South Boys #2: Heartbreaker

By JFstories

13.4M 748K 524K

He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrer... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
The Final Chapter
Epilogue
message-bonus chapter-announcement
BONUS CHAPTER
SOUTH
Serial Charmer

Chapter 28

142K 8.9K 7.5K
By JFstories

UNSURE JORDAN.


Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya. Sa mga oras na ito ay hindi naman siya mukhang naguguluhan.

"B-basta uuwi na ako," sabi ko sa dapat na matigas na tono kaya lang pumiyok.

Nag-ring ang phone niya na nasa dashboard ng sasakyan. Ni hindi niya tinapunan iyon ng kahit kaunting sulyap. Ang kulay tansong niyang mga mata ay nakatuon lang sa akin.

"M-may tumatawag sa 'yo."

Nang hindi pa rin niya kinukuha ang phone ay ako na ang dumampot niyon. Ang mommy niya ang caller na malamang ay hinahanap na siya at nag-aalala na sa kanya.

"Sabihin mo sa mommy mo na pauwi ka na para hindi na siya mag-alala," pagkasabi'y sinagot ko ang call at saka inabot sa kanya ang phone para hindi na siya makatanggi.

Naglapat ang mga labi niya bago niya tinanggap ang phone. Sa akin pa rin siya nakatingin habang pinapakinggan ang nagsasalita sa kabilang linya.

"Yeah, uuwi na ako," sabi niya sa boses na alanganing malamig at hindi.

Pagkababa ng tawag ay nagbuga siya ng hangin at napahagod ang mahahabang daliri sa kanyang buhok. 

"Jordan, uwi na ako... Uwi ka na rin..."

Nakahinga ako nang maluwag nang nag-drive na siya pabalik.

Inihatid niya na ako sa amin. Hindi ko na siya pinababa kasi sa mismong tapat ng gate naman namin niya inihinto ang sasakyan.

"Goodnight." Kinalas ko ang seat belt "Thank you ulit."

"What's your new number?"

Napalingon ako sa kanya. "B-bakit?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Do you really have to draw a line between us?"

Napasinghap ako at saglit na nalito. "Jordan, alam mo naman... m-may boyfriend na ako..."

Nakita ko na bumukol lang ang dila niya sa loob ng kanyang bibig.

"Ayoko lang magselos si Isaiah..." Humina ang boses ko.

Kalmado siyang sumandal sa sandalan ng driver's seat pero hindi nakaligtas sa akin ang bahagyang pagdiin ng pagkakahawak niya sa manibela.

"Saka mabuti na rin iyong hindi ka na dumidikit sa akin... Nakita mo naman, di ba? Hindi ka nakakuha ng exam dahil sa akin 'tapos ilang beses ka pang muntik mapahamak."

Tiningnan niya ako. Ang mga mata niya ay hindi kababakasan ng kahit anong emosyon ngayon.

Sinikap kong tumawa. "Hindi ako worth it nun, Jordan. Totoo naman sinasabi ng lahat sa akin, malandi talaga ako. Nilandi pa nga kita, di ba? Ang guwapo mo kasi e. 'Tapos nakaka-thrill pa kasi masyado kang straight sa buhay. Nasa Science Class at anak ng teacher."

Nakatingin pa rin lang siya sa akin. Kalmado lang ang kulay tanso niyang mga mata. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya.

Kahit parang tanga ay pinagpatuloy ko ang pagsasalita. "Hindi naman ako seryoso. Bored lang talaga ako noon kasi nga, may GF pa noon si Isaiah." Tumawa ulit ako nang pilit. "Saka malandi talaga ako kahit kanino mo pa itanong."

"Really?"

"Uhm, oo nga," maarteng sagot ko. "May boyfriend nga ako pero sumama pa rin ako sa 'yo mag-stroll, di ba? Malandi talaga ako, maniwala ka."

Inabot niya sa akin ang phone niya. "Okay. Give me your number and I will believe you."

"Ha?" Bumagsak ang panga ko.

"Come on." Gumuhit ang matamis na ngiti sa mapula niyang mga labi na kanina lang ay mariing magkalapat.

