Game of Love 2: Still in Love...

By JeraldineTanL

3.3M 40.4K 4.5K

PUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, ev... More

PROLOGUE
[ 1 ] Comeback
[ 2 ] A Jealous Ex-Girlfriend
[ 3 ] A New Friend
[ 4 ] Enjoy
[ 5 ] A Friendly Conversation
[ 6 ] The Truth Behind Her Death
[ 7 ] The Other Sides of the Story
[ 8 ] The Reunion
Game of Love Softcopy :)
[ 9 ] Change
[ 10 ] Who's that girl?
[ 11 ] Shane Alvarez
[ 12 ] Desperate
[ 13 ] Unexpected
[ 14 ] It's Her
[ 15 ] Shane and Jin
[ 16 ] Friends
[ 17 ] Confrontation
[ 18 ] Exclusively Dating
[ 19 ] Plan
[ 20 ] Caught in the Act
[ 21 ] The Result
[ 22 ] Truth and Lies
[ 23 ] A Different Person
[ 24 ] Memories of the Past
[ 25 ] Jin is Dead
[ 26.1 ] Letting Go
[ 26.2 ] So In Love
[ 27 ] Game
[ 28 ] Gab and Terrence
[ 29 ] Accident
[ 30 ] Temporary Memory Loss
[ 32 ] Mental Hospital
[ 33 ] Batman
[ 34 ] Leave
[ 35 ] Feelings
[ 36 ] Back to Normal
[ 37 ] Hate
[ 38 ] Perfect
[ 39 ] Best friend and Girlfriend
[ 40 ] Hello and Goodbye
[ 41 ] Trap
[ 42 ] A Big Problem
[ 43 ] Solution
[ 44 ] Trials
[ 45 ] Mad
[ 46 ] Minor Accident
[ 47 ] Trust
[ 48 ] Caught
[ 49 ] Tired
[ 50 ] Love
[ 51 ] Good Day
[ 52 ] Obstacle
[ 53 ] Past
[ 54 ] Forgive
[ 55 ] Unexpected
[ 56 ] Brother
[ 57 ] Lose
EPILOGUE + Author's Note
Special Chapter 1: Aine & Steven
Game of Love Book
Special Chapter 2: Honeymoon
Wattpad presents Game of Love (mini tv series on TV5)
Special Chapter 3: Baby

[ 31 ] Remember

49.8K 480 57
By JeraldineTanL

Chapter 31: Remember

Nasa tapat ng elevator sina Gab at Mika at hinihintay 'yon na bumukas. Hindi mapakali si Gab sa kinatatayuan niya na napansin din ni Mika. 

"Hey."

"What is it this time, Gab?"

"Pwede bang maghagdan na lang tayo?"

"Hagdan? Seryoso ka ba?!"

He nodded. Hindi mapigilan ni Mika ang mapangiti.

"Alam mo ba na nitong mga nakaraang taon, hindi ka nageelevator lalo na kung kakayanin mo naman na maghagdan? Ang palagi mo pang dahilan, exercise mo na 'yon para alagaan ang abs mo."

"Talaga?"

"Oo, Gab."

Lumapit si Gab kay Mika at bumulong.

"Natatakot kasi akong sumakay dyan kaya gusto kong maghagdan."

Napanganga si Mika sa sinabi ni Gab sa kanya.

‘He must be really crazy. What the hell happened to this guy? Bakit kung magsalita at kumilos siya, para siyang bata?’

Nag-aalinlangan pa sa gusto ni Gab si Mika dahil nakasuot siya ng sapatos na mataas ang takong. Nakatingin siya kay Gab at nakangiti lang ito sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya dahil wala na siyang magagawa.

"Alright, let's go."

Naghangdan sila paakyat. Sa 7th floor pa ang kwarto ni Gab kaya mataas taas din ang aakyatin nila. Tuwang tuwa naman si Gab sa hagdan at tumatakbo ito paakyat kaya humahabol si Mika. Nang makarating sila sa 4th floor ay umupo na si Mika sa hagdan dahil bukod sa pagod na siya ay masakit na ang paa niya.

