To Yohann (BxB) - Edited

By LadyLangLang

1.4K 191 109

Love confession is the most romantic way a person can show his/her affection towards the person he/she likes... More

Prologue
Chapter 1: Yohann's Role
Chapter 2: Flower Crown
Chapter 3: Messenger Went Wrong
Chapter 4: Chased by Who?
Chapter 5: To Yohann, For Yohanne
Chapter 6: Battle of Bottles
Chapter 7: Thought, thought and thoughts
Chapter 8: Mixed Emotions
Chapter 9: The Poem's POV
Chapter 10: Messed Encounter
Chapter 11: Sudden Courage
Chapter 12: Glimpse of His Secret
Chapter 13: Afraid of the Realizations
Chapter 14: Date
Chapter 15: His Explanations
Chapter 16: The Four of Them
Chapter 17: Ticket to the Play
Chapter 18: The End of the Play is the Start of Confusion
Chapter 19: Confrontation
Chapter 20: Flowers and Kiss
Chapter 21: When Envy turns to Jealousy
Chapter 22: Calls
Chapter 23: The Gift
Chapter 24: Birthday for Him, Debut for Her
Chapter 25: Secret Revealed
Chapter 26: Sudden Confession
Chapter 27: Date and Conversation
Chapter 29: Letting Go?
Chapter 30: Important Matters
Chapter 31: What happened?
Chapter 32: Graduation Celebration
Chapter 33: Actual Confession
Chapter 34: Finally
EPILOGUE

Chapter 28: Decisions

21 2 0
By LadyLangLang

Chapter 28: Decisions

"Yohann, anong tingin mo kay Zacheous?" Napatigil si Yohann sa pagsusulat nang biglang magtanong si Yohanne sa kaniya. Tiningnan niya ito at nakita niyang nakatingin ito sa kaniya habang hinihintay ang sagot niya.

"Bakit mo ko tinatanong?" Tanong pabalik ni Yohann at muling yumuko. Itinuloy niya ang pagsusulat pero parang nakalimutan na niya kung anong sunod niyang isusulat. Narinig niya tumawa si Yohanne pero hindi niya pa rin ito tinitingnan.

"Hahahaha. Bakit ko nga pala tinatanong? Eh 'di ba nga palagi kayong magkasama, malamang kilala mo na talaga siya." Natatawang sabi ni Yohanne. Tiningnan niya si Yohann at kinilatis kung anong magiging reaksyon nito pero nanatili itong nakayuko kaya hindi niya makita ang mukha nito. Ang napansin lang niya ay mahigpit ang hawak nito sa ballpen.

Nang mapansin niyang hindi pa rin nagsasalita si Yohann, nagsalita ulit siya.

"I've known him for months already and I know he's good guy. Obvious na naman siguro na gusto ko siya. Boto rin si Papa sa kaniya. All my friends like him for me. He's sweet, he's thoughtful and he's very respectful. He doesn't even hold my hand because we're still not together. Ibig sabihin nu'n, hinihintay niyang maging handa ako. He's such a sweet talker. Nakakatampo lang dahil hindi siya nag-uupdate minsan - - -."

"He's still not your boyfriend. Normal lang naman siguro na hindi ka niya masyadong i-update." Hindi na napigilan ni Yohann na putulin ang mga sinasabi ni Yohanne. Pakiramdam niya ay sinasadya ni Yohanne ang mga sinasabi nito. He's aware of Yohanne being sarcastic.

"Kaya nga gusto kong ilevel up eh. Plano kong sagutin na siya." Nabitawan ni Yohann ang ballpen niya sa huling sinabi ni Yohanne. Naramdaman niya ang panginginig ng isang kamay niya na nasa ilalim ng mesa. Dinig din niya ang tibok ng puso niya. Nahirapan siyang isink in sa utak niya ang sinabi ni Yohanne.