Nang makabawi ay nanalim ang mga mata ko sa kanya. "Ayoko nga!"

Ang mga ngiti niya ay nauwi sa pagngisi. "Coward."

Umuusok ang ilong sa inis na binuksan ko na ang pinto sa tabi ko. Bumaba na ako at padabog na isinara ulit ang pinto.

Nakapasok na ako sa gate namin ay hindi pa rin umaalis ang kotse ni Jordan. Kahit nakasara ang mga salamin ay parang nakikini-kinita ko pa rin ang ngisi niya. Ahg! Kainis talaga!

Tumalikod na ako at pumasok sa bahay namin. Saka pa lang din naman niya pinaandar ang kotse paalis. Gigil na gigil ako. Bakit ba kailangan niya pang pahirapin ang sitwasyon? Kainis talaga! Pasalamat siya nakontrol ko ang sarili ko kanina, kung hindi ay nakurot ko siya sa pisngi.

Pumasok na ako sa kwarto ko at bago mahiga sa kama ay napadighay ako. Hay, matutulog akong busog ngayong gabi.





NANG LUNES ay maaga akong gumising. Akala ko ay hindi magluluto si Mommy ng almusal at baon ko, pero natuwa ako nang makitang nasa kusina na siya. Ipinaghanda niya ako ng makakain saka ng babaunin.

Binigyan niya rin ako ng allowance para sa linggong ito. Five-hundred pesos. Humingi pa siya ng pasensiya kasi baka iyon lang muna ang mabigay niya. Said na kasi ang ipon namin dahil kababayad lang namin ng kuryente't tubig. Kailangan niya pa ng budget sa pag-a-apply.

Bago umalis ng bahay ay niyakap na naman niya ako nang mahigpit. Mukhang okay naman na si Mommy. Ang sabi niya ay today din daw siya mag-a-apply ng work.

Gusto kong i-text mamaya si Mommy para kumustahin sa pag-a-apply niya kaya bago umalis ay dumaan muna ako sa kalapit naming tindahan. Magpapa-load ako.

Sa tindahan ay ang aga-aga, naka-assemble na agad sina Aling Agnes, Aling Cecil at Aling Barbara. Buhay na ang mga dugo. 

Naulinigan ko ang sinasabi ni Aling Agnes. "Ay, oo. Nakita ko noong isang gabi na dumating ang daddy ni Carlyn. Ang tagal sa kanila. Pasilip-silip ako sa bintana, nasa labas pa rin nila iyong sasakyan. Hinihintay ko nga na sumunod iyong tunay na asawa, pero wala naman."

"Hindi siguro alam," sabi naman ni Aling Cecil. "Malamang tumakas ang magaling na lalaki para makita si kabit."

"Ay, siya nga!" pumalatak si Aling Agnes. "Ito namang anak, ay susme! May naghatid din na de-kotse. Noong nakaraan motor, 'tapos de-kotse naman ngayon."

Kung i-chismis ako ng kapitbahay namin, akala mo hindi ako laging minimention sa mga baby contest sa Facebook.

Ito namang si Aling Agnes, laging ako ang tinitira. Malandi rin naman iyong anak niya pero hindi niya ichini-chismis. Unfair niya.

"Pa-load po, 50 regular. Smart." Naglabas ako ng pera pagkarating sa tapat ng tindahan. Ibinigay ko rin ang number ko.

"Ay, si Carlyn pala ito." Napangiti si Aling Barbara nang makita ako. "Aba'y nananaba ka, ah."

Maliit lang iyong nagamit kong school blouse ngayon kaya parang mas lumaki ang dibdib ko, nananaba na agad? Pero nginitian ko na lang si Aling Barbara.

"Baka naman buntis ka na, ha?" sabat ni Aling Agnes na mas ngiting-ngiti.

Kahit napipikon na ay ngumiti pa rin ako. "Wala pa pong bata sa tiyan ko. Andoon pa sa itlog ng magiging tatay niya. Hindi ko pa naki-claim."