"I'm tired, Gab. Magpahinga na muna tayo saglit."

Hinubad muna ni Mika ang suot niyang sapatas at hinawakaan ang paa niya dahil sumasakit na 'yon. Sanay siya sa pagsusuot ng heels pero ngayon lang siya umakyat ng hagdanan na nakasuot ng ganun at tumatakbo pa. Sa stairs ng fire exit din sila dumaan kaya walang tao na dumadaan doon. Nang mapansin ni Gab ang ginagawa ni Mika ay umupo siya sa tabi nito.

"Masakit 'yang paa mo?"

"Obvious ba?"

Nagulat siya dahil bigla na lang hinawakan ni Gab ang paa niya at minasahe.

"Gab, ano bang ginagawa mo?!"

"Hindi ba sabi mo masakit 'yong paa mo?

Napangiti si Mika dahil natouch siya sa ginawa nito.

"You know what, Gab? Maari ngang nakalimutan na ng isip mo ang lahat pero hindi 'yon nakalimutan ng katawan mo. Pinapansin ko ang ginagawa mo kanina at ganun ka pa din umakyat ng hagdan. Minsan, kapag nagkikita tayo at masakit ang paa ko kakasuot ng sapatos na may heels, ganito din ang ginagawa mo. Siguro nga sinusungitan mo ako noon pero nararamdaman ko na inaalagaan mo din ako."

"Talaga?

"Yes, Gab."

Isinuot ni Gab sa paa niya ang sapatos niya at binuhat niya si Mika. 

"Gab, ibaba mo ako! Gab! I said, put me down!"

"Hindi ba ganito din ang ginagawa natin dati?"

"Hindi, nagkakamali ka! Hinding hindi mo 'to ginagawa sakin dati! Ibaba mo na ako!"

"Hindi ko alam kung bakit pero gusto kitang buhatin."

           

Dahan dahan na umaakyat ng hagdan si Gab habang buhat buhat niya si Mika.

"Gab, don't be like this. Ibaba mo na ako!" Protesta ni Mika.

Hindi siya pinapansin ni Gab kaya hinayaan niya na lang ito tutal masakit na ang paa niya at ilang floors pa ang aakyatin nila. Hindi maiwasan ni Mika na tingnan si Gab.

‘Ang tagal ko din siyang hindi nakita dahil busy siya kay Jin at ngayon na nagkita na kami, wala pa siyang maalala.’

Habang umaakyat ng hagdan ay may iniisip din si Gab pero hindi niya na napigilan pa ang sarili at naisipan niya na magtanong na kay Jin.

"Ano'ng pangalan mo? Sorry. Sinabi mo na kanina sa 'kin pero nakalimutan ko kaagad."

"Mikaela Valdez. Mika."

"Mikaela Valdez?"

"Oo. Ang sakit naman nun. Nakalimutan mo ako pagkatapos ng lahat."

"Hindi ko na ulit kakalimutan ngayon ang pangalan mo, Mika. Para maalala ko, uulit ulitin ko ng marami pang beses. Mika, Mika, Mika."

"That’s right. Never ever forget my name, Gab."

Napangiti si Mika. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay may magandang epekto naman ang memory loss ni Gab. Iba na kasi ang pakikitungo nito sa kanya. Kung noon ay palagi siyang sinusungitan nito at nagiging sweet lang kapag nasa harap sila ng ibang tao, ngayon ay talagang mabuti ang pakikitungo nito sa kanya.

Habang paakyat sila ng hagdan ay paulit ulit na binabanggit ni Gab ang pangalan ni Mika para tumatak ito sa isipan niya.

‘Dadating din ang araw na babalik ang lahat ng memories niya at babalik na din ang lahat sa dati. Sigurado ako na mawawala na naman ako sa buhay niya. Kung maaari lang sanang hindi na 'yon mangyari pa. Kung pwede lang sana na maging ganito na lang siya. Kalimutan niya na lang ang lahat at gumawa na lang siya ng bagong memories. I think life would be a whole lot easier for him if that’s the case.’

