My Sweet Little Monster

By irshwndy

3.3M 156K 29.4K

While walking home from school, Raven had the feeling she was being followed. Nervous and scared, she saw an... More

READ THIS FIRST
PROLOGUE
Chapter 1: Closet Finds
Chapter 2: Strange Stranger
Chapter 3: What Are You?
Chapter 4: Beast Encounter
Chapter 5: Dealing With a Monster
Chapter 6: Needs and Deeds
Chapter 7: Monsters Are Everywhere
Chapter 8: Long Lost Enemy
Chapter 9: Master and Pet
Chapter 10: K-I-S-S-I-N-G
Chapter 11: One-on-One Lessons
Chapter 12: Uneasy Emergency
Chapter 13: M-I-S-S-I-N-G
Chapter 14: Chains and Cuffs
Chapter 15: Baby, Please Don't Eat Me
Chapter 16: Back in Bed
Chapter 17: Lovers' Quarrel
Chapter 18: You're a Hot Mess
Chapter 19: Closet Finds 2.0
Chapter 20: Yes, Master
Chapter 21: Wings and Meanings
Chapter 22: I Must Be Dreaming
Chapter 23: Don't Touch Me
Chapter 24: Flightless
Chapter 25: Oh, Baby Deer
Chapter 26: I Command You
Chapter 27: Pet's Playroom
Chapter 28: A Different Kind of High
Chapter 29: Amuse Me
Chapter 30: Crave For You
Chapter 31: Can I Take a Peek
Chapter 32: Turn Me On
Chapter 34: Prisoner
Chapter 35: Exposed
Chapter 36: Ripped
Chapter 37: Signs and Signals
Chapter 38: Ssshhh
Chapter 39: Ssshhh Part 2
Chapter 40: The Lord of Monsters
Chapter 41: Diavlo
Chapter 42: Save Our Souls
Chapter 43: Poisonous Love
Chapter 44: The Condition
Chapter 45: The Consequence
Chapter 46: Feather
Chapter 47: Sunday Afternoon
Chapter 48: Honeymoon
Chapter 49: Dinner is Served
Chapter 50: Take Me Tonight
Chapter 51: Let's Get This Party Started
Chapter 52: Bloody River
EPILOGUE
AUTHOR'S ANNOUNCEMENT 🖤
FACEBOOK GROUP ANNOUNCEMENT

Chapter 33: Alab-Lawin

47.9K 2.2K 469
By irshwndy

"Is it okay if I search for your mom?" he asked me.

It was an unexpected question, pero syempre payag ako dahil gusto kong mabalik si Mama kay Papa.

"Yes. It would be a big help, Train." I gave him a peck on his lips and hugged him.

Naalala ko tuloy 'yong sinabi ni Papa kanina, na natagpuan niyang sugatan at bugbog-sarado si Mama sa gubat. Ayokong mangyari 'yon kay Train.

"Just be careful, please," paalala ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nag-alala para kay Train.

"Yes, I will." He smiled. "I'll be back before you know it. I remember her scent. Mag-iikot ako at hahanapin ko ang bakas ng amoy niya."

Tumango ako at hinayaan na siyang makaalis.

Nagbihis na ako at tinapos ang paghugas ko ng pinggan. Pagkatapos ay naghanda na rin ako para sa school.

***

Pagdating sa school, hindi ako halos nakaintindi ng lessons dahil nasa utak ko pa rin 'yong tungkol kay Mama.

Sa tingin ko, kailangan ko ring tulungan si Train sa paghahanap. Baka pwede akong maghanap-hanap for any clue na makakatulong.

Pagdating ng recess, sabay-sabay ulit kami nina Jasmine, Rex, at Drey kumain.

"Babycakes, masarap 'yong french fries nila ngayon! Say ahhh!" sabi ni Rex habang sinusubuan niya ng french fries si Jasmine.

"Babycakes, mas masarap ka kaysa rito sa french fries. Hihihi!" sagot naman ni Jasmine sa kaniya at naglambingan na naman 'yong dalawa.