Pagpasok ng load ko ay nagpaalam na ako sa kanila. Ramdam ko naman na nakahabol pa rin sila ng tingin sa akin.

Minsan ang cute rin nila e. Napapagod na lang ako na mairita sa kanila.

Sa school ay nakasabay ko si Vivi sa gate. Kasabay niya rin iyong kinakapatid niya na Eli ang pangalan. 

Pagpasok sa room namin ay hindi ako tumabi kay Isaiah. Doon ako sa dati kong upuan. Wala si Miko, hindi ko alam kung nasaan.

Nakaupo na ako nang lumapit sa akin si Isaiah. "Galit ka pa?"

Umiling ako.

"Weh? Galit ka pa e." Tumabi siya sa akin. "Sorry na."

"Pwede ba, lumayo-layo ka sa akin at nababanas ako sa pagmumukha mo." Hindi ko alam kung bakit kay Isaiah ko naibubunton ang inis ko kay Daddy.

"Sabay tayo mamayang uwian, ah?"

Hindi ako kumibo. Tumayo na siya at kakamot-kamot ng ulo na bumalik sa likuran.

Dahil Lunes ay bumaba kaming lahat para sa flag ceremony. Pumila na ako. Bandang gitna ng pila ako pumuwesto dahil sa height. Nakasimangot ako dahil mula nang wala na si Nelly ay tamad na tamad na akong um-attend sa ganito. Di ko naman kasi ka-close ang ibang mga kaklase kong babae.

Sina Miko, Asher at Isaiah naman ay ang haharot sa pila ng boys. Nandoon ang magtulakan sila na parang mga tanga. 

"Bayang Magiliw na!" sabi ni Asher.

Kinaltukan siya ni Miko. "Gago, Lupang Hinirang!"

Nang mag-start na ang national anthem ay saka lang sila nanahimik.

Si Jillian ang nasa stage at nagkukumpas sa watawat. Ang sa Panatang Makabayan naman ay ang kinakapatid ni Vivi na si Eli ang nag-lead.

Naalala ko na rin sa wakas si Eli. Naging kaklase ko pala siya sa Memorial noong elementary. Matino nga. Sa pagkakatanda ko ay palagi namin siyang top 1 noon. Naging crush ko rin siya ng 3 days yata.

Nang tumugtog na ang CALABARZON March ay nagkagulo-gulo ang pila ng mga estudyante. Partikular na sa pila nina Isaiah. Mukhang tanga na naman sila habang sinasayaw ang martsa.





♩ ♬Dito sa Timog Katagalugan! Sumibol ang bagong pangalan! Ang kaunlaran kay bilis at masagana! Lahat kami may pagkakaisa! Sa mithiin ay sama-sama! ♬♬



Saka lang maririnig ang malakas na boses nina Miko, Asher at Isaiah doon sa part na "Hey, Hey!"

Kandabunggo-bunggo ko naman Isaiah sa mga steps. Sinasadya niya talaga na dikdikin ako. Parang gago.

"Mabuhay ang CALABARZON!" nakangising kanta niya. "CALABARZON sa habang panahon! Mabuhay!"

Itinulak ko siya pagkatapos ng kanta. Tatawa-tawa naman sila.

Pinapila na kami pabalik sa room. Si Isaiah ay hindi umalis sa tabi ko. Wala siyang pakialam porket alam niyang may crush sa kanya iyong class president namin na tagaayos ng pila.

Akbay-akbay ako ni Isaiah habang pinipisil niya ang pisngi ko. Panay naman ang palag ko. Papunta kami sa building namin mapatingin ako sa pila na nasa harapan ng guidance office. Nandoon ang pila ng Grade 12 Science Class!

Dumadagundong ang dibdib ko higit lalo nang magtama ang paningin namin ni Jordan. Formal lang ang mukha niya pero may something sa mga tingin niya sa akin.

Umiwas ako ng mata at yumuko. Pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi naman nakahalata si Isaiah. Ang ligalig pa rin niya hanggang makabalik kami ng room.

