gumalaw ang mga labi ni Yohann, sumilay ang ngiti sa labi niya sa pagitan ng halik nilang dalawa at pumikit siya. Pinulupot niya ang mga braso niya sa beywang ni Yohann at hinalikan ito pabalik. Napangiti rin si Yohann at pinulupot ang mga braso niya sa leeg ni Zacheous mula sa mga pisngi nito at sinusundan ang mga halik ni Zacheous.

Saka lang sila tumigil at natauhan nang marinig nilang nagpalakpan ang mga tao sa paligid nila. Minulat nila ang mga mata nila at bumalik sa pagiging maliwanag ang venue. Nakita nilang nakangiti ang mga bisita habang nakatingin sa kanilang dalawa. Napatingin si Yohann sa papa niya at nakitang nakangiti ito sa kaniya. Sunod niyang tiningnan si Yohanne. Sinubukan niyang basahin ang reaksyon nito pero nanatili lang itong nakangiti at tinanguan siya. Namalayan din ni Yohann na nakatingin na siya kay Xian pero ngiti lang din ang binigay ni Xian sa kaniya kaya nginitian din niya ito pabalik.

"Yohann." Tawag ni Zacheous kay Yohann. Hinawakan niya ang mga kamay ni Yohann at binaba ito. May kinuha siyang kwintas mula sa bulsa niya at pinakita kay Yohann. Napatingin naman si Yohann sa kwintas at kumunot ang noo niya nang makitang pamilyar 'yun sa kaniya.

"Naalala mo 'yung kwintas na tiningnan natin sa shop?" Nakangiting tanong ni Zacheous. Pinagmasdan naman ni Yohann ang heart-shape na resin pendant ng kwintas na may mga stars na nakaporma ng heart sa loob at may maliit na susi. Napangiti siya nang maalala niya 'yun.

"Let me open the galaxy for you." Sabay nilang bigkas habang nakatingin sa kwintas.

"Hindi ba't 'yan ang regalo mo kay Yohanne?"

"Ibang kwintas ang binigay ko kay Yohanne nu'ng birthday niya. Nakita ko kasing titig na titig ka sa kwintas na 'to kaya kinuha 'to. Kaya rin kita pinauna dahil ang totoo, kumuha rin ako ng isang kwintas para iregalo kay Yohanne." Nakangiting sabi ni Zacheous habang kinakabit ang kwintas sa leeg ni Yohann.

"I love you." Bulong ni Zacheous sa tainga ni Yohann.

"I love you too." Bulong din ni Yohann. Hinalikan ni Zacheous ang noo ni Yohann at mahigpit siyang niyakap. Walang mapaglagyan ang tuwang nararamdaman niya sa gabing 'yun. Hindi niya pinapangako sa sarili niya pero gagawin niya ang lahat para lang hindi na masaktan ulit si Yohann.

#

Agad na naglaho ang kabang nararamdaman ni Brix at Liam dahil sa ginawa ni Yohann. Akala nilang dalawa ay wala na talagang pag-asang magkaayos sina Yohann at Zacheous, hindi nila inaasahan niya may gano'ng pakulo si Yohann. Nakangiti silang dalawa habang nakatingin sa dalawa habang hindi naman nila masyadong kinakausap si Xian dahil tahimik lang din itong nakangiti habang nakatingin sa magkayakap na sina Yohann at Zacheous.

Naglaho naman ang ngiti ni Liam nang makita niya si Yohanne na biglang tumayo at naglakad palayo. Nilapitan niya si Brix at nagpaalam na umalis. Tatanungin sana ni Brix si Liam kung saan pupunta pero mabilis na itong nakaalis.

Mabilis namang naglalakad si Liam habang sinusundan si Yohanne. Alam niyang nasasaktan ito sa mga nangyayari at pilit lang ang mga ngiti nito. Gusto lang niya itong damayan, kahit pa naasar si Yohanne sa kaniya. Nakalabas na siya ng bahay at patuloy pa ring sinusundan si Yohanne. Dahan-dahan lang siyang naglalakad habang nakatingin kay Yohanne. Ilang metro lang ang layo niya sa dalaga. Nang makita niyang tinanggal ni Yohanne ang suot nitong heels at nakapaa nalang na naglakad, tinanggal niya ang suot niyang rubber shoes at nakamedyas na tumakbo palapit kay Yohanne at pumwesto sa harapan nito. Nanlaki naman ang mga mata ni Yohanne nang biglang sumulpot sa harapan niya si Liam.

