Chapter 8: Biami Moment

1.5K 84 5
                                    

BIANCA

Sakit ng katawan ko para akong binugbog, lintek na yan kainis kasing Samantha yun nabangasan tuloy ang magandang mukha na to. Yung kamay ko na naihampas mesheket din talaga pero di na tulad kagabi.

Natatawa pa din ako sa biglaang takbo namin kagabi, nakakapanghina naman kasi ng tuhod kung makatitig si Yumi. Haaaa pag ako tumitig sayo ewan ko na lang.

Tiningnan ko yung phone ko kung nag reply ang Fatima pero wala, nakalimutan kaya niya. Di pa niya nababasa message ko baka nakatulugan na niya.

Anong oras na makaligo na nga, mamaya ko na siya tawagan.

Ganda mo Binacakes tssss nakadagdag angas yang bangas mo.

Alas onse usapan namin nung contractor, nagbago yung oras nila dapat after lunch pa. Hay naku Fatima di pa din nag seen.

Yung sasakyan nalang muna ni daddy gagamitin ko. Sumakay na ako sa pick up ni daddy at lumayas na, susunduin ko pa ang prinsesa.

Sa labas nalang ako ng gate nag park saka tinawagan si Fatima, sana naman gising na siya.

Rrrrriiiiinng rrriiiiinnnngg rriiiiinnnggg, aba at nasa dreamland pa ata siya.

Redial ko ulet rrrriiinng rrriiinnng rrriiinng Hello, sagot niya,,, arrrrggggg siya pa galet, sakit sa tenga lumunok siguro talaga to ng mega phone.

Aba may galit ka ba sa mundo Benis? tanong ko sa mababang boses, alam niya pag ganyan na tono ko, danger danger danger.

Aaahh eehh sorry naman master, napasarap ang tulog ko eh, sabi niyang as mahinahong boses na, sabi sa inyo eh takot lang niyan.

Bilisan mo diyan or pasasabugin ko yang bahay mo. Kanina pa ako dito naghihintay, sampung minuto Benis at wala ka pa dito gigibahin ko yang gate mo. Tamang pananakot lang para kumilos siya agad, takot lang niyan na pasabugin ko bahay niya.

Harsh ko naman, tssss wala naman akong dalang pasabog, kung papupuntahin ko dito yung backhoe sa construction firm ni dad para gibahin yang gate baka nakaalis na din lang kami dito di pa siya nakakarating hahaha, punyeta Bianca kung ano ano na lang naiisipan mo.

After 15 minutes nakita ko na siyang palabas ng gate, nakapaa pa si gago bitbit niya yung sapatos niya. Yung trip talaga neto kakaiba.

Hinihingal siyang kumatok, inunlock ko yung pinto para makapasok siya. Nag serious mode na din ako para kapanipaniwalang wala ako sa mood.

Wazzzup buddy, bati niya sa akin pagkaupo niya, todo ngiti pa yan, pero ng makita niyang seryoso ako walang kangiti ngiti tapos salubong ang kilay tinikom niya bibig niya at parang gustong mag disappear bigla.

Tumingin ako sa relo ko, 5 minutes late, saka ako tumingin sa gate.

Woi yun na yung pinakamabilis ko, sorry na. Nagpapanic niyang sabi haha, nasobrahan na to sa kape masiyado ng nerbiyosa.

Tssss uso alarm clock Benis, saka ko siya uli tiningnan, okay na sana ang pormahan niya kaso nakapaa pa.

Eh sabado ngayon kaya di ako nag set ng alarm clock. Sabi mo after lunch pa naman eh, wala pang lunch time oh. Aba nakahanap ng palusot.

Nag message ako sayo kagabi, na before lunch na tayo pupunta kasi uunahin na lang nila dun kaso hanggang ngayon di ka pa nag seen.

Maaga akong nakatulog eh kaya di ko na nabasa.

Okay, sagot ko nalang saka pinaandar yung sasakyan. Saka palang niya naisipang magsuot ng sapatos.

So It's YouWhere stories live. Discover now