Sa buong araw ay wala akong ginawa kung hindi ang i-text si Mommy. Pinapalakas ko ang loob niya para hindi siya kabahan sa job interview. Tatawagan ko rin siya mamaya sa breaktime ko.

Nakatingin ako sa screen ng phone nang mag-popped up ang chat ni Tita Becky, legal wife ni Daddy.

Rebecca Ponce-Tamayo: Alam ko na pumunta na naman sa mommy mo si Lothario.

I-ignore message ko na sana nang biglang nasundan ang chat.

Rebecca Ponce-Tamayo: Nagpalit ka ng number mo para di kita ma-contact? Tapos iyong mommy mo naman blinocked ako sa Facebook. Kayo pa talaga ang maaangas e kayo na nga ang sumisira sa pamilya namin.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa phone.

Rebecca Ponce-Tamayo: Akala ko iba ka sa mommy mo, Carlyn. Pareho ka lang din pala niya. Sana karmahing kayong mag-ina. Hindi mo alam ang hirap na may kaagaw ka sa lalaking dapat ay sa 'yo lang umiikot ang mundo. Sana maranasan mo rin itong nararanasan ko para magtanda ang mommy mo! Sana maranasan mo rin na maloko!

May pumatak na maliit na luha mula sa isang mata ko. Pinahiran ko agad iyon at saka pinatay ang data ng phone ko.

Tumawag si Mommy sa akin. Hindi niya alam na chinat ako ni Tita Becky. Hindi ko na rin sinabi sa kanya. Sinarili ko na lang dahil ayaw kong sirain ang araw niya.

Masaya si Mommy nang makausap ko sa phone. Sa isang international account ng isang BPO company sa Bacoor pala siya nag-apply. Nakapasa siya sa initial interview. Nakabuo na agad siya ng mga pangarap.

Akala ko ay okay na si Mommy pero bandang last break ay nag-text siya sa akin. Bagsak siya sa final interview. Nalungkot ako pero hindi ko ipinahalata sa kanya. Ichineer ko siya at sinabing ayos lang iyon, bawi na lang siya sa next time.

After class ay hinanap ko si Isaiah. Papahatid ako sa kanya pauwi para makatipid ng pamasahe. Kailangan ko kasing pagkasyahin ang allowance ko hanggang sa susunod na linggo. Hindi ko kasi sigurado kung may mabibigay pa ba si Mommy sa akin pagkatapos nito.

"Si Isaiah?" tanong ko kay Miko. Siya lang ang bumalik sa room namin. Magsi-six pm na.

Kanina ko pa hindi nakikita sina Isaiah at Asher. Nakaalis na ang mga kaklase namin pero wala pa rin sila.

May napansin akong kakaiba kay Miko. Mailap ang mga mata niya sa akin kaya kinabahan ako.

Kwinelyuhan ko siya. "Nasaan si Isaiah?!" mariing tanong ko.

Ilang beses siyang napalunok bago sumagot. "Nasa clinic..."

Nagulantang ako. "Ha? Bakit nandoon?!"

Hindi ko na nahintay ang pagsagot ni Miko. Nag-aalalang nanakbo ako pababa sa hagdan. Tinakbo ko ang papunta sa clinic. May mga teachers sa labas niyon ngayon. May mangilan-ngilan ding estudyante na nakiki-usyoso.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Bakit nasa clinic si Isaiah? Anong nangyari sa kanya?

May humila sa akin at paglingon ko ay si Asher. Kahit pumipiksi ako ay kinaladkad niya ako patungo sa bench.

"Ano ba?! Punyeta ka!  Anong nangyari kay Isaiah?!" singal ko sa kanya nang isalya niya ako paupo sa bench.

"Pupunta rin iyon dito..." hindi makatingin sa akin na sagot niya.

Maghuhurumentado pa sana ako kung hindi ko lang nakita na naglalakad na si Isaiah patungo rito. Gusot ang suot na school polo niya, may band aid siya sa gilid ng kilay at putok ang kaliwang sulok ng kanyang mapulang mag labi.

Napatayo agad ako para salubungin siya. "Isaiah, anong nangyari sa 'yo?"