"Oh." Inabot ni Liam ang sapatos niya kay Yohanne pero hindi ito tinanggap.

"Aanhin ko 'yan?" Nagtatakang tanong ni Yohanne. Hindi niya alam kung bakit siya sinusundan siya ni Liam at binigay pa ang sapatos nito.

"Isuot mo. Ang arte mo kasi, nasa bahay niyo lang naman ang party, nagsuot ka pa talaga ng 5-inches heels." Binaba ni Liam ang sapatos at tiningnan si Yohanne. Akmang babatukan ni Yohanne si Liam pero mabilis na yumuko si Liam at hinawakan ang kanang paa ni Yohanne. Sandali namang na out of balance si Yohanne kaya nabitawan niya ang high heels niya at napahawak sa balikat ni Liam na nakayuko sa harap niya. Pagkatapos sa kanang paa ni Yohanne ay ang kabila naman ang sinuotan ni Liam ng sapatos.

Napangiti naman si Yohanne sa ginawa ni Liam. Kahit hindi sila magkasundo ni Liam, hindi naman siya galit dito. Naasar lang talaga siya kay Liam. Agad niyang binalik sa normal ang mukha niyang tumayo si Liam na kinuha rin ang high heels na nabitawan ni Yohanne.

"Oh ayan, medyo maluwag lang ang sapatos ko pero hindi na naman siguro 'yan matatanggal 'pag maglalakad ka. Ikaw naman kasi, nag high heels pa." Sabi ni Liam at pumwesto sa gilid ni Yohanne.

"Ayokong magmukhang jejemon sa party nuh."

"Oo na." Sabay silang dalawa na naglakad. Hindi masyadong komportable si Yohanne sa suot niyang rubber shoes pero ayos lang 'yun sa kaniya kaysa sa maglakad na nakapaa. Napatingin siya sa mga paa ni Liam at nakitang nakamedyas nalang ito. Nawala ang pag-aalala niya na baka masugatan ito kapag naglalakad.

Dinala sila ng mga paa nila sa park. Tahimik lang silang naglalakad papunta sa isang bench at umupo. Tumingala si Yohanne at huminga nang malalim. Tiningnan naman ni Liam ang katabi niya. Naisip niyang baka tumingala si Yohanne dahil naiiyak ito.

"Kung gusto mong umiyak, okay lang sa akin. Huwag mo na akong pansinin." Sabi ni Liam. Napangiti naman si Yohanne at tiningnan si Liam.

"Baliw. Nakatingin lang ako sa mga stars. Sinong gustong umiyak? Ubos na ang luha ko. Nailabas ko na lahat bago pa dumating ang araw na 'to. Hinanda ko na ang sarili ko."

"Kung gano'n, bakit ka umalis?"

"Gusto ko lang naman mapag-isa para makahinga ako nang maayos. Kotang-kota na ako sa mga nakita ko sa dalawang 'yun. Pero dahil nandito ka, nasira na ang moment ko."

"Edi aalis na ako." Tumayo naman si Liam at naglakad ng ilang hakbang. Natawa naman si Yohanne habang nakatingin kay Liam.

"Edi umalis ka, pero dapat suot mo ang high heels ko habang naglalakad ka." Natatawang sabi ni Yohanne. Napatigil naman si Liam sa paglalakad at napatingin sa hawak niyang high heels ni Yohanne. Napakamot siya sa ulo niya at bumalik sa bench. Nakita niyang natatawa si Yohanne habang tinitingnan siya. Muli siyang umupo sa bench at nilapag sa gilid niya ang high heels.

"Pero okay na rin na nandito ka. Baka mas malungkot ako kapag mag-isa lang ako." Seryosong sabi ni Yohanne at nginitian si Liam. Natigilan naman si Liam pero kalaunan ay ngumiti rin.

"Mabuti nalang at hindi ako naging istorbo sa 'yo."

"Istorbo ka pa rin pero salamat pa rin." Natatawang sabi ni Yohanne kaya natawa rin si Liam.

"Baliw." Akmang guguluhin ni Liam ang buhok ni Yohanne pero nanatili sa ere ang kamay niya. Napatingin din si Yohanne sa kamay ni Liam at hinintay ang gagawin nito pero agad na binaba ni Liam ang kamay niya at tumingin sa kabilang gilid niya para pagalitan ang sarili niya. Nadala lang siya sa emosyon niya.

Napangiti naman si Yohanne sa reaksyon ni Liam. Tumingin siya sa harap at sumandal sa balikat ni Liam. Para namang naputol ang hininga ni Liam nang maramdamang sumandal si Yohanne sa kaniya. Tumingin siya sa kabilang gilid niya at sinalubong siya ng mabangong buhok ni Yohanne.

"Pasandal lang saglit." Mahinang sabi ni Yohanne.

"I admire you for being brave on making this decision." Nakangiting sabi ni Liam habang nakatingin sa harap.

"Thank you."

"Magiging masaya ka rin Yohanne."

"Sana nga mangyari 'yan Liam."

#

Tapos na ang party at nagsiuwian na ang mga bisita. Pagkatapos ng nangyari kina Yohann at Zacheous sa gitna ng venue, hindi na sila nagkahiwalay pa. Magkatabi silang dalawa na umupo sa table kasama ang mga kaibigan nila. Nagpatuloy lang ang party na inaasar sina Yohann at Zacheous ng mga bisita at bilang hudyat na patapos na ang party, nagbigay lang ng short message si Yohann. Hindi na rin kasi nila nakita si Yohanne, ang sabi lang ng mga kaibigan nito ay umalis si Yohanne.

Hinatid naman ni Markus ang ilang bisita sa labas ng bahay nila kaya sina Yohann nalang ang naiwan sa garden na nakaupo pa rin sa pwesto nila.

"Saan kaya nagpunta si Liam? Kanina pa 'yun umalis, hindi man lang sinabi sa akin kung saan siya pupunta." Sagot ni Brix kay Yohann nang magtanong ito kung nasaan si Liam. Kanina pa siya palinga-linga para hanapin ang kaibigan pero wala ring ideya si Brix kung nasaan ito.

"Tatawagan ko lang." Biglang tumayo si Brix at tinapik ang balikat ni Yohann saka naglakad para tawagan si Liam. Naiwan naman sa table ang apat habang si Ryle ay tahimik na nakamasid sa tatlo. Hindi kagaya ng dati na may nararamdaman siyang tensyon sa pagitan ng tatlo, ngayon ay nararamdaman niya kalmado lang ang sitwasyon.

Napatingin naman si Yohann kay Xian nang mapansin niyang kanina pa ito nakatingin sa kaniya at sinalubong naman siya ng ngiti ni Xian.

"Bakit?" Tanong ni Yohann. Napatingin naman si Zacheous sa katabi niyang si Yohann at nakitang nakatingin ito kay Xian. Tiningnan din niya si Xian at nakitang umiling ito habang nakangiti.

"Nothing. Masaya lang ako." Nakangiting sagot ni Xian at agad namang kumunot ang noo ni Zacheous.

"Sigurado ka? Hindi ka nagseselos?" Pang-aasar na tanong ni Zacheous. Agad naman siyang siniko ni Yohann.

"Bakit? Kapag sinabi ko bang 'Oo', ibibigay mo ba si Yohann sa akin?" Hindi rin naman nagpahuli si Xian sa pang-aasar sa kaibigan. Nagcross-arms siya habang nakangisi kay Zacheous.

"Of course not." Mabilis na sagot ni Zacheous at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Yohann na nasa ilalim ng mesa.

"Okay. Madali naman akong kausap eh." Sabi naman ni Xian.

"Tsk." Agad na inakbayan ni Zacheous si Yohann at hinila ito palapit sa kaniya kahit na magkatabi na naman silang dalawa. Napangiti naman si Ryle sa mga kasama niya.