Alam niyang wala siyang karapatan na pigilan si Yohanne sa desisyon nito dahil patago lang naman ang kung ano mang meron sa kanila ni Zacheous. Wala silang relasyon ni Zacheous pero sa mga ginagawa nila, alam ni Yohann na may namamagitan sa kanilang dalawa.

"Sigurado ka ba Yohanne?" Mahinang tanong ni Yohann saka pinulot ang ballpen niya.

"Siguradong-sigurado na ako kaya ako naman ang tulungan mo at hindi na ang future boyfriend ko." Nakangiting sabi ni Yohanne habang niyuyugyog ang balikat ni Yohann. Huminga naman nang malalim si Yohann at binigyan ng pilit na ngiti si Yohanne.

"Sige, tutulungan kita. Let's make that day special." Nakangiting sabi ni Yohann kay Yohanne. Ngumiti naman si Yohanne at lumapit kay Yohann saka ito niyakap. Niyakap din siya pabalik ni Yohann. Habang yakap ni Yohanne si Yohann, biglang nawala ang ngiti niya nang maalala niya ang usapan nila ni Zacheous noong isang araw.

#

"Z!" Tawag ni Yohanne kay Zacheous nang makita niya itong naglalakad papunta sa entrance ng SHS building. Hinintay niyang makalapit si Zacheous. Nang nasa tabi na niya si Zacheous, agad niyang inangkla ang braso niya sa braso ni Zacheous.

"Hinintay mo 'ko?" Tanong ni Zacheous sa kaniya. Agad namang ngumiti si Yohanne at nagsimula na silang maglakad.

"Oo. May sasabihin lang ako sa 'yo."

"Ano 'yun?"

"Thank you sa pinadala mo kay Yohann para sa akin." Sabi Yohanne. Kumunot naman ang noo ni Zacheous dahil hindi niya alam ang tinutukoy ni Yohanne.

"Pinadala?"

"Oo, sayo raw galing 'yung isang box sabi ni Yohann." Napansin ni Yohanne na mas lalong naguluhan si Zacheous.

"'Yung cake/'Yung donut?" Sabay na sabi nilang dalawa. Si Yohanne ang nagsabi ng cake habang si Zacheous naman ang nagsabi ng donut para itanong kung 'yun ba tinutukoy ni Yohanne.

"Sa cake. Sa box ng cake mo nilagay ang sticky note eh. May nakasulat nga du'n na, 'For Yohanne, Have a nice day ahead. Hope this will make you happy. :) From Zacheous <3'." Nakangiting kwento ni Yohanne. Tiningnan niya si Zacheous pero seryoso lang ang mukha nito habang nakatingin sa malayo at parang may iniisip. Kalaunan ay binalik niya ang tingin kay Yohanne.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Zacheous na may pilit na ngiti.

"Oo naman. Thank you ulit."

#

Talagang nabagabag si Yohanne sa inaktong 'yun ni Zacheous na parang wala itong alam sa sinasabi niya. Hindi tuloy niya alam kung sino kina Zacheous at Yohann ang may nagsisinungaling at kung sino sa dalawa ang may tinatago.

Kumalas na siya sa yakap at hinarap si Yohann.

"Mauna na ako Yohann. Basta 'yung sinabi ko sa 'yo hah? Huwag mo munang sabihin kay Zacheous para surprise." Tinapik ni Yohanne ang balikat ni Yohann saka naglakad paalis.

Nanatiling nakaupo si Yohann at sinundan ng tingin si Yohanne hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. Binalik niya ang atensyon sa ginagawa niya pero nawalan na siya ng gana. Iniisip niya ang sinabi ni Yohann sa kaniya. Sinabi na niya na tutulungan niya ito sa pagsagot kay Zacheous. Pero paano niya gagawin 'yun kung labag sa loob niya?