Nakatingin lang siya sa akin at hindi makasagot.

Magtatanong pa sana ako nang mapatingin ako sa pinanggalingan niya. Doon ay natanaw ko na naglalakad si Eli patungo sa gate. Katulad ni Isaiah ay bangas din siya at gusot ang suot na school polo. May band aid sa pisngi at putok din ang sulok ng ibabang labi.

Napaawang ang mga labi ko kasabay ng kung anong tila kumirot sa loob ng aking dibdib.

"Carlyn..." mahinang tawag ni Isaiah sa akin.

"B-bakit ka nakipag-away sa kanya?" nanginginig na ang boses na tanong ko.

Si Eli ay bahagyang huminto nang mapatingin sa amin. Ang mga kilay niya ay salubong pero walang kahit anong emosyon sa kanyang maamong mukha.

Nang maglakad na ulit ang lalaki patungo sa gate ay natanaw ko roon na naghihintay si Vivi. Sinalubong nito ang kinakapatid.

Pagbalik ko ng tingin kay Isaiah ay huling-huli ko ang pagtatagis ng mga ngipin niya.

"Tangina..." mahinang sambit ko.

"Car—"

Hindi niya na natapos ang sinasabi dahil sinikmurahan ko siya. Kanda-ubo siya dahil sa sakit at pagkabigla.

"Break na tayo," bitiw ko sa mariin at matigas na tono.

Napatingala si Isaiah sa akin. Namimilog ang mga mata niya na kasing kulay ng madilim na gabi habang ang mapula niyang mga labi ay nakaawang.

"Ayoko na, Isaiah. Break na tayo!"

Tinalikuran ko na siya, sila ng nina Miko at Asher na mga nakatanga.

Hindi ko na sila nilingon. Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit at pait. Tangina ni Isaiah. Tangina niya. Kahit hindi siya magsalita at magpaliwanag, tangina niya talaga.

Alam niya ang pinagdadaanan ko. Alam niya ang mga insecurities ko sa buhay. Alam na alam niya, pero putangina, parang ginaya niya si Daddy. Ginawa niya sa akin ang ginawa ng daddy ko kay Mommy at kay Tita Becky.

Akala ko siya ang makakatuwang ko sa problema, akala ko naiintindihan niya ako, akala ko na higit kanino man, siya ang poprotekta sa feelings ko kasi nga alam niya ang pinagdadaanan ko. Alam niya, tangina!

Mabibilis ang mga hakbang ko papunta sa sakayan at agad akong sumakay sa tricycle. Nagpa-special ako pauwi sa Navarro kahit supposedly ay nagtitipid ako ngayon.

Walang patid ang pagpatak ng luha ko. Ang sakit-sakit. Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako ng taong pinagkakatiwalaan ko nang lubos.

Pagbaba sa bahay namin ay panandalian akong na-blangko. Nasa tapat kasi ng gate namin ang sasakyan ni Daddy.

Anong ginagawa niya rito? Sabi ni Mommy hindi na siya babalik? Bakit nandito siya? Ano na namang kailangan niya?!

Pinahid ko ng palad ang aking luha saka ako nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay namin. Napatanga ako ng sa sala ay madatnan ko ilang pirasong maleta.

Mula sa kusina ay lumabas si Daddy. Simpleng t-shirt at shorts lang ang suot niya. Nakangiti siya sa akin. "Bunso, hiniwalayan ko na ang Tita Becky mo."

Napanganga ako kasabay ng muling pagbalong ng luha sa aking mga mata. Umiiling-iling ako habang nakatingin kay Daddy. Para akong mababaliw.

Dumating si Mommy at natigilan siya nang makita ako. Ang reaksyon ni Mommy ay neutral lang at pagkatapos ay napalitan ng pagkagulat.

"My, a-anong ibig sabihin nito?" nanginginig na tanong ko sa kanya.

"Darling, t-tayo ang pinili ng daddy mo..." nauutal na sambit niya. "Pinili niya tayo..."

Anong joke ito? Hindi na ba matatapos ang mga joke sa araw na ito?!

