South Boys #2: Heartbreaker

By JFstories

13.3M 747K 524K

He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrer... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
The Final Chapter
Epilogue
message-bonus chapter-announcement
BONUS CHAPTER
SOUTH
Serial Charmer

Chapter 27

147K 8.9K 6.6K
By JFstories

YOUR BOYFRIEND IS NOT DOING A GOOD JOB.

Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sinabi ni Jordan. Hindi na ulit siya nagsalita pagkatapos niyon. Tahimik na lang siya sa tabi ko, at sobrang nakakailang. Lalo kapag aksidenteng nagdidikit ang mga siko naming dalawa. Lintek na tricycle kasi ito ang sikip.


Sinubukan kong lumayo nang kaunti sa kanya pero tiningnan niya ako na parang sinasabing wag na akong magsayang ng effort dahil nagmumukha lang akong tanga.


Napalabi ako at hindi na lang huminga sa kinauupuan ko. Pag-angat ng paningin ko sa salamin na nasa harap ng tricycle ay nakita kong nakatingin din pala roon si Jordan. Auto iwas na naman ulit ako ng tingin. Kunwari na lang nilalaro ko iyong lace ng ID ko.


Papasok na ng Navarro ang sinasakyan namin nang mag-ring ang phone niya sa bulsa. Ring nang ring pero hindi niya pinapansin.


"Iyong phone mo," sabi ko nang hindi na makatiis.


Saka lang niya kinuha ang phone niya. Dahil magkatabi kami ay nakita ko ang pangalan ng mommy niya sa screen. Nang matapos ang call ay sumunod na tumawag si Jillian. Pareho na hindi niya iyon sinagot.


Napayuko ako nang makitang nilagay niya sa silent ang phone at muling ibalik sa bulsa ng school pants niya.


"Magpa-diretso ka na sa inyo," sabi ko nang malapit na sa amin ang tricycle.


"Makikiinom ako."


Kumuyom ang mga palad ko.


Paghinto ng tricycle sa tapat ng gate namin ay nauna siyang bumaba. Nakabukas na ang payong para hindi kami parehong mabasa.


Pagbaba ay nasa gate na agad si Mommy. Mukhang sasalubungin niya rin ako ng payong kaya lang nakita niya na kami ni Jordan. Napangiti agad siya. "Jordan, thank you sa paghatid sa dalaga ko!"


Pagpasok namin sa sala ay ngiting-ngiti si Mommy habang inaasikaso niya si Jordan. Parang iyon ang anak niya at hindi ako. Mas namiss niya yata kaysa sa akin.


Pagkahubad ko ng sapatos ay tinawag ko si Mommy. "My, sa kwarto muna ako. May assignment ako na kailangang tapusin e."


"Magpatulong ka jay Jordan."


"Hindi na. Uuwi na 'yan."


"I can stay," sabi ni Jordan na hindi ko inaasahan.


Nang lingunin ko siya ay nakangiti siya sa akin. Parang kanina lang ang sungit-sungit niya sa tricycle. Plastic. "Magbihis ka na. Hihintayin kita rito. Gawin natin iyong assignment mo."


Napanganga ako. Seryoso ba siya?


Masayang itinulak naman ako ni Mommy papunta sa kwarto ko. "Darling, bilisan mong magbihis. Wag mong paghintayin si Jordan, okay?"


Naitirik ko na lang ang mga mata ko. Pagpasok ko sa kwarto ay naghanap ako ng ibibihis. Isang spaghetti romper na plain yellow ang isinuot ko. Ang buhok ko ay basta ko na lang itinaas into a bun nang hindi man lang sinusuklay.


Bitbit ang hiniram kong libro ng Physical Sciences kay Isaiah ay lumabas na ako ng kwarto. Nandoon pa rin si Jordan. Plain white T-shirt na lang ang pang itaas niya. Hinubad niya na ang suot niyang school polo kanina at ewan ko kung saan niya inilagay. Nasa bag niya yata.


Inilapag ko sa center table ang libro at ang notebook ko. "May papel ka ba? One whole?" tanong ko sa kanya.


Nakalimutan ko na wala pala kasi akong papel. Actually, never akong nagkaroon ng papel. Sa room kasi ay nanghihingi lang ako o kaya umaasa sa supply nina Isaiah.


"Yes," sagot ni Jordan. Kumuha siya ng isang pad ng one whole paper mula sa backpack niya.


Nag Indian sit ako sa sahig saka hinila ang center table palapit sa akin. Nagulat ako nang maupo rin sa lapag si Jordan. Kinuha niya ang libro ko sa Physical Sciences at binuklat-buklat.


Nagsimula na akong mag-assignment. Ang hirap kasi engot talaga ako sa Science, 'tapos may halong Math pa dahil may compute-compute.


Tutok naman si Jordan sa pagtuturo sa akin. Sinimulan niya sa basic dahil na-gets niya yatang puro hangin ang laman ng utak ko. Hay, sana ma-turn off na lang siya at lumayas na.


"Any vector can be resolved into a horizontal and a vertical component," malumanay ang boses niya habang nagsasalita.


Nagdrawing siya ng rough sketch ng original vector sa papel. Puro tango lang naman ako. 


"Note that the angle is measured counterclockwise from the positive x-axis."


Tumango-tango ako. Dahil mahaba ang pasensiya at malambing ang boses niya habang nagtuturo ay may nage-gets naman ako kahit papaano. Mga 10% siguro.


In fairness, mas mabait siyang magturo kaysa kay Isaiah. Si Isaiah kasi ay maiksi ang pasensiya. Kapag paulit-ulit na at di ko pa rin nage-gets, kinakaltukan agad ako. Napakahayup.


"You have to determine the components. Then the magnitudes of the component vectors." May mga sinulat-sulat siya sa papel. "You need trigonometry to calculate the magnitudes."


Dami pa niyang ginawa. Ipinakita niya sa akin ang papel matapos ang ilang minuto.


"Bale ito is in the negative x-direction and..." Nahinto siya nang makitang sa kanya ako nakatingin at hindi sa papel.


Napakurap din naman ako nang magtama ang mga mata namin. 


Parang may dumaang anghel. Iyong maharot na anghel.


"Carlyn," maaligasgas ang boses niya.


Napalunok ako at nag-iwas ng paningin. Inagaw ko sa kanya ang papel. "Uhm, ano ngang number na ba ako?" tanong ko na pilit itinataboy ang panginginig ng boses.


Bumuntong-hininga si Jordan at saka itinuro sa akin ang huli niyang ginawa. Sobrang tahimik niya na nang mga sumunod na sandali.


Himala rin naman na natuto na ako at ako na ang sumagot sa ibang numbers. Parang dahil sa pagpapanic ay biglang napiga ang utak ko. Kahit malapit-lapit na akong duguin ay nagsikap ako na magawa na ang assignment dahil gusto ko nang makatapos.


Bandang quarter to 7:00pm ay natapos ko na nga ang assignment ko sa tulong ni Jordan. Sa wakas tapos na dahil hindi na ako makahinga sa tensyon.


Inaayos ko ang aking mga gamit nang mag-blink ang ilaw ng phone ko na nasa ibabaw ng center table na kaharap namin. Sa pagliwanag ng screen ay mababasa agad ang pangalan ni Isaiah. Napalunok ako nang makitang nakatuon doon ang paningin ni Jordan.


Dinampot ko ang phone at binuksan ang text message.


Isaiah:
Kumain ka na?


Hindi ko ni-reply ang text at itinaob ang phone sa center table. Inabala ko ang sarili sa pagliligpit ng mga gamit ko.


Sumilip si Mommy sa sala. "Dinner is ready. Kain muna kayo."


Tinulungan ako ni Jordan na ligpitin ang huling libro at pagkatapos ay nauna siyang tumayo. "Sa amin na po ako kakain," magalang na sabi niya kay Mommy.


Nalungkot ang ekspresyon ni Mommy. "Ganoon ba? Ayaw mo man lang bang tikman iyong gawa ko?"


Mahinang napatikhim si Jordan. "Thank you po. Pero baka next time na lang po."


"My, baka hinahanap na kasi siya sa kanila," sabat ko. Hinahanap naman na talaga si Jordan sa kanila. Kanina pa.


Tumango si Mommy. "Ah, sige. Naparami iyong niluto kong ulam, magdala ka na lang sa inyo."


Napanganga ako. Gusto ko sanang umalma kaya lang excited na bumalik na sa kusina si Mommy. Ipinagdasal ko na lang na sana matino na ang lasa ng luto niya ngayon.


Pagbalik ni Mommy ay may bitbit na siyang tupperware at paperbag. Nilagay niya sa paperbag ang tupperware at inabot kay Jordan. "Afritadang manok 'yan. Sa Youtube ko kinuha iyong recipe and procedure."


Tinanggap ni Jordan ang paperbag. "Salamat po."


"Carlyn, ihatid mo siya kahit hanggang sa gate," utos ni Mommy sa akin.


Paglabas namin ni Jordan ng pinto sa sala ay hindi na umuulan. Tumila na. Wala kaming kibuan hanggang sa makarating sa gate.


"Thank you..." sabi ko sa napakahinang boses. Hindi ako nakatingin sa kanya.


Papalabas na siya ng gate nang maalala ko ang payong niya. Nasa gilid iyon ng labas ng pinto namin. Nakalimutan niya.


"Jordan, iyong payong mo pala!" nabibiglang paalala ko.


Parang balewala na tumingin siya sa akin. "Sa 'yo na."


Napamaang naman ako.


Maliit siyang ngumiti. "Para kapag umulan ulit, may magagamit ka."


Tinalikuran niya na ako bago pa ako makapag-react. Nang lumabas na siya ng gate ay nakatanaw na lang ako sa kanya. Nabibingi na naman ako sa kabog ng dibdib ko.


Ipinilig ko ang aking ulo nang mahimasmasan. Wala sa loob na tiningnan ko ang payong na nasa may gilid ng pinto namin. Kulay blue iyon at may tatak ng COG. Church of God sa Dasma.


Ila-lock ko na ang gate nang may humintong Rav4 sa harapan ng bahay namin. Natigilan ako nang bumaba mula roon si Daddy. Seryoso ang mukha ng lalaki.


"Ang mommy mo?" salubong niya agad sa akin. Masyadong seryoso ang kanyang mukha.


Hindi ko na nakuhang sumagot dahil binuksan niya na agad ang gate at dire-diretso siya papasok sa sala.


"Clara!" sigaw niya. "Clara, mag-usap tayo! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?! Clara!"


Sumunod naman ako agad dahil baka mag-away sila. Sakto na kalalabas lang ni Mommy sa kusina pagpasok ko ng sala. Wala ang pagkagulat o ano mang ekspresyon sa mukha niya.


Tiningnan ako ni Mommy at malumanay siyang nagsalita. "Carlyn, kumain ka na muna sa kusina. Mag-uusap lang kami rito ng daddy mo."


Ayaw ko sana siyang sundin kaya lang ay naramdaman ko ang kaseryosohan ni Mommy. Maging si Daddy ay natigilan.


Tahimik na pumunta na ako sa kusina para iwan silang dalawa. Sa mesa ay nakahanda na ang pagkain ko kaya hindi na ako nagsandok pa. Naupo ako sa upuan at kumain na lang.


Habang kumakain ay nagse-cellphone ako para maiiwas ang atensyon ko sa nagaganap na komprontasyon sa sala namin. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nina Mommy at Daddy kasi sobrang hina ng mga boses nila. Scroll-scroll na lang muna ako sa FB.


Nakatapos na akong kumain at sa sobrang bored ko, nag-selfie ako. Ipopost ko sana ang selfie ko kaya lang ay nagbago ang aking isip. Naghanap na lang ako sa phone gallery ng ibang photos.


Nakita ko ang photo namin ni Isaiah kaninang breaktime. Magkatabi kami sa upuan, pareho kaming naka-wacky pose. Naka-pout ako sa cam habang si Isaiah ay nakadila kaya kita ang silver tongue rings niya.


Siya ang kumuha nitong photo na ito tapos nagpasa siya ng copy sa phone niya at ginawa niyang wallpaper. Nakakakonsensiya kasi hindi ko ginawang wallpaper na katulad ng ginawa niya. Ang ginawa ko ay ipinost ko na lang ngayon sa FB.


Uminom lang ako ng tubig at naghugas ng pinagkainan ko, pagtingin ko sa photo ay may 50 reacts na agad. Lamang ang likes at hearts.


May naligaw na isang angry react, galing kay Charles Felix Columna.


May dalawang haha mula naman sa tropa ko na sina Miko at Asher. May comment pa ang mga hayup.


Miko Pangilinan: #KMJS #RaffyTulfoInAction

Asher James Prudente: Pagsubok lang yan guys. Sana malampasan niyo. One like, one prayer.

Nel Ly Lhady Bhosz: Baka ninong at ninang ng bhaby ko yarn.. :D


Chineck ko pa ang profile ni Nelly kung siya ba talaga iyon. Nag-name change na naman kasi. Chinop-chop niya ang pangalan niya with nakakasukang additional names. Mukhang tanga pero at least hindi na feeling ambulance ngayon si buntis.


Mayamaya ay may comment na rin si Isaiah.


Isaiah Gideon DV: Jumejebs ako ang iingay niyo.



Binitiwan ko ang phone sa mesa. Tumayo na ako sa upuan at sumilip sa sala dahil sobrang tahimik na. Tama nga ako, wala na si Daddy. Nag-iisa na lang si Mommy sa sofa habang nakayuko siya.


"My..." tawag ko sa kanya.


Nang mag-angat siya ng mukha ay maliit siyang ngumiti sa akin. "Kailangan ko na talagang maghanap ng trabaho. Tinapos ko na ang ugnayan naming dalawa ni Lothario kaya naman hindi na raw talaga siya magsu-sustento kahit sa 'yo."


Lihim akong napaismid. Ang lakas na ng loob niya na hindi na magsustento sa akin palibhasa 18 na ako. Di na siya makukulong.



