Back in 1763

By midoriroGreen

136K 4.9K 926

Sa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni ACILEGNA STAR VILLANUEVA ay napagpasiyahan niyang magbakasyon mun... More

x
Bakasyon
Rafael A.P
Panaginip
Ang pagkikita
Yaya?
Polavieja-mansion
Dating Kasintahan
Hawak kamay
Ngiti
Bipolar
Painting
Dare to kiss him
His other side!
Radleigh Polavieja
Fuck You
Nagsisimula na
Still Radleigh
kapahamakan
Don Gustavo El Domingo
Ang Pagtakas
Ang Habulan Sa Gubat (1)
Ang Habulan sa Gubat (2)
Nagseselos
Isla
X
Isang Pangako
Buwan
Pagbabalik sa Kasalukuyan
Back in 1763
Pag-amin
Singsing
Kakampi
Pagsisisi
Plaza Ortiz
Parusa
Bangka
Adios Mi Amor

Art Exhibition

2.5K 120 169
By midoriroGreen

Pumikit ako ng mariin at hinayaan kong dumaloy ang mainit na luha sa aking mga mata. Pagdilat ng mga mata ko ay agad kong nakita ang mukha ng mga taong malalapit sa akin. Ang buong pamilya ko. Nakangiti silang lahat at masayang inaawit ng sabay sabay ang Happy Birthday song.

Napangiti na rin ako at napatingin sa pinsan kong si Cheena na may hawak na camera. Sumenyas pa ito sa akin at hindi itinago ang panunukso sa mga ngiti. Napailing na lang ako sa pinsan ko. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang puting panyo. Akala ng mga kasama ko ay tears of joy lang ito.

"Happy birthday Cilen."

Napatingala ako sa matangkad na lalaking lumapit sa akin na may hawak na maliit na chocolate cake na may candle pa sa gitna. Ngiting-ngiti si Arnold sa akin kaya sinuklian ko rin siya ng tipid na ngiti. Nakita kong napayakap si mama kay papa at pasimpleng nagpunas din ng luha.

"Salamat Arnold."

Nakilala ko si Arnold noong naospital ako sa Maynila. That was 5 years ago. Hindi naman siya ang doctor na naka-assign sa akin noon pero dahil sa madalas kong pagkatulala ay naisipan ng mga magulang ko na ipakonsulta ako sa isang psychiatrist. Si Dr. Arnold Alejandro ang tumingin sa kalagayan ko noon.

I was diagnosed with depression that time. Hindi ako nagkuwento tungkol sa lahat ng nangyari sa akin. Sa aking isipan ay alam kong walang maniniwala na nagtime travel ako.

"Doc napunta po ako sa past. Taong 1763 po iyon at nagpakasal po ako sa pinakagwapong lalaki nang panahong iyon."

Kapag sinabi ko ang mga katagang iyan ay sinong maniniwala? Wala! Sasabihan lang nila akong baliw at mas lalong malulungkot ang mga magulang ko.

Kaya sinarili ko na lang ang lahat. Binigyan ako ng mga gamot at regular na chinecheck ni Dr. Arnold. Mabait ang doctor at binata pa. Sa nakalipas na mga taon ay naging close siya sa pamilya ko at pati na rin sa akin.

Alam kong gusto siya ng pamilya ko para sa akin. Mabuti na lang at hindi naman nanliligaw ang binata sa akin dahil wala siyang aasahan. Friendship is all I can offer to all men. Isang lalaki lang talaga ang tanging ginusto ko. Pero hanggang alaala na lang ang lahat.

"Make a wish." Nakangiting nilahad sa akin ni Arnorld ang cake na may isang maliit na kandila sa gitna.

Naiilang ako dahil kakaiba ang ngiti niya at nakaporma pa siya ngayong gabi. At napansin ko rin na masyado siyang maasikaso ngayong gabi.

May bahagi ng puso ko ang nalulungkot at hinihiling na sana ay hindi totoo ang nasa isip ko. Arnorld is a good friend. At ayaw kong mabahiran ang kung ano mang mayroon kami ngayon.

