To Yohann (BxB) - Edited

By LadyLangLang

1.5K 191 109

Love confession is the most romantic way a person can show his/her affection towards the person he/she likes... More

Prologue
Chapter 1: Yohann's Role
Chapter 2: Flower Crown
Chapter 3: Messenger Went Wrong
Chapter 4: Chased by Who?
Chapter 5: To Yohann, For Yohanne
Chapter 6: Battle of Bottles
Chapter 7: Thought, thought and thoughts
Chapter 8: Mixed Emotions
Chapter 9: The Poem's POV
Chapter 10: Messed Encounter
Chapter 11: Sudden Courage
Chapter 12: Glimpse of His Secret
Chapter 13: Afraid of the Realizations
Chapter 14: Date
Chapter 15: His Explanations
Chapter 16: The Four of Them
Chapter 17: Ticket to the Play
Chapter 18: The End of the Play is the Start of Confusion
Chapter 19: Confrontation
Chapter 20: Flowers and Kiss
Chapter 21: When Envy turns to Jealousy
Chapter 22: Calls
Chapter 23: The Gift
Chapter 24: Birthday for Him, Debut for Her
Chapter 25: Secret Revealed
Chapter 26: Sudden Confession
Chapter 27: Date and Conversation
Chapter 28: Decisions
Chapter 30: Important Matters
Chapter 31: What happened?
Chapter 32: Graduation Celebration
Chapter 33: Actual Confession
Chapter 34: Finally
EPILOGUE

Chapter 29: Letting Go?

19 2 0
By LadyLangLang

Chapter 29: Letting Go?

"Yohanne sorry, hindi ko na itutuloy ang panliligaw ko sa 'yo."

Teka, masyadong straightforward.

"Yohanne, tungkol sa panliligaw ko sa 'yo, sorry, nagkamali ako."

Nagkamali? Sino ba ang unang umamin, 'di ba ako?

"Yohanne, may iba na akong gusto. Sorry kung napaasa kita."

Wait! Ang sama pakinggan. Baka mas lalong magalit si Yohann.

"Yohanne, pasensya sa istorbo at may sasabihin lang ako - - -. Wait, dadaanin ko na naman ba sa tula ang sasabihin ko?"

Napangiwi si Zacheous dahil sa pinaggagawa niya. Napaupo siya sa kama niya habang nakaharap sa salamin niya. Nagpapractice siya sa sasabihin niya kay Yohanne. Gusto na niyang animin kay Yohanne ang kung anong meron sa kanila ni Yohann. Ayaw na niyang umabot sa punto na lumalim ang naramdaman ni Yohanne para sa kaniya.

Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Ryle.

"How to reject a girl?"

("Hindi ako search bar. Huwag kang istorbo.")

"Ryle, seryoso ako."

("Seryoso rin ako. Ano? Nakapagdecide ka na sabihin sa nililigawan mo ang kung anong meron sa inyo ni Yohann?")

"Teka, paano mo nalaman?"

("Tsk. Hindi ako bulag para hindi mapansin 'yun. Isa pa, huwag mo kong tanungin paano mangreject ng babae. Ikaw ang expert sa bagay na 'yan. Sa dinami-rami ng mga umamin sa 'yo at kung paano mo sila nireject, madali lang sa 'yo ang bagay na 'yan.")

"But - - -."

("Sabihin mo nalang nang diretso para isahang sakit lang ang maramdaman ng babaeng Yohanne.")

"Ryle! Ryle! Hello?" Binaba nalang ni Zacheous ang hawak niyang cellphone nang biglang tapusin ni Ryle ang tawag. Para sa kaniya ay walang naitulong ang kaibigan niya. Muling tumayo si Zacheous at naglakad palapit sa salamin. Huminga siya nang malalim at nagmulat saka tumitig sa sarili niyang repleksyon.

"Yohanne, sorry. I made a wrong decision in courting you. I like your twin brother."

#

Sumilip si Yohann mula sa mga box na dala niya para tingnan ang dinadaanan niya. Dala niya ang isang malaking box at isang maliit na box na nakapatong sa dala niya. Nilapag niya ang mga box sa mesa at pinagpagan ang mga kamay niya.

Tiningnan niya ang kabuuan ng loob ng café shop sa park ng subdivision nila na nirentahan niya at pinuno niya ng mga decoration. Napangiti siya nang mapagtanto niyang siya lang ang gumawa ng lahat ng 'yun.

Nagring ang cellphone niya kaya kinuha niya 'yun mula sa bulsa niya at nakitang tumatawag si Xian sa kaniya.

"Hello Xi."

("Nandito na ako sa labas. Dala ko na 'yung pinadala mo sa akin.")

"Gano'n ba?" Tanong ni Yohann saka naglakad papunta sa pinto. Binuksan niya 'yun at nakita si Xian na sakay ng motor at may nakasabit na ecobag dito. Tinaas niya ang kamay niya at kinawayan si Xian at kinawayan siya pabalik ni Xian.

Binaba niya ang cellphone niya at pinatay ang tawag. Naglakad siya palapit kay Xian. Tinanggal ni Xian ang helmet niya at bumaba ng motor. Kinuha rin niya ang ecobag at binigay kay Yohann.

"Thanks." Sabi ni Yohann at tiningnan ang loob ng ecobag. Tiningnan niya si Xian na nakatingin sa ecobag.

"Aanhin mo ba 'yan?"

"May paggagamitan lang. Ibabalik ko rin sa 'yo pagkatapos ng event."

"Okay." Umupo si Xian sa motor niya saka pinag-ekis ang mga binti at mga braso niya habang nakatingin kay Yohann.

"Ano bang pinagkakaabalahan mo?" Tanong niya at tiningnan ang café shop pero hindi niya makita ang loob nu'n.

