Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicro...

By PsychopathxXx

1.9M 60.9K 18.4K

Twenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. Th... More

DISCLAIMER
SYNOPSIS
PROLOGUE
1. Secrets Revealed
3. The Breakup Chronicles: Damsel in Distress
4. Uncertainty
5. Glimpses
6. Kidnapped
7. Escaping from Hell
8. Devil Incarnate
9. Kisses and Plans
10. Enigmatic Knight
11. Backfired Enchantment
12. Husband and Wife
13. What Freedom Means
14. Softer Side of His Icy Demeanor
15. Ice and Fire
16. Italya
17. Distressing Aftermath
18. Ambush of Death and Love
19. Lesser Evil
20. What the Heart Says
21. Bloody Who?
22. Choices and Rising Doubts
23. Mysterious Abyss of the Sea
24. Agreement
25. The Last Resort
26. A Whole New World
27. Savior and Alphas
28. Enemies
29. Root of All Evils
30. Joy Amidst the War
31. On Bended Knee
Epilogue: For a Lifetime
SPECIAL CHAPTER

2. Cinderella Version 2.0

51.5K 1.7K 358
By PsychopathxXx

CHAPTER TWO

Limang taon.

Limang taon kaming magkasintahan ni Dylan. Sa limang taong iyon, binalewala pa rin niya ang pinagsamahan naming dalawa. Just for what? For lust. Nakakapanlumo. Masakit sa puso. Hindi ko alam kung paano ko sasanayin ang sarili kong mabuhay sa sakit. The stupid thing is, umaasa pa rin akong hindi iyon ang katapusan.

Maybe, it was still a storm to solidify our relationship. Marami na kaming pinagdaanang dalawa. Baka pwede pang ayusin. If I have to swallow my pride, gagawin ko, just to have him back. Bakit ang tanga-tanga ko? Bakit mahal ko pa rin?

Because love won't vanish after that. Most of the times, love is a poison, it could kill self-worth. Pakiramdam ko iyon ang nangyayari sa akin ngayon. I just can't let go of that poison.

Isang linggo, sinadya kong hindi magpakita sa kanila ng isang linggo. Hindi ako pumasok sa office at hindi rin ako umuwi sa bahay ni uncle Lucas. Nagpalipas ako sa apartment ni Rainbow. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Kahit ang mismong luha ko sumuko na.

Hindi man lang ako nakatanggap ng texts mula kay Dylan. I'm expecting him to call or text me to explain but he didn't. Hinihintay ko ang paliwanag niya. Wala akong natanggap na kahit ano.

Masaya naman kami. Hindi ba? Kaya nga inalok niya ako ng kasal. Alam kong mahal ako ni Dylan. We were both happy and contented. Ako ba iyong may pagkukulang? I know he has needs, hindi ko pa iyon kayang ibigay sa kanya. Hindi ako ready.

Sabi niya, tanggap niya at makakapaghintay siya hanggang sa maikasal kaming dalawa pero bakit ganoon? He cheated. Dylan cheated. And of all people, he cheated with my cousin Xiana. I felt so betrayed.

Nasasaktan ako pero nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Sobrang mahal ko si Dylan, umabot sa puntong hindi ko kayang pakawalan. It was a mistake to call off the engagement. Pinairal ko ang aking emosyon. Binigyan ko ng bakante at espasyo para sa iba.

Letting him go is not an option. Ayokong magpadala lang sa galit at sakit dahil baka pagsisihan ko sa huli.

I looked at myself in the full-length mirror. I combed my hair and tied it. Dark brown ang kulay nito at may ilang blonde highlights. Nakasuot ako ng corporate attire.

Balak kong pumasok ngayon sa opisina. Hindi naman habangbuhay na akong magtatago sa kanila dahil nasasaktan ako. I have to face them. Para maayos ko na rin ang gusot sa pagitan namin ni Dylan. Hindi ko nga lang alam kung paano ko pakikitunguhan si Xiana.

I sighed.

Sigurado akong tambak na ang trabaho ko kay uncle Lucas. Alam kong ilang sermon din ang aabutin ko 'pag nagkataon. Istrikto ito at nakatutok sa pagkakamali ko. Isa pa, halos isang linggo akong pumasok. Hindi ko alam ang naghihintay sa akin.

I was eaten by my heartbreak, I couldn't even function.

Stop being so negative, Aramis.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos. I put light make up on my face to look presentable. Tinakpan ko ng concealer ang dark circles sa ilalim ng mata ko. I smiled at myself. Lumabas ang dimple ko sa magkabilang pisngi. Muli akong napahinga nang malalim.

This is it, pansit.

Bumaba ako ng taxi matapos ko itong bayaran. Nagpasalamat din ako sa driver. Kinakabahan ako. My hand was cold sweaty. Gusto ko ngatngatin ang kuko ko sa kaba.

Hinagod ko ng tingin ang sixteen storey building ni Uncle Lucas.

Daily Journal Corporation.

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng building. May thirty minutes pa ako para sa saktong time ng pagpasok. Binati ako ng guard and I smiled at him politely.

Pagpasok ko sa loob, hindi ko maiwasang punahin ang tingin ng mga empleyado. They're looking at me weirdly. Pakiramdam ko'y meron silang alam na hindi ko alam. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad sa elevator.

Solo akong lulan ng elevator. Walang nakaka-paranoid na tingin ng mga tao. Buong floor ang sakop ng opisina ni uncle Lucas. Sa labas naman nito nakalagay ang circular desk ng kanyang secretary which is me. At isang mahabang sofa, para sa mga client na maghihintay pa sa labas.

Walang pinagbago, maliban sa babaeng nakaupo sa secretary's chair. Lumapit naman ako rito at ngumiti. Nang maramdaman nito ang presensya ko ay agad na nag-angat ito ng tingin.

"Do you have an appointment scheduled today, ma'am? Your name please." she asked.

Natigilan ako. "Uhm..." What do I say? Pareho yata kaming confused na dalawa.

Tinaasan ako nito ng kilay.

"Pardon. But who are you?" hindi mapigilan isatinig.

I didn't want to offend her, but it sounded offensive. Gusto kong kastiguhin ang aking sarili.

Nangunot ang noo nitong nakatingin sa akin. "What?" Naguguluhang tanong ng babae.

"What are you doing outside Sir Lucas Eduardo's office? 'Di ba officially for secretary ang desk na ito?"

"Why I shouldn't be here? I'm the secretary, obviously," she rolled her eyes. Ngumisi ito nang mapang-uyam. "Are you stupid or just plain dumb? Oops, no offense meant. I'm asking a question,"

Hindi ko pinansin ang mayabang niyang turan.

"You mean temporary?"

"No. I was just hired last week," sabi niya na nakapagpakunot sa aking noo. "Why am I even telling it to you? It's none of your business." Lalong tumaas ang kilay nito. "At mukha ba akong pang-temporary lang?"

Wait... what?

Uncle Lucas hired someone to be his secretary. At hindi temporary. Does that mean... he didn't fire me!

Maybe, he did for my absences.

Paano ako?

Bakit ba nagsabay -sabay ang konsumisyon ko sa buhay?

Bakit bigla na lang akong nawala sa picture? Mas hindi ko alam kung mao-offend ako sa tono ng pananalita ng babaeng nagpakilalang sekretarya. I mean, she doesn't know me personally, pero nangibabaw ang salitang temporary na para bang nang-uuyam sa kalagayan ko ngayon. I was Dylan's long term, but swapped with a temporary happiness.

The mockery.

I shrugged it off. I have to stay positive, no matter what. Positivity na lang ang mayroon ako. Of course, there's always a reason for everything. Ang dami kong toxic positivity sa katawan. Pero ngayon, kailangan ko maging positibo kung hindi baka lalong gumuho ang lahat sa akin.

Muli kong nginitian ang babaeng nasa harapan ko na para bang walang tensyong nangyari sa aming dalawa. Cool pa naman ako, kailangan kong mas lawakan ang pang-unawa. I cleared my throat.

"Miss, and'yan ba ang boss mo?"

Tumango ito. "But wait "

Nagmadali akong naglakad papasok ng office. Alam ko ang kalakaran, malamang hindi na ako makakapasok ng opisina ni uncle kung maghihintay pa ako ng appointment. Hindi na ako nag-abalang pakinggan ang kanyang sekretarya sa patuloy nitong pagtawag sa akin.

I'll just apologize to her later after this. Diretso akong pumasok sa loob. Pinamulahan ako sa nadatnan. I'm so lucky today in a sarcastic manner.

They're having a meeting. The board members are having a meeting and I'm dead. Matalim na nakatingin sa akin si Uncle Lucas nang magawi ang mga mata niya sa akin. Everyone's looking at me. Sino ba ang hindi mapapatingin? I just barged in without notice.

Unprofessional, Aramis!

On the other hand, alam kong wala na akong ibang pagkakataon pa para muling makausap si uncle Lucas. He would shut me out of his life permanently.

Hindi. Babalik na lang ako pagkatapos ng meeting.

"I'm sorry, gentlemen." I bowed my head to show my sincerity.

I turned my back to go out of Lucas Eduardo's office.

"What is it, Aramis? Anong kailangan mo?"

Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni uncle Lucas. I stopped on my track and looked back at them.

"S–sir... G–good morning ladies and gentlemen." I politely greeted them. Sinalubong ko naman ang galit na tingin ni Uncle. "I'm sorry to interrupt and I don't mean to intrude but may I have a minute with you, S–sir Lucas,"

Walang umimik sa mga kasamahan n'ya. They just nodded at me, as if in recognition of my desperate voice. Andito na rin lang ako, mabuti nang sabihin ang sadya ko.

"Sorry sir. I wasn't able to stop her," sabi ng kanyang bagong sekretarya habang nakatungo, kasunod ko lang ito sa pagpasok.

He cleared his throat and motioned his secretary to leave. He's still giving me a dagger look. Gusto kong yumuko sa kahihiyan. Alam kong mali ako, dapat naghintay ako sa labas. I was about to go when he stopped me. Pero sa lahat ng nasa kwartong ito, ako ang tunay na nakakakilala kay uncle. And I know, this would be the last time I would have the chance.

"What's with sudden the visit Aramis? It must be important. Sumugod ka rito ng nasa kalagitnaan kami ng pagpupulong."

Huminga ako nang malalim at humingi ng paumanhin sa mga taong na-istorbo ko. Napaka-unprofessional ko!

"Well, can I talk to you privately, sir?" I gulped.

I couldn't take their scrutinizing stares. As if I'm in a microscope and they see every detail of my being.

"You entered the room without our permission. And you want me to leave them so we could talk, don't be inconsiderate. You can also tell the board what you want to tell me," seryoso nitong wika.

Mali. Maling hindi ako dumiretso kanina palabas noong may pagkakataon pa.

I sighed. Tumikhim ako at hinigpitan ang kapit sa aking bag. "I am sorry for interrupting your business with the board, Sir. They're not involve with the issue, paumanhin po, kaunting minuto lang po sana ang hihingin ko."

"If you can't tell them what you have to tell me, then leave. We don't need you here," ma-awtoridad nitong wika. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig. Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Mas lalo akong nahiya sa kanilang tingin at tahasang pananalita niya.

Kalma. Kalma, Aramis.

"I was just wondering about the new set-up, paano na po ang magiging trabaho ko sa inyo, Sir? Hindi po ako na-inform na mayroon na pong bago sa posisyon sa pagiging sekretarya." I tried to stay calm pero kabadong-kabado ako.

"Why should I inform you about that matter? I'm your boss and you're just my employee," he emphasized the word employee. Pinararating niya kung gaano siya kataas, at maaari niya lang akong apak-apakan. Napakuyom ang kamao ko.

"Uhm... how about me?" mahina kong tanong.

He faked a sigh. "Isn't it clear to you?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin ng may antisipasyon. Kagaya ng pagkagimbal ng buong pagkatao ko sa pagkahuli kay Dylan at Xiana sa private room nito. Ganoon din ang epekto ng sumunod niyang sinabi.

"You're fired,"

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Did I hear it right? I gasped hard.

"W–what, s–sir?"

Tigagal ako.

"You looked surprised." Nang-uuyam itong ngumiti. "My company doesn't settle for less. And I don't need an incompetent secretary, Aramis. Sana alam mo iyon. Thank you for your two years service."

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. "T–that's unfair, S–sir! You can't just fire me with that lame reasoning. I worked hard for that two years. Lahat ginawa ko po para sa inyo at sa kompanya without compensation. I am questioning the validity " halos habulin ko ang paghinga. Ilang sandali na lang alam kong maiiyak na ako.

"Don't question my decision. After all, I'm your boss, I'll do what I want,"

Hindi ko nagawang makaimik pa. Is he for real? Namamasa na ang mata ko.

I never even had a vacation nor a rest day. Laging overtime pa ako sa trabaho. Hinayaan ko iyon dahil kamag-anak ko naman sila. Alam ko namang mali akong hindi ako nakapagpaalam ng halos isang linggo. I was too broken to think of anything.

Akala ko maiintindihan ko... because I did everything for them and for the company.

Ngumisi siya sa akin na parang nababasa ang aking saloobin. "Yes, I can, Aramis. Now, leave. Leave this company before I call the guards."

It wasn't his company. It was the Eduardo's. My surname speaks the same volume as them. But what can I do?

It was cruel. Alam niyang wala akong ibang matatakbuhan at malalapitan. I have no one with me. Wala na rin sa akin si Dylan o kahit si Xiana.

It hit me like a truck. Hard and beyond repair. Pakiramdam ko paulit-ulit akong nadapa.

Muling bumukas ang pinto bago pa man ako makalabas ng opisina ni Lucas Eduardo. Pumasok ang isang taong kung maaari lang ay ayoko nang makita. She's with Dylan. Magkahugpo ang kanilang mga palad. Kitang-kita ko ang ngisi ng tagumpay ni Xiana na mas lalong nakapanghina sa akin.

Pinilit kong hulihin ang mga mata ni Dylan pero sadyang mailap ang mga ito. Hindi niya ako magawang tingnan.

"Well, well, well," like an antagonist witch, she resembled like that. "The bitch is here! Hello everyone! Tamang-tama lang pala ang dating naming dalawa."

Malutong itong tumawa at nginisian ang lahat ng nasa loob. My knees were weak to move. I wanted to run outside the office, I can't.

"Daddy fired you, is that true my dear cousin? Oh, how awesome!" She grinned at me. "Good riddance, then. But since, you are still here in the office, of course, the board members, I gladly announce that I'm engaged with this man beside me. What a celebration, right? For my engagement and Aramis is finally out of our lives!"

Parang nabingi ako sa narinig. I stared at him. I stared at the love of my life with his elusive eyes. "Dy..." Hindi niya ako binalingan ng tingin. "D-dy..." pagsusumamong tawag ko sa lalaki. He looked away.

"D-Dylan..." My voice cracked.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang lisanin ang lugar. Lumakad ako palabas sa kwartong iyon ng hindi makapaniwala sa nangyayari. Gusto kong umiyak pero pati yata ang mga luha ko ayaw akong damayan.

May ginawa ba akong masama? Did I murder someone in my past life? Kaya ganoon na lang ako parusahan ngayon? Hindi ko pa rin maintindihan ng tuluyan ang mga nangyari. And somewhat, they're my family. How come? How come can they be this cruel?

"Yes. I'm sorry, sir. I wasn't informed the visit is today. Yes, yes. It was a sudden visit, yes, I'm sorry. Okay, sir. I'll assist Mr. del Fuego. He's waiting in the lounge area. Yes, sir."

***

Dumiretso ako sa mansyon ng mga Eduardo. Agad akong pinapasok sa subdivision, it was my shelter for years. Ang mansyon ng mga Eduardo ang nagsilbing matutuluyan ko ng ilang taon. Gusto kong bumukod sa pamilya ni Lucas Eduardo pero hindi ko magawa. That was my plan when I reached eighteen.

The maids let me in, but they seemed hesitant at first. Mukha silang tensyonado habang hinahayaan akong pumasok. The familiar atmosphere welcomed me. The feeling of being unwanted.

Nagsusumigaw iyon sa buong kabahayan. I don't feel like I belong in the mansion. Iyon naman talaga ang pinapamukha nila sa akin, simula pa lang. Isa akong sampid. Wala lang silang choice kung hindi patirahin ako sa kanilang pamamahay. I'm a mere responsibility for them.

Xiana treated me nicely, she's like a sister to me. Siya ang tanging rason kung bakit natiis kong tumira sa mansyon. Even her was gone. Ilang punyal ang tinarak niya sa akin ng gawin nila ni Dylan ang panloloko sa akin. She betrayed me.

"Ah, ma'am Ara, wala po rito si Senyora," Laila approached me.

Mukhang itong hindi mapakali. "Ma'am Ara, hintayin niyo na lang po siya sa sala. Ipaghahanda ko po kayo ng meryenda,"

Tumigil ako sa pangalawang baitang ng hagdan para harapin ang babae. Laila's almost around my age so I didn't bother calling her ate. Magka-edad lang halos kami ng mga katulong sa mansyon. Ayaw kasing kumuha ni auntie ng medyo may katandaan na dahil madali raw itong pumalpak. At wala pang katulog na nakakatagal sa paninilbihan sa mga Eduardo. Kahit ang pinakamatagal na katulong na si Nana Alicia na nagsimula pa noong buhay pa ang magulang nina daddy, tinanggal din ni auntie sa serbisyo.

Certainly, this mansion was where my daddy grew up, kaya hindi ko rin magawang iwanan, dahil kahit papaano ramdam ko ang presensya niya rito.

"Why? Don't tell me bawal na rin ako rito?" I joked.

Pero kinakabahan din ako sa aking sinabi. Are they throwing me out of their lives for real? My palms become sweaty at the thought. Tinanggal na nila ako sa trabaho.

Saan ako pupulutin? Wala na akong stable job. Para namang napaka-Cinderella ng dating ko noon, and I still believe they are not that bad. Wala naman akong balat sa puwet, but why is this happening? Sunod sunod na dumating ang mga problema.

Nagmamadali masyado ang problema? May lakad?

Bahagyang ngumiwi ito sa'kin at nag-iwas ng tingin.

"Ano po kasi..."

"What?"

"Thank you for calling me, Sandra."

Natigilan ako nang marinig ko ang matinis na boses na iyon it was aunt Victoria. She was smirking at me. Wearing her Prada classic pumps, partnered with a signature dress, she walked with grace, humahampas pa ang baywang nito sa sa hangin.

Lumapit siya sa kinatatayuan ko. She's in her early fifties. But with technology, she looked slightly more sixties. Napangisi ako.

She looked at me from head to toe. Para bang inaalisa ang buong pagkatao ko. Nakaramdam ako ng kaba. She could be mean sometimes, lalo na sa akin. I tried to smile pero pakiramdam ko ay nauwi lang iyon sa ngiwi.

I'm not really comfortable talking to her or ever stand in the same room with her, kaya madalas akong magkulong sa aking kwarto kapag nasa mansyon. She's in a good mood, kitang-kita iyon sa kanyang mukha. Siguro naman, hindi niya ako tataryan o siguro, slight lang.

"What a surprise! What brought you here, Ara? Buti naalala mo pang bisitahin kami,"

Naguluhan ako sa sinabi n'ya. "G-good morning, aunt." It was eleven-fifty seven. Still morning.

"Dumaan lang ako to get my things," I said politely.

Kahit gaano pa nila ako alilain, I still have respect for them. Iyon ang tinuro ng mga magulang ko and I don't want to lose that because they are not treating me nicely, wala naman iyon, after all it was the right thing to do, respect them. Minsan lang talaga hindi ko lubusang maisip ang harshness nila sa akin.

"Excuse me po," paalam ko bago ko naisipan ang aking sadya.

Seeing her now, I'm decided. Dapat matagal ko ng ginawa, but well, at least now nagkalakas na ako ng loob. Isa pa, we're not really in good terms. Wala na rin naman akong papel sa kanila, wala na rin akong trabaho sa kompanya. Hindi na si uncle ang pagtatrabahuhan ko. I should live my life alone.

"Where are you going?" she arched a brow.

"M-my room,"

"Where is that? I believe you don't have a space here anymore,"

Nangunot ang aking noo, hindi ko siya maintindihan. Alam ko ang lugar sa pamamahay na ito bilang sampid, but she didn't make sense.

She laughed sarcastically. "You looked surprised? Hindi mo ba naintindihan? Wala ka ng lugar dito Aramis. Well, I'm glad if I don't see your face here again,"

I heard it right. And she's smiling widely.

Hindi ko na alam ang iisipin. Sunod sunod naman yata ito. Ayaw na ring isa-sahin ng isipan ko dahil baka hini ako makalabas dito ng hindi umiiyak. Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya. "I know, aunt. It's an old news." Sumulyap ako sa buong kabahayan, ito na ang pang-huli kong pagtapak, bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Don't worry, it'll be the last. But let me just get my things upstairs,"

Nakapameywang ito habang nagsalubong ang mga kilay. "What things?"

Patience. I reminded myself. "My things. Like personal stuffs. Iyong mga damit ko po sa itaas. Mga libro at ibang kagamitan."

She smiled. "I forgot to tell you, I already told the maids to clean your old room and burn all the things there, including your things, of course. Ang sagwa kasi tingnan, ang kalat-kalat. That would be a guest room, nakakahiya naman sa bisita kung hindi agad lilinisin,"

What? Did I hear that right?

Medyo bobo ka, pero hindi ka bingi, Aramis.

Kinalma ko ang aking sarili sa narinig. My heart was pacing fast and hard. Gusto ko siyang sigawan, gusto kong magwala. Wala siyang karapatang sunugin ang mga gamit ko! What's the point? The deed was done. Kahit anong galit, pag-eeskandalo at pagsigaw ang gawin ko, wala akong mapapala. Hindi noon mababalik ang mga sinunog niyang gamit. Ilang ulit akong nagpakawala ng paghinga.

Ang mga libro ko. All the pictures I have of my parents. All those sentimental things. Kinagat ko ang labi ko.

She's hopeless. I'll give her that. Hindi ako mananalo sa mababaw ang pag-iisip. Tama na umalis na ako.

"Well, I'm leaving." deklara ko. Hinding-hindi na ako rito babalik. "Thank you very much for everything," nginitian ko siya at naglakad patungo sa main door. My smile quivered. Nanginginig pa rin ang buong kalamnan ko.

Ngiting tagumpay ang isinagot sa akin ng magaling kong tiyahin. Bago ko pa man tuluyang ihakbang ang aking mga paa palabas ng mansyon ni Lucas Eduardo, muli kong nilingon si aunt Victoria. Nakaabang pa rin s'ya sa paglabas ko ng kabilang bahay.

"Your dress and lipstick suit you well," I said. Walang emosyon.

Mas lalong nagliwanag ang kanyang mukha. "Of course, it's beautiful, these cost your life," tumawa pa ito ng nang-uuyam.

I gave her my sweetest smile. "No, I'm not talking about how beautiful your dress is, it perfectly suits you, well... it made you look like a witch " I'm praising myself for not stuttering. " and did a great job defining you as a horrible person. Matchy matchy ang outfit," I winked. "And did I tell you how hopeless you are. I feel sorry for you, Aunt."

Iniwan ko siya roong nakatulala. All my life, wala akong ibang ginawa kundi ang sundin sila and it was my first time to talk back. Well, hindi naman masamang paminsan minsan ma-experience ko. It feels so good. It made me feel at least a little better, sa simpleng bagay na iyon, I made her speechless.

Pagkalabas ko bumungad sa akin ang flashy sports car sa hindi kalayuan. Madali talaga nitong makukuha ang atensyon ng tao, it's the limited edition black La Ferrari Aperta I'm talking about! Biglang naglaho ang sama ng loob ko dahil sasakyan. I'm not into cars but I know that one since Dylan wants it so bad. I sighed.

Dylan again. I should let myself rest thinking of negative thoughts.

Ilang beses kong sinulyapan ang kotse dahil talagang namanangha ako. Pakiramdam ko nakita ko rin ang paborito kong artista sa personal.

I let my imagination engulfed my being. May bababa sa sasakyang iyon, susunduin ako, he'll kiss me passionately and with love. Just like what was written in stories. Mahal ko si Dylan, pero hindi siya ang nakikita kong taong gagawa noon.

For the last time, tinitigan ko ang sasakyan. Sana lang, walang tao sa loob nito. Ito na ang huling beses kong makikita ang sasakyan. Hindi ko sigurado kung may tao dahil heavily tinted ang kotse.

Napatawa ako sa mga naiisip ko. Nakakabaliw din ang mga problemang ito! Tama na nga! Kung totoo lang sana iyong pantasya ko, edi tapos!

How I wish there's a knight in shining armor to save me from this misery and distress. Kaso hindi fairy tale ang buhay.

How I wish...

Continue Reading

You'll Also Like

113K 5.1K 25
Mahirap mag Move On pero mas mahirap mag Hold On sa taong binitawan ka na. Naka Move on na ako noh. Gusto nyo ako pa mag kasal sa kanila eh. Pakingga...
149K 2.4K 16
Quency Alshannie Duarte was still stuck into her past after all these years.
628K 42.1K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
1.5M 37.8K 70
WARNING CONTAINS [R18] Chantel Paige Delavine, daughter of the Delavine's. Perfect living girl, who has it all, the beauty, charm, talents and brain...