Cherish You

AyhenPey által

45.9K 856 370

Serah Cristobal is not your typical girl. She devoted all her life in serving God. Until a turn of events, ha... Több

Cherish You
Chapter 1: Transfer
Chapter 2: 3rd Building
Chapter 3: Zachary
Chapter 4: TMI
Chapter 5: Journalism Club
Chapter 6: Bethina
Chapter 7: Please
Chapter 8: Dare
Chapter 9: I do (Cherish You)
Chapter 10: Acquiantance
Chapter 11: Flirt
Chapter 12: Demon's child
Chapter 13: Travis
Chapter 14: Iba ka na ngayon
Chapter 15: Serah
Chapter 16: Panget ba ako?
Chapter 17: A, M, & Z
Chapter 18: Bato
Chapter 19: Baby
Chapter 20: Kiniss sa lips
Chapter 21: Stay with me
Chapter 22: Ferris Wheel
Chapter 23: Do something
Chapter 24: Inaabangan kita
Chapter 25: Selos
Chapter 27: Kenn
Chapter 28: Hindi ko naman siya gusto
Chapter 29: Papel
Chapter 30: End-of-the-world
Chapter 31: Harana
Chapter 32: Small world
Chapter 33: Pustahan
Chapter 34: I'm sorry
Chapter 35: Snob, Jealous
Chapter 36: Hinahanap ko siya
Chapter 37: Partner
Chapter 38: Problem
Chapter 39: Holding hands
Chapter 40: Pulis at Kriminal
Chapter 41: Zarah
Chapter 42: His face, hug & kiss
Chapter 43: Friend-zoned
Epilogue
S P E C I A L Chapter
Special Chapter

Chapter 26: Why you can't hug me?

832 19 7
AyhenPey által

Chapter 26

"Nagbabasa ka ng Bible?!" bigla kong nasigaw sa kanya na kinagulat niya. Ilang segundo atang nanlaki ang singkit niyang mata. Tapos noon ngumiti siya sa akin at tinap ako sa ulo.

"Forget it, sa Saturday after ng Youth Service mo sunduin kita. Sige bye! Paki sabi din kay Ma'am kapag hinanap ako mamaya, nag cutting ako!"

At tuluyan na siyang tumakbo at iniwan ako dito sa stairs.Iniwas niya yung topic na about sa Bible .Gustong-gusto kong malaman kung nagbabasa ba talaga siya noon. Waaah! Lord, sana po oo ang sagot doon. Sana po talaga...

At teka, saan naman kaya siya pupunta? At mag cu-cutting siya? Di kaya... Bigla na lang akong bumaba sa hagdan at nagtungo sa tapat ng room ng Dandelion at hinanap siya. Sumilip ako sa pintuan ng room nila kahit rude tignan.

Tapos biglang lumabas si Travis at nginitian ako.

"Hinahanap mo ba ako?" ngiting tagumpay siya ng tinanong ako. Sa totoo lang si Mara ang hinahanap ko. Baka magkasama sila...

"Hindi ha..." sagot ko kay Travis

"Ouch.." tapos bigla niyang hinawakan yung babae na dumaan sa tagiliran niya. Yung parang humihingi siya ng saklolo tapos may pa hulog effect pa siyang nalalaman. Nagulat yung girl sa ginawa nya.

"Tulungan mo ako, dalhin mo ako sa Hospital" tapos tinapik tapik niya yung dibdib niya yung babae na kinakapitan niya mukhang kinabahan.

"Wait, Travis tatawagin ko lang si Ma'am"

"I don't need her, I need you.."

Tapos yung babaeng mukhang kinakabahan namula bigla. Napatalikod naman ako kasi natatawa ako sa acting ni Travis. Grabe, nag simula lang sa hindi ko siya hinahanap tapos dumating na sa ganito hahaha. Nice Travis! Galing! Siguro, ito siguro ang mga moves niya kay Bethina.

"P-Paano na si Bethina?" mautal utal na tanong nung girl kay Travis na hanggang ngayon ay umaacting pa din.Napalingon na tuloy ulit ako sa kanila

"Oh, hayaan mo na siy---" hindi na natapos ni Travis ang sasabihin niya dahil bigla na lang siyang lumipad, no. Humagis sa may pader sa sobrang lakas ng sipa ni Bethina sa tagiliran niya. Nanlaki ang mata nung girl pati ni Travis kay Bethina.

"Bethina," sabi ni Travis

"What's the meaning of this?!" -Bethina

"Ah, it's n-nothing! I'm just..."

"Stop! Nakita ko na! Manloloko ka talaga! Womanizer! Player! Bastard!!!" tapos pinaghahampas hampas ni Bethina si Travis sa ulo. Halatang nasasaktan na si Travis pero hinahayaan lang niya parang okay lang sa kanyang masaktan siya.

Grabe, bakit ganito maka react si Bethina? Ah, bakit ko nga pa tinatanong. Syempre may gusto na din siya kay Travis at nagseselos siya. Hampas pa din ng hampas si Bethina kay Travis.

"Stop it Bethina, nasasaktan na ako"

"Dapat lang sayo yan" tapos hinawakan ni Bethina yung hair ni Travis at sinabunutan ito. Kumunot ang noo ni Travis sa sobrang sakit, hinawakan na niya yung kamay ni Bethina pero ayaw pa din niyang mag paawat. Yung ibang students naglabasan na ng room at pinanuod lang yung scene. Wala man lang nag tangkang pigilan yung dalawa. Yung iba napatakip na lang sa bibig. Pati ako hindi ko alam kung pipigilin ko ba sila. Nanlilisik kasi ang mga mata ni Bethina, nakakatakot.

"Bethina,tama na" pag mamakaawa ni Travis

"I hate y--" hindi na natapos ni Bethina ang sasabihin niya ng biglang tumayo ng mabilis si Travis at niyakap si Bethina. Napa OH kaming lahat sa ginawa niya. Tapos si Bethina panay pa din ang hampas sa dibdib ni Travis at tinutulak niya ito. Pero lalong hinigpitan ni Travis yung yakap niya

"Let me go" sabi ni Bethina

"Do you really hate me?" tanong ni Travis

"I hate y--" hindi na natapos ni Bethina ang sasabihin niya dahil mabilis siyang hinarap ni Travis sa kanya at kiniss ito. Napa OH na naman kami sa ginawa niya. Yung iba pinicturan na yung dalawa.

"Do you hate me?"

"I hate y---" kiniss na naman ni Travis. Grabe, kinikilig na ako sa dalawang ito.

"Sabihin mo ulit iyon, di na ganyan ang matatanggap mo" sabi ni Travis kay Bethina na ngayon ay nakayuko na. Tapos noon hinigit ni Travis yung kamay ni Bethina at tumakbo silang dalawa. Nagkaroon naman ng malakas na Ayieeeeh sa corridor.

Bigla kong naalala kung bakit ako pumunta sa tapat ng room Dandelion. May dumaan ulit na girl, kaya siya na lang ang tatanungin ko.

"Ate, nandyan ba si Mara?"

"Ha? Ah, si Maradee? Wala na eh, sabi niya mag c-cut daw siya ng class" tapos umalis na yung girl na tinanungan ko.

Bumalik na din ako sa room kasi magsisimula na din ang klase namin. Wala si Mara, nag cut daw siya. Tapos si Zac ang sabi, kapag hinanap siya ni Ma'am ang sabihin ko nag cut din siya. Di kaya.. Magkasama silang dalawa?! Oo pwede iyon, pero kung magkasama sila.. Anong ibig sabihin noon. Saan sila pupunta? Eh sabi naman ni Zac walang siyang gusto kay Mara, pero mahal naman siya ni Mara. Posible pa din na may something sa kanila.

Nakaramdam na naman ako ng lungkot sa thought na iyon. Kung magkasama sila at kung magiging madalas iyon. Pwedeng mahulog si Zac kay Mara at... Haysss! Ano ba itong nararamdaman ko. Selos ba ito? No way! Hindi magandang feeling ito.

Nagsimula na yung klase namin sa Physics. Wala ako sa mood makinig kaya napahum na lang ako ng isa sa mga favorite Christian song ko. Mighty to Save ..

Savior, He can move the mountain.

My God is Mighty to Save, he is Mighty to Save

Forever author of salvation,

He rose and conquered the grave. Jesus conquered the grave..

Kinakanta ko lang siya sa isipin ko, hindi ko kasi siya kayang kantahin in real kasi ang taas ng tono ng song na ito. Pero kaya iyan! Sabi nga sa song na Voice of Truth ng Casting Crowns,

The voice of truth, says 'do not be afraid'

Bigla kong naalala yung tanong sa akin ni Mama! Kung ano daw ang course na gusto kong kunin.. Napaisip ako, ano ba talaga ang gusto kong gawin habang buhay? Hmmm, parang gusto ko na lang munang gawin yung gusto ng magulang ko para sa akin. Tama, papayag na ako na Accountancy na lang ang course na kukunin ko. Kasi yun ang pangarap nila sa akin eh, kaya iyon na lang.. Tska na lang yung akin.

Nawala ako sa pag-iisip ng may tumapik sa akin.

"Ms. Cristobal, tinatanung kita.. You seems on the another world. Can you tell us where's your mind flying?" nagtawanan naman yung mga classmate ko na nakatingin sa akin. Waaah, Lord.. Nakalimutan ko palang ipag pray kaninang umaga na wag niyo po akong ilagay sa kahihiyan. 

"Uhm, iniisip ko po kasi ang course na kukunin ko sa College." sagot ko kay Ma'am Lopez na nakatingin pa din sa akin ng masama. Naku, nabastos ko ata ang Ma'am namin dahil di ako nakikinig! Wala kasi ako sa mood eh.

"Oh, alam mo din ba kung anong grade ang kukunin ko sayo?" napailing ako sa tanong niya at nakaramdam ako ng kaba.

"-keep daydreaming on my class. I assured you Ms.Cristobal ibabagsak kita!" pagkatapos noon lumakad na ulit si Ma'am sa harapan. Nakaramdam ako ng lungkot, ibabagsak daw ako ni Ma'am kasi lumilipad ang utak ko. Ngayon lang naman ito eh, nag-aaral naman ako. Napapasa ko naman ang mga exam niya tapos ibabagsak niya ako. Nakaka down lang..

Nagdiscuss na ulit si Ma'am about sa Heat Transfer. Nag paid attention na ako sa class niya kasi feeling down ako sa sinabi ni Ma'am. Baka hindi ako maka graduate kapag finailed ko itong Physics. Napatingin na naman sa akin si Ma'am at nagtanong.

"Where's Mr. Latiev?" nakatingin siya sa akin.. Ako ba ang tinatanong niya?

"Sabi niya po mag c-cut daw siya.." nautal akong sabihin yung CUT. Bawal kasi iyon eh lalo na kapag walang valid reason. Pagkatapos kong sabihin iyon bumilog ang mata niya at sumigaw.

"ANONG AKALA NIYA SA GINAGAWA NIYA?! Tell him Ms. Cristobal that I will failed him on my class! That's all! Goodbye Class!"

Bigla naman kaming nagsitayuan para mag paalam sa kanya. Phew, akala ko talaga mapapagalitan ako, pero kinabahan talaga ako ng bigla siyang sumigaw. Akala ko ako ang sisigawan niya eh. Thank you Lord!

* * * *

Lumipas ang mga araw hindi pumasok si Zac, hindi ko alam ang reason kasi tuwing Lunch hindi na ako bumaba sa Botanical Garden para doon kumain. Kasi baka magalit sa akin si Bethina kapag nakita niya kaming sabay kumakain ni Travis. Kaya tuloy hindi ko alam kung bakit absent si Zac, hindi ko natatanong si Travis.

Aaminin ko, nakakamiss din pala itong katabi ko. Ako na nga ang nandito sa pinaka dulo, wala pa akong katabi. Iba pa din kasi kapag may katabi ka, kaya nalungkot ako ng umabsent siya ng ilang araw.

Nandito ako sa Church namin, Saturday ngayon. Nag-aayos kami ng decoration sa church namin kasi December na. Ganito kami sa aming simbahan, kaming mga Youth ang nagdedesign. Nag-aayos ako ng mga flower para ilalagay sa stage at magkaroon naman daw ng Beautiful appearance yung stage. Sabi ni Sister Ruth after naming mag design, mag p-practice daw kami ng Choir.

Nung natapos na kami, ayun nag practice ng kami ng Choir. Ang napili na aawitin namin ay I Could Sing of your Love Forever. Habang umaawit kami narinig ko na nag salita si Sister Ruth.

"Youth, Praise the Lord, young child..Don't listen to them for they did not know God,dont get angry with them either for you will make a sin. .INSTEAD...PRAY FOR THEM...pray for them to change their hearts...THE POWER OF PRAYER CAN SAVE THEM"

Napangiti ako sa sinabi ni Sister Ruth, tama siya kung ang isa sa kaibigan mo ay hindi mo madala kay God, pray for them instead. Si God na ang bahala sa kanila, just keep on praying them. At least you tried to bring them kay Lord. Pero sa palagay ko it's better na madala talaga. Mas magandang mag puri kasi kay Lord together with your Family, Friends and special someone...

I guess susubukan ko na ipakilala kay Zac si Lord. Hindi ko pa kasi nasusubukan. I always judged him na illuminati siya at hindi niya inaaccept si Lord. Pero who knows? Basta, ang gagawin ko.. Maglalakas ako ng loob at ipapakilala ko sa kanya. Kapag hindi niya tinanggap..

"Serah, may naghahanap sayo.." napatigil kami sa pag-awit ng bigla akong tinawag ng isa sa ka sister ko. Nag sign siya na bumaba daw ako sa stage kaya bumaba na ako at pumunta sa tinuturo niya. Lumabas ako at nakita ko si Zac na nakangiti sa akin.

"Tapos na ba kayo?"tanong niya, bigla kong naalala yung sinabi niya sa akin noong isang araw. Ngayon na ba iyon? Susunduin daw niya ako, at ngayon nandito na nga siya. Tinotoo niya..

"Hindi p---" isasagot ko sana pero pinutol ako nung nag salita sa likuran ko.

"Yeah, tapos na siya. You can go now Serah, just do what you need to do" napalingon ako sa nag salita at nakita ko si Sister Ruth. Seryoso? Payag siyang umalis ako kahit hindi pa kami tapos? At wait, alam niya kaya yung iniisip ko? Pero how? Nawala ako sa pag-iisip ng hinigit ni Zac yung sleeve ng shirt ko.

"Let's go?" nag nod naman ako sa kanya. Naglakad kami at napalingon ako kay Sister Ruth. Seryoso ang tingin niya sa akin.. Ano kaya ang ibig sabihin niya? Hmmm, bahala na. Ang gagawin ko na lang yung iniisip ko.

"Zac, san tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Basta.. sumunod ka na lang" sumunod na nga lang ako sa kanya at makailang lakad huminto kami sa harap ng isang motor. "--sakay ka na." sumakay na siya sa motor ako ay nakatayo pa din.

To be honest, hindi pa ako nakakasakay ng motor. Wala naman kaming ganyan pati wala naman akong kapamilya na malapit sa amin. Mostly kasi nasa probinsya sila. Kaya talagang hindi pa ako nakakasakay sa ganyan.

"Hey," napalingon ako kay Zac at sinusuot niya yung helmet habang nakatingin sa akin. Inabutan din niya ako ng helmet. Kinuha ko iyon kahit nag-aalinlangan. Pero paano pala ako uupo? Nakapalda ako.. Tapos napatingin ako kay Zac na nakatingin sa akin, tanging mata na lang niya nakikita ko kasi naka helmet na siya. Mukhang naiinis na siya kaya sumakay na ako, pero ang upo ko nakagilid. Hindi yung actual na gingawa ng karaniwan.

"San tayo pupunta?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot, pinaandar niya kaagad yung motor kaya muntikan na akong mahulog mabuti na lang napahawak ako sa bewang niya. Pagkatapos kong magawa iyon bigla kong tinanggal yung braso ko sa bewang niya.

"HUMAWAK KA" sigaw niya kasi hindi kami nagkakarinigan dahil covered kami ng helmet. Ang bilis ng takbo ng motor, ang lakas ng hangin. Naku, hindi alam ni Mama kung saan ako pupunta.. At hindi ko din alam kung saan kami pupunta.. 

Hindi ko sinunod yung sinabi niya, ang ginawa ko humawak ako sa likuran ko mabuti may hawakan doon. Pero feeling ko pa din lilipad ako sa sobrang bilis. Nagulat na lang ako ng bigla siyang huminto sa ilalim ng isang puno. Hinubad niya yung helmet niya at bumaba. Ngayon kaharap ko na siya

"Bakit hindi ka humahawak sa akin?! Gusto mo bang mahulog ka?! Ang bilis ng takbo ko hindi secured kung hahawak ka lang dyan!" tapos tinuro niya yung hinahawakan ko.

"-WALA NAMAN AKONG SAKIT, WHY YOU CAN'T HUG ME?!" nagpapasalamat ako dahil nakahelmet ako. Mata ko lang ang nakikita niya, kasi feeling ko namula ako sa sinabi niya. Bigla akong kinabahan at lumakas ang kabog ng dibdib ko doon. Nag nod na lang ako sa kanya at sumakay na ulit siya. Pero this time hindi na siya nag helmet. 

Napatingin ako sa salamin at nakatingin siya sa akin. Kaya naman yumapos na ako sa kanya kasi mukhang wala siyang balak umalis. Nung ginawa ko na iyon, pinaandar na niya yung motor.

Matagal tagal na kaming nakasakay sa motor, hindi ko nga alam kung saang routa kami papunta. Napatingin na lang ako sa dinadaanan namin, nasaan kami? Bakit may lake sa paligid nitong lugar na ito? Tapos huminto kami sa isang Function House ba ito o Asotea? Kasi doon sa lugar na iyon may mga tao, parang may show ata. May upuan at banda... Habang ang paligid ay lake! Ngayon lang ako nakakakita ng ganito.

Bumaba na ako at hinubad ang helmet. Napa WOW ako kasi ngayon ko lang nakita ang buong lugar. Parang sea shore siya pero hindi nasa gilid kami ng isang road tapos ang nakapaligid dito LAKE, yung may mga water lily hahaha. Tapos napatingin ako sa langit color orange na. Malapit ng mag sunset!

"Serah!" napalingon ako sa tumawag sa akin at nagulat ako ng makita ko si Bethina na bumaba doon sa Asotea.

"Bethina, anong ginagawa mo dito?"

"Si Travis sinama ako dito! I don't even know kung bakit niya ako dinala dito."

"Oh, ako naman si Zac ang nagsama sa akin dito. Ano bang meron bakit parang nagkakasiyahan ang mga tao dyan?" tinuro ko yung Asotea, ang dami kasing teenager na nandoon parang may Party.

"Eh kasi naman po gig na naman ng The Switch iyan. Mag p-perform na naman sila.." sabi sa akin ni Bethina na nababagot.   "-tara lakad muna tayo, iniwan ka na ng Zac mo"

Naglakad na kami ni Bethina ang sarap ng simoy ng hangin. Ang lamig din, napatingin ako kay Bethina at naka poker face lang. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit ganoon ang mukha niya kaso magalit siya sa akin kasi nanghihimasok ako sa kanya. Huminto kami sa isang hedge na nagdidivide sa road at sa lake. Umupo kami doon at nilawit namin yung mga paa namin.

"Bethina, bakit ka galit na galit kay Travis nung isang araw?" tanong ko sa kanya. Gusto ko kasing mag katopic kami kaya nilakasan ko na ang loob kong magtanong.

"E-eh. Eh kasi.. Ano.. N-naaasar ako sa kanya ang babaero niya! Ayoko lang masaktan yung girl na nilalandi nya! Tama, ayoko lang masaktan yung girl!" defensive niyang sagot sa akin.

"Oh, akala ko nasasaktan ka eh.." sabi ko tapos nakarinig naman kami ng malakas na hiyawan doon sa Asotea simula ng mag Mic Test si Zac.

"Magsisimula na pala, gusto mong manuod?"tanong sa akin ni Bethina

"Hindi na.." sagot ko ng mabilis. Nakatingin lang ako sa langit, palubog na yung araw.

"Sige, dito na lang tayo. Maaasar lang akong makita si Travis na nagpipiling na napakagaling mag drums."

Tapos yun tumugtog na sila, ang ganda ng boses ni Zac pero hindi ko naman alam ang kinakanta niya may pagka mellow siya. Parang beat ng One Way pero hindi naman Hillsong yung kinakanta nila. Kaya hindi ko na lang iniintindi. Tapos yung mga taong nanunuod narinig ko ng sumisigaw ng Switch, Switch, Switch. Ang lakas lang talaga ng sigawan..

Napalingon ako sa langit at nakalubog na yung araw. Ang saya ko kasi napanuod ko yung Sunset..

"Mahilig ka ba sa sunset?" biglang tanong sa akin ni Bethina

"Oo, ang ganda kasi.."

"Sabi nila kapag malungkot ka daw, manuod ka lang daw ng pagbaba ng araw. Gaganda daw ang pakiramdam mo kasi makakalimutan mo iyon sa sobrang ganda ng scene na makikita mo. Yung dahan-dahang bumababa yung sun. Hindi ba nakakaamaze iyon? Tapos makikita mo, ay wala na! Nagtago na.. HAHA"

Napangiti ako sa sinabi ni Bethina, ako naman ang masasabi ko lang. Ang isa sa sikat na expression ko about scenery. All things bright and beautiful!

Nagulat ako ng may biglang tumakip sa mata ko. Nagulat ako kasi biglang dumilim. Hinawakan ko yung kamay niya, pero ang lakas niya hindi ko magawang tanggalin.

"Bethina, nandyan ka pa ba?" kinapa ko si Bethina at kinapa din niya ako

"Oo nandito pa ako. Pang-asar naman kasi itong nagtatakip ng mata ko. Bulok na ang style!" reklamo niya, so pati pala siya tinakpan ang mata. Sino naman kaya ang mga ito? Imposibleng sila Zac ito dahil may tumutugtog pa din.

"Sino ka ba?" tanong ko sa may takip ng mata ko. Hindi naman sumagot..

"Pag di mo tinanggal, hindi ka makakauwi ng buhay, akala mo!" banta ni Bethina doon sa kanya. Pero, sino ba ang mga itong nagtatakip sa mata namin? Kumakanta pa si Zac.. Teka, nag aasume ba ako na si Zac ito? Waah..

"Bethina, hindi si Travis yan. Tumutugtog pa sila.." sabi ko kay Bethina kahit wala naman akong nakikita.

"Oo nga noh.. HOY! BITAWAN MO NA NGA AKO!" kahit di ko nakikita sila Bethina alam ko na ang ginagawa nyan , pumapalag na.   "IFL-FLYING KICK KITA KAPAG HINDI MO ITO TINANGGAL! HOY!! Ang baho ng kamay mo, ang laki laki pa! Tanggalin mo na yan!! Ang gaspang pa, hindi ka ba nag lo-lotion?!"

Ako naman kinurot kurot ko yung kamay na nakatakip sa akin. Nag iinit na ang loob ng mata ko. Kinuramos ko pa kahit wala akong kuko.

"Tanggalin mo na.. Sino ka ba kasi.." sabi ko sa kanya pero hindi na naman siya sumagot.  "--bahala ka matutulog na lang ako. Sige ka.." sabi ko kahit alam ko naman sa sarili ko na walang sense yung panakot ko sa kanya compare kay Bethina na nakakatakot talaga.

"Ako ang iyong konsensya.." biglang nagsalita sila.. Oo sila, halata sa boses na sabay at parang pinipigilan ang boses. Tumutugtog pa din ang The Switch, sino ba ang mga ito?

"HOY, TANGGALIN MO NA KASI ITO!!! LAGOT KA KAY TRAVIS KAPAG NAHULI KANG NAGTATAKIP NG MATA KO. INLOVE PA NAMAN SA AKIN IYON!!"sabi ni Bethina, I wonder ano kaya ang magiging reaction ni Travis kung maririnig niya iyon? Parang ang meaning kasi noon, si Travis ang savior ni Bethina. Ayieeeh...

"Kaya nga lagot kayo kay Travis ang gwapo pa naman noon ang talino pa." pag aagree ko kay Bethina pero bigla akong napatakip sa bibig ko. Naku, baka anong isipin ni Bethina sa sinabi ko.. Hala,, Wag naman sana!!

"Anong sinabi mo Serah?! May gusto ka din ba kay Travis?!!" bigla akong tinulak ni Bethina napaatras kasi ako pero nakakaasar nakahawak pa din sa mata ko yung kamay nitong hindi ko kilala.

"Wala..na" hininaan ko yung 'na' yung parang Volume ay -1.

"Mabuti, he's mine only... Kahit nakakaasar iyon. HOY MAGASPANG ANG KAMAY TANGGALIN MO NA ITONG TAKIP!! GUSTO KO PANG MAKITA SI TRAVIS!"

"Bakit?" biglang sumagot yung nasa likuran ko. Ngeee?

"K-kasi.." -Bethina

"Ano?" -yung tao sa likod ko

"TANGGALIN NYO MUNA ITO!! PATI WALA AKONG BALAK MAG CONFESS DITO! Gusto ko sa kanya mismo! So please lang.. tanggalin mo na pati rin yung kay Serah."

"Bakit gusto mong makita si Travis?" parang may humaharang sa lalamunan nung nagsalita, yung may takip sa akin.

"Pag sinabi ko ang reason, tatanggalin nyo na ba?" tanong ni Bethina

"Oo."

"Kasi gusto ko siya!" mabilis na sagot ni Bethina pagkatapos noon nawala na yung kamay na nakatakip sa akin. Lumiwanag na din pero blurry pa ang nakikita ko. Lumingon ako sa likuran ko at nagulat ako na si Travis ang nasa likuran ko at si Zac naman ang nasa likuran ni Bethina. Nakangiting tagumpay di Travis tapos si Zac naman poker face na nakatingin sa akin. Napalingon ako kay Bethina na nagkukusot pa din ng mata.

Teka, paano sila ang napunta dito? Akala ko ba tumutugtog pa din sila? Ano iyon, kaboses lang ni Zac yung kumakanta? Imitator? Tapos nakita ni Bethina ang tao sa likuran namin. Ayun tumayo lang naman sya at pinandilatan si Travis.

"I hate you! Binabawi ko na ang sinabi ko! Wala ka ng magawang matino! Puro ka kalokohan." Pagkatapos noon tumakbo na si Bethina. Si Travis naman tumingin sa aming dalawa ni Zac.

"Paano ba yan? Sira ang double date, tumakbo ang kadate ko eh. Sige bye, habulin ko lang. Enjoy!" at umalis na din siya. Naiwan si Zac at nandoon pa din siya sa pwesto niya na nakatayo. Iniwas niya yung tingin niya sa akin at tumingin sa lake.

"Hinawakan mo pa yung kamay niya.." bulong lang yun pero narinig ko pa din na sinabi niya.. Hindi ko na lang pinansin kasi humangin ng malakas. Woooh, ang lamig. Nakatingin lang ako sa lake nag didilim na kasi eh. Pagabi na.. Naramdaman ko na lang na may nag aayos ng buhok ko.

"Ang gulo ng buhok mo, hindi mo man lang inayos after mong bumaba sa motor" tapos noon nakaramdam ako ng ibang feeling na naman. Inayos niya kasi yung buhok ko, nung natapos na siya umupo siya sa tabi ko.

"Dito mo ba talaga ako dadalhin?" tanong ko sa kanya pero hindi ako nakatingin sa kanya.

"Hmm, oo.. Gusto kong makita mo yung Sunset."

"Yeah nakita ko na ang ganda.. Wait, sabi pala ni Ma'am Lopez, ibabagsak ka daw niya."

"Hayaan mo siya.." sagot niya na mabilis na kinagulat ko.

"Eh? Ayos lang sayo? Paano ka makakagraduate kapag may failed subject ka?"tanong ko sa kanya. Tapos tumingin siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko.

"Why can't you say na concern ka lang sa akin? Para tapos na?" nakangiti niyang tanong sa akin, iniwas ko naman ang mukha ko kasi feeling ko namumula na naman ako. Tapos nagulat na lang ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Tapos may pinasok siya sa daliri ko na singsing. Ang ganda nung singsing, kumikinang na rose yung nasa gitna. Pero bakit niya ako binibigyan nito?

"Para saan ito?" tanong ko sa kanya

"Nung nakita ko yan, ikaw ang naalala ko kaya binili ko. Nagustuhan mo ba?"

"Oo.." tapos nginitian ko siya. Nilayo ko ang kamay ko at tinignan ito. Ang ganda!

"Ingatan mo yan.." nag nod naman ako sa kanya..