"Malalaman mo rin mamaya."

"Mamaya?" Kunot-noong tanong ni Xian at tumango si Yohann. Napansin ni Xian na bumuntong-hininga si Yohann saka tumalikod. Gusto niyang itanong kung may problema ba ito.

"Pwedi bang pumunta ka rito mamayang 7:00 P.M.?" Tanong ni Yohann na hindi tumingin kay Xian.

"Can I ask why?"

"Basta, pumunta ka. Sige, mauna na ako. Salamat ulit." Sabi ni Yohann saka naglakad pabalik sa café shop at sinundan lang siya ng tingin ni Xian.

Habang naglalakad si Yohann ay kinuha niya ang cellphone niya para tawagan si Zacheous pero bago pa niya ito matawagan, naunahan na siya ni Zacheous.

("Yohann!") Masayang bati ni Zacheous mula sa kabilang linya.

"Good thing you called me. Tatawagan din sana kita eh."

("Bakit? You missed me?")

"Tsk. Annoying." Agad na napairap si Yohann sa sinabi ni Zacheous pero nakangiti pa rin siya. Tinulak niya ang pinto saka pumasok.

("Hahahahaha. Joke lang. Pero hindi ito joke, miss na kita kaya ako tumawag.") Hindi naman nawala ang ngiti ni Yohann nang umupo siya at nilapag ang dala niya sa mesa.

"Tsk."

("Tsk? That's it?")

"Why? Anong iniisip mong sasabihin ko?"

("Na miss mo rin ako.")

"You already said that it's a joke. Isa pa, nagkita naman tayo sa school kahapon."

("Fine, fine. I won't insist. Ang hirap mong pakiligin.")

"Stop sulking."

("No, I'm not.")

"Okay."

("Yohann! Hindi ka ba marunong manuyo?")

"I know but I won't do it."

("Tsk.")

Natawa nalang si Yohann sa pinag-uusapan nilang dalawa ni Zacheous. Alam niyang ang babaw lang ng kaligayahan niya pero hindi niya mapigilan ang tuwa niya nang makausap si Zacheous.

"By the way, punta ka rito sa café shop sa subdivision mamayang 6:00 P.M." Sabi ni Yohann.

("Why?")

"Basta. Pagdating mo, pumasok ka kaagad sa café shop."

("Okay, may isang oras pa bago mag-6:00 P.M. Magkikita ba tayo riyan?")

"Yeah."

("Hmm. See you there. May sasabihin din ako sa 'yo eh.")

"Okay. I'll expect you to come later." Sabi ni Yohann at hinintay na magsalita si Zacheous pero wala na siyang ibang narinig kung 'di ang paghinga nito sa kabilang linya.

"Zacheous? Zach?" Tawag niya kay Zacheous.

("I love you.") Biglang sabi ni Zacheous. Mabilis na tinikom ni Yohann ang bibig niya para pigilan ang sarili sa pagngiti pero hindi siya nagtagumpay.

"I love you too." Mahinang sabi ni Yohann.

("Much better than I miss you.")

"Annoying. Be here at 6:00 P.M. Bye." Sabi ni Yohann at pinatay na ang tawag. Agad siyang tumayo at sinimulang tapusin ang ginagawa niya.

#

Nakangiting bumaba si Zacheous mula sa 2nd floor nila habang nakakunot naman ang noo ng mama niya habang nakatingin sa kaniya.

"May lakad ka 'nak? Ang ayos ng bihis mo ha." Nakangiting sabi ni Emily sa anak niya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Zacheous nang maglakad siya papunta sa mama niya at niyakap ito.

"Wish me luck this night Ma." Sabi niya sa mama niya.

"Bakit? Anong gagawin mo?"

"Mamaya ko na po ikukwento pagkauwi ko." Sabi niya at kumalas sa yakap niya sa mama niya. Ngumiti siya saka nagmano sa mama niya at lumabas ng bahay.

Habang sakay siya ng motor niya ay kinakabahan siya sa magiging reaksyon ni Yohann sa desisyon niya. Hinihiling niya na sana ay maging maayos ang lahat. Hindi rin niya mapigilang mapaisip sa kung ano rin ang gagawin nilang dalawa ni Yohann sa café shop. Kahit ano pa 'yun, wala siyang pakialam. Ang mahalaga ay magkikita silang dalawa ni Yohann.

Pagpasok niya sa subdivision, agad siyang dumiretso sa café shop. Nag-iisa lang naman 'yun kaya madali niyang nahanap. Itinigil niya ang motor niya at tinanggal ang suot na helmet. Tumingin siya sa paligid at dumidilim na. Bumaba siya sa motor at tiningnan ang relo niya.

"5:53 P.M." Basa niya sa oras. Inangat niya ang ulo niya at nagtaka siya dahil ang dilim ng loob ng café shop at ang tanging ilaw ay ang dalawang lamppost sa labas ng café shop. Itetext sana niya si Yohann pero naisip niya na hindi naman magsisinungaling si Yohann sa kaniya.

Naglakad siya papunta sa café shop at sinubukang tingnan ang loob. Ipinalibot niya ang dalawang kamay niya sa mukha niya at sinilip ang loob ng café shop sa pamamagitan ng glass wall pero wala siyang maaninag sa loob.

Pumunta siya sa pinto ng shop at sinubukang itulak. Nagulat siya dahil nakabukas 'yun. Agad siyang pumasok at naramdaman niyang may tumama sa mukha niya. Kinuha niya ang cellphone niya at binuhay ang flashlight. Bumungad sa kaniya ang mga nakasabit na mga strips ng iba't ibang kulay ng foil at sa sahig ay mga balloon.

