Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicro...

By PsychopathxXx

1.9M 60.9K 18.4K

Twenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. Th... More

DISCLAIMER
SYNOPSIS
PROLOGUE
1. Secrets Revealed
2. Cinderella Version 2.0
3. The Breakup Chronicles: Damsel in Distress
4. Uncertainty
5. Glimpses
6. Kidnapped
7. Escaping from Hell
8. Devil Incarnate
9. Kisses and Plans
10. Enigmatic Knight
11. Backfired Enchantment
12. Husband and Wife
13. What Freedom Means
15. Ice and Fire
16. Italya
17. Distressing Aftermath
18. Ambush of Death and Love
19. Lesser Evil
20. What the Heart Says
21. Bloody Who?
22. Choices and Rising Doubts
23. Mysterious Abyss of the Sea
24. Agreement
25. The Last Resort
26. A Whole New World
27. Savior and Alphas
28. Enemies
29. Root of All Evils
30. Joy Amidst the War
31. On Bended Knee
Epilogue: For a Lifetime
SPECIAL CHAPTER

14. Softer Side of His Icy Demeanor

48.5K 1.9K 590
By PsychopathxXx

CHAPTER FOURTEEN

Mabilis na lumipas ang isang linggo sa siyudad. It was a week full of surprises from a devil named Trigger. I was startled most of the time.

Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari habang nasa siyudad kami, hindi niya ako hawak sa leeg. Hinahayaan niya ako sa mga bagay na gusto kong gawin kahit ang pagbisita kay Pablo. He looked okay with it. Walang komprontasyong naganap.

Kampante siyang hindi ako gagawa ng isang pagkakamali at ikagagalit ng binata. He's right on that part. I would stick to my plan and that is to be with him for a longer time, I need him to favor me in order to succeed.

It feels like my freedom was restored.

Inihain ko ang niluto kong dinner. I just made adobo for the both of us. It is the common scenario during dinner for the last two days. Madalas na nasa penthouse si Trigger. He would eat with me not eat me anuman ang lutuin ko.

At madalas itong manggulo at paglaruan ang aking nararamdaman. My emotions were mixed up these days. Pakiramdam ko, isang araw ay bigla na lang akong sasabog. I have an idea what it could possibly lead and I'm sure it's not a good thing.

Kailangan kong pigilan ang sarili ko bago pa man ako lumala. But is it possible to stop what I'm feeling?

Bumaba si Trigger nang may nakatapis na tuwalya sa ibabang parte ng katawan niya. Halatang katatapos lang nito maligo. I was dumbfounded at the sight. Nahiya pa siyang magburles!

He has a great body could be a body of a warrior. His body feels right. It was not that bulky but his muscles were on the right places. Tamang-tama lang iyon sa kanya.

Marahas niyang pinisil ang pisngi ko nang makalapit siya sa akin dahilan upang bumalik ako sa katinuan. Medyo masakit at bumakat ang pagpisil nito. Isinara ko rin ang bibig kong bahagyang nakanganga.

Sana lang ay hindi nakita ng binata. Nanunuot sa buong pagkatao ko ang pagkapahiya. Iba pa rin ang epekto kahit madalas nakabalandra ang katawan niya sa buong penthouse.

"Do I still have a cloth on your mind?" Mapang-asar itong ngumisi.

Inis na pumaling ako kay Trigger. "Hindi kita pinagnanasaan, dickhead!" tanggi ko,

Naamoy ko pa ang body gel na ginamit niya sa pagligo. And it really smells nice. Hindi nakakasawang singhutin ang amoy.

Tumawa ito nang mapang-uyam. "You sounded so defensive. The word came from your filthy little mouth,"

Hindi ako umimik. If I wouldn't answer, I'm guilty. If I would defend myself, I'm still guilty. Saan ako lulugar?

Pero totoo naman.

Hindi ko ito pinansin hanggang matapos kaming kumain. Hindi rin naman siya nag-abalang kausapin ako. He would just stare at me from time to time.

Ako ang naghugas ng plato. Wala akong aasahan kay Trigger. Hindi naman ito gumagawa ng gawaing bahay. Madalas siyang nakasandal sa gilid ng ref at pinapanood ang bawat galaw ko pero never siyang tumulong sa gawaing bahay. It's just awkward.

