Written In The Prophecy (COMP...

By gelafae

89.1K 4.5K 1.1K

PURPLE EYES TRILOGY BOOK 2 A year and months after, Zenadia came back to Magia and a great hidden chaos we... More

DISCLAIMER
1 : Bonding
2 : Book Of Prophecies
3 : Chelsea
4 : Academy
5 : Suspicious
6 : Meet
7 : Garden
8 : At the Field
9 : Love in Saturday
10 : Library
11 : Vil
12 : Jealousy and Pain
13 : Potion Making
14 : Attack of Kibajas'
15 : First Encounter
16 : Gifts
17 : Surprise
18 : Alone
19 : Way to Elvenkind
20 : Elves
21 : People of Prophecies
22 : Training
23 : Coming Back
24 : Together (Part 1)
25 Together (Part 2)
26 : Talk
27 : A Traitor?
28 : Accusation
29 : Broken Hearts
30 : Miko
31 : Leveling Test
32 : Her Coldness
33 : Outside
35 : Mortal World (Part 1)
36 : Mortal World (Part 2)
37 : Mortal World (Part 3)
38 : Zabala
39 : Ivajaki Tribe
40 : Fight
41 : The Gratia
AUTHORS NOTE
42 : Abducted
43 : Zak
44 : Chaos
45 : Preparing
46 : War (Part 1)
47 : Killing Them
48 : Torture
49 : Statues
50 : Olympia
51 : War (Part 2)
NOT AN UPDATE
52 : Her Anger
53 : Her Powers
54 : The Prophecies
55 : Gone
56 : Memories of Her (Part 1)
57 : Memories of Her (Part 2)
58 : Mission
Epilogue
AUTHOR'S NOTE
BOOK 3

34 : Captured

1.3K 71 16
By gelafae

A/N: GUSTO KO LANG SABIHIN NA NAKAKAINSPIRE LAHAT NG COMMENTS NYO (MULA SA BOOK 1 HANGGANG DITO). NAKAKA TOUCH TALAGA, AT MEDYO SINISIPAG DIN AKO SA PAGSUSULAT HAHAHAHA SO JUST KEEP COMMENTING YOUR THOUGHTS ABOUT EVRY CHAPTERS. ANYWAY, HERE'S THE UPDATE! SORRY KUNG MEDYO NATALAGAN, ENJOY!!




Zenadia's POV

Hindi ko na sila hinintay at agad akong nag teleport papunta sa fountain of eternity. They say that if you drink the water of this fountain, you'll gain something--- I don't know. I never drink the water of this, baka malas pa makuha ko.

Sinubukan kong sirain ang arrow ni Ara pero hindi ko magawa. Ganito din ang nangyari noong nasa Vie de Islium kami. Masyadong matibay ang mga pana ng mga cupid kumpara sa mga normal na pang sandata.

"Zen!"

"Zenadia!"

"Babe--- I mean, Zenadia!"

Agad silang lumapit sakin pero hindi ko sila nilingon at pilit na sinira ang pana. Hindi ko ito pwedeng sunugin, gamitin ang scythe ko, okaya kahit ano pa. Kailangang mahati lang ito sa dalawa ng maayos.

"Ethan" inis kong tawag sakaniya

"Break" salita niya kaya napabuntong hininga nalang ako ng kusang nasira yung arrow.

Tsk bakit hindi ko ba kasi sya sinama ng nag teleport ako!?

Agad kong linubog sa tubig nung fountain yung sira na pana kaya unti unting may lumabas na mga imahe dun sa tubig. Nang makita ko ang nangyari ay halos bumaon na ang kuko ko sa palad ko sa sobrang galit.

Nag umpisa nanamang umilaw mga mata ko at gustong gustong kumawala ng kapangyarihan ko kaya agad akong bunato ng isang fire ball sa mga puno sa gilid na agad namang naging abo.

"Oh my god.."

"Sinong kumuha sakanila?"

"Nawala na sina Emman at Cheslea, bakit pati sina Ara at Adrian?"

