Chapter 15: Volley ball Player Yarn?

1.5K 75 14
                                    

FATIMA

Monday nanaman, bakit ba kami nag aaral kasi. Pwede namang ako na agad mamahala sa business ni dad.

Oo Fatima para isang linggo palang bagsak na agad ang ekonomiya.

Bumangon na ako at naghanda sa pagpasok sa school.

Kaya pala ilang sayaw yung pina practice namin kasi may acquaintance party pa muna bago yung inter high. Buti nalang mas kabisado ko yung sasayawin para sa acquaintance.

Minsan di na ako nakakasali sa ibang practices lalo pag friday. Tapos pag saturday at Sunday sinasamahan ko si Bianca sa pag supervise ng renovation nung extension ng resto niya.

So far maganda na yung outcome, hinihintay nalang yung opening dahil busy din talaga ang isang Bianca, pati si Francess busy din, school, practices tapos resto kaya wala pang definite date yung opening.

Magkaiba kami ng practice ngayon, pero magkalapit yung rooms. Sabay pa din kaming pumasok.

After ng practice sa first subject agad kami, outdoor activities. Volleyball. One of the sports we enjoy so much.

Nasa may volley court na kami, boys are separated. We are devided into four groups walang substitution, even we are playing in group may individual points pa din daw.

I'm excited na, as expected no one wants to be on our group. Ano yun kaming dalawa lang ni Bianca laban sa kanila, keri naman pero baka maxado silang ma bilib sa amin.

May napilitan na lumipat samin si Cassey and Cheezy, we needed two more, si maam na nagturo kung sino ang mapapasali sa team namin. Wag na kayo sumimangot mananalo naman tayo eh.

Ayusin niyo maglaro, ayoko bumagsak sa activity na ito. sabi ni Cheezy

Alam niyo namang varsity yung iba diyan, kailangan nating makapuntos kahit papano. sabi ni Cassey.

Ayaw din namin bumagsak no. Hindi porke ganito kami ibig sabihin na lampa kami. Nakikita mo ba muscles ko?

Buti di sila Heart ang opponent namin kundi yung mga mayayabang sa klase na akala mo ganun katatalino. Tsk parang wala namang varsity player sa mga yan.

Old habits we do our goodluck hand shake.

Sa kanila yung served, first served pa lang ako na ang target, tsk baka ready to hoy.

Maganda yung received ko kaya maganda yung naging set for Bianca to hit it. Outside hitter, opposite hitter, middle blocker, libero pati setter lahat yan we can do. Haha ang yabang ko diba.

First hit headshot, dito man lang makabawi kami sa pinaggagawa niyo.

Ako na agad yung first server, nakita ko na agad yung target ko, ikaw yung pinakalamalakas tumawa eto sayo.

I throw the ball up and jump to spike it, diretso talaga sa target ko, hindi niya na received ng maayos kaya walang set.

2-0

Next target yung makatingin akala mo miss universe siya. Nice received too much force kaya yung nasa harapan niya tinamaan ng bola. Nice nice.

Si Bianca nakalingon sakin habang tinitingnan ko kung saan pababagsakin yung bola, may isinenyas siya, si girl make up haha geh pagbigyan.

Sinundan niya lang ng tingin yung patutunguhan ng bola and hahaha bakit yung mukha mo pinang receive mo, nadagdagan tuloy blush on mo.

Bianca niyo rinig ko pa yung tawa niya.

Ano ba yan wala namang gana kalaro mga to. Sige na nga kalmahan ko na lang para maka served din kayo.

Hindi ko na inispike yung bola, flying nalang pero di pa din na received ng ayos, yung ka klase naming maarte kasi napuntahan ng bola.

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon