Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicro...

By PsychopathxXx

1.9M 60.9K 18.4K

Twenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. Th... More

DISCLAIMER
SYNOPSIS
PROLOGUE
1. Secrets Revealed
2. Cinderella Version 2.0
3. The Breakup Chronicles: Damsel in Distress
4. Uncertainty
5. Glimpses
6. Kidnapped
7. Escaping from Hell
8. Devil Incarnate
9. Kisses and Plans
10. Enigmatic Knight
11. Backfired Enchantment
13. What Freedom Means
14. Softer Side of His Icy Demeanor
15. Ice and Fire
16. Italya
17. Distressing Aftermath
18. Ambush of Death and Love
19. Lesser Evil
20. What the Heart Says
21. Bloody Who?
22. Choices and Rising Doubts
23. Mysterious Abyss of the Sea
24. Agreement
25. The Last Resort
26. A Whole New World
27. Savior and Alphas
28. Enemies
29. Root of All Evils
30. Joy Amidst the War
31. On Bended Knee
Epilogue: For a Lifetime
SPECIAL CHAPTER

12. Husband and Wife

51.4K 1.8K 468
By PsychopathxXx

CHAPTER TWELVE

Hindi natuloy ang plano kong pang-aakit kay Trigger. The efforts of reading erotica books went down the drain.

Mainly because, the men came back earlier than my expected time. Puno na naman ng mala-model na lalaki ang isla. At mas lalong humigpit ang seguridad. For sure, they knew what happened when they all left.

Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit sila umalis in the first place. And Trigger's not around this time. Hindi ko alam kung saan pumunta ang gago, umalis ito kinaumagahan pagkatapos naming mag-overnight sa floating cottage.

It happened fast.

After we stayed there for a night, we went to mansion early in the morning. We didn't do any malicious act. We just cuddled. Pero madalas ang kamay niya sa dibdib ko. So bakit parang dismayado ako na walang nangyari? Stop it, Aramis. Ang harot mo.

I sighed.

Nang tanghali ring iyon ay dumating na ang mga adonis sa isla. They went aboard a plane and chopper. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang dami nila. They were armed.

I can slice the familiar eerie ambiance again. Natatakot na naman ako.

Isang linggo ko ring hindi nakita si Trigger matapos ang gabing iyon. Hindi talaga nagpakita si Trigger ng mga sumunod na araw kaya wala ako sa huwisyo. Nakakainis. Mas pabor iyon sa akin na wala siya pero pakiramdam ko ay may kulang. Hindi ko rin magawang lumabas ng isla.

He's the reason why I'm being skeptical for my safety, but despite the things he did to me, I still feel I'm the safest whenever I'm with him. He saved me the last time from danger. He let me experience the beautiful scenery of the island. I couldn't just ignore those.

He has flaws. He is very flawed.

I woke up with a feeling of an intense gaze from someone. Mabagal kong iminulat ang aking mga mata, only to find out that someone's really looking at me. Trigger was sitting on the couch. Prente itong nakaupo habang titig na titig sa akin.

Itinaas ko ang kumot sa aking dibdib na tinutumbok ng kanyang mga mata. I saw him smirked. Hindi rin nakaligtas sa akin ang marahang pagbasa niya sa kanyang mga labi. That's hot. The sun's hot already.

I cleared my throat. Umagang-umaga ang halay ng gago.

"Where have you been?" I asked him.

Hindi siya natinag sa tanong ko. Nakatingin lang siya sa akin. Napailing ako.

Alam ko na ang takbo ng utak ni Trigger and he sucks in a conversation like this. Madalas ay hindi siya sumasagot nang matino. Minsan iniisip ko na baka hindi niya ako naiintindihan, he's a foreign blood. Pero nakakapagsalita naman siya ng Tagalog.

"Pack your things," he said coolly.

Napabalikwas ako ng bangon at kunot na kunot ang noo kong tiningnan siya. "Where are we going?"

Tumayo siya. "We're going back to the city."

Nanlalaki ang mga mata kong nakatunghay sa kanya. I wasn't aware of how stupid I look. Wala din naman akong pakialam. I was shocked. Para akong nabulunan sa narinig. Mabilis ang tahip ng aking dibdib.

"Ano... in any case... are you...?" Nawala ang pag-asa ko ng umiling siya.

"Not gonna happen, sweet. Remember, you're trapped with me." He flashed his infamous arrogant smile. "Now, do yourself a favor and pack your things unless you want to get naked while we are there."

Mabilis pa sa alas kwatrong bumaba ako ng kama at nagtatakbo sa walk in closet.

There I found a luggage organizer bag. Mabilis ko iyong kinuha at inilapag sa kama, not minding Trigger. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Naghahalo ang kaba at saya. Ang kaalamang makakatapak muli ako ako sa siyudad ay nagpapakaba sa akin. Ganito kaya ang pakiramdam ni Tarzan? Aba, malay ko hindi naman ako si Tarzan. I bit my nail.

Kung anu-anong pumapasok sa aking kukote.

It warms my heart. I don't know what his motive is, wala akong pakialam sa ngayon. I let my guards down. Maybe, this is a diversion for his bigger plans pero hindi ko iyon inaaalala.

Masaya ako. Masaya akong maaamoy muli ang polluted na hangin sa Metro.

He was just eyeing my every move. I put several undergarments.

Napatingin ako kay Trigger na nakangisi lang ng pandemonyo, para bang may naiisip na naman siyang kalokohang gagawin. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak niya pero alam kong malaswa iyon. Tingin pa lang niya, alam ko na.

He wasn't the poker face, no emotion Trigger anymore. He smirks. He smiles arrogantly now. But he's still the devil incarnate.

"Ilang araw tayo sa Metro?"

"Two weeks." He answered without leaving his eyes on me.

Napalunok ako. Matagal iyon. Parang gusto kong maiyak sa tuwa. Kung ano man ang balak niya kung bakit niya ako isasama, hindi maapuhap ng utak ko.

Kumuha ako ng shirts, shorts at mga damit panlakad. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung kanino ang mga damit na ito. Thinking it was from one of his flings made me sick. Pero hindi ako pwedeng mag-inarte, kung hindi ay hubad ako sa siyudad.

Well, pwede naman. Naiisip mo nga na akitin siya. Why not? Napairap ako sa ere sa kaisipang iyon.

"Bakit tayo pupunta roon?"

Tiningnan niya ako nang matagal bago sumagot at tinungo ang pintuan. "We have errands to attend to," seryoso niyang wika na nagpakaba sa akin.

Nangangatog ang binti ko habang nakasakay sa chopper.

If I really can grasp my heart and stop it from thumping very fast, I'll do it in a heartbeat. Katabi ko si Trigger na mukhang hindi man lang tensyonado. Wala naman yatang kinatatakutan ito. And basically, why would he be afraid?

Hindi naman buhay niya ang nakasalalay rito. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Mabuti na lang at may headphones, the sound of the chopper makes my heart beat faster than the usual. Siguro ganoon na rin ang kaba ko dahil katabi ko si Trigger. These emotions aren't good for me.

Isang araw ng hindi ko namamalayan mayroon na akong sakit sa puso. Mas mapapadali ang iniingatan kong buhay.

Nag-usal ako ng mumunting dasal sa gitna ng himpapawid. Hindi ko alam kung naririnig ako ni Trigger o nararamdaman niya ang kaba ko. Muntik na akong mapasinghap nang may maramdaman akong humawak sa kamay ko.

It was Trigger. Pinagsalikop niya ang mga daliri naming dalawa.

"What are you so afraid of?" Nakataas ang kilay niya nang tingnan ako. He was wearing sunglasses. I couldn't see his dark brown eyes.

"Everything. The life that is waiting for me in the city," Huminga ako nang malalim. "Papatayin mo na ba ako roon?"

Natatakot ako sa magiging sagot niya pero mas minabuti kong tumuon ang tingin sa kanya. I couldn't determine if he were looking at me too, may suot siyang shades.

Sumandal siya sa passenger seat na kinalalagakan niya. He was doing circles on my hand. Hindi ko alam kung para saan. But somehow, it calmed my nerves but only to crash my system again.

"It's not your time for disposal. We're going there for errands but not for your ending. Not yet." He answered coldly.

Mabilis na nag-iwas ako ng tingin. So, he's still the same. The same person I met on the island. Bakit ko nga naman iisipin na iyong pagligtas niya sa akin at pagdala sa floating cottage ay may ibang kahulugan o panibagong simula sa aming dalawa?

Bakit parang umaasa akong magbabago siya ng pagtingin sa sitwasyon namin? Of course, hindi ganoon. Pakiramdam ko ay may nabiyak sa aking parte. But I tried to shrug it off. Sinubukan kong pasimpleng kunin ang kamay ko sa kanya pero hindi niya ako hinayaan.

Buong biyahe yata ay wala akong ibang ginawa kung hindi humugot nang malalim na hininga. I was restless the whole chopper ride. It's still the same.

The helicopter landed on the rooftop of the building with the same figures tattooed in Trigger's waistline. May tatak iyon kagaya nang nakita ko sa isla. Probably, pag-aari ito ng kanilang organisasyon o pag-aari ni Trigger.

Nakatayo ang building kalapit nang malawak na runway. Medyo nagtataka pa ako kung bakit hindi na lang kami roon nag-land.

Bumaba kami at sinalubong ng ilang kalalakihang armado. Hindi makapirmi ang puso ko at sobra ang tibok pa rin nito. Mabuti na lang at hawak pa rin ni Trigger ang kamay ko.

I shouldn't have felt this way but can't help it. He makes me feel safe kahit siya pa ang rason ng lahat ng ito.

"The Wolf has landed," I heard someone say. He is probably pertaining to Trigger. Talaga nga namang hayop ang kanilang codename, if that were a codename.

Sumunod kami sa mga ito. Malulula ako habang pinagmamasdan ang paligid. Lahat yata ng karangyaan ay naririto na. The whole building screams literally money. Kulang na nga lang ay maging ginto ang mga pader nito at muwebles.

Hindi ako humiwalay kay Trigger habang umiikot ang mga mata ko. Are they for real? Pinakatitigan ko ang parteng bintana na natatabunan ng kurtina. It's in the afternoon when we arrived. Alam kong tanaw ang buong Metro ng glass windows na iyon.

"Bienvenido de nuevo señor," someone good-looking with a suit and bowtie said. "Y señora,"

He was talking in Spanish. I'm sure of that. I almost drop the subject when I was still in college. Hindi naman ako bobo, pero it's difficult for me to really understand the language kahit halos katunog naman ito ng Tagalog.

We left the building.

Hanggang ngayon ay may nakasunod sa aming armadong lalaki. We went to the parking lot and I was amazed how many expensive cars were there. There's a Lamborghini, Bugatti, Ferrari, name it, those are the ones I'm familiar with.

Hindi ko kinakaya ang yaman nila. I came from a rich family too, naghirap din ang angkan ko na magkaroon ng stable na pangalan sa industriya, but their richness is into the next level. We can afford thrice of that cars but not all of them.

Natigil ako sa pag-iisip nang may tumigil na sasakyan sa harapan namin. Trigger looked at the driver and motioned him to get out of the car. Mabilis naman iyong bumaba ng kotse.

"Guiderò la macchina,"

Tumango ang lalaki. Nalilito akong napatingin kay Trigger. Well, that wasn't Spanish. Ilang lenggwahe ba ang alam niya? Agad na sumakay si Trigger sa kotse. Ako ay naiwang nakatanga lamang sa kanya.

He didn't tell me what to do. Might as well do nothing. Since he clearly stated that he has still the same plans, kailangan ko ring umusad ang plano. Kailangan kong magpaka-tuta sa kanya ngayon. I want him to trust me.

Bumaba ang bintana ng kotse. Magkasalubong ang kilay na nakatingin siya sa akin.

"Get in."

Ang buong akala ko ay bukas na ang pinto ng passenger's seat pero nagkamali ako. I wasn't able to open it. Ganoon rin ang backseat. And he's not gonna let me sit on the backseat dahil magmumukhang driver siya ng kotse.

Muli siyang sumilip sa bintana ng kotse. "What's taking you so long? You're making me fucking wait," iritado na ang boses nito.

"Teka lang. I can't open the doors. Ikaw ang may ayaw papasukin ako."

Bored siyang tumingin sa akin na para bang ang tanga ko. "Did you try all doors?"

Natameme ako dahil ang totoo ay hindi. Hindi ko sinubukang buksan ang driver's seat. Why would I? He's already settled there. Pumihit ako papunta roon. I was sweating. Hindi ko alam kung anong pakulo niya this time. Hindi maganda ang pakiramdam ko.