Tinatap niya ang ballpen niya sa mesa habang nag-iisip ng mga bagay-bagay na pweding itulong niya kay Yohanne pero walang ni isa na pumasok sa isip niya. Napabuntong-hininga siya at nilapag sa mesa ang ballpen niya. Sinubsob niya ang ulo niya sa mesa at pumikit. Parang gusto niyang ibuhos ang sakit na nararamdaman niya pero walang lumalabas.

Dumating na ang araw na kinatatakutan niya. Ang araw na possibleng maging dahilan ng pagbabago ng lahat at ng kung ano mang namamagitan sa kanilang dalawa ni Zacheous. Alam niyang hindi magiging madali ang gagawin niya. Hindi tuloy niya alam kung ipagpapatuloy niya ang pagiging makasarili at magpaubaya nalang para kay Yohanne.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip niya, naramdaman niyang may sumisipa sa paa. Inangat niya ang ulo niya at nakita niya si Zacheous na nakaupo sa harap niya.

"Ikaw pala." Sabi ni Yohann at umupo nang maayos. Hindi nagsalita si Zacheous, sa halip ay seryoso lang niyang tiningnan si Yohann. Kinuha rin nito ang ballpen sa mesa at tinuro si Yohann gamit 'yun.

"Ikaw hah. Anong ibig sabihin ng sinabi ni Yohanne noong isang araw? Bakit mo sinabi kay Yohanne na sa akin galing 'yung isang box?" Kunot-noong tanong ni Zacheous kay Yohann. Napabuntong-hininga si Yohann at hinawakan nag kamay ni Zacheous saka binaba ito sa mesa. Hindi naman niya pweding hawakan ang kamay ni Zacheous kaya ang magkabilang dulo ng ballpen ang hawak nilang dalawa.

"Para hindi siya magtaka. Baka kasi may nakakita sa atin at sinabi kay Yohanne." Umirap naman si Zacheous at nakapalumbabang tiningnan si Yohanne.

"Masama ba ako?" Tanong ni Zacheous.

"Bakit mo natanong?" Tanong din ni Yohann.

"Dahil dito. Dahil sa mga nangyayari. Dahil sa mga ginagawa ko." Sagot ni Zacheous habang binubukas-sara ang takip ng ballpen.

"Eh ako, masama rin ba ako?" Tanong din ni Yohann dahil hindi niya alam kung anong isasagot niya kay Zacheous.

"Pareho lang siguro tayo." Sabi ni Yohann. Mabagal na tumango si Zacheous at pasimpleng nilapit ang daliri niya sa kamay ni Yohann.

"Basta masaya ako sa 'yo. 'Yun ang nararamdaman ko." Mahinang sabi ni Zacheous.

"Ako rin." Nakangiting sabi ni Yohann habang nakatingin sa mga kamay nila.

Sa likod ng ngiti na 'yun ang pangamba niya nang maalala niya na bilang na pala ang mga araw niya sa pagiging masaya dahil darating din ang araw na may magmamay-ari na kay Zacheous.

"Hayyy, buti nalang at nalusutan ko ang sinabi ni Yohanne tungkol sa mga pinamili mo. Hindi ko lang alam kung nahalata ba niya pero hindi na naman siya nagtanong, siguro naisip na niya na sa akin talaga galing 'yun." Pag-iiba ni Zacheous sa pinag-uusapan nila at pinasigla ang boses niya. Napangiti naman si Yohann dahil alam niya na ang dahilan ni Zacheous.

"Baliw." Tugon ni Yohann.

Narinig na nilang tumunog ang bell na hudyat ng pagtatapos ng lunch break. Binitawan na ni Zacheous ang ballpen ni Yohann at niligpit ng huli ang mga gamit niya. Tumayo na rin silang dalawa at nagsimulang maglakad. Magkatabi silang dalawa at tinatama ni Zacheous ang likod ng palad niya sa kamay ni Yohann. Pinipigilan niya ang sarili niya hawakan ang kamay ni Yohann.

