So It's You

By popsterrific

133K 7.1K 2.6K

Despite the distance that separates us, I wish that you take one step in, and I'll take the rest just to be w... More

Balakayojan
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6: The Race
Chapter 7: The Run Away Duo
Chapter 8: Biami Moment
Chapter 9: Fatima's Flashback
Chapter 10: πŸ’œπŸ’œπŸ’œ
Chapter 11: Back to School
Chapter 12
Chapter 13: Meet The Parents?
Chapter 14: The Clingy Yumi
Chapter 15: Volley ball Player Yarn?
Chapter 16: Acquaintance Party
Chapter 17: Acquaintance
Chapter 18: Bring Her Home
Chapter 19: Is This A Date?
Chapter 20: CaLex
Chapter 21: Jealous Yumi
Chapter 22: Straight No More
Chapter 23:
Chapter 25: Dinner with Fam
Chapter 26: Inter High Opening
Chapter 27: Inter High
Chapter 29: Inter High
Chapter 28: πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
Chapter 30: πŸ™ˆπŸ™ˆπŸ™ˆπŸ™ˆ
Chapter 30: Kiss πŸ’‹
Chapter 31: SOSHI
Chapter 32: Day 4/ SONE
Chapter 33: ENNHS
Chapter 34: B πŸ’œ
Suggestion πŸ˜›
Chapter 35: Championships
Chapter 36: Date?
Chapter 37: Meet Grandma and Grandpa
Chapter 38: Green Meadows
Chapter 39: Agent Budol
Chapter 39: Agents
Chapter 40: Hell Bianca
Chapter 41: I LOVE YOU πŸ’œ
Chapter 42: PauπŸ’œ
SO IT'S YOU
Chapter 43: TG
Chapter 44: Goodbye?
========|γ€‹πŸ€œβ™₯οΈπŸ€›
Chapter 45: ..............................................
Chapter 46:
Chapter 47: πŸ’œπŸ§‘
NEXT?
Chapter 48: 🧑
Chapter 49: πŸ’™
Chapter 50: πŸ’œ πŸ’”
The End
Chapter 51: WardyπŸ‘€
Chapter 52:
Chapter 53:
Not An Update
Thank You
Chapter 54: ............................
Shout Out
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57: Missing Piece
zier πŸ˜‚
Chapter 58: πŸ’™πŸ€Ž
Chapter 59:
πŸ’™πŸ’œ
πŸŽ„πŸŽ„πŸŽ„πŸŽ„
Chapter 60: Cakes
Chapter 61: ---continuation---
Chapter 62: --continuation--
Trend
Chapter 63:
Chapter 64: Founding Anniversay
Chapter 65: Cakes Revealed
Chapter 66: Realization
πŸ–€πŸŒ™πŸ’”

Chapter 24: Jealousy 2.0/Cocomi

1.7K 92 13
By popsterrific

YUMI

Kahit ang early ng call time namin di ako nagrereklamo, dahil ibig sabihin lang nun mauuna ako sa school tapos maaabangan ko yung pasok nila Bianca.

Crush ko na nga ata talaga siya, mas matindi ang tama ko ngayon kesa nung crush ko si Coco.

Oo crush ko si B pero di ko pa naman kasi siya nakikilala talaga. Then Pau ilang beses ko palang naman siya na meet pero sige crush ko pa din ang astig niya kasi diba.

Coco is cute naman talaga kaya ako nagka crush sa kanya. Etong si Bianca malala tsssk. I was smiling the whole time while driving.

Car park.

Locker muna dami kasing dala dala eh.

Naka Jersey na ako, pinatungan ko lang ng jacket .

Sinuot ko na yung mga supporters ko mahirap na magka injury. What more I need? Ah my babies.

Ginawa kong key chain yung cute na teddy bears. Mas bigger lang siya ng konti sa nga size ng key chain talaga.

Di ko talaga mapigilang kiligin everytime I see them. Bianca named them BiaMi. Bianca and Yumi kyaaaaahhhh.

Para akong tangang kinikilig dito. Buti nalang walang studyante mabawasan pa yung ganda points ko.

Jan muna kayo ha, may practice ang daddy, later pa natin makikita ang mommy niyo.

Sinara ko na yung locker ko and go sa gym.

Si Heart nalang at ate Ashtine yung wala.

Pogi mo naman Yumi, pa kiss. Si Cheezy na kiniss ako sa pisngi.

Palagi naman akong pogi ah.

Asa. Si Cassey na nakabusangot. Hoy akala mo nakalimutan ko na yung paghawak mo sa pisngi ni Bianca ha. Di na ako papayag na mahawakan mo siya.

Mas pogi kasi ako sayo Cassey tanggapin mo  na lang.

Lumapit ako sa kanya. Bakit parang lata ka naman, may ginawa ba kayo ni Alex at ganyan din siya parang wala nanaman sa mood?

Bigla siyang tumayo at babatukan sana ako pero mabilis akong nakatakbo.

Hoy Yumi walang ganung nangyari. Ang bata bata mo pa may ganyan ka ng nalalaman, titirisin talaga kita kung maaabutan kita.

Nakailang laps kami sa pag takbo around the whole court. Di talaga niya ako tinigilan.

Hahaha bahala ka diyan di ako napapagod madami akong energy ngayon.

May energy booster pa ako na nasa locker.

Ayoko na pagod na ako. Wala pang practice pagod na agad ako nyeta ka kasi Yumi eh.

Nahiga siya sa floor.

Nahiga ako sa tabi niya, ginawa ko pang unan yung tummy niya.

Bakit kasi di mo pa ligawan, tingnan mo mukha nanaman siyang nireregla, di nanaman maipinta yung mukha niyang nakatingin sa atin. Baka pinagseselosan pa ako niyan?

Asa ka Yumi, hindi porke pogi ka crush ka na din niya. Tsaka bakit naman siya magseselos.?

Kasi po may gusto din siya sayo, nag hihintayan lang kayo. Ano ako na magsabi sa kanya na gusto mo siya, na gusto mong ligawan siya?

Oh no don't do that please, pag nakaipon na ako ng sapat na lakas ng loob I'll let you know and maybe ask for your help.

Sure no problem. Pero pag di ko mahintay yang lakas ng loob mo, ako na talaga magsabi kay Alex.

Bakit ba atat kang ligawan ko siya. Dahil ba kay Bianca?

Bakit nasali si Bianca?

Na kurot ko yung tummy niya, shet nikikilig ako.

Ouch naman Yumi. Kinikilig ka eh. Hoy wag mo na ko pagselosan kay Bianca di kami talo. Kay Amee ka mag focus, dapat auto bakod when Amee is around. Baka malingat ka nakapulupot na siya agad tangayain ang Bianca mo.

Bakit Bianca ko? Napaisip ako dun ah. Parang bet ko siya bakuran but how? Ang feeling ko naman diba kapag ganun eh kelan lang naman kami nun naging friends.

Tsaka were just friends diba? Pero nagseselos ako kung may iba siyang kasama except Fatima siyempre.

Nanahimik kana, haha pinag iisipan mo eh. Ano di mo na crush si Coco?

Crush pa din naman, she's cute kaya.

Pero mas  crush mo na si Bianca ganon?

Oo... ay hindi naman sa ganun... ahh basta... sige crush ko na siya .

Ayun siya oh.. turo niya sa may taas na bench.

Yumi niyong uto-uto bumangon pa  para tingnan yung tinuro niya.

Hahaha see mas mabilis ka pa sa alas kwarto. Bianca pa nga.

Tiningnan ko siya ng masama. Bago pa siya nakabangon nadaganan ko na siya at nagpagulong gulong kami sa  court.

Pagod na ako sa kakatawa at kakailag sa mga kamay niya. Kinikiliti niya ako para mabitawan ko siya.

Ayoko na Cassey, parang awa mo na haha.

Nakakapagod pala haha, ikaw kasi nauna eh bwisit ka.

Umayos na kami ng tayo. Hayzz para na akong hinabol ng demonyo  tssk. Buti nalang madaling maayos yung buhok ko kahit di gamitan ng suklay.

Pogi na ulet ah. Sana all kahit anong anggulo gwapo na maganda pa.

Nginitian ko lang siya and sinalo yung bola na ibinato niya.

I start to dribble ng dumating si Heart at ate Ashtine na sobrang dami ding baon na energy. Masarap siguro pagkain sa kanila.

Yung pagdating talaga kay Bianca bilis ng radar ko. I saw her from a far looking at us. Sabi ko sayo sakin ka lang tumingin diba.

Yumi di naman kayo magkasama huwag kang feeling diyan.

I just smile hahaha ilabas ang kilig yawa. I dribbled the ball magpakitang gilas tayo sa bebe ko.

Pumwesto ako sa three points area and shoot it. BAAAAAM Garcia three points. Sana naka three points din ako sa puso mo Santos. Ngiting tagumpay ng maramdaman kong sakin na siya nakatingin.

Wow Garcia nice throw. Sabi ni coach. Maintain that kind of throw para di nila agad mabasa kung ibabato mo na yung bola.

Okay po coach. May pinakitaan lang ako ng moves ko coach kaya ganun kaganda yung galaw ko kanina.

Sana manood siya sa mga games ko para may inspirasyon.

Practice practice practice and more practice.

That's all for today, you can take a rest na.

Thank you coach bye po.

Rest muna bago maligo baka ma rest in peace tayo eh.

Buti nauso hair dryer no? Kaso masisira ang buhok kung palagi.

Kanina lang ang pogi ko, ngayon maganda naman. Thank you lord sa magandang genes. Kahit ito man lang din maipamana ko sa magiging anak ko.

Gutom na ako, sino pa bang di tapos.

Nag aaya na si Heart gutom na din ang isang yun. Sana masarap breakfast sa canteen.

Ay wow naligo ang ate Ashtine namin.

Fresh mo naman ate.

Of course para mabango para sa PE later, baka kung anong activity tapos partners nakakhiya namang dumikit kung sakali.

Wow ate naligo ka? Savage Heart hahaha.

Oo di ako naligo kanina eh hehehe.

Ahay akala ko pa naman twice ka ng naligo today. Same thougths Heart.

Akala mo lang yun, ano maliligo ako sa bahay tapos may practice ng basket, tapos maliligo nanaman ako dito? Ang aksaya nun sa sabon at shampoo men.

Ang sabihin mo tamad ka lang talaga Ashtine. Si Cheezy na nag spray ng pabango.

Hahaha sige pagkaisahan niyo si Ashtine. Di din naman ako uubra diyan eh, lagi lang akong barado.

Grabe namang pabango yan Cheezy, sana hinalo mo nalng sa pinaligo mo kanina. Reklamo ng Calex.

Mabango naman ah, pero mas mabango si Bianca.

Hay Yumi,  Bianca Bainca Bianca nalang ulet.

Inisprayan niya yung dalawa, napaka abnormal lang talaga neto. Gutom na siguro.

Ayan para matanggal yung masamang espiritu.

Bakit may nakikita ka?

Hinintay ko yung sagot ni Cheezy, minsan talaga yung pantitrip neto eh to the highest level.

Oo, espiritu ng mga duwag hahahaha.

Hahaha malakas yung espiritu ng kaduwagan diyan sa dalawa.

Let's go na nga guys, nababaliw nanaman yan Cheezy kasi gutom na.

Ganyan yan si Cheezy talaga pag nagugutom malakas ang saltik.

Malayo palang kami alam ko ng si Bianca yung nakaupo sa may canteen, niyahaha bwenas talaga ng araw ko. Baka naman mamaya may kapalit nanaman to.

Ang happy naman nila. I like the sound of her laughter, it's like music to my ear.

Sinong nilamon ng kabadingan?

Siyempre sa tabi niya ako naupo, hmmm bagong ligo, nakaka addict talaga yung amoy niya.  Singhot pa nga. Baka pwedeng payakap.

Masinghot mo naman ako.

I smiled to myself hehehe literal ba naman kasing singhutin.

Nag breakfast kana.? She asked looking at me. Eto nanaman yung feeling ko magjowa kami.

Nope.

Sabi ko sayo kumain ka. See sino ba namang di magkakagusto sa ganyang sweetness.

I can't eat kasi may practice. Magka appendicitis ako hoy. Sabi kong tumitig sa kanya, ay di ko pala matagalan.

Ay oo nga pala, so what do you want? Jusko po ano to jowa challenge part 2?

I want the strawberry muffins and ice coffee latte. Sige na grab the opportunity na, baka mamaya ma expired nanaman yung kilig.

Hoy Bianca nandito din kami, di pa din naman kami kumain, bakit si Yumi lang tinatanong mo.

Mga panira talaga sa moment mga to eh. Kailangan meron din silang moment.

Ahh sorry, what di you want guys, my treat.

Yan ganyan. Ang unfair kung si Yumi lang.

Sus pagdating talaga ss food di malalamangan mga to.

Sana yung galing sa Blanka's, pagpaparinig ni Ashtine.

Kahit ako gusto ko yung breakfast combo from Blanka's.

She got up kala ko oorder na siya ng food sa canteen.

Oh that's the man from yesterday. May dala nanaman siyang mga plastic bag, sana from Blanka's. Luh assuming naman na ako na para sa amin yun.

Para pala kila Bianca. I want food din I'm hungry na.

They call him tatay, that's how close they are.

May finacee na si Bianca? Tsssk sabi sa inyo eh bilis bawiin yung kilig kanina, iilang minuto palang eh.

You have fiancee na? I ask, para akong nakakain ng ampalaya ah.

I'm already married. Shet married na yung crush mo Yumi, distanaiya na agad bago pa ma fall ng tuluyan.

You are married? Tanong ng  mga friends ko.

Yeah my heart is already married to someone.

Owsshiiee pakisaksak pa ako. Sakit naman.

Oh wow lucky him.

Hhhhhhmmm but that someone doesn't remember that we are already married.

Wala na finish na.

Joke lang, you know parents getting old kung ano ano nalang hinihiling nila.

I look at her still with my sad eyes. Bakit hirap itago ng pain.

We eat na yung food na dinala nung tatay nila. Well food is life ikain ko nalng to.

The last piece of cupcake. Should I get na?

Bianca get it and bite. I wish I'm that cupcake so I can taste those lips.

Why did you get the cupcake?

I was going to ask her too naunahan  lang ako ni Cheezy. I want more cupcakes.

She'll buy naman na daw for them kaya I get close to Bianca and bite dun sa cupcake na hawak niya... humm yum.

I hold her hand and eat the last bit of the cupcake she was holding, mas masarap pala pag ganun.

Hoy Yumi ano yan?

Hehehe sarap ng cupcake eh. Bianca I want more of that cupcake din. I used my sweetest voice, I'm like the girlfriend na  naglalambing.

Hoy Yumi ginagamitan mo nanaman ng charm mo si Bianca.

Sige na please. I'll use all the charms I have just to have you, ay yung cupcakes pala.

Okay I'll buy you cupcakes. Pero oras na ng first subject natin.

Eh di later sa recess.?

Hmmm okay remind me before our recess time.

Yehey thank you Bianca. Mission success.

Tara na outdoor ata tayo ngayon sa MAPEH.

Outdoor ba? Baka nandun nanaman yung Amee mamaya.

Hey take this. May inabot si Bianca na paper bag, after we change into our PE uniforms.

What is this? Food? Lakas ko naman sa isang Bianca.

Yeah cookies. Di ko inabot kanina kasi baka walang matira sayo.

Walang tatak mg pinagbilhan, it's a homemade siguro. Wow she can cook too?

Thanks, yeah you know my friends when it comes to food, we are like hungry piranha.

Sa locker ka muna baka makita ka ng mga kaibigan kong di ata alam ang mabusog.

Good morning class, today we will going to learn self defense.

Oh God help me baka mabalian ako, I can't afford to have injuries right now.

Badtrip talaga yung mga ka klase naming mayayabang. Tinototoo naman nila yung pananakit.

Saket shet.

Does it really hurt? Bianca ask looking at my hand.

Opo. Bahala kayo sumbong ko na kayo sa bebe ko.

Nagbago yung expression niya. I think I've seen that reaction from someone, tsk really can't remember. Nagkakasapot na talaga utak ko.

Nagtaas sila ni Fatima ng kamay ng nagtanong si teacher kung sino pa di nag try.

Ngiting abnormal nanaman yung mga gunggong.

Nakafocus talaga ako kay Bianca, dun sa nananakit sakin siya nakipartner. Ipaghiganti mo ako babe.

Ohhhhh that fast, tulog na agad sila. How did she do that? Gosh nag activate nanaman ba yung super powers niya, nila ni Fatima?

Yaaah how did you that? Tanong ko agad sa kanya pagkaupo niya.

Natulog sila wala naman kami ginawa ah.

Napaisip ako in a split second tulog nga sila. Ano yun magic. Kahit nung nag second try sila the two trainors are in the floor tapos nagkapalit pa sila ni Fatima ng partner.

Am I liking an alien now.?

Still on our PE uniforms we go back to our classroom for the next subject.

What happened there is still I can't find an answer.

Recess excited na ako, muffin or cupcakes you're mine. Yung cookies iuuwi ko na lang, selfish muna ako.

Yung excitement ko nabawasan ng makita ko si Coco with flowers. Is she waiting for someone?

Hey Yumi flowers for you.

Ooohh ako hinihintay niya?

Thanks.

Tara merienda. Sabi niyang humawak sa kamay ko at inakay ako. Wala na akong nagawa kundi sumunod. Nakaka shock naman may paganito siya.

I look back to see if my friends is following us. Heart is with Fatima and Bianca is facing the opposite way. Saan siya pupunta di siya sasabay mag snack.

Eyyyyssshh Amee again. Sarap putulin ng mga kamay niya talaga.

Nagtuloy nalang ako sa paglalakad, I saw a man standing sa malapit sa school canteen. It's Blanka's plastic bags.

An excited Heart is running with Fatima. Yan na siguro yung inorder ni Bianca.

Wait Coco let's go there kila Hearty. I need to get my muffins and cupcakes.

Ok sure. When  did you order those?

Si Bianca nag order diyan. Libre niya.

Where is mine people?

This is for Yumi. Sabi ni kuya dun sa big plastic bag. Weeeew lakas mo talaga kay Bianca Yumi. With my favorite strawberry shake pa. Alam  na alam mo yung gusto ko.

Mas nakakakilig sana kung ikaw mismo nag abot.

Sa may dulong table na kami naupo. Drinks for everyone nalang binili nila.

I shared mine with Coco.

Just then I saw Bianca and Amee entering the canteen. Para talagang sawa to si Amee laging nakapulupot kay Bianca eh.

May kinukwento si Coco pero di ko iniintindi, naiinis akong makita  na ngumingiti siya ng ganyan kay Amee.

Nang lilingon siya sa gawi namin kunwaring ngumiti ako kay Coco and listen to what she is saying. Mamatay ng makita mo akong ready ng batuhin kayo ng tinidor.

Parang di ko tuloy feels kumain netong mga foods. Nakakawala ng gana badtrip.

Nasa classroom na kami. Hinatid pa talaga siya ni Amee hanggang sa may classroom namin.

May patulak tulak ka pa. Halika dito Bianca ako magtulak sayo tapos yung mauntog ka para magising ka, tsk may gusto sayo yan eh.

Huwag kang mag alala sasaluhin naman kita kung ma fall ka.

Saluhin mo mukha mo. Eh kung ibato ko sayo yung bola ng baseball mo. Lumayas kana nga nagdidilim paningin ko.

Walang goodbye kiss?

Subukan mo lang Biancka, paliliparin ko tong upuan, bahala na kung sino tamaan sa inyo.

When she  pouted humigpit na hawak ko sa arm chair ko. Buti she kiss in the air tsk di ko pa nga na kikiss yang lips na yan papa kiss mo na sa kanya.

Sabay tayo mag lunch okay? Bumalik pa siya para sabihin yun.

Lunch huh. I look at Bianca she's still smiling, bakit ang dali mong ngumiti sa kanya.

Ang sweet niyo naman, sabi ni Cheezy.

Aaahh ang kulit niya kamo.

Huh mas makulit ako dun, gusto mo pala sa makulit? Kukulitn kita araw araw.

Kelan pa kayo naging close? Si Ashtine naman.

Kanina lang.

So kanina lang talaga, sus Yumi nahuli ka na, aba galaw galaw diyahe naman oh.

Type ka nun ano? Si Cassey.

Well, sabi niya.

Sabi ko na eh may gusto yun sayo, tuwang tuwa ka pa niyan? Eh kung sabihin ko sayong crush din kita tsssk.

Kung manliligaw, may pag asa ba? Si Alex.

Hmmm maybe.

Anong maybe? Hoy subukan mong magpaligaw dun, sasagasahan ko yun pag makita ko sa labas ng school.

Lunch break

Aayain ko sanang kasabay mag lunch si Bianca ng nasa may pintuan na si Coco. Tsssk oo nga pala pumayag ako kaninang sabay pa din kaming mag lunch.

Bakit ngayon pa sumasabay tong si Coco. Kung dati I was imagining na ako yung sumusundo sa kanya sa classroom niya for snack time or lunch break then ihahatid ko din after. Tapos sabay kaming pupunta sa cars namin to go home.

Why now na siya yung gumagawa nun I feel like  I want  her to just stop na agad. Dapat kilig na kilig na ako kasi si Coco na yan eh yung matagal ko ng crush. Tapos siya na yung manliligaw.

Amee smiled ng makita niya si Bianca na palabas ng room.

Shhheeessshh I want to be with her pero pano naman si Coco.

When she's smiling like that again gusto kong takpan yung mukha niya or itikom yung bibig niya.

Theo is here din for Heart. Sama nalang kaya kami sa kanila.

Ay wag na eepal ka pa  Yumi, it's their own moment, mag moment ka nalang din with Coco, kasi yung Bianca mo tatangayin nanaman ng Amee. Good thing Fatima will be with them.

Let's go sa mall na lang I want a cold place.

I need to cool down. Hina high blood ako.

Car na ni Coco ginamit namin. Wala ako sa mood mag drive baka ibangga ko sasakyan ko.

Are you okay? Ang tahimik mo naman ata. Coco ask as she drove her car.

Yeah I'm fine, pagod lang siguro.

May practice nga pala kayo kanina.

Oo tapos outdoor pa yung PE namin.

Eh di sa canteen nalang sana tayo para di kana mapagod.

I want a different surrounding naman, kailangan malibang yung isip ko.

Ah I see, you wanna play charades?

Hmmm maybe next time. I'm not in the mood talaga.

Ooh sorry you're tired nga pala.

She park her car and pumasok na kami.

You want to eat na ba or maglakad lakad muna? Shopping?

Kung nasa mood lang talaga ako Coco kanina ko pa pinisil yang pisngi mo. Ang cute mo lang talaga.

Wala naman akong gustong bilhin.right now. But okay tara mag window shop na lang. Kung gutom ka na we can go eat na lang muna.

I'm okay, later na lang tayo kumain. Tara dun may mga sales.

Saan kaya pumunta sila Bianca haysss nakakayamot.

Oh dito din mag lunch sila Heart. Sana pala inaya ko nalang din sila Cheezy dito.

Bagay sayo yung head band, pogi mo dun. You want to buy some for inter high?

Hmmm nope I have a lot na sa house. Isa lang talaga ginagamit ko kapag may practice.

Okay, you are ready na talaga sa inter high.

I'm excited na nga.

Me too, I'll watch your every game. She wink at me.

I just smile at her.

May nakita akong over sized shirt. Bagay kay Bianca. I'll buy that later may kasama ako pero siya ang naiisip ko.

Gutom na ako, can we eat na? We need to get back early. I need to read my notes kinakabahan ako palagi kay sir Almazan.

Hahaha oo nga malakas sapak nun. Kaya dapat palaging ready ka.

Kaya nga bigla bigla yung mga trip niya.

Saan tayo?

Jollibee?

Okay jollibee.

Napadaan kami sa may indoor baseball. Tsk parang gusto ko matuto niyan. Gusto kong pumalo ng malakas.

Is that Bianca with Amee? Gosh they are here. Parang gusto kong kunin yung batter na hawak ni Amee at ipalo sa kanila.

Para akong nag super sayan when they are smiling to each other. Fatima is on the other room. Hoy Fatima bakit mo naman iniwan si Bianca kay Amee.

You want to try baseball?

Nope baka ako lang tamaan nung mga bola.

Same thoughts hahaha baka imbes na paluin ko yung mga bola lilihisan ko lang. Parang try not to hit by the balls ang mangyayari.

Hahaha that's funny.

Finally you laugh. Kanina ka pa bad mood.

Baka malapit na dalaw ko kaya may mood swing na, sorry. Let's go na.

Ka stress ang araw na to.

Paalis na kami ng papasok naman sila sa mang inasal. Mabulunan ka sana tssk.

We stayed at the canteen muna, dun na lang ako nagbasa kahit wala  naman talaga dun yung isip ko.

Ang tagal naman nila bumalik. Baka nabulunan na nga at dinala na sa hospital. Kung ano ano kasi hinihiling mo Yumi.

Matutuwa na sana ako ng matanaw ko si Bianca kaso kasama niya pa din si Amee and they are going here sa canteen.

Sino bang iniisip mo Yumi?

Huh? May sinsabi ka ba Coco? Sorry naglalakbay talaga utak ko minsan eh.

Sabi ko sabay ulet tayo mag snack later. Hihintayin kita sa labas ng room niyo.

Ah okay sure.

Diba that's Bianca? She's with Amee huh the baseball captain. Bagay sila.

What the? Lalong nalukot yung mukha ko sa sinabi ni Coco.