"Pagod na ako." Mahinang sabi ni Yohann nang makita niyang 9:30 na ng gabi.

"Tara, hatid na kita." Sabi ni Zacheous at hinaplos ang buhok ni Yohann. Kaagad namang tumango si Yohann. Nagpaalam siya kina Xian at Ryle na mauuna na siya. Nagsimula na siyang maglakad habang magkahawak pa rin ang kamay nilang dalawa ni Zacheous.

Nanatili namang nakaupo sina Xian at Ryle habang sinusundan ng tingin sina Yohann at Zacheous. Nabigla naman si Ryle nang biglang tumayo si Xian kaya tumayo rin siya. Akala niya ay susundan nito sina Yohann at Zacheous at akmang pipigilan niya ito pero kinuha lang nito ang cellphone na nasa loob ng pantalon at tinapat sa tainga. Dinig niya ang pagriring ng cellphone at nagtataka siya kung sino ang tinatawagan nito. Nasagot lang ang tanong sa isip niya nang makitang tumigil sa paglalakad si Yohann at kinuha ang cellphone nito.

Malapit nang makalabas sa garden sina Yohann at Zacheous nang marinig ni Yohann na tumutunog ang cellphone niya. Kinuha niya 'yun sa bulsa niya at nakitang tumatawag si Xian. Napatingin din si Zacheous sa cellphone ni Yohann at nagkatinginan silang dalawa. Sabay nilang nilingon si Xian at nakitang nakatapat ang cellphone nito sa tainga. Nginitian naman ni Zacheous si Yohann at tinanguan. Kaagad namang sinagot ni Yohann ang tawag at tinapat sa tainga niya ang cellphone niya.

"Xian - - -."

("Yohann, please hear my thoughts.") Putol ni Xian sa sasabihin ni Yohann. Kaagad ding tumigil si Yohann at tumango kay Xian.

"Yohann, please hear my thoughts." Sabi ni Xian nang sagutin na ni Yohann ang tawag niya. Nang makita niyang tumango si Yohann ay kaagad siyang ngumiti.

"Yohann, gusto ko lang sabihin sa 'yo na masaya ako para sa inyong dalawa ni Zacheous. I'm genuinely happy and I know that Zacheous will be a better man for you. I hope that this time, you will be finally happy with him. Kung masaya ka noong tayo pa, gusto kong higitan mo ang saya mo kapiling siya. Deserve mong maging masaya at malaya."

Parang si Ryle ang nasaktan sa narinig niyang sabi ng kaibigan niya. Tiningnan niya ang mukha ng kaibigan niya pero hindi niya nakitaan ng lungkot at panghihinayang ang mukha nito. Ang nakita ay ang nakangiting si Xian habang nakatingin kina Yohann at Zacheous.

"Naalala mo 'yung promise ko noong birthday mo?" Tanong ni Xian kay Yohann. Ngumiti naman si Yohann at tumango.

"'Di ba nangako ako sa 'yo na kapag nakahanap ka na ng bagong magugustuhan, hindi ako maiiyak? Nangako ako sa 'yo na hanggang mga mata ko lang ang mga luha ko at hindi ito tutulo." Malawak na ngiti ang pinakita ni Xian nang alalahanin niya ang pangako niya kay Yohann noong birthday nito. Hindi niya akalain na ngayong gabi niya niya mapapatunayan kung matutupad o hindi ang pangakong 'yun.

"May nagustuhan na ulit akong bago Xian, higit pa pala sa gusto. May iba na akong mahal." Sabi ni Yohann at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Zacheous. Hinaplos naman ni Zacheous ang kamay ni Yohann, parang hinaplos ang puso niya sa sinabi ni Yohann. Naramdaman 'yun ni Yohann kaya tumingin siya kay Zacheous at ngumiti saka binalik ang tingin kay Xian.