"They're more desperate than before" seryosong sabi ni Ethan sa tabi ko

"Huh? Sino ba tinutukoy mo Ethan?" tanong ni Diana

"Kibaja Tribe" pigil na galit na sabi ko at agad na nag teleport papunta sa kwarto ko

Inayos ko lahat ng gamit ko saka inimpake iyon dun sa maliit kong bag na malaki ang space sa loob. Lahat ng kakailanganin ko sa oag lalakbay ay nilagay ko doon.

"Don't tell me your going to Zabala alone?" halos mapatalon ako sa gulat ng nagsalita si Ethan na naka tayo pala sa pintuan

"How did you get in here?" tanong ko dahil sigurado akong tutunog ang pintuan kapag may pumasok

"I touched your shoulder before you teleport so.. I'm also here" sagot niya at lumapit saakin "Everything's gonna be alright, okay?" mahinahon na aniya at hinawakan ang parehas kong kamay

"Are you idiot!? First, they took Emman and Chelsea and now, Ara and Adrian! Of course, everything won't go alright!" inis na sabi ko at marahas na inalis pagkakahawak nya sakin pero bigla nya akong niyakap ng mahigpit.

"I know you told me to keep a space between us for the mean time but this is the only way I know to tame that demon inside you, Zenadia" seryoso pero may halong lambing na aniya

Napapikit nalang ako at hinayaan na kumalma habang yakap yakap niya. Masyado ng komplikado ang nangyayari pero mas pinakumplikado pa nila. Hindi pa ako tapos sa pagiisip tungkol sa propesya, dumagdag pa ang mga taga Kibaja tribe.

"Everything's fucked up.. I don't know what to do anymore" nanghihina na sabi ko

Mas lalong hinigpitan ni Ethan pagkakayakap nya sakin at ramdam ko na hinalikan nya ang tuktok ng ulo ko.

"I'm here, I won't leave you. I'll fight if you can't stand on your own, just don't give up okay?" mahinahon na aniya at wala akong nagawa kundi ang tumango

Kahit na may masamang nangyari saaming dalawa, hindi naman nya iyon kasalanan. Sadyang tanga lang sya para pagkatiwalaan si Ella ng lubos kaya nagawa syang kontrolin nito. Hindi ako galit sakaniya kahit kaunti, naiinis lang ako sa kabobohan na taglay niya.

"We'll go to Zabala, and take Emmanuel and the others back. But let's wait for tomorrow hmm? You need to restore your energy for our traveling tomorrow" sabi nya bago humiwalay

"Okay" sabi ko dahil wala naman akong magagawa

Gusto kong pumunta na ngayon at bawiin sina Ara pero alam kong hindi ko kaya dahil hindi pa naman ako nakakapunta sa Zabala at hindi ko din alam kung saan nakalagay sa mundong iyon ang Kibaja Tribe. Miller already mentioned before that there are countless tribes in the world of Zabala.

"Zenadia?" tawag nya sakin

"What?" bagot na sagot ko at sinabit muna yung bag ko

"Come here" aniya

Napalingon ako at nakita kong nakahiga siya sa kama ko. Tinap niya yung space sa tabi niya kaya mahina nalang akong napabuntong hininga dahil mukhang alam ko na kung anong gusto ng lalaking ito.

"Not now--- I fucking said not now Ethan!" inis na sabi ko dahil bigla nya akong hinigit kaya napahiga ako sa tabi nya

"Just a cuddle please? I promised to be less clingy to you until our mission is done but can you just let this one pass please? I missed hugging you. I missed all of you.." sabi niya at ngumuso ng kaunti

Until our mission is done? But how about my prophecy? Can he still wait for me until I find a way to surpass that fucking thing?

Gustong gusto kong banggitin sakaniya ang tungkol doon pero hindi ko ala kung papaano. Dahil sigurado ako na uumpisahan ko palang ay maalala na nya agad ang tungkol sa propesya ko at paniguradong gagawa sya ng mga katangahal para pigilan iyon.

May mission pa kami ngayon, siguro ay sa pag liligtas nalang muna kina Ara ako dapat mag focus. Kailangan namin silang makuha at kailangan ko din alamin kung bakit ganun ka-desperado ang Kibaja Tribe na makuha ang necklace ko.

What's so special about this fucking necklace?



