Through Fatal Silence (High C...

Od theuntoldscripts

57.3K 2.1K 720

Oppressor, a person who possesses absolute power to people and Benedict Paris Beltran, a forensic doctor is a... Více

--
PROLOGUE
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
SPECIAL CHAPTER

Chapter 16

799 43 11
Od theuntoldscripts

Chapter 16

"Good morning po, Ma'am Rigan," bati sa akin ng guard nang makababa ako sa kotse. Kasalukuyan akong nasa building kung saan nagtatrabaho si Paris at wala akong pasabi na pupunta ako dahil balak ko siyang sorpresahin. May dala rin akong lunch para sa kanya dahil sobra 'yung niluto ko kaninang umaga.


"Andiyan ba si Paris?" Tanong ko sa guard.


"Opo, Ma'am. Wala naman po siguro siyang ginagawang autopsy ngayon," sagot nito kaya napatango ako.


"Pasok na ako, ha." Dumiretso na ako papasok ng building papunta sa opisina ni Paris. Bawat taong madaanan ko ay binabati ako. Noon hindi ko ito magawa-gawa dahil sa napagdesisyunan naming gawing pribado lang ang namamagitan sa aming dalawa ni Paris pero nahirapan rin kami du'n. Nakakalungkot man pero at least ngayon hindi na naming kailangang mag-alala. Nakakalabas na kami kahit hindi na kami magsuot ng mask, hindi kagaya noon na sobrang tago kami sa mga tao.


When I got to Paris' office, I took a deep breath first. Our talk wasn't good last time, but I hope this time I could talk to him like we used to. Nung narinig ko lahat ng mga kinikimkim niya ay tsaka lang ako natauhan... It was true that I really have been unfair to him.


After gaining my senses, I was about to hold the doorknob when suddenly someone opened the door first. I was startled for a bit, but when I saw the person who's about to come out on Paris' office, my eyes stopped from blinking. It's a woman, and this is the first time I saw her.


"Hi, Mrs. Beltran," she said politely with her heart-shaped lips smiling.


"Um, hi..." I sounded awkward, geez!


"I'm Trisha Gil, Paris' colleague," pagpapakilala niya sa akin at nilahad ang kamay niya. Ilang segundo ko pang tinitigan ang kamay niya bago ito tanggapin.


"I'm Rigan, Paris' wife." Nakipag-kamayan ako sa kanya habang nakangiti. Kung titingnan ay kasing tangkad ko lang siya. Sa tangkad niya ay puwede siyang maging modelo, isa na rin ang katawan niyang mas lalong hinubog ng suot niyang pang-opisina. Mas lalo ring tumingkad ang kanyang porselanang kutis dahil sa buhok niyang kulay tsokolate.


All is good, but her red lips captured my attention. With just looking at it, I could tell that she got lip-fillers. Well, there's nothing with that as along as she feels confident.


"I'm a huge fan of yours. Ang galing mong modelo," pagpuri nito.


"Thank you so much." Kanina lang ay awkward pa ang pakikipag-usap ko sa kanya dahil ito ang unang beses na nakita ko siya pero hindi naman nagtagal ay naging pormal na ang pagsasalita ko. Kasamahan siya ni Paris sa trabaho kaya dapat maging mabait ako sa kanya.


"It's nice meeting you in person. Gusto ko pa sanang makausap ka pero may gagawin pa kasi ako, kaya mauna na ako," paalam niya at bago ito tuluyang makaalis ay kumaway ito. Nginitian ko na lang ito pagkatapos ay pumasok na sa opisina ni Paris.


"What are you doing here?" Paris asked in a low voice, and even though I came in, he couldn't leave his eyes away from his laptop. I don't know if he's doing that on purpose, but I must understand him. I had to endure his cold treatment.


"Dinalhan kita ng lunch," sabi ko at tinaas ang lunch box na dala-dala ko para sa kanya pero hindi pa rin 'yun naging sapat para alisin niya ang kanyang mga mata sa laptop niya. Sa malamig niyang pakikitungo ay paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang sarili ko na huwag magalit kaagad at intindihin siya.


"Hindi ka naman nagsabi na pupunta ka dito." Kahit masakit man pakinggan sa tenga ang malamig niyang boses ay pinalampas ko pa rin pero hanggang kailan niya baa ko pakikitunguhan nang ganito? Hindi ba siya napapagod?


"It's because I want to surprise you... but I guess it didn't work." I could tell that my presence is not welcome in his office. Even if he doesn't tell me, I could see that I'm a bothersome to his work.


"Pero that's okay dahil ang importante madala ko sa 'yo 'tong ginawa kong lunch. Sinigurado kong masarap 'to—"


"Mangangamoy 'yan dito sa opisina ko," pagputol niya sa balak kong sabihin at dahil sa narinig ay parang bumagsak ang mga balikat ko na para bang nawalan ako ng gana. Kailangan niya ba talagang sabihin 'yun? Alam naman niyang madali akong madala sa emosyon ko kapag nakarinig nang gano'n.


"Hindi naman siguro. K-Kainin mo na habang mainit pa." Hindi ako nagpatinag kahit nakakaramdam na ako ng kirot sa dibdib ko. Hindi ako puwedeng sumuko basta-basta. Alam naman niyang sinusubukan kong bumawi pero siya lang 'tong panay ang iwas. Pinapahirapan niya lang ang sarili niya.


After what I said, he became quiet, and the only thing I could hear is his keyboard. Paris is serious about his work that he couldn't glance at me for just a second. Is his attention too much to ask for?


Nilapag ko ang lunch box sa table niya at hindi na nagawang itago ang lungkot na nararamdaman ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa pakikitungo niya. Kahit isang sulyap lang, hindi niya ba kayang gawin 'yun para sa akin? Gano;n na ba talaga kalaki ang kasalanan ko sa kanya?


"Paris, tingnan mo naman ako," pakiusap ko sa kanya. Bumuga siyang nang malalim na hininga pagkatapos ay tinigil ang pagtitipa upang pagmasdan ako.


"Satisfied already?" Ang akala ko matutuwa na ako dahil nagawa niyang tumingin sa akin pero ang dating sa akin ng aksyon niya ay parang napilitan lang siya. Gustuhin ko man na manatili sa opisina niya ay hindi ko na magawa dahil kitang-kita naman na hindi niya gusto na nandito ako. Kung pipilitin ko naman ay baka magalit siya.


"Y-Yeah... Ayos na siguro 'yun," I stated with a smile, but deep inside, I was hurting. I'm fragile when it comes to Paris, and he knows that I'm weak for him, and yet he's not stopping from giving me the cold shoulder. How can we fix our problem if he doesn't want to talk to me?


"Dalhin mo na 'yang lunch box kung aalis ka na. Busog na ako," utos niya. Matamlay kong kinuha ang lunch box at akmang maglalakad na palabas ng opisina niya nang biglang may sumagi sa isipan ko.


I faced him once again, which made his forehead creased. "By the way... I noticed that you and Trisha are using the same cologne. You must be close to each other... close that she stained the collar of your lab gown."


"What's that supposed to mean?" He questioned with his brow arched.


I shook my head and then smirked. "Nothing... M-Maybe I was just being paranoid."


Nung tumalikod ako sa kanya ay parang kinakapa ko pa ang sarili ko dahil sa nakita. Madali nitong naukit sa isipan ko na kahit anong pilit kong alisin ay mananatili na itong tumatakbo hanggang sa mabuo na ang mga tanong at hanggang sa makarating na ito sa puso ko.


It was a red shade tainted on hi collar. When I entered Paris' office, that's the first thing that caught my attention. It's not just a simple stain, but maybe I was just being too observant on petty things, and because of that, I'm overthinking. I'm trying not to make it a big deal when it comes to petty things since it makes me look immature. It was hard dealing with it, but I have to before things get worse.


He's not, Rigan. Stop thinking nonsense.


Nung makalabas ako sa opisina ni Paris ay biglang may nakabunggo ako at dahil du'n ay nabitawan ko ang lunch box na hawak ko. Akmang yuyuko ako para kunin ito pero naunahan ako ng lalaking nakabunggo ko.


"Sorry, Miss," he apologized with his deep voice. When I peered at the man, I saw his name pin attached to his right chest. Orcus Inocencio, that's his name. He's wearing big glasses, which made him look like a goldfish. His eyebags are also deep, obviously due to stress and lack of sleep.


Magalang nitong binalik sa akin ang lunch box na kaagad ko namang tinanggap. "Thank you," sambit ko at hindi nagtagal ay tuluyan ng nilisan ang building.


"Hindi niya tinanggap 'to?!" Tanong ni Yael kaya pinitik ko ang noo niya dahil sa lakas ng boses niyang umalingawngaw sa lobby ng building.


"Babaan mo nga 'yang boses mo!" Pasigaw kong bulong sa kanya.


Pagkatapos kong pumunta sa working place ni Paris ay dumiretso kaagad ako dito sa MC media dahil kailangan kong kausapin ang manager ko tungkol sa magiging schedule ko pero naudlot 'yun dahil sa pangungulit ni Yael. Para talaga siyang bata, tss.


"Nagtatanong lang naman ako." Ngayon nakanguso na ito habang hinihimas ang noo niyang sariwa pa sa pagkakapitik.


"Paulit-ulit ka? Ano, boomerang lang?"


Padabog kong sinandal ang likod ko sa lingkuranan ng sofa at sinimulang suklayin ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.


"Sinabihan na kasi kita pero hindi ka nakinig. Alam mong mali pero kinunsinti mo pa rin," pangangaral niya at hindi ko na magawang makapalag pa dahil totoo naman siya. Sa una pa lang ay alam ko ng mali ang ginagawa ko pero kinunsinti ko pa rin para sa sarili kong kapakanan. Hindi ko na naisip kung anong mararamdaman ni Paris.


"Huwag mo ng ulitin... Nagsisisi na ako, okay?"


I thought he will never find out since I made sure that things were clear before coming back here in the Philippines. I was complacent that nothing will be spilled, but karma is chasing me for playing dirty, and now I'm paying for it.


"Halos mag-iisang linggo na akong hindi pinapansin ni Paris... Hindi ko kayang masanay na gano'n ang pakikitungo niya sa akin."


I could feel the frustration surrounding my head. I've been thinking about ways of how to reach him out, but he keeps on pushing me whenever I'm trying. He's putting a distance between us, and I don't know how long could I bear living like that.


"Ganito na lang... What if magtanan muna tayong dalawa para hindi ka muna ma-stress?" Suhestiyon ni Yael kaya walang-gana akong tumingin sa kanya.


"What if sampalin ko 'yung mukha mo? Anong tanan pinagsasabi mo?" Imbis na mailabas ko ang stress ko sa kanya ay mas lalo pa 'tong nadadagdagan dahil sa mga sinasabi niya. Kailan ko ba siya makakausap nang matino?


"Ito naman, hindi mabiro. Kainin ko na nga lang 'tong lunch na ginawa mo, mukhang namang 'di masarap," aniya kaya nagpintig ang tenga ko. Akmang papunta na sa braso niya ang kamay ko para hampasin siya pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko.


"Bitawan mo nga ako! Bwiset ka talaga—"


"What happened to your hand?" He cut me off. A while ago, he was just teasing me, but now his face become serious. The sudden change of his expression made me gulp. I was about to remove his hand on my arm, but he pulled me even closer for me not to get away.


Mataman niyang pinagkatitigan ang mga kamay ko at sa tagal na pinagmamasdan niya ito ay halos maging isang linya na ang dalawa niyang kilay dahil sa pagtataka at pagiging seryoso.


"Bakit puro sugat at paso 'tong kamay mo, huh?" Kahit na seryoso si Yael ay sumisilip pa rin ang pag-aalala sa boses niya. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa itsura ng mga kamay ko kaya kaagad ko itong binawi at tinago sa likuran ko.


Yael clicked his tongue. "Isa..."


Whenever his voice sounded like that, I know that he's deadly serious. I only see this side of him once. He's always teasing me, so I'm not used to him suddenly becoming like this.


"It's nothing serious—"


"Dalawa," muli niyang pagputol sa balak kong pagdadahilan. Binibilangan niya na ako kaya wala na akong nagawa kung 'di ang ilapag sa hita niya ang dalawang kamay kong puno ng sugat at paso.


He once again examined my hands as if I was involved in a crime scene. As he stared at my hands, my cheeks were getting flushed because of embarrassment. Even he hasn't asked yet, I could already predict that he will laugh at me if he found out where did I get my wounds and burns.


He chuckled. "You stupid... Baka sa susunod na pagluluto mo, buong kamay mo na ang mahiwa mo."


Lumaki ang mga mata ko. Kahit hindi ko na sabihin ang rason sa kanya ay nagkaroon na siya ng konklusyon kung saan ko nakuha ang mga sugat at paso ko. Hindi ako marunong magluto pero sinubukan ko pa rin. Maliliit lang naman ang mga hiwa pero 'yung mga paso ko ang nangingibabaw dahil sa medyo namumula ito.


"G-Gusto ko lang namang matutong magluto," nauutal kong pagdadahilan at nagulat ko nang biglang guluhin ni Yael ang buhok ko habang nakangiti.


"You did well, Cori," Yael uttered in a soft, low voice. Just hearing that I did well, my frustration slowly disappeared. Who would think that a jerk like him could sweep my troubles away? He's the first one to notice my efforts to learn... Even when I was not married yet, he was the only one who appreciated me, the true me.


"Kung magluluto ka ulit, mag-ingat ka naman. Mahirap na kapag may sugat at paso lalo na't modelo ko," paalala niya sa akin. Loko-loko man si Yael pero maaasahan ko naman siya. Kahit kadalasan akong naiinis sa kanya ay marami naman akong natututunan.


"Hindi ba dapat nasa arena ka ngayon at nag-rerehearse?" Naputol ang pag-uusap namin ni Yael nang dumating si Kristy na dala-dala ang kanyang mini-notebook na naglalaman ng magiging schedule namin.


"Rehearse? Bakit?" Tanong ko at lumingon kay Yael.


"For my upcoming concert, Cori. Wala ka na ba talagang update sa buhay ko?" Nagtatampo nitong sabi.


"Sorry, busy lang talaga ako kaya wala na akong alam sa ganap ng buhay mo." Kahit naman nasa iisang entertainment kami nagtratrabaho ay nahuhuli pa rin ako sa balita tungkol sa music career niya. Kung hindi niya pa sinasabi sa akin ay siguro mananatili akong walang ideya.


"Sige na, tama na 'yan. Pumunta ka na ng arena dahil baka hinahanap ka na ng manager mo," si Kristy.


"Yes, Ma'am," tugon ni Yael at tumayo na ngunit bago ito umalis ay ikinabigla ko ang paghalik niya sa noo ko. Pinanlakihan ko siya ng mga mata dahil ang daming taong nakakita. Nakakahiya!


"Label check lang tayo, ha. Best friend ka ni Rigan, Yael," singit ni Kristy.


"Bakit? May rule bang bawal kong halikan sa noo ang kaibigan ko?" Pagdepensa ni Yael sa ginawa niya.


"Neknek mo! Umalis ka na nga at kakausapin ko na 'tong alaga ko." Sumunod na si Yael sa sinabi ni Kristy. Pinanood ko ang papalayo niyang bulto hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Mabuti na lang pala ay nakita ko siya dahil kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.


"So, what's on my schedule for this week?" I asked Kristy.


"If I'm going to describe it, I could say it's a hell week for us," she replied, which made me snickered. Looks like I would be home late because of my hectic schedule, but I know that it would be fun as along as it involves my job.


"I'm already used to it, so bring it on."

***

"Ang aga mo umuwi, ha," usal ko nang madatnan si Paris na nasa sofa at nagtitipa sa laptop niya. Kung ano ang nakita kong ginagawa niya sa opisina ay gano'n rin pagdating dito sa bahay. Hindi pa ba siya magpapahinga?


I went to him and didn't hesitate to kiss him on the cheek. He didn't even greet me when I came, which is unusual of him. My presence is near him, but he treats me like a ghost, and I don't know how much longer I could hold myself from blowing up.


I stood in front of him while he's busy typing on his laptop. When he noticed that I wasn't moving and just looking at me, he lifted his head to stare at me.


"Need anything?" Kwestiyon niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang tono ng boses niya. Kung ano ang nadatnan ko sa opisina niya ay gano'n pa rin hanggang dito sa bahay.


Suminghap ako at pilit na ngumiti. "I have a special fashion show coming this week. Can you come?"


Naging problema namin ni Paris ang career ko at aaminin kong ang kapal ng mukha ko na alukin siyang pumunta sa fashion show pagkatapos ng ginawa ko para lang hindi magkaroon ng bahid ang pangalan ko. Kapag tungkol na sa trabaho ko ay sensitibo na siya, hindi kagaya noon.