Mabilis kong hinipan ang kandila ng hindi na nag-iisip ng wish. Mukhang nagulat naman ang binata pero agad ding ngumiti at lumingon sa likuran kung nasaan ang mga pinsan ko. Parang may silent agreement ang mga ito.

Hindi naman sa wala akong hiling. Sa totoo lang ay pareho lang ang hinihiling ko araw-araw. Birthday ko man o hindi. I wish to see him again. Miss na miss ko na ang asawa ko.

May kurot akong naramdaman na pinilit kong binabalewala ng naalala ko na naman ang mukha ni Radleigh.

Nakita kong kinuha ni Cheena ang maliit na cake kay Arnorld. Pagkatapos ay biglang natahimik ang lahat. Natigilan ako ng biglang mamatay ang ilaw.

Nawalan ng emosyon ang aking mukha ng naisip ang mga napansin kong kakaiba kanina. Bumukas ang ilaw pagkaraan ng ilang sandali at nakita ko kaagad ang nakaluhod na si Arnorld sa harapan ko.

Nakahawak ng isang bungkos ng bulaklak ang binata. Nababasa ko sa mukha niya ang saya. Para bang inaasahan na ng lalaki na hindi ako makakahindi sa sasabihin niya ngayon. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko.

Napatingin ako sa mga pinsan ko at sa mga magulang ko. All my family members are smiling. Suportado nila ang sorpresa ni Arnold sa akin.

Napatikhim muna ang binata bago nagsalita.

"Matagal na tayong magkaibigan Cilen. Kilala na ako ng pamilya mo at alam kong masaya ka tuwing kasama mo ako. Kaya naisip kong sorpresahin ka ngayong kaarawan mo." Kumikislap ang mga mata ni Arnorld habang nagsasalita.

Ako naman ay hindi makagalaw sa gulat. Ayaw kong tignan ang reaksiyon ng pamilya ko. Ayaw ko ring mag-isip. At ayaw kong gumalaw.

" Please be my girlfriend Cilen." Walang paligoy ligoy na sabi ulit ni Arnorld. Lalong lumawak ang ngiti ng lalaki ng makitang gulat na gulat pa rin ako.

He chuckled before talking again.

"I'm sorry natagalan akong magconfess sa iyo. Pero pangako na liligawan kita kahit tayo na. Sa nakalipas na mga taon naman ay parang nililigawan na rin kita hindi nga lang tayo opisyal na magkasintahan." Tumawa muli ang binata.

Napakunot ang aking noo sa huling sinabi niya at dahan-dahang napahinga ng malalim. Hindi ko inaasahang ganito pala ang iniisip ni Arnorld sa aming dalawa. Pagkakaibigan lang ang turing ko sa kaniya at akala ko ay ganoon din siya sa akin!

The worst part is he confessed infront of my parents. Naisip kong mapapahiya siya kapag direkta ko siyang tinanggihan. Nirerespeto siya bilang isang magaling na doctor at malapit siya sa pamilya ko.

Nalito ako kung ako ang gagawin ko. Napapikit ako ng mariin.

Radleigh I'm sorry.

Pakiramdam ko nagtataksil na naman ako. Ganito palagi ang nararamdaman ko kapag may nagtatapat ng nararamdaman sa akin. O kahit sa mga dating gustong manligaw na mga kakilala ko. I don't entertain them but still, kung nandito lang sana ang lalaking nagmamay-ari ng puso ko. Wala na sanang ganitong mga pangyayari.

Muli akong napatingin kay Arnorld na nakangiti pa rin sa akin.

Tapos tinignan ko rin ang pamilya ko na masayang nakaabang sa magiging desisyon ko. Siguro sa edad kong 25 at wala pa ring ipinapakilalang boyfriend o kahit manliligaw man lang ay gusto na rin nilang makita akong maging masaya.