Lumingon si Bianca  di ako umiwas dahil I want to see her reaction seeing  me with Coco.

Tipid lang siyang ngumiti and they leave.

Ayoko ng ganung reaction. Eh anong gusto mo Yumi yung nagseselos na Bianca? Bakit ano ba kayo? Eyyyyyzzzz...

Buraot.

Saan pa ulit sila pupunta, hindi naman yun yung way papunta sa afternoon classroom.

You want something Yumi? Drinks?

Water na lang please.

Okay

I look at may key chain. Hmmm yung mommy niyo nambababae.  Buti sana kung mas maganda sakin. Pagsabihan niyo siya mamaya ha.

Sinong kausap mo diyan.

Sumilip si Coco under the table.

Wala may minememorize lang ako.

Hmmm I thought you are seeing something I don't see. That's creepy. Here's your water.

Thanks. Anong first subject niyo mamaya?

That boring subject. History.

Buti nalang pang umaga namin siya di ganun kaantok.

Pag siya teacher parang sobrang bagal ng time.

Sinabi mo pa. Nakikisama yung oras sa kanya eh.

Agree.

Tara na ayokong maunahan ni sir sa pagpasok. Iba pa naman yun pag may malelate sa klase nitmya, damay damay lahat.

Okay tara na para ma ready ko din sarili ko sa antok mamaya.

Dapat nag coffee ka pala para di ka antukin.

I can't sleep na kasi sa gabi if I drink more coffee.

Ah see. Try yung decaf sa Blanka's.

I'll try that next time.

You should, you'll love it.

See you later okay. Study well. Bye.

Uhm don't fall asleep later haha.

I'll try. She wave her hand while walking away.

Fatima is already at her seat. Seems like she's busy with her phone.

Big time talaga sila, latest iPhone. Taga sanaol nalang talaga ako.

I seat sa arm chair ni Cheezy.

WhHimala wala kang bitbit na shoppong bag.

Wala ako sa mood mag shop.

Wow first time ko  ata marinig yun. Si ate Ashtine na inilapit pa yung upuan sa amin.

Sino bang ka chat ni Fatima. Si Bianca wala pa din.

Actually may nakitana akong gusto kong bilhin but I didn't buy because I'm with Coco.

Bakit naman di mo binili porket kasama mo si Coco.

It will be unfair kasi. I'm with her pero iba  yung naisip kong pagbigyan nun.

Whoa and who is that someone na naiisip mo while you are with your long time crush?

I smiled thinking of Bianca.

Hoy sino yan? Luh may nagpapangiti sa isang Yumi. Si Heart na umupo sa lap ni Ashtine.

Hulaan ko kung sino? Si Alex na iba na yung ngiti.

Parang kilala ko din. Si Cassey na kunwaring nagkamot sa baba niya.

Ahhhhhh si ano ba? Si Cheezy na tumingin sa may pintuan.

Tumingin din ako dun and si Bianca hinatid nanaman ni Amee.

She kiss her cheeks, punasan mo yun may germs.

Tumalikod na ako nung papasok na siya.

San ka galing Bianca? Tanong ni Cheezy, minsan napapakinabangan din ang pagiging chizmosa ni Cheezus.

Diyan lang nagpalamig. Nakipagdate kamo, kulang nalang maglagay kayo ng cuffs para di na kayo magkalayo eh.

Hmmm mall, salamat nga pala dun sa cupcakes, di ka pala nagbibiro haha ang dami nasa bag ko pa yung iba, gonna eat later again.

You want more? I can order for snack time later. Order order tapos di naman kasama mag snack.

If you'll join us later why not.

I don't know if I can go with you. See makikipagkita nanaman yan kay Amee. Dun ka na rin kaya sa section nila.

Di ko namalayang nakatingin lang ako sa kanya habang kausap si Cheezy.

Hoy I silent mo yan baka biglang tumunog yan mamaya kapag nandito na sir baka kung ano nanaman maisipan niya.

Nandito naman na si Bianca sino naman ka chat niyan.

Opo master.

Sino ba yan? Aba may pamana na agad si Cheezy sa kanya, chizmosa na din at naninilip na sa phone ni Fatima.

Her phone on her bag's pocket start to vibrate. Tssskk haven't ask for her number pa pala.

Hello miss captain, ilang minuto palang tayong nagkakahiwalay na miss mo na ba agad ako?

What? Miss captain again? She's fast huh. She has Bianca's number na. Ang slow mo talaga Yumi.

Di ko na napigilan yung inis ko, I kick her chair.

Sige na end mo na ang call baka dumating si sir ma confiscate pa cp ko, di mo na ako matatawagan pa.

Kunin nga sana ni sir cp mo para di ka na matawagan niyan. Badtrip to kakahiwalay niyo lang nagtatawagan na agad.

May lakad kami ni Fatima later after school sorry can't join you. May mga susunod pa namang pagkakataon.

And you have plans pa talaga on going out with her. Talaga naman, talagan naman.

Hmmm okay bye, makinig ka diyan wag ka puro cp. Uhm study well.

She put her phone back and look sa likuran niya.

Tingin tingin mo? Di ko naitago yung inis sa boses ko. With matching salubong na kilay pa yan.

Sorry kala ko si Cheezy yung nandiyan eh.

Nakita mo na akong nandito kanina. Inirapan ko na lang siya. Baka makita niya yung selos ko eh.

Halos napatalon pa ako sa gulat ng may pumalo sa board.

My God yung leader ng mga bully. Dito pa talaga natripan nilang pasukin.

He is scary talaga. Parang anytime he will transform into hulk and throw us all.

Di ko alam kung tatayo na ba ako para magtago or just stay here para di ako ang pagtripan kung makita niya akong tatayo.

Hoy dalawang panget na nerd. Hala not again, nakakarami na yung mga bully sa kanila eh.

Nakakahiya naman sayo, kami pa talaga panget eh ikaw nga kulang nalang tabako kasi mukha ka ng kapre.

Natawa si Fatima. Hahaha I want to laugh to kaso natatakot talaga akong sakin mapunta attention niya.

Hoy tatawa tawa ka diyan.

Eh nakakatawa yung sinabi mo eh.

Wala naman akong sinabi ah.

Hindi niya siguro intensiyong sabihin yun ng malakas. O malakas lang talaga pandinig namin ni Fatima.

Ulol sabi mo mukha siyang kapre kulang nalang yung tabako niya.

Mas lumakas yung tawa ni Fatima, Bianca laugh too. Siraulo ba tong dalawang to bakit pa sila tumatawa eh nan diyan yung kapre este bully.