Tumango ako at ngumiti kay Mommy para palakasin ang loob niya. "Ayos lang iyon, 'My. Kaya mo naman. Maninibago ka lang sa umpisa dahil matagal na iyong huling pagwo-work mo, pero alam ko namang kaya mo. Saka tutulong ako sa 'yo. Pwede akong mag-working student sa college."


Wala na kasi iyong educational fund ko. Narinig ko kay Mommy na inalis na raw iyon ni Daddy at hindi na itinuloy ang paghulog noong nag-away sila dati.


Pumasok na si Mommy sa kwarto niya. Hindi na siya nakapag-dinner. Malumbay ang mga mata niya at sa tingin ko, hindi siya agad matutulog. Iiyak pa siya.


Okay lang namang umiyak. Mabuti nga at mailabas niya ang sinasaloob. Pumasok na rin ako sa aking kwarto.


Paghiga ko sa kama ay nakita ko na may PM si Isaiah. Gusto niya pala na pumunta rito kanina. Ngayon ko lang nabasa na magte-ten pm na. Ayaw ko siyang papuntahin dito. Wala lang. Baka magulat lang si Mommy kapag nalamang siya ang boyfriend ko.


Saka hindi good timing dahil may problema ngayon dito sa bahay. Binanggit ko kay Isaiah ang tungkol kay Daddy kaya gets niya na agad iyon.


Last year pa alam ni Isaiah ang problema ko sa pamilya. Last year noong birthay ni Miko, nag-inuman kami at na-tipsy ako. Nakapag-open up ako kay Isaiah kaya naman alam niya na ang mga hang ups at pinagdadaanan ko sa buhay.


Nahiga ako sa kama at tumulala sa kisame. Ilang minuto na naman akong ganito. Ayaw kong pilitin ang sarili na makatulog. Sabado kinabukasan kaya okay lang na tanghaliin ako ng gising.


Mga bandang 11:30pm ay nag-ring ang messenger ko. Hindi ko pala napatay ang wifi. Pagtingin ko ay nagre-request ng video call si Isaiah. Sinagot ko habang nakahiga ako.


[ Okay ka lang? ] Iyon agad ang bungad niya sa akin.


Nakahiga na rin siya sa kama niya. Magulo ang buhok niya at wala siyang suot na pang-itaas pero balikat pataas lang naman niya ang makikita sa screen.


"Oo," tamad na sagot ko.


[ E kumusta mommy mo? ]


Dumapa ako at isinandal ang phone ko sa headboard ng kama. Wala akong pakialam kahit sabog-sabog ang buhok ko sa screen ng phone. "Hindi ko alam. Nasa kwarto siya..."


[ Gusto mo punta ko diyan? Sa labas lang naman ako. Di ako papasok. ]


Ngumuso ako sa kakulitan niya. "Gabi na. Baka pagalitan ka ng mama mo."


[ Tatakas ako. Nasa akin naman susi ng motor ko. Stroll tayo tutal Sabado naman bukas. Ano, G? ]


Umiling ako. "'Wag na. Okay lang talaga." Ayoko talaga siyang pumunta. Saka okay na rin naman na ako.


Okay na ako dahil sa pangungumusta niya. Kahit noon kapag may ganitong problema, basta lang may makausap lang ako ay nagiging okay na ako.


Nagkwentuhan na lang kami ni Isaiah. Katulad nang dati, dinaldal niya ako, inasar 'tapos kinantahan. Ganito naman siya sa akin noon pa, noong hindi pa nagiging sila ni Vivi. Siya ang nagpapasaya sa akin sa mga ganitong sitwasyon. Nawala lang siya noong maging sila nga ni Vivi, pero ngayon ay nagbalik na siya. At ngayon ay boyfriend ko na siya.


Nang makita niyang napipikit na ang aking mga mata sa antok ay nagpaalam na siya. Matulog na raw ako. 2:00 am na kami natapos sa pag-uusap. Pinatay ko na rin ang wifi ko, at pumikit dahil talagang inaantok na rin naman na ako.


11:00 am ako nagising. Ako ang nagsaing dahil tinanghali rin si Mommy ng gising. Nag-prito ako ng manok na naka-marinate sa ref magdamag. Pagkakain namin ni Mommy ay parang wala pa rin siya sa mood kaya ako na rin ang nagligpit ng pinagkainan.


Bandang hapon ay naligo ako. Si Mommy naman ay nasa kwarto lang niya at hindi lumalabas. Hinayaan ko na lang muna at binigyan ng space. Malaking adjustment ang gagawin niya kaya naman kailangan niya ng panahon para mapag-isip-isip.


Sinubukan kong aliwin ang sarili para lang makalimot sa pagpunta ni Daddy rito kagabi kaya lang ang bigat pa rin talaga ng pakiramdam ko. Kahit naman kasi banas ako kay Daddy, ama ko pa rin siya. Nakakasama lang ng loob.