Click. It opened. Shocked akong tiningnan si Trigger na matamang nakatingin din sa akin.

"Get in," mariin niyang utos.

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko pero hindi sapat. It shouldn't be a big deal. But heck, I couldn't. Namumula ang buong mukha ko.

Ilang beses akong lumunok ng laway bago ako sumampa ng kanyang kotse. I tried as much as I could not to touch any part of his lower and upper body. Nauntog ako sa bubong ng kotse.

I kinda felt dizzy.

"Lower your body," he told me. But same as my first attempt, pinigilan ko ang sarili kong dumikit sa katawan niya.

Marahas ang paghinga ko nang hapitin niya ang beywang ko. Napaupo ako sa lap niya. "There," he said.

Isinara niya ang pinto ng kotse. Naghuhuramentado ang puso ko. Pakiramdam ko ay kukulangin ako sa paghinga. What did he just do? Nang matauhan ako ay mabilis akong umalis sa lap niya at sinikap umupo sa passenger's seat.

I put my seatbelts on. Nangiginig ang kamay ko. I sighed as I settled on my seat. Sa dinadaanan namin ipinirmi ko ang mata ko. But I can totally feel his presence and I'm affected. Amoy pa lang ng kotse, pinapaalala na sa akin kung sino ang kasama ko.

Dumaan kami sa isang restaurant para kumain ng tanghalian. Tamang-tama naman at gutom na rin ako. Buong byahe kaming walang imikan. Iniwasan ko siya, kahit ang pag-iwas lang ng tingin ang naturang nagawa ko.

Il Piacere. It was a luxurius Italian restaurant. Medyo konti lang ang tao, past lunch na kasi. Agad kaming inasikaso ng staffs. Nag-usap pa sila ni Trigger sa lengguwaheng alam nila. We settled in a table for two.

After awhile, a waiter went to us and handed the menu.

"Buon pomeriggio. What's your order, signore e signora?"

I scanned the menu. I am not really familiar with the other foods. I'm not a fan of Italian restaurant, I just love pasta and pizza. I looked at Trigger, after what happened earlier, asking for some help.

Since it's his choice of restaurant, he should also choose the food. Hindi ko alam kung naintindihan ba niya ang pinahihiwatig ng tingin ko. He gazed at me, then back to the menu.

"We'll have prosciutto e mozarella, mushroom risotto, spinaci and ricotta gnudi with salsa di pomodoro e burro, pollo brasato all'arrabbiata, mushroom lasagna, osso buco with citrus gremolata and tiramisu gelato." he said before eyeing at my direction. "Do you want to add something?"

My mouth was wide open.

"A pizza. With lots of pineapple as toppings,"

The waited eyed me ridiculously. Of course, it's an Italian restaurant. Tumango naman ito at nilisan ang tayo namin.

"Fifteen minutes, signor e signora," pahabol pa nitong sabi.

Shit, Hawaiian pizza pala iyong may pineapple! It wasn't acceptable in Italian.

Sumunod ang katahimikan. I didn't dare to speak after that.

"So, you like your pizza with lots of pineapples?" Muntik pa akong mapapitlag ng biglang nagsalita si Trigger.

Nanlalaki ang mata kong tiningnan siya. "Yes! I mean, why not? I really don't comprehend those who dislike it. Fight me!"

He looked amused. "No one's starting a fight, donna. You can't please everyone to like your kind of pizza. You should be open for different perćeption."

Natameme ako. Who am I talking with? Hindi ito ang kilala kong Trigger 'cause this one has a point. I know that. And I respect everyone's opinion, but coming from him, it surprised me. Pero gusto ko siyang irapan, he should do what he preaches.

"But I like my pizza with pineapples, too." dagdag pa niya.

I was in a state of shock. Am I really having a decent conversation with him?

Liar! He doesn't like pizza with pineapples like everyone else. Hindi ko alam kung bakit niya iyon sinabi pero isa ang sigurado ako, he hates it.

"That's good," I murmured, instead.

Ilang minuto uling nanaig ang katahimikan bago ako nagsalita. It's my chance to get to know him. Of course, not in a romantic way, baka lang may makuha akong impormasyon sa kanya.

"So, you're Italian or Spanish?" I asked.