"Yohann, gusto ko lang sabihin sa 'yo na natupad ko ang pangako ko. Nakikita mo ba ako ngayon? Nakangiti ako habang kausap ka, nakangiti akong nakikita kang masaya sa iba at nakangiti akong tinanggap ang lahat. Kaya, huwag kang mag-alala, maayos na ang lahat. Sayang lang ang gwapo kong mukha kung iiyak lang ako." Sa kabila ng mga seryosong sinabi ni Xian, nagawa pa rin niyang magbiro para hindi lang mag-alala si Yohann. Nang makita niyang tumawa si Yohann, gumaan din ang pakiramdam niya at natawa rin.

"You'll always be a part of my life Yohann." Sabi ni Xian.

("And I will be always happy that we're part of each other's life.") Sabi naman ni Yohann. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ni Xian nang tumango siya kay Yohann.

"Sige na, pumasok ka na."

("Mag-ingat ka rin pag-uwi mo.")

"I will." Binaba na ni Yohann ang cellphone niya. Nang marinig ni Xian ang end call tone, binaba rin niya ang cellphone niya at sinundan ng tingin sina Yohann at Zacheous na tuluyan ng nakalabas sa garden. Binalik ni Xian ang cellphone niya sa bulsa niya. Inakbayan naman ni Ryle ang kaibigan niya. Nilingon naman ni Xian si Ryle.

"Same scene, different conversation." Sabi ni Ryle.

"And you're still the witness." Sabi rin ni Xian.

"Okay lang, at least may nakita akong improvement. Kung dati magkausap kayo ni Yohann sa cellphone kahit magkaharap lang, grabe 'yung iyak mo, pero ngayon, nakangiti ka. I'm proud of you."

"Thanks for being here."

"No need to mention. Ginagawa ko lang ang part ko bilang kaibigan niyong dalawa." Nagsimula na silang maglakad palabas ng garden at palabas ng bahay. Naabutan nila si Brix na nasa gate.

"Brix." Tawag ni Xian kay Brix. Agad namang lumingon si Brix nang marinig na may tumawag sa kaniya.

"Xian, pauwi ka na?" Tanong ni Brix.

"Oo. Si Liam?"

"'Yun na nga eh. Tinawagan ko pero hindi sumasagot, tinext ko rin pero hindi nagreply, nagchat din ako pero sineen lang niya."

"Okay lang naman siguro 'yun, sineen naman pala eh."

"Pero kasi, sabay kaming uuwi. Motor niya ang gamit naming dalawa kaya hindi ko alam kung paano ako uuwi. Pweding sumabay nalang ako sa 'yo?"

"Sure, okay lang sa akin pero baka matagalan kang makauwi. Ihahatid ko pa si Ryle."

"Okay lang sa akin." Sabi naman ni Brix.

"Let's go." Sabi ni Xian at naunang naglakad palabas ng gate. Nakasunod naman sina Brix at Ryle. Inakbayan naman ni Brix si Ryle habang naglalakad silang dalawa. Nagtaka naman si Ryle sa ginawa ni Brix.

"Bakit?" Hindi niya maiwasang itanong kay Brix.

"Wala lang. Trip ko lang akbayan ang bagong kaibigan ko." Nakangiting sagot ni Brix.

"Ahh, okay." Hindi na umangal si Ryle at hinayaan lang si Brix. Hanggang sa makarating sila sa kotse ni Xian, nakaakbay pa rin si Brix kay Ryle.

#

Nang makarating sina Zacheous at Yohann sa kwarto ng huli, kaagad silang pumasok. Akmang pipigilan ni Yohann si Zacheous pero mabilis na itong naglakad papasok ng kwarto at humiga sa kama ni Yohann.

"Bakit ka pumasok? Akala ko ba ihahatid mo lang ako?" Tanong ni Yohann at hinawakan ang braso ni Zacheous at pinatayo. Sinadya namang bigatan ni Zacheous ang katawan niya.

"Tumayo ka diyan, nahihigaan mo ang mga damit ko." Sabi ni Yohann dahil basta-basta lang na iniwan ng mga kaibigan niya ang mga damit na kinuha ng mga 'to at hindi man lang binalik sa closet. Nilapag lang sa kama ni Yohann bago sila lumabas para sa party.