6:00pm nang maisip ko na pumunta na lang kina Isaiah. Doon na lang muna ako tatambay. Makikikain na rin ng hapunan dahil mukhang hindi naman magluluto si Mommy ngayon. Nakakawala rin naman ng gana kung ako lang ang kakain dito mag-isa.


Nang makapag-desisyon ay nagbihis ako. High waist maong shorts at black turtle neck na fitted rib crop top ang isinuot ko. Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba at straight kong buhok.


Hindi na ako nagpaalam kay Mommy. Nagsuot ako ng flat sandals at saka lumabas nang bahay.


150 na lang ang total ng pera ko pero itinodo ko na sa tricycle. Mangungutang na lang ako kay Isaiah since sabi niya nag-car wash daw siya ng van ng daddy niya kanina. Malamang may datung siya ngayon.


Pagkarating sa Brgy. Pasong Kawayan Dos ay excited akong bumaba ng tricycle. Dire-diretso ako papasok sa gate ng compound ng mga Del Valle dahil alam ko naman na hindi iyon naka-lock.


Excited akong makita si Isaiah, at makakwentuhan. Gusto ko na ma-divert ang isipan ko. Yayayain ko rin siguro siyang mag-jamming. Pero syempre hindi sa kwarto niya, ipapababa ko sa sala nila ang gitara niya.


"Isaiah!" sigaw ko nang malapit na ako sa pinto nila. Hindi ako nahihiya kahit pa nasa kanila ngayon ang parents niya. Legal naman na kasi kami.


Nakangiti pa rin ako nang lumapit sa bahay nila. Bubuksan ko na sana ang screen door nang bigla na lang akong matigilan. Mula kasi sa kinaroroonan ko ay masisinag ang isang babae na tahimik na nakaupo sa sofa ng sala nila.


Nanuyo ang lalamunan ko nang marahang mag-angat ng mukha ang babae. It was Vivi!


Napaatras ako at pinanlamigan ng mga palad. Hindi ko na itinuloy ang pagpasok sa loob. Natuliro ako at kung anu-ano ang pumasok sa isip ko habang naglalakad ako palayo.


Si Vivi talaga iyon, sigurado ako. Pero bakit nakina Isaiah siya? Anong ginagawa niya roon? Nag-uusap pa ba sila? May communication pa? Di ba dapat pag ex na, ex na? Bakit nasa kanila si Vivi? Naguguluhan ako.


Hindi ko namalayan na naglalakad na ako papunta sa bahay nina Arkanghel habang tulala. Sakto na palabas ng pinto si Arkanghel. May bitbit na Piattos sa kamay ang lalaki. Akmang susubo siya nang mapatingin siya sa akin.


"Bat ganyan mukha mo?'Problema mo?" sita niya sa akin.


Umawang lang ang mga labi ko pero wala akong naisagot. Lalampasan ko na sana siya dahil sa hiya nang marinig ko na tinawag ako ni Isaiah.


"Carlyn!" Nakalapit siya agad sa akin at hinuli niya ang aking pulso.


Nilingon ko siya. T-shirt na kulay white ang suot niya at jogging pants na itim. Magulo ang basang buhok niya. Kaliligo niya lang at hindi pa siya nakakapagsuklay.


Humihingal siyang nagpaliwanag dahil nakita niya ang panunumbat sa mga mata ko. "Car, di ko alam na pupunta si Vivi. Maniwala ka. Naligo lang ako, paglabas ko nasa sala na namin siya."


Hindi ko alam kung maniniwala ako. Natutuliro talaga ako. Pinuntahan ko nga siya kasi gusto ko siyang makausap, 'tapos madadatnan ko sa kanila ang ex niya?


Napangiwi si Isaiah nang makita niya na galit na galit na talaga ako. "Car, naman..." pang-aamo niya sa akin na katulad kung paano utuin utuin ni Daddy si Mommy kapag nag-aaway sila noon.


"Anong Car naman?! Balikan mo na lang kaya siya roon sa sala niyo tutal mukhang gusto mong marinig ang sasabihin niya! Balikan mo na lang siya!"


Masama ang loob ko at wala akong pakialam sa logic. Ang pakiramdam ko ay kalokohan lang ang lahat. Na parang sila ni Vivi 'tapos ako iyong kabit. Tangina, ganoon iyong pakiramdam. Nakakagago.


Natigilan ako nang mapatingin kay Arkanghel. Hindi pa pala siya umaalis. Sumusubo siya ng Piattos habang nakatingin sa amin ni Isaiah. Nakataas pa ang isa sa makakapal niyang kilay na parang nanonood lang ng drama sa sine.


Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa mukha dahil sa hiya. Nawala ako sa momentum. Napapalatak naman si Isaiah na mukhang napahiya rin.


"Tangina naman, 'insan. Bat andiyan ka?! May LQ kami o!" maktol ni Isaiah sa pinsan niya.


Nagkibit-balikat naman si Arkanghel. "Boring sa amin e. Tuloy niyo na lang wala naman akong pakialam sa inyo."


Nagpapadyak si Isaiah na parang batang maligalig. Natigil lang siya dahil lumabas mula sa bahay nila si Vivi. Napataas ang isang kilay ko nang mapansin ang ayos ng babae.


Simple lang si Vivi. Naka baby tee at pedal shorts. Hindi mukhang panlakad, iyong pang-araw-araw lang niyang suot sa bahay nila. Parang basta na lang talaga siyang umalis sa kanila para pumunta rito. Wala naman sana akong pakialam ang kaso napatingin ako sa gilid ng noo niya, may maliit na sugat siya roon. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pasa niya sa kanang braso.


"Sorry," mahinang sabi niya na sa akin nakatingin at hindi kay Isaiah. "W-walang kasalanan si Isaiah. Ako ang basta na lang pumunta rito na walang pasabi..."


Nagpatuloy sa pagsubo at pagnguya ng Piattos si Arkanghel sa tabi. Wala talagang balak umalis ang tinamaan ng magaling.


Yumuko si Vivi. "Aalis na ako. Sorry ulit. Hindi na mauulit..."


Nang maglakad na si Vivi patungo sa gate ng compound ay tiningnan ko ang reaction ni Isaiah. Nakasunod ang tingin niya sa babae pero walang kahit anong emosyon sa kanyang mukha. Masyado na siyang seryoso.


"Gusto mo bang sundan?" tanong ko kay Isaiah sa mababang tono. Hindi ako galit o kung ano pa man.


Nakita ko ang pag-igting ng panga niya pero hindi siya sumagot.


Nakalabas na ng gate si Vivi ay tahimik pa rin si Isaiah. Lumipas yata ang ilang minuto bago siya nagsalita.


"Gusto mo bang magmeryenda?" tanong niya sa akin. Nakangiti na siya. Ngiti na hindi umabot sa mga mata niya.


Umiling ako at sinikap na ngumiti rin. "Chineck lang kita kung nambababae ka. Uuwi na rin ako kasi may pupuntahan pa kami ni Mommy."


That was a lie. Wala kaming lakad ni Mommy. Ang balak ko talaga ay puntahan si Isaiah para makasama siya kaya lang wala na ako sa mood ngayon.


Hindi ko alam kung naniwala si Isaiah sa sinabi ko o hindi, basta tumango siya bilang pag-sang ayon. Hindi na ako nagpahatid sa kanya at hindi na rin naman siya nag-alok.


Kung ano man ang susunod na aksyon ni Isaiah, bahala na siya. Ibibigay ko na sa kanya ang araw na ito.


Umalis na ako sa compound nila. Walang lingon-likod na pumara ng jeep pabalik sa kanto ng Malabon. Hindi ko na afford ang magpa-special ng tricycle dahil hindi naman ako nakautang kay Isaiah.


Pagbaba ko ng Malabon ay madilim na. Sumakay ulit ako ng jeep na papuntang Pala-Pala. Ganoon ulit, bababa ako sa kanto ng pa-Navarro at maglalakad na lang.


Ilang beses akong nagpakawala ng paghinga. Naglalakbay ang diwa ko. Huli na nang ma-realized ko na lumampas na ng Navarro ang jeep pero hindi pa rin ako nakakababa.


Sa gate ng Sunterra Place ako pumara na ang tawid kalsada ay Grand Riverside Subdivision. Lalakarin ko na lang ang pabalik sa amin habang nag-iisip ako.


Habang naglalakad ay nakatulala ako. Wala rin akong maisip. Napangiwi ako matapos mapailing. Tiningnan ko ang daan kung saang banda na ba ako para lang mapatanga dahil na mali daang tinatalunton ko. Lintek! Hindi pabalik kundi paabante!


Napalunok ako nang makitang nakalampas na ako sa Camachile Subdivision at natatanaw ko na rin ang daan patungo sa Ecotrend. Anong ginagawa ko rito?


Bakit dito ako dinala ng mga paa ko?


Hindi. Hindi pwede...


Tumalikod agad ako at humakbang nang mabibilis paalis. Para akong mabibingi sa kabog ng aking dibdib habang naglalakad. Kailangan kong umuwi. Siguro sasakay na lang ako ng jeep o tricycle para makauwi na at—


Busina ng papasalubong sa aking sasakyan ang nagpahinto sa aking pag-iisip. Nasilaw ako sa headlights nito kaya bahagya akong napapikit.


