HER EYES TELL Season 1

By RLeightfinity

1.9K 814 36

Zeus couldn't understand how he would feel when he found out that his beloved childhood friend, his Queen, wa... More

DISCLAIMER
PROLOGO - H.E.T Season 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50 - PROMISE
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60 - QUEEN
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65

KABANATA 1

74 19 2
By RLeightfinity

ZEEL LUNARLIA MONTERVERDE

"LUNAR, GISING NA MALA-LATE NA TAYO!!!" Boses iyon ni Sierra mula sa labas ng kwarto ko. Ginigising na ako para sa unang araw namin sa eskwelahan. Kahit na mala granada ang boses niya ay iniintindi ko parin siya dahil magpinsan kami.

"ANO? HINDI KAPA BABANGON DYAN?" Kinatok niya ulit ng nas malakas ang pinto kaya kahit na napipilitan ay bumangon na ako kahit gusto ko pang ipikit ulit ang mga mata ko.

Inis akong humakbang patungong pinto at kunot noong binuksan ito at hinarap siya. Ngunit mas lalong kumunot ang noo ko nang maramdaman ang matigas na bagay na kumatok sa noo ko kaya napapikit ako. Pagmulat ko, nakita ko siyang natigilan at namula.

"A-ay s-sorry akala ko kasi pinto eh... hehehe." Pagdadahilan niya pa para maipagtanggol ang sarili.

"Bumangon na ako, pwede kana bang umalis sa harap ko?" Inis na sabi ko sa kaniya.

"Sana hindi nalang talaga kita ginising, e." Ngumiti siya ng matamis at nagmamadaling umalis sa harap ko.

"Tsss."

Pag alis niya ay isinara ko na ulit ang pinto ng kwarto at walang buhay na nag martsa patungong banyo tsaka nag bihis pagkatos ay lumabas na ako ng kwarto para kumain.

"Ano kaba, Lunar! First day of school... bakit ganyan suot mo?" Bungad agad sa akin ni Sierra na nasa mesa habang kumakain ng agahan.

Natigilan ako at kunot noong binababa ang paningin sa suot kong puting oversized T-shirt at black jeans at kulay itim na sapatos.

"Bakit?" Nalilito kong tanong sa kaniya pagkatapos ay naglakad ulit patungo sa lamesa at umupo sa upuang kaharap niya.

"My gosh! It's so cheap!" Maarteng sabi niya at sumubo ng fried chicken.

Tsss, arte mo.

"Cheap ba?" Tanong ko.

"Oo!" Sagot niya.

"Pangit bang tingnan?" Tanong ko ulit at ngumisi.

"Oo! My gosh!" Pasigaw na sagot niya at pinaikot ulit ang mga mata.

"Edi tanggalin mo yung mata mo, para hindi ka na mapangitan sa suot ko. Simple as that."

Napatigil siya sa pagkain at inirapan ako bago sumubo ulit. "Wala ka nang magandang sinabi! Kumain kana lang kaya. Ang sarap ng ulam, oh."

Bumagsak naman ang paningin ko sa mga ulam na nakahain sa harapan, mukhang masarap nga ang mga ito.

"Umalis na ba siya?" Tanong ko kay Sierra habang naglalagay ng kanin at adobong Manok sa plato ko.

Alam niya talaga ang mga paborito kong ulam. Kaya gusto kong kumain pag siya ang nag luluto, e, kasi masarap. Sumubo na ako ng adobong manok at hindi nga ako nagkakamali, sobrang sarap niyon. Tamang tama yung pagkakatimpla.

"Oo kanina pa, tulog kapa nang umalis siya." sagot ni Sierra sa akin.

Tumango lang ako at tinuloy ang pagkain. Napatingin lang ako kay Sierra nang maramdaman kong nakatitig na siya sa akin. Para siyang tangang nakangiti sa harapan ko at mukha pang kinikilig, siguro ay may naisip na namang kalokohan ang babaeng ito.

"Ayyiee! Pansin ko lang hah, bakit pag siya yung nag luluto madami yung kinakain mo?" Ngumisi siya ng nakakaloko sa akin. Hindi nga ako nagkakamali.

Kumunot ang noo ko. E, ano naman? Masarap siyang magluto, e.

"Kasi masarap." Walang alinlangang sagot ko. Mas lalo namang lumapad ang ngisi niya.

"Masarap naman yung luto ko, ah, bakit kunti lang yung kinakain mo? Ikaw, ah, ang unfair mo sa akin." Ngumuso siya ngunit ilang sandali lang ay ngumisi ulit. Nababaliw na naman ang isang 'to.

"Ang importante, kumain ako."

Napagpasyahan kong tapusin agad ang kinakain ko at baka mas lalo pang dumami ang tanong nitong kaharap ko. Pagkatapos naming kumain at mag ayos sa sarili ay sabay na kaming lumabas ng bahay at nag martsa patungo sa garahe para kunin ang mga motor namin.

"Alam mo Lunar, bakit at anong dahilan kung bakit wala tayong kapitbahay dito sa tinitirhan natin?" Nagtatakang tanong sa akin ni Sierra.

Tumigil ako sa tabi ng motor ko at nilibot ang paningin sa paligid. Napapalibutan kami ng matataas at malalaking puno, may mga bahay naman pero ilang metro ang layo nila sa amin.

"Ayoko ng maingay." at dilikado tayo sa mataong lugar.

Pang ilang beses na niyang natanong ang tungkol dito at iisang sagot lang rin ang sinasagot ko. Hindi naman ako nakarinig ng sagot galing sa kaniya kaya sumakay na ako sa motor ko at pinaandar iyon at sumunod din siya.

Tulad ng nakasanayan namin ay siya ang unang nagpatakbo habang ako ay nasa likuran lang niya. Lagi niya ring tinatanong sa akin kung bakit siya ang dapat nauuna pero lagi ko ring tinatanggi ang totoong sagot.

Para proktetahan siya... iyon lang naman ang misyon ko sa kaniya.

∞∞∞∞∞

"DEL LUNA INTERNATIONAL SCHOOL." Mahinang bulong ko habang nakatayo sa harap mismo ng bago naming paaralan.

Ito na yon?

"Ano? Pasok na tayo?" Nakangiting tanong sa akin ni Sierra at inakbayan ako. Mukhang excited ang isang 'to. Tumango lang ako sa kaniya at sabay kaming naglakad papasok sa Del Luna.

Hindi pa masyadong marami ang estudyante kaya malaya kaming nakakalakad ng walang nakaharang sa daraanan namin. Yung iba ay nakatitig sa amin habang naglalakad sa napakalapad na plasa. Siguro ay nababaguhan lang sa mga mukha namin.

Hindi nakatakas sa akin ang mga bulong bulongan ng mga estudyante nang makita kami.

"Grabe ang laki ng bagong school natin, Lunar. Mas malaki pa ata 'to kesa sa school natin dati sa Maynila nung nakaraang taon, e." Mahinang bulong ni Sierra habang nililibot ang paningin sa malaking paaralan. Halata sa boses niya ang pagkamangha kaya hindi napapansin ang mapanuring tingin ng ibang estudyante sa amin.

Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinasabi ni Sierra dahil naagaw ang atensyon ko sa mga studyanteng nagbubulong bulongan.

"Girl, diba patay na ang babaeng Villa Luna?"

Dinig kong pabulong na tanong ng isang studyante sa katabi nitong babae kaya hinanaan ko ang paglalakad upang marinig pa ang bulongan nila. Hindi naman talaga ako naiintriga sa pinag uusapan nila ngunit parang may nag uudyok sa akin na makinig.

"Yes, girl. Why?"

Sinulyapan ko sila.

"Look at her, she looks like her." Inginuso ako ng babae kaya napatingin din sa akin ang katabi nito at nanlaki ang mata nang makita ako.

"Oh my gosh! Totoo ba ang nakikita ko?" Estranghera pa niyang tinakpan ang bibig.

Tsss, para namang nakakita ng multo.

Kunot noo kong iniwas sa kanila ang paningin at binilisan na lamang ang paglalakad. Hinawakan ko ang kamay ni Sierra kaya naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa akin pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Saka ko palang siya binitawan nang wala na akong narinig na mga bulongan galing sa mga estudyante. Pero hindi parin nakatakas sa akin ang mga matutulis na titig nila. Ano ba kami sa paningin nila at ganyan na lang sila makatingin?

"Sana may mahanap tayong kaibigan dito, 'no?" Nilingon ko si Sierra na nakangiting tinitingnan ang mga estudyanteng nadadaanan namin.

Bumuntong hininga ako.

"Kaya ako pumasok dito para mag aral, hindi para maghanap ng kaibigan." Seryoso sagot ko sa kaniya at ibinallik ang atensyon sa dinadaanan.

"Ang kj mo talaga." Kinurot niya ang tagiliran ko. "Mas masayang mag aral pag may kaibigan ka, 'no!"

"I don't need a friends to be happy. Kaya ko namang sumaya kahit wala akong kaibigan." Seryosong sabi ko na nagpatigil sa kaniya sa pag lalakad.

"Hanggang ngayon ba.... wala ka pa ring tiwala sa akin?" Napatingin ako sa kaniya. May dumaang sakit sa mata niya pero nawala naman agad iyon at napalitan ng mapait na ngiti. "Huwag mo nang intindihin yung sinabi ko." Pagbabawi niya sa sinabi.

Ilang minuto din kaming nag lakad sa napakalapad na plasa bago ko tuluyang natanaw ang mga matataas na building.

"Mauna kana sa classroom." Sabi ko sa kaniya at nilibot ang paningin sa malaking eskwelahan. Maganda naman pala dito, e.

"Bakit? Saan ka nanaman pupunta?" Nakakunot ang noong tanong niya sa akin.

"Diyan lang sa tabi tabi." Sagot ko. Natigil ang paningin ko sa mga puno na nasa gilid ng clinic. Siguro ay makakapagpahinga ako doon ng maayos.

"Anong gagawin mo?" Naiirita niyang tanong ulit sa akin.

"Matutulog." Mabilis kong sagot.

"O, sige sleepy head tutal ay alas 7:11 pa naman ng umaga, 9:00 pa naman ang klase natin kaya papayagan kita, basta 'wag kang magtatagal, ah?" Bilin niya sa akin.

Tumango lang ako at nag paumunang maglakad papunta sa puno ng mangga, tiyak na komportable ang tulog ko doon dahil walang taong dumadaan.

Huminto ako nang makarating sa puno at pinasadahan ng tingin ang puno. Hindi naman masyadong kalakihan at wala pang bunga. Inilapag ko ang bag ko sa gilid at sumandal sa puno para matulog. Kulang na kulang talaga ang tulog ko. Pero hindi pa man lumalalim ang tulog ko nang makarinig ako ng mga yabag. Pero hindi ko iminulat ang mga mata ko at nag panggap pa ring tulog.

Maya maya lang ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko at hindi nagtagal ay naramdaman kong hinawi nito ang buhok na nakatabon sa mukha ko. Ilang minuto ang hinintay ko bago ako tuluyang nag salita ngunit hindi ko parin iminulat ang aking mga mata.

"Bakit mo ako tinititigan?" Seryosong tanong ko dito at naramdaman kong napatayo ito sa kinauupuan.

Ilang segundo lang ay nagsalita ang kung sino.

"W-hy are you sleeping here? M-malapit na mag bell." Nauutal ang maganda at baritonong boses ng lalaki.

"Alam ko." Malamig na sagot ko sa dito. "E, ikaw anong ginagawa mo dito? Naistorbo mo ako alam mo ba yun?" Tsaka pa lamang ako nagmulat ng mga mata at diretso siyang tiningnan. Gusto kong ipahiwatig na naistorbo niya talaga ako.

Napaatras siya nang maaninag niya nang mabuti ang mukha ko. "Queen." Wala sa sariling sambit niya na tila nakakita ng multo.

Kumunot ang noo ko. "Hindi Queen ang pangalan ko." Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Kinuha ko ang bag ko at isinukbit ito sa balikat ko.

"U-uh, y-yeah forget about it," Napakamot siya sa batok niya, halatang nahihiya. Ilang sigundo bago siya nag salita ulit. "Umiyak kaba?"

Lalong kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Bakit niya naman natanong kung umiiyak ba ako? E, natulog lang naman ako.

"Ba't naman ako iiyak?" Tanong ko sa kaniya. Ngumisi ako at umiling, inangat ko ang mukha ko sa araw at agad na ibinalik sa kaniya ang paningin. Nagtagpo ang mga kilay ko nang bahagya siyang napaatras sa kinatatayuan niya. Mukha ba akong nakakatakot? Kung kanina nang makita kami ng mga estudyante ay para silang nakakita ng multo. Ganoon rin ang reaksyon ng lalaking ito.

Unti unti akong humakbang palapit sa kaniya dahilan para tuluyan siyang mapaatras. Napangisi na naman ako nang makitang wala na siyang maatrasan. Tumigil ako sa harap niya. Pumaling ang ulo ko at tinitigan siyang mabuti dahilan para mamutla at mamula sya.

Dumapo ang paningin ko sa makapal niyang kilay. Sa matataas na pilik mata. Sa malalim, mabibilog, at kulay asul niyang mga mata. Hanggang sa bumaba ang paningin ko sa kaniyang mapupula, maninipis at nakakaakit na mga labi. Hindi ko maipagkakailang gwapo siya. Napakaamo ng mukha niya at mukha siyang mabait.

He is like an angel descending from heaven.

Tumuwid ako sa aking pagkakatayo nang mapagtantong kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya. Dahan dahan kong hinawi ang nakatabong buhok sa mukha ko.

"Masdan mong mabuti ang mga mata ko.... at ngayon sabihin mo sa'kin kung umiiyak ba'ko." Seryosong sabi ko at nanlaki ang mga mata niya. Humakbang ako paatras at tinalikuran siya nang maramdamang may nakatingin sa amin.

Hindi ako takot ma isyo, pero ayoko ng gulo. Baka mamaya o bukas ay may bigla nalang susukod at mananampal sa'king mga babae dahil sa pakikipag-usap ko sa lalaking ito. Hindi naman siya mukhang babaero pero sa gwapo ng lalaking ito ay hindi na ako magtatakang may mga babaeng baliw na baliw sa kaniya.

Iniwan ko siya doon at naglakad na patungong classroom. Baka ma-late pako ngayon sa klase at mabingi na naman sa bibig ng pinsan ko.

-RL∞

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...