Sumuko naman si Zacheous at umupo nalang sa kama ni Yohann. Kinuha naman ni Yohann ang mga damit at pantalon niya at binalik sa closet niya. Nanatiling nakaupo si Zacheous sa kama habang sinusundan ng tingin si Yohann. Hindi naman pinapansin ni Yohann si Zacheous at tinuloy ang ginagawa niya. Nang maligpit na ni Yohann ang lahat ng mga damit, tumayo si Zacheous at hinawakan ang mga kamay ni Yohann. Niyakap niya ito nang mahigpit at dahan-dahan silang umiikot.

"Ano na namang trip mo?" Mahinang tanong ni Yohann.

"Gusto ko lang siguraduin na hindi ako nananaginip. Baka kasi imagination ko lang ang lahat ng 'to." Sagot ni Zacheous. Tumigil naman si Yohann sa pag-ikot kaya napatigil din si Zacheous. Hinawakan ni Yohann ang mga balikat ni Zacheous at pinutol ang yakap habang si Zacheous naman ay nakapulupot pa rin ang mga braso sa beywang ni Yohann.

"What do you want me to do to prove that this is real?" Tanong ni Yohann. Sumilay naman ang mapang-asar na ngiti sa mga labi ni Zacheous.

"Ikaw ang bahala." Sagot ni Zacheous. Ngumiti naman si Yohann at hinalikan ang pisngi ni Zacheous.

"Was it enough?" Tanong ni Yohann. Mabilis namang umiling si Zacheous. Hinalikan ni Yohann ang kabilang pisngi ni Zacheous.

"Okay na 'yun?"

"Nahhh." Sabi ni Zacheous at umiling pa rin. Ngumisi naman si Yohann at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Zacheous. Siniil niya ng halik ang mga labi ni Zacheous na ikinangiti ng huli. Hinigpitan niya ang hawak sa beywang ni Yohann at hinila ito palapit sa kaniya. Ginantihan niya ang halik ni Yohann at nilaliman ito. Si Yohann ang pumutol sa halik at nilayo ang ulo niya mula kay Zacheous. Natawa siya nang makitang gustong habulin ni Zacheous ang mga labi niya. Agad namang tinakpan ni Yohann ang bibig ni Zacheous.

"Annoying. It's enough. You need to go home." Sabi ni Yohann. Hinawakan ni Zacheous ang kamay ni Yohann at binaba ito.

"Mamaya na. Gusto pa kitang makasama."

"Hindi pwedi. Maaga ka pa bukas. Baka nakakalimutan mong graduation ng department niyo bukas?"

"Tsk. Annoying." Natawa naman si Yohann sa sinabi ni Zacheous.

"That's my line." Pati rin si Zacheous ay natawa sa sinabi niya.

"Fine, uuwi na ako. Pupunta ka sa graduation ko ha?" Tanong ni Zacheous at kinurot ang pisngi ni Yohann.

"Of course, I won't miss it."

"Hmmm." Tumango si Zacheous. Napapikit si Yohann nang halikan ni Zacheous nang matagal ang noo niya.

"I love you." Sabi ni Zacheous nang putulin niya ang halik.

"I love you too."

"Enough proof that I'm not dreaming." Pinutol na nilang dalawa ang yakap at ngumiti sa isa't isa. Magkahawak kamay silang dalawa habang naglalakad papunta sa pinto ng kwarto ni Yohann. Binuksan ni Yohann ang pinto at lumabas si Zacheous pero hawak pa rin niya ang kamay ni Yohann.

"Bye." Sabi ni Zacheous.

"Hmmm." Isang matamis na ngiti naman ang tinugon ni Yohann. Hinalikan ni Zacheous ang likod ng kamay ni Yohann bago ito bitawan. Paatras siyang naglalakad habang kumakaway kay Yohann.

"Ingat sa pagdadrive." Pahabol ni Yohann.

"I will." Kumaway na si Zacheous at kumaway rin pabalik si Yohann. Tumalikod na si Zacheous at naglakad na nang maayos. Isang ngiti naman ang sumilay sa mga labi ni Yohann nang isara niya ang pinto.

Hindi rin ako nananaginip.