Maaga akong natutulog sa gabi. Pagkatapos kong mag-ayos ng pinagkainan namin ay diretso na ako sa kwarto. Wala naman akong balak magtagal sa ibang parte ng bahay habang andoon si Trigger. I'm trying to prevent myself from doing anything foolish.

I would often wake up feeling light. Laging may nakapulupot sa aking mga bisig. Si Trigger. Hindi ko alam kung paano siya nakakapasok sa kwarto ko.

Well, it's his penthouse. He has access in every room, that's for sure. I'm at least thankful, laging mahimbing ang tulog ko habang katabi ko siya sa kama but I wouldn't let him know that.

Nagising ako nang mataas na ang sikat ng araw. Trigger was still hugging me tightly. Mahina itong humihilik. Medyo nakaawang ang kanyang mga labi. Napangiti ako nang marahan. He's still a human normal human. Akala ko kasi demonyo talaga. Napangisi akong lalo.

Maingat akong nag-iba ng posisyon para mas makita ko ang kabuuan ng kanyang mukha nang maayos. He looks so peaceful asleep. Napakagwapo niya those lashes longer than mine, his reddish pink lips, his jawline, his pointed nose he probably is God's favorite. Inangkin na niya ang lahat ng kagwapuhan.

He's the one making a turmoil in my body at the same time the one making it at peace. He can unleash the monsters inside and he can tame them. He's just a trouble to begin with. A very handsome trouble. I sighed dreamily.

Iniangat ko ang aking kamay para haplusin ang buhok niya pero bago pa man iyon lumapat nakuha na niya ang braso ko sa ere. I was stunned. Hindi ko iyon inaasahan. He's awake! He knows what I'm doing. Ang bilis ng reflexes niya, kasing bilis ng tibok ng puso ko. Hindi pa rin siya nagmumulat.

What are you, Trigger?

"I don't appreciate you staring nor touching me while I'm asleep," he said huskily. Napalunok ako. His morning voice is inviting.

"Y-you're not even asleep. Y-you're aware of what's happening..." mahina kong sagot.

Iminulat niya ang kayang mata. His dark brown eyes were penetrating mine. Hawak niya pa rin ang kamay ko sa ere. Napasinghap ako nang ilapit niya ito sa kanyang bibig at marahang kinagat ang hinlalaki ko.

He's doing that while looking at me with so much intensity. Hindi naman maipagkakailang may kakaiba akong nararamdaman. I found it hot. And I don't want to entertain that feeling.

"I'm trained that way,"

Marahas kong hinila ang kamay ko sa kanya. Hindi naman umangal si Trigger. I got up of the bed.

"Bakit? Assassin ka ba?" Kumuha ako ng roba. Sinuot ko iyon.

"You certainly know I'm not." He shrugged.

Bumangon na rin ito ng kama. Ginulo niya ang kanyang buhok. He suits messy. He suits everything.

"Then, w-what are you?" lakas loob na tanong ko.

He walked towards me. Hinapit niya ako sa beywang at tinitigan sa mata. Hindi agad ako nakapagreact sa pagkabigla. I should have pushed him but I didn't.

"Do you really want to know?" He caressed my cheek.

Nanghihina ako. Nanginginig ang tuhod ko. I felt the electricity going on every blood vessel as he touched me casually. Kinakapos ako sa paghinga.

"I'm a bad man," he stated with an emotion I couldn't comprehend. He licked his lips. He made my stomach agitated. "A very bad man, Aramis."

He claimed my lips and I closed my eyes.

***

Trigger hired a team to help me fixed myself for tonight. We are staying at the Inferium. Doon gaganapin ang event, I'm still clueless to what event we are going to attend. Wala namang sinasabi si Trigger kung anong event ang dadaluhan namin.

The Inferium is the hotel which accommodated the whole press before. Iyon ang huling malaking pagtitipong napuntahan ko bago ako naglaho sa siyudad. I saw him that night, he was enjoying himself coming in and out on another cave. Namumula akong tumingin sa repleksyon ko sa salamin.