"Pakakasalan ko ang mommy mo, bunso," sabi naman ni Daddy. "Ibibigay ko sa inyo ang buong pamilya na dapat ay noon ko pa ibinigay. I'm sorry kung nahuli ako, pero pangako, hindi na tayo magkakahiwalay."

"Mommy!" Napasigaw ako kasabay ng paghagulhol ko.  "Mommy, ano ito?!"

Napaluha na rin si Mommy. "S-sorry... g-gusto kitang bigyan ng buong pamilya... B-baka ito iyong sagot, baka ito iyong paraan para maging maayos na ang buhay mo..."

Hindi ko na siya pinatapos. Nagsisisigaw ako sa galit. "I hate you!" Naghy-hysterical na binitiwan ko ang aking bag sa sahig. "I'm so disappointed, Mommy! I hate you!" Tumalikod ako at nanakbo palabas ng gate namin.

Narinig ko na sinubukan akong habulin ni Mommy pero pinigilan siya ni Daddy. "Hayaan mo muna ang bata, nabigla lang siya. Give her time."

Pabalibag kong isinarado ang gate namin. Sargo ang luha ko sa mukha, at wala akong pakialam kahit nagkalat ang mga chismosa sa labas. Wala akong pakialam sa kanilang lahat!

Nanakbo ako paalis. Hindi ko alam kung saan ang tinutungo ng mga paa ko. Malabo rin ang paningin ko dahil sa luha. Namalayan ko na lang na nasa hiway na ako. Basta akong tumawid at sumakay ng jeep na byaheng Pala-pala.

Iyak ako nang iyak sa jeep. Sobra. Sobrang betrayal sa loob ng isang araw. Nanginginig ako at parang mauubusan na ako ng hininga.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko. Ayaw kong umuwi sa amin. Ayaw kong makita ang kahit sino sa mga tropa ko. Ayaw ko sa kanilang lahat.

Nang makarating sa Pascam ang jeep ay wala sa sarili na hinila ko ang string para pumara. Huminto ang jeep at bumaba agad ako. Sa sobrang tuliro ko ay hindi pa ako nakapagbayad ng pamasahe.

Nakatayo ako sa gilid ng kalsada at nakatanaw lang sa gate ng kaharap kong subdivision. Isang oras mahigit na ang lumipas. 7:30pm na. Hindi ako makapagpasya nang matino.

Sa huli ay kusang humakbang ang mga paa ko. Para akong nakalutang habang naglalakad. Tiningnan ako ng guard sa guardhouse ng Ecotrend Villas. Siguro namukhaan niya ako kaya hindi niya ako sinaway nang pumasok ako sa loob.

Nanginginig ang mga palad ko nang kunin ko ang phone ko sa bulsa. Nasa tapat na ako ngayon ng bahay ng mga Herrera.

Nag-dial ako sa phone. Tinawagan ko ang number na kabisado ko kahit binura ko na noon sa contacts.

Dalawang ring bago ako sagutin ng may ari ng number.

[ Who's this? ] Malamig at buo ang boses na sumagot sa akin.

Nangatal ang mga labi ko nang marinig siya. "J-Jordan..."

Saglit na natigilan ang nasa kabilang linya.

"Jordan, g-galit ka ba?" bahagyang pumiyok ang boses ko.

Wala siyang imik pero naririnig ko ang malalim na paghinga niya.

"J-Jordan, sorry... O-okay lang magalit ka... P-pero p-pwede ba kitang makita ngayon? H-hindi kasi ako okay... Jordan..."

[ Where are you? ]

Pasagot pa lang ako nang biglang bumukas ang pinto ng bahay nila. Lumabas siya mula roon at nagkagulatan pa kami nang magtama ang aming mga mata.

Hawak-hawak niya ang phone niya sa kaliwang kamay habang nakatulala siya sa akin. 

Dahan-dahan kong ibinaba ang phone ko at hinintay siyang makalapit. Ibinulsa na rin niya sa suot na jersey shorts ang hawak niyang phone.