Pinagtatawanan niyo ako? Eh kung pagbuhulin ko kayong dalawa?

Ayan mas nagalit na tuloy. Nung lumapit na yung si panget tumayo na din ako at go to safe place with my friends.

Di man lang tumayo si Fatima at Bianca, they stay at their seat samantalang kami nag kanya kanya na ng tayo at pumagilid.

Tiningnan ni Bianca yung likuran niya, Hoy wala na ako diyan, kayo nalang ni Fatima natirang nakaupo. Tatawa tawa pa kasi kayo.

Eyyy watch out, I want to scream pero mawalan naman ata ako ng boses.

Di siya nasuntok ni kupal, pang action star pa ata tong dalawang to. Ang galing lang nung ginawa nila. Fatima rolled over para makatayo and Bianca huh di ko mapigilang ma amazed sa kanya.

Nadadagdagan ang puntos mo sa puso ko babe bakit ganun. Nag back flip siya para makatayo buti pala naitulak ko palayo yung inupan ko kanina or else bali ang spinal cord ng bebe ko.

Kanina lang naman kami nag aral ng self defense bakit ganyan naman na sila kagaling.

Napako na ata kami sa kinatatayuan namin ng ibato ni kapre yung upuan kung nasan kami.

God my face. Talagang nakatingin nalang ako dun sa flying chair. Pero mas nakakagulat ng tinalon ni Bianca at sipain yung upuan.

That hurts baby. Nakita ko yung pang ngiwi niya ng mabagsak pa siya sa isa pang upuang nakatumba.

Leader yan ng mga bully, my gosh tatlo palang sila na nandito what more kung kasama pa niya yung ibang alipores niya baka ma hospital na si Bianca at Fatima.

But the way na ilagan nila yung mga atake nila kapre para silang sanay sa pakikipaglaban. Baka gangster tong dalawang to.

Buhay pa kaya yung napalo ni kapre. Kawawa naman.

See napaka flexible ni Fatima, ballet dancer pa ata siya. Sa isang sipa tulog yung isa pang alipores.

Only kapre is attacking Bianca. Bakit kasi di mo na sapakin para makatulog na din siya. Impossible namang si Fatima lang may kaya nung high kick.

Whoaaa mas astig yung pag sipa ni Bianca pero di man lang natumba si kapre, tibay.

Para lang kaming nanonood ng shooting ng pelikula.

Uh uh napisa na yung junior ni kapre. Okay lang yan para di na dumami ang impakto.

Ngayon lang ako di natuwa sa late na pag dating ni sir bettyboop. Kung kelan naman dapat maaga ka sir.

Pilay pilay ang Bianca ko. Does it really hurt? Lalapitan ko sana ng mag start na agad ng lesson si sir. Grabe din siya parang walang nangyaring bakbakan kanina ah.

Tumayo na din si  Bianca after ng first lesson. Iba na yung pagkakalukot ng mukha niya.

They are going to clinic. I look at her foot may stain ng blood.

When Cheezy offered to go with them nakisali na din ako. I want to take care of her. Dahil din naman kasi sa katangahan ko bakit siya meron niyan. Kung di mo ba naman kasi pinanood yung upuan na ibinato sa inyo Yumi.

Crush pa ata siya netong nurse on duty.

Hoy Bianca bakit parang dumadami naman nakakapansin sayo.

I want to stay with them kaso dumating naman si Coco. Bakit kasi ako umoo sa snack with her.

I don't have a choice kaya sumama nalang din ako sa kanya. I'll buy snack for them nalang.

Hey may nangyari ba bakit ang tahimik mo naman na lalo?

Ahm kasi kanina yung leader ng mga bully may pinagtripan sa classroom namin.

That's why you're  at the clinic earlier? And Fatima and Bianca are the victims?

Yeah, di na sila tinantanan ng mga bully.

Bakit naman sila pa ulet natripan ng bakla na yon?

Alam mo naman yung kapreng yon, kahit sino na lang trip niyang I bully. Porket gobernador tatay niya.

Sana kasi may mag report na para wala ng naaaping estudyante. Kawawa naman yung mga walang laban.

Tama, pero kanina ginantihan sila ni Bianca at Fatima. Nasakatan din yung si kapre.

Hindi kaya maging problema yun? You know he has a lot of alipores. Baka aabangan sila sa labas.

Oo nga no, dapat mareport na sila, nakakatakot tuloy baka traydorin sila sa labas.

Exactly tapos walang makakita sa kanila, who will rescue them?

Bigla akong nag aalala para kila Bianca. What if nga walang makakita, gosh they might die. Hell no iniisip ko palang na di ko na siya makikita nalulungkot na ako.

Tara na? Di ako pwede ma late sa next subject namin. Terror ng teacher na yun. Aya ni Coco.

Okay I'll buy chips and drinks muna for Fatima and Bianca.

She looks at me like I've said a wrong word. Shouldn't I buy them? Pero di sila nag snack. Okay I'll buy for the tropa nalang.

Wait for me here I'll be quick.

Bahala na diyan, I want to buy for them eh di naman masama diba.

Let's go. I hold her hand  na lang para di na magtampo.

Nakatingin na agad sa hawak ko yung mga kaibigan ko. How will I say it's for Bianca and Fatima ng di sila mag isip ng kung ano. Knowing them tutuksuhin lang ako ng mga yan.

Naawa naman ako sa plastic bag nung mga chips, hindi po talaga  sila patay gutom.

Bigyan niyo naman si Bianca at Fatima. Di naman kasi para sa inyo yan eh.

Kita mo kaabnoyan talaga nila. Isa isang inabot sakin yung food.

Sus di na kayo nabiro, sige na eat well.

Finally uwian. We walk slowly para makasabay si Bianca.

Can you drive,? I ask her.

Of course I can drive.

You sure?

Very sure.

Go Yumi tell her na you can drive her home. Hindi yung palaging ikaw hinahatid.

Okay if you say so. Dito na kami our car is there.

Coward ka pa din. Ano na nalunok mo  na dila mo? Wala na yung mga kaibigan mong epal.

Anything else ma'am? She's looking at me confused.

Uh nothing, take care babye.

Una na ako dun Bianca, paalam ni Fatima.

Paglingon niya kay Fatima I  was about to kiss her cheeks pero bigla din siyang humarap sakin.

Oh my gosh, I was dreaming of how does it feels to kiss her lips but this is it. I didn't expect this will happen like this.

Just a smack but I feel like I've kiss her already. Bigla ko naalala yung kiss with Pau, this feels the same.