Bakit niya ako binusinahan? Nasa sidewalk naman ako, ah! Nang umabante ang kotse ay kakatukin ko sana ang bintana ng passenger side para awayin ang driver nang kusa na iyong bumukas.


Mapusyaw ang ilaw sa loob ng kotse pero sapat na para makita ko ang guwapong lalaki na prenteng nakaupo sa harapan ng manibela.


"Jordan..." gulat na bulalas ko nang makilala siya. Ang kabog ng dibdib ko ay bigla na namang dumoble sa normal.


Shit! Nakakahiya na naabutan niya ako na naglalakad malapit sa subdivision nila.


Kalmanteng tumingin siya sa akin. "Sakay na."


Tumunog ang lock ng pinto sa passenger seat na tanda na binuksan niya ito. Namilog ang mga mata ko at hindi malaman ang gagawin. Hindi ako makapag-desisyon.


Bumusina ang mga sasakyan na nasa likod ni Jordan pero wala siyang pakialam. Mukhang wala siyang balak umandar hangga't hindi ako sumasakay.


Nagpanic ako dahil nagko-cause na siya ng traffic. Sa huli ay sumakay na ako sa passenger seat para lang umandar na siya. At ganoon nga ang nangyari. Saka lang siya umandar nang nasa loob na ako.


"Seat belt," sabi niya habang nagmamaneho.


Nagkabit naman ako ng seat belt saka siya nilingon. T-shirt at shorts lang ang suot niya. "Saan ka galing? Bakit gamit mo na naman kotse ng daddy mo?" wala sa sariling tanong ko.


"Nag-iikot-ikot lang, nagpapa-antok."


"Ah..."


"And how about you?" tanong niya rin na hindi sa akin nakatingin.


"Ah, ano..." Pinagana ko ang utak ko na kanina pa nilulumot. "Ahm, naglalakad-lakad lang... Uhm, nagpapaantok din."


"Nag-dinner ka na?"


"Oo," pagsisinungaling ko. Lulusot na sana, ang kaso biglang tumunog ang tiyan ko. Walang pakisama.


"Okay lang ba sa 'yo Jollibee?" tanong niya.


"Ha?" Napaharap ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. "'Wag na. Hatid mo na lang ako sa Navarro!"


"Hindi pa rin ako kumakain."


Napalunok ako. Anong ibig sabihin niya roon?


Walang pasabi siyang nag-U-turn. Nag-drive siya pabalik sa pa-Malabon na daan. May lisensiya at swabe naman siya magmaneho kaya hindi nakakatakot ang maging pasahero niya. Saka mabango siya.


"Drive thru na lang tayo." 


"W-wala akong dalang pera..." mahinang sabi ko dahil sa hiya. Nasa bente na lang ang pera ko sa purse.


"Sinong nagsabing pagbabayarin kita?" kaswal na balik niya.


Hindi ko na alam ang sasabihin. Kahit naman tumanggi ako ay mukhang hindi papaawat si Jordan. Saglit nga lang ay nasa Jollibee drive-thru na kami ng Lancaster New City. Dito raw kasi mabilis saka may drive thru.


"Anong gusto mo?" tanong niya. Binuksan niya ang bintana sa tabi niya nang nasa tapat kami ng ng drive-up window.


"Nakakahiya..."


"Come on," kalmanteng sabi niya. "Mas nakakahiya paghintayin iyong crew o."


"Okay sige na nga..." Napakagat-labi pa muna ako bago nahihiyang nagsalita. "Jolly hotdog sana with fries. Iyong large, ah? Padagdag ng ketchup baka kulangin kasi. 'Tapos isang Peach Mango Pie rin. Sa soda naman kahit Coke Float na lang na malaki. Pakiramihan iyong yelo kasi mabilis matunaw e."


Hindi ko alam kung bakit napapangiti si Jordan nang orderin niya na sa crew ang orders ko. Nanahimik na lang ako sa kinauupuan habang nahihiyang naghihintay.


Umorder din siya ng kanya. Isang Amazing Aloha Yamburger at isang bote ng mineral water. Umabante na kami at siya ang nagbayad sa lahat. Buong 1k bill ang pera niya. Siguro allowance niya pa iyon, nahiya na naman tuloy ako.


Sa labas ng Lancaster din kami nag-park para kainin ang mga binili sa Jollibee.


Noong una ay nahihiya pa ako pero dahil gutom na talaga ay kumain na ako nang tuloy-tuloy. Siya naman ay kinain na rin ang burger niya.


Naubos ko na ang lahat ng pagkain ko. Umiinom ako ng float nang lingunin ko siya.


Hindi niya naubos ang burger niya at parang wala na siyang balak ubusin. Tahimik siyang nakatingin lang sa kalsada.


"Hindi ka ba talaga kumain sa inyo?" tanong ko sa kanya. "Bakit di mo naubos 'yang burger mo?"