"I'll go ahead." Sabi ni Yohann nang dumating na siya sa entrance ng HUMSS department. Tumango naman si Zacheous at kinawayan siya. Hinatid lang ng tingin ni Zacheous si Yohann hanggang sa makapasok ito.

Tumalikod na rin si Zacheous at dumiretso sa entrance ng STEM department.

#

"May naisip ka na bang plano para sa gagawin natin?" Tanong ni Yohanne habang naglalakad silang dalawa ni Yohanne. Nakahawak siya sa braso ni Yohann habang palabas na sila ng school.

"Wala pa. Hihintayin ko nalang ang desisyon mo tapos sabihin mo lang sa akin para may magawa tayo." Sabi ni Yohann habang nakatingin lang sa dinadaanan nila at hindi tinitingnan si Yohanne. Naramdaman nalang niyang bumitaw si Yohanne sa kaniya at biglang tumakbo. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tumigil ito sa harap ni Zacheous na kasama si Ryle.

Nakita niyang nag-uusap ang dalawa at nakita niyang napatingin sa kaniya si Ryle. Agad siyang umiling para iparating kay Ryle na huwag sabihin kay Zacheous at nakita niyang dahan-dahan itong tumango.

Agad na umiba ng daan si Yohann at nakayukong naglakad nang biglang may humarang sa kaniya. Inangat niya ang ulo niya at nakita niya si Xian. Bigla siyang natuwa nang makita si Xian dahil ilaw araw na silang hindi nagpapansinan.

"Xian." Sabi niya. Ngumiti rin si Xian at tumingin sa direksyon nina Yohanne at Zacheous at napagtanto niyang 'yun ang dahilan ng matamlay na mukha ni Yohann. Muli niyang hinarap si Yohann at pinakita sa kaniya ang susi ng motor niya.

"Drive me crazy or drive my motor?" Pabirong tanong ni Xian na ikinatawa ni Yohann. Kinuha niya ang susi sa kamay ni Xian at naunang maglakad. Nilagay ni Xian ang mga kamay niya sa slacks niya at nakangiting sinundan si Yohann.

#

"Z, pauwi ka na?" Tanong ni Yohanne nang makalapit siya kay Zacheous. Agad namang tumigil si Zacheous sa paglalakad at hinarap si Yohanne.

"Oo. Ikaw?"

"Pauwi na rin."

"Wala kang kasama?" Tanong ni Zacheous pero ang totoo ay gusto niyang malaman kung nasaan si Yohann at bakit hindi nito kasama si Yohanne lumabas.

"Meron, si Yohanne, pero..." Hindi tinuloy ni Yohanne ang sasabihin niya. Bigla siyang gumilid at tiningnan sa likod ni Zacheous. Agad namang lumingon si Zacheous at nakita kung anong tiningnan ni Yohanne.

"Mukhang may lakad pa siya kasama si Xian eh." Sabi ni Yohanne at lumapit kay Zacheous para tingnan ang reaksyon nito. Kita niyang matalim ang tingin nito habang tinitingnan ang papalayong sina Xian at Yohann.

Mas lalong kumunot ang noo niya nang makita kung ano ang hawak ni Yohann. Alam niyang susi 'yun. Alam naman niya na wala ng namamagitan kina Yohann at Xian. Iniisip niyang baka may pag-uusapan lang ang dalawa. Inalis ni Zacheous ang tingin sa dalawa at muling hinarap si Yohanne.

"Pauwi ka na? Hatid na kita." Sabi niya kay Yohanne. Tiningnan niya si Ryle at tumango lang ito.

"Tara." Nakangiting sabi ni Yohanne. Nauna na ring naglakad si Zacheous at sumabay si Yohanne sa kaniya.

#

"Okay, magkwento ka na. Halatang may problema ka." Sabi ni Xian habang tinitingnan si Yohann. Nasa labas sila ng isang convenience store at sa harap nila ay ilang mga junk foods.

"Tungkol ba kina Yohanne at Zacheous o tungkol sayo at ni Zacheous?"

"Both."

"Haysss. Hindi lang ako namansin nang ilang araw, may progress na pala sa inyong tatlo." Sabi ni Xian at ininom ang juice niya.

"Hindi lang 'yun. May problema rin ako sa 'yo." Kumunot ang noo ni Xian at napatigil sa pag-inom ng juice niya. Binaba niya ang bottle niya at hinarap si Yohann.

"Teka, bakit ako nadamay?"

"Nakausap ko ang mama mo." Nagulat naman si Xian kaya agad niyang binaling ang tingin sa kalsada.

"Anong mga sinabi niya sa 'yo?" Mahinang tanong ni Xian kay Yohann. Hindi niya alam kung may masasakit ba na mga salita na sinabi ang mama niya kay Yohann. Hindi rin naman naikwento ng mama niya na nag-usap ito at si Yohann.

Ikwenento naman ni Yohann ang pinag-usapan nila ng mama ni Xian habang nakikinig naman si Xian para alamin kung may kasinungalingan bang sinabi ang mama niya kay Yohann.

"Nakwento rin niya 'yung effort mo at 'yung part na sinulat mo sa play - - -."

"Heeeep! Huwag mo ng ituloy kung ayaw mong makita akong mamula sa hiya." Natatawang sabi ni Xian at tinapat pa niya ang palad niya sa harap ni Yohann. Agad namang natawa si Yohann at binaba ang kamay ni Xian.

"Si Mama talaga." Mahinang sabi ni Yohann sa sarili niya.

"Okay na rin 'yun na nagkausap kaming dalawa. At least nalaman ko ang mga pinaggagawa mo."

"Mabuti nalang din at hindi ka niya sinaktan."

"Hmmm." Nakangiting tugon ni Yohann at kumuha ng chips saka kinain.

"So, maiba na. Ano ngang problema mo?" Naglaho ang ngiti ni Yohann at inalala na naman ang problema niya.

"Plano ng sagutin ni Yohanne si Zacheous at nagpapatulong siya sa akin sa paghahanda." Panimula ni Yohann.

"Kung gano'n, paano ka?"

"Anong paano ako?"

"Paano kayong dalawa ni Zacheous? Wala bang something sa inyong dalawa?" Labag man sa loob niya pero tinanong pa rin ni Xian ang namamagitan kina Yohann at Zacheous. Hindi siya manhid para hindi 'yun malaman. Kahit na binalaan pa niya si Zacheous na iwasan si Yohann alam niyang hindi siya susundin ng kaibigan niya.

"Inakbayan ka ba niya? Hinawakan ba niya ang mga kamay mo? May mga sweet gestures ba siyang ginawa sa 'yo? Hinalikan ka na ba niya?" Tinanong 'yun ni Xian habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Yohann para sa paraang 'yun malalaman niya agad kung anong nasa isip ni Yohann. Sinalubong din ni Yohann ang mga mata ni Xian at tumango nang isang beses.

"Ohhh. That's a bullseye for me. Well, I guess, may something na nga sa inyong dalawa, wala nga lang label." Seryosong sabi ni Xian.

"Anong gagawin ko?" Tanong ni Yohann.

"Kausapin mo si Zacheous. Pag-usapan niyo kung anong meron sa inyong dalawa."

"Paano si Yohanne?"

"Pipiliin mong maging miserable ang buhay mo para mapasaya si Yohanne?" Hindi makapaniwalang tanong ni Xian.

"Ayaw ko siyang makitang malungkot."

"Yohann naman, ang dami mo ng nagawa para mapasaya si Yohanne. Ilang beses mo na siyang binigyan ng pabor. Eh si Yohanne? Ano bang nagawa ni Yohanne para mapasaya ka? Ano bang nagawa ni Yohanne para sa 'yo? Pwedi bang kahit isang beses maging makasarili ka?"