Kung alam kaya nila na matagal na akong nagpakasal ay irereto pa kaya nila ako sa iba? Pero maniniwala ba sila sa akin kapag sinabi ko ang tungkol kay Rafael Radleigh Amadeo Polavieja?

"I'm sorry.." Nasambit ko ang mga katagang iyon para sa lahat. Kay Arnorld na isang mabuting kaibigan sa nakalipas na taon at sa buong pamilya ko na nais lang akong makitang maging masaya.

Napaatras ako ng biglang tumayo si Arnorld.

Naging hilaw ang ngiti niya at medyo namula ang mukha sa pagkapahiya. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya at saglit na naguilty.

"Acilegna!" Malakas na tawag sa akin ni mama.

Hindi ko na sila matignan. Napakasama ko bang tao na tanggihan ang isang kagaya ni Dr. Arnold? Pero hindi ko naman inaasahang may ganito pala siyang sorpresa. Sa birthday ko pa at sa harapan ng pamilya ko.

Pero paano ko sasabihing hindi ako puwedeng magpaligaw o magkaroon ng boyfriend dahil may asawa na ako at mahal na mahal ko pa?

"I'm really sorry Arnorld..You deserve someone who will love and cherish you truly." Hindi ako makangiti dahil sa nakikita kong reaksiyon ng kaibigan ko.

" D-Do you have someone in your heart that I didn't know?" Hindi makapaniwalang tanong ni Arnorld ng makabawi.

Malungkot akong tumingin sa kaniya at sa pamilya ko. Tumango ako bago napayuko. Narinig ko ang singhapan ng mga tiyahin ko. Maging si Cheena ay napatakip ng bibig at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"S-sino anak?" Si mama ang naunang nagtanong.

Hindi naman ako agad nakasagot.

Rafael Radleigh Amadeo Polavieja.

Gusto kong sambitin ang buong pangalan niya pero alam ko namang lalo lamang silang magtatanong sa akin kung sino siya. Naalala ko ang aming mga pangako sa isa't isa ni Radleigh. Ang puso kong wasak na wasak na ay patuloy pa ring nawawasak. Napakasakit. Bakit hindi ako nagiging manhid sa sakit na nararamdaman mo?

"You're lying." Mapait na nagsalita si Arnorld kaya natahimik kaming lahat.

Umiling ako sa kaniya at magsasalita na sana ng magpatuloy siya.

"I thought what we have is a mutual understanding. Label na lang ang kulang sa atin Cilen. Alam kong nagsisinungaling ka na may iba ka ng gusto kahit wala. Kilala kita at ako lang ang lalaking malapit sa iyo bukod sa mga pinsan mo. Lahat ng nanliligaw sa iyo ay binabasted mo!"

May nakita akong galit sa mga mata niya bago humarap sa mga magulang ko. Nahulog rin ang bungkos ng mga bulaklak na hawak niya dahil sa labis na emosyon.

"I'm going home for now. Shock pa ata si Cilen na nagconfess ako ngayon. Maybe tomorrow makakapag-isip na siyang mabuti." Pagkasabi ng lalaki sa mga magulang ko ay diretso na itong naglakad palabas ng hindi lumilingon.

Tahimik kaming lahat. Napatingin ako sa mga bulaklak ni Arnorld na nahulog sa lapag. Napabuntong-hininga ako at malungkot na nag-angat ng tingin.

Lumapit sa akin si mama at agad akong niyakap. Mahigpit naman akong yumakap sa kaniya pabalik.

"Pag-isipan mong mabuti anak. Mabait at may pinag-aralan si Dr. Arnorld. Bagay na bagay kayong dalawa." May panghihinayang sa boses ni mama na agad namang sinang-ayunan ng mga tiyahin ko.

Napatingin ako kay papa na tahimik lang. Ngumiti siya sa akin bago nagsalita.

"Happy birthday anak. Sundin mo kung ano ang gusto ng puso mo. I wish you only happiness." Lumapit sa akin si papa pagkatapos sabihin iyon at hinalikan ako sa noo. Niyakap niya kami pareho ni mama.