Paglabas niya ng gate ay pinuntahan niya agad ako. Nang makita niya na basa ng luha ang aking mukha ay marahang kinabig niya ako. Hindi siya nagtanong ng kahit ano, basta niya niyakap niya lang ako.


Napahikbi ako at lalong napaiyak nang maramdaman ang init ng katawan niya. Hinayaan niya akong umiyak at ilabas ang lahat ng nasa dibdib ko. Wala akong narinig na salita na mula sa kanya, basta masuyong hinahagod niya lang ang aking likod hanggang sa tuluyang kumalma na ako.

Sumisinghot na humiwalay ako sa kanya pagkatapos ng ilang minuto. "P-pwede ba ulit akong makitulog?"

Ngumiti siya at hinila na ako papasok sa bahay nila. Nagpunas ako ng luha bago pumasok sa sala. Nandoon si Jillian at nanonood ng TV. Nang makita ako ng babae na kasama ng kuya niya ay napatanga siya. 

"Jill, may kanin pa?" tanong ni Jordan sa kapatid.

"Oo, K-kuya..." kanda-utal na sagot niya at napatayo pa siya mula sa sofa. 

"Painit naman sa microwave, please?"

Napatingin ako kay Jordan. Ngumiti lang siya sa akin saka niya ako hinila papunta sa kwarto niya. Nang lingunin ko si Jillian ay nanlalaki ang mga mata niya habang nakasunod sa amin ng tingin.

"Jordan, baka isumbong ka ni Jill sa mommy at daddy niyo," nag-aalalang sabi ko.

"I'll talk to her." Hinawakan niya ako sa ulo. "Dito ka lang. Kumuha ka ng pamalit na damit sa closet ko. Dadalhan kita ng pagkain dito."

Nakaawang ang mga labi ko at hindi ko makuhang magsalita dahil sa bilis ng pangyayari. Lumabas na si Jordan ng kwarto at naiwan akong nag-iisa rito.

Shit! Nakakahiya! Ngayon ko damang-dama ang pagapang ng hiya sa balat ko. Ano na lang ang sasabihin ni Jillian sa akin? Wala sana akong pakialam sa kahit ano pa mang isipin niya, kaya lang kapatid siya ni Jordan e. 

Naputol ang pag-iisip ko nang magring ang phone ko. Tumatawag si Mommy. Pinatay ko agad ang phone at ipinatong sa study table ni Jordan.

Napatingin ako sa salamin na nasa kwarto. Nakita ko roon na ang haggard ng aking itsura. Sinunod ko na lang ang sinabi ni Jordan na magpalit ng damit. Tinungo ko ang closet niya.

Pagbukas ko pa lang ng closet ni Jordan ay nanliit agad ako sa nakita. Shit, sobrang organized ng mga damit niya. By colors pa at ang sinop ng pagkakatupi. Walang sinabi sa damitan ko na parang dinaanan ng signal no. 3.

Nakakahiya talaga. Ang opposite talaga naming dalawa. Parang ayaw ko na tuloy manghiram ng damit sa kanya. Parang gusto ko na lang biglang umuwi. But no, ayaw ko nga palang makita sina Mommy at Daddy. So nilulon ko na lang muna ang hiya ko. Bawi na lang ako next life.

Nagkalkal na ako sa closet ni Jordan. Light pink na t-shirt ang pinili ko at isang white na taslan shorts. Kumuha rin ako ng wet wipes sa alam kong pinaglalagyan nito. Pinunasan ko ang mukha ko, leeg, mga braso at pati kili-kili.

Ang buhok ko na nakalugay ay inayos ko ang pagkakatali. Binuksan ko rin ang split type AC sa kwarto ni Jordan para tuluyan akong ma-freshen up.

Preskong-presko na ako habang nakaupo sa gilid ng kama nang pumasok si Jordan sa kwarto. May dala siyang plato na may lamang kanin at dalawang pirasong hotdog. Nandoon na rin sa gilid ng plato ang kutsara at tinidor.

"Okay na ba sa 'yo ito?" tanong niya at inabot sa akin ang plato. "Naubos na kasi iyong ulam namin kanina."