"Marami akong ginagawa," matipid at walang pag-aalinlangan niyang sagot.


"Puwede mo naman sigurong isingit sa schedule mo. Dalawang oras lang naman 'yun, Hon," pagpupumilit ko dahil gusto ko talaga siyang pumunta. Hindi na nga siya nakapunta nung nasa New York ako, pati ba naman dito?


"Imposible. Maayos na ang schedule ko, kapag may siningit pa ako, baka magahol ako sa oras at baka mahirapan akong makahabol," pagdadahilan niya niya kaya naisara ko ang kamao ko at hindi ko napigilan ang pag-angat ng sulok ng labi ko. Hindi naman kasi matagal 'yun.


"Ano? Nagagalit ka?"


Naging malikot ang mga mata ko dahil sa tanong niya. Gusto kong magalit pero parang mali kasi bitbit ko 'yung kasalanan ko sa kanya. 'Yun ang nakapagpapigil sa akin para hindi ko ilabas ang totoo kong nararamdaman. Naipon lang 'yung inis at galit sa loob ko.


"B-But it's only for two hours, Paris—"


"Malaking kain na 'yun ng oras sa schedule ko, Rigan. Hindi ka ba makaintindi?"


I felt numb as his voice echoed to my ears. The tone of his voice was so unpleasant to listen, and it was like writhing my heart. Even though he wasn't shouting, the way he delivered his words were kind of mean to me. Why is Paris being like this? He's being too much already.


"Hindi naman importante 'yan, hindi ba?" Unti-unti ng sumasakit ang lalamunan ko, ibig sabihin lang nu'n ay nahihirapan na ako sa pagpipigil. "Mas gugustuhin ko pang gamitin ang oras ko sa pagresolba ng mga kasong hawak ko kaysa sa pumunta sa fashion show na 'yan."


I don't know what to say anymore. Words had deserted from my mouth because of disbelief, and as time goes by that I'm standing in front of him, I feel stupid and desperate asking for his attention. I was hurt that he considered the fashion show unimportant... It seems that he's also pertaining to me.


When Paris saw my reaction, his cold expression disappeared, and it was replaced by regret. His face went soft, probably because he felt bad that it was already too much. Yeah, right... Too much that I could already question my value to him.


"Rigan, it wasn't like that...." He was about to come closer to me, but I stepped back and with a fake smile drawn on my lips. He's wise and careful when it comes to his words, but it's different now. It hurts even more when I see him without hesitation to utter those words, and now he's regretting it.


"N-No, it's okay. Sabi mo nga... h-hindi naman importante." Garalgal na ang boses ko dahil sa pananakit ng lalamunan ko at hindi ko na alam kung kaya ko pang pigilan ang hikbing gustong-gusto nang lumabas sa bibig ko.


"I didn't mean it," Paris mouthed, but I shook my head while still smiling. Madaling bumaon ang sinabi niya sa isipan ko at panigurado akong buong gabi ko 'yun didibdibin. Syempre, sa kanya galing e kaya masakit.


"You do, Paris... N-Nice choice of words." 

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

26K 1K 33
Tattooed wounds. Engraved pain. Drowning innocence. Those are the things that she could never get rid of nor escape. It's been years already, but her...
15.3K 1.6K 47
𝗧𝗼 𝗦𝘁𝗮𝗿𝗳𝗹𝗶𝗲𝘀 𝗔𝗻𝗱 𝗦𝘂𝗻𝘀𝗲𝘁𝘀 : 𝗧𝗼 𝗽𝘂𝘁 𝗳𝗼r𝘄𝗮𝗿𝗱 𝘁𝗵𝗲 𝗱𝗶𝗳𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲𝘀 𝘆𝗲𝘁 𝗮𝗿𝗲 𝘀𝗼 𝘀𝗶𝗺𝗶𝗹𝗮𝗿 𝗔𝗮𝗻𝘆𝗮...
197K 5.1K 81
just your daily dose of jared gilmore imagines provided by yours truly includes imagines of henry mills ranked #3 in jared gilmore peachiemilktea 2016
109K 3.6K 23
Jason Parker, the older brother of Chloe Parker, thought he had hit the jackpot when he became engaged to Charlotte Simpson. She was beautiful, excit...