Justise Archimedes walked in the room. She owns a cosmetics company. Team ng babae ang kinuha ni Trigger and he insisted the woman to personally help me. Kasama pala sa cosmetics company na iyon ang pagbibigay ng service.

She's so bubbly and energetic which irritated me. I don't know why. I'm just annoyed by her presence. Presence? Or the fact that Trigger invited her here? Sulsol ng utak ko. I shook my head. No, it's not like that. Hindi pwede.

Maganda ang babae. She has the height, the body and the face. She looks real classy. Anak mayaman.

"What do you want us to do with your hair ba?" She asked me sweetly. Hawak nito ang buhok ko at sinusuklay.

"I don't really know what kind of hair suits me. Kayo na ang bahala," Matipid akong ngumiti.

She called one of her companions, she instructed him what to do with my hair. Bago pa man ako mapasakamay ni Trigger ay kinulayan ko na iyon. I have a brownish hair color. May konting highlights na blonde.

He started doing my hair. Pinapanood ko lang sila habang inaayusan ako. I guess, they want to achieve a wavy hair on the side.

"All done?" Trigger asked. Hindi ko man lang namalayan na pumasok ito.

Nag-angat ako ng paningin at nagtama ang paningin namin sa salamin. He looks ravishing and devilishly gorgeous wearing an oxford blue suit. Halos lahat ng nasa loob ay nakasulyap sa kanya. Iyong iba ay pasimple ngunit marami ang lantaran. I hated it. May parte sa aking gusto kong ipagdamot ang nakikita ko.

Bumalik lang ako sa maayos na pag-iisip nang magsalita si Justise. "No, not finish pa. Do you need anything?" the woman smiled sweetly—flirtatiously at Trigger. I don't see the difference between the two. Pakiramdam ko ay pinagsama na sila.

Tumango si Trigger at walang sulyap na umalis. Sumunod naman sa kanya ang babae. Sumama ang pakiramdam ko but I tried to shrug it off. Hindi dapat. I inhaled sharply. Mabigat ang pakiramdam ko.

"In fairness, bagay naman sila 'di ba ma'am?" komento ng baklang nag-aayos sa akin. Mas lalong umasim ang mukha ko sa sinabi niya. I'm trying to swallow the bitter taste.

"Tao sila, hindi bagay," Pasimple kong wika.

He smiled knowingly. Hindi na ito nagsalita pa which I appreciated a lot, nagpatuloy na lang ito sa pag-aayos sa akin.

I wasn't in the mood hearing the comments. Matamlay akong nagmamasid sa repleksyon ko sa salamin. Hindi na bumalik si Trigger.

I wore a dark red sexy halter and plunging v-neck cut with a high side slit chiffon gown exposing my leg and a part of my breasts. It is kind of revealing but it is on the least of my concern.

For sure, mayroon pang mas kulang na tela sa suot ko. Wala namang masama roon. If wearing those clothes boost confidence, then, it's powerful.

I looked daring with this dress. A lot classier. And it's beautiful. My hair was styled wavy on the side. Hindi gaanong makapal ang make-up ko, but my lips were red matching my dress.

Overall, I'm satisfied. But my smiles lacked something. Kinuha ko ang metallic gold purse ko and I headed to the door.

I was surprised to see Trigger waiting outside. Nakakunot ang noo nito pero bahagyang umaliwalas nang makita ako paglabas. He examined me from head to toe. Hindi naman ako nagpadala sa pagkailang. May parte sa aking naiinis sa kanya.

Walang salitang nilagay niya ang kamay niya sa beywang ko. Inilapit ako ni Trigger sa kanya. I just let him. Hindi na ako nagprotesta dahil para bang sanay na ang katawan ko sa ganoong tagpo at sa mga hawak niya.

Dim na ilaw ang bumungad sa amin pagpasok ng hall kung saan gaganapin ang pagtitipon. Maraming table ang nakaayos sa mga sides samantalang walang nakalagay na kahit ano sa gitna. There are buffet table near the entrance.

Mahigpit akong napahawak kay Trigger, I was kind of nervous. Mukhang naramdaman niya iyon kaya mas lalo niya akong hinapit papalapit sa kanya.