Adrian's POV

"Pakawala nyo kami dito!" inis sa sigaw ko at pilit na alisin ang pagkakagapos ng kamay ko

"Sorry, but that won't happen" sabi nung nag babantay saamin

Agad kong nilingon si Ara na walang malay para tingnan kung ayos lang ba siya. Mabuti nalang dahil hindi nila sinikatan ang babaeng mahal ko kundi magkakamatayan na. Ilang taon kong inalagaan at pinahtanggol si Ara tapos itatali lang nila? Aba! Ang kakapal naman ng mukha nila

"K-Kuya Adrian?" agad akong napalingon ng may nagsalita mula sa di kalayuan

Nanlaki ang mata ko ng nakita ko doon si prince Emmanuel kasama ang kapatid ni Zen, si Chelsea. Hindi sila nakagapos at halata na hindi sila sinaktan pero alam kong hindi din sila makakalabas dito dahil sa sobdang dami ng bantay.

"B-Bakit po kayo naandito? Kasama nyo po ba sina kuya Ethan?" tanong niya at lumapit saamin

Umupo sila sa harapan namin at kung hindi lang kami nadukot ay iisipin ko na prinsipe na prinsipe pa din ang datingan dito ni Emman. Medyo may kagarahan ang suot niya at si Chelsea naman ay maaliwalas din ang suot. Nakakapagtaka lang.

"Kuya.." kinuhit ako ng mahina ni Chelsea at parang niiyak na "Si ate Zen po ba kasama ninyo? Nasaan na po siya? Kailan nya po kami kukunin dito? Miss na miss ko na po siya" at tuluyan na siyang umiyak

Parang piniga naman puso ko dahil sa mahinang pa hikbi niya. Hayy masyadong malambot puso ko dito sa mga batang ito.

"Hindi namin sila kasama pero sigurado akong dadating sila kaya hintayin lang natin sila okay?" sabi ko para hindi sila matakot

Dahil kung meron mang dapat matakot dito, ay dapat yun yung mga dumukot saamin. Matakot na sila kay Zen. Minsan na namin siya nakitang nakitang nakipaglaban ng patayan, at yun ay noong huling digmaan. Masasabi ko lang na mas nakakatakot siya kapag nagalit.

Para syang halimaw na maganda, pero syempre mas maganda pa din ang Ara ko, mas mabait pa hehehe. Si Zenadia kasi, masyado siyang seryoso at salamat na nga lang kami dahil hindi sya naiinis sa kakulitan namin ni Ara.

Pero kahit ganun pa man, alam kong hindi nya kami matitiis kaya medyo kinakabahan ako sa kakahantungan ng nga dumukot saamin. Tsk tsk tsk, nagkamali kayo ng kinalaban, isang babae na malaanghel ang mukha pero may demonyo yun sa loob loob nya hehe.

"Wag kayong mag alala" napatingala kami lahat ng may nagsalita, isang lalaki na may mga tattoo sa katawan at hindi ko maipaliwanag suot niya, sadyang makaluma tsk "Kapag nakuha na namin ang kwintas ay makakalaya na kayo"

"I can buy you a lot of necklace! Just let us go!" matapang na sabi ni prince Emmanuel habang pinapatahan si Chelsea, magkapatid nga sila ni prince Ethan, parehas nakakatakot at handang lumaban para sa mahal nila.

"Hindi simpleng kwintas ang hinihingi ko prinspe. Ang kwintas na gusto kong makuha ay ang kwintas na suot suot ng babaeng mat lilang mata, sa pagkakaalam ko ay Zenadia ang kanyang pangalan" sambit niya na kinakunot ng noo ko

Kwintas ni Zen? Bakit?

Dati ko pa pinagtataka kung bakit nila gustong makuha ang kwintas ng kaibigan namin. Alam kong lahat ng pagmamay ari ni Zen na iniingatan niya ay makapangyarihan pero.. ano bang espesyal sa kwintas na iyon?

"I need the necklace of the void"



Zenadia's POV

"Let's go" sabi ko kay Ethan at akmang tatayo na pero hinigit nanaman niya pahiga ako saka niyakap "Ethan!"

"Ten minutes more please?" antok na sabi niya

"No"

"Fifteen minutes?"

