True Colors (Novella)

By Kuyangdreamer

149 57 2

!!COMPLETE!! (The bookcover is my own vexel and design) Nasa murang edad si Boni ng malaman ang tunay niyang... More

DISCLAIMER
TRUE COLORS 1
TRUE COLORS 2
TRUE COLORS 3
TRUE COLORS 4
TRUE COLORS 5
TRUE COLORS 6
TRUE COLORS 8
TRUE COLORS 9-Wakas

TRUE COLORS 7

9 6 0
By Kuyangdreamer

CHAPTER 7

"HINDI ka na ba mag-aagahan dito?"tanong ni Marcus, pagkalabas ko nang banyo. "Nagluto ako,"nakangiting aniya. Nakasuot na siya ngayon ng black t-shirt and simple white short.

But god! Ang gwapo niya tignan. Kahit magdamit pulubi pa siguro siya ay magmumukha pa rin siyang modelo kung titignan.

"Ah... Hindi na doon nalang ako kay T'yang Lourdes kakain, baka naghihintay na siya eh,"palusot ko. Sa katunayan gusto ko lang lumayo sa lugar na 'to, tuwing naaalala ko kase ang mga nangyari kagabi, para akong kinikitilan nang buhay dahil sa kahihiyan.

"I see..."sagot niya. "By the way goodmorning."Tanging pagngiti at tango nalang ang sagot ko.

"Sige mauuna na ako,"pagpapaalam ko.

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakahakbang palabas ng kwarto niya. Napatigil ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Ang pakiramdam na iyon.

Ang pakiramdam no'ng gabing iyon. Parang bumalik lahat sa 'kin ang lahat ng nangyari kagabi. Kung paano niya hawakan ang kamay ko't inilapat sa kaniyang mukha.

Ang pagdampi ng kaniyang kamay sa balat ko.

"Salamat nga pala kagabi... Hindi mo 'ko pinabayaan."Punong-puno ng kasiyahan ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang din akong napangiti.

"Wala 'yon,"kiming sagot ko. "Bakit kaba kase naglasing?"takang tanong ko. Sandali kaming nabalot ng nakakabinging katahimikan bago siya tuluyang nagsalita.

"'E pa'no iniwan mo 'ko 'e."Tumitig siya nang diretsyo sa aking mga mata. Agad naman akong napaiwas dahil 'di ko kayang labanan ang mga tingin na 'yon. "Galit ka ba sa 'kin Boni?"

Hindi ako nakasagot. Tanging paglunok lang ang nagawa ko.

Mas lalo akong nalunod sa kaba ng bigla niyang hawakan pa ang isa ko pang kamay.

"May hindi ka ba sinasabi sa 'kin."God please, alam kung ang rami kong kasalanan pero h'wag namang ganito.

Lamunin ako nang lupa now na!

"Ah... Eh... Wala naman."Mabilis kong binawi ang nga kamay ko. "Sige mauuna na ako,"pagpapaalam ko. Kagyat kong tinungo ang pinto papalabas ng bahay nila.

Ngunit gano'n na lamang ang pagkabigla ko ng makita ang pamilyar na mukha sa harap ng bahay nila Marcus.

Si Christine. Anong ginagawa niya rito?

Ngumiti siya ng malapad nang masipat ang kinatatayuan ko.

"Oh Boni right?"takang tanong niya at animo'y inaalala ang wangis ng mukha ko.

"Ah... Oo,"tipid kong sagot, "a-ano palang ginagawa mo rito."Kahit hindi ko siya kilala, hindi ko alam kung bakit ko natanong sa kaniya iyon. Siguro ay nilamon na ako ng kuryosidad ko. Unti-unting nawala ang mga ngiti sa mukha niya at napalitan iyon ng kalungkutan.

"I'm here for Marcus, mukhang hindi kasi naging maganda ang naging usapan namin kahapon. Nandito ba siya ngayon?"takang tanong niya. Labag man sa kalooban ko, tumango pa rin ako. "Ikaw bakit andito ka?"

"Ah... Wala kasi si Tita Cynthia kaya napagdesisyunan kong samahan dito si Marcus. Lasing kase siya, baka kung ano pang mangyari sa kaniya."Nanigas ang buong katawan ko nang bigla niyang kinuha ang kaliwang palad ko.

"Salamat Boni ah... Sa pag-aalaga kay Marcus,"magiliw na saad niya. Halos mapunit ang mukha niya dahil sa lapad nang ngiting nasa mukha niya ngayon. Para siyang ina na nagpapasalamat dahil binantayan ang kaniyang supling.

Siguro nga ay napakabuting at maganda ang kalooban ni Christine kaya siya minahal ni Marcus.

Hindi niya alam kung gaano siya kaswerte sa nobyo niya dahil masasabi kong boyfriend material si Marcus.

Dapat ko na sigurong tigilan ang mga ilusyon ko. Ang isiping kayang suklian ni Marcus ang pag-ibig ko.

Dahil kung ikukumpara ang sarili ko kay Christine, malayong-malayo.

Minsan talaga may mga bagay na gusto mo nalang itago, bagkus natatakot ka dahil sa mga puwedeng resulta nito.