"You guess," he answered. Naningkit naman ang mata ko. Napakawalang kwenta niya talaga sumagot.

"You speak those languages with finesse." I said a matter-of-fact.

He shrugged. "I speak six languages with "finesse" including Tagalog," he quoted the word to emphasize it. Natigilan ako. I'm in awe but I don't want him to see that.

Oh, edi siya na. Umirap ako sa ere.

"What are those?" tanong ko pa.

He's cooperating and he's talking with me. May nakain ba siyang kakaiba?

"Mandarin, German and those,"

Wow. Siya na talaga. Mandarin, German, Tagalog, Spanish and Italian. Damn, how can he do that?

"Teka, lima lang," Binilang kong muli.

He chuckled.

Mas lalong gusto kong mamangha sa nangyayari. It was not his first time. Pero sa tuwing tumatawa siya natitigilan ako. He could laugh. Kapag tumatawa siya pakiramdam ko ay nagiging normal na tao si Trigger. Lagi kasi siyang parang demonyo.

Mukhang amused na amused siya. Nangunot ang noo ko. May mali ba sinabi ko?

"You forgot to include English," muling pumailanlang ang tawa niya.

I hate how he laughed, even his laughs laced danger. Pero masarap pakinggan. Namula ang mukha ko. Kailan ba ako hindi mapapahiya sa lalaking ito? "How did you graduate college if you don't have any common sense? You're slow,"

Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. He's insulting me! And I let him insult me. Kinalma ko ang sarili ko.

"Tao lang," sarcastiko kong wika. Mas lalo siyang ngumisi. "Ikaw na ang magaling. Hindi por que nagkamali na, basis na iyon for judgement sa isang tao," Napanguso ako.

Nagkibit-balikat siya pero nakangisi pa rin ang gago na mas lalo kung ikinainis. Gusto ko siyang panggigilan at sapakin. Dumating na ang order namin bago ko pa man siya masaktan sa isip ko. Agad na natuon ang sarili ko sa pagkain.

Here comes the pizza with pineapples! I eagerly took a bite. The taste exploded on my mouth. Damn.

I miss this. I miss this life.

I was enjoying my pizza when I felt Trigger's intense gaze. I looked at Trigger. He was staring at me intently. Hindi ko naman maiwasang hindi ma-conscious sa tinginan niyang ganoon. He has that effect.

Alam kong hindi lang sa akin. Kahit sino siguro ay mangangatog ang binti sa mga tingin niya.

"What?"

Nilagyan niya ng manok ang plato ko, lasagna at ibang putahe. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon.

I'm seeing other side of Trigger and I don't know what to feel.

"What's that?"

"Braised chicken, rissoto, lasagna and a bit of everything I ordered. Tell me, how many food do you know that are originated from Italy?"

Napangiwi ako. "I guess, four. Don't get me wrong, I'm not really fan of Italian restaurant. But I live for pasta and pizza," Nag-peace sign ako sa kanya.

"Pasta and pizza aren't originated from Italy although Italy is known for those two, they say. We take pride of them." he said casually.

Napatanga lang ako sa kanya. He has knowledge. Kung tutuusin, kapag nabanggit ang pizza at pasta ang una kong iisipin ay mula iyon sa Italy. Sikat sila roon. Pinigilan ko ang sarili kong mapangiti. But I read, it started in China, I forgot what dynasty.

"I didn't know," pag-amin ko.

Naglalaro na naman ang ngisi sa mga mata niya kahit hindi gumagalaw ang kanyang mga labi. "It's a common knowledge," sabi niya nang nang-uuyam. "Pero slow ka."

Naiinis akong tumingin sa kanya. "You know what, fuck you!" singhal ko.

He laughed dangerously.

"Later."

Natahimik ako. Ano ka ngayon, Aramis? I couldn't find the right words to retort back, mas minabuti ko na lang na hindi magsalita. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko kahit bumabagabag sa akin ang sinabi niya.

Would we do that for real? Gusto kong mabulunan. It brought back the tension. I don't know what kind of tension that is. Baka sexual tension. Pagsusumigaw ng utak ko. Erase. Erase. Erase. Mahalay ka!

Pasulyap-sulyap lang ako sa kanya habang kumakain. I caught him staring at me. At kahit nahuli ko na siya, hindi pa rin siya natinag. Ako na ang nag-iwas ng tingin.