Itinapat din niya ang flashlight sa ibang direksyon at nakita ang iba pang decorations. Hindi na siya makapaghintay na makita ang kabuuan ng shop para mas makita pa ang set-up nito. Gusto niyang makita ang kabuuan ng pakulo ni Yohann.

Naglakad pa siya hanggang sa biglang may umilaw na dim light, sapat na para makita ang ilang mga bagay sa malapit ni Zacheous. Pinatay niya ang flashlight ng cellphone niya at nanatiling nakatayo sa pwesto niya.

Hanggang sa nakarinig siya ng pagbukas-sara ng pinto at nakita si Yohann na lumabas mula du'n. Kahit hindi niya maaninag masyado ang mukha nito, sa hulma palang ng katawan, alam niyang si Yohann 'yun. Agad siyang napangiti at akmang lalapitan si Yohann pero nakita niyang itinaas ni Yohann ang kamay nito kaya nanatiling nakatayo si Zacheous habang hinihintay na makalapit si Yohann sa kaniya.

Mas lumawak ang ngiti niya nang tumigil sa harap niya si Yohann na nakangiti rin habang nakatingin sa kaniya.

"Yohann." Tawag niya kay Yohann.

"Hi." Ngumiti si Yohann at kumaway kay Zacheous.

"Ano 'to? Bakit ang dilim ng shop? Para saan din 'tong mga decoration?" Nakangiting tanong ni Zacheous habang nilibot ang tingin sa shop. Tumingin din si Yohann sa paligid.

"For a special purpose."

"Ano 'yun? Isa pa, pwedi bang buksan natin ang ilaw?" Tanong ni Zacheous pero umiling si Yohann.

"Mamaya na." Sagot ni Yohann.

"Okay." Sabi ni Zacheous.

"Nga pala, bakit mo ako pinapunta rito? May sasabihin ka ba sa akin? May connection ba sa decoration ng shop?" Sunod-sunod na tanong ni Zacheous. Mas tinikom ni Yohann ang bibig niya at bumuntong-hininga. Kumunot ang noo ni Zacheous nang makita niya ang ginawa ni Yohann lalo na't bigla itong yumuko. Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan.

"I just want this night to be memorable for you." Mahinang sabi ni Yohann habang nakayuko pa rin.

"What do you mean?" Hinawakan ni Zacheous ang chin ni Yohann at pinaharap sa kaniya. Pilit na ngumiti si Yohann at hinawakan ang kamay ni Zacheous saka ito binaba. Kumuyom ang kamay ni Zacheous sa ginawa ni Yohann.

"Yohann, ano ba - - -."

"Sssh. Let me finish first." Sabi ni Yohann at nilapat ang daliri niya sa bibig ni Zacheous para patigilin ito sa pagsasalita. Nang masigurado niyang hindi na magsasalita si Zacheous, binaba niya ang kamay niya at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Zacheous, first of all, I wanna say thank you for letting me experience love again. I want to say thank you for realizing your true self and acknowledging your feelings towards me. I want to say thank you for the things we shared even if we don't have the official relationship."

"Ano ba Yohann! Hindi ako natutuwa- - -."

"I want to say thank you for trusting me. You trusted me when you buy things for her. You trusted me that I can help you on courting her."

"Yohann naman. Hindi mo dapat dinadamay si Yohanne- - -."

"Ang dami kong narealize sa mga oras na magkasama tayong dalawa. Simula noong unang beses mong humingi ng tulong sa akin sa pagbili ng ibibigay mo kay Yohanne. I realized 'Ahh, Zacheous bought things that will be given to me but for Yohanne. It will be to Yohann for Yohanne.' Ang mali ko lang ay umasa akong may ibibigay ka sa akin kahit isa man lang. Hindi pala bagay ang ibibigay mo sa akin kung 'di ang pagmamahal mo pala." Mapaklang ngumiti si Yohann sa sinabi niya.

"Yohann, please, stop this." Pumikit si Zacheous dahil ayaw niyang makita ang mukha ni Yohann habang sinasabi nito ang mga nasa isip niya.

"No Zach, you need to hear these things." Huminga ulit nang malalim si Yohann saka nagpatuloy sa pagsasalita.

"Thank you for trusting me. Thank you for accepting me and most importantly, thank you for loving me. Salamat sa lahat ng 'yun Zacheous pero ayaw kong maranasan mo ang nangyari sa amin dati. Ayaw kong makita mo ang kakaibang tingin ng mga tao sa 'yo. Ayaw kong mahusgahan ka dahil nanligaw ka ng babae pero nagkagusto ka sa lalaki. I'm just making things easier and convenient for you. I hope you understand." Unti-unti nang gumagaralgal ang boses ni Yohann dahil sa pagpipigil niya sa mga luha niya. Nagtitiis lang siya para ipakita kay Zacheous na seryoso siya sa mga sinasabi niya.

"Understand? Of course, Yohann, I understand what you're trying to say but no! Hindi ako papayag sa mga sinasabi mo. Wala akong pakialam kung pagtinginan man tayo ng ibang tao. Yohann naman, ngayon palang ako nagmahal at wala akong pakialam kung lalaki ang unang minahal ko. Please let me experience the joy of loving and be love by my first love." Nagmamakaawang sabi ni Zacheous kay Yohann at akmang lalapitan ito pero hinawakan ni Yohann ang dibdib niya kaya napatigil si Zacheous sa paglalakad.

"I don't want you to betray Yohanne, our father and her friends. Alam nilang lahat na nililigawan mo siya at lahat sila boto sa 'yo. I don't want to disappoint her. Ito naman talaga ang purpose mo kaya mo ako nilapitan, 'di ba? Gusto mong mapalapit kay Yohanne para ligawan siya."