Ayoko man isipin na wala na akong pag-asa pa kay Marcus. Ngunit sa sitwasyong ito. Alam kong mas makakabuti sa lahat kung titikom nalang ako at ibabasura ang ilusyong gawa nang imahinasyon ko.

I love you Marcus, mahal na mahal kita. Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko no'ng gabing iyon. Dahil kahit sa unang pagkakataon, nahalikan ko ang nga labing kay tagal kong ninais.

Alam kung napakaunfair sayo na minahal kita na mas higit sa inaasahan mo. Patawad kung hindi ko kayang magtapat sa 'yo.

Iniisip ko lang ang kapakanan nating pareho.

Hinding-hindi kita iniwan Marcus, bagkus lagi ka rito sa puso ko. No'ng araw na pumunta ako sa maynila upang manirahan kay lola Cita. Walang araw na hindi ako nagsusulat ng mensahe para sa 'yo.

Palagi kitang hinahanap dahil, ni ultimo kalaro ay wala ni isa no'ng mga oras na iyon.

Gustong-gusto kitang makita muli, ngunit masyado pa akong bata para kitahin ka noon. Umiiyak ako sa tuwing naalala ang mga kulitan natin. Nalukungkot ako sa tuwing papasok nalang ang larawan mo sa isip ko. Nanlulumo ako kapag naaalala ko ang mga ngiti na kay tagal ko nang hindi nasisilayan muli.

Ngayong nandito na ako sa probinsya. Ninais kong makita kang muli para makasama. Ngunit sadyang mapaglaro nga talaga ang tadhana.

Dahil hindi na natin lubos na kilala ang isa't-isa. Siguro nga ay maraming nagbago. Mga wangis at estado, ngunit hindi ang pagtingin ko sa 'yo.

Pero mukhang sisimulan ko ng burahin ang pagmamahal na umusbong dito sa aking dibdib.

Dahil alam ko kung sino talaga ang laman ng iyong puso.

Si Christine.

Natigil ako sa pag-iilusyon dahil naagaw ang atensyon namin dahil sa boses ni Marcus.

Hindi ko na kayang pigilin ang mga luhang nagbabadya sa aking mga mata.

Binawi ko na ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Christine. Pinilit kong ngumiti.

"Mauuna na ako,"pagpapaalam ko. Tumango naman siya at mabilis akong humakbang papalayo. Sandali pa akong natigil at bumaling sa gawi ni Marcus.

Sa muling pagkakataon natanaw ko si Marcus na nakatitig at walang emosyong pinagmamasdan ang bulto kong papalayo. Nginitian ko siya ng tipid bago tuluyang lumisan.

Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Biglang nanghina ang tuhod ko.

Umupo muna ako sa may waiting shied sa gilid at doon ko binuhos ang lahat ng sakit.

Siguro nga isa akong hangal para maramdaman ang sakit na ito dahil wala naman akong pinanghahawakan at tanging ako lang ang umasa.

Patuloy pa rin ang pag-agos nang luha sa mga mata ko.

Maya-maya ay may isang motor na tumigil sa harapan ng waiting shied. Nanatili akong nakatingin sa paanan ko at na animo'y wala nang pakialam ang katawan ko sa buong paligid.

"Boni?"saad nang isang pamilyar na boses. Unti-unti akong nag-angat nang tingin.

Si Dong.

Kagyat kong pinunasan ang mga luha sa aking pisnge.

"Ayos ka lang ba?"takang tanong niya.

"Dong... Pwede mo ba akong ipunta sa lugar kung saan pwede akong makalimot."Biyak ang boses ko marahil dahil sa kakatapos ko lang lumuha.

Malungkot itong tumitig sa 'kin at sinenyasan akong umangkas sa kaniya.

Parang may sariling buhay ang katawan ko na sumakay sa motor niya. Mabilis kaming lumisan sa lugar na iyon.

Pumikit ako habang nararamdaman ang malamig na hanging dumadapo sa'kin.

Wala akong ideya kung bakit sa 'tuwing nasa alanganing lagay ako, laging si Dong ang nakakapitan ko. Gayun pa man nagpapasalamat ako dahil lagi siyang nandiyan para damayan ako.

ILANG minuto pa ang lumipas, natagpuan ko ang sarili ko sa isang malawak na bukirin. Nasa mataas kami na bahagi kaya ang gandang pagmasdan ang tanawin mula sa baba. Kay gandang pagmasdan ang pasilip na araw.

Wala sa sariling bumaba ako sa motor at padaskol na umupo sa mga damo.

Bigla na lamang may ngiting rumihistro sa labi ko. Nahimigan kong umupo rin sa tabi ko si Dong.

"Ano ba talagang nangyari?"Seryoso akong tumingin sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit nabuhay sa katawan ko ang pagnanais na sabihin sa kaniya ang tunay kong pagkatao.

Mabait at maunawain si Dong. Ito na ba ang oras para sabihin ko sa kaniya ang lahat?

"Dong m-may s-sasabihin ako kaso..."

"Kaso?..."nananantiyang untag niya. Suminghap muna ako sa hangin bago magsalita.