"Mahal na mahal ka namin Cilen. Gusto ko si Arnorld para sa iyo pero ikaw pa rin ang masusunod kung tatanggapin mo ba siya sa puso mo." Si mama ulit ng muling nagsalita.

Naluluhang napatango naman ako sa kanila. Sumali na rin ang mga pinsan ko sa paglapit sa akin. Dahil sa kanilang mataas na energy ay bumalik sa normal ang mood kanina.

Natapos ang birthday celebration ko ng maaga at okay lang naman iyon sa akin. Sa dami ng nangyari kanina ay parang nawalan na rin ako ng gana na ipagpatuloy pa ito kaso nag-effort naman ang buong pamilya sa pagluluto at ayaw ko namang sayangin iyon.

Nakaramdam ako ng guilt ng maalala si Arnorld. Nag-effort din naman ang binata at sa harapan pa ng parents ko nagtapat pero hindi ko talaga masusuklian ang feelings niya. At hindi ko rin gusto ang mga pinagsasabi niya kanina.

Hindi ko kailan man siya binigyan ng kahit na anong motibo na gusto ko siya ng higit pa sa pagkakaibigan. Tama siyang lahat ng manliligaw ko ay binabasted ko at siya lang ang lalaking kaibigan ko bukod sa pinsan kong lalaki na si Jonas. Pero hanggang doon na lang iyon. Walang ibang kahulugan.

Sa tono pa ng boses niya kanina ay parang inaasahan niyang magbabago pa ang aking pasya kinabukasan. Pero hinding hindi magbabago ang aking pasya.

Sa puso at isipan ko ay isa lang ang nakatatak. Magdaan man ang maraming taon ay isa lang ang iibigin ko. Hindi ako makakalimot at kahit hanggang alaala na lang ang lahat ay babalik-balikan ko pa rin ang lahat.

Marami ang sumubok na nanligaw sa akin. Lalo na noong nag-aaral ako ng kolehiyo sa UP. Fine arts ang kurso ko at karamihan sa mga kaklase kong lalaki ay nagpapalipad hangin o di kaya ay nanliligaw. Pero lahat sila ay walang napala sa akin.

I must be really crazy to think that I'm cheating on Radleigh everytime someone wants to court me. Pero iyon talaga ang nararamdaman ko.

Last year pagkagraduate ko ay nagsimula ako ng aking sariling art studio. Gamit ang perang naipon ko sa mga paintings na naibenta ko habang nag-aaral ay naipatayo ko ang aking dream studio.

Next week would be my first art exhibition at kinakabahan na ako para doon. Puro classic arts, historical themes at Filipino culture during Spanish era ang tema ng mga paintings ko.

Kung mayroon mang isang bagay na nakakapagpagaan sa aking kalooban sa tuwing dindalaw ako ng kalungkutan ay ang pagpinta iyon. Lahat ng pangungulila at sakit ay ibinubuhos ko sa aking mga pinipintang larawan.

Karamihan sa mga buyers ay palaging pinupuri ang emosyong nakapaloob sa aking mga obra. My clients are mostly socialites na gustong magcollect ng mga classic paintings and historical paintings . May mga foreigners din na handang magbayad ng kahit anong presyo.

Pero may isa akong kliyente na palaging binibili ang mga obra kong may mahal na presyo. At pati na rin ang mga paintings ko na hindi hindi nasold out ay palagi niyang binibili.

Mula pa noong college pa lamang ako ay siya na ang una kong naging costumer. She actually encouraged me to sell my paintings and make a living out of it.

Hindi ko pa nakikita si Ma'am Leigh pero palagi siyang tumatawag kapag bibili siya ng mga painting. Nakatira kasi ito sa Spain kasama ang buong pamilya nito. Nakita daw nito sa social media ang mga paintings ko at akala nitong for sale iyon kaya nag-offer agad sa akin ng malaking halaga. Ginamit ko lang naman na profile picture ang isang painting ko 5 years ago at nagulat ako na nagmessage siya sa akin. I even thought na scam iyon pero hindi pala.

Next week ay makikita ko na si Ma'am Leigh. Dadalaw daw kasi ito sa Pilipinas kasama ang buong pamilya nito. At dadalo siya sa aking art exhibit next week!

Pinilit kong matulog ng gabing iyon. Marami pa akong kailangang gawin kinabukasan. Bago ako pumikit ay naisip ko ulit ang mukha ni Radleigh.

It's been 5 years. Limang taon na lumalaban ako para maipagpatuloy ang buhay. Limang taon na pinipilit kong isipin na balang araw ay muli ko rin siyang makikita. Kahit sa aking mga panaginip na lang sana.

A tear fell from my left eye. Napakasakit lang na kahit sa aking mga panaginip ay napakailap ng aking mga hiling. Palagi ko mang napapanaginipan si Radleigh ay palaging ang huli naman naming pagkikita kung saan kitang-kita ko ang nakaukit na sakit sa kaniyang luhaang mga mata. Inaabot ko ang mga kamay niya pero palagi siyang hinihila ng mga alon palayo sa akin.

Hanggang sa nagigising na lang ako na umiiyak sa kalagitnaan ng gabi. I will cry silently inside my room. At kapag hindi na ako nakakatulog muli ay binabalikan ko ang mga alaalang nakaukit pa rin sa puso at isipan ko.

Lumipas na ang dalawang linggo pagkatapos ng aking kaarawan. Hindi ko namalayan ang paglipas ng araw kagaya ng mga nakaraang taon. Parang pare-pareho lamang ang lahat ng nangyayari. Kailangang bumangon at lumaban sa buhay kahit nakakatamad na.

Mabuti na lang din at wala namang nangyaring hindi maganda sa nakalipas na mga araw.

"I'll attend a seminar for physicians in Japan tomorrow. Mag-usap tayo pagbalik ko."

Iyon ang mensahe ni Arnorld noong nakaraang araw. Pero hindi ko na masyadong pinagtuonan ng pansin.

I'm very busy with my paintings. Unang art exhibit ko ito kaya talagang pinaghahandaan ko. At sinabi ko na ang dapat kong sabihin kay Arnorld. Pero dahil kaibigan ko siya at naging maganda naman ang pakikitungo niya sa akin sa nakalipas na mga taon ay pakikinggan ko kung ano ang gusto niyang sabihin.

Sa araw ng aking art exhibition ay sobrang kinakabahan at excited ako. Malaki ang nagastos ko sa lahat lahat pero alam kong worth it naman sa huli.

Maraming mga sikat na personalidad ang dumalo sa exhibit. May mga media ring nagcocover sa mga nangyayari.

I'm wearing a semi-formal spaghetti strap dress paired with my black ankle strap sandals. Nakangiti akong bumabati sa mga bisita.

Some were really well known personalities, politicians and people in the business industry. Mayroon din namang mga simpleng tao lang kagaya ko na mahilig talaga sa historical and classic paintings.

Nagmistulang isang magarang lugar ang aking art gallery. Lahat ng mga paintings ko ay naka display. May mga paintings ako na hindi ko ibinebenta at para sa mata lang ng lahat.

Kagaya ng painting na kinagigiliwan ng isang sikat na blogger kanina lang. It was a painting of a couple from the Spanish period. The couple are facing the sunset while on a simple boat. Parehong nakasuot ng magagarang mga damit ang dalawa. Parehong nakaside view at nasisinagan ng sikat ng araw kaya hindi mamumukhaan agad kung hindi paulit-ulit na tignan at ikumpara sa kung sino mang kamukha ng mga ito.

Kanina pa ako binabati ng lahat. My family are all proud of me. I keep on saying my humble thank yous to everyone who congratulated me.

Ako lang kaya ang nakararamdam ng ganito? Masaya ako na maganda ang kinalabasan ng pinili kong karera. Masaya ako na okay ako. Pero hanggang doon na lang ang lahat. Parang okay lang ako kasi okay ang nangyayari sa akin. May pera ako. May magandang kinabukasan. Pero may kulang pa rin. Namimiss ko ang simpleng buhay na dati ay ayaw na ayaw ko.

Ang simoy ng preskong hangin. Ang maagang pagtulog. Ang maagang gising dahil sa tilaok ng mga manok. Ang simpleng mga kasuotan pero napaka-elegante at malakas ang dating. Ang mga ngiti at simangot ni Radleigh. Ang boses niyang malamig at buong buo sa pandinig ko. Ang mainit niyang yakap at mga halik.

Oh how I wish I could experience those things again.

"I'm sorry I'm late dear." May isang malambing na boses ng babae ang nagsalita sa likuran ko. Paglingon ko ay agad nanlaki ang mga mata ko.

"Ma'am Leigh?"

Nakita ko ang isang mestisang babae na nasa early 50s ng lumingon ako. Muntikan na akong matigilan ng ngumiti siya dahil sa mga mata niya na parang may kapareho.

Pinilig ko ang ulo ko at agad na ngumiti ng mahimasmasan.

"I'm Leigh. Oh I'm such a fan dear." Nag-abot ng kamay ang magandang ginang sa akin.

Agad naman akong nakipag-kamay at masayang inentertain si Ma'am Leigh. Kung gaano siya kafriendly a kabait sa aming mga zoom at online interaction ay walang pinagbago sa personal. She's very bubbly and intelligent to talk with. No idle and awkward moments at all.

"Thank you for coming. I've been excited to meet you personally." Magalang akong ngumiti sa kaniya.

Namamanghang inilibot naman nito ang buong tingin sa paligid.

"No iha. It's my pleasure to come here. My god I can buy all your paintings. All of it are worth it." May kumislap na paghanga sa mga mata ng ginang ng mapatingin sa mga paintings na tao ang modelo ko.
May kakaiba rin doon. It's like a mixture of curiosity and sadness na agad ding nawala.

"I'm sorry to disappoint you Ma'am. But some of the paintings are really not for sale." Umiling ako sa ginang na ngumiti lang sa akin at tumango.

"Of course dear. Halika at marami kang dapat ikuwento sa mga gawa mo. Simulan natin doon." Masayang inakay ako ng ginang sa painting ko noong college ako.

Napangiti ako habang ipinapakita ko sa kaniya at sa iba ang isang magandang talon. I can still remember how Radleigh and I took a bath on that beautiful falls. At noong nakaharap ko si Mayumi na tauhan ni Don Gustavo. Pero siyempre ay hindi iyon ang kinuwento ko sa mga tao.

I just tell them how I got to paint that beautiful part of nature.

"It's beautiful. I think I've seen it before although it looks a bit different." Napakunot ang noo ni Ma'am Leigh kaya napatingin ako sa kaniya.

Tumawa siya sa akin bago umiling.

"Parang kapareho ng isang falls sa isa naming resort iha. Pero alam kong hindi ka pa nakakapunta roon kaya hindi rin. And besides marami ng mga naidagdag sa Mi Amor falls kaya.." nagkibit balikat ang ginang sa akin.

Ako naman ay halos manlamig sa binanggit niyang lugar.

Mi amor.. mi amor.. Acilegna! Mi amor..

Paulit-ulit kong narinig ang pamilyar na boses na kapag tinatawag ako sa paborito kong endearment niya sa akin ay napakalambing.

Pinilit kong bumalik sa reyalidad. Nakita kong nagpatuloy ang mga komento ng mga tao. All positive kaya nakakagaan ng pakiramdam.

May nahagip ang paningin ko na bagong pasok sa aking gallery.
Holding a bouquet of fresh flowers is the familiar face of Dr. Arnold Alejandro. Mukhang tuwang-tuwa siya na naagaw niya ang atensyon ng lahat.