"And I regret it. Yohann, pinagsisihan ko ang bagay na 'yun. Handa akong sabihin kay Yohanne ang totoong nararamdaman ko at tanggap ko kung magagalit siya." Tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Zacheous.

"Yohann, kung pwedi ko lang ibalik ang oras, ginawa ko na para hindi na ituloy ang pagtanong ko kay Yohanne na pwedi ko ba siyang ligawan. Hindi mo alam kung gaano ka walang saysay ang pagbigkas ko ng tulang 'yun dahil ikaw iniisip ko sa oras na 'yun." Hinawakan ni Zacheous ang kamay ni Yohann na nasa dibdib niya. Naramdaman niyang kumuyom ang kamay ni Yohann.

"Zacheous." Banggit ni Yohann. Niluwagan ni Yohann ang pagkakakuyom ng kama niya at tinapat 'yun sa bandang puso ni Zacheous. Inangat niya ang ulo niya at tiningnan si Zacheous. Inangat niya ang isang kamay niya at pinunasan ang mga luha ni Zacheous habang tumutulo rin ang mga luha sa sarili niyang mga mata.

"You should be with Yohanne not me. I'm giving you my blessing." Napapikit si Zacheous at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Yohann na nasa dibdib niya. Patuloy naman sa pagpupunas si Yohann mga kumakawalang luha ni Zacheous pagkatapos ay tinakpan niya ang mga mata nito.

Binaba rin niya ang kamay niyang nakahawak sa dibdib ni Zacheous.

"Zacheous, sorry, please be happy with her. You don't know how much I'm hurt inside but this is the least I can do. I love you." Sinabi 'yun ni Yohann pero walang boses na lumalabas sa bibig niya. Nang makita ni Yohann na namatay ang dim lights, agad niyang binaba ang kamay niyang nakatakip sa mga mata ni Zacheous at mabilis na umalis.

Narinig ni Zacheous ang mga yabag ng takbo ni Yohann. Minulat niya ang mga mata niya pero bumalik sa pagiging madilim ang shop. Tatawagin niya sana si Yohann pero biglang nagbukas ang ilaw at lumiwanag ang paligid. Bumungad kay Zacheous ang kabuuan ng shop at ang mga decoration nito pero hindi na siya nag-abalang mamangha sa mga nakikita niya dahil nakita niyang nakatayo sa harap niya si Yohanne.

#

"Anytime, darating na si Zacheous." Sabi ni Yohann matapos niyang tingnan ang relo niya. Sumilip siya sa maliit na salamin sa pinto para tingnan ang shop. Pagkatapos ay hinarap niya si Yohanne.

"Are you ready?" Tanong niya kay Yohanne. Ngumiti naman si Yohanne at tumango bilang tugon.

"Good." Sabi ni Yohann at nagpakita ng pilit na ngiti. Nang mapansin nilang parang may ilaw na pumasok sa salamin, agad na sumilip si Yohann at nakita niya ang isang tao na may dalang flashlight o 'di kaya'y cellphone flashlight. Alam na niya agad na si Zacheous 'yun.

Nakatingin lang siya kay Zacheous habang mahigpit ang hawak niya sa doorknob.

"Yohanne, I want you to be happy with him. I'm giving you my blessing." Sabi ni Yohann na hindi nakatingin kay Yohanne. Kahit hindi nakita ni Yohann, tumango pa rin si Yohanne.

"Paglabas ko rito, buksan mo ang dim lights, kakausapin ko muna siya. Kapag nakita mong tinakpan ko na ang mga mata niya, patayin mo ang dim lights nang ilang segundo pagkatapos ay buksan mo na ang main lights at pwedi ka ng lumabas." Pilit na binubuo ni Yohann ang boses niya para hindi ipahalatang kinakabahan siya.

Huminga nang malalim si Yohann saka mabilis na pinihit ang doorknob at lumabas. Agad namang lumapit si Yohanne sa switch ng dim lights at in-on 'yun.

Sumilip siya sa shop at tiningnan sina Yohann at Zacheous na magkaharap sa isa't isa. Sinubukan niyang aninagin ang mga nangyayari pero masyadong madilim at ang nakikita lang niya ay si Zacheous dahil nakatalikod si Yohann sa kaniya.

Sa araw na 'yun napagdesisyonan ni Yohanne na sagutin na si Zacheous at nagulat siya dahil si Yohann ang nagvolunteer na gumawa ng lahat kaya wala siyang ibang ginawa kung 'di ang maghanda at maghintay hanggang 6:00 P.M.

Ang favor lang na hiniling ni Yohann ay ang makapag-usap sila ni Zacheous nang ilang minuto. Wala na siyang nagawa at pumayag sa pabor ni Yohann. Mag-uusap lang naman sila at walang masama du'n.

Pero sa nakikita ni Yohanne ngayon, alam niyang may kakaiba sa dalawa. Kahit hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa, alam niyang may mali. Sa nakikita niya sa expression ng mukha ni Zacheous, parang hindi nito gusto ang mga sinasabi ni Yohann.

Hindi maiwasang magtaka ni Yohanne sa mga kinikilos ng dalawa. Mula sa paghawak ni Zacheous sa balikat at chin ni Yohann, sa paghawak ni Yohann sa kamay ni Zacheous, sa paglapat niya ng hintuturo niya sa mga labi ni Zacheous, sa mahigpit na hawak ni Zacheous sa kamay ni Yohann na nasa dibdib niya. Lahat ng 'yun ay nasaksihan ni Yohanne. Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano pero ang mga gestures na 'yun ay bago sa paningin niya lalo na't dalawang lalaki ang nakikita niyang gumawa ng mga bagay na 'yun. Kinakabahan siya sa ginagawa ng dalawa.

