Suarez Empire Series 1: My He...

By Warranj

2.7M 100K 15.4K

She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will thei... More

Disclaimer
My Heaven in Hell
Characters
Prologue
MHIH 1
MHIH 2
MHIH 3
MHIH 4
MHIH 5
MHIH 6
MHIH 7
MHIH 8
MHIH 9
MHIH 10
MHIH 11
MHIH 12
MHIH 13
MHIH 14
MHIH 15
MHIH 16
MHIH 17
MHIH 18
MHIH 19
MHIH 20
MHIH 21
MHIH 22
MHIH 23
MHIH 24
MHIH 25
MHIH 26
MHIH 27
MHIH 28
MHIH 29
MHIH 31
MHIH 32
MHIH 33
MHIH 34
MHIH 35
MHIH 36
MHIH 37
MHIH 38
MHIH 39
MHIH 40
MHIH 41
MHIH 42
MHIH 43
MHIH 44
MHIH 45
MHIH 46
MHIH 47
MHIH 48
MHIH 49
MHIH 50
MHIH 51
MHIH 52
MHIH 53
MHIH 54
MHIH 55
MHIH 56
MHIH 57
MHIH 58
MHIH 59
MHIH 60
MHIH 61
MHIH 62
MHIH 63
MHIH 64
MHIH 65
Epilogue Access
SOON 👀
My Heaven In Hell (book version)

MHIH 30

36.1K 1.2K 235
By Warranj

Salubong ang kilay ko nang tingnan si Hellios sa mga mata. He was staring straight into my eyes like he didn’t say something unbelievable.

“Remember what I told you before? Don’t say anything unless you mean it. I might misinterpret that, Hellios!”

He raised a brow at me, giving me a smug look.

“I did mean whatever I told you. Seryoso ako, Chloe. I want to marry you. And if you’d ever say yes, I would gladly marry you tonight.”

Hindi ako nakasagot, natulala sa kaniya. Umawang ang labi ko bumilis ang ritmo ng puso. Hindi siya seryoso, ‘di ba? Seryoso nga daw, Chloe! At ang sabi, kapag um-oo ka ngayon, ngayong gabi rin ay pakakasalan ka niya!

Dinala ko ang palad sa noo niya at sinalat ito. “Are you okay, Hellios?”

He chuckled and tigtened his hold on my waist. He even nuzzled my neck and continued chuckling there as if he found my question funny.

“My baby can’t believe it, huh?”

Iniyakap ko ang mga kamay paikot sa likod niya at itinuon ang noo sa balikat niya.

“Marriage is a serious thing. Sabi nga nila, ang kasal ay hindi parang mainit na kanin na pag napaso ka, iluluwa mo na. If you wanna marry me, you must be sure about me. That I am the woman who you want to end up with. And what’s with the rush?” I laughed softly.

“Hindi ko alam kung ilang beses ko na sinabi sa’yo kung gaano ako kasigurado pagdating sa’yo. Maybe it’s still not enough? Or you’re not taking my words for serious whenever I say them to you?”

I sighed when I heard the sulkiness in his deep voice. “It’s not like that. Naisip ko lang parang ang bata pa natin-”

I was cut off by a low groan. Tumunghay ako, gano’n rin siya. Nagkatinginan kami at busangot ang mukha niya.

“I’m already twenty nine and you are twenty six. Ilang taon pa bago mo ako payagan na pakasalan ka?”

Ngumuso ako. “Ang bata pa kaya no’n!”

Hilaw siyang natawa. “Really, huh? If I have met you when you were still eighteen, I would have surely asked you to marry me!”

“Bakit ka nga kasi nagmamadali?”

Huminga siya nang malalim at iginilid ang ilang hibla ng buhok mula sa pisngi ko.

“Honestly, I don’t know. I just want to secure you. I’m afraid not to be the man for you. I know I’m still not worthy of you, Chloe, but I want to fight for my spot in your life.”

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. “You don’t have to fight for your spot anymore, Hellios. May lugar ka na sa buhay ko at hindi ‘yon basta-basta matatabunan.”

“Sa ngayon, oo. Paano sa mga susunod na buwan… taon?”

Natawa ako. “I don’t get you. Where are you coming from?”

He breathed out, lowered his head and stared into my eyes again. Nagkibit-balikat siya.

“I don’t know either. Siguro ay natatakot lang talaga ako na mawala ka.”