My eyes are exploring all over the place, I saw familiar faces, they are all people of the media. May ideya nang pumasok sa isip ko pero kailangan ko pa iyong makumpirma. Pumwesto kami sa table malapit sa gitna. Kitang kita roon ang stage at ang malaking projector sa gitna noon.

Some of his friends are here. Nakangisi ang ilan. I couldn't see any emotion to some. Kinakabahan ako. Sila ang naka-pwesto sa gitna, pero hindi roon nagpunta si Trigger. I just saw him nodding at them. His hand wasn't letting go mine.

"Aramis!" mabilis kong nilingon ang tumawag sa pangalan ko.

Si Pablo. He was waving at me. Mabilis itong tumayo at naglakad papalapit sa aming dalawa. Beneso niya ako habang ngumiti ito ng malandi kay Trigger.

"Hi, Mr. del Fuego," ngising-ngisi ang bakla.

Tumango lang si Trigger para i-acknowledge ang presensya ng bagong dating.

"What are you doing here?" Pablo queried.

"I'm invited," sagot ko.

Pinisil-pisil ko ang kamay ni Trigger. Hindi niya ako tinapunan ng tingin pero hindi niya rin inalis ang magkahugpo naming kamay.

"By whom?" Inginuso ko naman si Trigger.

Ngising nakakaloko ang isinagot sa akin ni Pablo na nagpaalam din pagkatapos ng ilang sandali naming pag-uusap. Hindi na ito nag-usisa at bumalik na sa kanyang pwesto. May ilan din akong nakitang ibang katrabaho ko dati.

Nagpaalam ako kay Trigger papuntang restroom. I have to calm myself. Bigla akong kinabahan. Dahil na rin siguro na hakot tingin ang pwesto namin at hakot tingin ang lalaking kasama ko. At hindi ako mapakali sa tinging ipinupukol ng iba.

Mabilis kong nilakad ang restroom na madali ko namang nakita. Natigil ang mabilis kong paghakbang ng bumungad sa'kin ang isang pamilyar na mukha.

Xiana.

I was right when I said there's someone who's wearing more revealing gown than my gown. She channeled her inner Kendall Jenner and wore the same outfit as her at the Met Gala 2017. She wore that glitter-flecked transparent gown with high slit and bold cut-out in front. It suits her. She has a great body.

I smiled at her. I'm definitely okay. Wala na akong nararamdamang sakit kahit titigan ko pa ang pinsan ko sa kanyang mata.

Agad niya akong hinarap at tiningnan nang masama. "What are you doing here bitch?"

Nilagpasan ko siya at humarap sa salamin. Hinawakan ako nito nang mahigpit sa braso. I didn't budge kahit tumutusok ang mahahaba niyang kuko sa balat ko.

"I'm invited," kalmado kong sagot. Just like what I told Pablo.

Tumawa ito nang mapang-uyam. Mas lalong humigpit ang kapit nito sa braso ko, ganoon rin ang kuko nito. "Invited? By whom? This is solely for higher-ups not for some social climbers, Ara!"

"Okay," I shrugged.

Mukhang nagulat ito sa naging sagot ko at hindi nito nagustuhan. Her main purpose is to annoy me. Ngayong hindi siya nagtagumpay, siya itong nagagalit. I won't ruin my make up and dress tonight.

Hindi naman talaga ako apektado kahit anong sabihin niya o ipangalandakan sa harap ko.

"Oh, pathetic. So you are okay with it? Nakakaya mong pumatol sa matandang mayaman para sa pera?" She squealed.

"Why not?" I asked, laughing. Thinking about Trigger, well, he's definitely worth the try. Kung ganoon iyong sinasabi ni Xiana na matandang mayaman, malamang lahat na ay maghahanap ng mabibiktima. "'Wag ka namang makasarili sa gawain mo, Xiana."

Nangangalaiti itong tumingin sa'kin. "You bitch! You're pathetic!" She rolled her eyes and walked out.

Natatawa akong tumingin sa salamin. Hindi ko na nagawang supilin ang pagtawa. Kitang - kita ang malalim na dimples ko habang nakangiti.

I focused on my reflection. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas. I still have the smile plastered on my face when I went out of the bathroom. Nawala iyon nang mamataan ko si Trigger na nakasandal malapit sa pintuan.