Natigilan ako at napatigil sa paghinga ng ilang saglit. Hindi dahil sa bagong dating na kaibigan kundi sa isa pang lalaking naaninag ko sa labas ng salaming pintuan. Nang mabuksan ang sliding door ay saglit kong nakita ang isang lalaki sa labas.

Nakatalikod ang lalaki at nakahawak sa cellphone na parang may kausap.
Lumakas ang pintig ng puso ko at parang may nabuhay na kaunting liwanag.

Napakurap ako at napasinghap ng matakpan ang tinitignan ko sa labas. Ang mga bulaklak na galing kay Arnold na ang nakikita ko ngayon.

Wala sa sariling gumilid ako para makita ang lalaki sa labas at napaurong ako ng magtama ang mga mata namin.

Radleigh!

"Cilen what's wrong?" Arnorld smile faded as he watch my horrified expression.

Napapikit ako saglit at pagmulat ko ay nakita ko ang mukha ng mga malapit sa akin na nagtataka. Pinilit kong ngumiti sa kanila at muling tumingin sa labas. Tanging mga sasakyan na lang ang nandoon. Walang tao!

Of course! Hallucinations ko na naman ang lahat. Anong gagawin ni Radleigh sa panahon ko di ba? Tapos nakasuot pa ng tuxedo. Umaasa na naman ako. Shit ang sakit.

Tinanggap ko ang bouquet ni Arnorld na halos ipagduldulan na sa mukha ko. Medyo nairita tuloy ako pero dahil may manners naman ako ay ngumiti na lang ulit ako.

Smile even if everything is not alright. Damn true.

"Salamat. Kailan ka dumating?" Nag-excuse ako kina Ma'am Leigh na nakataas ang kilay na nakatingin kay Arnorld at sa mga bulaklak niya. May nababasa akong disgusto at disappointment sa mga mata niya. Kung para saan ay hindi ko alam.

"Kanina lang. Congratulations. I took the earliest flight for you Cilen. I love how speechless you are kanina. Namiss mo ba ako hmm?" Malambing siyang lumapit sa akin kaya agad akong lumayo.

Tangina naman. Kinikilabutan ako sa paglalambing nito. Kaibigan nga lang di ba? Ang hirap kayang intindihin iyon?

Napaubo sa gilid si Ma'am Leigh na lumapit pala sa amin.

"Excuse me Acilegna dear. Pero magpapaalam na sana ako. Babiyahe pa kasi kami ng anak ko patungo sa La Union. I'm really happy to be here. My assistant will stay para sa negotiation sa mga bibilhin kong paintings."

Oh ang bilis naman ata ni ma'am. Parang kanina lang gusto pang isa-isahin ang mga paintings.

Pero naiintindihan ko naman. Marami silang resorts sa Pilipinas at sa Spain. Mayroon din sila sa La Union.

Isang kakaibang lungkot ang naramdaman ko ng mabanggit ang lugar na malapit sa puso ko.

"Oh okay po. Maraming salamat po talaga." Lumapit ako sa kaniya.

"I'm sorry naistorbo ko kayo ng boyfriend mo. Kailangan ko lang talaga magpaalam. Kanina pa tawag ng tawag ang unico hijo ko. Mukhang iritado na naman." A soft and knowing smile is plastered on her lips.

"Ah kaibigan ko lang po si Dr. Arnold Alejandro. Ah hindi ko po boyfriend." Nahihiya kong pakilala sa kaibigan. How rude of me not to introduce my friend. Mabilis ko kasi siyang kinausap kanina palayo sa iba dahil nakuha niya ang atensyon ng lahat ng bigla na lang siyang dumating na may pabulaklak pa.

"Oh. My bad iho. Kaibigan ka lang pala." Ngumiti si ma'am Leigh kay Arnorld na mukhang masama ang loob na pinakilala ko siyang kaibigan. Eh sa ganoon naman talaga.

"Manliligaw po ako ni Cilen madam. At soon to be.. alam niyo na po iyon." Biglang bawi ni Arnorld kaya nawala ang ngiti ni ma'am Leigh.