Mas lalong lumakas ang kaba niya nang makita niyang tinakpan na ni Yohann ang mga mata ni Zacheous. Pinindot niya ang switch ng dim lights para patayin ito. Huminga nang malalim si Yohanne at pinihit ang doorknob. Naglakad siya papunta sa main switch at in-on ang ilaw.

Tumingin siya sa direksyon ng dalawa pero ang nakita lang niya ay si Zacheous na palinga-linga sa paligid at parang may hinahanap. Hindi rin maiwasan ni Yohanne na magtaka dahil ang bilis nawala ni Yohann pero nakita niya ang mahinang paggalaw ng pinto kaya alam niyang lumabas si Yohann. Hindi naman napansin ni Zacheous ang pinto dahil paglingon niya ay hindi na ito gumagalaw.

Binalik ni Yohanne ang ngiti niya habang naglalakad siya papunta kay Zacheous.

"Yohanne?" Sabi ni Zacheous na nakakunot ang noong nakatingin kay Yohanne.

"Hi Z." Bati ni Yohanne.

"Anong ibig sabihin nito?"

"Hmmm. Gusto ko lang maging memorable ang gabing 'to para sa atin." Hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Yohanne habang gulong-gulo pa rin si Zacheous.

"Huh?"

"Alam kong ilang linggo pa lang ang lumipas simula noong ligawan mo 'ko pero ilang buwan na tayong magkasama at alam kong may something sa 'yo na nagpapasaya sa akin."

"Yohanne - - -."

"The moment na sinabi sa akin ni Yohann na may nanliligaw sa akin nang patago, hindi ko maiwasang matuwa. Alam mo naman si Yohann na sobrang protective sa akin, nang sinabi niya na may nanliligaw sa akin, naisip ko kaagad na nakapasa ang lalaking 'yun sa standards ni Yohann para sa akin. He wasn't wrong though, he assures me that that guy is good. Nang makilala kita, alam ko na kung bakit pumayag si Yohann na mapalapit ka sa akin."

Patuloy lang si Yohanne sa pagsasalita at nanatili lang na tahimik si Zacheous at iniimagine si Yohann na nagkukuwento kay Yohanne tungkol sa kaniya. Alam niyang nasasaktan si Yohann.

"Kaya pala alam mo kung anong mga gusto ko dahil si Yohann ang tumutulong sa 'yo. Kaya pala kayo palaging magkasama dahil sa akin."

Hinawakan ni Yohanne ang dalawang kamay ni Zacheous pero hindi ito hinawakan pabalik ni Zacheous, ang gusto niya ay bawiin ang mga kamay niya.

"My family and friends think the same thing. Lahat sila boto sa 'yo para sa akin. Yohann even gave his blessing to us." Pagkasabi nu'n ni Yohanne ay nakita niyang mariing pumikit si Zacheous at mabilis ang paghinga nito.

"I like your courage on telling everyone that you will court me. I especially like the poem you recite to confess your feelings to me."

Minulat ni Zacheous ang mga mata niya at hinarap si Yohanne.

"But Yohanne, hindi ako ang gumawa - - -."

"Kaya ngayon, sinasagot na kita. I will be your girlfriend from now on." Nakangiting sabi ni Yohanne. Hinintay niya ang magiging reaksyon ni Zacheous.

"What?" Gulat na tanong ni Zacheous at binawi ang kamay. Agad na naglaho ang ngiti ni Yohanne sa ginawa ni Zacheous. Ang inaasahan niya ay matutuwa si Zacheous sa sinabi niya.

"Yes, sinasagot na kita." Pag-uulit ni Yohanne at niyakap si Zacheous para hindi niya makita ang reaksyon sa mukha ni Zacheous. Ayaw niyang isipin na hindi gusto ni Zacheous ang sagot niya. Hindi naman siya liligawan ni Zacheous kung hindi siya gusto nito.

"Yohanne, may sasabihin ako sa 'yong importante. Tungkol sa - - -." Hindi natapos ni Zacheous ang sasabihin niya nang biglang higpitan ni Yohanne ang yakap.

"I love you." Sabi ni Yohanne habang nakabaon ang mukha niya sa dibdib ni Zacheous.

"Yohanne." Hinawakan ni Zacheous ang dalawang kamay ni Yohanne na nasa likod niya at binaba ito. Hinawakan niya ang mga balikat nito at mahinang tinulak.

"Sandali lang. We'll talk later." Mabilis na sabi ni Zacheous at tumalikod. Tumakbo siya palabas ng shop.

#

Patuloy lang sa pagtakbo si Yohann habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata niya. Pinagpasalamat niyang walang ibang tao sa paligid kaya walang makakakita sa kaniya.

Dinala siya ng mga paa niya sa park. Agad siyang tumigil sa pagtakbo at tumingala sa langit.

"Ahhhhhhhhh!" Sigaw niya sa abot ng makakaya niya. Muli siyang yumuko at hinawakan ang mga tuhod niya at hinihingal habang tumutulo pa rin ang mga luha niya.

Nagdadrive naman si Xian papunta sa shop. Binilisan niya ang pagdadrive sa motor niya dahil lagpas 7:00 P.M. na at baka naghintay na si Yohann sa kaniya. Malapit na siya sa shop at nadaanan niya ang park. Bigla niyang nakita si Yohann na nakayuko. Kahit hindi niya makita ang mukha nito, alam niyang si Yohann 'yun dahil sa suot nito.

Agad niyang nilihis ng daan ang motor niya at huminto sa park. Nang makita niyang parang gumagalaw ang mga balikat ni Yohann, naisip niya agad na umiiyak ito. Agad siyang bumaba ng motor at tinanggal ang helmet. Nilagay niya 'yun sa upuan ng motor niya. Hindi na niya pinansin ang helmet na nahulog sa semento dahil agad siyang tumakbo palapit kay Yohann.