~

Nang makatanggap ng tawag si KL galing sa best friend niyang si Jin ay madali niya itong pinuntahan. Mukha kasi itong problemado dahil sa boses nito nang makausap niya sa phone. Pumunta siya sa tinitirhan ni Jin at dahil may spare key siya ay deretso na siyang nakapasok sa loob. Nakita niya ang kaibigan na nakahiga sa sofa at umupo na din ito nang mapansin niya na dumating na si KL.

"Jin!"

"KL.."

"I thought you're with Gab? Why are you here?"

"Pinaalis na ako doon ni Mika. Siya na daw ang mag-aalaga kay Gab."

Umupo si KL sa tabi ni Jin.

"KL."

"Bakit, Jin?"

"Ano nga ba ang kaibigan?"

"Bakit naman ganyan ang tanong mo?"

"Ano ba ang dapat na ginagawa ng isang kaibigan?"

Nagtataka si KL sa tanong ni Jin. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

"What kind of friend am I to almost cause my friend's death?"

Napabuntong hininga si Jin saka ito sumimangot. Hanggang ngayon ay hindi pa din maintindihan ni KL ang kaibigan. Alam niya kasi na alam din nito ang sagot sa mga tinatanong nito sa kanya pero nagtatanong pa din siya.

"Bessy, may nangyari ba sa ospital na hindi mo sinasabi sa amin?"

Umiling siya.

"Walang nangyari, bessy. Bakit ba kasi pinapaalala pa sa 'kin ni Gab ang lahat? Bakit ba kasi nakita niya pa ako? Ang malas niya naman masyado para mangyari 'to sa kanya."

"Based on what I see, both of you are unlucky, Jin."

"Am I really that bad?"

"Hm, to tell you the truth, you’re bad at times. Come on, smile. 'Wag mo sisihin ang sarili mo dahil alam natin na aksidente ang lahat. He’ll be okay soon."

~

Nasa roofdeck ngayon ng ospital sina Mika at Gab at nagpapahangin. Wala kasi silang magawa kaya naisipan nila na lumabas.

"Bakit kaya wala pa din akong naaalala hanggang ngayon?" tanong ni Gab kay Mika.

Hinawakan ni Mika si Gab sa balikat at pinaharap sa kanya.

"Hindi ko din alam, Gab. Maaalala mo din naman ang lahat. 'Wag nating madaliin dahil kusa 'yon na babalik. Gusto mo bang sabihin ko sa 'yo kung anong klase kang tao noon?"

Tumango si Gab at napangiti. Excited na siyang malaman ang ugali niya.

"Mabuti kang tao, 'yon lang ang masasabi ko."

*flashback*

"Mika, masaya ako ngayon," sabi ni Gab sa kasama.

"Bakit ka naman masaya? Dahil ba matataas 'yong grades mo?"

"Hindi, Mika. Konting hintay na lang kasi at graduate na tayo ng college."

"Ah, alam ko na kung bakit. Masaya ka dahil kapag naka-graduate na tayo, magagawa mo na ang gusto mo. Makakainom at makakapanigarilyo ka na hanggang sa gusto mo."

"Hindi."

"Then why? Ang alam ko kasi napapagalitan ka na ni Tito dahil dyan sa mga naging bisyo mo. Simula kasi nang mawala si-- So what's the reason?"

Hindi na naituloy pa ni Mika ang sasabihin niya dahil kapag ipinagpatuloy niya 'yon ay siguradong masisira ang mood ng kaibigan. Ayaw kasi nito na ipinapaalala sa kanya ang namatay na nobya. Simula kasi nang mawala ito ay napariwara na ang buhay niya at nagkaroon na din ito ng maraming bisyo. Kung dati ay hindi ito naninigarilyo at bihira siyang uminom, ngayon ay palagi niya na yung ginagawa at 'yon din ang nagiging dahilan para mag-away sila ng Tatay nito. Dahil din sa mga pagkakaroon ng bisyo ni Gab ay napalapit sa kanya si Mika.

"Ang sarap sa pakiramdam na makakapagtrabaho na tayo at kikita na tayo ng pera na para sa sarili natin. Hindi ko na kailangan pang umasa kay Dad. Kapag ganun, kakayanin ko na din na bilhan si Mafelle ng sarili niyang bahay dito sa Pinas para dito na lang siya ulit titira."

"What's wrong with you, Gab? Kung makapagsalita ka, akala mo, mahirap kayo. Mayaman naman kayo, ah? We all know na kaya sa Japan na tumira si Mafelle kasi nagalit siya sa 'yo. 'Yan tuloy, pinili niyang sumama na lang sa Mommy mo."

"Kaya nga kailangan ko ng sarili kong pera para makuha ko na siya doon at hindi na siya kailangan pang ilayo sa 'kin ng babaeng 'yon. Sisiguraduhin ko din na matino na ako pagdating ng araw na 'yon para mapasama ko na siya sa 'kin. Ayoko na umasa pa sa pamilya ko."

Nagtataka si Mika sa mga pinagsasabi ni Gab. Nakukuha naman kasi nito ang lahat ng mga nagugustuhan nito dahil sa may pera sila pero hindi niya alam na ayaw pala nito na umaasa sa mga magulang niya.

"Mika, tingin mo magiging successful na business person din ako?"

"Anong klaseng tanong ba 'yan?! Syempre, oo! Magaling ka at masipag ka din naman kaya alam ko na kakayanin mong tapatan si Tito."

"Kapag nangyari 'yon, palagi kitang ililibre at lalabas tayong dalawa."

Napakapit si Mika sa braso ni Gab. Mag-best friend na halos ang turingan nilang dalawa. Palagi silang magkasama at nagkukwentuhan.

"Gab, kapag successful ka na, hindi mo na ako kailangan pang ilibre o isamang lumabas. Hanapan mo na lang ako ng boyfriend na kagaya mo. 'Yong mayaman, gwapo at yung tipong magugustuhan ko."

*end of flashback*

"Ano'ng nangyari pagkatapos nun? Naging successful ba ako?"

Napailing si Mika. Dahil sa sagot ni Mika ay sumimangot si Gab.

"Naalala mo ba sina Terrence at Jin?"

"Si Jin ba 'yong babae kanina?"

"Oo, si Jin nga 'yon."

"Sino naman si Terrence?"

"Mahirap ipaliwanag sa 'yo kung sino siya basta Terrence ang pangalan niya. Silang dalawa ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi ka pa din successful."

Ayaw man siraan ni Mika si Jin kay Gab, kailangan niyang sabihin dito ang totoo para maliwanagan na din ito at para malaman niya na dapat ay layuan niya na si Jin.

Pagkatapos nilang mag-usap doon ay bumalik na sila sa kwarto ni Gab at hinayaan na lang ni Mika na manood si Gab sa tv para may magawa naman ito. Alam niya kasi na bored na ito. Iniwan niya na muna doon si Gab dahil may kailangan siyang kunin na gamit sa sasakyan niya na makakatulong sa mabilis na pagpapaalala kay Gab ng lahat. Habang mag-isa doon si Gab ay inilipat niya ang channel hanggang sa mapatigil ang channel tungkol sa mga bahay.

'Bahay?' tanong niya sa sarili.

Inisip niya lang iyon ng inisip hanggang sa biglang pumasok sa isip niya ang itsura ng labas ng bahay na tinitirhan niya. Naalala niya din ang itsura ng swimming pool, parking lot at ang ilang kwarto sa bahay nila.

"'Yong bahay ko!" bigla niyang naisigaw.

Kinuha niya ang jacket na nakapatong sa lamesa sa kwarto niya at isinuot 'yon. Dali-dali din siyang lumabas sa ospital para hanapin ang bahay na pumasok sa isip niya.

'Bahay. Sigurado ako na naaalala ko 'yong itsura nun.'