"Still a no"

"How about thirty minutes?" pangungulit nya muli

Shutang ina, imbis na bawasan, lalong pang dinadagdagan. Kakaiba din ang lalaking ito eh. Nakakalimutan na nya ata na may atraso pa sya saakin.

"Idiot, we need to tell HM about what happened to Ara and Adrian" sabi ko at sinubukang tanggalin yung braso nya pero masyado syang malakas at ayaw ko din naman syang saktan "Bitaw" utos ko

"Nah-uh, kapag binitawan kita, ilang araw ulit bago kita mayakap" parang bata na pagmamaktol niya

Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan na makawala

"Isa" pag bibilang ko

"Two, three, four, five, six hours tayong ganito" aniya

Lalong sumasakit ulo ko sa lalaking ito. Dahil ayaw nya akong pakawalan ay inis ko syang siniko sa bandang tyan kaya napaluwag pakakayakap nya sakin.

"Aww! What was that for babe!?" daing niya

Agad naman akong tumayo at lumayo ng kaunti para hindi na niya ako mayakap okaya mahigit pa.

"Kung ayaw mong sumama, ako nalang mag isang pupunta sa office ni HM" sabi ko kaya agad siyang tumayo at inayos ang suot niya

"Let's go?" nakangiting aniya

Nilahad nya kamay pero nilagpasan ko lang sya at lumabas ng kwarto. Talaga bang nakakalimutan niya na hindi pa kami okay dalawa?

"Hindi na nga tinanggap kamay ko, di pa ko hinintay. How fucking heartless my girlfriend could be? Tsk hawak kamay lang eh, madamot" dinig kong bulong niya pero di ko yun pinansin

Panay pa din siya sa pag rereklamo sa tuwing iniiwasan kong magkadikit ang kamay namin dahil pag nagkadikit iyon ay alam kong hahawakan nya lang kamay ko ng mahigpit hanggang sa di na ako makaangil pa o makatanggi kundi hayaan nalamang siya. Pasimple din ang isang ito eh.

Nang makarating kami sa may office ni HM ay naabutan namin yung apat doon. Hinanap ko si Miko pero hindi ko sya makita dito sa loob.

"Yung kasama mong lalaki ba hinahanap mo Zen?" tanong sakin ni Kade at tumango ako sakaniya "Hindi na sya sumama saamin kanina eh. Parang nahihiya ata" sabi nya

Nahihiya? Imposible. Masyadong anti-social lang talaga yun.

"Tsk, why the fuck are you finding that guy? I'm here, you don't need him" masungit na sabi ni Ethan at naunang maupo kesa sakin

Hindi ko siya sinagot at umupo nalang sa tabi ni Kade kaya mas lalo siyang naasar.

"Stupid! Sit besides me, not there!" inis naaniya at akmang hihilahin ako pero sinamaan ko sya ng tingin kaya bunalik sya sa pagkakaupo at nag cross arms habang bulong ng bulong ng mga reklamo niya

Is he really a crown prince? he's more like a kid having tantrums.

"Ehem" napatingin ako kay HM ng na peke siya ng ubo "They already told me what happened, lady Zenadia---"

"Can't we go to Zabala right now?" tanong ko

"No you can't" agad na sagot niya kaha napabuntong hininga nalang ako "Pero hanggang maaga ay kailangan na nating pag planuhan ang paglalakbay nyo papunta sa Zabala"

"Then what are we waiting for?" takang tanong ni Danica

Naningkit mata ko sandali bago tumaas isa kong kilay "Who are we waiting for?" pag tatama ko

"He's coming in any second right now, let's just wait" aniya

At tulad nga ng sinabi ni HM ay bumukas yung pintuan at bumungad saamin saamin sya, and he's still wearing that playful smile.

"Hey guys, missed me?" nakangiting aniya

"Miller" gulat na sabi nung apat habang ako ay nakatingin lang sakaniya at si Ethan naman ay walang paki alam

Is this the fucking part 2 of our world hopping?

Continue Reading

You'll Also Like

20.9M 765K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
5.9K 591 65
One day, Monique found an unconscious strange cat. She went closer to check the cat. It's wounded and barely moving. She decided to take it. She took...
10M 498K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...