"Ipangako mo muna sa 'kin na walang magbabago kong nasabi ko na sa 'yo ito,"paniniguro ko.

"Pangako,"sagot niya at itinaas pa ang kanang kamay.

This is it, god please lead me. Sana tama itong gagawin ko.

"I likes men."Lakas loob kung sabi. Nakatitig lang ako sa mukha niya, nanlaki ang mata niya dahil sa narinig.

Ngunit gano'n na lamang ang pagkahinga ko nang malalim ng bigla itong ngumiti.

"H-hindi k-kaba galit?"utal kong saad. Umiling-iling naman ito.

"Kahit naman ano ka pa, tanggap kita dahil ikaw yung Boni na kilala ko. 'Yong Boni na palaging nagtatanggol 'tuwing napapagtripan ako. Ikaw pa rin 'yong Boni na kalaro k—"Wala sa sariling kumakap ako sa kaniya. Natigil ito sa pagsasalita. Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kaniya at yumakap naman ito pabalik.

All this time, 'yon ang pinagdarasal ko lagi. Na kapag sinabi ko na ang totoo kong pagkatao, 'e magagawa nila akong matanggap ng buo.

Bigla akong sumiksik sa dibdib niya. Wala akong pakialam kong mabasa ko man ng luha ang damit niya. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang hinahagod niya ang likod ko.

"Salamat Dong... Maraming salamat."Halos mapaos na ako sa pagsasalita dahil sa paghikbi.

Hindi ko alam kung gaano ako kasaya ngayon. Para akong nabunutan nang tinik dahil sa pagtatapat ko ngayon.

I will never forget this moment. Gusto kong isigaw sa buong mundo na 'heto ako ngayon, nagpapakatotoo' hindi ko man lubos na naipagtatapat sa ibang tao ang tunay na pagkatao ko. Mabuti nalang at nandito si Dong na siyang una kong pinagsabihan. At punong-puno ako ng saya dahil walang alinlangan niya akong tinanggap.

"Wala nang bawian 'yan ah?"biro ko sa kaniya. Natatawa naman itong tumango. Kusa na akong kumalas sa pagkakayakap.

"Huhulaan ko,"maya-maya ay saad nito. Bigla naman akong bumaling sa kaniya. Habang nakatingin pa rin siya sa kawalan.

"Do you love Marcus?"Halos mapatalon ako sa gulat.

Kusa na namang umakyat ang hiya sa buong katawan ko.

Nakatitig lang siya sa'kin habang naghihintay nang sagot.

I swallowed deeply before respond.

"Masyado ba akong halata?"Hindi ko alam kung bakit ko pa nakuhang magbiro ngayon. Natawa naman siya nang bahagya.

"Nasaksihan ko kung gaano kayo kalapit sa isa't-isa, mula't sapol para nga kayong magkapatid kung tignan. That's how you close to each other. Kaya hindi na ako magtataka kung isang araw ay mahulog ang loob niyo sa isa't-isa."Nakaramdam ako ng matinding lungkot dahil sa sinabi niya. Tama siya, sobrang lapit namin sa isa't-isa. Kaya hindi ko lubos maisip kung bakit gano'n na lamang nahulog ang loob ko sa kaniya ng bigla.

Samakatuwid, para na kaming magkapatid. But not for me, dahil mahal ko siya ng higit pa sa pagmamahal niya sa 'kin.

Nakakalungkot isipin na heto ako ngayon. Nasa harapan ni Dong at umiiyak. Umiiyak dahil sa taong mahal ko, si Marcus. He is my love of my life. Ngunit bakit hindi ko magawang magtapat sa kaniya?

Napakatanga ko, napakabobo ko, napakainutil ko. Naging mahina ako at hindi man lang sinubukan na sabihin ang tunay na nararamdaman mo.

Nagsimula na namang nanlabo ang mata ko dahil sa mga luhang nagbabadya na namang bumagsak.

"Walang imposible sa mundong ito,"muling untag ni Dong. "But the thing is... Kailangan nating sumugal, alam natin ang puwedeng mangyari kong ginawa natin iyon. Ngunit iisa lang ang buhay natin. Let's enjoy our lifes at huwag nating hayaang magsisi tayo sa dulo kung may naskip man tayong pangyayari na dapat pala nating gawin. Boni... Mas mabuting maging malungkot tayo dahil sa katotohanan, kaysa malunod sa kalungkutan na hindi natin alam ang katotohanan."

"Natatakot ako..."Ngumiti siya ng malapad sa'kin.

"Nandito lang ako lagi, mga pamilya mo. Hinding hindi ka namin papabayaan."Nagsimulang lumiwanag ang buong mukha ko. Ngumiti ako ng malapad at muling yumakap sa kaniya.

"Oh siya, tama na ang drama. Let them know your true color, a beautiful color like a rainbow,"nakangiti niyang saad, "simulan mo nang kumawala sa rehas ng pagpapagap. Lagi mong tandaan, nandito lang kami lagi."

Finally i smile and nodded.

And he was right.

Continue Reading

You'll Also Like

27M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
21.1M 518K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...