I smiled and stroked his jaw downward. “Hindi ako mawawala kung wala kang gagawing dahilan para mawala ako. It all depends on you, Samael.”

“How sure are you that it will be on me?”

I smiled and moved closer to give his lips a feathery kiss. “Because I would never leave you… I am not planning to.”

Pumungay ang mga mata niya pagkasabi ko no’n. He bit his lower lip that made it become redder. Bumaba ang mga mata niya sa labi ko. He tilted his head and kissed me.

Nangingiti ako habang inaalala ang naging usapan naming ‘yon. I was inserting some beads inside the elastic band when that scene hit my head like a raging waves.

Tama siya, nasa tamang edad na kami. At hindi naman talaga ‘yon ang ipinangamba ko. Nag-aalala ako na baka nabibigla lang siya at hindi naman talaga ‘yon ang gusto niya. O, baka sa katagalan, magbago ang isip niya. Mapagtanto niya na hindi niya naman talaga ako gusto pakasalan.

I have a lot of what if’s but I want to trust Hellios that he is really sure and serious about marrying me. Kung tatanungin niya ulit ako, siguradong oo ang ibibigay ko na sagot sa kaniya.

Hellios:

Hahabol ako.

Tipid akong ngumiti nang mabasa ang reply na ‘yon ni Hellios. May misa mamaya at ang gusto niya ay makauwi nang maaga at maihatid ako doon. Nga lang, marami siyang trabaho at ang sabi ay may meeting pa.

I told him that I’ll be fine going there alone. Na kung hahabol na lang siya ay ayos lang din naman sa akin. We can just meet there after the mass. O, puwede rin habang nagseserbisyo siya ay pumasok na lang siya sa simbahan at doon na maghintay sa akin.

Anywhere he’s comfortable at is fine with me.

Nagtipa ako ng sagot sa kaniya.

Ako:

Take your time. We can just meet while or after the mass. Take care, Samael.

Hindi na siya sumagot pa hanggang sa sumapit ang hapon. Habang nagsusuklay at naghahanda sa nalalapit na misa ay nag-ring ang cell phone ko. My eyes blinked twice when I saw that Gabriel was calling me.

Dinampot ko ang cell phone at tinanggap ang tawag.

“Gabriel?” I greeted.

“Hi! I am just around your area. I remember that there’s mass right now at pupunta rin ako doon dahil kay Mama. Ihahatid ka ba ni Samael doon?”

“Ah, no. He’s busy with work.”

“But you’ll be going there?”

“Yes. But not in the Manila Cathedral anymore. Lumipat na ako sa San Agustin.”

“Iyong katabing simbahan? Puwede kitang ihatid doon kung wala si Samael. Or, is it fine with you? Sorry I forgot to ask you first.”

Natawa ako. Gabriel is always been like this. Puno ng respeto at kabaitan.

“Wala namang problema. Pero sigurado ka ba na hindi makakaabala sa’yo kung ihahatid mo ako doon? You know I can just take a cab.”

“No problem when it comes to you, Chloe. So… see you in a bit?”

I smiled softly. “Sige. Tapos na rin ako mag-ayos. Ingat ka.”

Pagkatapos ng tawag ay naghanda na ako. Dinaanan ko muna si Raphael na hindi makakasama sa akin dahil may kailangan tapusin na project. Naiintindihan ko naman dahil nakikita ko talaga na abala siya sa mga ginagawa.

“I-lock mo ang pintuan, Raph. Baka umuwi na rin ang Kuya Hellios mo mamaya.”

Nag-angat siya ng tingin mula sa notebook. “Hindi kayo sabay, ate?”

“I’m not sure. Medyo abala siya sa trabaho ngayon. Kung nagugutom ka, nagluto na ako ng ulam at kanin diyan. Maaga akong nagluto para kapag dumating ang Kuya Hellios mo ay kakain na lang siya.”

Tumango siya saka umayos ng tayo mula sa pagkakadapa at inayos ang suot na salamin sa mata.

“There is something I want to tell you, ate. Do you a minute?”

Naalarma ako sa pagiging seryoso ng mukha ni Raphael. Naupo sa gilid ng kama niya at hinarap siya.

“What is it? Is there something wrong?”

Tumungo siya ay huminga nang malalim. When he raised his head, I saw the loneliness floating in his eyes.

“Our parents went to school earlier. Nakausap ko sila, ate.”

Napatuwid ako ng upo, gumuhit ang kaba sa puso ko. “B-Bakit daw?”

“Kinukumusta nila tayo, ate. Lalo na ikaw. Papa said he’s very sorry for everything that happened. Ang sabi pa niya ay marami daw siyang gusto sabihin sa’yo pero alam niya na hindi pa ngayon ang panahon para doon.”

Sa kabila ng galit na nararamdaman ko para sa kanila, hindi ko maiwasan ang malungkot sa kaalamang kinakumusta pa rin pala nila kami. I’ve been thinking about them every night. Minsan, umiiyak pa rin sa tuwing maiisip ang ginawa nila sa akin.

Despite that, I am still hoping that someday, everything between us will be alright. Magulang pa rin namin sila. Kaya ko silang patawarin… bukas, sa makalawa, sa susunod na mga araw… hindi ko alam. All I know is I’m willing to forgive them. They’re still my family after all.

“Binigyan niya rin ako ng pera, ate. Tinatanggihan ko nung una pero naging mapilit sila. Lalo na si papa.” pukaw ni Raphael sa atensyon ko.

“Itago mo na lang muna. Kung may kailangan ka na pagkagastusan sa school mo ay iyan ang gamitin mo.”

Natapos sa gano’n ang usapan namin ni Raphael. At ngayon sa biyahe patungong simbahan kasama si Gabriel, tahimik akong nakatanaw sa labas at inaalala ang mga magulang.

“Is everything fine, Chloe? You seem lost.” Gabriel asked.

Marahan ko siyang nilingon at tipid na nginitian. “I’m okay. May iniisip lang.”

He gave me a quick glance before focusing on maneuvering the steering wheel.

“Problem?”

“Not that I can handle.”

“You know that I’m still here for you, right? Your relationship with my cousin won’t stop me from being a friend.”

“Of course. I know I can lean on you when times gets rough.”

Isang mabilis na tingin pa ang iginawad niya sa akin. Nakarating kami ng San Agustin hindi kalaunan. I thanked him before going inside the church. Nagpadala rin ako ng isang message kay Hellios para sabihin na narito na ako.

The mass went well. I was the commentator and I enjoyed seeing the people inside the church listening to the Priest. Nga lang, hindi pa rin talaga maiiwasan na mayroong nauupo lang sa simbahan para matawag lang na nagsisimba kahit na ang totoo ay puro kwentuhan lang ang ginagawa. I don’t want to judge those persons who pretend to be holy when the truth is… they’re not. Sana balang araw, maisip nila ang ginagawa nila.

Matapos ang mahigit isang oras ay natapos ang misa. I checked my phone there were messages from Hellios.

Hellios:

I am damn exhausted tonight. Wanna go home to you.

Hellios:

I’m on way to the church. I’m sorry I didn’t have the chance to drive you there. You okay?

Halos kalahating oras na rin simula nang maipadala ang mga text na ‘yon. Siguro ay narito na rin siya.

Pagkaapak sa labas ng simbahan ay iginala ko ang mga mata. I didn’t see any car that’s familiar to Hellios’.

Na-traffic siguro?

“Chloe, hindi ka pa uuwi? Mukhang uulan na.” sabi ni Father Roland kasama ang isang sakristan.

“May hinihintay lang po ako, Father. Ingat po kayo sa pag-uwi.”

“Sige. Ikaw rin, hija.”

Tumango pa siya sa akin bago sumakay ng pick up niya. Wala pang ilang segundo mula nang umalis ang sasakyan niya ay dumating naman ang isang itim a SUV. Tumigil ito sa harapan ko saka bumaba ang salamin ng bintana.

“Hi! Wala pa rin si Samael?” tanong ni Gabriel.

Natawa ako. “Why are you here? Nasan ang mama mo?”

He did not answer me. Bumaba siya ng kotse niya at naglakad palapit sa akin na may ngiti sa labi.

“Nagpahatid si mama sa isang restaurant malapit. She’s with a friend and I’ll fetch her after an hour. Naisip ko na baka abala pa rin si Samael sa opisina at walang susundo sa’yo.”

“Salamat, Gabriel. Pero nagtext na si Hellios at sinabing papunta na daw siya.”

“Oh, that’s great! Samahan na lang muna kita habang hinihintay siya.”

Sasagot pa sana ako nang bahagya akong masilaw sa headlights na tumama sa mga mata ko. Another black SUV stopped in front of us.

“Here’s your boyfriend.” sabi ni Gabriel.

Nakaramdam ako ng tuwa sa kaalamang narito na si Hellios. Huminto ang kotse niya sa likod ng kay Gabriel. Bumaba siya pagkatapos. His dark eyes first anchored on his cousin before they moved to me.

I smiled. “Good evening.”

Pinanood ko siyang lumapit sa akin. I was amazed by how handsome he is even after a very tiring day. He always, always, stands out in the crowd. Silang dalawa ni Gabriel kung tutuusin. Only that Hellios’ air was dark and ruthless. Dahil na rin sa mga tattoo niya sa katawan.

He crouched down and tilted his head to give my cheek a soft kiss. “Sorry I’m late.”

“Ayos lang. Kakatapos lang din ng misa dito.”

Tumango siya at hinaplos ang pisngi ko bago nilingon si Gabriel. “Can I talk to you?”

I looked at Gabriel and shrugged his shoulders.

“Sounds important. Sure!”

Bumaling sa akin si Hellios at pinatakan ako ng halik sa noo.

“This will be quick.”

Naglakad silang mag-pinsan hindi kalayuan sa akin. Hindi nagkakalayo ang tangkad nilang dalawa at kahit sinong mapadaan ay tinitingnan sila.

Hellios was glancing at me while he’s talking with Gabriel. Matapos ang ilang minuto ay nagtungo si Hellios sa kotse niya at binuksan ang pintuan ng backseat na ikinakunot ng noo ko. Tila siya may kinakausap doon.

Gano’n na lang ang kirot sa puso ko nang makitang lumabas mula sa backseat si Hannah. Wala sa sarili akong napatingin kay Gabriel. I caught him looking at me. Nag-iwas rin siya ng tingin nang makita akong nakatingin sa kaniya.

I was standing beside the road, watching them and feeling so clueless of what’s happening.

Bakit magkasama sila?

Mas lalo pa akong naguluhan nang lumapit si Gabriel sa gawi nina Hellios at Hannah. Nagsasalita si Hellios, si Gabriel at Hannah ay nakatingin sa isa’t-isa.

It’s then Gabriel guided Hannah towards his car. Pumihit pa paharap si Hannah kay Hellios at ngumaway. Gabriel looked at me and smiled. Hindi ko na nagawa pa ang ngumiti. At aaminin ko na dahil ‘yon kay Hannah.

“Nakiusap sa akin si lola na daanan si Hannah sa cathedral dahil nagkaroon daw ng problema ang sasakyan nila,” paliwanag ni Hellios nang makarating ulit sa harapan ko.

He snaked his hand around my waist. Nilingon ko siya at tinitigan sa mga mata. Ito na naman. Nakakaramdam na naman ako ng selos. Mas naunang daanan si Hannah kaysa sa akin.

Dahil mas mauunang daanan ang Manila Cathedral, Chloe.

Kahit na. Puwede namang ako ang mauna. Bakit kailangang si Hannah pa?

Lawakan mo ang isip mo, Chloe. Hindi puwedeng pag-aawayan n’yo na naman si Hellios si Hannah. She’s not worth it.

“Umuwi na tayo. Nagluto ako ng hapunan bago umalis. Iinit ko na lang pagdating.”

Hindi siya nagsalita. Titig na titig siya sa mga mata ko, tila nananantya.

“Are you mad?”

Pilit akong ngumiti sa kaniya kahit ramdam ko ang tarak ng punyal sa puso ko.

“Hindi. Naiintindihan ko naman. Ayos lang ‘yon.”

Tumango siya at hinila ako palapit. He placed a gentle kiss on my forehead. Habang yakap niya, wala sa sarili akong napatingin sa kung saan at huminga nang malalim.

Kung wala si Gabriel, ibig sabihin ay siya talaga ang maghahatid kay Hannah. Kaming dalawa.

At kung sakaling si Hannah ang nakaupo sa passenger seat dahil siya ang naunang sinundo, saan ako uupo? Sa backseat ba?

Habang silang dalawa... nasa harapan?

Snippet from Chapter 32 on Patreon :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 57.1K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
1.9M 46.2K 54
The Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng...
73.1K 5.3K 18
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
840K 35.3K 53
Alyanna Samantha Anderson, as one of Anderson's princesses, used to get what she wanted. She thought her life was close to perfection since she could...