'Yan ang tumatakbo sa isip niya habang naghahanap at naglalakad lakad sa labas. Nang mapatapat siya sa tapat ng tawiran, nakita niya ang pagbabago ng kulay ng stop light. Galing sa red ay naging green ito. Ang naaalala lang ni Gab, dark green ang kulay ng gate ng bahay na tinitirhan niya. Tumawid siya na hindi iniisip kung ano ang kulay ng stop light at habang nasa gitna siya ng kalsada ay umikot-ikot ang tingin niya sa paligid at nagbabaka-sakaling makita niya ang bahay na tinitirhan niya. Hindi niya namalayan ang tunog ng pagpreno ng isang parating na truck dahil lumilipad ang utak niya. Kasabay kasi ng pag-alala niya sa tinitirhan ay naalala niya din ang itsura ng kapatid niya. Malapit na sa kanya ang truck nang mapansin niya ito. Maswerte siya dahil may taong nakahila sa kanya bago pa man siya masagasaan nito. Nanginginig sa takot si Gab habang dinadala siya ng taong nakahila sa kanya sa sidewalk.

"Ano ba ang ginagawa mo, Gab?! Umayos ka nga! Magpapakamatay ka ba?!" 

Tahimik at nanginginig pa din sa takot ang binata kahit na ligtas na siya. Kung iisipin mo ay para talaga itong bata na walang kaalam-alam sa mundo o kaya wala ito sa tamang pag-iisip. Bukod sa kanya ay kinabahan din ng sobra ang taong nagligtas sa kanya. Napaupo na lang si Gab sa tabi.

"What are you doing here?!"

"Yung kapatid ko na si Mafelle. Galit siya sa 'kin."

"Bakit naman siya magagalit sa 'yo? Ano ba ang ginawa mo sa kanya?"

"Nakita ko 'yong mukha niya. Galit siya sa 'kin. She hates me."

"Your sister doesn't hate you, Gab. Alam mo ba na inaway niya noon ang babaeng nanakit sa 'yo dahil mahal na mahal ka niya? Ganun siyang klaseng kapatid sa 'yo kaya hinding hindi siya magagalit sa 'yo kagaya ng iniisip mo."

"Talaga?"

"Oo, Gab. Kailangan mo na talagang makaalala."

Hanap ng hanap si Mika kay Gab at nakita niya ito na may kasamang babae. Nang bumalik kasi si Mika sa ospital ay nawawala na doon si Gab.

"Bakit mo siya inilabas sa ospital ng walang pasabi?! I've been looking for him everywhere!"

"Hindi ko siya inilabas sa ospital."

"Gab, let's go!"

Itinayo ni Mika si Gab at hinila ito.

"Mika!" sigaw ng babae na tumulong kay Gab.

Napalingon si Mika at hinarap si KL. Siya ang nakakita kay Gab. Papunta kasi sana siya doon sa ospital nang makita niya ito.

"Wala kayong kwentang kaibigan." Deretsahang sinabi ni Mika.

Hindi na naghintay pa ng sagot si Mika galing kay KL at iniwan niya na lang ito. Alam ni KL ang lahat ng mga nangyari dahil naikwento na sa kanya ni Jin ang lahat lahat. Dahil sa nangyari, hindi na nagpilit pa si KL at tinignan na lang ang kaibigan na maglakad palayo kasama ang babae na kahit kailan ay hindi niya kayang pagkatiwalaan.

~

Hindi na umaalis sa tabi ni Gab si Mika at sa tuwing may kailangan siya ay nagpapadala na lang siya ng gamit sa assistant niya. Ayaw niya kasi na mawala ito sa paningin niya at baka bigla na naman itong mawala. Nakaupo sina Mika at Gab sa harap ng fountain sa ospital. Kumakain silang dalawa ng lunch at parehas silang nakatingin sa fountain. Napatingin si Mika kay Gab na bigla na lang tumayo. 

"May naaalala ako, Mika."

"Ano'ng naaalala mo, Gab?"

"Kiss."

"Kiss? Anong kiss?"

"Kiss. May hinalikan ako sa harap ng swimming pool. Ang problema, hindi ko lang maalala kung sino ang babae na 'yon. Hindi ko makita 'yong mukha niya."