Ilang na ilang kami ni Drey, kaya naman nagsarili na lang kami ng usapan.

"Drey, may gusto pala sana akong i-consult sa iyo."

"Oh, ano 'yon? Tungkol ba kay Train? How is my brother doing—wait, I remember may Lover's Quarrel kayo 'di ba?"

Nagulat ako sa sinabi ni Drey. Paano niya nalaman na nag-away kami ni Train?

"How did you know? B-But anyway, nagkaayos na kami! Train's back at home with us. Pero tungkol sa ibang bagay sana 'yong ikokonsulta ko sa iyo."

"Hahaha! Bati na kayo? My little brother is really such a kid. Kunwaring matapang pero may pagkamarupok rin pala pagdating sa babae," Drey said while snickering.

"So anyway, what is it that you need my advice for?" he finally asked me. Para kasing may ibang iniisip si Drey kanina dahil bigla siyang namula at tila kinikilig. Akala ko nasa ibang mundo na 'yong utak niya, eh. May maganda sigurong nangyari sa kanila ni Yuie recently.

"It's about my mom. To be honest, Train doesn't like her. He said na there's something about her scent, but he doesn't know what exactly," I told him.

"Hmmm. Well, that is strange. Hindi ko rin alam kung ano ang possible na dahilan na pwedeng maging ilang ang isang monster sa isang ordinaryong tao. Maliban na lamang kung matinding selos sa master niya. Close ba kayo ng nanay mo?"

"Hindi nga masiyado eh. Actually, hindi siya 'yong biological mom ko. Stepmom ko siya na nakilala lang ng Dad ko last year," kuwento ko sa kaniya.

"Interesting," he remarked.

"Pero Drey! This is where it gets more weird. Tinanong ko 'yong dad ko kung paano sila nagkakilala. And he said na he found her in the woods, wounded and beaten up!"

"Hmmm, you're right. That is indeed weird."

✦✧✦

TRAIN

Inilabas ko ang mga pakpak ko at lumipad. Mas madali akong makakapaghanap kapag nasa mataas na lugar ako. Nasasanay na rin ang mga mata ko sa panonood ng mga tao mula sa itaas.

I can somehow smell some traces of her scent, kaya naman nagmadali agad ako sa paghahanap sa kaniya at nagpaalam ako kay Raven bago pa tuluyang mawala ang mga naiwan niyang bakas.

I remember Raven's eyes when she was talking to her dad—she was so determined to bring her mom back. I want to help and support her.

Sumingit bigla sa utak ko 'yong nangyari sa amin kanina sa may lababo at napangiti ako.

"Hehehe. I want to get home soon so I can have some more playtime with my master," I said while smiling like a fool.

Sniff. Sniff. Hmm? Ano 'yon? Lalong lumalakas ang scent ng nanay ni Raven banda rito.

Huh? Napaatras ako saglit sa paglipad. Nasa isang gubat na ako. Ano ang ginagawa ni Olivia rito?

Dahil sobrang mapuno 'yong gubat at wala akong makita mula sa itaas, kinailangan kong bumaba mula sa paglipad.

Pinasok ko 'yong gubat at tinuloy ang aking paghahanap gamit ang aking mga paa. Tumatalon ako mula sa isang puno papunta sa kabilang puno. Sinusundan ko lamang 'yong amoy na palakas nang palakas habang lalo akong napapalayo sa siyudad.

Sa sulok ng paningin ko, may naaninag akong hugis ng isang tao. Pero nakatalikod siya at hindi ko ito makilala. Kaamoy niya si Olivia. Hindi kaya siya ito?

"Tita! Kayo po ba iyan? Hinahanap po kayo nila Raven at Tito!" sigaw ko sa kaniya.

Ngunit hindi pa rin siya humaharap. Bumaba ako mula sa puno at tumakbo papunta sa kaniya.

Mabilis ang aking pagtakbo kaya naman ngayon ay dalawang metro na lang ang layo niya sa akin. I reached out my hand with the intent of tapping her shoulder, but...