Gaano na kaya ka pula yung pisngi ko?

Te...Take care Bianca. Namilipit na yung dila ko. 

You too take care. Sabi niyang di na din nagalaw sa kinatatayuan niya.

Should I say sorry? Oh no no no, di ko naman sinasadya yun ah siya naman tong biglang humarap.

Ano na lang kaya isipin niya, I am with Coco this day tapos bigla ko siya hinalikan? Hindi ako two timer Bianca I swear.

I wave at her nalang and go to my car.

Oh my heart, swish what was that. Hinawakan ko yung lips ko and pinakawalan ko yung ngiti ko. Kyaaaaaaaaahhhhh ang soft ng lips niya.

Dumaan na yung car nila ni Fatima. Pinaandar ko nandin car ko. I was about to drive but I remember the cookies I put in my locker.

I off the engine and run to the locker area.

Oh Yumi bakit ka tumatakbo? Is there someone chasing you?

Nope coach hehe may nakalimutan lang po ako sa locker.

Okay be careful, bawal magka injury.

Yes po coach. Bye po.

Hey there cookies. Sorry muntik ko na kayong makalimutan.

I run again hanggang sa sasakyan ko. Oh diba nakapag exercise pa ako.

HOME

Mooooomm I'm home.

Seems like someone is happy huh! Anong balita?

Eh? Balita saan po?

Sa liligawan mo? Or girlfriend?

Mom wala po akong nililigawan? Lalong wala namang wala akong girlfriend.

So kelan?

Eyyy mom. I pouted kasi I don't know how to explain.

Hmmm problem?

Eh kasi po,  Coco is courting me na.

Ohhhhh told you she's gonna be your first girlfriend.

But mom.

Why? Diba matagal mo naman na siyang gusto? Ayan siya na nanligaw.

Tssskk I don't know how I feel. It's like I'm happy that finally napansin niya na ako, but I'm also confused kasi I'm liking Bianca.

Bianca? that girl na first date mo?

I smiled hearing the first date. But faded right away kasi parang I cheated on my cakes. I promise her na siya ang first date ko.

You're confusing me lady.

I'm more confuse mom don't worry.

Napangiti ka when I say first date with Bianca. Then suddenly it faded away. Ano ba Yumi?

Eh kasi po I promise cakes na siya ang first date ko then sabi mo first date with Bianca. Mom parang nag cheat na ako kay cakes diba?

Whoa, tsssk anak ang dami mo  naman kasing babae, hinay hinay naman. Buti nalang talaga babae ka or else ang dami na siguro naming apo.

Mom ang bata ko pa naman parang maging ama kung sakali.

Di natin masabi, sa itsura mo yang pipikutin ka talaga hahaha.

Mom seriously?

Totoo naman ah, mas pogi ka sa mga kuya mo kung naging lalaki ka lang. Babae na lalapit sayo, sila na mag propose or itanan ka.

Naalala ko yung nangyari kanina sa classroom, bakit ganun ang lakas ng dating ni Bianca that time. Yung pagprotekta niya kahit siya na yung nasaktan.

Kung siya magtatanan sakin go  na agad. Pero pano naman si cakes ko.

Oh yung reaction ng mukha mo papalit palit. May naiisip ka bang gusto mong magtanan sayo?

Hahaha you know me too well mother. Yeah I'm thinking of that someone.

Who?

Secret. Baka ako ang pipikut dun mommy para di siya mapunta sa iba.

Oh bakit di mo pa gawin?

Sheeessshh kailangan ko munang matuto ng self defense mom, baka bigla ako lumipad pag lalapit ako sa kanya eh. Grabe ang husay makipaglaban.

Oh di maganda yun para may nagpoprotekta na sayo.

Sige mag propose na ako. Give me a ring.

Yaaah I already give you the ring, the heirloom remember?

Oh shocks..

Why? Nawala mo? Yumi I told you na yun ang magiging wedding ring mo.

Hindi ko po siya nawala mom. I give it to cakes.

What? When?

When we were still kids. Diba  I promise to marry her. I did marry her and I gave her that ring.

You what? Marry her? How?

You know kids mom, I marry her dun sa puno sa likod ng school namin. Ohhhh where is the rings she gave me. Did you throw my things mom?

No... nandun lahat sa storage room kahit yung mga toys mo.

Okay bye mom, salamat pinaalala mo yung ring. Kasya ko naman na siguro yun. Akyat na po ako, hahanapin ko pa yung wedding ring ko hehe.

Nakalimutan mo na ba yung tungkol sa ring na yun?

Yeah I almost forgot I'm already married na pala, di pa nga lang registered  hahaha

Hay naku nababaliw ka na talaga anak. Tssskk nagagawa ng pag-ibig.

Mom only to them lang naman.

Them who?

Bianca and cakes?

Asa Yumi, meron ka pa ngang Pau at B. And meron pa yung kinukwento mong nakilala mo sa tree house na maganda ang boses pag kumakanta, and that sa dance troupe na magaling sumayaw.

Hahaha natandaan mo pa yun mommy?

Of course lagi mo kasing kinukwento eh. Yun nga lang sabi mo nga di mo pa nakikita yung itsura nila. Baka engkanto mga yun anak ha?

Di bale na mommy na engkanto, basta engkantong maganda.

May engkanto bang maganda?

Meron po, sila hehehe.

Batukan kita diyan eh, hala umakyat ka na nga.

Opo aakyat na nga eh.

Tawagin nalng kita later for dinner.

Opo mommy thank you.

Umakyat na ako and put my things sa room ko and go sa storage room.

Where is that box. Halos baliktarin ko na yung storage namin, where is my box mommy huhu.

Lumabas ako and look for mommy.

Mommy?  Pababa palang ako ng hagdan sumigaw na agad ako. Naiiyak na ako di ko talaga makita yung box ko.

Kakapasok lang ni daddy pagkababa ko sa hagdan.

Daddy. Salubong ko sa kanya tapos yumakap ako. My voice crack when he hugs me back.

What's wrong princess? Sino nagpaiyak sayo?

Daddy I can't find my box.

What box?

Yung box po na may mga important things ko from my childhood po. Sabi ni mommy nasa storage room.

The color pink box? You mean that music box?

Music box po ba yun?.

Hahaha yes you love that so much when you are just 4. Nasira na lang kaya naging box nalang at ginawa mong taguan ng mga  kung ano anong bigay ng wifey mo.

Wifey?

Tsssk I already saw what's inside that box princess.

You open it daddy?

I'm curious okay, pero matagal naman na yun. Baka natapon na ng mommy mo kaya di mo mahanap.