"Why are you laughing?" masungit nitong wika.

I rolled my eyes. "Is it a crime now? Masama na bang tumawa?" I smiled sweetly to annoy him. Nakalabas ang dimples ko. I saw his eyes darkened with an unfathomable emotion.

Hinapit niya ako sa beywang. "Yes, it is. It's a crime smiling if it's not because of me."

I was stunned. What did he say?

"Balak mo ba akong gawing pangsemana santa ang mukha sa buong taon? Hindi ka batas, 'no?" Pinilit kong supilin ang ngiti ko pero hindi ko nagawa.

Trigger is not even funny, may mga pagkakataon lang na hindi niya sinasadya pero nakakatawa siya. At nabibilang pa sa daliri ang mga pagkakataong iyon. Hindi ko na naitatanong sa kanya kung bakit siya naghihintay.

Tiningnan niya ako nang masama. "Let's go. It's gonna start soon,"

We headed back to our table. True to his words, nagsimula na nga ito mga ilang minuto nang makarating kami. Nasulyapan ko pa sina Xiana, kasama nito ang matandang Eduardo. Even Dylan is here with his family. Magkasama ang pamilya Carter at Eduardo sa magkalapit na table.

Nagkaroon ng mukha ang kalbaryo ko ng biglang magsalita ang masters of ceremony. They talked about a certain company. Ang Daily Journal. Mula sa roots at kung paano naitayo ito, ang mga naiambag sa lipunan, ang mission at vision ng kompanya. There were video presentations about the company. Nasaksihan ko iyon.

Mabilis ang tibok ng puso ko. Alam kong ipapakilala nila si Trigger bilang bagong magpapatakbo ng kompanya. Hawak na niya ang eighty percent ng shares, he's the rightful owner.

"And it's not totally hidden to us that certain changes occurred in the Daily Journal these past weeks. It took the business world by storm. A new management will aspire to make the company in great shape. With that, let's call on the new chief in-charge, please give around of applause to Mr. Trigger del Fuego!" The spotlight focused on our direction.

Trigger stood proud and tall in his oxford suit. I couldn't help myself but admire him. Everyone clapped including the Eduardo's but I can see resentment in my Uncle's eyes. Lahat ng tao ay nakatingin sa kanya ng may paghanga sa mata, even Xiana is gawking at him.

Nagkatinginan kami ni Pablo, pinanlakihan niya ako ng mata na para bang sinasabi nitong kailangan kong magkwento.

I just smiled.

Muling bumalik ang tingin ko kay Trigger na nakatayo na sa stage, he's holding a mic. Nang matapos ang masigabong palakpakan ay nagsimula ng magsalita si Trigger. He's very formal and dominant in his aura.

"Thank you everyone." walang emosyon niyang banggit. He wasn't smiling either. For sure, for formality speech lang iyon, ang totoo baka murahin nito ang lahat nang dumalo.

"Good evening, ladies and gentlemen. I'd like to thank you all for dedicating your night with us. This won't be long, I just want to clarify two things. First, the positions of the board will remain the same as the rightful one is still being trained. And the other one is the erroneous assumption about the shares." He smirked dangerously before dropping the bomb. Punong puno ng kyuryosidad ang mga tao sa hall.

"I don't own eighty percent of the shares. Thirty percent of the shares were named after me while the other fifty percent belonged to my donna, Aramis Eduardo – del Fuego,"

The bomb exploded just like that.

***

I don't know if I could stay any longer with the amount of stares I'm getting. Shocked pa rin ako sa sinabi ni Trigger. I wanted to confront him pero nababahag ang dila ko. Kakausapin ko na lang siya mamaya, sa walang tao kung hindi kaming dalawa lang.

Hindi rin naman ako nakahuma dahil maraming investors at stakeholders and lumapit sa amin para i-congratulate ako. I would just smile at them, si Trigger ang kumukuha ng pakikipagkamay nila.

I could feel the sharp stares from the Eduardo's especially from Xiana. Hindi sila lumapit sa aming tayo.

Hindi ko sila tinitingnan. I'm too pre-occupied to worry about them. Dylan's also looking at me with his eyes asking. Nagbawi ako ng tingin.

