Sheila POV
Kasalukuyan akong nakahiga ng may kalabog akong narinig kaya dali-dali kong kinuha yung baril ko, nagsuot din ako ng jacket at doon ko ito tinago. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa switch ng ilaw at pinatay ito bago nagtungo sa pinanggalingan ng kalabog na narinig ko.
"Sigurado ka bang naririto ang kaibigan ng babaeng iyon?" Lalaki.. Napangisi ako, may thrill akala ko bored ngayon dahil suspende yung klase dahil sa nangyari but I was wrong.
"Oo, sa kwarto ka niya. Kami na yung maglilibot tawagin nyo nalang kami pag nariyan siya." Hindi na ako kagaya ng dati na mahina, na train na kami simula nung nangyari yun kay Siberia 4years ago. Hindi ko inaasahan na ganito pala katanga ang mga hayop na ito.
Napakunot ang nuo ko ng wala na akong marinig na ingay kaya dahan dahan akong naglakad patungo sa pinto pero kaagad akong nagkubli ng bigla itong bumukas.
"Babe..." Ibinaba ko yung baril at hinila si Jayvee. Kailan pa ito narito?
"What are you doing here? Akala ko ba umuwi kana?" Nagtataka kong tanong, mahigpit niya akong niyakap.
"Pauwi na sana ako, but I saw three cars na patungo dito kaya iniwan ko ang sasakyan ko at mabilis akong tumakbo patungo rito, halika." Sabi niya at mabilis akong hinila.
Pagkababa namin, nakita ko ang sampong lalaki na nakatali at may mga dugo, sinamaan ko ng tingin si Jayvee nag peace sign lang ito kaya umiling-iling ako.
"You hurt them too much." Inis kong sabi sakanya, pero dahan-dahan akong lumapit patungo sa mga nakatali. "Ganito ba kayo katanga para sumugod dito?" Patuya kong tanong sabay halakhak.
"Don't hurt them, babe." Mapang-asar niyang usal kaya muli ko siyang sinamaan ng tingin.
"Sinong nag-utos sainyo para sumugod sa pamamahay ko?" Kalmado kong usal, ng walang sumagot mabilis kong kinuha yung baril na nasa jacket ko at ikinasa ito. "Tell me, sinong nag utos sainyo?" Muli kong usal at nang walang sumagot.
Mabilis akong naglakad patungo sa isang lalaki, at itinutok sakanya yung nakakasa ko ng baril. "Sino?" Nauubos ang pasensya kong tanong at ng hindi siya sumagot binaril ko yung braso niya at wala pang dalawang segundo, bumagsak na siya.
Hindi naman deadly weapon yung gamit ko kaya walang problem, kaso yung cause nito eh mapaparalise ka ng Lima hanggang anim na taon. Naglakad ako sa isa na naman at muling ikinasa yung baril ko at itinutok dito.
"Nauubos na pasensya ko, mamili kayo. Sasabihin nyo sakin o magagaya kayo sakanya o baka naman gusto nyong makaharap ang totoong kamatayan?" Nagtagis yung mga bagang ko sa sobrang inis. "Sagooottt!!!----"
"Si Dracula po!" Napakunot ang noo ko.
"Vampira?" Sinamaan ko ng tingin si Jayvee dahil sa napakawalang kwenta niyang tanong.
"Lalaki o babae?" This time naging kalmado na ako.
"B-babae po" napatango-tango ako at sunod sunod silang pinatamaan ng baril ko.
"Goodnight!" Masaya kong sigaw sakanila ng sabay-sabay silang bumagsak.
"Anong gagawin natin sa mga yan?" Hindi ko pinansin si Jayvee at mabilis akong naglakad patungo sa lalagyan ng telepono at mabilis kong tinawagan si Siberia.
(What?)
Ilang Segundo akong natahimik, may problema siya...
"May mga hayop na pumunta sa bahay ko, si Dracula daw nag-utos." Ilang Segundo din siyang walang imik bago pinatay yung tawag, I'm sure she's on my way na siya patungo rito.
"Anong sabi?" Tanong ng chismoso kong boyfriend.
"What?" Gaya kopa sa boses ni Siberia.
"Anong sabi kako ni Siberia?" Kagaguhan ni Jayvee? Paulit-ulit?
"What?" I mocked Siberia's says.
"Bingi kaba?!" Inis niyang sigaw kaya sumama ang tingin ko sakanya.
"Baliw ka ba! Nagtanong ka sa sinabi ni Siberia ang sabi ko what dahil yan naman talaga yung sinabi niya! Naiinis na ko sayo!" Naiirita ko na talagang sabi sakanya. Napakamot siya sa batok niya.
Tinaasan ko siya ng kilay ng dahan-dahang naglakad siya patungo rito. "What?" Masungit kong tanong sakanya, ngumisi siya at mabilis akong sinunggaban ng yakap. "Huy! Nyeta ka! Umayos ka nga gagu ba u?" Sigaw ko at pinaghahampas siya sa braso.
"I love you, sobrang takot ko ng makita kong pasugod ang mga iyon." Umayos siya ng tayo kaya tumikhim ako at mabilis siyang piningot sa tenga. "A-aray ano ba! Brutal ka talaga huhuhu! Babe naman! Masakit nga po kasi!" Sigaw niya kaya tawa-tawa kong binitawan yung tenga niya sinabayan ko pa ng sunod-sunod na iling.
"But seriously, mabuti nalang no at tinuruan tayo ni Liam kung paano maipagtanggol yung mga sarili na tin." Biglang sabi ko, sasagot na sana siya ng biglang bumukas yung pinto.
"Siberia!" Masaya kong sabi at sinunggaban siya ng yakap, tulala pa siya ng humiwalay ako.
"How?" Gulat niyang sabi at ipinagbabaling-baling niya ang tingin saamin ni Jayvee, sabay kaming nag peace sign.
"Eh kasi naman eh!" Sabi ko, hindi ko alam kong dapat ko pa bang sabihin sakanya ang pinaggagawa namin noong inakala naming patay na siya. "Eh! Nung inakala naming wala kana ay nagpasya si Liam na mag training kami ng mgaa elf defense, at basics martial arts, dahil baka nga daw balikan kami ng mga may gawa nun sayo, pumayag kami dahil balak ka din kasi naming ipaghigante noon e." Sabi ko pero mukha yatang sinisisi ko siya kingna huhuhu baka magalit siya.
Nagulat ako ng tumango-tango siya may problema nga...
"Ahm.. Friend, hindi sa pangingialam a pero... May problema ka ba? I mean! Kung may problema ka... Narito lang naman ako o kaming mga kaibigan mo handa ka naming damayan." Sabi ko sabay kamot ng ulo ko.
"My sister shane, she's a traitor." Mabilis niyang sabi, walang bahid ng pag-aalinlangan ngunit puno ng galit.
"What the fuck? How did you know?" Napatakip ako sa bibig ko dahil sa biglaan kong pagmura.
"Kahapon, sumugod sila. Muntik ko na siyang patayin, ngunit pasalamat siya at nag timpi pa ako, ngunit hindi na ako magtitimpi kapag nag cross muli ang landas naming dalawa, papatayin ko siya at wala akong paki kahit kapatid ko pa siya." Napanganga kami ni Jayvee sa sinabi niya at bahagyang natakot.
No... Kapag nakapatay ka... No! Hindi maaari, ang rules and regulations nila sa palasyo.. Ang kaakibat ng pag patay sa sariling pamilya... Hindi niya ba alam ang consequences?! Fuck it!
**
Sabaw! Hehe ewan ko kung ano yung pinagsususlat ko.
***
Don't forget to vote, comment and follow! Dahil hindi ko i po post ang next chapter kapag wala ni isang Vote and comment! Pasensyahan nalang tayo mwuahhh😚
For more update just visit my Facebook page @tomenesakira
Thank you babies!
♥♥t o m e n e s a k i r a♥♥