"Paano ko gagawin 'yun? Patago?"

"Kaya nga kailangan mong kausapin si Zacheous."

Napabuntong-hininga si Yohann. Pinaglalaruan niya ang susi ng motor ni Xian sa mesa habang nakayuko.

"Siguro nga. Kailangan ko rin linawin ang lahat."

"Hayyys. Tara na uwi na tayo. Hatid na kita. Ako na rin ang magdadrive. Sa dami ng mga iniisip mo, baka sa'n pa tayo mapadpad." Pagbibiro ni Xian saka tumayo. Ngumiti naman si Yohann at hinagis kay Xian ang susi. Tumayo na rin siya at sumunod kay Xian sa motor nito. Sinuot din niya ang helmet saka umangkas sa motor.

#

Malapit ng mag 7 P.M. nang dumating si Yohann sa subdivision nila. Hindi na siya nagpahatid sa bahay nila at pinahinto nalang si Xian sa labas ng subdivision. Hindi naman siya takot maglakad mag-isa dahil marami namang ilaw at safe naman maglakad sa subdivision nila. Malapit na siya sa bahay nila nang may nakita siyang anino ng tao. May lamppost sa banda ng anino kaya hindi niya maaninag kung sino ang taong 'yun. Hindi naman gumagalaw ang taong 'yun.

Humigpit ang hawak niya sa strap ng bag niya habang naglalakad siya palapit sa bahay nila. Mabilis siyang naglakad para lagpasan ang kung sino man 'yun at baka isa lang sa mga kapitbahay nila. Nang biglang may tumawag sa pangalan niya.

"Yohann." Agad napatigil si Yohann sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa kaniya. Kumunot ang noo niya nang makita si Zacheous na nakasandal sa gilid ng gate nila. Tumakbo siya palapit kay Zacheous at tumigil sa harap nito.

"What are you doing here?" Kunot-noong tanong ni Yohann pero seryoso lang na nakatingin si Zacheous sa kaniya.

"Hinatid ko si Yohanne." Sagot ni Zacheous at tumayo nang maayos. Seryoso siyang nakatingin kay Yohann habang naglalakad siya palapit sa kaniya. Napabuntong-hininga naman si Yohann saka tumango. Nakita nga pala niya si Yohanne at Zacheous, hindi naman niya akalain na ihahatid ito ni Zacheous pauwi.

"Anong oras ka ba dumating dito? Dapat umuwi ka na."

"Eh ikaw? Anong oras ka ba dapat dumating dito? Dapat kanina ka pa umuwi."

"What's with the tone of your voice?" Tanong ni Yohann at mas lumapit din kay Zacheous.

"Saan kayo galing ni Xian?" Hindi naitago ni Yohann ang gulat niya sa tanong ni Zacheous. Hindi niya alam na nakita ni Zacheous na umalis silang dalawa ni Xian. Bumuntong-hininga ulit si Yohann bago sinagot ang tanong ni Zacheous.

"Sa malapit lang sa school. Nag-usap lang kami saglit. It's nothing important." Sagot ni Yohann saka nag-iwas ng tingin. Ayaw niyang mahalata ni Zacheous ang bumabagabag sa kaniya tungkol sa kanilang tatlo nina Yohanne.

Agad namang hinawakan ni Zacheous ang dalawang balikat ni Yohann at hinila ito palapit sa kaniya saka niyakap nang mahigpit.

"You don't know how much I wanted to chase you when you were walking away with Xian." Napangiti naman si Yohann at niyakap pabalik si Zacheous.

"You're jealous?" Tanong ni Yohann at naramdaman niyang tumango si Zacheous.

"Edi sana lumapit ka sa amin."

"Nakatingin si Yohanne. Baka kung anong isipin niya." Agad na nawala ang ngiti ni Yohann sa sinabi ni Zacheous.

Right, Yohanne's there. Zacheous was just being careful.

Akmang puputulin na ni Zacheous ang yakap nang mas higpitan pa ni Yohann ang yakap niya. Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ni Zacheous.

Nagulat naman si Zacheous sa ginawa ni Yohann dahil 'yun ang unang beses na nag-initiate si Yohann. Kalaunan ay ngumiti siya at hinaplos ang likod ng ulo ni Yohann.

"Kung pwedi lang kitang yakapin nang ganito sa harap ng iba." Sabi ni Zacheous.

"Soon. If fate will let us." Bulong ni Yohann.

"Hmm."

Agad na ngumiti si Yohann at kumalas sa pagkakayakap kay Zacheous. Hinarap niya si Zacheous at inayos ang uniform nito na nagusot sa pagkakayakap niya.

"Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ni Tita Emily." Nakangiting sabi ni Yohann. Ngumiti rin si Zacheous at ginulo ang buhok ni Yohann.

"Bye." Itinaas ni Zacheous ang kamay niya at kinawayan si Yohann. Tumango naman si Yohann at sinundan ng tingin si Zacheous nang maglakad na ito palayo.

Agad na nawala ang ngiti ni Yohann nang tumalikod na siya at naglakad papunta sa bahay nila. Mabagal lang ang paglalakad niya habang naglalaro sa isip niya ang mga pinag-usapan nila ni Xian at sa kung ano ang dapat niyang gawin.

Tumigil siya sa paglalakad at lumingon. Nagulat siya nang makitang tumigil din si Zacheous sa paglalakad at nagkataong sabay silang lumingon. Hindi napigilan ni Yohann ang sarili niya at agad na tumakbo palapit kay Zacheous.

Ngumiti siya nang tumigil siya sa harap ni Zacheous.

"Yohann- - -."

Hindi pinatapos ni Yohann ang sasabihin ni Zacheous. Agad niyang hinawakan ang necktie ng uniform nito at hinila palapit sa kaniya. Sinalubong niya ang mga labi ni Zacheous at marahan itong hinalikan.

Agad na nakabawi si Zacheous sa gulat dahil sa ginawa ni Yohann. Pinulupot niya ang mga braso niya sa beywang ni Yohann. Pumikit siya para gantihan ang halik nito.

Niluwagan ni Yohann ang pagkakahawak sa necktie ni Zacheous at dahan-dahan itong binatawan. Hinawakan niya ang mga balikat ni Zacheous at mahina itong tinulak. Napaatras naman si Zacheous habang nakahawak pa rin sa beywang ni Yohann. Tiningnan niya si Yohann at ngumiti na naman ito.

"Yohann - - -." Hindi na naman natapos ni Zacheous ang sasabihin niya nang magsalita rin si Yohann.

"I love you." Hinawakan ni Yohann ang mukha ni Zacheous at binaba ito saka hinalikan ang noo.

Hindi agad nakakilos si Zacheous at hindi rin niya namalayan na wala na sa harap niya si Yohann. Nang maramdaman niyang mag-isa nalang siya, agad siyang tumingin sa bahay nina Yohann at nakita niya si Yohann na pumasok sa loob ng gate.

Napahawak si Zacheous sa dibdib niya nang maramdaman niya ang bilis ng tibok ng puso niya. Alam niyang dahil 'yun sa ginawa ni Yohann pero ang hindi niya alam ay kung bakit siya kinakabahan, na parang kahit anong oras at may masamang mangyayari.

---
LadyLangLang

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 68 3
Velasco series #1 When you're a guy who is deaf and married to a cold playboy who has an affair with other women just beside your bedroom is somethi...
33.3K 702 35
Completed on September 2nd, 2018. DISCLAIMER: i was pretty young when i wrote this, so my grammar & overall language might be bad at the beginning bu...
TICKET By venom

Fanfiction

13.4K 213 18
George wants to visit Florida, But he wonders if Dream and Sapnap will be fine with him visiting. And what will happen if Dream and George start get...
1.1M 37.6K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...