"Tita—"

Nahulog ako sa isang malalim na hukay. Nagulat ako, hindi ko agad ito napansin dahil natatakpan ng mga dahon at mga sanga ang butas.

Teka, isa ba itong patibong?

"How are you, Train?" Nagulat ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Tumingin ako sa itaas.

Si Olivia, ang stepmother ni Raven. Nakatingin sa akin mula sa ibabaw ng bangin. Siya nga 'yong babaeng nakita ko rito sa gubat.

"Tita! Nahulog po ako! Tulungan niyo po akong makalabas."

Sinusubukan kong tumalon pero masiyadong malalim itong hukay. Inilabas ko 'yong mga pakpak ko, 'di bale nang magulat ang nanay ni Raven na nakakalipad ako. I'll just explain everything to her once I reach her.

Dahan-dahan kong sinubukang lumipad papunta sa itaas. Pero napatigil ako at nanlaki ang mga mata ko bigla sa nakita ko. May mga ibang taong lumitaw sa tabi ni Olivia. At sabay-sabay nilang tinakpan ang hukay kung nasaan ako—pati ang nanay ni Raven ay tumulong rin sa kanila.

Kinulong nila ako rito sa ilalim. At bago magdilim ang paligid ko, nakita kong ngumiti si Olivia.

✦✧✦

RAVEN

Pagkatapos ng klase, umuwi agad ako sa bahay dahil excited akong malaman kung ano ang balita mula kay Train. Nahanap na niya kaya ang nanay ko?

Umakyat ako sa kwarto ko pero wala si Train doon.

"Train?"

Hmm. Hindi pa kaya siya nakakauwi? Baka magutom 'yon kapag matagal kaming magkahiwalay.

Wala akong magawa kaya naman pumunta ako sa kwarto ng magulang ko. Naisip ko na baka pwede akong makahanap ng mga clue tungkol sa stepmom ko 'pag naghanap-hanap ako sa kwarto nila. Nasa trabaho pa ang tatay ko kaya mag-isa lang ako sa bahay sa ngayon.

Binuksan ko ang closet at tinignan ang mga damit ni Olivia. Nakakapagtaka. Umalis siya sa bahay pero nag-iwan siya ng ilang mga damit. Bakit kaya hindi niya kinuha lahat? May balak kaya talaga siyang bumalik?

Sunod ko namang binuksan ang drawer. Puno ito ng mga papel at panulat. Mukhang ito 'yong ginamit ng Mama ko para sulatan si Papa.

"Ano ito?" Medyo nakaangat nang kaunti ang base ng drawer. "Huh? Nabubuksan ba ito?" Sinubukan kong hilahin 'yong base ng drawer, at nagulat ako dahil bumukas nga iyon. May secret compartment pala ito sa loob.

"Ohh. Matagal na kaya ito rito?" Malinis ang hidden compartment, pero may nag-iisang panyo na nakatago rito. "Panyo kaya ito ni Mama? Bakit kaya nakahiwalay ito sa ibang mga panyo niya?"

Kinuha ko 'yong panyo, medyo maalikabok na ito kaya medyo naubo ako. Matapos mawala ang ilan sa mga alikabok, bumungad sa akin ang mga letrang nakaburda sa panyo. At tila tumigil saglit ang aking paghinga nang mabasa ko kung ano ang nakasulat: ALAB-LAWIN.

At sa ilalim nito, "Kapisanan laban sa mga halimaw."

Continue Reading

You'll Also Like

439K 6.2K 24
Dice and Madisson
2.5M 93.7K 44
(Garnet Boys Series #1) Theandra will never stop until the notorious playboy, Beau Santiago, fall for her again like before. Gaano man siya masaktan...
1.5K 101 16
Isla is known as a good daughter of Foresia and Simon, hindi rin s'ya nananahimik kapag alam n'yang s'ya ang tama. One day, she discovered the desser...
31.1K 303 37
Let my poetry drive you to an engaging ride in my mind to discover my unspoken thoughts.