I couldn't enjoy the food being served to us. Tumikim lang ako ng ilang putahe pero hindi ako kumain ng marami. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon ang nangyayari.

Tinapik ko si Trigger. "Can I excuse myself for a moment? Restroom lang ako."

Tiningnan niya ako nang malalim bago tumango.

"Do you want me to accompany you?"

Namumula akong umiling sa kanya. He let go of my hand. "Tell me if someone bothers you there," he said kissing the side of my lips.

"I will," I assured him.

Mabilis akong tumayo at naglakad papunta ng restroom. Tumingin ako sa salamin. Binaba ko ang pouch na hawak ko at bahagyang inayos ang buhok ko. Hindi naman ito magulo but I need to distract myself. Medyo nanginginig ang tuhod ko.

May lumabas na babae sa isang cubicle. She congratulated me when she recognized who I was. I just smiled and uttered my thanks to her. Naglagay ako ng konting foundation and put on a red lippy.

Ilang minuto ang itinagal kong pagtitig sa salamin bago ko napagpasyahang umalis. But I was caught in the middle of the restroom, pumasok si Xiana habang sarkastikong pumapalakpak. She looked murderous. Galit na galit ang tingin nito sa akin. She locked the door and I immediately smelled trouble.

"Where are you going slut of the century?! Hindi pa tayo tapos!" Nangangalaiti nitong wika.

Itinaas ko ang dalawang kamay ko dahilan ng pagsuko. Ayokong makipagtalo sa kanya. Magulo pa ang isip ko dahil sa nangyari kanina.

"Stop it, Xiana. Isipin mo na ang gusto mong isipin pero wala naman tayong tatapusin dahil wala naman tayong sinimulan,"

Akmang tatalikuran ko ang babae nang haklitin niya nang marahas ang braso ko. Inapakan niya rin ako sa paa. I yelped in pain. Pinilit kong hilahin ang braso ko sa kanya pero mas lalo lang akong nasaktan. Isinalpak niya ako sa may salamin. She cornered me there.

"You think you're going to get away with this? No, my cousin, dear. You know me, hindi ako 'yong tipong madaling magpatawad. Hindi ko ito palalampasin," humigpit pa ang hawak niya sa akin. "What did you do, bitch?! You ruined everything!" she squealed.

"Bitawan mo ako, Xiana!" I made my voice firm enough. Humalakhak lang ito. "I don't owe you anything, not even an explanation."

"I thought after getting rid of you. Tapos na ang problema. But it seemed like you got a better plan. How did you make the ice prince fall for your plan? How?!" She slapped me hard. "I can't imagine the old-fashioned Aramis would suck a dick just for this. Pinakain at tinanggap ka ng pamilya, Aramis! Ngayon ito ang igaganti mo?! You know how much Papa worked hard for the company! Isa kang dumi! Isa kang peste!" Nang-uuyam niyang sabi.

"Everything you've given me, pinagtrabahuhan ko 'yon sa inyo!" I defended myself.

Nagpumiglas ako at pilit na kumakawala sa kanya. She didn't let me. Sinabunutan niya ang buhok ko. I did the same. Itinulak ko si Xiana. She fell on the floor. Dinamay niya naman ako sa pagtumba sa sahig kaya natumba rin ako.

Pumaibabaw siya sa akin. Nagsabunutan kaming dalawa. Compared to me, mas malakas ang pinsan ko. May ilang scratches na ako sa mukha.

"You filthy bitch!" sigaw niyang may gigil.

Inipit nito ang magkabilang braso ko ng kanyang legs. I could feel the tiredness. Hindi na ako makapanlaban. Ramdam ko ang bigat ng katawan niya dahil nakadagan siya sa akin. Hindi pa ito nakontento, she stripped me bare. I was not wearing anything on top, even bra dahil may sadya naman ang suot kong gown.

Lumabas ang maselang parte ng katawan ko. I tried to cover it but I couldn't. Mabilis niyang tinapik papalayo ang kamay ko.

"I want everyone to see this! This is what a slut looks like!" she even said.