"Yohann." Tawag niya kay Yohann. Nag-angat naman ng tingin si Yohann at pilit na ngumiti.

"Xi."

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Xian. Muling yumuko si Yohann at bumuhos na naman ang mga luha niya.

"What Zacheous and I had,already ended, but what Zacheous and Yohanne had, already started." Mahinang sabi ni Yohann sa pagitan ng mga hikbi niya.

"What? Akala ko ba maayos na 'yung usapan natin na lilinawin mo na ang kung meron sa inyo ni Zacheous. Akala ko kakausapin mo si Zacheous na sabihin kay Yohanne ang tungkol sa inyong dalawa. Ano ba Yohann? Si Yohanne na naman ang inuna mo. Tas ngayon, iiyak ka?"

Kahit pa pabor kay Xian ang nangyari dahil nagkaroon siya ulit ng pag-asa kay Yohann, ayaw naman niya makitang nasasaktan ito dahil nasasaktan din siya. Kaya ginawa niya ang lahat para mapasaya lang 'to kahit pa si Zacheous ang dahilan nito.

"Yohann naman, don't tell me na 'yung preparation mo sa loob ng shop ay para sa pagsagot ni Yohanne kay Zacheous?" Tanong ni Xian at napahilamos nalang siya sa sarili niya nang dahan-dahang tumango si Yohann.

"Yohann naman." Pati si Xian ay namomroblema sa desisyon ni Yohann.

"Ayaw ko lang na mangyari ulit sa amin ni Zacheous ang nangyari sa atin dati. Alam ng lahat na si Yohanne ang nililigawan niya. Magiging masama siya sa paningin ng iba at kapag magkasama kami, pagtitinginan lang kami."

"Yohann, nag-iisip ka ba? Iba 'yung nangyari sa atin noon sa nangyayari ngayon. Huwag mong gayahin ang ginawa ko. Kung dati, ako 'yung sumuko, ngayon, ikaw naman ang sumuko."

"Xian."

"Yohann." Tawag ni Xian kay Yohann at hinila ito para yakapin. Hinihimas nito ang likod ni Yohann para tumigil ito sa pag-iyak.

"Sige ka, 'pag hindi kayo ang endgame ni Zacheous, babawiin kita." Pagbibiro ni Xian na pwedi rin naman niyang totohanin. Narinig naman niyang tumawa si Yohann.

"Baliw." Mahinang sabi ni Yohann. Kumalas si Yohann sa pagkakayakap. Hinawakan ni Xian ang mukha ni Yohann at pinunasan ang mga luha nito.

"Hayyy. Paiyak-iyak ka pang nalalaman, kasalanan mo naman."

"Oo na, kasalanan ko na."

"Hilingin mo nalang na sana sinabi agad ni Zacheous ang tungkol sa inyong dalawa para maliwanagan din si Yohanne." Sabi ni Xian at patuloy na pinupunasan ang mga luha ni Yohann gamit ang hinlalaki niya. Hinintay niyang magsalita si Yohann pero may tinitingnan ito sa bandang likuran niya.

Sinubukang lumingon ni Xian pero nakita niyang nakakuyom ang mga kamay ni Yohann. Bumuntong-hininga hininga si Xian at sumeryoso ang mukha niya. Muli niyang niyakap si Yohann at nagpalit sila ng posisyon. Hinigpitan niya ang pagyakap kay Yohann nang makita niyang si Zacheous nga ang nakita ni Yohann. Kasama nito si Yohanne at magkahawak ang mga kamay ng dalawa.

"Wala kang nakita. Nasa loob pa ng shop sina Yohanne at Zacheous. Wala kang nakita Yohann." Bulong ni Xian kay Yohann habang seryosong nakatingin kay Zacheous. Mariing pumikit si Yohann at tumango.

Kumalas si Xian sa yakap at hinarap si Yohann. Binaba niya ang isang kamay niya at ang isang kamay ay hinawakan ang mukha ni Yohann.

"Anong ginagawa mo?"

"Sssh. I wanna see his reaction." Inilapat ni Xian ang hinlalaki niya sa mga labi ni Yohann at nilapit ang mukha niya. Wala naman siyang balak halikan si Yohann, nilagay lang niya ang hinlalaki niya sa mga labi ni Yohann para tingnan ang reaksyon ni Xian. Kagaya ng inaasahan niya, nakita niya ang galit at selos sa mukha ni Zacheous. Kung hindi lang nakahawak si Yohanne sa mga kamay ni Zacheous, malamang ay sinugod na siya ni Zacheous.

"Let's go. Huwag mo silang lingunin." Sabi ni Xian at hinila si Yohann papunta sa motor niya. Pinasuot niya kay Yohann ang helmet niya. Umangkas siya sa motor niya at hinintay na umangkas din si Yohann at nagdrive na palayo. Wala na siyang pakialam kung saan sila mapunta, ang importante ay mailayo niya si Yohann para makapag-isip ito.

#

Nang makalabas si Zacheous sa shop ay agad siyang tumakbo sa iba't ibang direksyon at nagbabakasalaking makita niya si Yohann. Agad namang sumunod si Yohanne at wala siyang pakialam kung nakaheels pa siya. Gusto niyang habulin si Zacheous para pigilan ito.

"Aray!" Napatigil si Zacheous sa pagtakbo nang marinig niya ang daing ni Yohanne. Napahilamos nalang siya sa mukha niya nang lingunin niya si Yohanne na hawak ang ankle nito.

Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay para alalayan itong tumayo. Tinanong niya ito kung okay lang ba siya. Tumango naman si Yohanne at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Zacheous saka sinubukang tumayo.

"Okay. Hawak kalang." Sabi niya kay Yohanne at dahan-dahan silang naglakad. Seryoso si Zacheous na gusto niyang hanapin si Yohann pero hindi 'yun magiging madali lalo na't kasama niya si Yohanne.

Habang naglalakad silang dalawa, napadpad sila sa park at du'n nakita nila sina Yohann at Xian na parang may seryosong pinag-uusapan. Gusto sana niyang lapitan ang dalawa pero paghakbang niya ay hinigpitan ni Yohanne ang hawak sa kamay niya.

Tiningnan ni Zacheous ang kamay nilang dalawa habang nakatingin naman si Yohanne sa kaniya. Muli siyang napatingin kina Yohann at Xian. Nagtama ang mga mata nila ni Yohann. Akmang bibitawan niya ang kamay kamay ni Yohanne nang makita niyang magpalit ng posisyon sina Yohann at Xian.

Hindi maipaliwanag ni Zacheous ang sakit na nararamdaman niya nang nakitang malapit ang mukha ni Xian kay Yohann. Nakatingin si Xian sa kaniya habang malapit ang mukha nito kay Yohann.

"Oh my! Are they kissing?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yohanne habang nakatingin.

Yohann, ito ba? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Hindi mo ba siniseryoso ang meron sa atin? Ito bang gusto mo?

Sinundan nilang dalawa ng tingin sina Yohann at Xian nang sumakay ang dalawa sa motor ni Xian. Gustong makita ni Zacheous ang mukha ni Yohann pero nakasuot ito ng helmet.

Walang ibang magawa si Zacheous nang hilahin siya ni Yohanne at nagsimulang maglakad. Hinayaan lang niya si Yohanne dahil parang nawalan na siya ng lakas sa nakita niya.

Gusto nalang niyang matapos ang gabing 'yun.

#

"Ihahatid na kita sa loob." Sabi ni Xian nang itigil niya ang motor niya sa tapat ng bahay nina Yohann. Halos isang oras din silang naglibot ni Yohann at wala silang pinapatunguhan. Ang gusto lang ni Yohann ay umalis at naghintay lang siya kung kailan sasabihin ni Yohann na uuwi na sila.

Hindi na nagreklamo si Yohann. Tinanggal niya ang helmet at sinabit sa side mirror ng motor ni Xian. Walang emosyon siyang naglakad papasok sa bahay nila habang nakasunod naman si Xian sa kaniya. Pumasok sila sa gate at dumiretso sa pinto ng bahay.

"I hope that everything will be fine."

Narinig ni Yohann ang sinabi ni Xian pero hindi siya nagreak. Hindi naman niya alam kung mangyayari nga 'yun.

"Thanks for being here." Mahinang sabi ni Yohann.

"Anything for you." Sabi ni Xian.

"Yohann. Saan ka galing?" Tanong ng papa ni Yohann na lumabas ng bahay. Tumingin lang saglit si Yohann sa pala niya at nilipat ang tingin kay Xian.

"Ahm. Good evening po. I'm Xian Travez." Inilahad ni Xian ang kamay niya at tinanggap 'yun ni Markus.

"Kaano-ano mo si Yohann?" Tanong ni Markus. Wala namang balak si Xian na sabihin sa papa ni Yohann kung anong meron sa kanila ni Yohann.

"I'm his frie - - -."

"He's my ex-boyfriend." Diretsong sabi ni Yohann sa harap ng papa niya. Nagulat naman si Markus sa narinig niya mula sa anak niya at napatingin kay Xian. Nagulat din si Xian dahil hindi niya akalain na sasabihin 'yun ni Yohann. Pareho silang dalawa na napatigil ang mga kamay sa paghahandshake.

"Ahm." Pilit na ngumiti si Xian at binawi ang kamay niya.

"Sige po. Mauna na po ako." Sabi ni Xian sa papa ni Yohann. Tumango naman si Markus bilang tugon.

"Mauna na ako Yohann." Sabi niya kay Yohann at tinapik ang balikat nito.

"Hmmm."

Sinundan lang ng tingin ni Markus at Yohann si Xian na palabas ng gate. Nang mawala na si Xian sa paningin nilang dalawa, sila naman ang nagkatinginan.

"Si Xian..." Panimula ni Markus na nag-alangang dugtungan ang sasabihin niya.

"Yes po. It's true, he's my ex-boyfriend. I once had a relationship with a guy." Nakayukong sabi ni Yohann at hindi niya maiwasang kabahan sa magiging reaksyon ng papa niya.

"Why did you broke up?"

"Po?" Inangat ni Yohann ang ulo niya at nagtatakang tiningnan ang papa niya.

"I mean, he looks like a good kid. Bakit kayo naghiwalay?"

"You're not mad? You're not mad that I'm gay?" Sunod-sunod na tanong ni Yohann sa papa niya.

"Bakit naman ako magagalit? Wala ka namang ginawang masama." Sabi ni Markus. Kahit na malaki ang problema ni Yohann, hindi niya mapigilang matuwa nang sabihin 'yun ng papa niya. Ibig sabihin lang nu'n ay tanggap siya ng papa niya.

"Pero hindi ko muna tatanungin ang bagay na 'yun. Gusto kong malaman kung bakit malungkot ang mukha mo nang dumating ka. May problema ka ba?"

Nawala ang ngiti ni Yohann at bumalik sa alaala niya ang mga nangyari nang nagtanong ang papa niya. Wala siyang balak na sabihin sa papa niya ang tungkol sa problema niya. Unang-una, hindi pa rin sila gano'n kalapit sa isa't isa at kung sasabihin din niya ang problema niya, masisira sina Yohanne at Zacheous.