Damn it, Trigger.

"Masarap ang lasagna. It has a resemblance taste of a mushroom," I tried to start a conversation again. Hindi ko na kaya ang awkwardness na nafi-feel ko.

He's eyeing me and arrogantly smiled. "Of course, it is. It's not called mushroom lasagna for nothing,"

Mabilis na kumalat ang pamumula sa mukha ko. Epic fail!

I shrugged. Hindi na ako kumibo. Ayoko namg magsalita pa, dahil lagi na lang niyang nasusupalpal ang sasabihin ko. The emotions toward the food shifted. Nawalan ako ng gana. Hindi ko na siya kakausapin, ever!

"Nagustuhan mo ba?"

Ang kapal pa rin talaga ng foreign accent niya kapag nagtatagalog. And it sounds sexy as hell. It was dreamy.

I slowly looked up only to find his gaze. It was intense. Intense to the point that I looked away. But I nodded.

"Do you want more?" Mabilis naman akong umiling. I was a bit sad as I looked to the food. "Did the food satisfy you?" he asked again.

Tumango lang ako.

"We'll fly to Italy next time to try an authentic Italian cuisine, donna,"

Napipilan ako ng ilang sandali.

"What?" hindi makapaniwalang tanong ko. "What did you say?"

"You heard me, we're going to Italy," he casually stated. I gaped.

Is he serious? What the fudge!

"Just for the food? You're crazy!" napalakas ang boses kong sabi. Mabuti na lang at walang masyadong tao, walang makakapansin at hindi nakakahiya. Hindi naman niya pinansin ang paghuhuramentado ko.

"I've never been to Italy," I told him.

"I know," He smirked.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa kanya. Titig na titig lang ako habang kumakain si Trigger. He's fine with it. Hindi ko man lang nakitang nailang siya. Mukhang sanay na sanay siya sa ganoon o talagang wala lang siyang pakialam sa paligid niya?

"Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo?"

I sighed.

Come to think of it, he is a man of his word. Parang wala pa naman siyang nabaling sinabi niya. Kaya posibleng hindi talaga siya nagbibiro. Kung sakaling ipagkanulo ko man ang katawan ko sa kanya, and he would agree. Alam kong may aasahan ako.

Hindi s'ya umimik. Hindi rin niya ako tinapunan ng tingin. Ganoon naman ang ugali niya. May mga pagkakataong hindi siya makausap ng matino at walang modo, madalas iyon.

"Aramis?" Napalingon ako kung saan nagmula ang boses na iyon. "Ara!" The voice shouted.

Pablo, my gay friend's voice echoed in the whole restaurant. May ilang kumakain ang napatingin sa amin. Good thing, hindi puno ang resto at wala naman masyadong tao. Mabibilang lang sa daliri.

I was shocked seeing him again. After so long. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang bakla. Tears immediately welled up in my eyes at the sight of Pablo wearing a pink polo tucked in slacks. I missed Pablo. Meeting him here made me excited, at the same time, I was nervous.

Hindi ko alam kung magugustuhan ito ni Trigger. I tried to calm myself. Sumulyap ako kay Trigger na nakatingin din sa akin. I asked for his permission to talk with Pablo. Hindi ko alam kung nabasa niya iyon.

"Oh my gosh, Ara! What happened to you? Halos kalahating taon kang nawawala! I was so worried about you." Malakas niyang sabi. He was a bit teary-eyed seeing me. Mabilis itong nakalapit sa table namin at nagmamadali akong niyakap. I hugged him back.

"Girly, ano bang nangyari at bigla na lang nawaley ang beauty mo? Saan ka ba nagsususuot? I thought something bad happened to you. Noong huli tayong nag-usap, parang may kakaibang nangyari. Tapos later that morning, I found out you didn't come to work. Sobra mo akong pinag-alala, girlalu. Chika, 'day,"

Pasimple akong tumingin kay Trigger. Mataman siyang nakatingin sa amin pero walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha. I bit my lip.

"My phone was snatched that night. Madilim kasi roon sa parking lot, tapos saktong wala namang nag-iikot na security guard. Hindi naman ako napahamak," sabi ko na lang.