Magsasalita na sana ako para itama ang sinabi ni Arnorld pero biglang nagsalita si ma'am Leigh sabay tapat ng cellphone niya sa bibig.

"Pabalik na ako anak. Narinig mo naman nagpaalam na ako dito. Okay wait for me na lang sa car." Ngumiti si ma'am Leigh sa akin at agad nagbeso para magpaalam.

Bago siya umalis ay may ibinigay siyang isang card sa akin. Isang invitation para sa 3rd anniversary ng isang sikat na island and resort sa La Union! Mabilis ko naman iyong kinuha at nagpasalamat. Nilagay ko ang binigay niya sa aking purse. Not wanting to think about the place that I miss the most. I don't think I'm ready to go back now. Pero ayaw ko namang biguin ang isang matagal ng kliyente at tagahanga. Sinabi nitong tatawag tungkol sa engrandeng event na iyon kapag hindi na daw ako busy. Tumango naman ako bago nagpasalamat ulit at hinatid siya sa pintuan.

At isa pa nakakahiya ang nangyari kanina . May kausap pala siya sa cellphone niya habang nag-uusap kami at kung ano-ano pa ang sinasabi ni Arnorld dito. It must be her son huh? Narinig ng anak ni ma'am Leigh ang mga pinagsasabi ko.

Malamig na nilingon ko si Arnorld ng makaalis si ma'am Leigh.

"I don't like what you are doing Arnorld." Mabilis kong sinabi. "Please itigil mo na ito."

May dumaang pagkapahiya sa mukha ng lalaki kaya medyo kinalma ko ang sarili ko.

"I'm sorry. My answer will always be the same. Kaibigan lang talaga kita. And I really mean it." Ngumiti ako sa kaniya. Ngiting pormal. Bago tumalikod at ibinigay sa isa sa mga tauhan ko sa gallery ang bouquet.

"Bahala ka na diyan Cindy. Kung gusto mo sa iyo na lang." Pagkasabi ko ay bumalik na ako sa pag-asikaso sa mga bisita ko.

Kinapa ko sa purse ko ang invitation card na binigay ni ma'am Leigh kanina. Nakatatak doon ang bold letters at golden logo ng isla. Mi Amor Island and Resort.

Napakunot ang aking noo. Something familiar hit my heart.

Mi amor island huh? Napakuyom ang kamao ko ng umatake ang pamilyar na sakit sa puso ko.

I'm not yet ready to go back in La Union. Pero hanggang kailan ako tatakas sa katotohanan? Dapat na ba akong muling bumalik doon?
Malungkot akong napatanaw sa labas ng sasakyan ko. My art exhibit is a hit. Lahat ng paintings ko na for sale ay naibenta. At marami ang mga nagsabing bagong fan na daw sila.

Pero may isang pangyayari kanina ang patuloy na gumugulo sa isipan ko. Guni-guni ko lang ba ang lalaking kamukha ni Radleigh sa labas kanina? Oh my! Sobrang lakas ng pintig ng puso ko tuwing naaalala ko ang saglit na pagtama ng mata niya sa akin.

Hindi ako lumabas kahit gusto ko ng tumakbo palapit para makita kung totoo siya o hindi. Pero pinangunahan ako ng takot. I know it's my imagination again. Umaasa na naman ako. It's been 5 years pero nandito pa rin ako. Successful na at hinahangaan pero ang puso at isipan ko ay nasa nakaraan pa rin.

Sumandal ako sa aking sasakyan at napapikit. I typed my message to ma'am Leigh and then I pressed the send button.

Nagreply naman agad siya. She's very happy that I will go to their island and Resort. Ako naman ay napabuntong-hininga at pilit inaalis sa isipan ko ang gwapong mukha ng nakaformal attire na kamukha ni Radleigh kanina na alam kong gawa gawa ng aking imahinasyon.

A/N
Ayaann sobrang tagal ng update sorry na hehe. Hindi pa po ito tapos.. maybe kaunting chapters pa. 😘

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...