"Di ba noon tinanong mo ako kung anong kukunin ko sa College?" nag nod naman ako sa kanya.  "-mag a-Architecture ako, hindi ko alam kung saan school ako mag-aaral. Hindi pa kasi settled ang life ng family ko. Baka magbago, kaya hindi pa din ako sure kung saan ako mag-aaral. Pero sana settled na here, ayaw kong umalis."

Nag nod na lang ako sa kanya, so Architecture pala siya. Nakatingin pa din ako sa singsing. Ito ang kauna-unahang beses na nagkaroon ako ng singsing. Hindi kasi ako mahilig sa Accesories, ganoon din si Mama kaya wala kaming ganito sa bahay. Kaya promise ko sa sarili ko iingatan ko itong singsing na ito..

"Tara?" biglang tumayo si Zac kaya tumayo na din ako. Bigla kong naaala yung iniisip ko kanina. Dapat madala ko si Zac kay Lord...  "--uwi na tayo, hatid na kita" dagdag niya.

Lumakad kami papunta sa motor sumakay kami at nagdadalawang isip ako kung tatanungin ko si Zac about doon.. Parang tumitiklop ang dila ko, hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Umalis na kami doon sa place at nag drive na siya. Tahimik lang kaming dalawa..

"Zac," sabi ko. narinig naman niya ako kasi hindi naman kami naka helmet

"Hmm?" Lord, kayo na po ang bahala sa akin ha?

"Noon sinabi mo sa akin na wag kitang hahawahan about sa Bible. Tanong ko lang galit ka ba kay Lord?"

"Tch" yan na lang ang narinig ko mula sa kanya tapos noon bumilis ang takbo niya bigla na lang akong napayakap sa kanya ng mahigpit. Malapit na kami sa amin pero hindi pa din niya sinasagot ang tanong ko hanggang sa nakarating na kami. Bumaba ako at hinarap siya..

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko" inirapan naman niya ako na kinagulat ko.

"Pumasok ka na gabi na. Malamig na ang hangin baka sipunin ka"

"Hindi mo pa din sinasagot ang tanong ko. Galit ka ba kay Lord? Bakit parang iwas ka lagi sa mga topic about Religion.." sabi ko. Sumama naman ang tipla ng mukha niya at tumungo siya. Nakita kong nag clenched ang kamay niya sa manobela na kinagulat ko.

I think I'm asking him below the belt. Patay!

"Pumasok ka na lang sa inyo. Bye" sabi niya ng matamlay,

"If only you answered my question" mabilis na sagot ko. Napa sigh naman si Zac at napasabunot sa buhok niya..

"I'm tired Serah, please lang. Wag ka ng gumaya sa kanila na tanong ng tanong sa akin. I don't want to be a guy you used to know before. So please stop asking me about that stuff. I really hate that topic. But if you still insist me to answer that, hindi ko na alam kung anong iisipin mo sa akin. I'm so tired.. kay Mara pa lang"

Nagulat ako sa sagot niya.. Bakit napunta si Mara sa usapan? Totoo ba yung naiisip ko noon? Biglang pumasok sa isipan ko yung araw na iyon.

"Nung nag cut ka ng k-klase.. Magkasama ba kayo ni M-Mara?" nag aalinlangan kong tanong sa kanya. Hindi agad siya sumagot, tumingin lang siya sa akin. Please, ayaw kong sumagot siya ng OO. Sana hindi...

"Yes"

Pagkatapos noon tumakbo na ako papasok sa loob ng bahay namin. Umakyat ako sa kwarto ko habang tumutulo ang luha ko. Sinasabi na nga ba may something sa kanilang dalawa! Hinubad ko yung singsing at pinasok sa drawer ko.

Hindi din niya kayang sagutin yung tanong ko. Sa palagay ko hindi ko na din siya kayang sagutin.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

7.5K 426 51
Isang pag-ibig na di mo inaasahang mararamdaman sa isang taong kinaayawan mo. Nagsimula ang lahat sa pambubully at saan nga ba ito hahantong? Halina'...
10.1K 357 25
Si Heylie Romero, isang maganda, masayahing at mabait na babae. Pero nagbago ang buhay nya ng mawala ang mga taong mahal nya, dahil sa isang aksident...
449 125 36
Peterson Gachalian Hernandez, is a famous male model and he's from a known wealthy family 'anong magagawa niya kong sa isang babaeng hindi niya dapat...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.