"Ay, jusko ha! Kasalanan ko naman pala," sabi niya pa. Kita ko ang pagsisi sa mukha n'ya. "Sorry, girl. Hindi ko alam. Sana hindi na lang ako nag-utos sa'yo."

Iyon iyong araw na pinakiusapan ako ni Pablo na tingnan sa parking lot ang nawawalang folder na naglalaman ng scoop niya sa showbiz. And that night, I was kidnapped.

Umiling naman ako. "Ano ka ba, wala namang masamang nangyari, nakuha nga lang iyong phone ko." Kagat ang labi kong wika.

I wanted to tell him everything. Pero hindi pwede. Ayokong madamay siya. For the sake of his freedom and safety, wala siyang dapat malaman sa nangyari sa akin ng gabing iyon.

"Pasensya na talaga, girly." sabi niya pa. "Anyways, anong ganap? Bakit tanned ang skinlalu ngayon?" tanong niya habang inieksamin ang balat ko. Ngayon ko lang napansin, medyo naging tan ang kulay ko. Pero ayos lang, I think it's a beautiful thing.

"Well, I spent my months in the beach," sabi ko. Iyon naman ang totoo, pero hindi para sa bakasyon. At least, half truth.

"Inggit akez!" eksaherada niyang banggit. "How did you do that? Ni hindi ka namin mahanap! Wala man lang kaming naging balita sa'yo!"

"Alam mo bang nabahala ang buong Manila Times noong nawala ka. They searched for you pero hindi ka nila ma-trace. Ang buong akala nila kaya ka umalis, you were a spy for the Daily Journal. Hindi naman napatunayan iyon. And I don't believe it. I know you love your family, but I know you're fair and you won't do such thing,"

Napangiti ako.

"So, technically wala akong babalikang trabaho?" I asked him.

Nanlalaki ang mata niyang tiningnan ako. "Talagang inisip mo pang bumalik, matapos ang ginawa mo? You left us without notice. Ni hindi ka nga nag-leave. Tapos aasahan mo na mayroon ka pang trabaho pagbalik mo. Aba, matindi! Sasabunutan ko 'yang bulbol mo!"

"At least, binalikan kayo," Nakangisi kong sabi.

"Speaking of binalikan, iyong ex mo, pabalik-balik sa Manila Times at hinahanap ka! Infairness pala sa kumag na iyon, may hitsura naman pala."

Bigla akong napasulyap kay Trigger na blankong nakatingin sa akin. He wasn't looking at Pablo, he was solely looking at me. Agad akong nag-iwas ng mata. Hindi ko alam kung bakit hindi napapansin ni Pablo ang presensya ni Trigger, when he has this oozing sex appeal.

Siguro ay dahil engrossed siya sa mga kwento niya sa akin at sa fact na nagpakita ako matapos ang mahabang panahon.

"I was thinking of him as another reason why you left the city. Para mag-move on."

Hindi naman ako umimik. Hindi ko kinumpirma ang sinabi niya. None of them was true. Hindi ako umalis. I was being held captive. At mas lalong hindi ako umalis para mag-move on, but apparently I found myself being totally over with them with my time in the island. Walang hard feelings at hindi nasasaktan kahit anong banggit ng pangalan ni Xiana at Dylan.

"I moved on," I stated happily.

Nakita ko namang nagliwanag ang mukha n'ya. I know he's happy hearing that and he's happy for me.

"Bonggacious!" Masaya niyang wika. "That's good. At least, hindi sayang ang pagkakatanggal mo sa trabaho. At ang ganda mo lalo ngayon, inday. Bongga!"

He hugged me again. "I missed you, Ara. Akala ko kung napaano ka na,"

Napaluha naman ako. I'm thankful for having this opportunity. Kung ito man ang huling pagkakataon ko sa buhay. At least, nakita ko man lang kahit si Pablo.

"Na-miss ko ang virgin kong kaibigan," Natatawa niyang wika.

Halos mabulunan naman ako at mabilis na kumalas sa pagkakayakap sa kanya para hampasin siya. Hindi pa rin talaga nagbabago si Pablo. Tumawa lang ito nang tumawa. Kung alam mo lang Pablo, nawasak na ang hymen.

Namumula ako, alam ko iyon. Hindi ko nilingon si Trigger dahil mas lalo lang akong magiging kulay kamatis. I don't know if he heard him. Sana hindi, pero alam kong imposible.