May kinuha siya sa kanyang pouch. I was too tired to see it. Tinakpan ko pa rin ang maselang bahagi ng katawan ko. Nanlalamig na ang katawan kong nakahiga sa tiles ng restroom. I kinda regret that I wore a backless and an easy-access gown. I just heard the sound of a camera clicking.

She stood not caring about me. Naglakad siya palabas. Pero hindi ko pa rin makayang makatayo.

"What's happening here? What the fuck did you do to her?" I stopped moving.

Narinig ko ang boses ni Trigger and it is deadly calm and menacing. I know he's not talking to me but to someone else. May bahid na panganib ang kanyang boses.

Nabahag ang buntot ni Xiana. "S-she caused that to h-herself," She's nervous and it is clearly evident by the way she spoke.

I heard her footsteps going away from the scene but before she could leave the place.

"Stay or fucking die," Trigger spoke dangerously.

Natigil ang mga yabag ng takong. Walang ingay na lumapit sa akin si Trigger. Marahan niya akong binuhat at iniupo sa may sink. Hinubad niya ang kanyang coat at isinuot iyon sa akin.

Sinunod niyang tanggalin ang kulay gold kong heels. I could feel the tenderness in his every move. Xiana was eyeing us with envy and horror. His eyes were soft, nang dumako iyon kay Xiana, it became deadly and filled with rage.

Inilang hakbang niya ang pagitan nila ni Xiana na nakatayo malapit sa pintuan. He grabbed her and closed the door with a bang. Kahit ako'y matatakot sa inasta ni Trigger pero hindi nagpakita ng kahit anuman si Xiana.

Instead, she smiled seductively at him. I hated her for that. Kumulo bigla ang dugo ko. If only I can move, susugurin ko siya ng isa pang sabunot.

"Oh, you want it intense and violent, huh?" she smirked. "I could give what you want, Trigger. I could be better than her, I'm better in bed." Hinawakan niya ang baba ng lalaki. Mabilis na hinampas ni Trigger ang kamay ni Xiana.

"Ano bang meron sa babaeng "yan? I am better than her. I'm more beautiful. I can make you more satisfied in bed. We're the perfect match."

Trigger laughed in annoyance. It was like the devil laughed not in an exaggerated way but enough to sent chills to my body. His jaw was clenching.

"Yes, I like it rough," lumapit siya kay Xiana. Napasinghap ako ng sakalin niya ito. "I wasn't raised to respect anyone, not even a girl. I can fucking slit your throat and get away with it. I won't hesitate to fucking kill you if you hurt her again. This will be the last time if you want to live longer," galit na galit ang kanyang boses. "She won't hurt you, but I will."

"Trigger, don't..."

Xiana was trying to gasp for air. Pinipilit niyang alisin ang kamay ni Trigger sa leeg niya. Binitiwan niya ito bago pa man mawalan ng malay ang babae.

"She's better than you in any aspect."

Takot na takot si Xiana at patakbong lumabas ito ng restroom.

His forehead was creased. Bumalik siya sa pwesto ko. He hugged me tightly. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko. I heard his heart beating fast. We stayed like that for minutes.

"Ay, susmaryosep!" naeeskandalong sigaw ng isang trabahante ng hotel.

Mahina akong natawa. Sino nga ba namang hindi maeeskandalo sa tayo namin? Nakaupo ako sa may sink at nakapulupot ang paa ko sa beywang ni Trigger. Sira-sira pa ang gown ko. Mukhang may ginagawa kaming kababalaghan.

Nag-angat siya ng paningin. Nangungusap ang mga mata ni Trigger. I was lost at those brown eyes for a moment.

"Are you hurt?" he asked gently.

"Medyo," sagot ko. Pero ang totoo nanakit ang buong katawan ko. Ito ang unang beses na nasangkot ako sa away na may physical violence.

"Don't lie," hinalikan niya ang tungki ng ilong ko.

He lifted me and carried me away from that restroom. Hindi na kami bumalik sa hall ng Inferium. Sira na ang gown ko, magulo ang buhok at make up ko. I have bruises and scratches.

Pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong namin. Umakyat kami sa occupied room namin sa hotel. Marahan niya akong ibinaba sa malambot na kama. As soon as I lay on the bed, I closed my eyes not minding everything.