Tinanggap ko ang plato. "Okay na ito. Thank you..."

"Saglit, kuha kitang tubig." Lumabas ulit siya ng kwarto.

Habang wala siya ay sinamantala ko ang pagsubo ng kanin at ulam.

Pagbalik ni Jordan ay tumabi siya sa akin sa gilid ng kama. Inilagay niya ang baso ng malamig na tubig sa bedside table.

"Tulog na ba ang parents niyo?" Wala kasi kanina sa sala nila.

"Maaga silang natutulog kapag weekdays."

Tahimik na lang siya sa tabi ko hanggang sa maubos ko ang pagkain. Inabot niya sa akin ang baso ng tubig at kinuha ang plato na walang laman.

Hinintay niya akong maubos ang tubig bago niya kinuha ang baso. Pagtayo niya ay tumayo rin ako.

"Pwede ba akong makiwiwi?" nahihiyang tanong ko.

"Halika."

Sumunod ako sa kanya palabas ng kwarto. Pagkarating sa kusina ay inutusan ni Jordan si Jillian na hugasan ang pinagkainan ko. Ako naman ay lalong hiyang-hiya. Gusto ko sanang makipag-agawan sa plato kaya lang ay ihing-ihi na ako.

Paglabas ko ng banyo ay muntik pa akong mapasigaw sa gulat nang makitang nasa labas lang naghihintay si Jordan. Nakasandal siya sa pader.

"Tara na." Nauna na siyang maglakad sa akin.

Dahil nangunguna siya ay nasa likod niya ako. Nang madaanan namin si Jillian ay napayuko ako. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya lalo nang pumasok na kami ng kuya niya sa kwarto.

Binuksan ni Jordan ang ilaw ng lampshade na nasa bedside table. Pinatay ko naman ang switch ng main light sa kwarto.

Hindi pa rin ako umaalis sa tapat ng pinto. Hindi ko magawang ihakbang ang mga binti ko. Lumapit si Jordan sa hinubad kong uniforms na ngayon ay nakatupi sa ibabaw ng study table niya.

"Palalabhan ko kay Jillian sa washing machine."

"Ayoko!" mabilis na awat ko sa kanya. Gago ba siya? Manhid ba siya? Di ba niya nahahalatang may something na si Sissy sa akin ngayon?

Napatakbo ako palapit kay Jordan sabay agaw sa kanya ng uniforms ko. Nagtatakang napatingin naman siya sa akin.

Ibinalik ko sa ibabaw ng study table niya ang uniform. "A-ako na ang bahala sa uniform ko bukas. Wag mo ng alalahanin."

"Alright."

"Uhm... M-matulog na lang tayo..." napakahina ng boses na sabi ko. Kahit nakatulog na kami noon na magkatabi ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi mailang at mahiya. 

Wala naman akong narinig na sagot mula kay Jordan sa lumipas na mga sandali.

"Jordan, matulog na sabi tayo..."

"Is it okay with your boyfriend that you'll sleep in my bed tonight?"

Nang tingalain ko siya ay nasalo ko sa banayad na liwanag ang malamlam na repleksyon ng mga titig niya.

"Is that okay with him?" Malalim at maaligasgas na ang boses niya.

"B-break na kami ni Isaiah..." Hindi ko na natapos ang sinasabi dahil pinatahimik na ng mga labi niya ang mga labi ko.

Sa una ay nanlaki ang mga mata ko pero sa huli ay napapikit na lamang ako nang mariin. Hindi rin ako tumutol nang bigla akong buhatin ni Jordan patungo sa kama niya.

JF

Continue Reading

You'll Also Like

670K 23.9K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
14.6M 749K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
1.1K 148 37
I HEART YOU BY:@c_sweetlady Sina Daint at Chariee ay nagkakilala dahil sa kanilang mga magulang na pinilit silang pag-lapitin. H...
1.9K 190 36
Nagyaya si sarah magbakasyon sa kanilamg lugar.Ngunit sa paglalakbay nila nakapasok sila sa lugar ng kagubatan na punong puno ng kahiwagaan .Kaya nga...