#

"Saan ka galing ha? Sa kwarto ba ni Yohann? Ang lawak ng ngiti mo ah." Pababa ng hagdanan si Zacheous nang makasalubong niya si Yohanne.

"Yohanne, ikaw pala." Bati ni Zacheous.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong ni Yohanne.

"Pauwi na ako. Hinatid ko lang si Yohann sa kwarto. Saan ka nga pala galing? Kanina ka pa hinahanap."

"Nagpahangin lang. Nakita ko rin naman si Papa sa labas kanina nu'ng pumasok ako."

"Ahhh." Pababa ng hagdanan si Zacheous habang paakyat naman si Yohann. Dalawang hakbang nalang ang kulang at magiging pareho na ang aapakan nila nang tumigil si Yohanne sa paglalakad.

"Hoy ex, alagaan mo 'yung kakambal ko ha? Dahil kung hindi, lagot ka talaga sa akin." Nakangiting sabi ni Yohanne.

"Oo naman, takot ko lang na suntukin mo ulit ako."

"Mabuti naman kung gano'n." Sumandal si Yohanne sa railings ng hagdan. Nagpatuloy naman sa pagbaba si Zacheous sa tumigil sa kaparehong hakbang na kinatatayuan ni Yohanne.

"Thank you pala."

"That's the best thing I can do. I did my part on saving your feelings. Baka kasi bumaha ng luha kapag hindi mo makasama ang isang 'yun."

"Thank you pa rin Yohanne."

"Fine, you're welcome. Pasalamat ka, mahal ko kayong dalawa. 'Di bale, makakamove on din ako. Hindi ka kawalan nuh." Pareho silang natawa ni Zacheous.

"Sa ganda mong 'yan, makakahanap ka rin ng para sa 'yo. Deserve mo ng taong magpapasaya sa 'yo at hindi ka sasaktan."

"Saan naman ako makakanap ng lalaking ganiyan, bukod sa 'yo?" Napairap si Yohanne sa sinabi ni Zacheous.

"Malay mo, nasa malapit lang din 'yung para sa 'yo."

"Hoy babaeng Yohanne, baka nakalimutan mong pinasuot mo sa akin ang high heels mo? Pinilit mong ipasuot sa akin ang high heels mo mula sa park hanggang dito sa bahay niyo tapos iiwan mo lang ako sa labas ng bahay mo. Ang galing mo rin nuh." Sabay na napalingon sina Yohanne at Zacheous sa baba ng hagdan nang marinig nila ang nagrereklamong boses ni Liam. Nakita ni Zacheous na hawak ni Liam ang high heels ni Yohanne. Tiningnan naman niya ang paa ni Yohanne at nakitang nakasuot ito ng rubber shoes na sa tingin niya ay pagmamay-ari ni Liam. Napagtanto niyang magkasama ang dalawa nang nawala ang mga 'to sa party.

"Pinahiram mo sa akin ang rubber shoes mo eh. Mabait din naman ako kaya pinahiram ko sa 'yo ang high heels ko." Pang-aasar ni Yohanne. Umupo siya sa hagdan at tinanggal ang suot na rubber shoes.

"Mauna na ako Yohanne." Paalam ni Zacheous.

"Okay, take care." Tugon ni Yohanne at tinuloy ang pagtanggal ng sintas ng sapatos. Bumaba naman sa hagdan si Zacheous at tinanguan niya si Liam nang paakyat naman ito. Nang tuluyan na siyang makababa ay nilingon niya ng isang beses sina Yohanne at Liam. Napangiti siya nang makitang tinutulungan ni Liam si Yohanne na tanggalin ang suot nitong sapatos.

---
LadyLangLang

Continue Reading

You'll Also Like

TICKET By venom

Fanfiction

13.4K 213 18
George wants to visit Florida, But he wonders if Dream and Sapnap will be fine with him visiting. And what will happen if Dream and George start get...
541K 20.5K 54
ALL THIS LOVE IS SUFFOCATING! Charli D'amelio / Social Media Completed. Cringe...it was 2020...
216K 10.3K 57
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
1M 22.6K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...