"Nga pala, what are you doing here? Babalik ka na ba for good? Sinong kasama mo? I thought you were with someone earlier," tanong niya matapos makabawi sa malakas na pagtawa.

Nawala ang ngiti sa labi ko. Dumako ang tingin ni Pablo kay Trigger. Nanlaki ang mga mata ng bakla at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. His jaw literally dropped.

"Omegesh, gisingin niyo ako sa magandang paniginip na ito!" Hindi siya makapaniwalang tumingin kay Trigger. Gusto kong matawa sa reaksyon ni Pablo. Si Trigger naman ay walang mababakas na emosyon.

Nagtitili ang bakla nang ma-realize kung sino nasa harap niya. I know, he knows Trigger. And he has researched for the bachelors in town including the mighty Trigger Del Fuego.

"Bakit mo siya kasama?" senyas niya sa akin. Pinanlakihan niya ako ng mata at bumulong. "Traydor!"

Tumayo ako sa pagkakaupo at hinarap silang dalawa.

"Trigger, this is Pablo, my friend," I introduced him. Tuwang-tuwa naman ang gaga. Well, sino bang hindi? He just met one of his dream guys but not me, of course. Hindi ko sila dream guy.

"And Pablo, this is Trigger, my a..."

Natigil ako ng walang maapuhap na sasabihin. Well, ano ko nga ba siya? I looked at him to ask for help. A kidnapper, I wanted to add. Tumayo si Trigger at umibis papalapit sa akin.

Hinapit niya ang beywang ko kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ni Pablo. Naiilang akong tumingin kay Trigger who was intensely looking at me, too. Nagtama ang aming paningin. I wanted to look away pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko nalulunod ako sa mga matang iyon.

Naputol iyon nang may tumikhim. It was Pablo. Matalim na ang tingin sa akin ng bakla na para bang binabantaan niya akong kailangan kong magpaliwanag.

"Si Trigger..."

Trigger was caressing my waist. Iba ang nararamdaman ko sa mga haplos niya.

I composed myself. Hindi ako dapat bumigay.

Trigger offered his hand to Pablo. Ngiting-ngiti naman ang bakla nang tanggapin niya ito. If he weren't making me feel things, malamang na matatawa talaga ako kay Pablo, but he's making it complicated.

"Trigger del Fuego," he said. "Her husband."

Parang nabingi yata ako sa narinig. Parang mga kuliglig na lang sa gabi ang naririnig ko. Nawiwindang ang buong pagkatao ko sa sinabi ni Trigger. Hindi lang ako nagulat, there are other emotions I can't clearly comprehend. Hindi ko alam.

Napanganga rin ako sa sinabi ni Trigger kagaya ni Pablo. I wasn't expecting that. Anong pakulo iyon? Para siyang naghagis ng isang bomba. Mas lalong bumilis ang kaninang nag-uunahang tibok ng puso ko. What did he just say?

How could he say that and looks okay with it? Maaliwalas ang mukha niya at nakangisi. He looked serious.

Nalilitong tumingin sa amin si Pablo. He was obviously shocked the same way that I am.

"Pakiulit? Tama ba ako ng pagkakarinig?" tanong pa ni Pablo.

Napangiwi ako at hindi alam ang sasabihin. I looked at Trigger. Seryoso lang itong nakatingin sa kaibigan ko.

"He's–––" I was cut off by him.

"I'm not. And yes, you heard it right. We're married."

Kulang na lang sumabog ang puso ko.

Bakit ang daming ganap sa araw na ito? And everything shocked me.

Ugh, Trigger! You're invading my system! 

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 37.8K 70
WARNING CONTAINS [R18] Chantel Paige Delavine, daughter of the Delavine's. Perfect living girl, who has it all, the beauty, charm, talents and brain...
113K 5.1K 25
Mahirap mag Move On pero mas mahirap mag Hold On sa taong binitawan ka na. Naka Move on na ako noh. Gusto nyo ako pa mag kasal sa kanila eh. Pakingga...
67.8K 1.4K 21
Nang sa palagay ni Rand ay unti-unti na niyang natatanggap ang pagkawala ni Regina ay saka naman dumating sa buhay niya si Faith Bengson. She looked...
865K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...