Tumikhim si Trigger pero hindi ko iyon pinansin. Ramdam ko ang titig niya sa akin. Nanunuot iyon sa katawan ako.

Napasinghap ako ng biglang may dumagan sa aking mabigat na katawan. Dumapo ang kamay nito sa dalawang umbok ko. Ngayon ko lang namalayan na halos hubad na pala ako. He was massaging it lightly. Napaawang ang bibig ko—hindi ko alam kung dahil sa pagkabigla o sa kakaibang sensasyong naramdaman ko. Kakaibang elektrisidad ang dumadaloy sa katawan ko sa mga hawak niya.

"T-trigger, a-ano ba?!" singhal ko rito.

"What?" maang-maangan nito ngunit marahan pa ring minamasahe ang mounds ko.

"S-stop it! M-may m-masakit pa sa akin." Para itong napaso dahil sa sinabi ko.

Mabilis itong lumayo sa akin at naglakad papunta sa banyo. He was swearing. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa iniaasta niya.

Itinakip ko ang suit niya sa katawan ko. Maya-maya ay bumalik din siya sa kwarto. He prepared the bath tub.

"Let's clean you up," Inalalayan niya akong tumayo.

Akmang huhubarin na nito ang suot kong gown ng pigilan ko siya. Inabot ko sa kamay niya ang roba. Isinuot ko iyon bago ko hinubad ang aking saplot.

"The hot bath will ease the pain. We'll treat your bruises after," masuyo niya akong binuhat papunta sa banyo.

Hindi na ako nagreklamo kahit kaya ko namang maglakad. I feel safe in his arms.

Masuyo siyang umalalay sa pag-akyat ko sa bath tub. Hindi na ako nahiyang hubarin ang roba sa harap niya at lumubog sa maini- init na tubig. Nang lumapat ang katawan at balat ko sa tubig, nakaramdam ako ng relief. It's such a nice way to treat myself after a long, tiring day.

Ilang minuto akong pumikit bago magmulat muli. Napaawang ang labi ko nang makitang andoon pa rin si Trigger na nakatingin din sa akin.

Mas nagulat ako nang maghubad siya ng suot niyang long-sleeved white polo. Hinubad niya rin ang itim na slacks. Boxers na lang ang itinira niya. I'm facing his toned body this close. Natuyo ang lalamunan ko.

Hindi agad ako nakapag-protesta ng bigla siyang lumusong sa bath tub kung nasaan ako. Ang awkward ng tayo naming dalawa.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Nakasandal ito sa tub at nakangisi sa akin. Namimilyo ang kislap ng mga mata nito. He wrapped his legs around my waist. Mas inilapit niya ako sa kanya.

"T-trigger, leave me alone!"

Hindi siya nakinig sa akin. He hugged me from the back and rested his face on my shoulder. I can feel the monsters inside my stomach grumbling but not for food. I can feel the fast beating of my heart. Hindi ako mapakali ngayong malapit siya sa tayo ko.

"T-trigger..." tawag ko sa atensyon ng binata.

"Shut up, lady!" he retorted. "Just let me hold you this close,"

Nakagat ko ang labi ko. I didn't know why the hell I was smiling for. Hinayaan ko lang ito. Ilang sandali pa ay muli akong nagsalita.

"Why did you do that? Why did you say that to them? Pera mo iyon, Trigger." I asked him. Sumandal ako sa kanya.

"Why not?"

Napairap ako. "Kahit for once lang, pwede bang magtino ka naman?"

Bigla niyang kinagat ang balikat ko. Napaigik ako. Hindi naman iyon masakit, instead it gave me a different feeling.

"What? Matino naman ako sa'yo," he caressed my stomach. Mas naghuramentado ang tibok ng puso ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 24.8K 53
(C O M P L E T E D) PUBLISHED UNDER KPUB PH Note: If you're not into realistic characters, my work is not for you. °°°°° "Suddenly, I felt the si...
632K 42.2K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
20.4K 1.8K 7
Kenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has...
1.9M 51.7K 43
(COMPLETED) Art Theodore Dela Cuesta is the epitome of perfection for today's generation. Popular with women, the top bachelor in the country, a very...