"That girl must be me. Alam mo ba na hinalikan mo ako noon habang lasing ka? Nakaupo pa nga tayo nun sa gilid ng pool sa bahay niyo."

"Ikaw pala 'yong babaeng 'yon, Mika."

"Yes, it’s me. Mukhang mabilis mong maaalala ang lahat."

Totoo ang sinasabi ni Mika. Hindi siya nagsisinungaling sa sinabi niya na hinalikan siya dati ni Gab sa gilid ng pool ng bahay nila. Graduate na sila noon at may relasyon sila noong nangyari 'yon. 'Yon ang panahon na nagpapanggap si Gab na boyfriend ni Mika.

~

Bumalik na din ng araw na 'yon sa Pilipinas si Terrence. Kasama niya ngayon si Jin at nagmamaneho siya pauwi sa tinitirhan nilang dalawa. Tumigil ang sasakyan dahil sa stoplight. Nang magtingin tingin si Jin ay may napansin siya na KFC. Bigla niyang naalala na gusto ni Gab ang mashed potato doon. Umandar na ulit ang sasakyan nang maisipan niya na bumili doon.

"Terrence, stop the car!"

"Why? Is there anything wrong?"

Hindi itinitigil ni Terrence ang sasakyan kahit na sinabihan na siya ni Jin.

"Just stop the car. Bababa ako. May nakalimutan ako na puntahan kaya pupunta muna ako doon. I'll see you later at the hospital."

"Saan ka naman pupunta? Ihahatid na lang kita doon."

"Itabi mo na lang ang sasakyan at bababa ako."

Itinabi na lang ni Terrence ang sasakyan at nagmadaling lumabas doon si Jin at tumakbo papunta sa nakita niyang KFC para bumili ng pagkain na alam niyang magugustuhan ni Gab.

~

Naglalakad si Gab sa hallway ng ospital nang makita niya ang nakilala niyang pasyente noon. 'Yon ang lalaki na nagbigay sa kanya ng bubble gum at nagpakilala bilang ‘batman.’ Nakahiga ito sa isang stretcher at buhat buhat ng ilang nurse. Nagwawala ito.

"Batman!" tawag ni Gab sa kakilala.

"Tulungan mo ako! Kinukuha ako ng mga aliens!" sigaw nito.

Hahabulin pa sana ni Gab ang kaibigan pero naisara na ang elevator kaya naman madali siyang naghagdan pababa at sinundan ang lalaki na nagpakilalang ‘batman.’ Nakita niya itong ipinasok sa loob ng isang sasakyan.

"Friend, gusto mo bang sumama sa 'kin?"

Hindi na nagdalawang-isip si Gab at pumasok na lang siya sa sasakyan para samahan ang kaibigan. Napansin ng dalawang nurse ang pagpasok ni Gab sa sasakyan kaya nilapitan nila ito para kausapin.

"Bakit ka nandito?" tanong ng isang nurse.

"Hayaan mo na 'yan sumama kung gusto niya. Wala namang kaso sa 'tin 'yon. Sasamahan mo 'yong kaibigan mo, hindi ba?" tanong ng kasama nito.

"Oo," sagot ni Gab.

Pumayag ang kasama ng nurse na isama na lang din si Gab dahil mukha din itong walang kaalam alam. Isinara at nilock na ng mga lalaki ang pintuan ng sasakyan at umalis sila kaagad doon. Habang umaandar ang sasakyan, nakita ni Gab si Jin.

"Jin.." nabanggit nito.

Gusto niya pa sanang lumabas pero wala na siyang nagawa dahil nakalock na ang pinto.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 17.3K 69
Ang lalakeng makaasta sa kanya na ginawang Physics ang buhay niya, just like her favorite subject itself. Skype Tenefrancia's only way to stay in Spa...
15.1M 357K 62
Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man...
2.6M 60.6K 47
Book 3 of Falcon University Series (Josh & Red's story)
191K 5.5K 36
Minsan may mga bagay talaga na nasa iyo na mawawala pa. Kahit anong pilit nating pagaalaga kung hindi talaga para sa atin wag ng pilitin, masasaktan...