Kumawala ako sa yakap ni daddy and look at him. Nag unahan ng pumatak yung luha ko.

Uh sorry princess, we thought you've already forgot about that, kasi ang tagal ng di mo yun hinanap.

But daddy my cakes. Nanlumo ako sa sinabi ni daddy. I cried more.

Hmmm why are you crying?  Come here. He hugs me again  and rub my back.

Sorry I was just kidding. Tsssk  did you finally found your wifey that's why you are looking for her ring?

You know about that ring too dad?

Of course my initial na nakalagay dun anak.

Really dad? I want to see it po.

Okay let's go find your wife's ring. Did you give her the ring your mom gave you?

Yes po, I don't know it's a heirloom.

Hahaha kids tsssk. Find her then and get that ring back.

Why would I get it back dad?

Are you gonna marry her still? What if she's already have a fiancee and just waiting for the right time to marry?

No dad, she promise na ako lang ang i girlfriend niya.

That promise is just a kids promise, nagbabago yun while you grow up.

Dad naman eh.

Ooops sorry just saying. What if ikaw nalang ang nakakaala niyang promise na yan?

No dad, she's in our school. She said she misses me.

You already met each other again?

Nope po, hindi pa po siya  nagpapakita sa akin while she already knows my real name. Baka nga po nakasalubong ko na siya eh.

Bakit di mo siya ma recognized anak.?

Hindi po eh, wala naman po kasi akong nakaaksalubong na alam mo po yun yung mataba na cute ganun.

Hahaha anak not because nothing change sa features mo doesn't mean wala din nagbago sa kanya. Ikaw kasi you still look like you when you were just a kid. Nagmature lang yung itsura mo pero it's still you.

Kaya dad?

Uhm malay mo pang beauty queen na siya ngayon.

Whoaaaa oo nga no kaya di ko siya nakilala. What should I do then? Call everyone cakes haha lalo na yung mga di ako familiar na mukha. Di kaya magmukha naman akong katawa tawa nun dad?

Yes you are, iisipin nila nasisiraan kana ng bait. Or you are asking cakes from them, baka bigyan ka ng sangkatutak na cake.

Hahaha oo nga po. Bakit kasi di ko maalala pangalan niya.

Maybe you can find her through that ring.

I hope so po. Sana na sa kanya pa din yung ring na bigay ko.

Wedding ring niyo haha

Opo. Now dad where did you hide my box?

Nasa loob na kami ng storage room, di ko na siya pinagbihis muna. Hehe I need my ring right now.

It's here lang if di binago ng mommy mo. Ah wait if we find your ring anong premyo ko?

Ask anything basta yung kaya kong ibigay po.

Okay call, bring Bianca here tomorrow night.

Dad? Bukas start ng mas maraming oras ng practices for inter high. Baka di kaya ng time niya.

Why did she join all of the sports?

That I dont know po. Di ko nga po alam yung mga sinalihan nila ng bestfriend niya eh.

Hmmm okay I won't look for your ring.

Lalabas na talaga siya ng room. Ang daya naman.

Okay fine I'll try.

Still not sure eh, I'll give you your ring if you bring her here okay. So lets get out of this room na.

Daddy. Nagpapadyak na ako na parang bata na di binigay yung gusto.

What?

Fine, I'll call her now. Aigoo wala nga pala akong contact number niya.

Don't tell me wala kang number niya? Ay weak tssk bagal mo kumilos anak.

Dad please I promise I'll bring her here for dinner tomorrow night.

Pinagdikit ko yung dalawang palad ko and rub it while pouting.

Hmmm okay. I know you never break a promise naman eh.

Yes.. bahala na bukas kung pano ko siya ayain. Kidnapin ko nalang kapag di makisama yung dila ko hohoho.

Dad opens one big carton, mga uniforms ko nung elementary ako. Talagang tinago pa din nila.

Finally I saw that pink box. Diyan ka lang pala tinago, binuksan na nga kasi kita kanina di ko pa tinuloy na hinalungkat tuloy mapapasubo pa akong dalhin si Bianca dito.

Here. You promise okay?

Okay dad.

Bumaba kana mamaya for dinner.

Opo daddy, thank you po sa pagtago nito.

You're welcome princess. I know this day will come that you will look for it.

Aw thank you so much daddy. I love you. I hug him again and kiss his cheeks before I run to my room.

I open the box, mukha nga talagang music box to. Everything cakes gave me is still here. Our picture is here too. Ahhh I miss his chubby cheeks. I'll put this to my wallet, papa recopy ko na din para magmukhang bago. 

Yung mga flowers natuyot na.

May small box. Maybe dad buy this para sa ring ko. I open it and there my wedding ring.

May initial nga nakasulat inside. PB Santos.

How will I know her ang daming Santos sa mundo.

I put it on my ring finger and wow it fits really well.

I took a picture and posted it on my SNS.

Iniwan ko yung phone ko when mom calls me for dinner.

You've found your ring baby? Mommy ask.

Opo mom, here. Pinakita ko yung ring na nakasuot na sa daliri ko.

That looks good on you. Isangla muna natin mukhang mamahalin eh.

Sana pala sinangla na natin yan nun mommy.

They both look at me.

Kung di lang naisip ng mommy mo na hahanapin mo yan when you grow up, matagal ko na yang nabenta.

Tumawa lang si dad. I know naman na he is just kidding. He knows how important this ring to me.

Siguro may kapalit kaya binigay ng daddy mo yang ring  mo?

Opo, he ask me to bring Bianca here for dinner tomorrow.

Oh yun lang naman pala, kung ako hihilingin kong iuwi mo na siya dito haha.

Buti nalang pala si daddy ang pinagtanungan ko. Thanks mom di kita nahanap kanina.

Nagtawanan lang kami, haayyzz may parents talaga. Kaya love na love ko kayo eh, napakasupportive niyo sa mga bagay that makes me happy.

Umakyat na ako after our dinner. I  check my SNS, notif is exploding.

Yiiieee mainggit kayo.

Ang daming likes sa latest post ko. Nagbigay reveal.?

Nope I'll wait for her to say it's from her. Ang dami kasing comment it's from Coco. 

Bahala kayo sa isipin niyo. Basta this is from my wifey.

I kiss my ring and nahiga na. I'll sleep happy. Good night wifey ko, I'll meet you soon.

A/N: Thanks sa mga  nagbabasa pa din neto😁🤗🤗🤗

Continue Reading

You'll Also Like

46.3M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
88.1K 1.2K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
395K 11.8K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
1.6M 52.9K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...