Trend

594 30 19
                                    

Mapanakit sila for sure🙄

At sa bawat minuto, bakit ka nagbago
Nawala na lang bigla higpit ng mga yakap mo
Sa akin ba ay nagsawa? Tanging hiling sa'yo
Sana ako ay mahalin kahit hindi na totoo

At sa bawat minuto ikaw ang pinili ko
Iba ang yong gusto habang ako ang narito
Ikaw ang hiling hanggang sa huling sandali
Pero bakit siya ang nais mong hagkan hanggang huli

At sa bawat minuto iba pala ang mahal mo
Pinili mo'y iba habang ako yung narito
Iba ang nais mong makapiling sa huling sandali
Tinatanggap ko nang hindi ako yung nagwagi

At sa bawat minuto gusto ko ng sumuko
Binigay ko ng lahat pero sinayang mo ako
Mananatiling nakaukit ang sakit sa aking dibdib
Ayoko nang umulit paalam di na babalik

At sa bawat minuto ako yung nandito
Binigay ko ang lahat ngunit hindi pa rin sapat
Ako'ng kasama sayoglng hinagpis at pait
Pero di ako'ng piniling makasama sa tamis

At sa bawat minuto sakit tiniis ko
Prinsesang turing mo noong di pa ikaw ang gusto ko
Ngayo'y pinili ka na, nananakit ka pala
Sa'yo lang daw sasaya, ba't pag galit pisikalan na.

At sa bawat minuto bumitaw ka't naglaho
Pinili ko'y ikaw ngunit ibang para sa'yo
Kapiling ka sa umaga sa gabi'y sa kanya
Sa'n ba 'ko lulugar? Sino ba sa aming dalawa?

At sa bawat minuto sana'y di matuto
Kahit paluhain mo ako'y di lalayo sa'yo
Paulit-ulit mo mang saktan ako'y di bibitaw
Kaya kong Tissington lahat mahal basta ikaw

At sa bawat minuto ako na yung susuko
Lumisan ka bigla ako'y naghintay sa'yo
Ikaw yung aking pinili kahit di madali
Hinawakan ka ng mahigpit ngunit ako'y pinagpalit

At sa bawat minuto lahat binigay ko
Humanap ng iba kulang pa ba ako sa'yo?
Lahat ng wala ako, sa iba hinanap mo
Paano ba ko uuwi? Kung ikaw tahanan ko.

At sa bawat minuto minahal mo nga ba ako?
Ako yung kapiling mo pero iba ang nasa puso mo
Puso'y puno ng pighati kailan ba ako mapipili?
Nagmamahal lang naman ng totoo bakit sa inyo lahat parang laro.

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon