---DAY 2---
"okay class, sa araw na ito ay amazing race but individual, i have given you your maps to guide you sa sequence ng bawat stop."
tinignan ko ang map ko, sinuri ko ng mabuti at minemorize ang sequence dahil alam ko maya-maya'y wala na akong time na tignan ang mapa.
okay ito ang sequence:
1. cafeteria.. (hmm, hindi rin gutom yung gumawa ng sequence noh? hehe)
2. library
3. entrance hall
4. guardhouse
5. rooftop
"another reminder class, sa bawat location ay may representative, ibibigay lang nila ang papel na kaylangan mong sagutan pero ibubulong mo lang dapat. kapag nakatama ka pwede mo nang puntahan ang susunod pero kapag nagkamali ka, hindi ka papalayain bagkus itatali ang kamay mo sa stick na dala nila for 5 minutes, after 5 minutes pwede ka na ulit umalis at humabol sa iba"
andito kami sa labas ng school, sa mismong gate. nakaline-up na kami, si grace nasa far right, si karel nasa far left, ako nasa gitna. nang may kumalabit sa akin
"ay jusko!..erwin? anu ginagawa mo dito?"
"siyempre, hindi ako papayag na ikaw lang ang nasa unahan noh" at ngumiti siya ng nakakaasar. this time, tatalunin ko na talaga siya
"everybody ready!.." yan na, pinosisiyon ko na mga paa ko
"get set!!..." yan na..yan na
*puttoookk!!! xD
at heto, takbo naaaaaaaaaaaa!!!!!!
i was the lead runner ulit, then sa peripheral vision ko, nakita ko si erwin..pantay kami ng takbo, but binilisan ko parin.. okay, first stop CAFETERIA!, nasa may bldng na kami nang lumiko ako sa shortcut na alam ko papuntang cefeteria, at mukhang gulat naman si erwin..hahahaha ano siya ngayon?
at sa sinuutan kong shortcut, nakalabas ako sa may garden at takbo kaagad sa cafeteria, then i saw a student na alam ko eh taga 4-4
"congrats, ikaw ang unang nakaratng dito ^^" maganda siya, mukhang mabait. at may inabot siyang papel sa akin
tanong:
---it is an arrangement of materials that allows the continuous flow of electrons of charge?---
hmm..at ayon sa masusing pagrereview ko kagabi
"electric circuit"..bulong ko sa kaniya
"tama!" at sa pagkasabi niyang iyon ay nakadating na si erwin
"takbo na" sabi niya..mabait siya ^___^
at ayun tumakbo na ako.. pero hindi pa ako nakakalayo when i heard erwin say
"oh! ikaw pala!" at hindi ko na narinig pag-uusap nila dahil nga nakalayo na ako..
alright, next stop
LIBRARY!.. malapit lang naman ang library sa cafeteria, tatakbo lang ng 2 block, liliko sa kanan at akyat na hagdan and viola ! im here.
inabot sa akin ni guy yung papel
---give an example of a direct current source---
"dry cell, wet cell" bulong ko sa kaniya, nag-nod naman siya at saka tumakbo ulit ako.. its so easy..hehehe, saktong paalis na ako nang dumating si erwin.. wahahaha, talo ka ngayon erwin :P
next stop
ENTRANCE HALL..
yey! lapit ng library sa entrance hall kaya nakapunta kaagad ako doon
"wow ate, you're the first! ^^"
"hehe"
inabot niya sa akin yung papel at binasa ko naman ito sa isipan ko
---made use of kite experiment and found out that lightning is an electricity---
OMG! napaisip ako.. wala toh na nareview ko, huhuhu..kaya tinali ni guy ang wrist ko sa stick niya..huhuhu maya-maya, dumating na si erwin, and i saw him smile na nang-aasar..grrr
binasa na niya yung papel na inabot sa kaniya at may binulong siya dito.. nag-nod yung guy then umalis na si erwin..issshhh, malalagot ka sakin erwin..asdfghjkl !!
well, after 5 minutes, pinalaya na din niya ako, at sa pagtakbo ko paalis, naaninag ko na paparating na din ang iba ko pang mga classmate
next stop, GUARDHOUSE!..
at dahil malapit iyon sa gate ng school, ala ey naghirap akong tumakbo kahit hingal na hingal na.. at natanaw ko na ang guarhouse, nakita ko doon si erwin.. errr.. nakatali ang wrist niya sa stick nung guy..wahaha, wawa k naman
inabot sa akin ni guy yung papel
--- it converts electrical energy to other forms of energy---
i smiled
at binulong ko kay guy
"load"
he smiled and nod... at tinignan ko si erwin, hahaha, kawawa.. nginitian ko siya ng nakakaloko..hehehe, sarap asarin nito oh, mukhang naaasar eh, hahahaha. at tumakbo na ako..wheeeww last stop
ROOFTOP
hahayyy!, sa last stop na talaga ako maghihirap na puntahan, bukod sa tuktok ito ng school eh malayo paang guardhouse sa bldng >___<
heto,takbo takbo takbo takbo..
aaaaaarrgghH!!, grabe, 2nd floor palang ako pagod na? eh 5th floor lang naman kasi yung rooftop >.<
finally! binuksan ko an yung door sa rooftop at nagulat ..actually, kinabahan din.. because, its... him..
"c-carlo?"
"ren?", nagtataka yung tono niya, yung tipong kinakabahan din, oo nga pala.. hindi ko pa naibanggit sa inyo dear readers na lumipat na ng 4-4 si carlo, dont know the reason ..kaya lahat ng nagbigay ng katanungan at ang mga naging stand ay mga taga 4-4.
"ito oh" at inabot niya sa akin ang isang papel..
"t-teka, hindi ito yung tanong haa"
"a-ako yung gumawa niyan, na sayo ko lang itatanong"
ang tanong:
---ren, im really sorry, but still, mahal pa rin kita, mahal mo pa ba ako?---
natulala ako, hindi ako makasagot
nang bigla niyang tinali ang wrist ko
"dahil hindi ka makasagot, dito ka sa tabi ko for 5 minutes"..halaaaaaaa!!
"t-teka ! gusto ko manalo" pagpapakaawa ko sa kaniya habang siya eh tinatali and tali sa wrist niya..so bale nakatali yung dalawa naming wrist sa iisang tali.. magulo ba?..argh!
"c-carlo, wala naman sa electricity yung tanong mo eh"
"i just want to know"..urgh, feeling ko parang maiiyak nanaman ako, im starting to move on, and now his here telling me he still loves me? tutulo na luha ko
"p-please carlo, sinaktan mo na ako..a-ayoko na..please"
"ren hindi ako titigil, hanggang bumalik ka na sa akin"
"hindi na siya babalik sa'yo" nagulat kami sa nagsalita.. and as usual, sino ba ang sumusunod sa akin ? edi si erwin
"e-erwin"
"asan yung tanong?"
hindi nagsalita si carlo, nang biglang hablutin ni erwin yung hawak kong papel..binasa niya ito
"alam mo dude, hindi ka na niya mahal, kita mong nagmomove-on na siya sa'yo tapos ikaw itong hihilain siya pabalik..hindi siya soccer ball na matapos mong sipain eh hahabulin mo bigla"
"e-erwin..t-tama na"
tila akong multo dito, hindi pinapakinggan ni erwin, nakatingin lang siya ng diretso sa mata ni carlo
"nasagot ko na ang tanong, pwede mo na rin siguro siyang PAKAWALAN"..at diniinan pa talaga ni erwin yung salitang pakawalan... hindi parin kumikibo si carlo, kaya si erwin na yung kumuha ng kamay ko at tinggal yung tali at hinila na ako palayo.
nasa may pintuan na kami ng rooftop nang sumigaw si carlo
"ren! i still love you! hindi ako titigil!" napapaiyak na talaga ako, diba ikakasal siya sa iba? at pumayag siya sa kasalang iyon?. ano ngayon ang ginagawa niya?.. naramdaman siguro ni erwin na iiyak na ako, kaya binitawan niya kamay ko, at doon ko naisipang tapusin na ang race na ito..last stop
CLASSROOM
takbo lang akong takbo, nakarating na ako sa classroom at may iisang tao lang doon na maglilista ng pangalan, pinalista ko na pangalan ko at saka umupo.. hindi ko na napigilan ang iyak ko, yumuko ako ..at sa oras na iyon, dire-diretso nang tumulo ang mga luha ko
ako nga ang nanalo, pero ang puso ko hanggang ngayon talo padin...