"Sa susunod ko nalang po sasabihin - - -."

"Pa!" Napatigil si Yohann sa pagsasalita nang marinig nila ang boses ni Yohanne. Agad na naglakad palayo si Yohann para hindi siya maabutan ni Yohanne.

Nilingon ni Markus si Yohann at akmang tatawagin ito pero nasa harap na niya si Yohanne na may ngiti sa mga labi nito.

"Oh, mukhang masaya ka yata." Sabi ni Markus kay Yohanne.

"Pa, boyfriend ko na si Zacheous." Nakangiting sabi ni Yohanne sa papa niya. Natuwa rin si Markus sa sinabi ng anak niya.

Napatigil naman si Yohann sa paglalakad.

"Gano'n ba? Mabuti naman kung gano'n nga. Boto ako sa batang 'yun."

Pumikit naman si Yohann sa narinig niyang usapan ng papa nila at ni Yohann. Sumakit na naman ang puso niya.

Wala na Yohann, sila na nina Zacheous at Yohann. Masaya ka ba sa ginawa mo?

"Yes Pa. Si Yohann po ang dahilan ng lahat. Si Yohann ang tumulong kay Zacheous sa panliligaw sa akin at si Yohann po ang tumulong sa akin para sagutin si Zacheous." Masayang kwento ni Yohanne at pareho silang dalawa na napatingin kay Yohann.

Napakuyom si Yohann sa mga kamay niya sa sinabi ni Yohanne. Hindi niya pinansin at nilingon ang papa niya at si Yohanne. Sa halip ay dumiretso siya sa taas at pumasok sa kwarto niya. Du'n niya binuhos ang lahat ng emosyon niya.

#

Walang ganang pumasok si Zacheous sa loob ng bahay nila. Pinilit lang niyang pasiglahin ang sarili niya nang ihatid niya si Yohanne sa bahay nito. Nakasalubong din nila si Xian at alam na niya na hinatid nito si Yohann.

Walang siyang lakas at nabitawan niya ang hawak niyang helmet at susi niya at nahulog ang mga 'yun sa sahig.

Nagulat naman si Emily dahil sa ingay ng pagkahulog. Lumingon siya sa pinto ng bahay at nakita ang anak niya. Pinatay niya ang TV at lumapit kay Zacheous.

"'Nak? Okay ka lang? Bakit parang galing ka sa pag-iyak?" Tanong ni Emily sa anak niya. Naglakad naman si Zacheous at umupo sa sofa. Sinundan naman ni Emily ang anak at umupo sa tabi nito.

"'Nak, magsalita ka naman. Nag-aalala na ako sa 'yo." Sabi ni Emily at hinawakan ang balikat ni Zacheous. Parang bata namang niyakap ni Zacheous ang mama niya nang magsimula ulit siyang umiyak.

"Ma, may girlfriend na ako. Anong gagawin ko? Ma, may girlfriend na ako." Paulit-ulit na sabi niya sa mama niya sa pagitan ng pag-iyak niya.

"Oh? Bakit ka umiiyak? Dapat nga matuwa ka 'di ba?" Pag-aalo ni Emily sa anak niya. Hinigpitan ni Zacheous ang pagyakap sa mama niya.

"Ma, hindi ko siya mahal. Hindi siya ang mahal ko. Ma, nagkamali ako. Ma, anong gagawin ko? Tulungan mo 'ko Ma." Sabi ni Zacheous sa mama niya.

"Anong ibig mong sabihin 'nak?" Tanong ni Emily. Kumalas si Zacheous sa yakap at hinarap ang mama niya. Hinawakan ni Emily ang mukha ni Zacheous at pinunasan ang mga luha nito.

"Ma, sorry. I - I l-like Yohann. 'Yung lalaking Yohann. Ma, sorry, hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sa kakambal ng girlfriend ko. Ma, mahal ko siya." Umiyak ulit si Zacheous pagkatapos niyang sabihin 'yun. Ngumiti naman si Emily kahit pa umiiyak din siya. Niyakap niya ang anak niya at hinimas ang likod nito.

"Sssh. Wala kang kasalanan. Walang masama sa 'yo. Hindi mo kailangang magsorry. Matagal ko ng napansin ang tungkol sa 'yo Zach. Simula nu'ng dumating si Yohann dito, alam kong may kakaiba sa tingin mo sa kaniya. Tanggap kita 'nak. Masaya lang ako dahil narealize mo rin ang nararamdaman mo."

Tumigil na sa pag-iyak si Zacheous at pinakinggan ang mama niya. Hindi niya akalain na napapansin pala siya ng mama niya. Hindi niya alam na matagal na palang nahahalata ng mama niya ang tungkol sa kaniya.

"Thank you, Ma."

"Hmm." Tumango ang mama niya.

"Tungkol naman sa girlfriend mo, pwedi mo pa naman sabihin sa kaniya ang tungkol sa 'yo. Ngayon ka pa lang ba niya sinagot?" Tanong ni Emily at tumango si Zacheous.

"Mas mabuting sabihin mo nang maaga sa kaniya. Kapag tinagalan mo, mas marami ang masasaktan at sa huli, ikaw ang magtitiis."

---
LadyLangLang

Continue Reading

You'll Also Like

883 99 13
rigor samsa: n. a kind of psychological exoskeleton that can protect you from pain and contain your anxieties, but always ends up cracking under pres...
36K 1.1K 12
Short story series "Dating the school's heartthrob secretly is really hard but I don't have a choice. He wants our relationship hidden." A not so pop...
1.1M 62.6K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
The Coup By Melo West

Historical Fiction

660 150 27
The story takes place in a fictional country called New Coast in the southern region of Africa. It follows a ruthless dictator who would do anything...