"Gusto mo ba?" alok niya sa akin ng kalahating burger.


Tumingin ako sa burger, at napalunok. Kahit bawas na ay ang saucy pa rin ng makapal na beef patty sa loob. Saka hindi pa pala ako nakakatikim ng Amazing Aloha Yamburger ng Jollibee. Puro cheeseburger yum at Champ Value Meal pa lang ang natitikman ko.


Ngumiti siya sa akin. "Ayaw mo ba? Masarap 'to."


Tumikhim ako para pawiin ang paglalaway ko. "Uhm, m-masarap ba talaga 'yan? Di mo nga naubos e."


"Nabusog ako sa tubig." Ang bote ng mineral water na nasa gilid niya ay ubos na. Malakas talaga siya sa tubig.


"S-sige akina. Kaysa masayang, pipilitin ko na lang kainin." Kinuha ko sa kanya ang burger. Nakangiti pa rin siya nang sumandal ulit sa sandalan ng driver's seat.


Habang kinakain ko ang burger ay patingin-tingin ako kay Jordan. Nilagay niya sa paperbag ang mga pinagkainan namin. Naglabas siya ng wipes at inabutan ako.


"Pa-gas lang ako," sabi niya at nag-drive papunta sa pinakamalapit na gas station.


Akala ko uuwi na pagkatapos kaya lang ay hindi. Hindi pabalik ng Pascam ang tinatalunton ng pagda-drive niya. Hindi na ako nagtanong dahil mukhang trip niyang mag-stroll saka tiwala naman ako sa driving niya.  Linggo rin naman bukas at wala pang pasok kaya okay lang mapuyat siya.


Papunta na kami ngayon ng Tanza. Dahil gabi ay kakaunti na lang ang kasabayan namin sa kalsada.


Dahil ang tahimik ay binuksan ko ang car stereo. Hindi na ako nagpaalam. Mayamaya ay may background music na, boses ni Britney Spears. Naka-throwback Saturday yata ang FM station.



♩ ♬

You tell me, you're in love with me
Like you can't take your pretty eyes away from me
It's not that I don't want to stay
But every time you come too close, I move away

I wanna believe in everything that you say
'Cause it sounds so good
But if you really want me, move slow
There's things about me, you just have to know

♪ ♫


Nakatingin ako sa labas ng windshield habang umaandar kami. Marahan akong tumatango-tango sa beat ng tugtog. Hindi na gaanong nakakailang dahil nga may ingay na sa paligid.


"Sometimes I run, sometimes I hide..." sabay ko nang mahina sa kanta. "Sometimes I'm scared of you. But all I really want is to hold you tight, treat you right, be with you day and night... Baby, all I need is time..."


Nang una mahina lang ang boses ko, kalaunan ay bahagya nang lumakas. May pakulot-kulot pa. Nang lingunin ko si Jordan sa manibela ay napapangiti na naman siya.


Dinuro ko siya. "Hoy, bawal kang ma-in love sa akin. May jowa na ako!"


Napailing naman siya pero nakangiti pa rin. "Don't you have an idea how cruel you are?"


Lumabi naman ako. "'Di ko alam. Ayaw ko ma-offend sarili ko."


Nakarating na kami sa Naic dahil nauwi na talaga kami sa joyride. Binuksan na namin ang mga bintana at pinatay ang AC ng sasakyan. Mas masarap ang hanging panggabi na galing sa labas.


"Uhm, Jordan..." Kinalabit ko siya sa braso.


"Yeah?" Nakatutok pa rin ang paningin niya sa daan.


"Kailan ba tayo uuwi? Baka hinahanap ka na sa inyo." Lumalalim na kasi ang gabi. Ang inaalala ko lang naman ay baka pagalitan na siya sa kanila. Dala pa man din niya ang kotse ng daddy niya.


Hindi siya sumagot kaya napanguso ako.


"Jordan, baka ako naman ang hinahanap ni Mommy. Uwi na tayo, sige na..."


Wala pa rin siyang sagot sa akin. Naiinis na ako kaya pinatay ko na ang car stereo.


"Ano ba? Wala ka bang balak na pauwiin ako?!" pangungulit ko sa kanya.


Lumingon siya sa akin at napalunok ako sa klase ng mga titig niya.


Makahuluhang ngumiti siya sa akin. "To be honest, I'm not sure."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

46.3M 1.2M 62
Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Montenegro, the mafia prince who fears ghos...
889 228 51
Simula ng makilala ni chichay si gabriel walang araw na hindi siya inaasar para sila mortal enemy, habang si gabriel tuwang tuwa nakikita niya si chi...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
21.2K 798 9
WARNING R-18: SENSITIVE THEMES AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK Sawang-sawa na sa buhay si Janica, at naisipan na niyang gumawa ng goodbye letter sa Eart...